25
WHEN SOMEONE IS INLOVE By: ALLiWANTisYOURlove ______________________________________________________________________ Please do not claim this as yours. Plagiarism is a crime. Do not distribute without the permission of the author. Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig? Kaya mo bang gumamit ng ibang tao para lang makalimutan mo yung taong minahal mo pero sinaktan ka lang? Eh ikaw? Kaya mo bang magpagamit para lang makalimutan nya yung taong nanakit sa kanya kahit alam mong masasaktan ka sa katotohanang panakip butas ka lang? Let’s find out what can someone do when they are inlove. The girl’s POV “Morti sige na pumayag ka na kahit one month lang” sabi ko sa bestfriend kong si Mortikai Hernandez “Ayoko nga. Tumigil ka nga sa kalokohan mo Ma. Lissette. Bakit ko naman gagawin yun?” “Ipapakita ko lang sa lalaking yun na nakamove-on na ko sa kanya. Ang gagong yun kasi ipinagmamayabang sa mga kabarkada nya na hindi ako makaget-over sa kanya.” Sabi ko na may pagkainis.

When someone is inlove

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: When someone is inlove

WHEN SOMEONE IS INLOVE

By: ALLiWANTisYOURlove

______________________________________________________________________

Please do not claim this as yours.

Plagiarism is a crime.

Do not distribute without the permission of the author.

Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig?

Kaya mo bang gumamit ng ibang tao para lang makalimutan mo yung taong minahal

mo pero sinaktan ka lang?

Eh ikaw? Kaya mo bang magpagamit para lang makalimutan nya yung taong nanakit sa

kanya kahit alam mong masasaktan ka sa katotohanang panakip butas ka lang?

Let’s find out what can someone do when they are inlove.

The girl’s POV

“Morti sige na pumayag ka na kahit one month lang” sabi ko sa bestfriend kong si

Mortikai Hernandez

“Ayoko nga. Tumigil ka nga sa kalokohan mo Ma. Lissette. Bakit ko naman gagawin

yun?”

“Ipapakita ko lang sa lalaking yun na nakamove-on na ko sa kanya. Ang gagong yun

kasi ipinagmamayabang sa mga kabarkada nya na hindi ako makaget-over sa kanya.”

Sabi ko na may pagkainis.

Page 2: When someone is inlove

“Tanga ka ba? Sa ginagawa mo lalo mong ipinapakita na hindi ka nga makaget over

dyan sa ex-boyfriend mong gago.”

Napapout ako sa sinabi ni Morti. Totoo yun. hindi pa rin ako makagetover sa gago kong

ex-boyfriend. One year na rin simula noong nag break kame pero hanggang ngayon

ang lola nyo hindi makamove on.

Bakit kami nagbreak?

Ang lapastangan ko kasing ex-boyfriend pinagpustahan lang pala ako.

Pinagpustahan nila ako sa halagang 5,000 pesos

Kapag daw naging kami makukuha nya yung 5,000 at yun nga tagumpay ang gagong

yun. nagmamayabang pa na hindi ako makaget over sa kanya.

Hay naiinis ako kapag naalala ko yun. Naiinis din ako sa sarili ko dahil nakuha ko pa rin

syang mahalin sa kabila ng kagaguhan nya.

Page 3: When someone is inlove

Nakakapagod na, kaya balak ko sanang ipakita sa kanya na get over na ako sa kanya.

At ano ang plano ko?

Magpapapanggap ako na mayroon na akong new boyfriend para maipamukha sa kanya

na nakamove on na ako sa kanya.

At ang balak ko nga sanang gumanap sa role na yun ay ang best friend ko na si

Mortikai.

Pero eto namang kaibigan ko nagpapahard to get pa.

Simple lang naman yung hiniling ko sa kanya.

Magiging boyfriend ko sya sa facebook.

Papalitan lang naman nya yung status nya sa fb ng in a relationship

Page 4: When someone is inlove

Mahirap ba yun?

