May NATITIRA Pa bang
Maaari Mong Mapagkatiwalaan?
Lesson 1
1. Ano ang
sinasabi ng
Biblia tungkol
sa kaniyang
sarili?
• “Ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Dios.” 1 Timoteo 3:16.
• “Sapagka’t hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: Kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.” 2 Pedro 1:21
• “At hindi mangyayaring sirain ng kasulatan.” John 10:35
2. Paano ipinakita
ni Jesus ang
Kaniyang tiwala
sa Kasulatan?
• Ang sabi ni Jesus, “Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao.” “Nasusulat din naman, Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios.” “Nasusulat, sa Panginoon mong Dios sasamba ka at siya lamang ang iyong paglilingkuran.”Mateo 4:4,7,10.
• “Ang salita mo’y katotohanan.” John 17:17
3. Ang mga hula
ba sa Biblia ay
totoong
kinasihan?
• Ang sabi ng Biblia, “Ako ang
Panginoon,…ang mga bagong
bagay ay ipinahahayag ko: bago
mangalitaw ay sinasaysay ko sa
inyo.” Isaias 42: 8,9
• “Ako’y Dios,…na nagpapahayag
ng wakas mula sa pasimula at
mula nang mga unang
panahon, ng mga bagay na
hindi pa nangyayari.” Isaias
46:9,10
4. Maaasahan ba
natin na ang mga
siyentipikong
pahayag na
binanggit sa
Kasulatan ay
tama?
• Ang sabi ng Biblia, “Ang
kabuoan ng iyong salita
ay katotohanan.”
Awit 119:160
• “Ang Espiritu…ay
papatnubayan niya kayo
sa buong katotohanan.”
Juan 16:13
5. Ang mga
pahayag ba
ng Biblia
tungkol sa
kasaysayan
ay tiyak?
• Sinabi ng Biblia,
“Akong Panginoon ay
nagsasalita ng
katuwiran, ako’y
naghahayag ng mga
bagay na matuwid.”
Isaias 45:19
6. Anong patunay ng
inspirasyon ng
nakikita sa buhay
ng mga tao?
• Sinasabi ng Biblia, “Kaya’t kung ang sinoman ang na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito sila’y pawang naging mga bago.”
2 Corinto 5:17
7. Anong patunay para sa
inspirasyon ng Biblia ang
lumilitaw kung ating
ikumpara ang mga hula
ng Lumang Tipan tungkol
sa pagdating ng Mesias
sa mga pangyayari sa
Bagong Tipan ukol sa
buhay ni Jesus?
• Sinasabi ng Biblia, “At magmula kay Moises at sa mga propeta ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya at lahat ng mga kasulatan.”
Lucas 24:27
• “Sapagka’t may kapangyarihan dinaig niya (Apollos) ang mga Judio, at hayag, na ipinakilala sa pamamagitan ng mga kasulatan na si Jesus ay ang Cristo.”
Gawa 18:28
8. Anong malaking
kabutihan ang
tataglayin ng isang
taong tumanggap sa
Biblia bilang mga
salitang kinasihan
ng Dios?
• Sinasabi ng Biblia: “Ako’y nakauunawa na higit kay sa may katandaan sapagka’t aking iniingatan ang mga tuntunin mo.”
Awit 119:100
• Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway.”
Awit 119:98
• “Sapagka’t kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon…ang aking mga pagiisip (ay mataas) kay sa inyong mga pagiisip.”
Isaias 55:9
9. Bakit ang Biblia
ay mayroong
gayong
pangsanlibutang
pagsusumamo?
• Ang sabi ng Biblia: “Ang
salita mo’y…Liwanag sa
aking landas.”
Awit 119:105
• “Ang mga bagay na ito ay
sinalita ko sa inyo;…upang
ang inyong kagalakan ay
mapasa inyo.”
Juan 15:11
• “Sa larawan ng Dios…nilalang niya sila.”
Genesis 1:27
• “Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.”
Mateo 5:16
• “At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili, upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.”
Juan 14:3
10. Nagpapasalamat
ka ba sa Dios sa
Kaniyang mairog
na pagtugon sa
mga nakalilitong
katanungan sa
buhay?
Mga Sagot sa Inyong
Mga Katanungan
1. Nasaktan ako na ang
Biblia ay nagbigay ng
direkta at malinaw na
pagsasalalarawan sa
kasalanan sa pagtatala
ng buhay ng ilang mga
karakter sa Biblia.
Kailangan ba ito?
SAGOT:
Oo, ito’y isa sa mga mahahalagang katotohanang nagbibigay kredibilidad sa Biblia. Karamihan sa mga talambuhay ang nag-iiwan o nagpapababa sa mga masasama at nagpapaliwanag sa mga magaganda. Ang pagsasabi rito ay tila nagbibigay sa tao ng tiwala sa Biblia; at ito’y hindi naglilihim.
2. Ang lahat ba sa
Biblia ay
kinasihan?
Marami ang
naniniwala na
ang ilang bahagi
lang nito ng
kinasihan.
SAGOT:
Ang Biblia ay may kasagutan: “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran.”
2 Timoteo 3:16
3. Ang Biblia ay isang
lumang aklat na may
sinaunang mga salita at
konsepto. Hindi mo ba
inaakalang hindi ligtas ang
nagtiwala sa isang bagay
na matagal ng naalis mula
sa naliwanagang
kapanahunan natin?
SAGOT:
Hindi. Ang sabi ng Biblia, “Datapuwa’t ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailanman.” Pedro 1:25Ang Biblia ay tumatayong tulad ng bato.
4. Ilan sa matatalinong tao
sa mundo na mingat na
pinag-aralan ang Biblia ay
naniniwala na walang
sinomang maaring
umunawa dito. Kung ang
Biblia ay tunay na aklat ng
Dios, hindi ba dapat na
ito’y maunawaan ng lahat
ng tao?
SAGOT:
Ang matatalinong tao na nakauunawa at nakapagpapaliwanag sa anomang bagay ay malimit na natitigilan kung kanilang nababasa ang Biblia. Ang dahilan ay ang mga bagay na espiritwal “ay sinisiyasat ayon sa espiritu”
I Corinto 2:13.
5. Ang Biblia ay puno ng
kamalian. Paano mo
mapaniniwalaang ito
ay kinasihan?
SAGOT:
Ang mga nabanggit na kamakailansa Biblia ay napatunayangsimpleng kamalian lamang sapagpapasya o kawalan ng pang-unawa sa taong nagpaparatang. Ang mga ito ay hindi kamalian salahat, subalit tunay na hindi lamang
ito nauunawaan.
Para sa karagdagang pag-aaral,
paglilinaw o mga katanungan,
Magpost lamang sa group
timeline at bibigyan po namin
kayo ng kasagutan.