650
Freya’s Slave A property of : stellarechizen.weebly.com Watch trailer at : http://www.youtube.com/watch?v=EeIu14-cOPo PROLOGUE : Everyone knows what is SLAVE , a person treated as your PROPERTY ...They are force to work dahil sinuswelduhan sila o kaya naman dahil pinagbili mo sila o talagang pinanganak na silang mga slave. We all know din na mga mayayamang tao lang nagkakaroon nito . Pero ..

stellarechizen.weebly.comstellarechizen.weebly.com/uploads/1/2/0/8/12081386/frey…  · Web viewFreya’s Slave. A property of : stellarechizen.weebly.com. Watch trailer at : . PROLOGUE

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Freya’s Slave

A property of : stellarechizen.weebly.com

Watch trailer at : http://www.youtube.com/watch?v=EeIu14-cOPo

PROLOGUE :

 

Everyone knows what is SLAVE , a person treated as your PROPERTY ...They are force to work dahil sinuswelduhan sila o kaya naman dahil pinagbili mo sila o talagang pinanganak na silang mga slave. We all know din na mga mayayamang tao lang nagkakaroon nito .

 

 

 

Pero ..

 

 

 

 

Isa akong Janitress. Isang hamak lamang na janitress dito sa eskwelahang pinakakilala sa buong mundo , ang CrystalGold Ashfortz Academy ..

 

 

 

 

 

 

 

At sa maniwala kayo o hindi o kahit hindi kayo maniwala ...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Isa ako sa mga taong ..

Meron nito ;)) 

 

 

 

 

 

 

-Freya

 

 

 

 

 

 

 

 

Introduction

 

Freya's Slave

written by: StellarEchizen

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PPPPPPPPPPPPPPPPRRRRRRRRRRRRRRRRRRUUUUUUUUUUUUTTTTTTTT !!!!

PRRRRRUUUUTT!!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PRUT!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

" Ate Freya naman eh !!!! " Sabay malakas na tulak sakin ng tamad kung kapatid na si Kia . " Hindi ba pwedeng wag ganyan ang WAKE UP call mo sakin?' Ang baho-baho ! Araw-araw nalang ganyan WAKE UP call mo sakin !! " Nakakunot na sabi ni Kia habang antok na antok paring kinukuha yung dumi niya sa gilid ng mga mata niya.

 

 

" Ilang beses na kaya kita sinubukang gisingin ! Ano papasok ka ba o hindi?! Aba Kia?. Sumusobra ka na ha?' Anong gusto mo?. Matulog nalang dyan maghapon hah?! Aba'y sayang lang lahat ng mga sakripisyo ko sayo ! " Nakapamaywang kong bulalas sa kanya.

 

 

Agad ko siyang hinila sa isang kamay niya tapos pilit na pinasok sa banyo habang panay parin ang pagrereklamo niya sakin. Dahil antok parin ang kaluluwa ng dalagitang etech' kinuha ko agad yung tabo na nasa balde at binuhusan siya ng tubig .

 

" WOA !!! LAMEGG !!! " Sigaw niya na para bang biglang nabuhay mula sa mahimbing na pagkakatulog .

 

" Ayan !' Edi nabuhay ka rin. Kung gusto mong hindi ganyan ang pagtrato ko sayo tuwing umaga. MAGTINO ka ! "

 

 

Nagpout lang siya sakin tapos marahas na sinara ang pinto. Ako naman dumiretso na sa pintuan para maghanap ng bagong trabaho.

Tinalian ko muna ang buhok ko tapos sinuot yung backpack na ginagamit ko pagka-umaalis ako sa bahay.

 

 

" Nakahanda na ang pagkain mo !' Bilisan mo dyan Kia ! Kung malelate ka na naman patay ka sakin! Tska yung pinagtulugan mo ha?' Ayusin mo ! " Sigaw ko mula sa pintuan.

 

 

 

" OPO . MASUSUNOD PO ! " Sigaw naman ng kapatid ko mula sa banyo.

 

 

 

 

 

Umalis na agad ako para humanap ng bagong raket. Hindi ako drug pusher o magnanakaw hah?' o di kaya nambubugaw . Hindi ako tulad iniisip niyo . Pinaalis na kase ako sa dating construction site na pinagtatrabahuan ko. May bago na kase silang pinalit sakin . ISANG LALAKE.  Ang nakakainis lang kase, pinaalis nila ko sa kadahilanang BABAE ako . Alam ko , hindi ako katangkaran, payat ako at higit sa lahat hindi pwede ang isang tulad ko na magbuhat ng mga mabibigat na bagay doon sa construction site PERO kahit ganito ako . Kaya kong magbuhat ng kahit ilang sako ng simento noh! Kahit ganito ako , kahit BABAE ako . Kaya kong magtrabaho ng panglalake . YON AKO.

 

Sa dalawang buwan na mahigit kong pagtatrabaho don, ngayon pa nila ako pinaalis?' LETSE!' Sana gumuho nalang yung building nila para makarma sila. SAYANG. Pinakawalan nila ang isang tulad ko . RARE pa naman ang isang tulad ko . Prshh..

 

 

 

 

 

 

Slave ONE //:1

- Serene Freya Loryca-

      Point Of View

 

 

 

 

 

Nilapag ko sa saheg ang mga pinamili kong noodles. Matapos kase ng araw na to , wala man lang akong nahanap na trabaho . Haist.  Umupo ako sa saheg at kinuha isa-isa yung mga noodles para ilagay sa cabinet. Wala kaming REF, kaya dito ko nilalagay mga pagkain namin.

 

 

" Ate !' Puntahan natin ang puntod nila mama at papa sa simenteryo bukas? " Ngiting sabi ni Kia ng lumabas siya sa banyo habang pinapatuyo ng tuwalya niya yung buhok niya. Umupo siya sa tabi ko at nagsimula ng dumaldal.

 

" Sige na ate. Ayaw mo bang pumunta?' Halos magtatatlong buwan na tayong hindi nakakadalaw sa kanila eh! " 

 

 

 

Hindi ko lang siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko.