Ngunit dahil ako si Ma. Lissette Mercilla, hindi ako susuko hangga’t di ko sya napapaoo

sa gusto ko.

“Bestfriend mo naman ako di ba? Kaya please pumayag ka na.” medyo may padrama

effect pa ang boses ko dyan.

Knowing my best friend pagnagdrama na ako mapapaoo ko na yan.

“Fine, fine…. Sige na payag na ko.” Sabi ni Morti sabi ko na eh.

Dahil sa sobrang tuwa ko niyakap ko ng mahigpit si Morti.

“Thanks Morti, the best ka talaga.” Tuwang tuwang sabi ko.

“Ano ba hindi ako makahinga.” Medyo may pagkainis na sabi ni Morti.

Page 5: When someone is inlove

“Eto naman oh sobrang natuwa lang ako eh. Teka bakit ang pula ng mukha mo? May

sakit ka ba?”

Hahawakan ko sana sya kaso tinabig nya yung kamay ko.

“Wala akong sakit.”

“Ang sungit mo naman.” Sabi ko

“Tssss. Dyan ka na nga. Punta lang akong tambayan ng tropa ko.” Sabi ni Morti na

parang iniiwas yung tingin sa akin.

Ang weird nya ngayon.

“Okay basta yung status mo papalitan mo ah.” Sabi ko

“Ikaw na lang ang gumawa alam mo naman account at password ko sa fb db?”

Page 6: When someone is inlove

“Fine, ang tamad mo talaga.” Sabi ko naman.

“Gusto mo magbago pa ang isip ko?” may pagbabantang sabi nya.

“Eto naman oh. Hindi na mabiro. Ikaw kaya ang pinakamasipag na taong nakilala ko.”

“Tssss. Dyan ka na” sabi nya sabay kuha ng jacket nya na nakapatong sa kama ko.

Nung palabas na sya sa pinto ng kwarto ko nagbabye na ako sa kanya.

“Babye my bestfriend”

“I said I don’t want to be your best friend” sabi ni Morti sabay sara ng pinto.

Ang engot lang talaga ng lalaking yun.

Page 7: When someone is inlove

Ayaw daw akong maging best friend. Pero kapag kailangan ko sya lagi syang anjan.

Kapag may problema ako lagi nya akong tinutulungan. Basta to sum up si Morti lagi ang

kasama ko sa lahat.

Binuksan ko na yung laptop ko. Excited na ako sa mga magiging reaksyon ng gagong

lalaking yun.

At ilang minutes lang may boyfriend na ako.

Ilang minutes lang din sabog ang notification ko.

Puro comment ng mga kaklase at kaibigan ko ang nababasa ko.

Natutuwa ako sa mga comment nila.

Eto yung ilan sa mga comment nila.

“Oh my gosh. Is this really true kayo ni Mortikai?” - sabi yan ni Mary Jane na kaibigan

ko rin.

Page 8: When someone is inlove

“Ang swerte mo dai. Akalain mo bestfriend mo lang pala ang hinihintay mo.” – yan

naman ang sabi ni Leli na classmate ko.

“Bagay na bagay kayo kahit totally opposite kayo.” – sabi yan ni michelle na medyo ka

close ko rin.

Yup totally opposite kami ni Morti. Kung baga ako yung seryoso sa pag-aaral sya yung

happy go lucky. Mahilig din syang mag ditch ng class samantalang ako ni minsan di ko

pa naisip mag-cutting classes.

Sa madaling salita ako yung good girl at sya yung badboy.

Hindi man po halata mahilig po akong mag-aral.

Hindi ko nga alam kung bakit kami nagkasundo ng lalaking yun eh.

Tandang tanda ko pa kung paano kami nagkakilala ni Morti.

Kabebreak pa lang namin nung gagong lalaki.

Page 9: When someone is inlove

Iyak ako ng iyak nun sa may park.

Pero bigla na lang syang sumulpot sa harapan ko. Kilala ko sya dahil ka year ko sya

pero di ko sya kasection bukod pa dun sikat sya sa school.

