52
Quarter 3: Going Beyond My Community Lesson 19: Our Cultural Music …………………………………………….. Lesson 20: Our Cultural Dances ………………………………………….. Lesson 21: Our Local Arts and Craft ……………………………………... Lesson 22: Our Favorite Foods – Local Cuisine ………………………… Lesson 23: Our Community Celebrations (Fiesta) ……………………... Lesson 24: Other Community Celebrations …………………………….. Lesson 25: Our Transportations ……………………………………………. Lesson 26: Our Communications …………………………………………. Lesson 27: Our Communications …………………………………………. Lesson 28: Our Communications …………………………………………. Lesson 29: Our Communications …………………………………………. Summative Test …………………………………………………

Mt lm q3 tagalog

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mt   lm q3 tagalog

Quarter 3: Going Beyond My Community

Lesson 19:Our Cultural Music ……………………………………………..

Lesson 20:Our Cultural Dances …………………………………………..

Lesson 21:Our Local Arts and Craft ……………………………………...

Lesson 22:Our Favorite Foods – Local Cuisine …………………………

Lesson 23:Our Community Celebrations (Fiesta) ……………………...

Lesson 24:Other Community Celebrations ……………………………..

Lesson 25:Our Transportations …………………………………………….

Lesson 26:Our Communications ………………………………………….

Lesson 27:Our Communications ………………………………………….

Lesson 28:Our Communications ………………………………………….

Lesson 29:Our Communications ………………………………………….

Summative Test …………………………………………………

Page 2: Mt   lm q3 tagalog

Ikatlong KuwarterIka-21 Linggo

Ano ang uri ng msika ang nais mong pakinggan?

Basahin at isakilos an gang dayalogo.

Ina: Kumusta Andrei!

Andrei: ( Hindi siya narinig ni Andrei dahil sa earphones sa

kanyang tainga)

Ina: Andrei, ano? Nakikinig ka naman ng musika.

Andrei: ( Nagulat) Sorry, Ina. Hindi kita narinig.

Ina: Mukhang naaaliw ka sa pakikinig. Maaari din ba akong makinig?

Andrei: Aba, siyempre! Heto ang earphones, makinig ka.

Ina: Wow! Nakikinig ka pala ng musika ni Mozart.

Gusto mo pala ng musikang klasikal.

Andrei: Oo naman! Nakakapagod na ang mga musikang sobrang maingay at mabilils. Kaya naisip ko na makinig naman ng ibang klaseng musika.

Ina: Magaling! Sa susunod subukan mo naman ang katutubong awitin, para mapahalagahan mo ang sariling atin.

Andrei: Oo, iyan ang binabalak ko.

Sabihin at Alamin

Page 3: Mt   lm q3 tagalog

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng

kilos o galaw.

Isa sa pinakamahalagang bagay ukol dito ay ang

kaugnayan sa oras o panahon.

Ang pandiwa ay nasa aspektong pang nagdaan kung ang

kilos ay natapos o naganap na.

Halimbawa: nag-aral, naglaro, umuwi

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng

kilos o galaw.

Isa sa pinakamahalagang bagay ukol dito ay ang

kaugnayan sa oras o panahon.

Ang pandiwa ay nasa aspektong pang nagdaan kung ang

kilos ay natapos o naganap na.

Halimbawa: nag-aral, naglaro, umuwi

Basahin at Gawin

Basahin ang pangungusap. Piliin at tandaan ang salitang may salungguhit.

1. Naglunsad ang Supreme Pupil Government(SPG) ng Paaralang Gomez ng programang”Kultura Mo Ipagmalaki Mo”.

2. Ang mga kabataan at mamamayan ay dumalo sa programa.3. Ang mga kalahok ay naglaban sa larangan ng awit, sayaw at

paggamit ng istrumento.

Ano ang tawag sa salitang may salungguhit?

Ano ang tawag sa pandiwa na naganap sa nakaraan?

Tandaan

Page 4: Mt   lm q3 tagalog

Gawain 1

Lagyan ng salungguhit ang pandiwa sa bawat pangungusap.

Ilagay ang P- kung natapos o naganap na ang kilos at DP-

kung ang kilos ay kasalukuyan pa na nagaganap.

1. Kahapon, nagtaas ng kamay ang aking kapatid na si

Lester. ___________

2. Pumalakpak ang mga guro at mag-aaral pagkatapo

ng palabas. _________

3. Nagtatakip ng tainga si Tina dahil sa malakas na

tunog.________

4. Noong isang linggo naglakbay ang aming

koro._________

5. Nagluto k ami n gamin pagkain ngayong

umaga.________

Gawain 2

Bilugan ang pandiwa.

1. Si Mario at kaniyang mga kaibigan ay naglaro ng

basketball.

2. Buon maghapon na tumigil sa loob ng silid-aralan ang

mga bata.

3. Hinakot ng mga guro ang kanilang gamit mula sa

opisina.