 

 

" Ate naman eh ! Sige na?! " Napatigil ako sa paglalagay ng mga noodles ng bigla niya akong hinawakan sa kamay. Napatingin naman ako sa kanya. Nakita ko siyang nagpouts.

 

 

" Kung gusto mong puntahan sila mama at papa . Mag-isa ka . " Inalis ko naman agad yung kamay niyang nakahawak sakin tapos pinagpatuloy ang paglipat ng mga noodles. Marami ang binili ko kase MATAKAW itong si Kia. Kahit ang payat-payat ng babaeng yan . Sobrang takaw niyan.

 

 

Tumahimik muna siya sandali . Ako naman nung matapos ko na yung ginagawa ko, in-fold ko naman yung plastic na pinaglagyan ng noodles tapos inilagay ito sa gilid lang ng cabinet.  Tumayo ako tapos kinuha yung bedsheet at inilapag sa saheg. 

 

Kahit bedsheet to , makapal naman siya at malambot. Ito ang ginagamit namin bilang tulugan ng kapatid ko . Nabili ko lang to sa ukay-ukay street malapit sa isang apartment building don. Muntik pa nga akong makahanap ng away dahil lang dito .

 

Humiga na ako. Pinag-isa ko yung dalawa kong kamay tapos nilagay sa  likod ng ulo ko. Bali , nagsilbi silang unan ng ulo ko. Maya-maya ay tumabi na si Kia sakin tapos kinuha yung unan niya. Isa lang kase ang unan namin eh' kaya siya lang may unan .

 

 

" Ate . Pagkanakatapos ako ng pag-aaral . Iaalis kita dito. Tapos , matutupad yung pangarap mong maging model samantalang ako naman , magiging sikat na dancer ! " Hindi ko nakita kung anong ginagawa niya kase nakapikit yung mga mata ko .

 

 

" Ate ?' Tulog ka na ba? " Hindi ako umiimik. Gusto ko ng matulog kaya nagpanggap nalang akong tulog para matulog narin siya. " Ate . Maraming Salamat ha?' Lam mo ang swerte-swerte ko talaga sayo " Prshh . Ayan na naman siya . Magdadrama na naman . " Pangako ! Pagbubutihin ko ang pag-aaral ko sa Wattpad University ! .. Basta ate, kahit anong mangyari wag kang susuko sakin hah?' Tska bukas, aaga na talaga ako sa paggising ate ! Kase sumasakit na tiyan ko . Ambaho-baho ng utut mo eh! I love you ate at Goodnight ate ! " 

Naramdaman ko nalang bigla na lumapit si Kia sakin tapos hinalikan ako sa noo . Pagkatapos non niyakap niya ako at siguro natulog na siya. Napangiti naman ako. Kahit na ganyan ang kapatid ko, napakalambing niyan.

 

 

 

 

xx

 

 

" Kuya?' Kaylangan niyo po ba ng kargador dito sa palengke?' Kakayanin ko po Kuya ! " Tanong ko kay manong na busying-busy sa pagtatadtad ng karne ng baboy.

 

" Nakuh hija ! Hindi pwede ang babae maging kargador . " 

 

" Nakuh ! Wag niyo nalang pong isiping babae ako ! "

 

 

Huminto muna si Kuya sa pagtatadtad tapos tinignan ako ng seryoso pamula ulo hanggang paa. Nagtaka naman ako . Maya-maya ay ngumiwi siya tapos umiling.

 

" Pasensya na talaga hija. Ibang trabaho nalang pasukan mo hah?! " Nagpout nalang ako. Kahit naman sino pagtanungan ko dito sa palengke ayaw nilang tumanggap ng katulad ko. Keso ganito ako. Keso ganyan ako. Keso BABAE ako ! 

 

Prsh. Kaya ko namang panutayan sa kanilang kahit BABAE ako, kaya ko LAHAT !. Kaya kong gawin lahat basta magkatrabaho lang !. ( Wag lang yung illegal at protitution ano! )  

 

 

Umalis nalang ako sa palengke. Maya-maya naramdaman ko na ang gutom . "Aishhh .. Hindi pala ako kumain ng breakfast kanina " Bulong ko sa sarili habang hinahawakan yung umiiyak kong tiyan.

 

Nagpalinga-linga muna ako sa paligid para maghanap ng mumurahing pagkain. Sakto namang may nakita akong nagititnda ng prutas. Lumapit ako sa kanya tapos bumili ng mansanas. Pagkatapos kung magbayad ay kinagat ko na agad ito at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

 

 

Nung last bite ko na , Napatigil nalang ako bigla ng may isang di ko kilalang lalake ang biglang umakbay sakin at subrang dumikit pa sakin. 

 

 

" Wag ka ng umalma. Hawak ko ang buhay mo. " Bulong niya sakin habang naglalakad parin kami dito sa may tabi ng kalsada. Tapos naramdaman ko nalang na meron siyang parang matulis na bagay na tinutuk sa giliran ko na sa tingin ko ay kutsilyo.

 

 

Nagsigh nalang ako. 

 

 

" Holdap to ! . Ilabas mo ang pera mo at ibigay mo sakin kung ayaw mong mamatay ng di'oras ! " Tumigil naman ako at lumingon sa kanya na siya namang pinagtaka niya.

 

" Hoy ikaw. " Maangas kong sabi sabay tulak ng noo niya gamit ang hintuturo ko. " Kahit kapkapin mo pa buo kung katawan , wala kang makukuha sakin . Kung gusto mong magkapera, humanap ka ng matinong trabaho. " Inirapan ko naman siya tapos naglakad na palayo at iniwan siya.

 

 

" Bwisit. " Bulong ko sabay kagat ng mansanas . Huling bite ko na yon kaya tinapon ko na ito agad pero sa likod ko.

