PRESENTATION OF
GROUP IVPrepaired by:
Eldred Jerome M. Ayunting.Rainier V. LigasanAloysius Atheos L. Butac.
Ang Presentasyon na ito ay tungkol sa
Pananakop ng Japan
Sa panahon ng pamahalaang Komonwelt, sumiklab ang isang
pandaigdigang sigalot, ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Nasangkot ang Pilipinas sa pandaigdigang
sigalot nang salakayin ng Japan ang Pilipinas. Bunga nito,
naudlot ang pamamahala ng Komonwelt kaya’t naudlot din ang kasarinlan na inaasam ng
mga Pilipino.
ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIGAN
Nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II) nang salakayin ng Germany ang Poland noong Setyembre 1, 1939. Nagdeklara ng digmaan ang Britain at France na bumuo sa alyansa na tinatawag na Allied Powers ang mga bansa na kabilang sa alyansa ng Axis Powers na binubuo ng Germany, Italy at Japan. Pinasimulan ng Germany at Italy sa Europe ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pamamagitan ng pagsalakay sa iba pang bansa.
Sa pacific sinimulan ng Japan ang pananakop ng mga teritoryo sa Asya kabilang dito ang Manchuria,China, hilagang Indochina na sakop ng mga Pranses at Siam (kasalukuyang Thailand). Nang sumiklab ang digmaan, nanatiling neutral o walang kinakampihan ang United States. Subalit, bilang tugon sa pagpapalwak ng Japan ng teritoryo sa Pacific ay ipinatupad ng United States ang total embargo ang di-pagbenta ng mga kalakal sa Japan ng maaring makatulong sa digmaan. Upang ihinto ng United States ang total embargo, isinagawa ng Japan ang biglaang sa Pearl Harbor.
Nasangkot ang Pilipinas sa digmaan nang sumali ang United States sa digmaan. Ang pagpapasabog sa pinakamalaking naval base ng United States sa Pacific ang nagbunsod sa United States upang magdeklara ng digmaan laban sa Japan at sumali sa digmaan. Samantala, pagkaraang bombahin ng Japan ang Pearl Harbor , kasunod nito ang biglaang pagsalakay sa Pilipinas.
PAGSALAKAY NG JAPAN SA PILIPINAS
Sinimulan ng Japan ang pagsalakay sa mga kolona ng Allied Powers sa Asya. Binomba nito ang mga kabisera at mga mataong lugar. Kasunod nito ang pagdating ng mga sundalong Hapones na pinamunuan ni Heneral Masaharu Homma. Samantala, si Heneral Arthur MacArthur naman ang namuno sa mga sundalo ng USAFFE o United States Armed Forces in the Far East na binubuo ng mga sundalong Amerikano at Pilipino.
Disyembre 8, 1941
Sinimulan ng mga Hapones ang pagsalakay sa bansa. Ito ay pagkaraan ng sampung oras matapos bombahin ng Japan ang Pearl Harbor. Binomba ang Davao, Tuguegarao, Iba at Baguio gayundin ang mga paliparan sa Clark Air Field sa Pampanga.
Disyembre 9, 1941
Pagbomba ng Hapones sa Maynila at Nichols Air Base.
Disyembre 10, 1941
Pagdating ng mga sundalong Hapones sa Pilipinas. Pumasok sila sa Aparri at Vigan. Samantala, si Heneral Masaharu Homma, ang pinuno ng hukbong Hapones ay dumaan sa Lingayen, Pangasinan.
Disyembre 24, 1941
Inilipat ang pamahalaang Komonwelt sa Corregidor. Samantala si MacArthur ay ipinatawag sa United States upang muling bumalik sa serbisyo nang magsimula ang digmaan sa Pacific.
Disyembre 26, 1941
Idineklara ni Heneral Douglas MacArthur ang Maynila na Open City upang mailigtas ang lungsod sa patuloy na pambobomba ng mga Hapones. Ang Open City ay nangangahulugan na walang hukbong magtatanggol dito kaya’t hindi ito kailangan salakayin. Subalit hindi nirespeto ng mga Hapones ang deklarasyon at ipinagpatuloy ang pambobomba rito.
Enero 2, 1942
Nasakop ng mga Hapones ang maynila.
Pebrero 20, 1942
Umalis si Pangulong Quezon at ang kanyang pamilya patungo sa Australia at pagkaraan ay nagtungo sa United States. Ito ay alinsunod sa payo ng mga Amerikano upang hindi siya madakip ng mga Hapones.
