1
Filipino -1
(Ikatlong Markahan)
Epiko
Modyul 3.1
PANITIKAN: Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko
“Ibalon” (Epiko ng Bikol)
GRAMATIKA/RETORIKA: Iba’t ibang Paraan ng Pagtatanong
Suriin ang mga larawan.
http://www.google.com.ph/search?tbm=isch&hl=en&source=hp&biw=1366&bih=598&q=mga+pilipino+superheroes&gbv=2&oq=mga+pilipin
o+su
May napansin ka ba? Tama, kaibigan! Sila ang super heroes sa panahon natin.
Nakikila mo ba silang lahat? Bakit kaya sila tinawag na superheroes? Sino ang paborito
mo sa kanila? Bakit siya ang napili mo? Nangarap ka rin ba na maging gaya nila? Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa
2
Alamin kung gaano kalawak ang alam mo sa tulang pasalaysay na epiko.
Sagutin ang sumusunod na tanong upang iyong makita kung marami ka pang dapat
tuklasin at pag-aralan tungkol dito.
I. Paunang Pagsusulit
A. Gamit ang sun diagram, ibigay ang mga kaisipan na kaugnay ng salitang epiko.
Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.
B. Piliin sa loob ng kahon kung sino ang tauhan at saang rehiyon o lugar siya
nabibilang. Isulat ang sagot sa loob ng arrow box. Gawin sa sagutang papel.
Gayahin ang pormat.
EPIKO
TAUHAN
Tuwaang Aliguyon
Labaw Donggon Indarapatra at Sulayman
Banna Lam-ang
Baltog Bidasari
Wigan
REHIYON/LUGAR Visayas
Ifugao Manobo
Maguindanao Bicol
Mindanao Ilocos
Tagalog Panay
3
TAUHAN REHIYON/LUGAR
G. Labaw Donggon
B. Tuwaang
C. Indarapatra
at Sulayman
E. Bidasari
F. Aliguyon
D. Banna
H. Lam-Ang
A. Wigan
I.Baltog
4
Alam mo ba na may mga kinikilala din tayong super heroes sa panahon ng ating
mga ninuno? Subuking tanungin ang iyong mga lolo o lola at malalaman mo na
mayroon din tayong ipinagmamalaking superheroes. Gusto kong maunawaan at
maintindihan mo ito upang maikuwento mo rin ito sa iyong mga kaibigan at kakilala.
Kaya paganahin mo ang iyong imahinasyon dahil isasama kita at ililibot sa daigdig ng
superheroes na sinasabi ko sa iyo. Handa ka na ba?
Binabati kita dahil nakarating ka na sa aking mundo, ang mundo ng epiko.
Sasamahan kita sa iyong paglalakbay. Tiyak na magugustuhan mo ang pagpunta rito!
Mamamalas mo ang angking kariktan ng panitikang ito. Hindi lamang ‘yan, kundi
pupuntahan mo pa ang kaloob-loobang bahagi nito upang lalo mo pang malaman at
maintindihan ang mga kaalamang kinakailangan na magagamit mo sa iyong pag-aaral
kaugnay ng epiko. Lalo pang lalawak ang iyong mga karanasan at patitibayin ang iyong
pagpapahalaga sa mga panitikan natin.
Sa pagpasok mo sa pintuang ito ay aalamin mo muna ang kaligirang
pangkasaysayan ng Epiko. Sa bahaging ito ay iyong tutuklasin ang mga elemento nito
gaya ng a. tagpuan b. tauhan at ang c. banghay. Sa modyul na ito ay malalaman mo
ang uri ng tunggalian: tao vs tao; tao vs kalikasan; tao vs sarili; at tao vs lipunan. Sa
Maligayang
Pagdating Kaibigan!
Tingnan nga kung ilan ang
nakuha mong tamang sagot?
Okey lang kung ‘di mo
nakuha lahat.
5
iyong paglalakbay ay pag-aaralan mo rin ang tungkol sa gramatik at retorika gaya ng
sumusunod:
1. iba’t ibang paraan ng pagtatanong tulad ng: 1.1. mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi; 1.2. mga tanong na nagsisimula sa interogatibong panghalip; 1.3. mga tanong na nagsisimula rin sa mga interogatibong panghalip ngunit naghahayag ng iba’t ibang damdamin 2. iba’t ibang anyo ng pang-uri: 2.1. payak 2.2. maylapi
2.3. tambalan
3. mga linker o pang-angkop na na at ng; at 4. pangatnig
Sa pagpasok natin
sa pintong ‘yan ay
kakausapin ka ng
bantay kung ano ang
mahalagang tanong
na gusto mong
malaman. Iyon ang
magiging password
upang iyong
mapasok ang lahat
ng pinto. Sa palagay
mo, ano ang
mahalagang tanong?
