Transcript
Page 1: Imperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asya

Gawain 1:

Basahin ng kwento ng isang turista na nagtungo sa Pilipinas. Tukuyin ang mga lugar na kaniyang pinuntahan gamit ang sumusunod na mapa.

Nagtungo ako sa Pilipinas upang bisitahin ang iba’t ibang lugar at lansangan dito. Una kong pinuntahan ang daan na makikita sa silangan ng Athletic Bowl at sa kanluran ng Session Road. Malapit ito sa Governor Pack Road. Ito ay ang (1)____________________.HARRISON ROAD

Page 2: Imperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asya

Pagkatapos nito ay nagtungo ako sa Maynila upang magpunta sa isang ospital. Napansin ko ang isang daan na ipinangalan sa isang bansa sa Europa. Makikita ang daan na ito sa kanluran ng ospital na aking pinuntahan. Nasa hilagang bahagi nito ang isang sikat na fastfood chain. Ang pangalan ng daan na ito ay (2)____________________.ESPAÑA BOULEVARD

Page 3: Imperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asya

Mula sa ospital ay nagtungo ako sa isang pharmacy upang bumili ng gamot. Dumaan ako sa isang mahabang lansangan na makikita sa hilaga ng EDSA. Ito ay ang (3) ______________________. TAFT AVENUE

Page 4: Imperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asya

Ayon sa aking mga kaibigan ay masarap ang mga prutas dito sa Pilipinas kaya’t nagtungo ako sa Marfori Fruit Market. Upang makarating dito, dumaan ako sa (4) __________________ na makikita sa silangan ng Marfori Fruit Market at Timog ng A. Pichon St.

MAGALLANES ST.

Page 5: Imperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asya

Upang makapaglibang naman ay naglaro ako ng basketball sa Bacag Basketball Court na kalapit naman ng Bacag Elementary School. Makikita sa pagitan ng dalawang nabanggit na lugar ang (5) _________________________. MACARTHUR HIGHWAY

Page 6: Imperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asya

Huli kong pinuntahan ang ferry station sa Maynila upang makita ang kasalukuyang kalagayan ng Ilog Pasig. Ang nasabing ferry station ay bumabagtas mula sa Pasig hanggang sa (6)_____________. Makikita ito sa Hilaga ng Quezon Boulevard at Timog Silangang bahagi ng McArthur Monument.

LAWTON

Page 7: Imperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asya

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ano ang pangalan ng mga daan at lugar na pinuntahan ng turista? 2. Sila ba ay mga Pilipino o banyaga? Patunayan. 3. Ano ang ginawa ng mga nabanggit na dayuhan nang sila ay nagpunta sa Pilipinas? Ipaliwanag.

Page 8: Imperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asya

Mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya na nasakop ng mga Kanluranin

PORTUGAL FRANCE ENGLAND

Page 9: Imperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asya

Formosa (Taiwan). Pakinabang: Sentro ng kalakalan. Sinakop ng Portugal. Inagaw ng Netherlands noong 1622.

Macau sa China. Pakinabang: Sentro ng kalakakalan. Sinakop ng Portugal noong 1557.

Pilipinas. Pakinabang: Mayaman sa ginto. Sinakop ng España noong 1565.

Moluccas sa Indonesia: Pakinabang: Sentro ng Kalakalan. Sinakop ng Portugal noong 1511.

Java sa Indonesia. Pakinabang: Sentro ng kalakalan. Sinakop ng Netherlands noong 1603.

Strait of Malacca sa pagitan ng Malaysia at Indonesia. Pakinabang: Sentro ng kalakalan. Sinakop ng Portugal. Inagaw ng Netherlands noong 1641.

Page 10: Imperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asya

GAWAIN 3. HAGDAN NG AKING PAG-UNLAD

Panuto: Sagutan ang hanay na Ang aking Alam at Nais malaman. Samantala, masasagutan mo lamang ang iba pang bahagi ng chart pagkatapos ng modyul na ito.

ANG AKING ALAM

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

NAIS MALAMAN

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

MGA NATUTUNAN

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Paano nabago ang pamumuhay ng mga mamamayan sa Silangan at Timog Silangang Asya noong panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo?