PASASALAMAT
Kung may isang bagay na nagawa ang proyektong ito, ito ay ang pagbubukas ng aming mga mata
sa napakagandang Arkitekturang Pilipino kaya naman mas naging mahalaga ang proyektong ito sa amin.
Dahil sa dami ng pinapagawa ng iba’t ibang guro sa amin, inakala namin na magiging sagabal at pahirap
lamang ang paggawa ng librong ito, ngunit habang tumatagal unti-unti naming nakikita ang kabuluhan ng
proyektong ito bilang mga magpapakadalubhasa sa arkitekturang Pilipino. Kahit nasa unang taon pa lamang
kami ng aming pagpapakadalubhasa, isa na itong pagkakataon upang matuto at higit sa lahat
makapagbahagi sa mga susunod na mag-aaral ng Architecture sa Unibersidad ng Sto. Thomas.
Nararapat lamang na aming pasalamatan ang mga taong tumulong, nagbigay inspirasyon at
nagtulak sa amin na makabuo ng itinuturing naming aming panganay sa larangan ng riserts. Aming
ipinaabot ang taos pusong pasasalamat sa mga sumusunod:
Kay Bb. Banggita (aming guro sa FIL 2) sa kanyang pagtatalaga sa amin ng proyektong ito na
naging daan ng aming pagkatuto sa larangan ng kultura ng arkitektura. Dahil sa kaniya, aming
napahalagahan ang mga gawa at sining ng mga Pilipino at napahalagahan din namin ang aming kakayahan
na makagawa isang proyektong mahirap at malaki ang hamon.
Sobra sobra ang aming pasasalamat sa mga Pilipinong Arkitekto at ang kanilang mga gawa na
nagbigay sa amin ng inspirasyon na pagbutihin at pagandahin ang aklat na ito. Nakapagbigay din sila sa
amin ng inspirasyon na husayan naming ang lahat n gaming disenyong gagawin bilang mga susunod na
henerasyon ng mga arkitekto. Salamat sa lahat ng Pilipinong Arkitekto na nagbibigay inspirasyon sa amin na
iptaguyod ang aming mga pangarap dahil sa kanilang mga obra.
Higit na pasasalamat sa Poong Maykapal dahil sa biyayang nakita namin sa paggawa ng librong ito
ang galing, potensiyal at abilidad ng mga Pilipino na gumawa ng mga dakilang obra. Binigyan kami ng
Dakilang Lumikha ng pagkakataon na makita ang mga dapat talaga nating ipagmalaki bilang mga Pilipino.
Salamat sa ilaw na ibinigay sa amin bilang aming gabay sa mga susunod na taon bilang mag-aaral ng
Arkitektura.
INTRODUKSYON
Ang buhay ng tao ay parang laging isang hamon. Hindi mo alam kung kailan, saan, o ano ang
mga pagsubok na mangyayari at darating. Wala ka ring ideya kung sino at ano ang mga makakasalamuha
mo sa mundong ito.
Patuloy na nakakaranas ng pagbabago ang Pilipinas kasabay ng panahon. Marami nang
nangyari sa kasasaysayan ng Pilipinas na naka-apekto sa kalagayan ng bansa, at isa sa mga ito ay ang
Arkitektura ng Pilipinas. Sa mahabang panahong nasakop ang bayan ng maraming bansa tulad ng Esapana,
Hapon at Amerika, kasabay din ang pagsakop sa ating kultura. Madalas nating marinig ang kasabihan na ang
hindi marunong magpahalaga sa ating nakaraan at pinagmulan ay hindi makakausad sa panghinaharap na
mga adhikain. Bagamat nagiging palasak ang ganitong sawikain sa pagbanggit ng usapin ng kasaysayan,
hindi pa rin natin lubusang maipagkakaila ang pagpapahalagang ipinapahiwatig nito. Palagi pa rin nating
naipagkakawing ang kahalagahan ng pag- unawa ng ating sariling kasaysayan maging sa paglinang ng
tinatawag na Arkitekturang Pilipino.
Hindi maihihiwalay ang arkitektura sa kasaysayan dahil ang dalawang ideya na ito ay palaging
magkatambal. Ang arkitektura ng Pilipinas ngayon ay resulta ng iba’t-ibang impluwensya ng kasaysayan.
Nabuo ito mula sa “pre-colonial” na impluwensya ng mga katabing bansa, sa mga Kastila na matagal
namalagi sa Pilipinas, sa mga Amerikano at iba pa na nagresulta sa halo-halong kultura ng Arkitekturang
Pilipino.
Isang hakbang sa pagtuklas ng kaunlaran ng Pilipinas ang pagbuklat ng librong ito. “HAKBANG: Daan
Patungo sa Arkitekturang Pilipino” ang napiling pamagat dahil nais ng mga awtor na maging paraan ang
librong ito na hikayatin ang mambabasa na mamulat sa progreso ng Arkitekturang Pilipino. At
maipagmalaki ang pag-asenso ng sariling bayan.