 

 

" ARAY ! " Napalingon naman ako agad sa likod ko . Si Holdaper, natamaan ata siya nung mansanas na tinapon ko . Nakita ko sa kanyang hinahawakan niya yung ilong niyang, dumudugo na. Ayh. Pasensya lamang . Hindi ko naman alam na sinusundan parin pala ako ng holdaper na yan at napalakas ata ang pagtama nung mansanas na kinagatan ko .

 

" Pasensya na manong hah?' Di ko naman alam na nasa likod pala kita" Pagkatapos non ay tinalikuran ko na siya. Nilagay ko naman sa magkabilang bulsa ko yung mga kamay ko saka nagwhistle habang nagpalingon-lingon kase nga naghahanap ako ng trabaho diba?.

 

 

Maya-maya ay bigla nalang akong sinunggaban nung si holdaper. Nilagay niya yung braso niya sa ilalim ng leeg ko sabay malakas na tulak sakin sa poste na nadaanan ko bago lang. Nanggigil siyang nakatingin sa mga mata ko at talagang nanlilisik pa yung mga niya. Tapos bigla niyang tinutok sakin yung kutsilyo.

 

" Papatayin na talaga kitang babae ka !! " Tinitignan ko lang siya . Kahit anong sabihin niya, hindi ako natatakot sa kanya kahit pa nakatutuk sakin yung patalim niya. Anong akala niya sakin?' Tulad ng ibang taong naholdap niya na sisigaw sa takot?. 

 

 

I smirk . 

 

 

" Aba talagang ginagalit mo ba talaga akong babae ka?! " Nilapit-lapit pa niya sakin yung kutsilyo niya sa mukha ko.

 

" Kung papatayin mo lang din ako edi GO. " Inirapan ko pa siya ng mga mata ko na para bang sinasabing " SIGE NA AT SAKSAKIN MO NA AKO . DAMI PANG SATSAT "

Nagrisulta naman ito ng labis na pagkagalit niya kaya iniangat na niya yung kutsilyo para saksakin na ako. Siguro sa mukha ko . Nakuh!. Masyadong bloody yun kapag nagkaganon. Nung aktong sasaksakin na sana niya ako bigla namang may boses na sumigaw kaya napatigil siya.

 

 

" HEY !! "  Pareho naman kaming napalingon ni manong sa direksyon ng boses na yon. Isang lalakeng nakatayo na may suot na black coat at merong headphones na nakalagay sa may leeg niya. Blonde yung buhok, medjo singkit yung mga mata niya at halatang mayaman . Kutis palang mayamang-mayaman na.

 

 

Lumapit siya samin tapos kinuha niya yung kutsilyo sa kamay ni holdaper na kanina pa nakatulala simula nung umepal siya.

 

" If you don't want to go in jail. I think you should go run for your LIFE now. " May tigas at may halong pagbabanta ang bawat salitang binibitawan niya sa holdaper .with matching feirce eyes pa na animo pinapatay ka na tingin pa lang.

 

 

 

Nanginig naman bigla yung holdaper sa kanya at mabilis itong tumakbo palayo samin. Sayang naman . Kung hindi sana umepal tung boy blonde na to, naturuan ko na sana yon ng leksyon. 

 

 

" Are you- - - " Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya, basta nalang ako naglakad palayo sa kanya tapos kinuha ko yung bubblegum na nasa bulsa ko lang naman . Binuksan ko to tapos kinain.

 

" H-Hey ! Won't you say something?! Even A thank you man lang?! " Sigaw niya mula sa likod ko . Itinaas ko lang yung isang kamay ko sa kanya habang papalayo. Hindi ko na siya nilingon. At tsaka bakit naman ako magpapasalamat ?. Kaya ko naman sarili ko kahit di siya dumating. Prshh..

 

 

 

Maya-maya wala na akong narinig . Siguro dahil malayo na ako mula sa kanya. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

 

 

 

 

 

Slave TWO //:2

- Serene Freya Loryca-

     Point Of View

" Uh?' " Napahindto ako bigla sa isang poste na may nakadikit na poster. Meron kaseng nakasulat doon na nagbigay ng interes sakin.

 

 

 

 

-

 

NEED WORK?

Apply now as..

 

JANITOR/JANITRESS @ CrystalGold Ashfortz Academy 400php/Day

Agad kong tinanggal yung poster na nakadikit sa poste at nilagay agad ito sa loob ng bulsa ko sabay alis. Mahirap na baka meron pang ibang makakita . AKIN LANG TOH.. Akalain mo yun?' Janitor lang aaplayan mo 400php a day na?' WOW ! Edi malaki-laki ang kikitain ko neto ! Kung e'mumultiply mo ang 400 sa 30 days?. meaning???  12thousand pesos !! WOA !!!! Gatong ako neto ! Dinaig ko pa ang sweldo ni Eya Rodriguez ah?! Whahaha .. Mapuntahan na nga yung CGAA na yan.

 

xx

" WOA?! " Yun lang tangi kong nasabi sa sobrang laki ng Academy na ito !. Nasa harap kase ako ng gate ngayon ng CystalGold Ashfortz Academy or CGAA for short. " Ayus ah?' " Mayayaman guro ang nag-aaral dito. Hmm. Pano ba ko makakapasok nito?. E' kung akyatin ko nalang kaya itong gate na halos 11 feet ang taas?. Hmmmm..

 

 

" What can I do for you Miss? " Sumulpot bigla yung matanda na hindi ko alam kung saan galing. 

 

 

Wow?' Englis-pekenin si Lola. ! Mag-eenglish din ba ako?' Nakuh wag na. baka di ako maintindihan e' magnosebleed pa si lola . di naman ako marunong mag english ." Ah . Eh ano po Lola . Mag-aaply po sana ako bilang janitor dito. May nakakuha na po ba? " Pansin ko sa kanya na bigla naman siyang nagulat. Anong meron?. Baka bawal na naman dito ang janitor ha kase babae ako hah?! Nakuh naman !

