3
Halina Po Sa Amin / Pagbuo ng Travel Brochure Mga gawain at aasahang Awtput Papangkatin ang mga mag-aaral sa 6 hanggang 8 grupo na tinatawag na ICEHS- Tourist Ambassadors (ITA) na binubuo ng mga tagapanaliksik,photographer, manunulat, IT ekspert, tourist ambassadors. Ang pangkat ay magsasaliksik ng mga ikatangi-tanging bagay na matatagpuan sa isang lugar kabilang na ang kultura kalagayan, inpranstraktura at iba. Kakalap sila ng mga datos at impormasyon tungkol sa lugar na nais nilang ipagmamalaki at mapuntahan ng mga dayuhan. Ang mga datos na nakuha ay ilalagay sa Brochure na gagawin bilang proyekto . Ipopost sa online ang ginawang brochure upang ma ebalweyt ng ibang mga estudyante. Ang grupo ay gagawa ng mga printed brochure upang maibahagi sa baranggay na pinagkukunan bilang kanilang pinal na mga awtput. Pamaraan/ Steps 1. Makiisa sa inyong lokal na pamunuan sa pagkampanya sa mga turistang bibisita sa inyong lugar. Mag-organisa ng school drive na ang tukoy ay ang kagandahan at pagiging interesante ng isang lugar. Isulat sa isang pirasong papel at ibigay sa guro at hintayin ang pangkatang bubuuin ng guro. 2. Ang grupo ay pipili ng kategorya na itatampok sa kanilang brochure. Maaaring pagpipilian ang sumusunod: Natural site, Building Site, Cultural Site o Slice of Life. Kategorya Deskripsyon Natural Site Lokal na tanawin na katangi-tangi at interesante sa inyong komunidad. Building Site Lokal na human-made structure tulad ng bahay, simbahan, gusali, plasa o tulay na may katangi-tanging kasaysayan o kwento. Cultural Site Lokal na tao, musika, sining, fashion at isports, mahalagang pagdiriwang na naglalarawan sa uri ng pamumuhay ng isang komunidad. Slice of Life Pang-araw-araw na gawaing sosyal/ isyu/ kaugalian / pagkain at iba pang tampok na tanawin na ikinatatangi (uniqueness) nito. 1. Ang mga datos na dapat ilalagay sa travel brochure ay maglalaman ng mga mabisang larawan tungkol sa paksa at ilang mahahalagang impormasyon tungkol dito gaya nang: - ano-ano ang kahalagahan nito sa kasalukuyan? - mabuting araw na ito ay makita o mabisita - halagang dapat ihanda upang ito ay Makita - ano-ano ang dapat iwasan kung sakaling may nakaambang panganib sa lugar? - pangalan at numero ng mga taong maaaring kontakin. - mga larawan

Halina po sa amin (Travel Brochure Project) 2012 2013

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pagbuo ng Travel Brochure isang Plano para sa Proyekto sa Filipino.

Citation preview

Page 1: Halina po sa amin (Travel Brochure Project) 2012 2013

Halina Po Sa Amin / Pagbuo ng Travel Brochure

Mga gawain at aasahang Awtput

      Papangkatin ang mga mag-aaral sa 6 hanggang 8 grupo na tinatawag na ICEHS- Tourist Ambassadors (ITA) na binubuo ng mga tagapanaliksik,photographer, manunulat, IT ekspert, tourist ambassadors. Ang pangkat ay magsasaliksik ng mga ikatangi-tanging bagay na matatagpuan sa isang lugar kabilang na ang kultura kalagayan, inpranstraktura at iba. Kakalap sila ng mga datos at impormasyon tungkol sa lugar na nais nilang ipagmamalaki at mapuntahan ng mga dayuhan. Ang mga datos na nakuha ay ilalagay sa Brochure na gagawin bilang proyekto . Ipopost sa online ang ginawang brochure upang ma ebalweyt ng ibang mga estudyante. Ang grupo ay gagawa ng mga printed brochure upang maibahagi sa baranggay na pinagkukunan bilang kanilang pinal na mga awtput.  

Pamaraan/ Steps

1. Makiisa sa inyong lokal na pamunuan sa pagkampanya sa mga turistang bibisita sa inyong lugar. Mag-organisa ng school drive na ang tukoy ay ang kagandahan at pagiging interesante ng isang lugar. Isulat sa isang pirasong papel at ibigay sa guro at hintayin ang pangkatang bubuuin ng guro.

2. Ang grupo ay pipili ng kategorya na itatampok sa kanilang brochure. Maaaring pagpipilian ang sumusunod: Natural site, Building Site, Cultural Site o Slice of Life.

Kategorya DeskripsyonNatural Site  Lokal na tanawin na katangi-tangi at interesante sa  inyong komunidad.

Building Site Lokal na human-made structure tulad ng bahay, simbahan, gusali, plasa o tulay na may katangi-tanging kasaysayan o kwento.

Cultural Site  Lokal na tao, musika, sining, fashion at isports, mahalagang pagdiriwang na naglalarawan sa uri ng pamumuhay ng isang komunidad.

Slice of Life Pang-araw-araw na gawaing sosyal/ isyu/ kaugalian / pagkain at iba pang tampok na tanawin na ikinatatangi (uniqueness) nito. 