Makikita sa harapan na pabalat ang larawan ng isang kalsada. Ang kalsada ang nagsisilbing
daan upang makarating ka sa patutunguhan. Ito rin ay nag-kokonekta sa mga nais puntahan. Sa librong ito
makakaranas ang mga mambabasa ng isang paglalakbay patungo sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.
Masasaksihan ang ebolusyon mula sa sinauna hanggang sa makabagong disenyo ng sari-saring istraktura.
Mula sa mga gusaling ito ay matututo o madadagdagan ang kaalaman tungkol sa kultura ng mga Pilipino.
Dadalhin ka sa mga iba’t-ibang bahay, eskwelahan, restawran, at hotel ng aklat na ito.
Nawa’y matuklasan mo ang ganda ng Pilipinas at ang galing ng mga Pilipino!
MGA TAHANAN
INTRODUKSYON
Sa ating panahon ngayon, kung saan napapanahon ang mga modernong teknolohiya kasabay ng
impluwensya ng ibang mga lahi, ating mapapansin ang paglaganap ng mga condominium,
townhouses, o mga development homes. Makikita natin ang mga ito kalimitan sa mga lugar kung
saan nalalapit ang mga establishments tulad ng mga mall at mga malalaking kumapanya. Dahil sa
paglaganap ng mga ito, may iba sa atin ang mapapatanong, bakit mga building tulad ng mga
condominium o di kaya nama’y mga bahay na ‘di maipagkakaiba sa kalapit nitong mga bahay tulad sa
mga townhouses at development homes ang dumarami?
Ang pagtira sa mga condominium at iba pang klase ng tirahang pangmaramihan ay mas praktikal
sa halip na magpagawa ng sariling bahay sapagkat ito’y nagtatanggal ng malaking abala sa mga taong
naghahanap ng matitirhan. Hindi na nila kailangang maghintay ng mahabang panahon sa pagkakatapos ng
kanilang pinapagawang bahay sapagkat kapag sila’y may condo yunit na, mas maikling panahon ang
kanilang hihintayin para sa pagkakatapos ng condominium.
Para sa mga taong mas pinipili pa rin ang pagpapatayo ng kanilang sariling tahanan, mas ideyal ang
nakasanayan na nilang kultura sa pagpapagawa ng bahay upang masunod ang kanilang panlasa at
pangangailangan ng kanilang pamilya. Sa pagkakaroon rin ng sariling tahanan na may sarili at pribadong
espasyo, mas mararamdaman ang pampamilyang kapaligiran. Ito ay importante sa ating mga Pilipino
dahil ang pamilya ang itinuturing natin sa isa sa mga importanteng aspekto ng ating buhay.
Kahit ano man ang kadahilanan sa likod ng pagbabago ng perspective ng mga Pilipino sa kanilang
pagpili ng tirahan, masasabi nating mayroong pagbabago sa yari ng mga tahanan ng mga Pilipino. Noong
unang panahon ang kanilang paggawa ng tahanan ay naaayon lamang sa kanilang pangangailangan. Ngunit
panahon ngayon, hindi lamang ang pangangailangan ang kinokonsider ng mga tao kundi pati ang
kagandahan ng kanilang mga tahanan.
Modern Filipino House by Arch. Michael T. Pena
Pag-aari ng mismong arkitekto na si Arch. Miachael T. Pena. Ang disenyo ng bahay na ito ay nagwagi ng parangal noong taong 2006 ng Metrobank Art and Design Excellence. Pinangalanan niya itong “Moden Filipino House” kung saan makikita ang kulturang Pilipino kaugnay sa modernong pamumuhay ngayon.
Isang magandang halimbawa ng masining na arkitektura ang pagsasama ng kulturang Pilipino sa
modernong pamumuhay ngayon. Nakakaya ng mga Pilipino na makipagsabayan sa panahon ng
modernisasyon na napapanatili pa rin ang tema at kulturang Pinoy.
Bellevista by Ed Calma
Lumabas na sa iba’t ibang pabalat ng mga libro ang magazine na ito dahil sa natatangi nitong
disenyo. Dinisenyo ito ng hinahangaang si Ed Calma na kilala sa mga kanyang katangi- tanging disenyo.
Pinangalanan niya itong Bellevista, kung saan ito’y nangangahulugan na “beautiful sight”.
Ang pagkakaroon ng magandang tanawin na makikita sa sa bawat sulok ng bahay ang
pinakamagandang katangian ng bahay na ito. Ito na rin marahil ang dahilan ng pagbibigay niya dito ng
pangalan na Bellevista.
House by Ramon Antonio
Malaking pasasalamat ang inihahandog ng mag- asawang sina Sonny at Natalie para sa kanilang
“dream house” na idinisenyo ni Arch. Ramon Antonio. Ang natatanging aspekto ng bahay na ito ay ang
kakaibang paraan ng pagkontrol nito. Ang buong bahay ay automated kung saan kayang makokontrol ang
mga ilaw, mga music at airconditioner sa pagpindot lamang sa isang touchscreen na tablet.