4. Nagmasid ang punong guro ng mga bagong computer

sa silid ng ICT.

Page 5: Mt   lm q3 tagalog

5. Bumati si Tina ng “Maligayang Kaarawan” sa kanyang kaibigan.

Basahin nang malakas ang balita.

Ano ano ang sinasagot natin kapag kumukuha tayo ng

mahahalagang detalye ng tula, kuwento, awit o iba pang

teksto?

Ginagamit natin ang sino, ano, kailan, paano at bakit kung

kumukuha tayo ng mahahalgang detalye mula sa tula,

kuwento, awit o iba pang teksto.

Pagdiriwang ng mga awitin ng rehiyon, idinaos

Idinaos ang pangrehiyong pagdiriwang ng mga awiting sariling atin noong ika - 28 ng Setyembre handog ng Culural Center of the Philippines.

Ang naturang gawain ay naglalayon upang palakasin, maunawaan at mapahalagahan ang katutubong awitin natin sa buong rehiyon. Ninanais din nito na matutuhan ng mga mag-aaral ang yaman at natatanging ganda ng sining at mayamang kultura.

Labinlimang koro mula sa ibat’-ibang bahagi ng bansa ang lumahok sa paligsahan. Binubuo ang koro ng dalawampung kasapi at dalawang piyesa ng pangrehiyong awitin ang kanilang kailangang awitin. Lalong naging makulay ang gabi ng pagdiriwang dahil sa pagpapaunlak ni Ogie Alcasid na siyang nag abot ng mga piling karangalan sa paligsahan.

Tandaan

Page 6: Mt   lm q3 tagalog

Gawain 3

Sagutan ang mga tanong at ilagay ang angkop na detalye sa loob

ng bituin.

a. Ano ano ang mga itinanghal sa pagdiriwang ng mga awit

pangrehiyon?

b. Kailan ginanap ang pagdiriwang?

c. Saan ito ginanap?

d. Sino sino ang umawit sa paligsahan?

e. Ilan ang bumubuo ng isang koro?

h. Sino ang nagpasinaya sa okasyon?

i. Saan naggaling ang mga kalahok sa paligsahan?

j. Bakit ang Cultural center of the Philippines ang naghandg ng

pagdiriwang?

Page 7: Mt   lm q3 tagalog

Gawain 4

Pag-aralan ang mga salita.

kabataan batang umaawit inilunsadipinakita daan nagpasinaya

Sagutan ang puzzle sa pamamagitan ng mga salitang pananda sa itaas.

Pamagat ng Balita

Ano

SinoSaan

Baki

Kailan

1

1

2

3

3

D

2

Page 8: Mt   lm q3 tagalog

Across: Down:1 – mag-aaral- bata 1 – sumali-lumahok2 – patimpalak-paligsahan 2 – rehiyon- lugar3 – grupo ng mga batang 3 – pagdiriwang-okasyon umaawit- koro

Basahin at Gawin:

Ano ang paborito mong awitin? Alam mo ba kung sino sumulat nito.

Basahin:

Si Levi Celerio isang Filipinong tanyag sa larangan ng musika. Nakasulat siya ng may apat na libo na awit na nagbibigay buhay sa tahanan, paaralan, sine at sa buong bansa. Isa siyang simpleng tao na mayaman ang puso at isipan kaya nakalilikha siya ng musika kahit sa pamamagitan lamang ng dahon, na nakapgtala sa kanya sa Guinness Book of World Record bilang pinaka henyo sa paglikha ng musika.

Ilan sa kanyang sikat na awitin ay: Ang Pasko ay Sumapit, Pasko Na Naman, Ang Pipit, Itik-Itik, Basta’t Mahal Kita, Kahit Konting Pagtingin, O Maliwanag na Buwan at Bagong Lipunan at marami pang iba. Ang kanyang mga awitin ay karaniwang inaawit at nappakinggan sa mga batang nagka-carolling kung panahon ng kapaskuhan. Halos lahat ng kaniyang mga awit ay naging titulo ng mga pelikula. Tunay na henyo siya sa larangan ng musika. Kaya nga, kahit namatay na siya noong 2002, ang kanyang mga awitin ay tinaguriang walang kamatayn at patuloy na magiging bahagi ng kulturang Filipino.

(Adapted: http://www.filipino-heritage.com/filipino-musicians.html )

Page 9: Mt   lm q3 tagalog

Ibigay ang mahahalagang detalye sa binasang kuwento sa

pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.

Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang nakatanggap ng parangal bilang pinakamagaling sa

paggawa ng musika sa pamamagitan ng dahon?

a. Kailan siya namatay?

__________________________________________

b. Ilang awitin ang kanyang nasulat?

_________________________________________

c. Ano ano ang ilan sa mga naisulat niyang awitin?

___________________________________________

d. Bakit sinasabing walang kamatyan ang kanyang mga awitin?

_____________________________________________

Gawain 5

Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong.