 

 

" Ah eh. One second please, . I'll just open the gate. "  Lumapit siya sa gilid nung gate tapos merong pinindot. Pagkatapos niyang pindutin yung gate nag-automatic bukas naman ito agad. WOA . Ang sosyal hah?! " Follow me. I'll send you to the Principal's Office " Halata sa matanda na parang nagdadalawang isip siya na papasukin ako at parang natatakot pa?. Ano kaya meron bakit ganito nalang reaksyon neto?.

 

 

 

 

Habang naglalakad kami patungo daw sa Principal's Office , pansin ko ang sobrang lawak as in napakalawak na lugar ng skwelahang ito. siguro kapag natanggap ako dito , baka maligaw ako kase sobrang laki talaga pati narin ang mga buildings, nakakalula sa sobrang taas at laki . Siguro mga departments yan . Siguro masarap mag-aral dito?. Kung dito ko siguro pag-aaralin ang kapatid ko sigurado akong kulang pa ang buhay ko pambayad lang ng tuition niya.

 

 

 

Pumasok kami sa isang building. Tapos sumakay pa kami ng elevator.  Ibang klas din tung skwelahang ito hah?' May elevator pa. No wonder why sila nakakaafford magbayad ng malaki sa mga employees nila . Buti narin kase may elevator ,kase sa sobrang taas ng building na to , malamang bukas makalawa pa kami makakarating ng Principal's office kapag walang elevator.

 

 

 

" Were here " Saka pa ako nabalik sa sarili ng magsalita muli si lola. Nasa harap kami ng isang pinto. Hindi siya kumatok. Pero tinapat lang niya yung bibig niya sa tabi ng pinto sa isang speaker ba yan? radyo o telepono?. Basta nagsalita siya don. 

 

 

 

" Okay let her in " Yun yung narinig ko mula sa speaker o radyo o telepono basta yon na yon ! Hirap naman kase pag-ignorante ka sa mga ganito . Shit lang.

 

Pagkatapos magsalita nung sa speaker automatic na nagbukas yung pinto. WOA ! Astig talaga . " Please come in " May isang lalakeng nakabusiness suit ang sumalubong sakin sa may pintuan. Tapos yung si matanda na naghatid sakin kanina umalis na. Hindi man lang nagpaalam?. Prsshh..

 

 

Sumunod naman ako sa sinabi niya. Ang laki ng Principal's Office. Parang hindi siya office eh?' Parang isang kwarto lang sa loob ng isang 5 star hotel . Skwelahan pa ba to?. Jusko .

 

 

" Please have a seat .. "  Sabi nung babae na nasa dulo ng office na ito. Nakaupo siya sa upuan niya na nakatalikod sa  desk niya at nakaharap sa isang napakalaking bintana . Umupo naman ako sa tabi ng desk niya . Maya-maya ay hinarap na niya ako. 

 

 

 

>///////////////////<  Nakuh naman! Nag-iinit pisngi ko chong .! Ang ganda ! Siya ang principal?! Nakakatomboy naman ..

 

 

 

" So , applying for a janitress.. " Walang expression yung mukha niyang nakatingin sakin. Pero napasilent-gulp ako kase ang ganda-ganda niya talaga sobra. Pwedeng matomboy saglit?.

 

" Ah. Eh. O-Opo ! " Nanginginig ako sobra ! Ewan ko kung bakit . Siguro kase talagang .. Ang-Ang ganda niya..

 

" You may start now. Your Hired " Sabay talikod sakin at humarap muli siya sa may bintana. WOA !Yun na yon?. Wala man lang tanong?. Wala man lang biodatang hihingin?! Bangklase ah?!

 

 

" Salamat po ! " Tumayo na ako tapos nagbow ng sa tingin ko ay apat na beses.  Tapos naglakad narin paalis ng office . Pero natigilan ako ng bigla siyang nagsalita muli.

 

 

" If you can stay here for a month. I'll pay you double . " Lilingon na sana ako sa sobrang gulat ko dahil sa narinig sa kanya pero pinigilan ako nung lalaking nakabusiness suit sabay bukas nung pintuan at tinulak pa ako palabas.

 

 

 

 

 

Walang Modo!! Prshh.

Pero tama ba yung nadinig ko mula sa kanya kanina???.. Mareplay nga.?

 

 

 

 

" If you can stay here for a month. I'll pay you double . "

WOA ! ! Ang swerte-swerte ko naman kung ganon?! Gora ako neto ah?! "WOAHAHAHAHAHAHAHAHA" Sabay tawa ng sobrang lakas.

 

 

 

Pero , bakit naman kaya ganon sinabi niya?. Lahat ba ng nag-aaply na janitor dito hindi nakakatagal ng 1month?! Nakuh?!. Walang problema sakin yan ! Kahit may multo pa ang skwelahang ito wala akong PAKI !. Laki kaya ng sahod nila dito noh?. Daig ko pa ang isang chef sa isang restaurant neto ! BWHHAHAHAHHA

 

 

 

" Here's your uniform .. " Bigla namang tinapon nung matanda sakin yung uniform pang janitor na mabilis ko namang nasalo agad. Aalis na sana siya kaso pinigilan ko siya .

 

" Sandali lang po ! " Lumingon naman siya sakin . " Ba't ang galing niyo pong mag-english?. " Hindi niya ako sinagot, sa halip tinalikuran niya ako tapos naglakad palayo sakin.

 

" Sandali po ! Joke lang yon ! Lola sandali ! " Hinabol ko naman agad siya. " Pero lola wag na kayong mag-english ha?. Nakakanosebleed eh?' Nabibiyak ulo ko. " Lumingon naman sakin si Lola at tinignan ako ng diretso sa mata na siya namang pinagtakhan ko. 

 

 

" Mag-iingat ka sa mga kilos mo dito hija. " Nagkaroon bigla ng kwestyun mark sa taas ng ulo ko . " Marami nang nag-apply bilang janitor dito kaso hindi sila nagtagal . "

May halong pananakot yung pagkasabi ni lola sakin . Nakakakaba tuloy. At nacucurious na tuloy ako kung anong meron sa skwelahang ito. " Kung ganon po?' Ako nalang nag-iisang janitor dito?. " Nagsign siya na tignan ko ang uniform niya at narealized ko na janitress pala siya dito. Ay boba! Bakit ngayon ko lang napansin?.