Isa pang nagpapaganda sa bahay na ito ay ang mga ilaw na nakapaligid sa buong bahay. Ang
paglalagay ng mga ilaw na ito ay upang mabigyan ng atensyon ang bahagi ng bahay.
House by Jorge Yulo
Matatagpuan sa South Forbes na dinisenyo ng arkitektong si Arch. Jorge Yulo. Ang tarangkahan ng
bahay na ito ay nabuo upang pagbigay ng privacy para sa mga nakatira dito. Ang engrande nitong entrada
ay nagbibigay ng maayang pagtanggap sa mg taong papasok sa bahay.
House 2 by Jorge Yulo
Dinisenyo ni Arch. Jorge Yulo ay matatagpuan sa Wackwack ang bahay na ito. Sa bahay na ito,
nakapalibot ang swimming pool kung saan nagbibigay ito ng relaxing atmosphere. Malaki ang mga
bintana sa living area upang matanaw ang swimming pool sa labas. Mayroon ding gazebo sa labas kung
saan maaari silang tumanggap ng mga panauhin.
MGA PAARALAN
Introduksyon
Malaki ang impluwensiya ng edukasyon sa ating komunidad. Sa mga eskwelahan lumalago ang
isipan ng mga estudyante upang maging mamamayang makakatulong sa pag-ahon ng ating bansa. Dapat
binibigyang pansin ang arkitektura ng mga istruktura na napapaloob sa mga eskwelahan dahil kung
maganda ang pagkakadisenyo ng isang gusali, malaki ang epekto nito sa buhay at gawain ng mga mag-aaral.
Hindi lamang isang gusali ang eskwelahan, isa itong espasyong makakatulong sa mga estudyante na
makamit ang kanilang mga pangarap sa pagtamo ng may kalidad na edukasyon. Sa eskwelahan nakukuha
ng isang tao ang mga kaalaman upang kanyang magamit sa kanyang buhay.
Unibersidad ng Santo Tomas
Espana, Manila
Matatanda na ang mga istruktura sa loob ng UST ngunit dala ng mga gusaling ito ang arkitektura
noong panahong tayo ay nasakop ng mga Kastila. Nagsisilbi ang mga luma o matatandang disenyo bilang
inspirasyon sa mga ideyang lumalabas ngayon. Iba pa rin siempre kung pinapalibutan ka ng magandang
disenyo araw- araw dahil marami kang makukuhang ideya dito.
Ateneo de Manila Rizal Library
Katipunan Avenue, Quezon City
Kakatayo lamang ng istruktura na ito sa Ateneo de Manila University. Ang arkitekto na nagdisenyo
ng gusali na ito ay ang Rchitects, Inc. na pinamumunuan ni Bong Recio, isang arkitektong nagtapos sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Kahit bagong dagdag ang gusali na ito sa Ateneo De Manila University,
isinaalang-alang ng arkitekto kung paano niya magagawang moderno ang disenyo na magiging kaugnay pa
rin ng mga naunang itinayong gusali sa unibersidad.
DLSU-CSB School of Design and the Arts
Taft Avenue, Manila
Isang modernong gusali ang nagniningning sa may Taft Avenue. Ang kakaibang gusali na may
lumulutang na teatro sa harap ay idinisenyo ni Ed Calma na isang kilalang arkitekto dito sa Pilipinas.
Napakaganda ng gusalng ito dahil kakaiba ang porma ng loob at labas na istruktura. Sa loob ng gusali
makikitang walang dalawang pader ang magkapraeho dahil may kakaibang porma ang mga ito. Nasanay na
ang mga tao sa tradisyonal na pader kaya marami ang magugulat sa iba ibang porma at anyo ng mga ito.
DLSU Saint La Salle Hall
Taft Avenue, Manila
Ang DLSU Saint La Salle Hall o ang LS Building ay ang pinakamatandang gusaling naitayo sa kampus
ng De La Salle University. Dahil sa kakulangan ng lugar para sa dumaraming populasyon ng mga estudyante,
ipinatayo ang gusaling ito. Si Tomas Mapua ang kinuhang arkitekto ng LS Building dahil sa kanyang
kahusayan at malawak na karanasan bilang pinakaunang arkitektong nakarehistro sa Pilipinas. Siya rin ang
namuno sa pagtatayo ng Mapua Institute of Technology. Sinimulang itayo ang gusali noong 1920 at natapos
noong 1924. Sa libro ni Mark Irving na “1001 Buildings You Must See Before You Die: The World’s
Architectural Masterpieces”, ang Saint La Salle Hall ang nag-iisang gusaling napabiling mula sa PIlipinas.