Sumali sa paligsahan sa pag awit si Rona sa pagdiriwang ng

Linggo ng Wika noong Agosto.Rona Nais niyang ipakita sa

kanyang mga kamag-aral na magling siyang umawit. Lahat nang

lumahok ay nakasuot ng makabansang kasuotan at lokal na

Page 10: Mt   lm q3 tagalog

awitin ang inawit. Nanalo ang piyesang “Ang Pipit” na inawit ni

Rona.

1. Sino ang nanalo sa paligsahan? ____________________________

2. Saan ginanap ang paligsahan?____________________________

3. Kailan ito idinaos? ___________________________

4. Bakit niya gusting sumali sa paligsahan?___________________

5. Ano ang piyesa na inawit ni Rona?__________________________

Tell and Learn

Pag-aralan ang balangkas sa ibaba. Ano ang sinasabi nito?

a. Ano ang awit na piakagusto ng mga mag-aaral?

Pamagat ng Awit Mag-aaral na gusto ang awit

Bahay Kubo

Leron-LeronSinta

ParuparongBukid

Itik-Itik

Simbola = 5 mag-aaral

Page 11: Mt   lm q3 tagalog

b. Ano ang awit na hindi gaanong gusto ng mag-aaral?

c. Ano ang awit na may magkaparehong tala nang mag-aaral

na may gusto ng awitin?

d. Ano ang tawag mo sa anyong ito ng balangkas?

e. Ano ang tawag mo sa anyong ito ng balangkas?

f. Paano ipinakikita an gang balangkas ng isang

pictograph?

g. Bakit ito tinawag na pictograph?

Gawain 6

Binabalak ni Gng. Cruz na magkaroon ng isang pagtatanghal ang kanyang mag-aaral sa darating ng Pamaskong palutuntunan. Tinanong niya ang mga mag-aaral kung an ang nais nilang awitin sa palatutunan.

Pag-aralan ang pictograpg at sagutin ang mga tanong:

Pamagat ng Awit Bilang ng mga bata na nais ang awit

AngPasko ay Sumapit

Jingle Bells

Silent Night

Christmas Alphabet

Joy to the World

Ang pictograph ay isang uri ng grap na gumagamit ng larawan o simbolo upang ipakita ang impormasyon o datos.

Tandaan

Page 12: Mt   lm q3 tagalog

= 2 mag-aaralSagutin ang tanong:

1. Ano ang awit na may pinaka kaunti ang pumili? _____________________________________________

2. Alin ang awit na may parehong datos o nakuha?_____________________________________________

3. Ilang ang labis na boto ng Christmas Alphabet kaysa Pasko ay Sumapit?

_____________________________________________4. Ano ang awit na nagwagi upang awitin sa Pamaskong

palatuntunan? Bakit? _______________________________________________

5. Bakit kay mas maraming pumili sa awit na Christmas Alphabet?

_______________________________________________

Gawain 7

Pag-aralan ang pictograph. Sagutin ang mga tanong at isulat sa sagutang papel.

Pamagat ng Awit Bilang ng mga batang may alam nn Awit

Anak

Pangako

Pananagutan

May Bukas Pa

BatosaBuhangin

Page 13: Mt   lm q3 tagalog

simbolo = 2 mag-aral

1. Ano ang awit na madalas awitin ng mga bata?

_______________________________________________

2. Ano ang awit na hindi gaanong alam ng mga bata?

_______________________________________________

3. Ilan ang higit na pumili sa awiting Pananagutan kaysa

Anak?

_______________________________________________

4. Ilan ang mga bata na may alam ng awit na May Bukas Pa?

_______________________________________________

5. Bakit kaya May Bukas Pa ang pinaka popular o sikat na

awitin sa mga bata?

Basahin at isakilos ang dayalogo:

Nina: Nanay maaari po ba na magpatulong ako

sa

paggawa ng aking gawaing bahay?

Nanay: Oo naman. Maari ko pang malaman kuna ano

ang dapat gawin?

Nina: Nais ng aking guro na magtanong kami tungkol

sa mga katutubong sayaw na ating bansa.

Nanay: Napakadali naman pala. Mayroon tayong

Tinikling, Kuratsa and Carinosa mula sa Visayas.

Singkil at Asik naman mula Mindanao. At dito sa

atin sa Luzon, Banga and La Jota.

Nina: That’s great. Thank you, Mother. I have

something to share tomorrow. Thank you very

Sabihin at Alamin

Page 14: Mt   lm q3 tagalog

1. Ano ang gawaing-bahay ni Nina?

2. Sino ang tumulong sa kanya sa paggawa ng gawaing bahay?

3. Sino ang nagpaga?wa ng gawaing bahay kay Nina?

4. Kailn niya ito ipapasa?

5. Sa inyong palagay bakit kaya ibinigay ng guro kay Nina ang

ganitong gawaing bahay?

Basahin ang dayalogo at sagutin ang tanong:

Ang Pantomina ang dapat na

Pambansang sayaw.