Kaibigan, tatahakin mo ang limang pinto ng
daigdig ng epiko. Sa bawat pintong iyong
lilisanin ay may misyon na dapat mong
isagawa upang mapatunayan nila na
naiintindihan mo at maisasabuhay mo ang
lahat ng kaalaman na iyong natutuhan. Sa
loob ng bawat pinto ay may mga gawain na
dapat mong matapos upang makapasok ka
sa ibang dimensiyon. Alam kong kayang-
kaya mo ito! Huwag kang mag-alala dahil
may gabay ka. Ipinagpapauna ko na sa iyo,
para makabalik ka sa iyong panahon ay
kinakailangan na magawa mo na
makapagtanghal ka, pipili ka ng isang tauhan
na makikilala mo rito at gagayahin mo ang
kaniyang kasuotan, subalit walang kilos at
tagpuan. Ito ang tinatawag na informance!
Hmm, Mahalagang
tanong….
6
Binibigyan ka ng layang isulat sa mga kahon na kasunod ang iyong
mga mahalagang tanong sa pagpasok mo sa pintong iyan. Gawin sa sagutang papel.
Gayahin ang pormat.
3
1
2
4 5
Karagdagang mga Tanong:
______________________________________________
Isagawa mo…
7
Mahahalagang Tanong
1. Bakit may taglay na supernatural o di-
pangkaraniwang kapangyarihan ang
pangunahing tauhan sa bawat epiko?
2. Bakit kailangang alamin
ang epiko ng iba’t ibang
rehiyon o lugar sa bansa?
Bilangin mo nga kung ilan sa mga
sagot mo ang tama sa ibinigay na
mahalagang tanong. Okey lang kung
hindi mo nakuha lahat, ang mahalaga,
nagawa mo ang iniutos ng bantay.
3. Paano mauunawaan at
mapahahalagahan ang mga epiko
ng sariling rehiyon?
4. Bakit mahalaga ang kaalamang
gramatika at retorika?
Ngayong papasok ka na sa aking
kaharian, punan mo ang mga hinihinging
impormasyon na kinakailangan upang
makapag-sign in ka. Gawin sa sagutang
papel. Gayahin ang pormat.
8
Pangalan:________________________________
Taon at Seksiyon:___________________________
Paaralan:________________________________
Tirahan:__________________________________________________
Mga bagay na maipagmamalaki sa inyong lugar:
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Kasaysayan ng inyong lugar:
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Kaibigan, ang epiko ay uri ng panitikan na
tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali
ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na
halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
puno ng kababalaghan na di-kapani-paniwala.
Kuwento ito ng kabayanihan na punong-puno ng
kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng
mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
9
A. Isulat ang hinihinging impormasyon tungkol sa inyong lugar.
Paniniwala Kalagayang
Panlipunan
Kultura
(pista,relihiyon)
Hanapbuhay
1 1 1 1
2 2 2 2
3 3 3 3
4 4 4 4
Heograpiya- ang tawag sa ganitong uri ng
mga impormasyon dahil ang heograpiya ay
agham ng mga lokasyon ng mundo.
Nakapokus ito sa distribusyon ng likas na
yaman at mga tao sa ibabaw ng lupa.
Sa pagtatapos ng araling ito ay
inaasahang magagawa mong makipag-
ugnayan sa mga kaklase mo na
magtutungo rin dito upang magsagawa
kayo ng simposyum tungkol sa
kinalabasan ng isinagawang sarbey
tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng
epiko ng iba’t ibang rehiyon. Narito ang
mga pamantayan:
A. batay sa pananaliksik;
B. may kaugnayan sa paksa;
C. napapanahon;
D. nagtataglay ng mga elemento ng
simposyum; at
E. wasto ang paraan ng pagtatanong at
pagsagot.
Inaasahang Pagganap
10
Bakit hanggang ngayon ay laganap pa rin ang mga
kuwentong puno ng kababalaghan at di-kapani-paniwalang
pangyayari? Isulat sa sagutang papel.
Paano nakikita ang kaugnayan ng heograpiya sa mga kababalaghan at di-
kapani-paniwalang pangyayari na naganap sa isang lugar? Patunayan gamit ang venn
diagram.Gayahin ang pormat.Isulat sa sagutang papel.
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
Alam mo ba…
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Heograpiya
Kababalaghan at
di kapani-
paniwalang
pangyayari
Epiko
11
Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko
Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong "epos" na nangangahulugang salawikain o awit. Ito ay isang mahabang salaysay sa anyong patula na maaaring awitin o isatono. Hango ito sa pasalin-dilang tradisyon tungkol sa mga pangyayaring mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan. Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng nakapaloob na mga paniniwala, kaugalian at mithiin ng mga tauhan .
