16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Ikatatlong Markahan – Modyul 2: Matatandang Anyo ng Panitikang Pilipino Z est for P rogress Z eal of P artnership 7 Pangalan : ___________________________ __________ Baitang/Seksyon : ___________________________ ____ Paaralan : ___________________________ __________ Filipino

Z est for P ro Z eal of P Filipino...pusong marangal. _____ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga Pilipinong biktima

  • Upload
    others

  • View
    9

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Z est for P ro Z eal of P Filipino...pusong marangal. _____ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga Pilipinong biktima

Republic of the Philippines

Department of Education

Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Ikatatlong Markahan – Modyul 2:

Matatandang Anyo ng Panitikang Pilipino

Z est for P rogress Z eal of P artnership

7

Pangalan : ___________________________ __________

Baitang/Seksyon : ___________________________ ____

Paaralan : ___________________________ __________

Filipino

Page 2: Z est for P ro Z eal of P Filipino...pusong marangal. _____ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga Pilipinong biktima

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Ruben D. Escudero, Jr.

Editor: Lindo O. Adasa, Jr.

Philip D. Caermare

Shayne Everette U. Eldian

Tagasuri: Ruben D. Escudero, Jr.

July G. Saguin

Maricel B. Jarapan

Tagaguhit:

Tagalapat: Peter Alavanza

Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, CESO V

Oliver B. Talaoc, Ed.D.

Ella Grace M. Tagupa, Ed.D.

Jephone P. Yorong, Ed.D.

Lindo O. Adasa, Jr.

Page 3: Z est for P ro Z eal of P Filipino...pusong marangal. _____ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga Pilipinong biktima

Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na

kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

❖ naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat

batay sa konteksto ng pangungusap, denotasyon at konotasyon, batay sa

kasingkahulugan at kasalungat nito;

❖ nasusuri ang katangian at elemento ng mito, alamat, at kuwentong-bayan mula

sa Mindanao, Kabisayaan, at Luzon batay sa paksa, mga tauhan, kaisipan at

mga aspetong pangkultura.

Balikan

Panuto: Para sa aytem 1 hanggang 3, ayusin ang mga titik na naka-kahon upang

mabuo ang salitang kasingkahulagan ng mga salitang nakalimbag nang pahilig na ginamit sa pangungusap. Sa aytem 4-5 naman, ayusin ang mga titik upang masagot ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa patlang.

__________________ 1. Sadyang pinagpala at

biniyayaan ang taong may

pusong marangal.

__________________ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso

na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga

Pilipinong biktima ng bagyo.

__________________ 3. Naantig ang damdamin ng maraming mga Pilipino sa

pagsusumamo ng mga taong nasalanta ng bagyong Ulysses

kamakailan lamang.

m a m a k a w a a p a g

__________________ 4. Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit

na magiging malinaw ang mensaheng ipinapahayag.

Ginagamitan ito ng kuwit, tuldok, semi-kolon, at kolon sa

pagsusulat upang maipakita ito.[1]

t a a n l a

__________________ 5. Kaligayahan, pag-ibig, pighati, pangamba, pag-asa, at

kalungkutan ang karaniwang paksa sa awiting ito o

puwedeng ginawa upang magsilbing panunukso sa

kapuwa. Anong uring awitin ito?

n u p a d y o

l i m a n i s

n t a u y

Page 4: Z est for P ro Z eal of P Filipino...pusong marangal. _____ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga Pilipinong biktima

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang pinakaangkop

na sagot. Isulat ang titk ng tamang sagot sa sagutang papel.

6. Ito ay pagpapahayag ng maririkit na kaisipan sa maririkit na pananalita na

ipinahahayag sa pamamagitan ng mga taludtod. Ito ay may apat na

sangkap: (1) sukat, (2) tugma, (3) sining, at (4) talinghaga. [2]

A. Tula

B. Sanaysay

C. Maikling Kuwento

D. Alamat

7. Ito ay tumutukoy sa pagtaas/pagbaba sa pagbikas ng pantig ng iisang salita.

Ang bawat pantig sa salita ay maaring bigkasin sa mataas, karaniwan o

mababang tono.