Naimpluwensiyahan ng arkitektura ng mga Griyego ang disenyo ng istrakturang ito. Bagama’t banyaga ang
naging inspirasyon, nagawang iakma niya ang disenyo ng gusali sa kalagayan ng Pilipinas at sa mga
pangangailangan ng mga estudyante.
Melchor Hall
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
Inayon ang disenyo ng Melchor Hall sa paraan ng nagpapahayag ng pagka- Pilipino. Ang
arkitektong si Cesar Concio ang dumisenyo ng istruktura na ito. Maganda ang dinseyo ng bentilasyon ng
gusali at pati na rin ng pagpasok ng natural na ilaw sa loob ng gusali. Sumusunod ang disenyo ng gusali sa
pagiging asimetrikal dahil magkamukha ang dalawang parte ng gusali. Sa harap ng gusali makikita mo ang
mga estudyante dahil may mga balkonahe sa ikalawa at ikatlong palapag ng gusali.
Sunken Garden
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
Hindi lamang Ang pagiging arkitekto ay hindi lamang nakatakda sa pagdisenyo ng mga
gusali kung hindi sa pagdisenyo din ng kanyang urbanidad. Ngunit hindi isang gusali ang sunken garden na
napapaloob sa kampus ng UP Diliman, isa itong importanteng parte sa pagdidisenyo ng kabuuang disenyo
ng kampus. Nakapalibot sa sunken garden ang mga gusali ng eskwelahan na ito. Ang opisyal na pangalan ng
Sunken Garden ay ang Heneral Luna Parade Grounds. Ang nagmamayari dito ay ang UP ROTC simula noong
lumipat ang UP sa Diliman noong 1949 ngunit hindi naman nagamit ang bakurang ito sa huling tatlong taon
para sa ROTC training at mga parade. Ang sunken garden ay sinusukatan bawat taon dahil onti onti itong
lumulusob.
MGA KAINAN
ISDAAN
Ang Isdaan ay isang “floating restaurant” na matatagpuan sa Gerona, Tarlac. Ito ay naging
isa sa mga palatandaan ng Tarlac dahil sa dami ng mga turistang nais pumunta rito. Ang buong lugar ay
sinadyang naka ibabaw sa tubig. Kung saan ang mga bahay kubo na naka hilera ay nakalutang sa isang
malaking palaisdaan. Nagkalat din sa paligid ang malalaking istatwa tulad ng mga unggoy at Buddha na
dumadagdag ng atraksyon sa mga tao. Ang mga “Mayan o Aztec” na tema ng mga istatwang ito ang unang
mapapansin at aakalaing isang “theme park” ang lugar na ito.
Mga Pilipinong pagkain mula sa iba’t-ibang probinsya ng Pilipinas ang kanilang hinahanda.
Sariwang isda at iba pang seafood ang dapat tikman.
Ang Tacsiyapo Wall ay isa rin sa mga dahilan kung bakit marami ang nagnanais pumunta
rito. Ito ay isang lugar na pwede mong ilabas ang iyong galit na pamamagitan ng pag-bato at pag-basag ng
mga plato, tasa, baso, pati na rin lumang telebisyon sa isang malaking pader. Ang pader na ito ay may mga
nakasulat rin na mga tatak na posibleng dahilan ng iyong galit.
Nakakatulong at nakakaginhawa ng pakiramdam na malaman ma hindi ka nag-iisa na may
ganitong problema at mayroon din pwedeng dumamay sa iyo.
Pagkatapos ng lahat, ang pinakamahusay na kondisyon habang kumakain ay kapag hindi mo
pinapanatili ang anumang galit o hinanakit sa loob mo.
PAN DE AMERIKANA
Bahagi sa pang araw-araw ng buhay nating Pilipino ang pagkain ng pandesal. Marami ng
klase nito mula sa iba’t-ibang panaderya, coffee shop at restawran. Ang Pan de Amerikana ay isa sa mga
restawran na may kakaibang interpretasyon ng pandesal, ito ay matatagpuan sa Katipunan, Quezon City.
Ang Pan de Amerikana ay may pambihira at natatanging disenyo na baliktad ang tema.
Agaw pansin ang buong disenyo, isang bahay na nakatayong pabaliktad at ang mga detalye nito ay talagang
nakaka mangha tulad ng isang land rover na sasakyan na naka-parada ng pabaliktad.
Ang loob ng gusaling ito ay naka disenyong baliktad din. Mga lamesa at upuan ay
matatgpuan sa dingding. Koleksyon ng mga sinaunang kagamitan ay nagkalat sa paligid.
Hindi lamang pandesal ang kanilang hinahanda, mga Pilipinong pagkain tulad ng palabok ay
pwedeng matikman. At ang mga pagkaing kanilang ihinahanda ay hindi kamahalan.
Tulad ng Department of Tourism, nais ng Pan de Amerikana paunlarin o itaguyod ang isang
malikhaing tambayan ng mga tao at makakamit ng isang internasyunal na pagkakilala na makakatulong sa
tourismo ng ating bansa.