Marso 11, 1942
Umal si Heneral Douglas MacArthur patungo sa Australia. Humalili si Heneral Jonathan Wainwright kay MacArthur bilang pinuno ng USAFFE. Inutusan si MacArthur na umalis ng Pilipinas dahil sa kalagayan sa Relihiyong Pacific.
Umurong ang USAFFE sa Bataan upang mailigtas ang sibilyan mula sa kapahamakan ng digmaan. Dagdag pa dito, estratehiko ang lokasyon ng Bataan dahil sa bulubundukin ito.
Abril 9, 1942Umasa ang mga sundalong USAFFE sa
Bataan na may ipadadalang tulong ang United States sa kanila, subalit walang dumating na tulong. Maliban sa mga bala at bomba, maraming sundalo rin ang namatay dahil sa gutom at sakit kaya’t sa huli ay napilitan ang mga ito na sumuko. Pagkaraan nito, isinagawa ang Death March kung saan ay sapilitang pinaglakad ang mga sundalong Pilipino at Amerikano mula Marivelis, Bataan hanggang sa San Fernando, Pampanga sa loob ng anim na araw. Ang isla ng Corregidor na lamang ang nananatiling lumalaban sa puwersa ng mga Hapones.
Mayo 6, 1942
Bumagsak ang mga Corregidor pagkaraan ng sunod-sunod na pambobombang mga Hapones. Sumuko ang tinatayang 13,000 sundalo.
Mayo 7, 1942
Inutos ni Heneral Wainwright na sumuko ang lahat ng sundalo sa mga Hapones. Ito ang simula ng pamamahala ng mga Hapones sa Pilipinas.
Layunin ng Japan sa Pananakop
Nagsimula ang industriyalisasyon ng Japan sa panahon ng Meiji Era. Sa panahong ito, namuno sa pamahalaan ng Japan ang mga militar. Hangarin ng mga militar na palakasin at paunlarin ang kanilang bansa, subalit batid nila na salat sa mga yamang likas ang Japan na mahalaga para sa industriyalisasyon. Bunga nito, naisip nila na magkaroon ng teritoryo sa Timog Silangan Asya gaya ng mga makapangyarihang bansa kaya’t inilunsad nito ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere upang pagkaisahin ang kabuhayan ng mga tao sa Asya sa pamumuno ng Japan.
Ipinahayag din nila ang kanilang propaganda gaya ng “Asya para sa mga Asyano.” Ito ay nangangahulugan na mas mainam na pakinabangan ang Asya ng mga Asyano kaysa sa mga dayuhang Kanluranin. Ikinatuwiran din nila na isinagawa nila ang pananakop sa mga bansa sa Asya upang palayain ang mga ito mula sa mga Kanluranin. Nasakop ng Japan ang British East Indies (Malaysia at Singapore), Dutch East Indies (Indonesia), French Indochina (Laos, Vietnam at Cambodia), Burma (kasalukuyang Myanmar), Thailand at Pilipinas.
Simula ng Pamamahala ng mga Hapones
Sinakop ng Japan ang Pilipinas nang mahigit sa tatlong taon mula 1942 hanggang 1945. Pagkaraan masakop ng mga Hapones ang Maynila, inutos ni Heneral Homma Masaharu, ang pinuno ng hukbo ng mga Hapones, ang reorganisasyon ng pamahalaan sa Pilipinas.
Enero 3, 1942
Itinatag ng mga Hapones ang pamahalaang militar sa Maynila. Ipinatupad ang mahihigpit na patakaran gaya ng pagpapatupad ng curfew. Ipinatupad rin ng pamahalaang militar ang batas militar upang makontrol ang mga mamamayan at masulip ang mga Pilipinong tutol sa mga Hapones.
Enero 23, 1942
Itinatag ang Komisyong Tagapagpaganap upang pamahaan ang bansa na pinamumunuan ni Jorge Vargas, ang alkalde ng Maynila nang dumating ang mga Hapones. Ito ay binuo ng anim na kagawaran na pinamunuan ng mga Pilipino sa ilalim ng pagsusubaybay ng mga tagapayong Hapones. Samakatuwid ang pagpapasya ng mga pinuno ay batay sa pagsang-ayon ng mga pinunong Hapones.
Disyambre 4, 1942
Itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Pilipinas), ang nag-iisang partidong politikal sa panahon ng pananakop ng mga Hapones.