 

 

 

" Ah. Maliban po sating dalawa, wala na po ba? " Tumango naman si Lola. 

 

 

 

 

Nakuh naman ?' Ibig sabihin dalawa lang kaming janitress dito?' Dalawa lang kaming maglilinis ng buong skwelahan?! NAKUH NAMAN .. T_______________T Kaya pala ini-hired agad ako nung prinicipal kase isa lang janito nila dito?' Prshh . 

 

 Pero kung iisipin ko ang sahod nila dito, Okay narin to. Kakayanin ! Para sa kapatid kung nag-aaral at para makatapos na siya. Magsisikap akong mabuti para sa kanya.

 

 

 

Pero. nakakapagtaka ang skwelahang ito?'

Parang may misteryong bumabalot ??. Bakit naman kaya hindi nagtatagal ang mga dating janitress na nag-apply na dito non?' Hmmmmm ... Adventure to at challenge para sakin . Nyeheheheheh

 

 

 

 

Slave THREE //:3

Serene Freya Loryca

- Point Of View-

" Lola !' Magsisimula na po ba talaga ako ngayon na?' Saan po ang CR dito para makapagbihis na ako?. " Tanong ko kay lola habang naglalakad kami sa corridor.

 

" Ihahatid muna kita sa magiging locker mo , magkatabi lang naman din ang lockers tska CR ng mga janitor dito " 

 

" Ahh.. " I mouthed. " Lola. ano nga po pala ang pangalan ninyo?. "

" Lola " Diretsong sagot niya.

 

" Lola?' Yun po pangalan niyo? " Pakiramdam ko naman lumaki yung mga mata ko sa sinagot niya. Nag-eexist pala sa mundong to ang pangalang LOLA?.

 

" Yun nalang itawag mo sakin hija. Pang-bagets kase ang pangalan ko, hindi bagay sakin kase matanda na ako . " I heard her giggle in a lov volume.  Nakuh naman itong si lola o'oh! Akala ko yun talaga ang pangalan niya. EHEH.

 

" Ako nga po pala si Serene Freya. Pero Freya nalang po ang itawag niyo sakin. Yun kase nakasanayan ko. " Sabi kase ng marami. Ang layo-layo ko daw sa First name kung SERENE. Lam' niyo naman na opposite ako ng PEACE.

 

" O' sige . Freya " Hmmm.. Pakiramdam ko parang nagiging close na kami konti ni Lola. Edi mabuti para naman may nakakausap ako dito. heks

 

 

 

 

After 6236127618263 minutes

 

 

Nakarating na rin kami sa locker room na sinasabi ni Lola. Medjo iba yung locker namin kase wide tska mataas. Para siyang kalahating aparador?. Hindi ito yung locker na lagi kong nakikita usually sa mga school lockers. Siguro nga kase janitors kami dito kaya iba samin. And, siguro mga less than 10 lockers ang andito ngayon sa harapan ko kaya lang, yung iba vacant na kase puru nakalocked.

 

Binuksan ni Lola yung isang locker gamit ang isang susi . " Dito ang magiging locker mo hija at ito ang susi . " tapos niyang buksan yung locker binigay na niya sakin yung susi. Tinuro naman niya agad ang CR na katabi lang nitong locker room . " Diyan ang CR. Sige at aalis na ako, marami pa akong lilinisan sa skwelahang ito. Ikaw magmadali ka na para makapagsimula ka na agad. "

Nagbow ako sa kanya bilang pagsang-ayon ko. Nung makaalis na siya pumasok naman agad ako sa loob ng Comfort Room para magbihis na. Pagkatapos kung magbihis inilagay ko ito sa loob ng backpack na dala ko . Lumabas na ko then inilagay ito sa loob ng locker ko . Ni-lock ko muna yung locker at tska ako umalis.

 

Kinuha ko naman yung baldeng may tubig at map na nasa gilid lang . Siguro ito talaga ang room ng mga janitor/janitress . Ang ipinagtataka ko kung bakit talaga yung mga janitor dito ay umalis tapos hindi nagtatagal dito sa school na to?' Baka naman merong pinatay dito na estudyante tapos nagmumulto?. Nakuh! Kung meron man, magpakita na siya sakin para naman hindi na ako macurious .

 

 

Naglakad na ako paalis ng room habang bitbit sa dalawang kamay ko yung baldeng may tubig at map. Lumabas na agad ako sa room . 

 

" Saan naman ako magsisismula ngayon?. " Tinignan ko muna ang buong paligid ng corridor . " Prsh. Kahit saan na nga lang " Nagmap nalang ako dito sa corridor kahit na hindi ko man lang alam kung talagang dito ba dapat ako maglilinis. Wala naman kase talagang binigay yung si lola na instructions kung saan ako magsisimula eh!' 

 

 

Yung nalinis ko na almost sa floor na to lumipat naman ako sa ibang floor . Nagtingin-tingin din ako sa paligid. Ang tahimik naman dito. Baka mamaya may makita akong babaeng duguan dito tapos nakaputi at gumagapang dyan sa saheg. Exciting to !. 

 

 

 

 

 

 

BBBBBBBBRRRRRRRRRRIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGG !!!!

" WOA?! " Halos mapatalon naman ako sa sobrang gulat. Lakas-lakas ng bell ! Prsh. Makasira eardrums. Tinignan ko naman agad ang wristwatch kung kupas na. " Nakuh?' Lunch na pala?. " Nahawakan ko naman ang tiyan ko,

 

 

 

 

BRUUUTTTTT..

Prshh . Nakalimutan ko palang magbreakfast kanina. Yumuko naman ako saglit para kapain  yung bulsa ko baka kase meron pa akong bubblegum dito . 

 

 

" UWWAHH ! ! ! His here !! " Bigla namang nagsilabasan yung mga estudyante galing sa mga rooms nila. Tapos nagsitakbuhan patungo sa direksyon ko. Nanlaki naman agad ang mga mata ko kase siguradong sa dami nilang to, madadaganan ako at siguradong dedbat ako kapag nangyari yon !