A. Intonasyon

B. Diin

C. Hinto

D. Haba

8. Ito ang lakas o tindi sa pagbigkas sa pantig ng salita. Isang ponemang

makapagbabago ng kahulugan ng salitang may isang baybay.

A. Haba

B. Intonasyon

C. Diin

D. Hinto

9. Naku, talaga totoo?

Totoo bang nagyari ito?

Sa laro si Pedro ay natalo,

Humaruro’t umuwi, ngunit sumigaw ng “panalo!”

Ito ay halimba ng anong anyo ng akda?

A. Tulang/Awiting Panunudyo

B. Tugmaang de-gulong

C. Bugtong

D. Palaisipan

10. Dahil sa napakinggang balita sa pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa,

si Mang Tasyo ay kinapos ng hininga.

Anong anyo ng akda ang halimbawang ito?

A. Bugtong

B. Tulang/Awiting Panunudyo

C. Palaisipan

D. Tugmaang de-gulong

Page 5: Z est for P ro Z eal of P Filipino...pusong marangal. _____ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga Pilipinong biktima

Aralin 2 Matatandang Anyo ng Panitikang

Pilipino

Tuklasin

Hindi mo ba kailanman naitanong sa iyong sarili kung gaano ka hitik ang

panitikang Pilipino at kung saang imbakan nagsisimula ang daloy nito? Marahil sa

pagkakataong ito naaaninag mo na ang lahat ng anyo ng panitikan na nababasa at

pag-aaralan pa natin ay nagmumula sa isang napakalawak na imbakan ng iba’tibang

mukha ng panitikan na naipon mula sa pambihira at maalamat na kultura at

kalinangang Pilipino. Bawat anyo ng panitikang ito ay salamin at bakas ng ating

kahapon at nakaraan kung gaano ka yaman ang ating pinagmulan na siyang bahagi

ng ating lahi, kalinangan at kasaysayan. Subalit, ang kagandahang taglay at

kadalisayan ng mga pamanang ito ay unti-unti nang natatakpan ng kinang, hiwaga,

at mahikang taglay ng teknolohiya.

Bilang kabataaang Pilipino at mamamayang may liping malayo na may dugong

taglay ang kagitingan, katapangan, at kabayanihan, hinahamon kita na panatilihing

buhay ang panitikang Pilipino.

Panuto: Suriing mabuti ang mga halimbawa ng mga matatandang anyo ng Panitikang

Pilipino mula sa hanay A at hanapin sa hanay B ang angkop na anyo ng panitikan.

Isulat ang titk ng tama ng sagot sa sagotang papel.

HANAY A HANAY B

1. Bungbong kung liwanag, kung gabi ay dagat. A. Salawawikain

2. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating

sa paroroonan.

B. Mito

3. Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan ni Mang

Juan. Lumundag ang isa. Ilan ang natira?

C. Bugtong

4. Ang daigdig ay isang malaking kawalan bago pa man nagsimula

ang panahon; di-masukat na kalawakan ang tahanan ng Diyos at

Siya ay naging malungkutin dahil wala siyang makita at marinig.

Iniangat ng Diyos ang Kanyang kamay at itinuturong pababa at sa

isang iglap ay nalalang ang mundo. Pinuno ng Diyos ang mundo ng

kanyang mga nilikha katulad ng mga kagubatan, karagatan, at

kalawakan na pinamumuhayan ng mga hayop, at mga ibon.

Ginalugad ng hari ng mga ibon ang papawirin. Mula sa kalayuan ay

kanyang natanaw ang mataas na kawayan yumuyukod sa paspas

ng hangin. Nakarinig siya ng katok at tinig mula sa loob ng

kawayan kaya buong lakas niya itong tinuktok. Nang nabiyak ang

kawayan, isang makisig na lalaki at magandang babae ang lumabas.