Kung inaakala nyo na gagamit sya ng comforting words nagkakamali kayo.

Tandang tanda ko pa yung sinabi nya.

“Miss tumahan ka nga. Ang ingay mo mukha ka pang engot dyan.”

Dahil sa sinabi nyang yun lalo akong ngumalanga.

“Waaaaaaaaaaaahhhhhhhhh”

“Tangna” rinig kong mahinang sabi ni Morti.

Page 10: When someone is inlove

“Hoy miss tumigil ka nga. Baka akalain ng mga tao pinapaiyak kita.”

“WAAAAAAAAAAAhhhhhhhhhhhhhhhh”

Lalo kong nilaksan yung iyak ko.

Nagulat na lang ako ng bigla nya akong hinigit sa pagkakaupo ko sa swing at niyakap.

I feel comfortable that time. Ramdam na ramdam ko yung init ng katawan nya. Ang

sarap sa pakiramdam.

Medyo naging kalmado na ako nun. Nawala na din ang pag-iyak ko.

“Hay buti naman tumahan ka na. Pwede ba huwag ka nang umiyak nakakairita ka kasi.”

Page 11: When someone is inlove

Okay na sana eh pero nagsalita pa sya ng ganun.

Hindi ko alam pero kahit na ganun sya pabalik balik pa rin ako sa park na yun para

Makita sya.

Para ngang naging tambayan na namin yung dalawa. Hanggang naging comfortable na

kami sa isa’t isa.

Hanggang sa maging bisita na kami sa bahay ng isa’t isa. Welcome sya sa bahay

namin ganun din naman ako sa bahay nila.

The boy’s POV

“Hoy Mortikai totoo ba to? Kayo na ni Lissette your love?” sabi ni Errick na kabarkada

ko habang hawak ang laptop nya.

“Tssss. Kalokohan lang yan ni Lissette. Gusto daw kasi nya ipamukha dun sa lalaking

yun na nakamove on na sya.”

“Pumayag ka dun? Naging panakip butas ka tol.”

Page 12: When someone is inlove

“Di ako nakatanggi. Drinamahan ako.”

“Alam na alam talaga ni Lissette kung paano ka paaamuiin. Tsk pag-ibig nga naman

oh.”

“Tumigil ka nga Errick para kang babae.”

Tama kayo ng rinig matagal ko ng gusto si Lissette pero natotorpe ako sa kanya.

Kaya naiinis ako kapag sinasabi nya na best friend nya ako. Ipininamumukha nya kasi

na hanggang kaibigan lang ako.

Noong panahong umiiyak sya dahil sa gagong lalaking yun. gusto ko syang icomfort

pero di ko alam kung paano gagawin yun.

Kaya sa halip na mabulaklak na salita ang magamit ko mga balasubas na salita yung

lumabas sa bibig ko.

Ang gusto ko lang naman ng panahong yun ay mapansin nya na nandun lang ako para

sa kanya.

Page 13: When someone is inlove

Sobrang natuwa ako ng bumalik sya sa park at kinausap nya ako.

Akala ko kasi nagalit sya sa akin. Naging maging magkaibigan kami kaya kahit papano

natuwa ako.

Nagsalita na naman si Errick.

“Hindi ko talaga maiisip na si Mortikai na habulin ng mga babae ay natotorpe kay

Lissette. hahahahahahahaha”

“Sige tumawa ka pang ungas ka. Lagot ka sa akin.”

“Pero seryosong usapan pare. Pano na yan ngayon tsak na kalat na yan sa buong

school.”

Ano nga bang dapat kong gawin.

Page 14: When someone is inlove

Naisip ko na ito na yung pagkakataon ko. Matagal ko na rin syang gusto o mas akma

sigurong sabihin na mahal ko Lissette. Since first year ko pa kasi syang tinatanaw sa

malayo.

Sobrang selos nga ang naramdaman ko ng malaman kong sila na ng gagong lalaki.

Pero tinanggap ko na lang yun dahil alam kong masaya si Lissette sa lalaking yun.