Sa Pilipinas, popular ang tinatawag na epikong bayan o folk epic. Ayon sa mga mananaliksik ng katutubong panitikan, may kani-kaniyang matatanda at mahahabang salaysay na patula ang iba’t ibang pangkating etniko sa Pilipinas. Sa labas ng Katagalugan, mayroon nang mga popular na tulang pambayan, o mga tulang epiko, bago pa man dumating sa bansa ang mga banyaga.
Kilala sa mga Iloko ang epikong Biag ni Lam-ang o (Buhay ni Lam-ang). Ito ay isinulat ng makatang si Pedro Bukaneg na isininop at pinag-aaralan pa rin hanggang sa kasalukuyan. Sa Bicol naman ay tanyag ang epikong ang pamagat ay Ibalon na ang orihinal na sipi sa wikang Bicolano ay iningatan ni Padre Jose Castaño noong ika-19 dantaon. Gayundin ang epikong Handiong ng mga Bicolano na batay naman sa mga bagong pananaliksik ay likha ng isang paring Español at hindi sa bibig ng mga katutubo.
Sa Visaya naman nagmula ang epikong Maragtas at sa Mindanao, ang pinakamahabang epiko sa Pilipinas na Darangan. Nakapaloob sa Darangan ang kilalang mga Epiko na Prisipe Bantugan, Indarapatra at Sulayman at Bidasari. Ang mga kapatid naman natin sa CAR (Cordillera Administrative Region) partikular sa Ifugao ay may ipinagmamalaki namang Hudhud at Alim.
Sa nakaraang ikadalawampung siglo, isa-isang naitala ng mga mananaliksik at dalubhasa ang marami pang epikong- bayan mula sa iba’t ibang dako ng bansa. Ayon sa kanila, nauuri ang epikong nasusulat ayon sa kasaysayan ng lugar na kinatagpuan nito. Halimbawa, nasa pangkating Kristiyanong epiko ang Lam-ang at Handiong, samantala, nasa pangkating Muslim naman ang mga epikong Bantugan, Indarapatra at Sulayman, Parang Sabil at Silungan. Ibinilang naman sa pangkating Lumad (di-kristiyano at Muslim) ang Ullalim ng Kalinga, Hudhud at Alim ng Ifugao, Labaw Donggon ng Hiligaynon, Hinilawod at Agyu ng Mindanao, Kudaman ng Palawan, Tuwaang ng mga Manobo, Ulod, Sambila, at Guman ng Bukidnon.
Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang epikong-bayan. Bukod sa nagiging aliwan ang epiko, ito ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura. Ginagamit ito sa mga ritwal at pagdiriwang upang maitanim at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno.
Sa kasalukayan, may ilan pa rin sa mga epikong ito ang inaawit ng ating mga kababayan sa kanilang mga pagdiriwang. Marami pa ring matatanda ang nakaaalam sa
12
mga bahagi ng mga epikong kanilang kinagisnan. Patuloy pa rin sa pag-aaral ang mga mananaliksik sa mga lokal na kasaysayan upang maipaliwanag ang kaugnayan ng epiko sa ating mga paniniwala at kaugalian. Sa pamamagitan nito, higit na mapalalawig ang pagkaunawa sa kahalagahan ng epiko bilang bahaging pampanitikan at pangkultura ng lipunang Pilipino.
Sagutin o gawin ang hinihingi gamit ang concept diagnosis. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.
1. Paglilista. Isulat ang mga epikong nabanggit mula sa binasa. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.
2. Pagpapangkat. Pangkatin ang mga epiko ayon sa panahong sumibol ang
mga ito. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.
Ika-19 dantaon Ika-20 dantaon Kasalukuyan
3. Pag-lalabel. Lagyan ng label ang bawat epiko kung saang lugar ito nagmula.
Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.
Lugar na Pinagmulan Luzon Visayas Mindanao
Paano mauunawaan at mapahahalagahan ang mga epiko ng sariling rehiyon?
Isulat sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.
13
Paano lumaganap ang epiko sa Pilipinas. Sagutin sa tulong ng dayagram ng
mga pangyayari. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.
Ang Kaligirang Pangkasaysayan
ng Epiko
P1 P2 P3 P4
Lagom ng mga pangyayari
14
IBALON
Kilala ang Bicol sa kanilang
matandang epiko na Ibalon na isinalaysay ng isang makatang manlalakbay na si Cadugnung na isinalin ni Fr. Jose Castaño. Ang nasabing epiko ay nalathala sa Madrid sa tulong ni Wenceslao Retana.
Ibalon o Ibalnon ang naging tawag ng
mga Español sa sinaunang lupain ng mga Bicolano. Naging batayan nito ang mga “ibal” o “ibay” na kauna-unahang pangalan
A. Basahin at pag-aralan ang epikong
Ibalon.
LINANGIN ang Iyong Pag-unawa
A. Pagtataya sa kaalaman
Pangatuwiranan na nakaimpluwensiya ang paniniwala sa
kababalaghan o supernatural sa kaugalian at isipan ng mga
taong pinangyarihan nito.