D. Palaisipan

E. Alamat

Page 6: Z est for P ro Z eal of P Filipino...pusong marangal. _____ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga Pilipinong biktima

Sa araling ito, mamangha tayo sa kagandahan ng Panitikan ng Luzon at

masisilayan natin sa malapitan ang larawan ng ating pagkakakilanlan sa

pamamagitan ng pagsusuri ng katangian at elemento ng isang mito, alamat, at

kuwentog-bayan batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan, at mga aspetong

pangkultura. Kaakibat din nito ang pagpapaliwanag sa kahulugan ng mga salita sa

pamamagitan ng pagpapangkat batay na rin sa konteksto ng pangungusap,

denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito.

Mga Matatandang Anyo ng Panitikang Pilipino

Alamat – ay kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan na

naglalaman ng pinagmulan ng isang pook, bagay, halaman, hayop, pangalan o

katawagan, o iba pang bagay. Ang mga pangyayari sa isang alamat ay maaring maging

totoo o likha lamang ng mayamang guniguni ng manunulat. Ang salitang alamat ay

panumbas sa salitang legend ng Ingles.

Mitolohiya – isa ring anyo ng panitikan na karaniwang nagtatalakay ng mga

diyos at nagbibigay ng mga paliwanag kaugnay sa mga likas na mga kaganapan.

Kuwentong-bayan o folklore – ang anyo ng panitikang ito ay bahagi ng

katutubong panitikan na nagsimula pa noon pa man na lumaganap at nagpasalinsalin

sa iba’t-ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita. Nasa anyong tuluyan at

karaniwang naglalahad ng mga kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito

nagsimula at lumaganap.

Mga Katangian ng Mito, Alamat, at Kuwentong-bayan

Matagal nang parte ng panitikang Pilipino ang mito, alamat, at kuwentongbayan

na sumasalamin sa hitik na kulturang Pilipino. Bahagi ang mga anyo ng panitikang

ito ng salindila o lipat-dila na ang ibig sabihin ay naipasa ang mga kuwentong ito sa

pamamagitan lamang ng pasalita. Lumaganap ang mga ito bago pa man dumating ang

mga mananakop sa bansa. Magkaugnay sa isa’t-isa ang mito, alamat, at kuwentong-

bayan na halos pareho lamang ang paksa na tumatalakay sa mga pamahiin, kultura,

relihiyon, kalikasan, at paniniwala ng ating mga ninuno. Nababanggit din sa mga

akdang ito ang katangian ng mga mamamayan, uri ng hanap-buhay maging ang

heograpiya ng isang pangkat o lugar. Isa sa mga layunin kung bakit nalikha ang mga

akdang pampanitikang ito ay para makapagbigay ng gintong aral na magiging gabay

para sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

Mga Elemento ng Mito, Alamat, at Kuwentong-bayan[3]

1. Banghay – kung saan dito makikita ang maayos na pagkasunod-sunod ng mga

pangyayari sa akda na binubuo ng mga sumusunod:

a. Panimulang Pangyayari – pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliranin.

b. Papataas na Pangyayari – pagtatangkang lutasin ang suliraning magpapasidhi

sa interes o kapanabikan.

c. Kasukdulan – pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing

tauhan ang kanyang suliranin.

Page 7: Z est for P ro Z eal of P Filipino...pusong marangal. _____ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga Pilipinong biktima

d. Pababang Pangyayari – nalulutas ang suliranin at natatamo ng pangunahing

tauhan ang layunin.

e. Resolusyon – sa bahaging ito ay nagkakaroon ang kuwento ng isang

makabuluhang wakas.

2. Tagpuan – ito ang pook o lugar, at panahon kung saan nangyayari ang kabuoan ng

akda. Dito masasalamin ang kaangkupan ng paksa, banghay, at mga tauhang

nagsiganap sa akda. Dito nabibigyang linaw ang mga kilos ng mga tauhan pati na rin

ang kanilang hanapbuhay, paraan ng pag-iisip, at takbo ng mga pangyayari.