Kahit natuwa ako nung nagbreak sila gusto kong suntukin ang mukha ng lalaking yun

dahil sa lahat ng lolokohin nya si Lissette pa.

Kaya lang masakit mang sabihin kahit na ganun ang ginawa ng lalaking yun kay

Lissette hindi pa rin sya makalimutan nito.

Naisipan pa ni Lissette ang kalokohang yun.

Pero kahit na ginagamit nya lang ako ayos lang as long as sasaya na ulit sya.

Page 15: When someone is inlove

At ngayon kahit hindi ako tunay na boyfriend ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko

sya kamahal.

Lissette’s POV

“Oh ang aga mo naman. Makikikain ka no.” sabi ko.

“Tanga ka talaga. Cyempre bilang boyfriend mo dapat sabay tayong pumasok sa

school.”

“Aray ha. Makatanga naman wagas eh. Pwede namang hindi mo ako kasabay ah. Pero

maganda yang naisip mo.”

Hindi na nakipagtalo sa akin si Morti.

Nung nakarating kami sa school tinginan yung mga tao sa amin. New love theme kami

eh. Hahahaha.

Page 16: When someone is inlove

Lalong umokay yung umaga ko ng Makita ko yung gulat factor sa pagmumukha ng

gagong lalaki.

Wagi ang lola nyo.

Anyways, nag-eexam kami ngayon dahil may pagkabobo ako sa math medyo nahuli

ako nakapagpasa at dahil dun hindi ako nakapagrecess.

Nagulat na lang ako ng ibigay sa akin ng classmate ko ang isang sandwich na galing

daw kay Morti. May note pa nga na kasama yung sandwich eh.

“Huwag kang pagutom. Good luck sa exam mo” hindi ko alam pero ang saya ko nung

mabasa ko yun. first time nya maging sweet. Lagi kasi ako nung tinatanga eh.

Kinuha naman nung katabi ko yung note at binasa ng malakas.

Sari saring kanchaw ang nakuha ko.

Page 17: When someone is inlove

Pero masnatuwa ako nang Makita ko na hindi maipinta ang mukha nung gagong lalaki

and it feel so good.

Nagpatuloy lang yung ganung set-up namin ni Morti.

Si Morti naman parang tunay ko talagang boyfriend.

Tinatrato nya talaga ako na parang prisesa. Natutuwa nga ako na parang nakalimutan

ko na yung gagong lalaki

Ang swerte ng magiging girlfriend nya kapag nagkataon.

Pero bakit ganun nalulungkot ako na may ibang babae na pwedeng mahalin si Morti?

Mortikai’s POV

“Dahil malapit na ang foundation week kailangan na nating gumawa ng ipepresent natin

at naisip ni Miss Senaro na magplay na lang tayo” sabi ng president namin.

Page 18: When someone is inlove

Ang baduy naman ng ipepresent namin.

“Magbubunutan na lang tayo kung sino ang gaganap sa bawat role. At ang bidang lalaki

natin ay si ………. Mortikai.”

What the fuck ako?

“Ano? Ako? Ayoko” pagtutol ko. Ayoko ko ngang sumali sa kabaduyan nila.

“Sorry Mortikai. Pero wala ka nang magagawa. Ang makakapartner mo ay si…….

Jana.”

Okay naman si Jana pero ayoko pa rin talaga.

Bukod sa ayaw ko hindi ko pa maihahatid si Lissette kapag awasan na.

Pero kahit anong pagtutol ko wala akong nagawa.

Page 19: When someone is inlove

Nagsimula na rin kinabukasan ang practice naming at nag-araw araw na yun.

Dahil dun ilang araw ko nang hindi nakasabay si Lissette sa pag-uwi.

Naiinis pa ako kasi may kissing scence kami ni Jana. Ang bading man sabihin pero

ayokong si Jana ang makakuha ng first kiss ko.

Si Lissette lang ang gusto kong makahalik sa akin.