Rubriks sa pagmamarka:
10- tapat, makatotohanan,naglalahad ng sariling
pananaw, napaninindigan ang sariling pananaw
9- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka
8- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka
7- taglay ang isang elemento ng pagmamarka
5- hindi taglay ang isa man sa mga elemento ng pagmamarka
15
ng tangway ng Bicol. Salitang pinaikli ang “ibal” ng Ibalyo na nangangahulugan na naging tawiran mula sa Visayas patungo sa kabilang ibayo sa dakong Timog Luzon.
Binubuo ng sampung saknong na may tig-4 na linya o talutod. May sukat na lalabindalawahin. May dalawang bahagi ang epiko. Naglalaman ng kahilingan ni Iling (isang ibong laganap sa Kabikulan at kung inaalagaan ay madaling turuang bumigkas ng ilang salita) kay Cadugnung na awitin ang mga pangyayaring magpakilala sa kabayanihan ni Handiong.
Ang ikalawang bahagi naman ay ang awit ni Cadugnung na naglalaman ng mga pangyayaring naganap noong matagal na panahon. Sa pagsisimula ng epiko, si Baltog ang kauna-unahang lalaking nakarating sa
Kabikulan buhat sa lupain ng Botavara. Dahil sa mayamang lupain ng Bicol at sa likas nitong kagandahan, naakit si Baltog. Isang gabi, tinambangan ni Baltog ang baboy-ramo. Sinaksak niya ang mabangis na hayop sa pamamagitan ng kaniyang sibat. Pagkatapos ay sinunggaban niya ang mga panga at binali ang buto. Isinabit ni Baltog ang dalawang panga sa puno ng Talisay. Labis na humanga ang mga mangangasong buhat sa ibang lugar nang kanilang makilala at makita ang pangit at panga ng baboy-ramo gayundin ang panga nitong nakausli. Ang baboy-ramong ito ay buhat daw sa bundok ng Lingyon at tinatawag na Tandayag.
Dahil sa ipinamalas ni Baltog na pambihirang lakas, kinilala siyang pinuno ng pook na Ibalon. Naging mabuti siyang pinuno. Binigyan niya ng katarungan ang lahat ng kaniyang nasasakupan. Matapos ang panahon ng kapayapaan at kasaganaan, naghari naman sa buong Ibalon ang lagim at kapinsalaan dahil sa poot ng mga dambuhalang tulad ng mga pating na may pakpak, kalabaw na lumilipad at higanteng buwaya.
16
Nalungkot si Baltog dahil siya ay matanda na at hindi na niya kayang ipagtanggol ang kaniyang nasasakupan. Hindi nagtagal, isang batang-batang mandirigma ang nagngangalang Handiong ang dumating sa Ibalon. Nang marinig niya ang karaingan ng mga tao ay muli siyang naging tagapagligtas. Naging matagumpay naman siya sa paglipol ng mga dambuhala. Hinikayat ni Baltog si Handiong na magkaroon ng isang pangkat ng mga mandirigma upang tumulong sa paglipol ng mababangis na dambuhala. Kaya’t mula noon, si Handiong naman ang humaliling bayani ng epiko.
Nakalaban din at napatay ni Handiong si Ponong nang bigla itong lumusob sa kanila. Isa rin itong dambuhala na iisa ang mata at tatlo ang bibig. Ang labanan ay umabot ng sampung buwan. Ang pating na may pakpak at simarong kalabaw na lumilipad ay nalipol lahat. Ang mabangis na “sarimaw” ay itinaboy sa bundok ng Kolasi. Ngunit isa pang dambuhala ang nakaligtas sa kamay ni Handiong. Siya’y si Oryol, isang tusong ahas na nakukuhang maging isang anyo ng kaakit-akit na babae at ang tinig ay parang sirena. Ang mapanlinlang na serpyente ay nagtatangkang gayumahin si Handiong. Sa kabila ng pang-aakit na ginawa kay Handiong, pinatunayan ni Oryol na hindi niya mapapasuko si Handiong, kaya’t naghandog siya ng tulong upang mapuksa ang mga dambuhalang buwaya sa ilog Bicol. Pagkatapos ng labanan, ang ilog Bicol ay namula sa dugo ng mga buwaya. Nasaksihan ng ilang orang-gutang ang labanang ito at sila’y nasindak. Nang malipol ang mga dambuhala sa pook, namahinga si Handiong. Mula noon,
siya’y nagpatuloy sa pamamahala sa kaniyang mga kababayan nang buong tapat at katalinuhan. Sa kaniyang pagpapahinga siya’y nagtanim ng gabi na ang laman ay kasinlaki ng pansol. Nagtanim din siya ng isang uri ng palay na nagtataglay ng kaniyang pangalan. Lalo siyang napamahal sa kaniyang mga sakop nang nahikayat niya nang buong lugod ang mga mamamayan upang gumawa ng mga kapaki-pakinabang na kasangkapan sa ikabubuti ng lipi. Binanggit din sa epiko na ang kauna-unahang gumawa ng bangkang naglayag sa ilog Bicol ay si Cinantong.
