18
Pagpapahalag a sa Komiks at Pelikula

Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

Pagpapahalaga sa Komiks

at Pelikula

Page 2: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

Pinatibok Mo Ang Puso Ko

ni Robert Rosales

Page 3: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

Buod ng KathaSa isang village sa Makati nakatira sina Ruel at Lerma. Si Ruel ay isang binatang nakatapos sa kolehiyo at may magandang trabaho sa malaking kompanya, samantalang si Lerma naman ay isang babaing tinaguriang “Woman of the 90’s” dahil siya lang ang babaeng naging matagumpay sa lahat ng mapasukang trabaho. Sa kasalukuyan, mayroon siyang sarili at simpleng negosyo, ang pagawaan ng mga textile.

Page 4: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

Minsan, nagkita ang dalawa habang papalabas sila ng tahanan upang pumasok sa trabaho. Nagkatitigan ang dalawa at nagkakilanlan. Alam ni Ruel na si Lerma ay parating hatid-sundo ng kanyang boyfriend. Noong una ay masaya si Lerma sa kanyang boyfriend. Halos araw-araw ay magkasama ang dalawa, lumalabas, nanonood ng sine at kumakain sa restaurant. Ngunit, nang natuklasan ni Lerma na pinagtataksilan siya ng kanyang boyfriend ay nakipagkalas siya rito at nagsimulang lumungkot ang takbo ng kanyang buhay.

Page 5: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

Ang muling pagkukurus ng daan ni Lerma at Ruel ay nagbibigay-daan sa binata upang mapansin ang kagandahan ni Lerma. Nang malaman niya na nakipagkalas si Lerma sa dating kasintahan ay nagpasimula siyang ligawan ang dalaga. Hindi naging madali ang panliligaw ni Ruel sapagkat naging matigas na ang puso ng dalaga dahil sa sinapit sa dating kasintahan. Matagal na namintuho si Ruel sa dalaga hanggang isang araw ay tatlong linggong hindi nagpakita si Ruel kay Lerma.

Page 6: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

Napag-alaman ng dalaga na nagkasakit ang binata dahil sa pagkabigo sa pag-ibig. Nang una ay nag-agam-agam si Lerma sa pag-ibig ni Ruel ngunit ng lumaon ay hindi na siya nakatiis at pinuntahan niya ito. Tinimbang niya ang kanyang sarili kung handa na niyang tanggapin ang binata. Sa wakas, nagtagumpay din si Ruel at tinanggap ni Lerma ang kanyang pag-ibig.

Page 7: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

Kahulugan ng Pamagat :Ang pamagat na “Pinatibok Mo Ang Puso ko…” ay isa sa mga pahayag na binitawan ni Lerma. Ipinahihiwatig ng pamagat ang muling pagbubukas ng damdamin ni Lerma upang tumanggap ng isang bagong pag-ibig sa katauhan ni Ruel. Sa istoryang pansamantalang pininid ng dalaga ang kanyang puso dahil sa malabis na sakit na ibinigay ng kanyang dating kasintahan. Nagawa ni Ruel na mapaibig si Lerma dahil sa katapatan ng kanyang nadarama para sa dalaga.

Page 8: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

Pagsusuri :Uring Pampanitikan

Komiks – ang komiks ay isang uri ng babasahin na nakaaliw, nakalilibang at halaw sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao. May dalawang uri ng komiks. Ang komiks na pambata at pandrama. Ito’y masasabing magasin na may larawan na iginuhit at may salitaan. Sa pamamagitan ng iginuhit na larawan at salitaan madaling mauunawaan ng mambabasa ang kuwento.

Page 9: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

PaglalahadTradisyunal ang ginamit na paraan ng awtor upang ilahad ang pagkakasunod-sunod ng akda. Hindi ito gumamit ng “flashback” kundi ang daloy ay mula sa simpleng panimula hanggang sa pakomplikadong paran.

Page 10: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

Mga Tayutay• Bakit may lungkot ka sa iyong mga mata?

- Pagsagusay / Pagtatanong - Nagtatanong na di naghihintay ng kasagutan.

• Kagaya mo rin si Bien parang maamong tupa.

- Pagtutulad / Simili- Paghahambing ng dalawang

magkaibang tao, bagay at pangyayari sa kinahinatnan ni Ruel. Nag-akala si Lerma na gaya rin ni Bien ang pag-uugali ni Ruel.

Page 11: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

• Bakit ngayon ko lang nabatid na napatibok mo palang muli ang puso ko?- Pagtatanong / Retorikal Kuwestiyon- Ito ay higit na mabisa kaysa sa pagpapahayag na karaniwan lamang. Sa ganitong sitwasyon nasambit sa sa isipan ni Lerma na napatibok ni Ruel ang puso ni Lermang bato.

• Hindi na magbabago ang pasya ko, kaya nakikiusap ako na huwag mo na akong gambalain.- Pagtanggi / Lilotes- Ang pagpapahayag na ito ay ginagamitan ng pangging HINDI upang bigyang diin ang makahulugang pagsang-ayon sa isinasaad.

Page 12: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

Mga Pansin at PunaMabilis ang daloy ng istorya kahit pa tradisyunal ang paraan ng pagkakalahad. Mapaiibig ka nang labis kay Ruel dahil sa malabis na pag-ibig na inukol niya kay Lerma. Pawang nasa realidad ang istorya na ipinakita sa mga papel na ginampanan nina Lerma at sinumang mambabasa ay tiyak na maaantig sa mga palitan ng pahayag. Ang mga tayutay ay lubhang nakapagpapakilos ng imahinasyon, dahilan upang ang isang mambabasa ay magpatuloy sa pagbasa at di makadama ng pagkabagot.

Page 13: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

Teoryang Napapaloob sa

Akda

Page 14: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

RomantisismoSa teoryang ito ay higit na

pinangingibabaw ang damdamin ng mga tauhan kaysa isipan. Pinangibabaw ni Ruel ang pag-ibig niya kay Lerma na sukdang siyay’y nabigo sa pag-ibig nito ay patuloy pa rin siyang nanuyo.

Page 15: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

RealismoPinalutang dito ang totoong nangyayari sa tunay na buhay. Hindi laging masaya ang buhay ng isang mangingibig. May mga panahon ding kabiguan ang nadarama. Sa nangyari sa mga pangunahing tauhan, ipinakita ang ginampanang papel ni Ruel na may mga lalaking pa ring malabis magmahal, samantalang ang katauhang ginampanan naman ni Lerma ay nagpakita na kahit pa matigas ang damdamin ng isang babae ay maaari itong mapalambot ng isang matiyaga at tunay na mangingibig.

Page 16: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

Bisang Pampanitikan• Bisa sa Isip

Umantig sa isipan ko ang habag at tuwa dahil sa una, si Ruel ay labis ang pag-ibig kay Lerma at tuwa dahil binigyan naman ng kasagutan ang pag-ibig ni Ruel.

Page 17: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

• Bisa sa DamdaminKung sa akin magaganap ang pangyayaring ito ay

kailangan kong maging matatag at nang hindi magpatalo sa damdamin, lalo’t maling pag-ibig.

• Bisa sa KaasalanKapag nasaktan ka huwag mong pipigilin o

kalilimutang iparamdam ang sakit sa mahal mo sa buhay.

Page 18: Pagpapahalaga sa Komiks at Pelikula - Filipino V

Inihanda ni :

Zamora, Karen Jean P.