3. Tauhan – nakasalalay sa maayos at makatotohanang pagkakahabi ng mga tauhan ang

pagiging epektibo ng isang akda.

a. Pangunahing Tauhan – pinakamahalagang tauhan sa akda na sa kanya

umiikot ang kuwento mula simula hanggang wakas.

b. Katunggaling Tauhan – kumakalaban o sumasalungat sa pangunahing

tauhan. Sa kanilang tunggalian nabubuhay ang mga pangyayari sa akda.

c. Pantulong na Tauhan – karaniwang kasama sa pangunahing tauhan at maging

kapalagayang loob o sumusuporta.

d. May-akda – ang pangunahing tauhan at ang awtor ay lagi nang magkasama sa

loob ng katha. Sa likod ng bawat kilos at tinig ng pangunahing tauhan ay laging

nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.

Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao

(Buod sa akda ni Simplicio P. Bisa)

Walang nakakakilala sa isang matandang kubang papilay-pilay na lumapit at naupo sa

isang nakatumbang lusong. Napansin lamang siya nang madagil siya ng mga katutubong

nagkatuwaan sa paghahabol ng isang baboy na iaalay nila sa idaraos na cañao, isang piging

para mag-alay sa kanilang pinakadakilang bathala.

Sa pagtungo ni Lifu-o sa kaingin kanina ay nakakita siya ng uwak sa gitna ng daan na

masamang pangitain. Bumalik siya at ipinatawag ang mga intugtukon (lupon ng matatalinong

matanda sa bayan-bayanan sa nayon na hinihingian ng mga tao ng payo) at ibig niyang idaos

ang cañao sa kanilang af-fong (tirahan). Ang pagdiriwang na iyon ang bumubuhay sa ala-ala

ng mga taga roon lalong –lalo na ang mga matatanda sa tunay na kahulugan ng pagdiriwang.

Ang mga ritwal, awitan, sayawan, kantahan kasabay ng tunog at alingawngaw ng gangsa ang

magbibigay buhay sa kanilang pook na parte na ng kanilang kultura at paniniwala.

Habang abala ang marami sa paghahanda ay abala rin ang ibang mga kabataang Igorot

sa paghahabol ng baboy na iaalay nila sa kanilang bathala. Napadako sila sa kinaroroonan ng

matandang kuba na nakaupo sa lusong at natumba ito kasama ang matanda ngunit inalalayan

siya ng mga kabataan para bumangon at umupo muli sa lusong.

Sinimulan na ang ritwal at si Lifu-o ay nananalangin sa kanilang mga anito at bathala

na iligtas sila sa panganib at bibigyan sana sila ng masagana at mahabang buhay at ganoon

rin ang panalangin sa mga nagsipagdalo sa cañao. Patuloy ang pagmamasid ng matandang

kuba habang ang lahat ay abala sa pag-aawitan, sayawan kasabay sa tunog ng gangsa.

Nilapitan ni Lifu-o ang matanda at inaanyayahan na makisali sa kanilang cañao ngunit

nagpapasalamat lamang ang matanda at itinaboy niya si Lifu-o pabalik. Dinulutan din ni Lifu-

o ng karne at kanin ang matandang kuba na inilagay sa isang kiyag. Sa pagkakataong iyon,

biglang nagsalita sa napakamakapangyarihang tinig ang matandang kuba at biglang natigil

ang padiriwang. Biniyayaan raw ng mga anito ang kanilang cañao at naghandog ang

Page 8: Z est for P ro Z eal of P Filipino...pusong marangal. _____ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga Pilipinong biktima

matandang kuba ng isang ala-ala. Iniutos niyang takluban siya ng malaking kawa at

ipagpatuloy lamang ang pagdiriwang. Iniutos din niyang hindi gagalawin ang pagkakataob sa

kaniya na sinunod naman ng mga katutubo. Ibinilin ng matandang kuba na sa ikatlong araw

ay mayroon daw susupling na punong kahoy at hindi dapat ito gagalawin. Bunga lamang nito

ang maaring pitasin. Pagkatapos ng pagtaob sa matandang kuba ay unti-unting sumigla ang

pagdiriwang at sila ay nanalangin, nag-aawitan sa aliw ng gangsa.