17
Lalong naging kahanga-hanga si Cinantong nang magdagdag siya ng timon at layag sa bangkang ginawa niya. Ginawa rin ni Cinantong ang araro, suyod, pagalong, singkaw, gulok, asarol at salop. Ang iba pang nagsigawa ng kasangkapan ay si Hablom na tumuklas ng habihan, ang unanong si Dinahon naman ang lumikha ng tapayan, kalan, palayok at iba pa. Si Sural naman ang gumawa ng ABAKADA at inukit sa batong libon.
Inilarawan din sa epiko ang bahay nina Handiong na kung tawagin ay “moog” sapagkat ito’y nakasalalay sa punongkahoy. Ayon sa epiko, sila’y tumatahan sa itaas ng punungkahoy upang maiwasan ang labis na init at mailigtas ang mga sarili sa insekto’t hayop na naglipana sa pook. Ibinigay ni Handiong ang batas na makatarungan na magpapahintulot na manirahan nang sama-sama ang alipin at umaalipin nang may karangalan at katiwasayan sa pamilya.
Sa gitna ng kapayapaang naghahari sa lupain ay nagkaroon ng isang delubyo. Ang baha ay kagagawan ni Inos. Isang nakasisindak na bagyo na may kasamang malakas na ulan ang nasabing delubyo. Pagkatapos ng delubyo, isang tangway ang lumitaw na ngayon ay tinatawag na Pasacao. Nagbago rin ang takbo ng agos ng ilog Inarihan. Ang epiko ay nagwakas sa kasaysayan ni Bantong, isang batang-batang kaibigan ni Handiong na lagi niyang kasa-kasama. Sa panahong iyon, ang katahimikan ng Ibalon ay muling binulabog
ni Rabut, isang dambuhalang kalahating tao at kalahating hayop ang katawan. Siya’y isang mangkukulam at nagagawa niyang bato ang sinuman.
Isang araw, kasalukuyang bumabaha, nagtungo si Bantong kasama ang kaniyang mga tauhan sa yungib at sinalakay si Rabut samantalang ito’y natutulog. Tinaga ni Bantong ang tulog na dambuhala. Namilipit sa sakit si Rabut at umalingawngaw ang kaniyang tinig sa buong bayan.
18
Dinala ni Bantong ang bangkay ni Rabut sa Libnaman. Ipinakita niya kay Handiong ang dambuhala at hindi siya makapaniwala sa kapangitan ni Rabut. Dito nagwakas ang salin ni Fr. Jose Castaño. Nangako si Cadugnung na ipagpapatuloy niya ang kuwento sa ibang araw. Subalit maaaring hindi na naisalin ang iba pang bahagi ng epiko o kaya ay hindi na natapos kung kaya’t nananatiling walang karugtong ang epiko.
Tradisyon Paniniwala
Paglinang Ng Talasalitaan
1. Gamit ang semantic web, magbigay ng mga salita o kaisipang may kaugnayan sa mga salitang nakapaloob sa mga larawan. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.
Pangkating
Lumad
19
Katangian ng Epiko
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
Katangian ng Pabula
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
Katangian ng Alamat
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
2. Ihambing ang epiko sa iba pang
uri ng panitikan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Epiko Alamat
Pabula
Paano nagkakaroon ng ugnayan?
20
1.
2. Bakit kailangang alamin ang epiko
ng iba’t ibang rehiyon sa bansa? Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
Epiko
Epiko
Epiko Epiko
Epiko
Epiko
Epiko Epiko
Epiko
Sa Antas ng Iyong Pag-unawa
Paano nakatutulong sa
ating bansa ang mga
tanyag na epiko ng iba’t
ibang rehiyon ?
21
3. May mga taong naniniwala at hindi naniniwala sa kakaibang lakas ng mga tauhan sa
epiko lalo na ang pangunahing tauhan, mga tagpuang may kababalaghan at mga hindi
kapani-paniwalang pangyayari. Ano ang iyong paniniwala tungkol dito? Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
4. May mga nagsasabi at
napabalita na may mga
kuwentong kababalaghan na
nangyayari sa Kabikulan? Ano
ang masasabi mo tungkol dito?
May kinalaman nga kaya ito sa
epiko ng Bicol o ito ay imbento
lamang?
