35
Gamit ng Wika sa Lipunan

Gamit ng Wika sa Lipunan

Embed Size (px)

Citation preview

Gamit ng Wika

sa Lipunan

Layunin: 1. Natutukoy ang

iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan

2. Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa

“Uuuy pare!Long-time-no-see. Maligayang Kaarawan!”“Bumangon ka na at mamalengke. Bumili ka ng buhay na manok para sa salusalo mamaya.”

“Paano magparehistro bilang botante para sa mga 1st time voters?” “Ang sa akin lang, hindi ako komportable na nagpopost ng litrato sa internet gamit ang aking social media account tulad ng facebook at instagram.”

“Anu-anong element ang matatagpuan sa planetang Mars? Sapat ba ito para suportahan ang buhay ng halaman? ”

“Kamakailan, inilunsad ng pamahalaan ang P2P Bus System o Point-to-Point system na may ruta mula sa SM North Edsa Quezon City – Glorietta, Makati City sa Kamaynilaan. Naglalayon itong maibsan ang matinding trapiko sa EDSA. Ang P2P bus system ay nagsasakay at nagbaba lamang sa isang napiling bus stop.”

Gamit ng Wika

sa Lipunan

INTERAKSYONAL

Interaksiyonal•ginagamit ito sa

pagpapanatili ng mga relasyong sosyal,

katulad ng pagbati sa iba’t ibang okasyon,

panunukso, pagbibiro, pang-iimbita, pasasalamat,

pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa isang

partikular na isyu.

•paggamit ng mga salitang pang-

teen-ager, liham-pangkaibigan,

lenggwahe ng mga bakla, propesyunal na jargon, palitang

ritwalistik, at dayalektong rehiyunal.

INSTRUMENTAL

Instrumental•tumutulong sa tao para maisagawa ang mga gusto niyang gawin. •Tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.

•magagamit ang wika sa pagpapangaral,

verbal na pagpapahayag,

pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos,

pakikiusap , liham pangangalakal at

pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa

isang produkto.

•maisasagawa niya ang

anuman at mahihingi ang

iba’t ibang bagay sa tulong ng

wika.

REGULATORYO

RegulatoryoMay gamit ding

regulatori ang wika na

nangangahulugang nagagamit ito sa

pagkontrol sa mga ugali o asal ng

ibang tao, sitwasyon o kaganapan.

•Kabilang dito ang pagbibigay ng mga

patakaran o palisi at mga gabay o panuntunan, pag-aaproba at/o di-

pagpapatibay, pagbibigay ng pahintulot at/o pagbabawal, pagpuri

at/o pambabatikos, pagsang-ayon at/o di-

pagsang-ayon, pagbibigay paalala,

babala at pagbibigay panuto.

•Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng

pagtuturo ng lokasyon, direksyon sa pagluluto

ng isang ulam, direksyon sa pagsagot

ng pagsusulit at direksyon sa paggawa ng anumang bagay ay

mga halimbawa ng tungkuling

regulatoryo.

PERSONAL

Personal• pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng isang indibidwal. • Paglalahad ng sariling opinyon at kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.• Pagsulat ng talaarawan at journal at pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.

•Nasa anyo ito ng iba’t ibang pangungusap

na padamdam, pagmumura, paghingi

ng paumanhin, pagpapahayag ng mga pansariling

damdamin (tuwa, galit, gulat, hinanakit, pag-asa, kagustuhan),

at iba pang pansariling pahayag.

HEURISTIKO

Heuristiko•ginagamit ito ng tao

upang matuto at magtamo ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa mga akademiko

at/o propesyunal na sitwasyon.

• Ito ay ang pagbibigay o

paghahanap ng kaalaman.

• Kabilang dito ang pagtatanong, pakikipagtalo,

pagbibigay-depinisyon,

panunuri, sarbey at pananaliksik.

• Nakapaloob din dito ang pakikinig

sa radyo, panonood ng telebisyon, pagbabasa ng pahayagan,

magasin, blog at mga aklat kung

saan nakakukuha tayo ng

impormasyon.

IMPORMATIBO

ImpormatiboAng wika ay instrumento

upang ipaalam ang iba’t ibang

kaalaman at insight tungkol

sa mundo.

Ang wika ay ginagamit upang

magbigay ng impormasyon/datos sa paraang

pasulat at pasalita.

Ang ilang halimbawa nito ay pag-uulat,

panayam, pagtuturo, pagpapaliwanag,

pagsagot, pagtuturo at pagsusulat ng pamanahunang papel o tesis.

IMAHINASYON

ImahinasyonLikas sa mga Pilipino ang

pagkamalikhain. Sa pamamagitan

ng wika napapagana ang imahinasyon ng

tao.

Nakasusulat ang tao ng: > tula

> maikling kuwento

> atbp.

Nakaukit sa isipan ng tao ang kanyang mga pangarap na nagsisilbing gabay sa kanyang hinaharap.

PASULIT1. Anim ang patay sa trahedya sa lansangan

kahapon ng umaga sa may baryo San Agustin.2. Magandang umaga Sarah!3. Heneral Luna: “Kung magiging isang bansa man

tayo kailangan natin ng isang radikal na pagbabago. Mga kapatid, mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga Amerikano- ang ating mga sarili.”

4. Pabili po ng isang kilong asukal at harina.5. “Diri na lang ko kutob, diri na lang ko taman, dili

na ko mogukod sa tawong kusog modagan.”

Takdang Aralin:Tingnan at basahin ang mga post ng iyong mga

kaibigan sa newsfeed ng inyong Facebook account. Pansinin kung anong gamit ng wika

ang iyong nakikita sa iba’t ibang post. Base sa iyong obserbasyon, paano ginagamit ng iyong mga kaibigan ang social media? Magbigay ng

limang halimbawa (post ng inyong mga kaibigan) bilang suporta sa iyong sagot.

Isulat sa inyong Quiz notebook.