Isang puno ng ginto ang tumubo sa pagsapit ng ikatlong araw at ang lahat ay namangha

sa kanilang nakita matapos kunin ang kawa. Ang ilang araw nang pagdiriwang ay lalong

sumaya, naghihiyawan at di-magkamayaw –nangingibabaw ang awitan habang pataas nang

pataas at palago nang palago ang kaninay munting puno ng ginto. Sa simula ay bunga lamang

ng puno ng ginto ang pinipitas ng mga katutubo ngunit nang wala na itong bunga ay unti-unti

na nilang pinutol ang mga sanga nito. Patuloy na tumaas at tumayog ang puno ng ginto sa

paglipas ng maraming araw. Habang nagbago ang panahon, nagbago rin ang kanilang pag-

uugali at nangingibabaw na ang inggit at pagkamuhi sa kapwa. Nakakalimutan na ng mga

katutubo ang bilin ng matandang kuba na tanging bunga lamang ang kanilang pipitasin. Nag-

aagawan, nagsisipaan, at nag-aaway na ang mga katutubo sa kung sino ang unang makakuha

ng mga sanga at dahon. Nang wala na silang maabot at mapuputol na mga sanga dahil sa ito

na nga ay tumayog nang tumayog ay nagsikuha ng mga palakol at iba pang gamit sa pamutol

ang mga katutubo at tuluyan na nga nilang pinutol ang puno ng ginto. Biglang kumidlat nang

napakatalim, umulan ng napakalakas at ang puno ay tuluyan na ngang bumagsak at

kinalaunan, ang mahiwagang kahoy ay nabuwal sa ilamim ng lupa. Mula sa kalayuan ay may

narinig silang tinig na nagsasabing huhukayin na nila mula ngayon ang ginto. Doon, naisip

nila ang matandang kuba na papilay-pilay na dumating sa kanilang cañao sa hindi inaasahang

pagkakataon na nakaupo sa isang lusong.

Alam mo ba?

Alam mo ba na likas na makapangyarihan ang wika? Ang anumang pahayag ng

isang tao ay makapagdudulot ng ibang kahulugan depende sa pagkakaunawa nito

sapagkat hinuhubog ng wika ang saloobin ng bawat tao. Sa ganitong konteksto,

nararapat na hindi lamang natin alamin kundi intindihin ang papel na

ginagampanan ng Denotasyon at Konotasyon sa wikang Filipino. Ano nga ba ang

mga ito?

Denotasyon – ay ang literal at tiyak na kahulugan ng salita na makikita sa isang

diksyunaryo.

Halimbawa: Pulang Rosas – ito ay isang uri ng bulaklak na matinik ang sanga at

may berdeng dahon.

Konotasyon - ito ay pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat liban sa

iginigiit ng panahon. Ito ay pagpapakahulugang iba kaysa sa karaniwang

pakahulugan.

Halimbawa: – ito ay simbolo ng pagkalinga at pag-ibig.

Page 9: Z est for P ro Z eal of P Filipino...pusong marangal. _____ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga Pilipinong biktima

Pagyamanin

Panuto: Alalahanin ang mga mahahalagang kaganapan mula sa akdang iyong binasa.

Sagutin ang sumusunod na tanong. Gawin ito sa sagutang papel. (5 puntos).

1.) Kung nangyaring isa ka sa mga katutubong Igorot na naninirahan sa naturang

pook at nasaksihan ang hiwaga ng isang gintong punong gantimpala, paano mo

ipapakita sa iyong kapwa katutubo ang pagpapahalaga sa kaisa-isang bilin ng

nagbigay ng gantimpala? Ipaliwanag.

2.) Kung may gintong aral ka na napupulot mula sa akda, ano ito at paano mo ito

pahahalagahan at ipakita sa kapwa?