22
Ang Simposyum (Talakayang Pangkatan)
Ang simposyum ay isang interaksiyon o talakayang pangkatan tungkol sa isang tiyak at napapanahong isyu. Mauuri ito sa dalawa, ang pormal at di-pormal na simposyum. Kadalasan, pormal ang gamiting anyo ng simposyum lalo na sa mga paaralan o unibersidad. Binubuo ang simposyum ng tatlo hanggang apat na panauhing tagapagsalita na nakahandang magbigay ng kanilang talumpati. May isang modereytor o tagapag-ugnay na siyang magsisilbing tagapamagitan sa daloy ng gaganaping talakayan. Inaasahang ang lahat ng panauhin ay may sapat na kaalaman sa paksa.
Nahahati sa dalawang bahagi ang simposyum. Sa unang bahagi, isa-isang
magbibigay ng talumpati ang mga panauhing tagapagsalita tungkol sa kanilang opinyon at panig sa pag-uusapang isyu o paksa. Tinatakdaan naman ng oras ang bawat magsasalita. Matapos ang mga pagtatalumpati, susundan naman ito ng lahatang diskusyon o open forum na siyang ikalawang bahagi ng simposyum. Lilinawin sa mga tagapakinig ang paksa sa paraan ng pagpapalitan ng mga tanong na siyang pamamahalaan naman ng isang tagapag-ugnay o modereytor.
PALALIMIN ang Iyong Pag-unawa
B. Pagtataya sa Proseso at Kasanayan (Process and Skills) ng mga
mag-aaral
Paano mo mapatutunayan sa pamamagitan ng story
collage na bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang paniniwala
sa supernatural o mga kababalaghan?
Rubriks sa pagmamarka:
10- tapat, makatotohanan,taglay ang orihinalidad,masining
9- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka
8- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka
7- taglay ang isang elemento ng pagmamarka
5- hindi taglay ang isa man sa mga elemento ng pagmamarka
23
Higit na magiging matagumpay ang simposyum kung ang mga tagapakinig o madla ay aktibong makikisangkot sa open forum sa kanilang pagtatanong. Tandaan na isinasagawa ang simposyum hindi para sa mga panauhing magsasalita kundi para sa kabatiran ng mga nakikinig sa paksa. Sa pagsasagawa ng isang talakayang pangkatan o simposyum, kadalasang nagsasagawa ng mga sarbey o kaya naman ay panayam sa mga taong kabilang upang makuha ang pangkalahatang pulso, opinyon at panig ng madla na kanilang bibigyang- linaw sa aktuwal na simposyum.
ALAM MO BA…
Narito ang maaaring gamiting
patnubay na mga tanong sa iyong
isasagawang gawain.
Iba’t Ibang Paraan ng Pagtatanong
1. Mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi. Sa wikang Filipino, karaniwang gumagamit ng ganitong tanong. Maaaring tumaas o bumaba ang intonasyon sa katapusan ng tanong. Ang sagot dito ay maikli at hindi na nangangailangan ng pagbubuo ng isang pangungusap.
Halimbawa: Naniniwala ka ba na mahalagang pag-aralan ang epiko? Oo/Opo (naniniwala ako) Hindi/Hindi po (ako naniniwala) Maaari ko bang makuha ang iyong opinyon tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng epiko? Oo/Opo (puwede) Hindi/Hindi po (puwede)
24
Basahin mo ang isang halimbawa
ng pakikipanayam. Heto i-sesend
ko na…
2. Mga tanong na nagsisimula sa mga interogatibong panghalip. Maraming tanong sa wikang Filipino na ginagamitan ng interogatibong panghalip na sino, saan, kailan, ano, bakit, paano, magkano, alin, ilan, at gaano. Mayroon ding anyong inuulit, ang ilan sa mga ito gaya ng ano-ano, sino-sino, at saan-saan na nagpapaliwanag ng pangmaramihang kasagutan. Hindi limitado ang sagot sa mga tanong na ito dahil maaaring iba-iba ang sagot sa tanong, basta’t naibibigay ang sagot ng impormasyong hinihingi ng tanong.
Halimbawa: Saan ang tagpuan ng epikong Ibalon? Ano ang ibig sabihin ng epiko? Ilan ang kilalang epiko ng mga Muslim? Sino ang pangunahing tauhan sa epikong Ibalon?
3. Mga tanong na nagsisimula rin sa mga interogatibong panghalip ngunit naghahayag ng ibat’ ibang damdamin. Mahuhulaan ang damdaming inihahayag ng ganitong mga tanong sa tulong ng tono ng pagsasalita. Nakabatay ang pagbigkas sa damdaming nais ihayag ng tagapagsalita.
Halimbawa: Bakit mo nagustuhan ang epiko? (Maganda kasi/ Wala lang./ Ang galing-galing kasi ng mga bida!)
25
Isang Panayam (Interbyu)
Al Bryan: Magandang araw po Gng. Analiza R. Lazaro! Isa po ako sa mag-aaral na
naatasan ng aming guro sa Filipino 1 na kapanayamin kayo. Humihingi po ako ng pahintulot.