LA COCINA DE TITA MONING
Ang Pilipinas ay nasakop ng mga Espanyol sa mahabang panahon kung kaya’t marami sa
kulturang Pilipino ay mula o binase sa mga kastila. Ang mga “Spanish solonial houses” ay isa sa mga
naiwang presensya ng mga espanyol.
Ang La Cocina de Tita Moning ay isang lumang mansion noong panahon ng mga Kastila na
matatagpuan sa San Rafael Street, San Miguel District, Manila. Ito ay isang “dining experience” na ibabalik
ka sa panahon ng mga kastila. Ang buong lugar ay may disenyo tulad noong sinaunang panahon. Mga kahoy
na sahig, pader at hagdanan na na-preserba ang iyong masisilayan.
Bukod sa pagkain ng mga tradisyunal na handa ng mga Pilipino, isang paglibot sa buong
mansion ang pwedeng maranasan dito. Makikita ang koleksyon ng sinaunang kagamitan ng mga 1st class
na mga tao noong panahon ng mga kastila.
Ang lugar tulad ng Tita Moning ay isa sa mga dapat puntahan upang maalala at maranasan
ang pamumuhay noong panahon ng mga Espanyol. Hindi dapat makalimutan ang naging karanasan ng
Pilipinas. Siguradong makakaranas ka ng pagbalik panahon o “time travelling” sa lugar na ito.
MCDONALDS
Parte nan g buhay ng mga tao ang pagkain sa fast food na restawran tulad ng Mcdonalds.
Bawa’t branch nito ay may pare-parehong pagkain na mabibili at disenyo ng istraktura.
Ang Tomas Morato branch ng Mcdonalds ay natatangi dahil sa kakaibang disenyo nito. Ito
ay naka hugis ng isang malaking order ng kanilang “large fries”. Isang atraksyon ito sa mga tao lalo na sa
mga bata.
Hindi kamahalan at pagkain sa Mcdonalds. Marami ang may kayang bumili at masarapan sa
kanilang produkto. Nabigyan ng Mcdo ng kakaibang karanasan na kumain sa kakaibang istraktura ang
masang Pilipino.
Lahat ay posible ngayong panahon. Ang mga tao ay sadyang malikhain, ito ay makikita sa
mga umuusbong na magaganda at kakaibang istraktura na pwedeng puntahan.
IL PIRATA
Ang Ilpirata ay isang restawran na ang tema ay tungkol sa mga pirata. Ito ay matatagpuan
sa Eastwood City, Libis. Mababalik at maalala mo rito ang iyong kabataan. Maglayag sa kalautan ng dagat
habang pagpipistahan ang tunay na Italyanong pagkain.
Ang buong istraktura ay naka hugis ng isang malaking barko. Nagkalat sa labas ang mga
istatwa ng mga pirate na nakaka dagdag sa atraksyon ng restawran. Sa loob nito ay patuloy na nagkalat ang
pirating tema sa disenyo. Kahoy na sahig tulad sa isang lumang barko ang iyong tutungtungan. Nakasabit at
nagkalat din sa dingding ang mga gamit ng isang barko o ng pirata tulad ng malaking net at canyon.
Ang buong karanasan habang kumakain dito ay dadalin ka sa isang paglalayag sa dagat
habang kumakain ng masasarap na handa.
HOTELS AT RESORTS
Abaca Resort and Restaurant
Ang abaca resort ngayon ay ang pinakamaluho na resort sa Mactan, Cebu. Ang mga may-
ari, ang magasawa si Jason at Anna Hyatt ay unang tumayo ng isang restorant noong 2006. Kumalat ang
balita tungkol sa isang restorant na sobrang kakaiba at hindi pa nakikita ng Mactan. Naging matagumpay
ang kanilang negosyo na inisip nila na magtayo ng isang resort. Kinulsulta nila si Architect Michael
Gottschalk at interior designer Jeny campagnon. Ang anim na deluxe suites at tatlong villas ay natapos
noong 2008.
Ang abaca resort and restaurant ay talagang iba kumpara sa ibang resorts na makikita. Ang
serbis at amenities na binibigay ay ang pinakamaganda sa kalidad. Sinasabi na hindi siya katulad ng mga
resorts na napuntahan na. Ang disenyo ay Asianong tema sa paggamit ng dark hard wood floors at natural
na stones. Ang simpleng mga detalye sa interiors katulad ng mga woven furniture gamit ng mga Filipinong
antikwas ay dumadagdag sa mapayapa at relaksing na kapaligiran.
Ang resort ay nagbibigay ng isang “hideaway” para sa kaninuman kasi sa limitado na
accommodations, maakala mo na ang abaca resort ay iyong bahay. Ang masagasang mga halaman at puno,
at ang view ng dagat ay dinadala ang mga bisita sa kagandahan ng kalikasan at nagdadala ng pagkakaisa.
