12
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa Zest for Progress Zeal of Partnership 4 Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________ Baitang at Pangkat: ___________________________ Pangalan ng Paaralan: ___________________________

Z P Araling Panlipunan...Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa Z est for P rogress Z eal of P artnership 4 Pangalan

  • Upload
    others

  • View
    335

  • Download
    12

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Z P Araling Panlipunan...Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa Z est for P rogress Z eal of P artnership 4 Pangalan

Republic of the Philippines Department of Education

Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4:

Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa

Zest for Progress

Zeal of Partnership

4

Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________

Baitang at Pangkat: ___________________________

Pangalan ng Paaralan: ___________________________

Page 2: Z P Araling Panlipunan...Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa Z est for P rogress Z eal of P artnership 4 Pangalan

Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

l Natatalakay ang mga tugon sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa

Balikan

Panuto: Alamin ang ibat-ibang hamong pangkabuyan. Isulat ang HP kung ito ay isang hamong pangkabuhayan at XX kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. __________1. Mga sakuna sa dagat.

__________2. Pagpapatayo ng mga bagong paaralan.

__________3. Makabagong teknolohiya sa magsasaka.

__________4. Climate Change o pagbabago ng panahon.

__________5. El Nino Phenomenon.

__________6. Bagong pag-aaral tungkol sa pagpaparami ng ani.

__________7. Pagdami ng angkat na produkto.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maricel P. Recamara Editor: Amancio B. Cainta, Jr., Florence S. Gallemit

Tagasuri: Dr. Jephone P. Yorong Tagaguhit: Mark Feal T. Pao Tagalapat: Erlyne C. Polinar Tagapamahala: Dr. Ella Grace M. Tagupa

Dr. Jephone p. Yorong Florence S. Gallemit Belen R. Talic Menvilou A. Tinnae

Page 3: Z P Araling Panlipunan...Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa Z est for P rogress Z eal of P artnership 4 Pangalan

__________8. Pagdami ng turista sa inyong lungsod.

__________9. Suliranin sa mga peste sa palayan.

__________10. Pagtatapon ng mga basura sa ilog.

Tuklasin

Sa kabila ng mga hamon sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa ay may mga oportunidad ding ipinagkakaloob ng pamahalaan. Alam mo ba kung ano-ano ang mga ito?

Suriin

Mga Oportunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa

v Gawaing Pagsasaka A. Pagsasagawa ng SALT o Sloping Agricultural Land Technology na

naglulunsad ng paraan ng pagsasakang isasagawa sa mga gilid ng bundok o burol upang maiwasan ang erosion o pagguho ng lupa.

B. Paggamit ng organikong pataba tulad ng mga dumi ng hayop at nabubulok na halaman.

C. Pagtatanim ng sali-salit na isinasagawa sa pamamagitan ng

pagsisingit ng mga halaman sa pagitan ng iba pang pananim. Halimbawa nito ang pagtatanim ng papaya, pinya, o gulay sa pagitan ng mga niyog.

Aralin 1

Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa

Page 4: Z P Araling Panlipunan...Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa Z est for P rogress Z eal of P artnership 4 Pangalan

D. Pagbubungkal ng hindi muna tinatamnan kung saan hianahayaan muna itong nakatiwangwang ng ilang taon upang mapanumbalik ang kalusugan nito.

E. Paglulunsad ng Integrated Test Management(IPM) kung saan hinihimok ng pamahalaan ang mga magsasakang gumamit ng Bio-Control Agentssa halip na mga kemikal na pesticides at insecticides.

F. Pagsasagawa ng Key Production Area (KPA) na nag-aatas sa mga

magsasaka na magtanim ng isang tiyak na produkto sa kani-kanilang lugar na aakma sa uri ng lupa, uri ng klima, at dami ng tubig mula sa kanilang lokalidad.

v Gawaing Pangingisda

1. Pagsasagawa ng mga pagsasanay sa mga mangingisda tungkol sa

makabago at mabisang paraan sap ag-aalaga at paghuli ng isda.