 

Mabilis naman akong dumikit sa dingding at hinayaan silang magsitakbuhan sa daan. Parang may sunog na nangyari kase sobrang nagpapanic sila na ewan ko kung bakit. No' ba yung sinasabi nilang HIS HERE?. 

 

Maya-maya ay unti-unti na silang nauubos hanggang sa wala nang dumaan. Kinuha ko agad yung balde tska map tapos tumalikod kaso nung pagtalikod ko may nabangga naman ako na hindi ko alam kung sino kase nakayuko ako. Buti nalang hindi masyadong malakas yung pagkabunggo namin, napaatras lang ako ng konti tapos hinimas-himas yung noo ko.

 

 

" Hey ! What are you doing here?! " Rinig kong parang nagulat yung taong nabangga ko. Iniangat ko naman yung ulo ko para makita kung sino ang lalaking nabangga ko. Nakasuot siya ng uniform at sa tingin ko ito yung uniform ng school na to . May headphones siyang nakaikot sa leeg niya, he has blonde hair and nakaturo sakin na gulat na gulat , he looks so familiar. Parang nakita ko na siya kaya lang hindi ko maalala. Saan ko ba nakita ang lalakeng ito?.

 

" Sino ka?' " Sarcastic kong tanong sa kanya.

 

" What?! You don't remember me anymore?. I was the one who rescued you from peril early morning!. Don't you recognized me?! " Nakaturo padin siya sakin .

 

" Sorry hindi ako nakakaintindi ng english eh!. Wala akong maintindihan sa sinasabi mo tsong! " Lalagpasan ko na sana siya kaya lang hinawakan niya ako sa braso.

 

" Pasensya na.  By the way, I'm Nieder Ashfortz . " Halata na merong siyang foreign accent na hindi ko ma-identify kung saan. Halatang hindi ito pinanganak dito. In-offer naman niya yung kamay niya saking may ngiti . Ako naman nakangiwi ang ulong nakatingin sa kamay niya.

 

" Freya. " Di' ko na kinuha yung kamay niya. Bakit pa?. " Sige . May gagawin pa kase ako. Dami ko pang lilinisin dito " Naglakad na ako paalis sa kanya. Buti naman , hindi niya ako pinigilan this time. Pero napatigil nalang ako bigla ng magsalita siya ulit.

 

 

" Please be aware . " Nilingon ko naman agad ang direksyon niya kaya lang nakatalikod na siya sakin. Nakapagtataka talaga . ? Ano ba kase meron?. Prshh..

 

 

 

 

 

xxx

 

 

It's almost dinner time . Nakita ko kanina si Lola and she told me na pwede na daw akong umalis. Kaya pagkatapos niyang sabihin yon sakin ay agad na akong nagtungo sa locker room ng mga janitor. Kinuha ko yung backpack ko tapos nagbihis na . Today, wala ako masyadong nadiscover . Baka bukas meron na akong matuklasan . Sana . Ang hirap kase pag curious na curious ka. Nakakabaliw sa kaluluwa. 

 

 

 

Nung makalabas na ako ng building , wala ng katao-tao o kaya naman hindi na nagtatagpo ang mga tao dito kase sa sobrang lawak at laki ng skwelahang to. Baka ang marami sa kanila naligaw na.

 

 

" Hey ! Freya ! " Napahinto naman ako sa paglalakad patungo sa gate ng may biglang tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako sa likod. Oh' That blonde foreign guy na naman . 

 

" Are you going home? Hatid na kita! I got my car ! " Bigla naman niya akong inakbayan dahilan para magamit ko ang brutal skill ko. Mabilis kung dinamput yung kamay niyang nakaakbay sakin sabay ikot ko at nung braso niya which caused him to kneel down . " OUCH ! that's hurts!! Stop it ! " Tinap-tap naman niya yung kamay ko gamit ang isang kamay niya.

 

" Wag mo akong aakbayan ! Loko ka ! " Pasensya lamang . Hindi ako sanay na hinahawakan ng mga lalake.

 

" fine fine ! I won't- - I won't do that anymore ! Ju-Just stop it ! " Kitang-kita ko ang pagmamakaawa niya habang tina-tap niya yung kamay ko. Mukang iiyak na ata kaya binitawan ko nalang siya agad.  Tumayo naman agad siya sa pagkakaluhod tapos hinawakan yung braso niyang nasaktan ko.

 

 

" Your too aggresive . This is the first time I met a girl like you . " Nakasmile na sabi niya sakin. I rolled my eyes heavenwards then tumalikod na sa kanya kaya lang hinarangan niya yung daanan ko.

 

 

" I like you ! " Bigla namang nagsitaasan ang mga balhibo ko sa sinabi niya sabay taas ng isa kong kilay. 

 

" Pinagsasabi mo?! " Abnormal ata ang lalakeng to o nasobrahan lang sa pagtorture ko sa braso niya kanina?.

 

" Lam mo?! kung ganyan ang ugali mo?' I'm sure magtatagal ka sa Academy na ito. " Ngising sabi niya . " Come with me. I'll drive you home. "

" Ayoko. Marunong akong umuwi . Maglalakad nalang ako " Nilagpasan ko naman siya agad pero sadyang makulit talaga siya kase hinarangan niya ulit ako.

 

" I like You ! " Sabay mabilis na halik sa pisngi ko at kumaripas ng takbo palayo sakin. Ni' hindi ko man lang agad naigalaw ang katawan ko sa ginawa niya dahil siguro sa sobrang bigla. Pakiramdam ko bigla akong natanggalan ng kaluluwa dahil sa ginawa niya at napatulala ng di oras.

 

 

Nakakahiyang sabihin sa inyo pero . That was my first time I was kissed by a guy. Hindi naman sa kinilig ako kase wala naman yon sa bukabularyo ko , kaya lang feel ko lang talaga nastock ako sa kinatatayuan ko at natagpuan ko nalang ang sarili ko na hinahawakan na yung pisngi ko kung saan niya ito hinalikan.

