22
PRE-EMPLOYMENT ORIENTATION SEMINAR (PEOS ONLINE) MODULE 3: FOREWARNED, FOREARMED

Filipino^module 3 forewarned, forearmed

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

PRE-EMPLOYMENT ORIENTATION SEMINAR (PEOS ONLINE)

MODULE 3: FOREWARNED, FOREARMED

Page 2: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

FOREWARNED, FOREARMED: Stay away from Illegal Recruiters!

Ang tama at legal na paraan ng paghahanap ng trabaho sa ibang bansa ay mahabang proseso ngunit nakakasiguro.

Maaaring may mga taong lalapit sa iyo at mangangako ng mabilis na paraan para ikaw ay magkatrabaho sa ibang bansa.

Huwag maniwala agad sa mga sabi-sabi at maging kritikal sa iyong mga nababasa at naririnig ukol sa overseas employment. Ugaliing sumangguni sa POEA para sa tamang kaalaman tungkol dito.

MAG-INGAT! May mga illegal recruiters sa tabi-tabi mo. Kilalanin sila.

Page 3: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Sino nga ba ang isang illegal recruiter?

1. Nagre-recruit ng walang lisensya o awtoridad.

2. Nanghihingi agad ng bayad para sa placement fee at iba pang singilin, at hindi nagbibigay ng resibo.

3. Nangangako ng mabilis at madaliang pag-alis na ang kadalasang gamit ay tourist o visit visa.

4. Nagsasabing direktang kausap ang foreign employer kaya hindi na kailangang dumaan sa proseso ng POEA.

5. Nagre-require agad na magpa-medical o mag-training ang aplikante kahit wala pang tiyak na trabaho.

6. Nagre-recruit sa mga bahay o sa mga pampublikong lugar tulad ng malls, restaurants, at iba pang mga lugar na hindi rehistradong address ng ahensya.

Page 4: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Sino nga ba ang isang illegal recruiter?

7. Hindi nagbibigay ng malinaw at kumpletong impormasyon tungkol sa trabahong inaalok o di kaya’y nagpapakita ng pekeng kontrata o visa.

8. Nagpapakilalang kawani o konektado sa isang lisensyadong ahensya o mismong sa POEA ngunit hindi nagbibigay ng sapat na impormasyon tungkol sa sarili tulad ng buong pangalan, tirahan, at iba pa.

9. Nanghihikayat sa mga aplikante na maghanap at mang-engganyo ng iba pang aplikante para mapabilis ang pag-alis nila o kaya ay maka-diskuwento sa mga bayad o placement fees.

10.Nag-aalok ng trabaho online at nanghihingi ng mabilisang bayad sa pamamagitan ng money transfer services upang matuloy agad ang aplikasyon.

Page 5: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Huwag magpaloko sa mga illegal recruiters! Paano?

1. Mag-apply lamang sa mga recruitment agencies na licensed ng POEA.

2. Siguraduhin na ang licensed recruitment agency ay may POEA-approved job order.

3. Makipagunayan lamang sa mga authorized representatives ng licensed recruitment agencies. I-double check ito sa POEA.

4. Kapag makikipagkita sa isang recruitment agent, gawin lamang ito sa registered address ng kanyang kinabibilangang recruitment agency. Ang public at actual office na iyong pupuntahan ay iisa dapat.

Page 6: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Huwag magpaloko sa mga illegal recruiters! Paano?

5. Bayaran lamang ang maximum allowable placement fee. Ang halaga nito ay ang iyong magiging isang buwanang kita na hindi pa kasama ang documentation cost.

Kung ikaw ay nag-a-apply bilang seafarer or domestic worker, walang placement fee na kailangan bayaran. Wala ding placement fee na kailangan bayaran kung ikaw ay magtatrabaho sa mga bansang ito: United Kindgdom, Ireland Norway, New Zealand, the Netherlands at sa mga sumusunod na probinsya ng Canada: Manitoba, Saskatchewan, Alberta at British Columbia.