2. Paglulunsad ng pag-aaral at pananaliksik tungkol sa paglinang at pangangalaga sa mga pangisdaang matatagpuan sa bansa.

3. Pagpapalabas ng batas na nagbabawal sa paggamit ng

nakapipinsalang paraan ng pangingisda tulad ng paggamit ng dinamita, lason at iba pa.

4. Pagbabawal ng pamahalaan sa pagtatayo ng mga pagawaan at

industriyang malapit sa dagat, sapa, lawa, at ilog sapagkat ang mga dumi at kemikal na nanggagaling dito ay nakalalason sa mga yamang tubig.

5. Pagbabawal sa paggamit ng pinong-pinong lambat upang ang maliliit

na isda ay hindi mahuli at mamatay.

6. Paglulunsad ng batas na nagbabawal sa pagsira ng mga korales o coral reefs.

7. Pagpapatayo ng mga marine park o parkeng-dagat upang makita ng

mga tao kung gaano kaganda ang mga nilalang sa karagatan na magiging daan upang ito ay kanilang alagaan at pahalagahan.

Page 5: Z P Araling Panlipunan...Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa Z est for P rogress Z eal of P artnership 4 Pangalan

v Gawaing Nagmumula sa Kagubatan

A. Pagsasagawa ng reforestation o muling pagpapayabong sa ating mga kagubatan. Sinisikap ng pamahalaang maipaabot ang programang ito sa lahat ng sektor ng lipunan.

B. Inilunsad din ng pamahalaan ang proyektong Alay Tanim na pinangunahan ng mga pinunong-bayan ng mga lungsod at lalawigan, katuwang ang Kagawaran ng Edukasyon.

C. Pagpapatupad ng DENR sa Oplan Sagip Gubat kung saan ipinag-

utos ang ganap na pagbabawal sa pagtotroso sa lahat ng matatandang gubat. Ipinagbawal na rin ang pagluluwas ng torso ng bansa simula noong 1976.

D. Pagbabawal sa pagkakaingin o pagsunog ng mga punongkahoy sa

kagubatan sapagkat hindi lamang nakakalbo ang kagubatan kundi namamatay o nasisisra ang tahanan ng mga ibon at hayop na naninirahan dito.

v Gawaing Pagmimina

1. Pagtatatag ng Kawanihan ng Pagmimina (Mines and Geosciences

Bureau) na ang pangunahing layunin ay mapaunlad at mapanatili ang mineral sa bansa at maprotektahan ang mga minahan.

2. Paglulunsad ng Presedential Decree No. 463, kung saan inaatasan ng pamahalaan ang lahat ng nangungupahan o nagmamay-ari ng minahan na magsagawa ng pananaliksik at mga hakbang sa pinakabagong pamamaraan ng pagtuklas ng mineral.

v Mga Gawaing Pangnegosyo at Komersiyo

A. Pagatatalaga ng mga lugar na tinatawag na Regional Industrial

Development Center (RIDC) na ang layunin ay mapaunlad ang mga piling lugar na magiging sentro ng industriya sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

B. Panghihikayat ng pamahalaan sa mga mamamayan na magtatag ng malitt at di kalakihang negosyo o Small And Medium Enterprise o SME.

Page 6: Z P Araling Panlipunan...Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa Z est for P rogress Z eal of P artnership 4 Pangalan

C. Pagtatakda ng mga ahensya ng gobyerno na may natatanging programang pautang sa mga SMEs tulad ng Department of Science and Technology (DOST) at Technology Resource Center (TRC).