Isipin

Sabihin at Alamin

Page 15: Mt   lm q3 tagalog

Ang pagbibigay g reaksiyon ay isang madamdamin at

pankaisipang pagpapahayag ayon sa isang isyu o usapin.Ito

ay naaayon sa iyong personal na damdamin, karanasan at

isipan.

Ikaw, ano ang kaisipang nabuo mo tungkol dito?

Ano ang iyong damdamin tungkol

sa usaping ito

Tandaan

Page 16: Mt   lm q3 tagalog

LM Q3 Week 24

Basahin at Alamin

Mayroon ba kayong paboritong pagkain na iniluluto sa bahay tuwing may espesyal na okasyon?

Ano-ano ito?Basahin ang sumusunod na kuwento.

Ang Kaarawan ni Nanay LilyNi Franlie O. Ramos – Corporal

Maraming tao sa aming bayan ang sabik sa kaarawan ni Nanay Lily. Si Nanay Lily ang pinakamahusay na kusinera sa aming lugar. Lagi siyang naghahanda ng kakaiba at katakam–takam na pagkain. Ang isang tikim nito ay susundan pa nang marami pang iba. Taon-taon ay nag-aanyaya siya ng kanyang mga kaibigan sa kanyang bahay upang makipagsaya sa kaniya.

Sa kanyang ika-55 kaarawan, naghanda siya ng mga pagkaing may siling labuyo at gata ng niyog tulad ng laing, Bicol Express, pinangat at kinunot. Nagluto rin siya ng sinarapan sa tanglad at nilutong balaw.

Page 17: Mt   lm q3 tagalog

Naghanda siya ng ispesyal na pagkain para sa mga bata tulad ng piniritong tilapia, pansit bato, dinuguan at puto makapuno.

May mazapan de pili, matamis na mani at yema bilang panghimagas.

Lahat ay nasiyahan sa pagdiriwang ng kaarawan ni NanayLily.

Isipin a. Ano–anong espesyal na pagkain ang inihanda ni Nanay Lily sa

kanyang ika-55 kaarawan?b. Bakit kinasasabikan ng mga tao ang kaarawan ni Nanay Lily?

Sabihin at AlaminBasahin ang sumusunod na pangungusap:a. Lagi siyang naghahanda ng kakaiba at kataka-takam na

pagkain.b. Taon–taon ay inaanyayahan niya ang marami sa kaniyang

mga kaibigan sa kaniyang bahay upang makisaya sa kaniyang kaarawan.

c. Sa kaniyang ika-55, naghanda siya ng mga pagkaing may siling labuyo at gata ng niyog.

d. Bawat isa ay nasiyahan sa kaarawan ni Nanay Lily.

Ano-ano ang mga pandiwa sa pangungusap?Anong aspekto ng pandiwa ang ginamit sa pangungusap?

Page 18: Mt   lm q3 tagalog

Anong pananda ang ginamit upang makilala ang pangnagdaan at pangkasalukuyang aspekto ng pandiwa?

Gawain 1 Salungguhitan ang angkop na aspekto ng pandiwa upang

mabuo ang pangungusap.

1. Ang kababaihan ay ( nagluto, nagluluto, magluluto) ng kanilang agahan tuwing umaga.

2. (Nagdiwang, Nagdiriwang, Magdiriwang) ng kaniyang kaarawan si Sherlyn noong Disyembre.

3. Si Angelo ay ( nagpaliwanag, nagpapaliwanag, magpapaliwanag) ng kaniyang proyekto kay Gng. Ramos ngayon.

4. Tayo ay ( nagdasal, nagdarasal, magdarasal) araw-araw.5. Si Berny ay palaging ( naghugas, naghuhugas,

maghuhugas) ng kaniyang kamay.

Gawain 2Sumulat ng pangungusap sa bawat simuno, pang-abay na pamanahon at pandiwa. Isulat

ang iyong sagot sa papel.

Simuno Pang-abay na Pamanahon

Pandiwa

6.Ang mga kalalakihan lagi maglaro7. Ang mag-anak tuwing Linggo magpunta8. Ang mga babae nakaraang

dalawang araw magsayaw

9. Kami tuwing gabi manood10. Siya sa araw na ito patnubay

Page 19: Mt   lm q3 tagalog

Gawin at AlaminIsulat ang mga katangian ni Nanay Lily sa bawat bilog sa web.

Ano ang nakatulong sa iyo upang mahulaan ang mga katangian ni Nanay Lily?Saan mo ibinatay ang iyong hula?Anong impormasyon sa kuwento ang nagbigay sa iyo ng palatandaan?

Ang isang kuwento ay hindi palaging tuwirang naglalarawan sa kantangian ng tauhan. Maaari natin itong hulaan batay sa mga palatandaan o sitwasyon sa kuwento.Maaari tayong magbigay ng hinuha ng katangian ng tauhan.