6. Ang placement fee ay babayaran lamang pagktapos mapirmahan ang Employment Contract. Humingi ng Official Receipt pagkabayad.

Page 7: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Huwag magpaloko sa mga illegal recruiters! Paano?

7. Maging mapanuri sa mga job offers online na agad na humihingi ng payment para sa visa, airfare at processing cost.

8. Maging mapanuri din sa mga ads at brochures na nagsasabing mag-reply sa isang Post Office (P.O.) Box address at magsama ng payment para sa application forms at processing ng mga ito.

9. Kung ikaw ay binibigyan ng tourist o visit visa para makapagtrabaho sa ibang bansa, huwag itong tanggapin. Ang legal na trabaho abroad ay may kasamang visa o work permit.

10.Makipag-ugnayan lamang sa mga government offices at huwag sa mga fixers!

Page 8: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Huwag Magpaloko sa Mga Illegal Recruiters!

Maraming mga modus operandi o schemes ang mga illegal recruiters at ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga ito. HUWAG MAGING BIKTIMA SA MGA SCHEMES NA ITO!

Tourist SchemePinapaalis ang tao bilang tourista kunwari pero ang totoo, ito ay magtatrabaho sa ibang bansa. Ginagamit itong paraang ito upang makapag-paalis ng mga workers ng kailangan ng mga blacklisted at notorious na mga employers. Ginagamit din ito para umiwas sa proseso ng POEA.

Page 9: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Huwag Magpaloko sa Mga Illegal Recruiters!

Escort Services “HATID”Ang isang worker ay ine-escort sa mga airports at seaports at pinapaalis ng bansa ng walang travel documents. Hindi sila sumasailalim sa mga dapat na proseso na dinadaanan ng paalis na OFW, tulad ng validation sa Labor Assistance Center (LAC) at immigration screening.

Backdoor ExitAng isang worker ay pinapaalis ng bansa sa mga ports of exit na kung saan hindi mahigpit ang immigration control. Sinasakay sila sa cargo ships o sa mga bangka. Ang ilang ports sa Visayas at Mindanao ay tinuturing na backdoor exit o transit point papunta sa mga malalapit na bansa.

Ang isang ‘escorted’ worker ay sinasamahan ng isang airport personnel o taong maalam sa airport procedures. Siya ay pinapasa sa iba’t-ibang mga escorts sa loob ng airport o seaport.

Page 10: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Huwag Magpaloko sa Mga Illegal Recruiters!

Assumed IdentityMay mga workers ay na pinapaalis ng bansa gamit ang pangalan ng ibang tao. Kumukuha sila ng passports gamit ang birth certificate ng iba, lalung-lalo na yung mga namatay na. Mga minor de edad at mga babaeng domestic workers ang nabibiktima ng assumed identity. May mga illegal recruiters at traffickers na inaabuso ang kawalan ng birth registration ng ilang aplikante. Ang hindi pag-register ng mga namayapa na ang kadalasang rason din kung bakit nagagamit ang pangalan nila para mga pekeng dokumento.

Page 11: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Huwag Magpaloko sa Mga Illegal Recruiters!

Student-Worker Scheme / Trainee-Worker SchemeAng isang worker ay ni-re-recruit at dine-deploy bilang estudyante sa ilalim ng isang traineeship program ng isang hotel, ospital o iba pang business establishments sa ibang bansa. Nakakakuha sila ng trabaho ngunit wala silang mga work permits at madalas ay hindi kaaya-aya ang kanilang work conditions. Ginagamit ang scheme na ito para umiwas sa mahabang proseso at marami-raming requirements na kailangan para sa legal labor migration.

. Ang mga nabibiktima ng scheme na ito ay ang mga kabataan, mga estudyanteng malapit na mag-graduate o kaka-graduate pa lamang. Hangga’t trainee o intern ang turing sa isang worker, hindi niya mae-enjoy ang mga benefits ng dapat ay para sa kanya

Page 12: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Huwag Magpaloko sa Mga Illegal Recruiters!