Gng.Lazaro: Magandang araw rin sa iyo Al Bryan! Oo, maaari mo akong kapayanamin.Tungkol saan ang kailangan mong hingan ng impormasyon?
Al Bryan : Tungkol po sa katutubong epiko ng Pilipinas. Para sa inyo, ano po ba ang epiko?
Gng. Lazaro: Ang epiko ay isang tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan na siyang bayani at may angking kapangyarihan na gaya ng mga bathala o diyos-diyosan.
Al Bryan : Ah, may mga tauhan po na may lakas na gaya nila Hercules sa Mitolohiya? Gng. Lazaro : Tama, iho. Al Bryan: Bakit po kaya ginamitan pa ng mga tauhang may kakaibang lakas o
kapangyarihan ang epiko gayong maaari namang wala nito? Gng. Lazaro : Ang pangunahing dahilan ng paggamit ng mga tauhang may
kapangyarihan sa epiko ay upang higit na malibang ang mambabasa o tagapakinig. Hindi ba higit na kapana-panabik basahin kapag may kakaibang tauhan ang isang akda? Isa pa, nakaugat sa ating kultura ang ating mga sinaunang paniniwala sa mga engkanto o lamang-lupa na may kapangyarihan.
Al Bryan : Naku, talaga namang nakaaaliw basahin ang mga epiko. Gaano po kahalaga para sa isang Pilipinong mag-aaral na gaya ko ang makabasa at mapag-aralan ang mga katutubong epiko natin?
Gng. Lazaro : Napakahalaga, iho. Sa pamamagitan ng ating pag-aaral ng epiko, matutuklasan natin ang ating nakaraang kasaysayan sapagkat sinasalamin nito ang ating mayamang kultura. Makikita natin ang sinaunang paniniwala, paraan ng pamumuhay, at maging ang pananampalataya sa Dakilang Lumikha at pagmamahal sa kalikasan. Sa palagay mo Al Bryan, nakita mo ito sa iyong mga nabasang epiko?
Al Bryan :Opo. Kung gayon po, masasabi po ba nating bawat epiko ng rehiyon ay ito ang pagkakakilanlan ng kanilang lugar?
Gng. Lazaro : Tama ka. Bawat epiko ay sumasalamin sa kanilang buhay at kultura. Al Bryan : Napakarami palang kaalaman ang naibahagi po ninyo sa akin tungkol sa
epiko. Marami pong salamat! Gng. Lazaro : Walang anuman. Nawa’y makatulong iyan hindi lamang sa iyo kundi
maging sa mga kamag-aral mo.
abc
Options Send Clear
3/3
26
a. Bakit kinapanayam ni Al Bryan si Gng. Lazaro? ______________________________________________________________________________________________________________________________________ b. Naging makahulugan ba ang isinagawang pakikipanayam ni Al Bryan?
Patunayan. ______________________________________________________________________________________________________________________________________ c. Isulat ang mga ginamit na tanong ni Al Bryan upang makuha ang mga
impormasyong kaniyang kailangan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.Gayahin ang pormat.
1. Bumuo ng tigtatatlong tanong na ang paksa ay tungkol sa kaligirang
pangkasaysayan ng epiko. Isaalang-alang ang mga paraan ng pagtatanong
na napag-aralan.
a. Tanong na masasagot ng Oo at Hindi
1.____________________________________________________________
______________________________________________________________
2.____________________________________________________________
______________________________________________________________
Mga Ginamit na Tanong :
1.
2.
3.
4.
5.
Gawaing Panggramatika
Sagutin ang mga tanong,
kaibigan. Isulat ang mga
sagot sa sagutang papel.
27
3.____________________________________________________________
______________________________________________________________
b. Mga Tanong na Nagsisimula sa Interogatibong Panghalip.
1.__________________________________________________________________________________________________________________________ 2.__________________________________________________________________________________________________________________________ 3.__________________________________________________________________________________________________________________________
c. Mga tanong na nagsisimula pa rin sa mga interogatibong panghalip
ngunit naghahayag ng ibat’ ibang damdamin.
1.___________________________________________________________________ 2.___________________________________________________________________ 3. ___________________________________________________________________
C. Pagtataya sa Pag-unawa (Understanding) ng mga mag-aaral:
Bumuo ng mga tanong batay sa impormasyong ibinigay gamit ang iba’t ibang
uri ng pagtatanong. Isulat sa sagutang papel.
Iginiit muli ng Kalihim ng Edukasyon (DepEd) na si Armin Luistro ang usapin tungkol sa pagdaragdag ng dalawang taon sa haiskul.
Inilahad ng DepEd ang resulta ng inisyal nilang pag-aaral para sa “K-12 Program” kung saan lumilitaw na may pangangailangan talaga para sa dagdag na taon ng pag-aaral.
Nakapaloob sa proposal na “K-6-4-2 Model” na ang isang mag-aaral ay dadaan sa isang taon sa kinder, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa “junior high school” at dalawang taon sa “senior high school”.