8 Suites Resorts
Sa gitna ng lahat ng bisiness sa tagaytay may mahahanap ka pa ba ng isang lugar na totoong
tahimik at mapayapa? Ang 8 suites hotel and sagot na hinahanap mo. Sa pangalan palang ng hotel,
malalaman mo kaagad na ang hotel ay may 8 na suites. Ang isang suite ay hindi lang isang kwarto. Ito ay
may higit na isang kwarto na parang apartment. Ang pagkakaroon ng 8 suites ay nakakapagbigay ng
karanasan na intimate at itatangi mo talaga. Ang disenyo ng hotel na ito ay somple at modern and dating.
Rectilinear na design ang makikita mo sa buong hotel. Lahat ng suites ay maespasyo at gumagamit ng light
na kulay na nagkokontra sa mga hard wood dark floors at dark wood na furniture. Ang mga suites rin ay
nagbibigay ng magagandang view ng mga burol at bundok ng tagaytay. Bukod ditto, ang café sa unang floor
ay tunay na bukas para makita ng lahat ng guests ang view ng Taal Lake at ang volcano.
Kahit hindi. Ekstrabagante ang hotel, and binibigyan ng focus ay ang mga maliliit na detalye
na hindi talagang nakikita or napapansin ng marami. May mga halimbawa nito. Una, ay ang soft-edged
borders sa mga balkonahe para hinid naiipon ang rain water at para hindi namantsa ang putting pintura.
Pangalawa, ang paglagay ng masmababang flooring sa may shower area para hindi mabasaan ang buong
banyo.
Ang pinakamain na kabutihan ng 8 suites resorts ay ang kasimplihan niya. Ipinapakita sa
lahat na ang magagandang resort ay hindi dapat gastador at malaki.
Waterfront Insular Hotel Davao.
Noong 1950’s, ang panahong hindi pa kilala ang Arkitekturang Pilipino, binigyan ng isang
proyekto si Leandro Locsin na magtayo ng isang hotel at resort sa Davao. Para sa Pambansang Alagad ng
Sining, ito ay naging malaking hamon para sa kanya dahil mga tower and gusali ng Ayala Corporation ang
kanyang unang proyekto. Gayunpaman, ang kanyang disenyo ay ang naging benchmark ng mga Pilipinong
resorts.
Ang disenyo ay simple lamang, klasiko at walang kupas. Gumagamit ng malalaking bubong
na may mga malalawak na overhang ang resort. Sinusuportahan ng mga matatabang kolumna na gawa sa
natural na bato ang gusali. Ang mga pampublikong espasyo ay may matataas na kisame. Ang hotel ay may
higit sa isang daang kwarto na nakahiwalay sa dalawang parte. Lahat ng kwarto ay may mga lanai at
balkonahe upang makita ang magagandang tanawin.
Ang Arkitektura ng Waterfront Insular hotel ay hindi lang yung nagpapakita ng kulturang Pilipino.
Idinesenyo ang loob ng hotel gamit ang iba’t ibang artifacts at iskulptura sa iba’t ibang tribo
at kasaysayan tulad ng mga instrument, garapon, at mga paso.
Ang Insular Hotel ng Davao ang itinuturing na nagpasimula ng istandard isaayon sa ibang
hotels at resorts. Higit na 50 taon na ang hotel subalit natatangi pa rin sa Davao dahil sa nagpapakita ito
totoong Pilipinong arkitektura at kultura
Bahay Bakasyunan sa Camiguin
Ang tradisyunal na bahay kubo, ang katutubong bahay noong unang panahon ay nabago at
napalitan upang umayon sa modernong panahon. Dahil sa ginawang renovatio ni Architect Edwin Uy,
lumabas ang kagandahan at pagiging tunay na Arkitektong Pilipino ang dating simpleng resort na ito.
May dalawampung kubo na nagsisilbing kwarto. Dahil ditto, ang mga nipa hut ay nagbibigay
ng privacy sa mga bisita at binibigyan ng piling na ang bahay bakasyunan nipa hut ay tunay na bahay nila at
ang camiguin kung saan sila’y natitira. . Ang mga cottages ay gawa sa local na natural na materials katulad
ng nipa para sa bubong, bamboo, salasa, banig para sa mga pinto, capiz. Sa labas ng bawat nipa hut, ay
isang kubyerta o deck. Ang inspirasyon para ditto ay ang pataw o batalan ng mga lumang bahay. Dito sa
deck, ang mga bisita ay pwedeng magrelaks at maging malapit sa mga halaman pinapaligiran nila. Talagang
ang resort na ito ay nagbibigay ng kapaligirang ng pagbalik sa ating kultura at pagkaisa sa kalikasan.
Amanpulo
Hindi matutularan ang Amanpulo resort. Isang totoong maluhong resort sa
pribadong isla ng Pamalican sa Palawan.Isang lugar ito para sa mga taong nais mag- isa.