Reprocessing o “Repro” sa Pamamagitan ng Tie-UpsAng scheme na ito ay ang tuluyang pag-re-recruit ng mga illegal recruiters sa ilalim ng isang licensed recruitment agency. Ang worker ay pino-process gamit ang job order ng isang licensed recruitment agency

Visa Assistance o Immigration Consultancy SchemeIligal ang ginagawa ng immigration consultancy firm kung wala itong POEA license ngunit nag-ooperate bilang isang recruitment agency. Halimbawa ito ay magbibigay kunwari ng tulong sa para sa visa processing pero sa katunayan ito nag-ooffer ng trabaho abroad. Ang iba naman ay kunwari na nagbibigay ng orientation seminar na may kasamang pagrerecruit at yong iba ay humihingi ng seminar fee.

kaya pagdating ng worker sa abroad ay wala naman talagang trabahong naghihintay o ang trabaho ay iba sa job order na approved ng POEA, o kaya siya ay magtatrabaho sa ibang employer, registered man o hindi ng POEA.

Page 13: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Huwag Magpaloko sa Mga Illegal Recruiters!

Irregular Direct HiringNirerecruit ang workers sa pamamagitan ng direct hiring ng foreign employer at hindi dumadaan sa POEA processing system. Nade-deploy ang mga workers bilang tourista o sa pamamagitan ng ibang paraan ng iligal.

Workers to Work or Transit in a Non-Visa CountryMay mga workers na ine-enganyo ng mga illegal recruiters na magtrabaho sa mga bansang hindi nangangailangan ng visa. Popular ito sa ASEAN region. Sa kabila ng pwedeng ma-issuehan ng working visa ang worker pagdating niya sa bansang pupuntahan, madalas naman ay hindi maganda ang working conditions na makukuha niya sa kadahilanang hindi pumasa sa standards ng POEA ang totoong uri ng trabaho.

Page 14: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Huwag Magpaloko sa Mga Illegal Recruiters!

Camouflaged Participants / Representatives in Seminars / Sports EventsPinaaalis ang workers papunta sa ibang bansa kunwari bilang participants ng isang seminar o lalahok sa sporting event. Iyong iba naman ay isinasama sa groupo ng isang concert abroad, pero ang totoo ay magtatrabaho sila pagdating nila sa bansang iyon.

Mail Order BridePinapakasalan kunwari ng isang foreigner ang mga Filipina. Ngunit pagdating ng Filipina sa bansa ng kanyang asawa, siya ay ginagawang domestic helper ng kanyang asawa at ng pamilya nito. Kadalasan sila ay nalulugmok sa napaka-miserableng kondisyon at uri ng trabaho.

Page 15: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Huwag Magpaloko sa Mga Illegal Recruiters!

Blind AdsMay mga advertisements para sa mga trabaho sa abroad na makikita sa mga pahayagan. P.O. Box lamang ang nakalagay na address na kung saan ipapadala ang application forms ng mga interesadong aplikante at walang pangalang ng recruiter ang nakalagay. Ito ay lumang kalakaran na kung saan uupa ng P.O. Box ang isang illegal recruiter para makaiwas sa prosekusyon. Ang scheme na ito ay ginagawa pa rin hanggang ngayon. Magingat!

By CorrespondenceAng mga interesadong aplikante ay hinihikayat na ipadala via mail ang kanilang mga dokumento na may kasamang fee.

Page 16: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Huwag Magpaloko sa Mga Illegal Recruiters!

Educational ToursAng illegal recruiter ang nagaayos ng mga dokumento ng mga aplikante at siya din ang magpapakita nito sa airport. Ang mga dokumentong ito ay mga school credentials.

Religious PilgrimagePinaaalis ng bansa ang ilang mga workers kunwari kasama ng isang grupo na mapi-pilgrimage. Ang totoo ay maghahanap sila ng trabaho pag dating nila sa ibang bansa.

Wedding / Grand Occasion InvitationPinagpapanggap ang mga workers na dadalo sa isang kasal o malaking okasyon sa abroad. Pinagdadala pa sila ng ang pormal na damit pati imbitasyon.