 

 

Gulp.

 

 

 

Ibang klaseng lalake din yon ano?' Hindi ba siya natatakot na bago niya ginawa yon , mabubugbug ko ulit siya?. Prsh. Malas. ! Pasalamat siya hindi ko siya nahawakan nung mga oras na yon dahil kung hindi baka mabalitaan nalang na may namatay na lalake sa skwelahang to.

 

 

*shake heads*

 

 

" Makaalis na nga ! Prshh . " Nilagay ko yung dalawa kong kamay sa mga bulsa ko at naglakad na palabas ng gate pauwi.

 

 

Pagkarating ko sa bahay namin ng kapatid ko . Natagpuan ko si Kia na kumakain na ng noodles bilang hapunan niya kaya lang nung napatingin ako sa saheg na inuupan niya , merong tatlong empty cup of noodles na ang nandon which means tatlong cup noodles na ang nakain niya .

Bigla kung kinuha yung noodles na kinakain niya sabay taas ito mula sa kanya . Agad naman siyang tumayo para maabut yung noodles . " Tumigil ka na Kia !! " Sabi ko sa kanya habang iniiwasan ko sa kamay niya yung noodles.

 

" Ate naman ! Gutom pa ako ! Di pa ako tapos kumain ! " Talon siya ng talon para makuha yung noodles sa kamay ko.

 

 

Bigla kong nilagay ang palad ko sa mukha niya sabay tulak sa kanya . " Akin na to ! Hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga Kia !. Nagtitipid tayo ngayon kaya sana wag kang mag-aksaya ng pagkain. ! " Nagpout naman si Kia sabay upo sa saheg. Ako naman kinuha ko yung chopsticks sa kamay niya sabay upo sa harapan niya then kinain yung noodles na inagaw ko sa kanya.

 

 

" Ate . Kamusta ang paghahanap mo ng trabaho?" Tanong niya sakin bigla.

 

" Okay lang naman. May nahanap na ako. "

" Eh' anong trabaho ate?' Baka kargador na naman hah?! " Matagal na kaseng kontra ang kapatid ko sa trabaho ko bilang kargador don sa dating contruction site na pinagtatrabahuan ko kase daw mabibigat daw yung kinakarga ko at higit sa lahat trabahong panlalake yon. Ano ba magagawa ko?' Highschool lang natapos ko. Tska wala na kong ibang option nung mga oras na yon kaya tinanggap ko nalang.

 

 

" Janitress. " 

" Janitress?! " Pag-uulit niya na tila nagulat . Pero slight lang. Tumango lang ako habang hinihigop na yong sabaw . " Edi mabuti . Saan naman ate? "

" Wag munang alamin" Kase pagnalaman niya, siguradong pupuntahan ako non para bigyan lunch. ayoko lang kase na pinupuntahan pa niya ako . Dapat magconcentrate lang siya sa pag-aaral. Wag na niya akong alalahanin.

 

" Pero walang maghahatid sayo ng lunch ! AH! gigising na ako ng maaga para mapaghanda ka ng pang lunch mo ate. ! " Nilapit niya yung mukha niya sabay pacute smile. Tumango lang ako kahit na alam kung uututan ko na naman yan bukas para lang gumising.

 

Nung matapos na akong kumain , kinuha ko na yung mga cup noodles tapos nilagay sa basurahan namin. Maya-maya kinuha ko narin yung besheet sa gilid para matulog na ako.

 

" Ang aga mo namang matulog ate! Quarter to 7 palang oh?. " Hindi ko nalang siya pinansin. Basta kaylangan maaga akong matulog para maaga akong magising. Maya-maya naramdaman ko nalang ang pagtabi niya sakin tapos niyakap niya ako sa may tiyan.

 

 

" Ate ! Pangako ko sayo mag-aaral ako ng mabuti tska  jdhfsjdh dkjhyfisadjskdhadu hdkfjydu fksdf " Ayan na naman siya sa speech niya. Hindi ko na siya pinakinggan kase makakatulog narin yan mamaya. Ganayan ang kapatid ko. Nagsasalita ng kung ano-ano para makatulog . Ang weird nga eh. Mamaya tatahimik na yan.

 

 

 

 

 

//

 

Slave FOUR //: 4

 

 

 

 

 

 -Serene Freya Loryca-

        Point Of View

 

 

 

 

 

Kliisshhh Klissshh Klissshhh (A/N :Tunog po yan ng walis na nagwawalis ng dahon)

 

 

Buti naman this time meron na talagang binigay si Lola na lugar kung saan ako maglilinis ngayon. Ang hirap naman kase nung kahapon, kung san-san na ko napadpad.  This time andito ako ngayon sa hill side ng skwelahang to. Ang gara nga, sa sobrang laki meron silang hillside dito. Ang laki-laki nga. 

 

 

 

 

" Moew ! Meow ! Meow ! " 

 

 

 

Napatigil naman ako bigla sa pagwawalis ng may narinig akong boses ng pusa. Nagpalingon-lingon ako para hanapin kung saan galing ang tunog pusa na yon. Maya-maya napaangat ako ng ulo sa taas ng puno. Nasa ibabaw ko pala yung pusa. Ang laki kong tanga.

 

 

" Nakuh?' Mukang mataas yang lugar na napuntahan mo pusa ! Nakuh naman. Punta-punta ka dyan tapos di ka naman marunong bumaba?! " 

 

 

Ang cute nung pusa na kulay puti tapos meron siyang maliit na bell sa leeg niya. Halatang may nagmamay-ari sa pusang ito. Pero pano naman kaya siyang napunta dyan ?. Nakuh naman o'oh?! Hindi ko talaga maiwasang manlabot sa mga hayop. Of all animals na pwede kung ma-encounter today, ito pang kahinaan ko?' Sobra as in sobrang gustong-gusto ko talaga ang pusa kase ang lalambing nila. Balak ko nga sanang mag-alaga rin, marami akong nakikitang pusa sa daan kaso allergic ang kapatid ko sa pusa. May asma kase yung kapatid ko na yon kaya hindi ako makaalaga.