Panuto: Isulat ang elemento na binibigyang diin sa sumusunod na pahayag. (2

puntos bawat bilang)

3.) Biglang kumidlat nang napakatalim, umulan ng napakalakas at ang puno ay

tuluyan na ngang bumagsak at kinalaunan, ang mahiwagang kahoy ay

nabuwal sa ilamim ng lupa. Mula sa kalayuan ay may narinig silang tinig na

nagsasabing huhukayin na nila mula ngayon ang ginto. Doon, naisip nila ang

matandang kuba na papilay-pilay na dumating sa kanilang cañao sa hindi

inaasahang pagkakataon na nakaupo sa isang lusong.

4.) Walang nakakakilala sa isang matandang kubang papilay-pilay na lumapit at

naupo sa isang nakatumbang lusong. Napansin lamang siya nang madagil siya

ng mga katutubong nagkatuwaan sa paghahabol ng isang baboy na iaalay nila

sa idaraos na cañao, isang piging para mag-alay sa kanilang pinakadakilang

bathala. Sa pagtungo ni Lifu-o sa kaingin kanina ay nakakita siya ng uwak sa

gitna ng daan na masamang pangitain.

Gawain

Ang kaugnayan ng tatlong pasalindilang panitikan ay napapatunayan sa

akdang iyong binasa. Masasabing isang kuwentong-bayan ang “Isang Matandang

Kuba sa Gabi ng Cañao”dahil naipakita rito ang natatanging kultura ng mga taga

Ifugao. Alamat din ito sapagkat ipinapakita at tinatalakay ang pinagmulan ng isang

bagay. Ang papel naman na ginagampanan ng mga anito o bathala ay katangiang

taglay ng isang mito.

Page 10: Z est for P ro Z eal of P Filipino...pusong marangal. _____ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga Pilipinong biktima

Gawain A

Panuto: Ang bawat anyo ng matatandang panitikang Pilipino ay may katangiang taglay na

makikita sa pamamagitan ng pagbabasa sa buod ng akda. Suriin at paghambingin ang

katangian ng isang alamat, mito, at kuwentong-bayan batay sa paksa at mga aspetong

pangkultura (halimbawa: heograpiya, uri ng pamumuhay, at iba pa) gamit ang graphic

organizer sa ibaba. (5 puntos)

Gawain B

Panuto: Suriin at paghambingin ang elemento ng mito, alamat, at kuwentongbayan

mula sa tekstong binasa batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan, at kaisipan ng mga aspetong pangkultura (halimbawa: heograpiya: uri ng pamumuhay at iba pa na

nagpapakilala sa lugar na pinagmulan). (5 puntos)

Kuwentong-Bayan Alamat Mito

Elemento

Paksa

Tauhan

Tagpuan

Kaisipan

Kultura

Panitikang Pilipino

MITOLOHIYA

Pagkakatulad ng mga katangian ng Alamat, Mito,

at Kuwentong - Bayan:

Katangian:

KUWENTONG - BAYAN

Katangian:

ALAMAT

Katangian:

Page 11: Z est for P ro Z eal of P Filipino...pusong marangal. _____ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga Pilipinong biktima

Gawain C

Panuto: Suriin ang banghay ng akdang "Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao” sa

pamamagitan ng pagpuno sa graphic organizer. Punan ang bawat bahagi ng nararapat na

Gawain D - Panuto: Suriin ang pangungusap na may nakasalungguhit na salita at isulat sa patlang bago ang numero kung ito ba ay ginamit sa denotatibo o konotatibong paraan batay sa pagkakagamit sa pangungusap. Isulat lamang ang denotasyon o konotasyon.

_______________1. Sa pagtungo ni Lifu-o sa kaingin ay nakakita siya ng uwak sa gitna ng

daan na para sa kanya ay masamang pangitain.

________________2. Isang napakagandang bulaklak sa nayon ang hinaharana at sinusuyo

ng mga kalalakihan.

________________3. Kay raming bulaklak ang aking nakita ngunit ang halimuyak nila ay

kakaiba sa iyo. Hindi ka maaring ipaghambing kahit kanino.