1. Ang mga datos na dapat ilalagay sa travel brochure ay maglalaman ng mga mabisang larawan tungkol sa paksa at ilang mahahalagang impormasyon tungkol dito gaya nang:

- ano-ano ang kahalagahan nito sa kasalukuyan?

- mabuting araw na ito ay makita o mabisita

- halagang dapat ihanda upang ito ay Makita

- ano-ano ang dapat iwasan kung sakaling may nakaambang panganib sa lugar?

- pangalan at numero ng mga taong maaaring kontakin.

- mga larawan

2. Ang mga mag-aaral ay may kaukulang tungkulin na gagampanan sa pagbuo ng gawain.

Kasapi Tungkulin

Mananaliksik (2)Ang mananaliksik ang may katungkulang mangalap ng mga impormasyon sa lugar na nais ipagmamalaki. Napakahalaga ng kanyang katungkulan sapagkat ang mga impormasyon nakalap ay malaking bahagi sa bubuuing proyekto.

Manunulat (2) Ang manunulat ang magbubuod sa mga impormasyong nalikom ng mananaliksik upang ang mga nilalaman sa proyekto ay magkakaroon ng kaisahan at magiging  organisado. Sya rin ang bahala sa iba pang sulat pangkomunikasyon na kakailangan ng pangkat.

Tagakuha ng Larawan (2)

Ang magaling sa paggamit ng kamera. Siya ang taga kuha ng larawan na ilalagay sa travel brochure na gagawin. Siya din ang  taga dokumentaryo  ng pangkat.

IT Expert/Debuhista(3)

Siya ang gagawa sa brochure at magaling sa kompyuter at paggamit ng  kagamitan ng publisher siya ang maglalagay ng kaukulang diskrisyon, desenyo at larawan sa pamphlet.

Tourist Ambassador(1)

Siya ang tagapangasiwa sa pagbabahagi ng  outputs. Paano ibabahagi, ilang kopya, sinu-sino ang mga dapat bahaginan at paano ang gagawing presentasyon ng outputs.

Page 2: Halina po sa amin (Travel Brochure Project) 2012 2013

 5. Pagkatapos maibigay ang mga kaukulang tungkulin ng mga mag-aaral. Ibibigay sa mga mag-aaral ang sumusunod na pamantayan sa proyektong gagawin.

Output – Brochure (outer at inner panels)

Rubric - Brochure

Krayteria Lubos na katanggap-tanggap

(25 puntos)Katanggap-tanggap (15 puntos)

Mahina (10 puntos)

Pagka-kumpleto (Completeness)

Lahat ng hinihinging impormasyon ay makikita sa pamphlet (teksto, mga litrato

May kulang na isa o dalawang teksto, litrato at/o caption

Maraming teksto, litrato at/o caption ang kulang

Organisasyon Lohikal ang pagkakaayos ng mga teksto at litrato; madaling sundan at maintindihan ang pagakakaayos ng nilalaman ng pamphlet

May teksto o litrato na wala sa lugar ngunit karamihan ng nilalaman ng pamphlet ang nasa tamang lugar

Nakakalito ang pagkakaayos ng nilalaman ng pamphlet; maraming parte ang wala sa lugar

Pagkakasulat ng Teksto

Puno nang detalye ang teksto at gumagamit ng wastong baybay, bantas, at balarila

May ilang kulang na detalye at/o may ilang mali sa baybay, bantas, at balarila

Di gaanong madetalye; maraming mali sa baybay, bantas, at balarila

Kalidad ng mga larawan

Klaro at tama ang perspektibo; sa isang tingin sa bawat litrato ay nakikita ang kagandahan ng tanawin ng isang lugar.

Isa o dalawang litrato ang di gaanong klaro o tama ang perspektiba

Karamihan sa mga litrato ay di klaro (blurred) o mali ang perspektibo

Debuho Kaakit-akit ang pamphlet at madaling basahin dahil sa tamang kombinasyon ng kulay, estilo at laki ng mga font at pagkakaayos ng teksto at litratro (mga elemento ng disenyo)

Kaakit-akit ang pamphlet at madaling basahin liban sa ilang parte dahil sa ilang mali sa kombinasyon ng mga elemento ng disenyo

Di gaanong kaakit-akit ang pamphlet at sa maraming parte ay mahirap basahin dahil sa mga mali sa kombinasyon ng elemento ng disenyo

 

6. Ang buong proyekto ay inaasahang matatapos sa loob ng dalawang linggo.

Day 1 of Week 1:

Brainstorming at Pagpaplano sa Proyekto

Pagsisimula sa Proyekto

 Day 2 of Week 1 Oryentasyon sa Pagbuo ng Brochure Pagsisimula sa Proyekto

 Day 3 of Week 1 Pagsasagawa ng pananaliksik Pag-oorganisa ng datos at mga ideya

para sa proyektong gagawin

 Day 4 of Week 1 Pagpapakinis sa Proyekto

Day 1 of Week 2

Pag ki-kritik ng outputs sa be a critical friend

        Day 2 of week 2      Pagpapakinis sa ginawang brochure para sa pinal na kopya

       Day 3 week 2    Pagsusumite sa pinal na kopya ng brochure

       Day 4 week 2    Pagsulat ng Repleksyon    Mga Kasangkapan sa Pagtatasa:

Teacher made TestSurvey formChecklistOpen-ended question