Hulyo 4, 1943
Pumili ng mga kasapi sa Preparatory Commision for Phillipine Independence (Komisyon sa pagpapaganda da kalayaan ng Pilipinas). Ito ang itinalagang pangkat na maghahanda sa pagbuo ng saligang batas at sa pagtatag ng panibagong pamahalaan. Si Jose P. Laurel ang nahirang na pinuno ng Komisyon.
Hulyo 10, 1943
Dumating si Punong Ministro Hideki Tojo. Upang makuha ang loob ng mga Pilipino at ipakita na nakahihigit sila mga Amerikano, ipinangako ni Pinunong Ministrong Hideki Tojo na ipagkakaloob nila sa mga Pilipino ang kalayaan ng Pilipinas kung sila ay makikipagtulungan sa adhikain ng mga Hapones na maitatag ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
Setyembre 4, 1943
Nilagdaan ng PCPI ang Saligang Batas 1943 sa isang seremonya. Itinadhana nito ang pagtatag sa ikalawang Republika ng Pilipinas at pagkakaroon ng Pambansang Asamblea na may isang kapulungan at mayroon 108 na kinatawan.
Setyembre 7, 1943
Niratipika ang Saligang Batas 1943 ng 117 delegado ng KALIBAPI. Ang Saligang Batas 1943 ay binubuo ng preamble at 12 artikulo. Nakasaad dito na may tatlong sangay ng pamahalaan sa bansa, ang tagapagpaganap,tagapagbatas at tagapagpatupad. Ang pangulo ang pinuno ng sangay ng tagapagpaganap; ang Pambansang Asamblea sa sangay ng tagapagbatas; at ang Kataas-taasang Hukuman sa sangay ng tagapagpatupad. Binigyan din ng kapangyarihan ang mga Hapones sa ilalim ng Saligang Batas 1943.
Samantala, mas binigyang halaga sa bagong saligang batas ang tungkulin ng mga mamamayan kaysa sa kanilang karapatan.
Setyembre 23, 1943
Pinasinayaan ang pagbubukas ng unang sesyon ng Asamblea. Nahirang si Benigno S. Aquino Sr. bilang ispiker.
Setyembre 25, 1943
Hinalal sa Jose P. Laurel ng Pambansang Asamblea bilang pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas.
Oktubre 14 1943
Pinasinayaan ang pagtatatag sa Ikalawang Republika ng Pilipinas. Itinatag din ang Konseho ng Estado (Council of State) na nagsilbing tagapayo ng pangulo. Ang gabinete ng namahala sa mga bagong kagawaran ng pamahalaan. Ang pamahalaan sa panahon ng pananakop na mga Hapones ay nahati sa tatlong sangay:
Pamamalakad ng mga Hapones
Kontrolado ng mga Hapones ang mga pinuno ng pamahalaan kaya’t tinawag ang Ikalawang Republika na pamahalaang puppet dahil naging tau-tauhan lamang ang mga Pilipinong opisyales sa mga tagapayong Hapones. Naging mahigpit din ang pagkontrol sa mga mamamayan. Ipinagbawal ang kalayaan sa pamamahayag, pananalita at paglalakbay.
Sinikap ng pangulo at mga opisyales na matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino subalit naging mahirapang pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Hapones. Maraming suliranin ang hinarap ng mga Pilipino sa loob ng tatlong taon ng pananakop ng mga Hapones. Kabilang na rito ang suliranin sa pananalapi. Nagpalabas ng salapi ang mga Hapones na tinawag na Mickey Mouse Money na nagmistulang playmoney dahil wala itong halos halaga. Nagkaroon ng implasyon. Tumigil ang pagpapatakbo sa mga industriya at hanapbuhay ng mga tao.
Laganap din ang kriminalidad. Ipinagbawal ang mga pamahayagan at naging mahigpit ang pagsesensura. Ang taging pahayagan na inilathala noong panahon ng pananakop ng mga Hapones ay ang Manila Tribune at ang magasin na Liwayway.
Labis ang naging kahirapan ng bansa dahil sa naranasang krisis sa ekonomiya dahil sa pagkaudlot ng kabuhayan ng mga Pilipino. Inagaw ng mga Hapones ang mga ari-arian ng mga Pilipino.nagkaroon ng kakapusan sa pagkain dahil sa mahinang ani at pagkumpiska ng mga Hapones sa ani ng mga magsasaka. Kasabay nito ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin. Bunga nito maraming Pilipino ang nakaranas ng matinding kagutuman.
