21
Ang Paglilitis at Hatol kay Rizal

Paglilitis kay Rizal

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Paglilitis kay Rizal

Ang Paglilitis at Hatol kay Rizal

Page 2: Paglilitis kay Rizal

Nalaman ni Rizal sa isang opisyal na siya ang sinisisi ng mga Espanyol ukol sa nagaganap na madugong himagsikan sa Pilipinas. Nadawit siya bilang kapangkat at kapanalig ng mga nag-aalsa. (KKK).

Ang mga Kaso ni Rizal:KonspirasyonRebelyonSedisyon Bapor Colon- dumaong sa Maynila noong Nobyembre 3, 1896.

Fort Santiago-dinala si Rizal.

Page 3: Paglilitis kay Rizal

Nobyembre 20 at 21, 1896- nagkaroon ng paunang pagsisiyasat.

Miguel Perez- eskribyente ng hukuman - tumulong sa Imbestigador na opisyal ng

Hukumang Militar ng Kwartel Heneral sa pagsisiyasat.

Koronel Francisco Olive- Huwes o imbestigador na opisyal ng Hukumang Militar.

Page 4: Paglilitis kay Rizal

Disyembre 2, 1896 - ang naging bunga ng pagsisiyasat ay ipinadala ni Gobernador Heneral Ramon Blanco kay Rafael Dominguez na tanging Huwes-Panghukbo.

Page 5: Paglilitis kay Rizal

Kabuuang ibinigay ni Rafael Dominguez batay sa mga patotoong testimonyal at dokumental laban kay Rizal:

“Lumalabas na si Jose Rizal Mercado, ang nasasakdal, ang siyang pangunahing tagapagtatag at buhay na kaluluwa ng insureksyong Pilipino, ang tagapagtatag ng mga samahan, pahayagan, at librong nag-papaapoy at nagpapalaganap ng mga ideya hinggil sa rebolusyon.”

Page 6: Paglilitis kay Rizal

Nicolas dela Peña- Hukom ng Hukbo - ipinasya ang mga sumusunod na rekomendasyon matapos basahin ni Rafael

Dominguez ang akusasyon kay Rizal:ang nasasakdal ay litisin,ikulong,samsamin ang mga ari-arian katumbas ang isang milyong multa,at ipagtanggol sa hukuman ng isang opisyal ng hukbo.

Pinunong Tagasiyasat- inatasang sabihin kay Rizal na pumili sa listahan na mayroong 106 na mga pangalang na maaaring tagapagtanggol niya.

Luis Taviel de Andrade- Unang Tenyente ng Artilyero

- piniling maging tagapagtanggol ni Rizal noong Disyembre 10, 1896.

Disyembre 11- humarap sa Fort Santiago si Rizal para sa pormal na pagbasa ng mga sakdal laban sa kanya.

Page 7: Paglilitis kay Rizal

Disyembre 11- binasa kay Rizal ang mga sakdal laban sa kanya sa harap ng kanyang tagapagtanggol sa Fort Santiago.

Page 8: Paglilitis kay Rizal

Gobernador Heneral Camilo G. de Polavieja - ang pumalit kay Gobernador Blanco (sinasabing mas makatao kesa kay Polavieja) noong Disyembre 13, 1896.

Page 9: Paglilitis kay Rizal

Disyembre 15- gumawa si Rizal ng isang pahayag na sinulat niya sa loob ng kanyang bilangguan sa Fort Santiago.

Nobyembre 3-Disyembre 29, 1986- nanatili si Rizal sa loob ng kanyang selda sa Fort Santiago.

Page 10: Paglilitis kay Rizal

Ang Manipesto ni Rizal sa Taumbayan

Isinulat niya ito dahil gusto niyang ibahagi sa taumbayan na makakamit lang natin ang kalayaan sa pamamagitan ng edukasyon at pagsisikap. Sinasabi rito na ikininagulat niya na ang ngalan niya ang naging pamansag ng ilang mga rebolusyon.

Nililinaw din dito na tinutulan na niya ang balak ng rebolusyon dahil hindi pa raw tayo handa para dito.

Page 11: Paglilitis kay Rizal

Nicolas dela Peña- nagrekomenda kay Gob. Camilo Polavieja na huwag ilathala ang pahayag ni Rizal.

Disyembre 25, 1896- pinakamalungkot na pasko ni Rizal.

Tenyente Luis de Andrade- ay sinulatan ni Rizal, sinabi niya sa liham na hihintayin niya ang tagapagtanggol nang umagang yaon sapagkat may mahalaga siyang sasabihin, at binate niya ng “Maligayang Pasko”.

Page 12: Paglilitis kay Rizal

Ang Paglilitis kay Rizal

- isang patunay ng kawalang-katarungan ng mga Espanyol.

Ika-8 ng umaga, Disyembre 26, 1896 sa “Cuartel de España”, ay sinimulan na ang paglilitis.

Page 13: Paglilitis kay Rizal

Mga Miyembro ng Hukumang-Militar:

- Ten. Kol. Jose Togores Arjona (pangulo ng lupon)

- Kapt. Ricardo Muñoz Arias

- Kapt. Manuel Reguera

- Kapt. Santiago Izquierdo Osorio

- Kapt. Braulio Rodriguez Nuñez

- Kapt. Manuel Diaz Escribano

- Kapt. Fermin Perez Rodriguez

Pitong miyembro ng hukumang militar ang nakaupo sa tapat ng mahabang mesa’t nakauniporme.

Page 14: Paglilitis kay Rizal

Mga Tauhan sa Hukuman

- Dr. Jose Rizal (Ang akusado)

- Ten. Taviel de Andrade (Tagapagtanggol ni Rizal)

- Kapt. Rafael Dominguez (Huwes Tagapagtanggol)

- Ten. Enrique de Alcocer (Tagapag-usig)

*Kasama rin dito si Josephine Bracken,

*isang kapatid na babae ni Rizal,

*mga manonood, mamamahayag at maraming Kastila.

