Upload
light-arohl
View
7.368
Download
39
Embed Size (px)
Citation preview
SUMMATIVE TEST IN
ARALING PANLIPUNAN - GRADE TWO
3RD QUARTER
S.Y. 2013 – 2014
PANGALAN: ________________ BAITANG: _______________ PETSA: ___________
I. Isulat ang Tama o Mali.
_______ 1. Pangunahing pangangailangan ang pagkain, damit, at tirahan.
_______ 2. Kailangan matuto ang isang tao ng pagbabadyet upang magkasya ang kita sa mga
gastusin.
_______ 3. Ang cellphone ang dapat unahing bilhin ng mag-anak.
_______ 4. Kung walang hanapbuhay ang mga magulang, matutustusan lahat nila ang mga
pangangailangan ng mga anak nila.
_______ 5. Ang kahulugan ng salitang pagbabadyet ay labis na paggastos ng salapi.
II. Lagyan ng ✓ ang mga katangian na dapat taglayin ng isang pinuo at ✕ kung hindi.
_______ 6. responsable
_______ 7. may disiplina sa sarili
_______ 8. ginagastos ang pera ng komunidad para sa sarili niya.
_______ 9. naninindigan sa katotohanan
_______ 10. huwaran at modelo ng mabuting gawa
_______ 11. walang kinikilingan sa pagpapatupad ng batas
_______ 12. inuuna ang kapakanan ng mga tao
_______ 13. mapagpakumbaba
_______ 14. matapat
_______ 15. may pagpapahalaga sa mga karaniwang tao
III. Pagtambalin ang Hanay A at B. Isulat ang letra ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B
_______ 16. Namumuno sa paaralan A. pari
_______ 17. Namumuno sa Barangay B. kapitan
_______ 18. Namumuno sa bansa C. pangulo
_______ 19. Namumuno sa mga simbahan D. ama
_______ 20. Namumuno sa tahanan E. principal
IV. Piliin at isulat ang letra ng tamang hanapbuhay na angkop sa lugar.
_______ 21. Pagpasok sa tanggapan A. Industriyal
_______ 22. Pagdadaing ng mga isda B. Kabundukan
_______ 23. Pagmimina C. Tabing dagat at ilog
_______24. Pagtatanim ng palay, mais, at gulay D. Lambak
_______25. Pagtatrabaho sa pabrika E. Lungsod
V. Isulat sa puwang ang KARAPATAN kung nagsasabi ng tungkol sa iyong karapatan,
TUNGKULIN kung nagsasabi tungkol sa iyong tungkulin.
_______________ 26. Maisilang at mabigyan ng pangalan
_______________ 27. Maglinis ng bahay para sa iyong kalusugan.
_______________ 28. Magkaroon ng maayos na tahanan.
_______________ 29. Magkaroon ng malusog at malakas na pangangatawan.
_______________ 30. Gumawa ng takdang aralin.
_______________ 31. Maglaro at makapaglibang
_______________ 32. Labhan ang iyong panyo.
_______________ 33. Huwag magkalat sa upuan.
_______________ 34. Makapamuhay sa isang maayos, malinis, at tahimik na pamayanan.
_______________ 35. Makapag-aral.
VI. Isulat sa patlang ang PAGLILINGKOD kung siya ay nagbibigay ng paglilingkod, at
PRODUKTO kung siya ay nagbibigay ng produkto.
_______________ 36. magsasaka sa bukid
_______________ 37. guro sa paaralan
_______________ 38. nahuling isda ng mangingisda
_______________ 39. tinapay ng panadero
_______________ 40. masipag na janitor
_______________ 41. pulis na nag-aayos ng trapiko
_______________ 42. tsuper na nagdadala sa atin sa ating paroroonan
_______________ 43. mga doktor sa ospital
_______________ 44. mga sapatos na ginawa ng sapatero
_______________ 45. bumbero na pumapatay ng sunog