Upang may mahain, nagtanim ang mga Pilipino sa kanilang mga bakuran. Dahil naantala ang kabuhayan, umiral ang sistemang barter. Naging kabuhayan ng mga Pilipino ang buy and sell. Kadalasan ang kapalit ng mga bagay ay pagkain. Samantala, mayroon din mga libangaaan na umiral sa panahon ng pananakop ng mga Hapones. Ang mga pagtatanghal na isinagawa sa mga teatro ay dinumog ng mga tao. Sa larangan ng panitika n,mayroon din naisulat ang mga Pilipino sa kondisyon na hindi ito kumakalaban sa mga hapones.
Upang makuha ang loob ng mga Pilipino, hinikayat ng mga Hapones ang pagtataguyod sa kulturang Pilipino,paggamit sa sariling wika at pagpapahalaga sa paggawa. Inutos ng mga Hapones ang pagbubukas ng mga paaralan sa primarya at paaralang bokasyunal. Itinuro sa mga paaralan ang Niponggo, ang wika ng mga Hapones. Naging mahigpit ang pamamalakad ng mga Hapones upang matakot at sumunod sa kanila ang mga Pilipino. Hindi umiral ang katarungan ng lipunan sahil sa mga isinasagawang paglabag ng mga Hapones sa karapatang pantao ng mga Pilipino.
Kinakatakutan ng mga Pilipino ang Kempei-Tai o ang pulis militar ng mga Hapones. Samantala, kinamuhian at kinakatakutan din ng mga Pilipino ang mga taong tinatawag na MAKAPILI (Makabayan: Katipunan ng mga Pilipino) o mga Pilipino na nagsusumbong sa mga Hapones upang ituro ang mga taong kumakalaban sa kanila. Dinakip, pinahirapan at pinatay ang mga Pilipino na pinaghihinalaang kumakalaban sa mga Hapones.
Dahil maraming Pilipino ang nangangamba para sa kanilang kaligtasan, marami ang namundok at sumali sa mga kilusang gerilya. Kasama sa mga gerilya ang mga sundalo na hindi sumuko pagkaraang bumagsak ang Bataan at Corregidor. Ang isa sa kilalang pangkat ng mga gerilya ay ang HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa Hapon) na pinamumunuan ni Luis Taruc at magkapatid na Jesus at Jose Lava. Nagsasagawa ang mga gerilya nang patagong pakikipaglaban sa mga Hapones.
Isinagawa nila ang mga biglaang pagsalakay sa mga sundalong Hapones. Dahil sa mga gerilya, lalong naging mahigpit ang mga Hapones. Gayumpaman, naging mahirap para sa mga Hapones ang pagsakop sa iba pang kapuluan at lalawigan dahil sa mga gerilya. Masasabing naging epektibo ang mga gerilyang organisasyon dahil hanggang sa pagwawakas ng digmaan, nagawa lamang macontrol ng Japan ang 12 mula sa 48 na lalawigan sa bansa.
Nagpatuloy na lumago ang biglang pananakop ng mga gerilya bagamat mahigpit ang kampanya ng mga Hapones laban sa mga ito. Sa buong Luzon at sa mga isla sa timog ng Pilipinas, maraming Pilipino ang sumali sa iba’t ibang kilusang gerilya.
Nagkaroon ng ugnayan ang mga pinuno ng mga kilusang gerilya. Sila ay nagplano kung paano makatutulong sa puwersa ng mga Amerikano sa kanilang pagbabalik sa kapuluan. Nakatulong ang mga mahalagang impormasyon na ipinadala ng mga gerilya kay MacArthur sa Australia sa kanyang muling pagbabalik sa Pilipinas.
Pagwawakas ng Pananakop ng mga Hapones.
Nagbago ang takbo ng mga pangyayari. Unti-unti binawi ng mga Amerikano ang mga teritoryong sinakop ng Japan sa Pacific. Sa ilang labanan sa dagat, nagawa ng hukbong dagat sa United States na magwagi laban sa Japan, kaya’t isinagawa ni MacArthur ang kanyang plano sa pagbabalik sa Pilipinas.
Hunyo 19, 1944
Naganap ang Labanan ng Phillipine Sea.
Agosto 1, 1944
Namatay si Pangulong Quezon sa Saranac Lake, New York. Humalili kay Quezon ang kanyang pangalawang pangulo na si Osmena.
Oktubre 20, 1944
Simula ng labanan para sa Pilipinas. Dumating ang puwersa ng mga Amerikano sa Palo, Leyte sa pangunguna ni Heneral MacArthur kasama sina Sergio Osmena, pangulo ng Komonwelt, Carlos P. Romulo at Basilio Valdez.