________________4. Idinilat ng isang ibong nahihimbing ang kanyang diwa, ipinayagpag ang

kanyang napakalapad na mga pakpak upang hayuin ang papawirin.

________________5. Si Sharon Cuneta ay isa sa pinakamaningning na tala sa pelikulang

Pilipino magpahanggang ngayon.

ka sa gutan. (5 puntos)

Tauhan: Tagpuan :

Isang Matandang

Kuba sa Gabi ng C añao

Banghay

Panimulang Pangyayari :

Papataas na Pangyayari :

Kasukdulan:

Pababang Pangyayari:

Resolusyon:

Page 12: Z est for P ro Z eal of P Filipino...pusong marangal. _____ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga Pilipinong biktima

Isaisip

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Matagal nang parte ng panitikang Pilipino ang 1._____________,

2.________________, 3.___________________, at maikling kuwento na sumasalamin

sa 4.__________ na kulturang Pilipino. Bahagi ang mga anyo ng panitikang ito ng

salindila o lipat-dila na ang ibig sabihin ay naipasa ang mga kuwentong ito sa

pamamagitan lamang ng 5.___________.

Ang 6.________ ay isa ring anyo ng panitikan na karaniwang nagtatalakay

ng mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag kaugnay sa mga 7._______________________.

Ang 8.________________ ay kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga

taong-bayan na naglalaman ng pinagmulan ng isang pook, bagay, halaman,

hayop, pangalan o katawagan, o iba pang bagay.

Ang 9.__________________ ay anyo ng panitikang ito

ay bahagi ng katutubong panitikan na nagsimula pa noon pa man

na lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t-ibang henerasyon sa

paraang pasalindila. Nasa anyong tuluyan at karaniwang

naglalahad ng mga 10.________________ng lugar kung saan ito

nagsimula at lumaganap.

Tayahin

I. Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap at tukuyin kung anong

elemento ng matatandang panitikang Pilipino. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

___1. Mula sa kalayuan ay may narinig silang tinig na nagsasabing huhukayin na nila mula

ngayon ang ginto. Doon, naisip nila ang matandang kuba na papilay-pilay na dumating sa

kanilang cañao sa hindi inaasahang pagkakataon na nakaupo sa isang lusong.

a. Panimulang Panyayari b. Kasukdulan c. Resolusyon d. Pababang pangyayari

___2. Walang nakakakilala sa isang matandang kubang papilay-pilay na naupo sa isang

lusong sa kanilang pook. Napansin lamang siya ni Lifu-o nang madagil ng mga katutubong

Page 13: Z est for P ro Z eal of P Filipino...pusong marangal. _____ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga Pilipinong biktima

nagkatuwaan sa paghahabol ng isang baboy na iaalay nila sa idaraos na cañao, isang piging

para mag-alay sa kanilang pinakadakilang bathala.

a. Papataas na pangyayari

b. Kasukdulan

c. Pababang pangyayari

d. Panimulang Panyayari

____3. Nakaikot lamang kay Matandang Kuba, Lifu-o, at ibang mga katutubong Igorot ang

kuwento.

a. Tagpuan

b. Tauhan

c. May-akda

d. Banghay

____4. Tiningala at hinangaan ng maraming manunulat na Pilipino si Simplicio P. Bisa dahil

sa kanyang obrang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao.”

a. Tagpuan

b. Tauhan

c. May-akda

d. Katunggaliang tauhan

___5. Sa bahaging ito nalulutas ang suliranin at nagtatamo ng pangunahing tauhan ang

layunin.

a. Resolusyon

b. Pababang Pangyayari

c. Panimulang Pangyayari

d. Kasukdulan

II. Panuto: Isulat ang salitang “Tama” kung tama ang pahayag at “Mali” naman kung

ang pahayag ay hindi tama.