Page 20: Mt   lm q3 tagalog

Ang hinuha ay isang matalinong hula batay sa impormasyong ibinigay at kung minsan ay batay sa ating sariling karanasan.

Tandaan:

Ang paggawa ng hinuha ay pagbibigay ng matalinong hula batay sa mga ebidensiya sa teksto. Maaaring ito ay batay sa ating mga karanasan.

Gawain 3

Basahin ang sumusunod na talata. Sa ilustrasyon sa ibaba, isulat ang iyong hinuha at ang ebidensiya na nakatulong sa iyo.

Inihagis ni Tina ang kaniyang bag sa silya, nilampasan ang kaniyang mga magulang, isinara nang malakas ang pinto at ibinagsak ang sarili sa kama.

1. Ano ang nararandaman ni Tina?2. Ano-anong ebidensiya sa teksto ang magpapatunay sa iyong

sagot?

Page 21: Mt   lm q3 tagalog

Gawain 4Basahin ang teksto. Sagutan ang tsart sa ibaba.

Sina Jacob at Trista ay kasama ng kanilang nanay tuwing Sabado sa grocery. Gustong–gusto nila ang amoy ng masasarap na pagkain. Maraming iba’t ibang bagay na mabibili rito. Malaki ito at malamig sa loob. Maraming tao ang may dalang basket at shopping carts para sa

Hinuha________________

clue 4______________

clue 3

____________________ clue 2_____________________

clue 1__________________________

Page 22: Mt   lm q3 tagalog

mga bagay na kanilang pinamili. Pagkatapos makuha ni Nanay ang lahat na kailangan niya sa bahay, pumila na siya at nagbayad sa kahera.

Saan pumupunta sina Jacob, Tristan at kanilang nanay tuwing Sabado?

Sagutan ang tsart.

Ano ang iyong hinuha? Anong ebidensiya sa teksto ang magpapatunay sa iyong sagot?

Gawain 5 Basahin ang teksto. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

Ibinabagsak ni Ramon ang kaniyang bisikleta saan man siya tumigil. Malimit niyang naiiwan ang kaniyang bisikleta sa daan papunta sa garahe. Pauli-ulit na sinasabi ng kaniyang ama ang maaaring mangyari sa kaniyang ginagawa. Isang umaga, paalis ang kanyang ama

Page 23: Mt   lm q3 tagalog

papunta sa trabaho, nakarinig si Ramon ng malakas na tunog sa labas ng bahay.

Batay sa teksto, ano ang iyong hinuha na nangyari:a. Sinakyan ng kaniyang kapatid na babae ang bisikleta.b. Nasagasaan ng kaniyang ama ang bisikleta.c. Ninakaw ang kaniyang bisikleta sa garahe.

Ano-ano ang ebidensya na magpapatunay sa iyong sagot. Isulat ang iyong sagot sa organizer.

Gawain 6

Piliin ang salitang-ugat ng salitang may salungguhit sa pangungusap. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Si Mang Tasyo ay tahimik na nakatingin sa ginagawa ng anak.

Hinuha

Ebidensiya 1

Ebidensiya 2

Ebidensiya 3

Page 24: Mt   lm q3 tagalog

a. awa c. ginab. gawa d. ginaga

2. Nang mapansin ito ni Patrick, itinigil niya ang pagsusulat.a. sulat c. pagsulatb. ulat d. pag

3. Naiwan niya ang kaniyang aklat sa silid-aralan.a. naiwan c. iwanb. anan d. iwanan

4. Naamoy ni Patrick ang masarap na ulan na luto ng kaniyang ina.

a. amoy c. aamoyb. naamoy d. naaamoy

5. Lumabas siya sa kusina at naglambing sa kaniyang ina na bigyan siya.

a. naglambing c. naglabingb. naglam d. lambing

Sabihin at Alamin

Tingnan ang larawang guhit.

Page 25: Mt   lm q3 tagalog

6. Ano ang nasa larawang guhit?7. Ano ang sinasabi ng pamagat?8. Ano ang kahulugan ng larawang guhit?9. Sa iyong palagay, bakit ito nagbibigay ng kaisipang nasa

lugar ng kainan?

Gawain 7Pag-aralan ang larawan sa ibaba. Sagutin ang sumusunod na

tanong.

Tandaan:Ang Tatak o Marka ay nagbibigay ng mahalagang

impormasyon kaya kailangang tingnan o basahing mabuti ang mga detalye upang makakuha ng tamang impormasyon.

Page 26: Mt   lm q3 tagalog

1. Ano ang nakikita mo sa larawan?2. Ano-anong tatak o marka ang nasa larawan?3. Ano ang kahulugan ng larawan?4. Ano-ano ang iyong batayan sa pagbibigay ng kahulugan dito?

Panghuling PagtatayaA. Basahin ang teksto. Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Si Jazzle ay mas mahusay na manlalaro ng tennis kaysa sa kaniyang kapatid na si Joeshua. Maaari nating sabihin na____________________.a. Ayaw ni Jassel na maglaro ng tennis.b. Mas mataas ang iskor ni Joeshua.