Page 15: Paglilitis kay Rizal

Simula ng Paglilitis

- Ang akusado ay iginapos mula siko pa-siko, ngunit siya ay nanatiling kalmado.

- Ang Huwes Tagapagtanggol na si Kapt. Dominguez ang siyang nagpaliwanag sa hukuman ng kaso laban kay Rizal.

-Si Ten. Alcocer, taga-usig, ang siyang nagbigay ng talumpati ng buod ng kaso ni Rizal at sinasabing karapat-dapat na siya ay patawan ng kamatayan.

Page 16: Paglilitis kay Rizal

Tatlong sakdal kay Rizal: Pag-aalsa o rebelyon Sedisyon Konspirasyon o sa pagbuo ng mga samahang ilegal.

Batay sa batas ng mga Kastila ang parusa sa pag-aalsa o rebelyon at sedisyon ay mula sa pagkabilanggo habambuhay hanggang kamatayan. At sa konspirasyon naman o pagbuo ng illegal na samahan ay pagkabilanggong

koreksyonal at pagmumulta ng mula 325 peseta hanggang 3,250 peseta.

- Si Ten. Taviel de Andrade, tagapagtanggol ni Rizal, ay nagbahagi ng madamdaming talumpati upang ipagtanggol si Rizal.

*Ngunit, pasok-labas lang sa tenga ang hukom dahil sa sila ay may napagdesisyunan na hatol bago man magsimula itong paglilitis.

Winakasan niya ang kanyang pagsasalita sa pasasabing “Ang mga hukom ay hindi na dapat maging mapaghiganti manapa’y dapat maging makatarungan.”

Page 17: Paglilitis kay Rizal

Pagtanggol ni Rizal sa Sarili

- pinatunayan ni Rizal na siya ay inosente sa pamamagitan ng 12 puntos:

1) Wala siyang kaugnayan sa rebolusyon dahil siya mismo ang nagpayo kay Dr. Pio Valenzuela noon sa Dapitan na huwag na silang mag-aklas

2)Hindi siya nakipagsulatan sa mga elementong radikal at rebolusyonaryo.

3) Ginamit ng mga rebolusyonaryo ang kanyang pangalan nang hindi niya alam. Kung siya’y maysala, disinsana’y tumakas siya sa Singapore.

Page 18: Paglilitis kay Rizal

4) Kung may kaugnayan siya sa rebolusyon, disinsana’y tumakas siya sakay ng isang vintang Moro at di nagpatayo ng tahanan, ospital, at bumili ng lupain sa Dapitan.

5) Kung siya ang pinuno ng rebolusyon, bakit hindi siya kinonsulta ng mga rebolusyonaryo?

6) Inamin niya na siya ang sumulat ng Konstitusyon ng La Liga Filipina ngunit ito ay pansibikong asosasyon at hindi isang samahang pangrebolusyon.

7) Hindi nagtagal ang La Liga Filipina sapagkat pagkatapos ng unang pulong ay pinatapon na siya sa Dapitan.

Page 19: Paglilitis kay Rizal

8) Kung muling nabuhay ang La Liga pagkaraan ng siyam na buwan, hindi niya alam.

9) Hindi itinataguyod ng La Liga Filipina ang mga simulain ng mga rebolusyonaryo. Kung hindi, sana’y di na itinatag ang Katipunan.

10) Ang dahilang ng mapapait na komentaryo niya ay dahil noong 1890, ang kanyang pamilya ay inuusig, kinukumpiska ang bahay, bodega, lupain, atbp., at ang kanyang kapatid na lalaki at mga bayaw ay ipinatapon.

11) Ang buhay niya sa Dapitan ay kapuri-puri kahit itanong pa sa mga komandenteng naroon at sa mga misyonerong pari.

12) Noong siya ay nagtalumpati sa bahay ni Doroteo Ongjunco, hindi totoong pinukaw ng kanyang talumpati ang rebolusyon. Alam ng mga kaibigan niya na tutol siya sa armadong rebolusyon. Kaya bakit nagpadala ang Katipunan ng isang sugo sa Dapitan na hindi niya kakilala? Dahil ang mga kakilala niya ay alam na hindi siya payag sa anumang kilusang marahas.

Page 20: Paglilitis kay Rizal

- Ang mga pagsamo ni Rizal ay hindi na pinakinggan ng Hukom, dahil may pinapanigan na silang desisyon.

- Pinalabas na ang mga tao sa hukuman at ipinalalagay ni Ten. Kol. Togores Arjona na tapos na ang paglilitis.

- Matapos ang napakaikling delibirasyon ipinataw ang sentensiyang kamatayan.

- Kaagad nilang pinadala ang desisyon sa korte ni Gob. Hen. Polavieja.

- Humingi ang Gob. Hen. ng payo mula sa Huwes Tagapagtanggol na si Heneral Nicolas de la Peña.

Page 21: Paglilitis kay Rizal

Desisyon ni Gob. Hen. Polavieja

“ Sang-ayon sa sumunod na opinyon. Inaprubahan ko ang sentensiya ng Hukumang-Militar sa kasalukuyang kaso, dahilan nito parusang kamatayan ang ipinataw sa akusadong si Jose Rizal Mercado, na isasagawa sa pamamagitan ng pagbaril sa kanya sa ganap na alas siyete ng umaga ng ika-30 araw ng buwang ito sa Bagumbayan”

December 28 – nilagdaan ni Gob. Hen. Polavieja ang desisyon na hatol kay Rizal na kamatayan.