Page 17: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Huwag Magpaloko sa Mga Illegal Recruiters!

Detached VisaMay mga workers na magtrabaho sa South Korea gamit ang E-6 Visa (Entertainer Visa) ay nagkukunwaring magtuturista o magta-trabaho sa mga

NAIA Terminal 3 Open MarketMay mga illegal recruiters na nagaabang ng mga pasaherong hindi pinasakay ng Immigration dahil sa mga hindi tamang papeles. Ang mga manlokong ito ay nagsasabing may mga kilala silang mga Immigration Officials na maaring payagan silang makaalis muli.

bansa sa Middle East, pero mayroon connecting flight sa isang Asian country. Ang visa ay tinatanggal muna sa kanilang passport pag-alis ng Pilipinas pero ito ay ibinabalik ulit ito upang makasakay sa kanilang flight papuntang South Korea. Ito ay ginagawa upang makaiwas sa pagproseso sa POEA.

Page 18: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Huwag Magpaloko sa Mga Illegal Recruiters!

‘Syota’ SystemPinagpapanggap ang isang lalaki at isang babae na magkasintahan at aalis ng bansa kunwari para mamasyal sa ibang bansa. Pagdating nila sa kanilang destination country ay maghihiwalay sila ng landas. Madalas ay may isang babalik ng Pilipinas pero may posibilidad din na pareho na silang hindi uuwi.

Yaya MethodPinasasamahan kunwari ng yaya ang isang bata para makita ang kanyang mga magulang sa sa ibang bansa. Dala ng yaya ang mga dokumentong kailangan gaya ng DSWD clearance na may pirma ng magulang ng bata. Pagbalik ng bata sa Pilipinas, kasama niya ang kanyang mga magulang, pero hindi ang yaya.

Page 19: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Huwag Magpaloko sa Mga Illegal Recruiters!

Internet ScamMga advertisement sa internet ang ginagamit sa panlolokong pag-recruit ng mga workers. Yong iba naming ay pagpapadala ng appointment letters sa mga aplikante. Kadalasan humihingi agad ng paunang bayad para sa visa, at processing fee na ipadadala sa pamamagitan ng money transfer services o pagbibigay ng pera sa travel agencies para asikasuhin ang kanilang mga travel requirements.

Sa modus na ito, ang binibigay lamang na contact information ng illegal recruiter ay isang cellphone number o email address. Kung may landline na binigay, kadalasan ay hindi ito mako-kontak.

Page 20: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Huwag Magpaloko sa Mga Illegal Recruiters!

Internet Scam

Isa pang halimbawa ay ang pag-designate ng unauthorized third parties, agents at alleged immigration officers na siyang magpoproseso ng work permit applications at visas.

Internet scam din ang paggamit ng scanned recruitment documents tulad ng Special Power of Attorney, recruitment agreement, manpower request at business o registration papers.

Ang pagbibigay ng websites na ang laman ay mga pekeng impormasyon tungkol sa employer ay isa ding halimbawa ng ganitong scam.

Page 21: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

Huwag Magpaloko sa Mga Illegal Recruiters!

Sa bawat job offer na makikita mo, ugaliing magcheck sa POEA. Laging tandaan, ang recruitment agency na walang POEA license ay iligal!

Huwag magpapaloko sa mga nag-ooffer ng mabilisang pagalis para makapagtrabaho sa ibang bansa, lalung-lalo na yung hindi pagdaan sa proseso ng POEA

ANG POEA ANG TAMA AT LEGAL NA DAAN SA PAGTATRABAHO SA IBANG BANSA.

Tandaan mo, kung documented worker ka, ikaw ay may sa proteksyon mula ng gobyerno. Maari mo ring i-enjoy ang mga karapatan, pribilehiyo at mga matatanggap na tulong laan lamang para sa documented worker.

Page 22: Filipino^module 3   forewarned, forearmed

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 3: FOREWARNED, FOREARMED – How do I apply for overseas jobs the legal way and avoid illegal recruiters?

- END OF MODULE 3 -