Walang mga kwarto o suites sa Amanpulo. Ang tawag ni Arch. Francisco Manosa sa
kanilang villas ay casitas. Limitado ang kanilang casitas; may 5 Hillside casitas, 4 na treetop casitas
at 29 na beach casitas. Bahay kubo ang inspirasyon sa pagbuo ng casitas. Malalaki ang mga
bintana na tila kinukwadro. Ang magagandang tanawin ng dagat at kalikasan. May kulay beige ang
dingding, makintab na wood floors, kakaibang rattan na muwebles at mga local na nga aksesorya.
Ang banyo ay gawa sa luxurious stone marble at narra wood. Lahat ng casitas ay may wood sun
deck, kung saan sila’y pwede magrelaks at manood ng dapit-hapon o kumain ng almusal at iba
pang pagain. Bawat casita ay may pribadong hardin kung saan rin matatagpuan ang isang pathway
na tumutungo sa nakatago na beach.
Ang amanpulo ay higit sa isang resort. Siya ay parang isang trabaho ng isang sining.
Talgang kakaiba at walang malalampasan.
BACK BOOK JACKET DESCRIPTION
Karamihan sa mga Pilipino ay pinipiling maglakbay sa ibang bansa. Sila’y gumugugol ng
panahon at gumagastos ng malaking halaga upang makarating sa mga bansang tulad ng Amerika at mga
bansa sa Europa. Sila’y naglalakbay sa mga lugar na ito upang mapuntahan ang mga magagandang tanawin
o di kaya naman ay makakita ng mga magagandang bagay. Kadalasang pinupuntahan din ang mga
istrukturang tulad ng Louve Museum at Eiffel Tower sa France, Taj Mahal sa India, Sydney Opera House sa
Australia, The Colloseum at Leaning Tower of Pisa sa Italy, at ang White House sa USA. Dahil dito,
nakakaligtaan na ng mga Pilipino ang mga ganitong lugar o istruktura na gawang Pinoy dito sa Pilipinas.
Ang layunin ng librong ito ay maipakita ang mga kahanga- hangang istruktura tulad ng mga
bahay, restaurant, paaralan, hotel at mga simbahan dito sa Pilipinas na likha ng mga natatanging mga
Pilipinong arkitekto. Sa pagbasa ng librong ito, gagabayan kayo sa paglalakbay tungo sa mga lugar kung
saan matatagpuan ang mga kahanga- hangang istruktura.
Isang lumang masyon noong panahon ng mga Kastila na matatagpuan sa San Rafael Street, San
Miguel District, Manila ang La Cocina de Tita Moning. Isang “dining experience” ito na ibabalik ka sa alaala
ng panahon ng mga Kastila dahil may disenyo ito tulad ng sinaunang panahon. Mga kahoy ng sahig, pader,
at hagdanan na napreserba ng mga nagtatag nito. Bukod sa pagkain ng mga tradisyunal na handa ng mga
Pilipino, isang paglibot sa buong mansion ang maaaring maranasan dito.
Bahagi na ng buhay ng mga tao ang pagkain sa fastfood tulad ng McDonalds. Bawat branch nito ay may
pare- parehong pagkaing mabibili. Halos iisa lang din ang disenyo ng istraktura. Ang Tomas Morato branch
ay natatangi dahil sa kakaibang disenyo nito. Nakahugis itong isang malaking order ng kanilang “large fries”.
Isang atraksyon ito sa mga tao lalo na sa mga bata. Hindi kamahalan ang pagkain sa McDonalds. Marami
ang may kakayahan bumili at masarapan sa kanilang produkto. Nabigyan ng Mcdo ng kakaibang karansang
kumain sa kakaibang istrakura ang masang Pilipilno. Posible ang lahat ngayong panahon. Sadyang malikhain
ang mga tao at makikita ito sa mga umuusbong na magaganda at kakaibang istraktura na maaaring
puntahan.
Isang restawran ang Il Pirata na ang tema ay tungkol sa mga pirate. Matatagpuan ito sa Eastwood City, Libis.
Maibabalik at maaalala dito ang kabataan ng isang tao sa pakiramdam na tila naglalayag sa kalautan ng mga
dagat habang pagpipistahan ang tunay na Italyanong pagkain. Nakahugis nang isang malaking barko ang
buong istraktura. Nagkalat sa labas ang mga pirate na nakakadagdag sa atraksyon ng restawran. Nagkalat
ang pirating tema sa disenyo ng loob nito; kahoy na sahig tulad sa isang lumang barko, mga nakasabit at
nagkalat sa dingding na mga gamit ng isang barko o ng pirate tulad ng malaking net at kanyon. Dadalhin ka
sa isang paglalayag sa dagat habang kumakain ng masasarap na handa sa pagkain sa Il Pirata.