Oktubre 23, 1944
Muling pagtatag sa Pilipinas ng pamahalaang Komonwelt kung saan si Heneral MacArthur ang pansamantalang namahala. Ginawa ring pansamantalang kabisera ng pamahalaan ang Tacloban. Samantala, mula Oktubre 23-25 ay naganap ang makasaysayang labanan sa Golpo ng Leyte. Ang labanang ito ay ang pinakamalaking labanan na naganap sa dagat noong ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Nakapasok ang iba pang puwersa ng mga Amerikano sa isla ng Mindoro at Lingayen Gulf na nasa kanlurang bahagi ng Luzon. Naging masidhi ang labanan sa bulubundukin ng hilagang Luzon kung saan umatras ang mga sundalong Hapones. Ang Phillipine Commonwelt Troops at ang mga gerilya ay may malaking naitulong sa pagpapalaya sa bansa dahil sila ang pumalit sa ilang batallion at reginment ng mga sundalong Amerikano. Tumulong ang maraming Pilipino sa iba pang aspekto ng digmaan upang mapalaya ang bansa.
Enero 9, 1945
Nasakop ang puwersa ng mga Amerikano sa Lingayen, Pangasinan dahil na rin sa paghina ng puwersa ng mga Hapones. Mula sa Pangasinan, nagtungo ang puwersa ng mga sundalong Amerikano at Pilipino sa Gitnang Luzon. Naging madugo ang labanan sa pagitan ng mga Hapones at Amerikano kasama ang mga Pilipinong sundalo sa kanilang pagpasok sa Luzon. Marami ang nasugatan at namatay sa sibilyan at sundalo. Kasabay nito ang pagkasira ng mga ari-arian at imprastraktura.
Pebrero 3, 1945
Narating ng puwersa ng mga Amerikano at Pilipino ang Maynila.
Pebrero 23, 1945
Nabawi ang Maynila mula sa mga Hapones, subalit nagpatuloy pa rin ang mga labanan hanggang sa tuluyang mabawi ang lahat ng kapuluan
Pebrero 27, 1945
Isinalin ni Heneral MacArthur ang pamamahala ng Komonwelt kay pangulong Osmena.
Hulyo 4, 1945
Ipinahayag ni Heneral MacArthur ang paglaya ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones.
Hulyo 5, 1945
Nagapi ng puwersa ng mga Amerikano at Pilipino ang mga Hapones. May ilan pang hindi sumuko, kabilang na dito si Heneral Tomoyuki Yamashita ng tumakas at dumaan sa kabundukan ng Sierra Madre na tinatawag na Yamashita Line. Naunang nagapi ng Allied Powers sa Europe ang Germany at Italy. Subalit nagpatuloy pa rin ang digmaan sa Pacific dahil patuloy na pakikipagdigmaan ang Japan.
Upang tapusin ang digmaan at sapilitang pasukuin ang Japan, nagbagsak ang United States ng atomic bomb sa Hiroshima noong Agosto 6, 1945 at Nagasaki noong Agosto 9. Ito ang nagbunsod upang sumuko ang Japan sa Allied Powers noong Agosto 15, 1945.
Agosto 17, 1945
Mula sa Japan, nagbigay ng proklamasyon si Pangulong Laurel sa pagwawakas ng Ikalawang Republika.
Setyembe 2, 1945
Nagwakas ang digmaan sa Pacific. Lumagda ang kinatawan ng Japan ng unconditional surrender habang nakalulan sa USS Missouri na nakadaong sa Tokyo Bay. Ang pagsuko ng Japan ay Tinatawag na V-J Day o Victory over Japan Day. Ito ang hudyat ng pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pacific.
Malaki ang pimsala ng digmaan sa Pilipinas gaya ng pagkawala ng maraming buhay, pagkasira ng mga ari-arian at imprastraktura. Tinatayang nasa isang milyong Pilipino ang namatay sa digmaan. Marami rin ang bilang ng mga nasugatan. Pagkaraan ng digmaan, maraming tao ang nasa mga lansangan na makikitang humihingi ng tulong. Malaking hamon ang haharapin ng bansa upang muling makabangon mula sa pagkawakas dulot ng digmaan.
Thank you Ma’am Juliet Esparagoza
for watching ang reading our Presentation
We Love You Ma’am Juliet this thankful is from all
groups specialy this group...
Recommended