Bilang kinatawan ng ating mgaOverseas Filipino Workers sa Kongreso, layunin ko na tiyakinang kanilang kabutihan at
ligtas na kalagayan sa pamamagitan ng pagbalangkas ng
mga batas at pakikibahagi’t pangunguna sa mga hakbangin ng
pamahalaan alay sa ating mga bagong bayani.
Kaakibat nito ay ang pag-alam at pakikinig sa ating mga
kababayan at kung may mga problema man ay agad nating
tinutugunan.Hayaan po ninyong ibalita ko sa inyo ang ating mga nagawa at
napagtagumpayan na sa unang isang daang (100) araw
ng ating panunungkulan.
Sa ating unang isang daang araw sa Kongreso, tayo po ay
napabilang at ganap nang bahagi ng iba't ibang komite.
Senior Memberfor 8 Committees
Memberfor 12 Committees
Sa kabuuan ay 20 Committees po ang ating kinabibilangan
Senior Member for
2. FOREIGN AFFAIRS3. LEGISLATIVE FRANCHISES
4. GOVERNMENT REORGANIZATION5. HOUSING AND URBAN
DEVELOPMENT6. LABOR AND EMPLOYMENT7. MINDANAO AFFAIRS
1. OVERSEAS WORKERS AFFAIRS
8. BICOL RECOVERY ANDECONOMY DEVELOPMENT
Member for
2. GAMES AND AMUSEMENTS3. CONSTITUTIONAL AMENDMENTS
4. ECONOMIC AFFAIRS5. HEALTH
6. INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY
7. INTER-PARLIAMENTARY RELATION
1. APPROPRIATIONS
Member for
9. PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS10. SMALL BUSINESS AND
ENTREPRENEURSHIP11. TRANSPORTATION12. CLIMATE CHANGE
8. NATIONAL DEFENSE AND SECURITY
Sa pamamagitan ng pagiging kasapi ng mga komiteng ito ay
nagkakaroon tayo ng pagkakataong magbigay ng
mga suhestiyon hinggil sa mga programang maaaring isagawa ng iba’t ibang ahensya para sa
ating mga OFWs.
Sa ating unang 100 araw pa lamang, tayo ay nakapaghain na
kaagad ng8 House Bills
at 8 House Resolutions
Department of Migrations and DevelopmentAct of 2016
House Bill 192
Overseas Registration and
Monitoring System For Overseas Filipino
Workers Act
House Bill 193
Expanded Anti-Sexual Harassment
Act of 2016
House Bill 194
One Lifetime IdentificationNumber foreach OFW
House Bill 1301
Prevention of Contractualization
House Bill 1563
Extending the Validity of Philippine Passport to Ten (10)
Years
House Bill 2330
Special Social Security for Migrant
Workers
House Bill 1302
Renewing the Franchise Granted to
Rinconada Broadcasting Corporation
House Bill 3771
Joint Crisis Management Team for Laid Off Workers
in Saudi Arabia
House Resolution 13
550 Terminal Fee
House Resolution 14
Execution of Foreign Judgements
House Resolution 62
Migrant Workers Scholarship Fund
House Resolution 63
Expressing the Gratitude to King
Salman Bin Abdulaziz Al Saud of KSA
House Resolution 157
Directing the Committee on OFWs to conduct an inquiry,
in aid of legislation, the actions taken by the DFA to
address the plight of stranded OFWs in KSA
House Resolution 250
Urging the Senate Committee on Foreign Relations to conduct
an inquiry into the alleged possession of Philippine
Passports by 117 Indonesians bound to Medina, KSA for the
Hajj Pilgrimage
House Resolution 270
Urging Speaker Panteleon D. Alvarez to restore the Budget of
the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) to the 2016 level with Augmentation for
additional thirty one (31) Permanent Positions
House Resolution 443
Patuloy po nating susubaybayan at ipaglalaban ang ating mga
panukala upang ang mga ito ay ganap nang maisabatas sa lalong
madaling panahon.
Ang isa sa pangunahing isyung ating tinutukan sa unang isang
daang araw ng ating panunungkulan ay ang naganap na krisis sa Saudi Arabia kung saan halos 11,000 na mga
OFWs ang apektado at nawalan ng trabaho.
Tayo ay lumipad patungong Saudi Arabia upang kumustahin at
pakinggan ang mga kinakaharap na suliranin ng ating mga OFWs.
Kasabay nito ay nagpaabot din po tayo ng kaunting tulong para sa
kanila.
Sa ating pagbabalik-bansa ay agad po tayong naghain ng isang House Resolution, HR 13, na nagtatakda sa pagbuo ng isang Joint Crisis
Management Team na tututok sa pagpapauwi at pagbibigay-
tulong sa ating mga OFWs.
Agad po itong napagtibay, ang inyong lingkod ang kalihim ng
Department of Labor and Employment ay agarang
nagtungong muli sa Saudi Arabia.
Bago matapos ang buwan ng Agosto, sa pakikiisa at suporta ng pamahalaan ng Saudi Arabia at ng
ating gobyerno ay napauwi po natin ang ilan sa ating mga
OFWs.
Nagtungo rin tayo sa iba’t ibang bayan at lalawigan upang
makipagpanayam at kumustahin ang pamilya ng ating mga
kababayang OFWs.
Sa pamamagitan ng mandatong ipinagkaloob niyo po sa akin,
makakaasa po kayo na patuloy nating ipaglalaban ang
karapatan, isusulong ang kapakanan at itataguyod ang
kabutihan ng ating mga bagong bayani!