Pagyamanin

Panuto: Tukuyin kung anong gawaing pangkabuhayang makikita sa oportunidad na nakatala sa bawat bilang. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. ____1. Pagbabawal sa pagkakaingin. ___2. Paglunsad ng mga batas na nagbabawal sa pagsira ng mga coral reefs. ___3. Pagpapaunlad ng pagpapanatili ng mga pook-minahan sa bansa. ___4. Pagsasagawa ng idustriyalisasyon sa ekonomiya. ___5. Pagtatanim sa gilid ng bundok o burol upang maiwasan ang erosion. ___6. Panghihikayat ng pamahalaan sa mga mamamayan na magtatag ng maliit na negosyo. ___7. Panghihikayat ng pamahalaan sa mga mamamayan na magtatag ng maliit at di kalakihang negosyo o Small and Medium Enterprise o SME. ___8. Pagpapatupad ng DENR sa Oplan Sagip Gubat kung saan ipinag- utos ang ganap na pagbabawal sa pagtotroso sa lahat ng matatandang gubat. ___9. Paggamit ng organikong pataba tulad ng mga dumi ng hayop at nabubulok na halaman. ___10. Pagsasagawa ng mga pagsasanay sa mga mangingisda tungkol sa makabago at mabisang paraan sap ag-aalaga at paghuli ng isda.

A. Gawaing Pagsasaka B. Gawaing Pangingisda C. Gawaing Pagmimina D. Gawaing Nagmula sa Kagubatan E. Gwaing Pangnegosyo at Komersiyo

Page 7: Z P Araling Panlipunan...Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa Z est for P rogress Z eal of P artnership 4 Pangalan

___11. Pagatatalaga ng mga lugar na tinatawag na Regional Industrial Development Center (RIDC) na ang layunin ay mapaunlad ang mga piling lugar na magiging sentro ng industriya sa ibat-ibang bahagi ng bansa. ___12. Pagtatakda ng mga ahensya ng gobyerno na may natatanging programang pautang sa mga SMEs tulad ng Department of Science and Technology (DOST) at Technology Resource Center (TRC). ___13. Paglulunsad ng Presedential Decree No. 463. ___14. Paglulunsad ng pamahalaan ang proyektong Alay Tanim. ___15. Pagbabawal sa paggamit ng pinong-pinong lambat.

Gawain

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Gawing gabay ang rubriks upang makuha moa ng pinakamataas na puntos.

RUBRIKS SA PAGSAGOT

A. Batay sa iyong obserbasyon, naipatutupad ba o naisakatuparan ang mga oportunidad o programa ng pamahalaan? Magbigay ng patunay.

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

B. Kung ikaw ay bibigan ng pagkakataong pumili sa mga oportunidad at mga programa ng pamahalaan tungkol sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa, alin ang pipiliin mo? Bakit?

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

Pamantayan Deskripsyon Napakahusay (10) Tumpak at napakalinaw ng sagot sa tanong na

ibinigay. Katamtaman (7) May kalinawan ang sagot, ngunit may ilang punto

na nalilihis sa tanong na ibinigay. Di-gaanong Maayos(5) Lumihis ang kasagutan sa tanong na ibinigay.

Page 8: Z P Araling Panlipunan...Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa Z est for P rogress Z eal of P artnership 4 Pangalan

Isaisip

Dahil sa kapabayaan at pang-aabuso ng tao sa ating likas na yaman

ay maraming hamon ang kinaharap ng ating bansa kaugnay ng mga gawaing pangkabuhayan. Bilang sagot sa pagsusulong ng likas-kayang pag-unlad or sustainable development, ang pamahalaan ay nagbibigay ng oportunidad at mga programang maaring maisagawa ng mamamayan upang masolusyunan ang mga hamong ito at higit pang mapagyaman ang mga gawaing pangkabuhayan sa bansa.

Tayahin

Panuto: Bashin ng mabuti ang tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot .

1. Ito ay paraan ng pagsasakang isasagawa sa gilid ng burol o bundok upang maiwasan ang erosion o pagguho ng lupa. a. SALT c.KPA b. IPM d. RIDC

2. Ito ay ang pasasagwa ng muling pagpapayabong sa ating mga

kagubatan. a. Proyektong Alay-tanim c. Oplan Sagip-Gubat b. Reforestation d. Pagkakaingin

3. Anong parke ang itinayo ng gobyerno na naglalayong makita ng mga

tao kung gaano kaganda ang mga nilalang sa karagatan? a. Rizal Park c. Marine Park b. Eco Park d. Luneta Park

4. Kailan ipinagbawal ng DENR ang pagluluwas ng torso sa bansa?

a. 1960 c. 1970 b. 1966 d. 1976

Page 9: Z P Araling Panlipunan...Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa Z est for P rogress Z eal of P artnership 4 Pangalan

5. Inilunsad ito kung saan inatasan ng pamahalaan ang lahat ng nangungupahan o nagmamay-ari ng minahan na magsagawa ng pananaliksik at mga hakbang sa pinakabagong pamamaraan ng pagtuklas ng mineral. Ano ito? a. Presidential Decree No.460 b. Presidential Decree No. 462 c. Presidential Decree No. 463 d. Presidential Decree No. 465

6. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga oportunidad sa mga gawaing pangkabuhayan sa bansa na natalakay, MALIBAN sa isa. Alin dito? a. gawaing pagsasaka c. gawaing pangturismo b. gawaing pangingisda d. gawaing pagmimina

7. Alin sa sumusunod ang layunin kung bakit inilunsad ang pagbabawal

sa pagkakaingin o pagsusunog ng punongkahoy? a. upang hindi magkaroon ng pagguho ng lupa o landslide b. upang hindi masira ang tahanan ng mga ibon at hayop c. upang hindi nakakalbo ang kagubatan d. lahat ng nabanggit

8. Anong sangay ng gobyerno na ang pangunahing layunin ay mapanatili

ang mineral sa bansa at maprotekahan ang mga minahan? a. Kawanihan ng Pagmimina c. Kawanihan ng Edukasyon b. Kawanihan ng Kalusugan d. Kawanihan ng Turismo

9. Ito ay lugar na itinalaga na ang layunin ay mapaunlad ang mga piling

lugar na magiging sentro ng industriya sa ibat-ibang bahagi ng bansa. a. RIDC c. KPA b. SALT d. IPM

10. Ito ay ahensiya ng gobyerno na may natatanging programang

pautang sa mga Small and Medium Enterprises (SMEs). a. DOST c. TRC b. DENR d. DEPED

Page 10: Z P Araling Panlipunan...Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa Z est for P rogress Z eal of P artnership 4 Pangalan

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ka ng isang Poster na nagpapakita ng mga oportunidad sa mga gawaing pangkabuhayan ng ating bansa. Gawing gabay ang rubrics sa paggawa nito upang makuha mo ang pinakamataas na puntos.

RUBRIK SA PAGGAWA NG POSTER

Pamantayan

Deskripsyon

Napakahusay (15)

Napakalinaw, napakalinis ang pagkaguhit at pagkulay, at napaka-angkop sa paksa ang pagkagawa

Katamtaman (10)

Hindi gaanong malinaw, hindi gaanong malinis ang pagkaguhit at pagkulay, at hindi gaano ka-angkop sa paksa ang pagkagawa

Di-gaanongMaayos (5)

Hindi malinaw, hindi malinis ang pagkaguhit at pagkulay, at hindi angkop sa paksa ang pagkagawa

Page 11: Z P Araling Panlipunan...Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa Z est for P rogress Z eal of P artnership 4 Pangalan

Susi sa Pagwawasto

BALIKAN PAGYAMANIN TAYAHIN 1. HP 2. XX 3. XX 4. HP 5. HP 6. XX 7. XX 8. XX 9. HP 10. HP

1. D 2. B 3. C 4. E 5. D 6. E 7. E 8. D 9. A 10. B 11. E 12. E 13. C 14. D B

1. a 2. b 3. c 4. b 5. c 6. c 7. d 8. a 9. a 10. a

Sanggunian (Ma. Corazon V. Adriano, 2015) (Ma. Corazon V. Adriano M. A., 2015)

Page 12: Z P Araling Panlipunan...Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa Z est for P rogress Z eal of P artnership 4 Pangalan

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

Region IX Our.. Eden... Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.