Isang “floating restaurant” na matatagouan sa Gerona, Tarlac ang Isdaan. Naging isa ito sa mga palatandaan
ng Tarlac dahil sa dami ng mga turistang nais pumunta rito. Ang buong lugar ay sinadyang nakalutang sa
tubig, kung saan ang mga bahay kubo na nakahilera ang nagsisilbilng cottage na kainan. Nagkalat din sa
paligid ang malalakig istatwa tulad ng mga unggoy at Buddha na dumagdag ng atraksyon sa mga tao. Ang
mga “Mayan” o “Aztec” na tema ng mga istatwang ito ang unang mapapansin at aakalaing isang “theme
park” ang lugar na ito. Mga Pilipinong pagkain mula sa iba’t- ibang probinsya ng Pilipinas ang inihahanda
dito. Sariwang isda at iba pang sea food ang pinakaipinamamalaki ng Isdaan. Isa rin sa mga dahilan kung
bakit marami ang nagnanais pumunta rito ay ang Tacsiyapo Walk. Isang lugar ito kung saan maaaring ilabas
ang galit ng tao sa pamamagitan ng pagbato at pagbasag ng mga plato, tasa, baso, pati na rin lumang
telebisyon sa isang malaking pader. May mga nakasulat at larawan ang pader ng mga posibleng dahilan ng
galit ng isang tao.
Bahagi sa pang araw- araw ng buhay nating Pilipino ang pagkain ng pandesal. Maraming klase nito mula sa
iba’t ibang panaderya, coffee shop at restawran. Ang Pan de Amerikana na matatagpuan sa Katipunan,
Quezon City ay isa sa mga restawran na may kakaibang bersyon ng pandesal. Pambihira at natatangi ang
disenyo ng Pan de Amerikana dahil sa baliktad na itsura nito. Agaw- pansin ang buong disenyo, isang bahay
na mukhang nakabaliktad at ang mga detalye nito ay talagang nakakamangha tulad ng isang Land Rover na
sasakyang nakaparada nang pabaliktad din. Nakadisenyong pabaliktad din ang gusaling ito. May lamesa at
upuang matatagpuan sa dingding at may koleksyon ng mga sinaunag kagamitang nagkalat sa paligid. Hindi
lamang pandesal ang kanilang inihahain kundi mga Pilipinong pagkain din tulad ng palabok. Hindi naman
masyadong mahal ang mga pagkaing inititinda dito tulad ng palabok. Tulad ng Department of Tourism, nais
ng Pan de Amerikana na paunlarin o itaguyod ang isang malikhaing lugar ng mga tao at magkamit ng isang
internasyonal na pagkakilalang makakatulong sa turismo n gating bansa.
ABACA
Ang Abaca resort ngayon ay itinuturing pinakamaluhong resort sa Mactan, Cebu. Pag-aari ito ng mag-
asawang Jason at Anna Hyatt. Una itong itinayo bilang isang restawrant noong 2006. Kumalat ang balit
tungkol sa isang kakaibang restawrant sa buong Mactan. Na Simula na pagiging matagumpay ng negosyo
kaya’t naisipan gawin itong isang resort. Si Arch Micheal Gottschalk at interior designer, Jeny Campagnon
ang tumulong sa bagbuo ng resort. Ang anim na deluxe suites at tatlong villas ay natapo noong 2008. Tunay
na kakaiba sa ibang resorts ang Abaca resort. Asian and tema ng disenyo na ginamitan ng dark hard wood
floors at natural na mga bato. Ang simpleng mga detalye sa interiors katulad ng mga, furniture gamit ng
mga antigo ay dumagdag sa mapayapa at relaksing na kapaligiran. Nagbigay ng “hide away” ang resort para
sa kaninuman dahil sa limitadong pagtanggap ng bisita na magbibigay ng pakiramdam na tila sariling bahay
ang tinutuluyan. Ang mga halaman at puno at an view ng dagat ay naglalapit sa mga bisita sa kagandahan
ng kalikasan.
8 SUITES RESORTS
Sa gitna ng lahat ng establishment sa Tagytay, hakos wala nang lugar na totoong tahimik at payapa. Subalit
may ilang lugar tulad ng 8 Suites Hotel na matatagpuan. Mayroon itong walong kwarto. Ang isang suite
hindi lamang simpleng kwarto, kundi isang apartment. Simple at moderno ang dating ng disenyo ng hotel
na ito. Rectilinear na disenyo ang makikita mo sa kabuuan ng hotel. May maluwang na espbasyo at
gumagamit ng ilaw na kumokontra sa mga hard wood dark floors at dark wood na furniture. Nagbibigay rin
ng magagandang view ng mga burol at bundok ng Tagaytay ang hotel. Nakabukas naman o walang pader
ang café na matatagpuan sa unang palapag upang makita nang lahat ang lawa at bulkang Taal. Binibigyan
ng focus ng hotel ang mga maliliit na detalye. Soft edged borders sa mga balkonahe upang hindi maiipon
ang tubig o ulan upang hindi mamansyahan ang putting pintura. Ang paglagay ng mas mababang flooring sa
may shower are upang hindi mabasa ang buong banyo ay kahanga-hanga din.