Ang huling dalawang taon ay gugulin sa pagma-master o espesyalisasyon ng estudyante sa mapipiling aralin.
Ayon kay Luistro, ang mga benepisyo sa dagdag na dalawang taon ay
mapapaluwag ang workload sa mga aralin, magkakaroon ng sapat na kakayahan ang mga nakapagtapos para makapagtrabaho, mas magiging handa sa kolehiyo,
makahahanap ng trabahong may mataas na sahod, magiging handa sa trabaho
sa ibang bansa, at makasasabay ang Pilipinas sa international standards sa edukasyon.
28
Listing ng mga Tanong 1.________________________________________ 2.________________________________________ 3.________________________________________ 4.________________________________________ 5.________________________________________ 6.________________________________________
Lumikha ng mga tanong na itatanong sa isasagawang sarbey o panayam tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng epiko ng iba’t ibang rehiyon, tiyakin na masasagot ang mga kinakailangang impormasyon batay sa mga pamantayang inilahad.
ILAPAT ang Iyong Pag-unawa
Rubriks sa pagmamarka:
10- kaangkupan,wasto ang paraan ng pagtatanong, kaugnayan
ng tanong sa impormasyong ibinigay, kalinawan ng tanong
9- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka
8- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka
7- taglay ang isang elemento ng pagmamarka
5- hindi taglay ang isa man sa mga elemento ng
pagmamarka
29
Suriin ang mga tanong na iyong ginawa. Pagkatapos sagutin ang
mga tanong na ito: Angkop ba o hindi angkop ang mga tanong na ginawa mo? Dugtungan ang pahayag sa pagsagot.
(Angkop o Di-angkop) ang mga tanong na ginawa ko ukol sa
isasagawa kong pakikipanayam dahil_____________________________ ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Kakapanayamin mo ang sumusunod. Gamitin ang uri ng mga tanong na angkop sa bawat tao sa pagsasagawa ng sarbey. Pumili lamang ng isang tao sa bawat kategorya. Isulat sa sagutang papel ang impormasyong nakalap. Gayahin ang pormat.
1. mga mag-aaral
• haiskul
• kolehiyo 2. mga propesyunal
• guro
• doktor
• at iba pa 3. mga karaniwang tao
• nagtitinda sa palengke
• sales clerk sa isang mall 1.______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 2.______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3.__________________________________________________________________________________________________________________________
30
____________________________________________________________________________________________________________________________
Batay sa mga impormasyong iyong nakalap tungkol sa kahalagahan ng pag-
aaral ng epiko ng iba’t ibang rehiyon, ano ang masasabi mo tungkol dito? Ilagay sa karwahe ang iyong sagot. Gawin sa sagutang papel.
Sagot: ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Sa iyong palagay masasabi mo na ba na may kakayahan ka na sa pagsasagawa ng panayam o sarbey ?
31
Tanong 1: __________________________________________ Sagot: ______________________________________________ Tanong 2: __________________________________________ Sagot: ______________________________________________ Tanong 3: __________________________________________ Sagot: ______________________________________________ Tanong 4: __________________________________________ Sagot: ______________________________________________ Tanong 5: __________________________________________ Sagot: ______________________________________________ Tanong 6: __________________________________________ Sagot: ______________________________________________ Paliwanag: __________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ Lagumin ang mga impormasyong nakalap upang maging malinaw at maayos
para sa pagsasagawa ng simposyum. Isulat sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.
Kumuha ng kapareha na kasama mo dito sa aming kaharian at pagkatapos ay subukin mong itanong sa kaniya ang mga tanong na iyong ginawa. Itala ang kaniyang magiging sagot at ipaliwanag kung epektibo ang mga ginawang tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
kahalagahan ng
pag-aaral ng epiko
ng iba’t ibang
rehiyon
1.
2.
4.
3.
32
At ngayong tapos mo na ang aralin
na ito ay isagawa mo at ng iyong
mga kasama ang inaasahang
pagganap upang masukat ko kung
gaano kalalim ang inyong natutuhan
sa araling ito batay sa mga
pamantayang ibinigay.
Binabati kita!!
D. Paglilipat ng Pag-unawa (Product and Performance) ng
mga mag-aaral
Magsagawa ng simposyum ukol sa tungkol sa kinalabasan ng
isinagawang sarbey tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral
ng epiko ng iba’t ibang rehiyon. Narito ang mga
pamantayan:
Rubriks sa pagmamarka:
10- Batay sa pananaliksik, may kaugnayan sa paksa,
napapanahon, nagtataglay ng mga elemento ng
simposyum, at wasto ang paraan ng pagtatanong at
pagsagot
9- taglay ang apat na elemento ng pagmamarka
8- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka
7- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka
5- taglay ang isang elemento ng pagmamarka