Page 27: Mt   lm q3 tagalog

c. Higit na mataas ang iskor ni Jazzel.d. Ayaw ni Joeshua na maglaro ng tennis.

2. Si Jo-Francis ay mas mahusay na mag-aaral kaysa sa kaniyang kapatid na si Jazzel. Maaari nating sabihin na___________________.a. Hindi nag-aaral si Jo-Francis.b. Mas mataas ang marka ni Jazzel.c. Higit na mataas ang marka ni Jo-Francis.d. Gustong-gusto ni Jazzel na mag-aral.

3. Ang bagong mag-aaral na babae sa paaralan ay hindi nakikipag-usap kanino man sa buong maghapon. Nang tinawag siya ng kaniyang guro, yumuko lamang siya at tumingin sa upuan.Ang bagong mag-aaral ay maaring _________________.a. mahiyain c. masungitb. mabait d. masayahin

4. Sinabihan si Jake ng kaniyang ina na magdala ng payong papasok sa paaralan. Gayun pa man , inisip ni Jake na hindi ito kailangan. Ano sa palagay mo ang lagay ng panahon?a. umuulan c. nagyeyelob. maaaring umulan d. mainit ang sikat ng araw.

B. Isulat ang angkop na aspekto ng pandiwa o tanda upang mabuo ang pangungusap. Piliin ang iyong sagot sa kahon.

Page 28: Mt   lm q3 tagalog

5. ___________________, ______________ang aking mga magulang sa aming kusina.

6. ______________nang ang kumot ng aking Lola ay____________.

7. ______________siya _________sa entablado.

C. Kumpletuhin ang puzzle gamit ang mga clue sa ibaba.

Pababa: Pahalang:1. di mabuting gawa 1. gamit ng kamay2. lugar na nais marating ng lahat 2.atleta3. sobrang-sobra 3. nawala

ngayon nilabhan tuwing Biyernes

tatlong taon na ang nakararaan naglilinissumasayaw

Page 29: Mt   lm q3 tagalog

LM Q3 Week 25

Paano nagiging bayani?Basahin ang Kuwento sa ibaba.

Ang BayaniNi Claire B. Barcelona

Page 30: Mt   lm q3 tagalog

“ Iniligtas niya ang iba ngunit hindi niya nailigtas ang sarili”, usapan ng mga tao sa kaniyang burol. Hindi naman nagtaka ang kaniyang mga kaibigan sa nangyari sa kanya.

Nagtali siya ng lubid sa kaniyang baywang at isa-isang dinala ang kaniyang mga kapatid at magulang sa ligtas na lugar. Maging ang kaniyang mga kapitbahay na lumikas sa bubong ng kanilang mga bahay ay kaniya ring nailigtas. Nang makita niya ang isang babae at ang sanggol nito na nakasakay sa isang styrofoam na dinadala ng malakas na agos ng tubid, buong tapang siyang lumangoy patungo sa mga ito at dinala sa ligtas na lugar. Ngunit sa kasamaang palad, siya tinangay ng agos. Isang araw matapos ang mapinsalang bagyong si Ondoy na nagdulot ng pagbaha sa Metro Manila, natagpuan ang walang buhay niyang katawan.

“ Siya ay tunay na matapang at may mabuting kalooban,” pampalubag –loob na wika ng kanyang mga magulang.

Ang kahindi-hindik na pangyayaring tulad nito ang sukatan ng pakikibaka sa buhay. Sino ang mamamayani? Ang mga tunay na matatapang lamang ……tulad ni Muelmar Magallanes, anak nina Samuel at Maria – ang tunay na matapang at isang bayani.

Isipin1. Ano ang nangyari?2. Ano ang maaaring naging dahilan ng pagbaha?3. Sino-sino ang nailigtas ni Muelmar Magallanes?

Page 31: Mt   lm q3 tagalog

4. Bakit siya itinuring na isang bayani?

Sabihin at AlaminPag-aralan ang larawang guhit.

a. Ano ang inilalarawan nito?b. Saan mo ito karaniwang nakikita?c. Ano ang dapat mong gawin kapag nakita mo ang larawang ito?d. Ito ba ay isang paraan ng pagliligtas sa ating kapaligiran?

Gawain 1Ibigay ang kahulugan ng sumusunod:

illus for DANGER

illus for ENTRANCEillus for signage to line up

illus for EXIT

Page 32: Mt   lm q3 tagalog

Basahin ang sumusunod na pangungusap. Pansinin kung paano ginamit ang pandiwa.

a. Sasama kami sa kampanya sa paglilinis sa aming baranggay sa Sabado.

b. Bibili kami ng mga walis at pandakot bukas.c. Sa isang linggo, magkakaroon na tayo ng malinis na baranggay.

TandaanAng pandiwa ay maaaring magpahayag ng panghinaharap o hindi pa nagaganap na pangyayari.

Ang mga salitang sa susunod na araw/taon/buwan, bukas ay mga pang-abay na panahon na nagsasabi ng panghinaharap na aspekto ng pandiwa.

Gawain 2Gamitin ang angkop na aspekto ng pandiwa na nasa loob ng panaklong. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Ako ay __________(tulog) nang maaga ngayong gabi.2. ___________(gawa) muna ni Maria ang kanyang takdang aralin

bago matulog.3. Sa ika-5 ng umaga bukas ___________(gising) si Greg.4. Si Rina ay ___________(punta) sa Maynila sa isang linggo.5. __________(laba) si Yasmin ng mga damit sa Sabado.

Page 33: Mt   lm q3 tagalog

Tandaan

Ang panlapi ay mga kataga na ikinakabit sa

salitang-ugat.

Ito ay maaaring magbigay ng ibang kahulugan

sa salitang-ugat.

Tandaan

Ang panlapi ay mga kataga na ikinakabit sa

salitang-ugat.

Ito ay maaaring magbigay ng ibang kahulugan

sa salitang-ugat.

Basahin ang sumusunod na talata. Bigyan ng pansin ang mga may salungguhit na salita.

Pag-aralan ang mga may salungguhit na salita sa tulong ng tsart.

Salitang -ugat Panlapi Bagong Salita Kahulugan ng Salita

wala na, an nawalan hindi nagkaroon

tulong ma, in matulungin nagbibigay ng tulong

salamat nagpa nagpasalamat pagkilala ng utang na loob

ligtas nai nailigtas nailayo sa kapahamakan

Ang pamilya ni Mang Lando ay nawalan ng tahanan matapos sirain ito ng malakas na bagyo. Ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Alam niyang may mga matulunging tao na tutulong sa kaniya upang muling itayo ang kanyang bahay. Nagpasalamat siya na ang kanyang pamilya ay nailigtas sa malakas na bagyo.

Page 34: Mt   lm q3 tagalog

Gawain 3Salungguhitan ang angkop na salitang bubuo sa pangungusap.

1. Ang mga bituin sa gabi ay maliwanag dahil sa (kawalan,nawalan)ng ulap.

2. Malimit makasira ng gamit si Tom dahil siya ay (walang maingat, walang ingat) sa mga ito.

3. Ang ahas ay ( makamandag, kamandag ) dahil sa lason nito. 4. SI Issa ay isang batang (maalalahanin, alalahanin).Hindi niya

nalilimutang magbigay ng alaala sa kaarawan ng miyembro ng kaniyang pamilya.

5. Naiinip na ang batang lalaki kaya siya ay (di mapakali, di makali)

Gawain 4Salungguhitan ang angkop na aspekto ng pandiwa upang mabuo

ang pangungusap.

1. Ang mga batang babae ay (pumunta, pumupunta, pupunta) sa palaruan bukas.

2. ( Ipagdiriwang, Ipinagdiwang, Ipinagdiriwang) ni Mutya ang kaniyang kaarawan sa isang taon.

3. Si Freddie Aguilar ay ( magpapaliwanag, nagpaliwanag, nagpapaliwanag) ng kaniyang panig sa Linggo.

Page 35: Mt   lm q3 tagalog

4. (Bumili, Bibili, Bumibili) si Nanay ng bagong kotse sa isang buwan.

5. Si Berny ay (sumayaw, sasayaw, sumasayaw) sa Disyembre sa Jesse M. Robredo Coliseum.

Gawain 5Pumili ng tatlong salita sa talaan sa ibaba.

Sumulat ng pangungusap gamit ang salita at basahin sa klase.

masayahin umaasa bulagsak maganda makulay magpasalamat mayumi mapanganibdi makali kahanga-hanga humihingal maalalahaninGawain 6

Piliin ang kasingkahulugan ng salita sa ibaba sa loob ng kahon. Gamitin ito sa pangungusap.

Kaakit-akit matulungin makulayMapaminsala Maimpluwensya mayabong

a. Iba pang salita sa maganda -_____________Pangngusap________________________________________.

b. malasakit_-______________Pangungusap_______________________________________.

c. Puno ng kulayPangungusap_______________________________________.

d. Mapanganib -_______________________Pangungusap_______________________________________.

e. Makapangyarihan - _________________

Page 36: Mt   lm q3 tagalog

Pangungusap_______________________________________.

LM Q 3 Week 26

Sabihin at Alamin Anong pagdiriwang o kapistahan ang ipinagdiriwang sa inyong pamayanan?

Basahin at isakilos ang diyalogo.

Page 37: Mt   lm q3 tagalog

Susan: Alam mo ba na ang Pilipinas ay mayaman sa mga pagdiriwang at kapistahan?

Rene: Gusto kong makita at mapuntahan ang mga pagdiriwang at kapistahang ito. Maaari mo bang sabihin sa akin ang ilan sa mga ito?

