Upload
ccafs-cgiar-program-climate-change-agriculture-and-food-security
View
418
Download
7
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Climate Change teaching modules developed by PhilRice
Citation preview
Adaptation Mitigation
VS
ang adaptasyon (o pakikibagay) ang kakayahan ng isang sistema na pakibagayan ang pabagu-bagong panahon
upang mapangasiwaan ang maaaring maidulot na pinsala, at kayanin ang anumang kahihinatnan ng pabagu-bagong
klima.
REVIEW
ang mitigasyon naman ang anumang aksyon upang tuluyang iwasan o bawasan ang pangmatagalang
panganib ng pabagu-bagong klima sa buhay ng tao at mga bagay sa mundo.
Adaptation Mitigation
VS
REVIEW
MGA NAGBUBUGA NG METHANE
• Malimit na paggamit ng pestisidyo
• Tuluy-tuloy na pagpapatubig
• Pagbubulok na may tubig
• Pagsusunog
Ang Kwento Ni Mang Kanor
Si Mang Kanor ay isang magsasaka. Mayroon siyang 3 ektarya ng palayan.
Siya ay may kaibigan, si Mang Noel. Mayroon ding 3 ektaryang lupa si Mang Noel.
Ngunit hindi lang palay ang nakatanim sa 3 ektarya ng lupa ni Mang Noel.
Mayroon din siyang gulayan, isdaan, at hayupan.
Isang araw, ibinalita sa TV na may parating na signal no. 2 na bagyo sa susunod na dalawang araw.
Nag-aalala si Mang Kanor at si Mang Noel. Pareho nilang hindi kabisadong pakibagayan ang bigla-biglang pagbagu-bagong panahon. Ilang araw na lang, mamumulaklak na ang palay nila. Pero naani na ni Mang Noel ang iba sa kanyang mga gulay.
Pagkalipas ng bagyo….
Nalungkot si Mang Kanor nang nakita niya ang mga nakadapa niyang palay.
Ganon din si Mang Noel. Buti nalang may naisalba pa siya sa kanyang mga kalabasa.
Iniisip ni Mang Kanor kung saan siya kukuha ng pangkain at iba pang pangangailangan.
Samantalang si Mang Noel ay kumukuha ng pangkain sa mga naisalba nyang gulay at hayop. Mayroon pa siyang kaunting naibebenta sa kanyang mga kapitbahay.
Ano ang natutunan ninyo sa
karanasan ni Mang Kanor?
Pakikibagay at Mitigasyon
Integrated Rice-Based Farming
System
Rice Integrated Crop Management System Sistemang
Palayamanan Sistemang PalayCheck
Integrated or pinagsama-
samang pamamaraan
• Isang pamamaraan kung saan pinagsama-sama ang produksiyon ng palay, gulay, prutas, hayop, at organikong pataba
• Tuloy-tuloy na pagkakaroon ng pagkain
• Mas magandang kita at kabuhayan
• Mas produktibong bukid
• Kasiguraduhan sa produksyon
• Mas malawak na gamit ng lupa
Palayamanan
Mga Bahagi ng PALAYAMANAN
Crop Production Livestock Production
Fruit Trees Aquaculture
- Mainam sa mga bahaing lugar
- Maaaring magtanim ng palay at gulay
- Kailangan lamang ng mga lokal na materyales tulad ng kawayan sa paggawa nito
Floating garden
Makakalikasan na pamamaraan ng pagpapalay na naglalayong mabawasan ang paggamit ng mga kemikal o inorganikong pataba at pestisidyo
Ecological Rice Farming
• Vermicomposting—paraan ng paggawa ng organikong pataba sa pamamagitan ng pag-aalaga ng malalaking bulate o African Night Crawlers na siyang tumutulong para pabulukin ang mga nabubulok na basura gaya ng mga balat ng prutas, dahon, dayami, damo, etc.
• Ang pinagsamang lupa at mga nabulok na basura ay nagreresulta sa isang mainam na pataba
• Ang pagkalat o paghalo ng dayami sa palayan ay nagbubuga ng methane
Ecological Rice Farming
‘Di kailangang i-memorize lahat