“OK. Magpractice na tayo. Simulan nyo na yung scene.” Sabi nung president namin

“Bla bla blab la blab la bla bla Bla bla blab la blab la bla bla Bla bla blab la blab la bla

bla Bla bla blab la blab la bla bla bla”

Hindi ko iniintindi yung line nung kaharap ko tinatamad kasi ako.

Page 20: When someone is inlove

At hindi ko namalayan yung kissing scene na pala yung gagawin.

Hinalikan na ako ni Jana.

Nagulat ako ng Makita ko si Lissette na tumakbo palayo.

Shit nakita nya yung halik.

Hinabol ko sya. Wala akong pakialam kung magalit sa akin yung mga kaklase ko ang

mahalaga makapagpaliwanag ako kay Lissette.

Lissette’s POV

Sobrang nalilito ako ngayon.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Page 21: When someone is inlove

Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko kay Morti.

Simula kasi nung nagsimula yung boyfriend thingy nagbago yung nararamdaman ko sa

kanya. Hindi naman tumitibok ng ganito kabilis ang puso ko dati kapag nakikita ko sya.

Hindi ko rin Namimiss dati ng ganito si Morti.

Naiinis din ako kay Jane simula nong malaman ko na sila ang magkapartner ni Morti sa

play.

Ayoko ko ring mawala sya sa akin. Natatakot ako kay Jane dahil lahat ng lumalapit na

lalaki dito ay nagkakagusto rito.

Mahal ko na ba si Morti? Pero natatakot ako na baka mawala yung friendship naming

kapag nagtapat ako.

Ano bang dapat kong gawin?

Bakit kasi trinato ako ni Morti na parang prinsesa? Eh pagpapanggap lang naman to.

Nahulog tuloy ako sa kanya.

Page 22: When someone is inlove

Naisipan ko na lang syang puntahan since wala na kaming gagawin namimiss ko na

talaga sya. Hindi ko na kasi sya halos nakakausap dahil bukod sa busy sya busy rin ako

nitong mga nakaraang araw.

Nakarating na ako sa pinagpapractisan nila pero nung nakita ko yung halikan ni Jane at

Morti nagsisi ako na pumunta ako dun.

Ngayon, napatunayan ko na talaga na mahal ko si Morti. Kahit na para sa play lang yun

ang sakit pa rin. Nakakapagselos.

Tumakbo na ako palayo.

Tumutulo ang luha ko. Dapat pala hindi ko na lang pinilit si Morti na maging boyfriend

ko sya sa facebook. Kung alam ko lang sana na magiging ganito.

“Lissette” narinig kong tawag nya.

Page 23: When someone is inlove

Pero inignora ko lang sya at binilasan ko yung paglakad ko.

Pero naabutan pa rin nya ako.

“Lissette please mag-usap tayo.”

Pinahid ko yung luha ko.

Pinilit kong ngumiti

“Anong pag-uusapan natin?”

“Pwede bang itigil na natin tong pagpapanggap natin.”

Nung sinabi nya yun lalong sumakit ang puso ko.

Page 24: When someone is inlove

“Ok lang sige. Para naman maligawan mo na si Jane. Ang lakas talaga ng alindog ni

Jane.”

“Nakakainis ka talaga. Napapakabobo mo. Hanggang ngayon hindi mo pa rin alam

yung nararamdaman ko para sayo. Mahal kita Lissette dati pa. napakamanhid mo lang.

gusto kong tapusin na tong pekeng relasyon natin para magawa na nating totoo. Mahal

mo rin ba ako Lissette?”

Matagal ako bago makasagot. Hindi kasi maprocess ng utak ko yung sinabi ni Morti.

“Kung hindi mo ko mahal ok la….”

Hindi ko na pinatapos si Morti kasi hinalikan ko sya sa labi. “Mahal rin kita”

Nakita ko ang sumiwang na ngiti sa labi ni Morti.

Pagkatapos nun hinalikan nya ako and it feel so good.

Page 25: When someone is inlove

END of STORY