Susan: Ang Ati-atihan sa Aklan, Sinulog at Pintados ay pagdiriwang sa mga rehiyon sa Visaya. Ang mga ito ay pagpupugay kay Sto. Niño na pinipintahan nila o nilalagyan ng tattoo ang kanilang katawan at masiglang nagsasayawan sa kalsada.

Rene: O, Masaya iyon! Sa Mindoro, may makukulay rin ba silang pagdiriwang?

Susan: Oo naman! Ang Lamilamihan Festival sa Basilan, Kadayawan Festival sa Davao at Lemlunay o ang T’boli Tribal Festival na punong-puno ng musika at sayawan ng mga tribo.

Rene: Sigurado talagang makulay at Masaya ang mga ito. Narinig ko na marami ring kapistahan sa Luzon.

Susan: Tama ka riyan! Sa lahat, ang Luzon ang may pinakamaraming kapistahan. Ilan sa mga ito ay ang Panagbёnga , Pahiyas, Moriones at Turumba.

Rene: Bakit tayong mga Pilipino ay maraming kapistahan?

Susan: Kasi, ang lahat ng mga kapistahang ito ang nagpapakita ng ating kultura at mga kaugalian na makulay at masayang ipinagdiriwang.

Basahin at Alamin

Page 38: Mt   lm q3 tagalog

Kung ikaw ay susulat sa isang kaibigan, tungkol saan kaya ito?

Basahin ang liham na nasa ibaba.

Block 11, Lot 22 Phase 3Area 7, Sampaguita SubdivisionLungsod ng San Jose Disyembre 14,2013

Mahal kong Elna,

Kamusta ka na? Nagustuhan mo ba ang larawang ipinadala ko sa iyo? Isa lamang iyon sa magagandang bagay na nakita ko sa Pintados Festival.

Ang Pintados Festival ay ipinagdiriwang tuwing Hunyo. Ang salitang “pintados” ay galing sa mga katutubong mandirigma na ang mga katawan ay puno ng tattoo na ipinipinta sa kanila bilang pagkilala sa kanilang matapang na pakikidigma. Ang Festival ang nagpapakita ng mayamang kultura at kasaysayan ng lalawigan.

Nagsisimula ang festival sa isang parada sa katubigan. Ito ay sinusundan ng isang banal na misa. Kasunod nito ay ang makulay na parada ng mga mananayaw na ang kanilang katawan ay may pintang iba’t ibang disenyo. Pagkatapos ng festival ang mga presentasyon na nagpapakita ng kultura ng lalawigan. At sa

Page 39: Mt   lm q3 tagalog

pagtatapos, sama-samang pinagsasaluhan ang masasarap na pagkaing inihanda.

Sana, makadalo ka sa susunod na pagdiriwang ng festival.

Balitaan mo naman ako tungkol sa mga festival sa inyong lugar.

Ang iyong kaibigan,

Rosa

Isipin1. Sino ang sumulat ng liham?2. Tungkol saan ang kaniyang liham kay Elna?3. Paano nagsimula ang festival?4. Bakit ipinagdiriwang ang Pintados Festival?

Gawain 1

Basahin ang sumusunod na pangyayari. Lagyan ng bilang ayon sa pagkakasunod-sunod.

1. Si Frances ay nakakita ng magandang blusa na nakadispley sa isang tindahan.

2. Umuwi siya sa bahay at binilang ang kaniyang naipong pera.

Page 40: Mt   lm q3 tagalog

3. Nang sumunod na linggo, isinuot niya ang bagong blusa sa sayawan sa paaralan.

4. Natuklasan niya na mayroon siyang sapat na pera upang mabili ang blusa.

Gawain 2

Piliin ang angkop na anyo ng pandiwa sa pangungusap.1. Ang mga tao ay ( sabik, nasasabik) na makita ang pagdiriwang

ng Panagbёnga Festival sa Baguio.2. Laging (dumadalo, dumalo) ang aking kapatid sa Pahiyas

Festival.3. Taon-taon ay (inaanyayahan, anyaya) ako ni Anya na dumalo

sa Sinulog Festival sa Cebu.4. Ang ilang artista ay (nagdaos, nagdaraos) ng konsiyerto sa

araw ng kapistahan.5. Lubos kaming (nasisiyahan, masiyahan) sa panonood ng parada

ng mga mananayaw.

Gawain 3Piliin ang angkop na pandiwa sa talata. Isulat ang tamang anyo ng pandiwa.

Punta panood tingin palamutisabik kita

Taon-taon, ang aming pamilya ay ________________ sa Lungsod ng Baguio. Lagi naming _________________ ang Panagbёnga Festival.

Page 41: Mt   lm q3 tagalog

________________din namin ang mga magagandang karosa. Bawat karosa ay ___________ ng makukulay at sariwang bulaklak.Ang mga tao ay ____________ sa parada ng mga bulaklak. Ang Panagbёnga Festival ang _______________ ng kagandahan at kaibahan ng Lungsod ng Baguio.