________6. Ang kuwentong-bayan, mito, at alamat ay walang kaugnayan sa isa’t-isa.

________7. Mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang kuwentong-bayan, mito, at alamat.

________8. Ang mga matatandang panitikang ito ay bahagi ng panitikang salin-dila o lipatdila.

________9. Ang denotasyon ay hindi literal at tiyak na kahulugan ng salita na makikita sa isang

diksyunaryo.

_______10. Pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat ang konotasyon.

Page 14: Z est for P ro Z eal of P Filipino...pusong marangal. _____ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga Pilipinong biktima

Karagdagang Gawain

Sa pamamagitan ng isang malikhaing pagsulat, isulat ang inyong

repleksiyon o opinyon kaugnay sa akdang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao” kung

ano ang inyong napagnilaynilayan ukol sa gintong aral na inyong natutunan mula sa kuwento.

Bigyaang diin ang kahalagahan sa pag-aaral ng mga panitikang katulad ng mito, alamat, at

kuwentong –bayan.

Gawing batayan ang rubrik sa pagkuha ng puntos. (20 puntos)

RUBRIK SA MALIKHAING PAGSULAT

Pamantayan Deskripsyon Puntos

Nilalaman Naglalaman ng kahalagahan, kabigatan, at

pagkamalikhain ng mga ideya.

5

Gramatika Gumagamit ng mga angkop na salita o ekspresyon sa

paglalarawan, paglalahad ng sariling pananaw, pagiisa-

isa, at pagpapatunay.

5

Organisasyon

Mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.

5

Mensahe sa

mambabasa

Mabisa ang mensaheng naipaparating sa mambabasa. 5

Kabuoan

20

5 – Napakahusay 4 – Mahusay 3 – Katamtaman

2 – Hindi gaanongmahusay 1 – Hindi mahusay

Page 15: Z est for P ro Z eal of P Filipino...pusong marangal. _____ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga Pilipinong biktima

Susi sa Pagwawasto

Isaisip 1. Alamat 2. Mito 3. Kuwentong-Bayan 4. Hitik 5. Salindila 6. Mito 7. Likas na kaganapan 8. Alamat 9. Kuwentong-Bayan 10. Kaugalian at

Tradisyon

Tayahin 1. C 2. D 3. A 4. C 5. B 6. MALI 7. TAMA 8. TAMA 9. MALI 10. TAMA

GawainD

1. Denotasyon 2. Konotasyon 3. Konotasyon 4. Denotasyon 5. Konotasyon

Pagyamanin

1. 2. 3. Resolusyon 4. Tauhan

Balikan 1. Malinis 2. Tunay 3. Pagmamakaawa 4. Antala 5. Panudyo 6. A 7. A 8. C 9. A 10. D

Tuklasin

1. C 2. A 3. D 4. B

Sanggunian:

[1] Pinagyamang Pluma, Ikalawang Edisyon ni Baisa-Julian, Lontoc, Esguera-Jose, Dayag, p. 286

[2]Gintong Pamana ni Nakpil, Dominguez, p. 20

[3] Pinagyamang Pluma, Ikalawang Edisyon ni Baisa-Julian, Lontoc, Esguera-Jose, Dayag, p. 324-325.

Gangsa, Interactibong Aklat sa Filipino I ni Badayos, Gugol, Belvez, Villafuerte www.rexinteractive.com

Page 16: Z est for P ro Z eal of P Filipino...pusong marangal. _____ 2. Dalisay at kahanga-hanga ang kagandahan ng puso na ipinapakita ni Angel Locsin sa pagtulong ng mga Pilipinong biktima

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair

Here the breezes gently Blow, Linger with love and care

Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset

The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Here the Badjaos roam the seas Every valleys and Dale

Here the Samals live in peace Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Here the Tausogs thrive so free Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

With the Yakans in unity Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer

One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach with the

LORD.

In the beach, there were two (2) sets of

footprints – one belong to me and the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I noticed only

one set of footprints. “And I ask the LORD.

Why? Why? Why did you leave me when I

am sad and helpless?”

And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1)

set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

Trees by Joyce Kilmer I

think that I shall never see A

poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain; Who

intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me, But only

God can make a tree.

1