 

 

 

Nilagay ko muna sa tabi ng puno yung walis na ginamit ko pangwalis sa mga dahong nalaglag dito. Tapos sinimulan ko ng umakyat sa puno. Ewan ko kung anong klaseng puno ito, wala naman tung bunga kaya hindi ko masabi kung anong klaseng puno ito.

 

 

 

"Meow ! Meow ! Meow ! " 

 

 

 

" Shhhh.. Don't be scared baby?. I'm coming right away ! " Halatang takot na takot  yung pusa . Kahit naman ako, kung ganyan ako kaliit tapos napadpad ako sa taas ng puno siguradong matatakot din ako. 

 

 

Umakyat ako patungo don sa pusa . Dahan-dahan akong pumatong sa unang sanga ng puno then humawak ako sa isa pang sanga na nasa taas ko bilang guide para hindi ako mahulog. Medjo nasa ikalawang sanga pa yung pusa kaya kaylangan ko pang umakyat ng isa pang sanga para maabut ko yung pusa.

 

Maingat kung ipinatong ang paa ko sa ikalawang sanga habang yung isa kong kamay , panay hawak sa maid body ng puno. Shit lang !. Pagnagkamali ako ng galaw dito, talagang chuhukwang ako at lalagapak sa lupa. Nakuh! Hindi ako pwedeng mahulog dito, ano nalang mangyayari sa kapatid ko pag lumpo na ako.

 

Maya-maya lang nakapatong na ang dalawa kung paa sa ikalawang sanga. Nasa itaas ng ulo ko na yung pusa. Medjo nararamdaman ko narin ang panginginig ko kase medjo takot ako sa matataas na lugar pero carry ko padin naman.  Hinawakan ko yung isang sanga kung saan nakapatung doon yung pusa then yung isa ko naman kamay pilit inaabut yung pusa.

 

 

" Come here baby. Sige na . Dali na .. " I tried to sweeten my voice para malure akong pusang to. Kaya lang bigla naman siyang naglakad patungo doon sa dulo nung sanga which means napalayo siya sa kamay ko.

 

Shit!. Lumayo pa talaga ang pusa ! Kainis naman o'oh ! " Bumalik ka dito . Baka mahulod ka dyan "

" Meow Meow Meow ! " Lumingon sakin yung pusa tapos tumingin ng diretso sa mga mata ko habang nagme-meow. Ako naman parang namesmerize kase..

 

 

 

 

Ang CCCCCUUUUUUUUTTTTTTTTTTEEEEEEEEE  cute cute talaga ng pusa !!

>///////////////////<

 

 

 

Shit namang pusa to ! Ako ata naaakit mo ! Di baleh ! Kapag nakuha kita siguradong patay ka sa yakap ko !.  Dahan-dahan akong pumatong sa ikatlong sanga . Then napatingin ako sa baba. Feel ko nanlalambut na yung mga paa ko ngayon. MYGOODNESS. Kaylangan ko na talagang makuha ang pusang ito.

 

 

" Halika na !. Ming ming ming ming ! " Nagreach out pa ako ng kamay para lumapit siya sakin while yung isa kung kamay nakahawak sa ikaapat na sangay ng puno which is nasa taas ng ulo ko. 

 

 

 

 

 

 

" Meow ! " Sabi nung pusa tapos.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Tumalon siya sa baba .

 

 

 

 

 

 

 

 

TUMALON SA BABA ?!?!?!?!?!

"Biwsit na pusa!! Nilinlang pala ako?! Nakuh naman ! Pinahirapan pa ako ! Bwisit naman oh !! . " Paglelekramo ko . Sa sobrang inis ko sa pusa tinanggal ko yung kamay ko na nakahawak sa taas ng sanga tapos ginulo ang buhok ko. Napatigil nalang ako kase narealized ko na dapat hindi ko nalang pala dapat ginulo ang buhok ko kase yung kamay na ginamit ko sa paggulo ng buhok ko , yun nalang ang nagsilbing support ko para hindi ako mahulog.

 

 

At dahil narin sa ANG TANGA ko ngayon tuluyan akong nahulog mula sa taas ng puno hanggang sa lupa. Sakto namang may isang lalake ang dumaan kaya naman nadaganan ko siya sa pagbagsak ko which lead us to fall together on the ground.

 

 

 

 

 

Hindi ako masyadong nasaktan dahil narin sa lalakeng nadaganan ko. Malamang ang pinakanasaktan sa insidenteng ito ay ang lalakeng nadaganan ko mula sa pagkakahulog ko sa taas ng puno.

 

 

 

" Get off me ! " Bigla namang nasamid yung mukha ko sa lupa ng biglang umalis itong lalakeng nadaganan ko na naupuan ko pala ng pwet ko pero , yung likod niya yung naupuan ko .

 

 

Agad naman akong lumingon sa kanya para bungangaan yung lalake dahil sa bigla niyang pag-alis dahilan para masamid yung mukha ko sa lupa na nagdulot na ng gasgas sa noo ko kaya lang natigilan ako nung makita ang kabuuan niya sa harapan ko.

 

Parang slowmotion ko siyang tinignan pamula ulo hanggang paa . I felt like my jaws just drop down itself before I could stop myself. He looks like a foreign-nish guy with a set of deep-almond eyes ,medjo natatakpan lang yung mga mata niya dahil sa bangs niya sa harapan. He has such an ideal type of nose, a perfect developed cheekbones and a red kissable-thin lips which is awesomely super mesmerizing for a man. He also has a tatoo on his right shoulder na hindi ko alam ang design. Halos lumugwa na yung mga mata ko sa nilalang na kaharap ko ngayon.

 

 

Parang, hindi mo aakalaing meron pa palang ganito kagwapong nilalang na nag-exist sa mundong to. Siguro nung pinanganak siya, nagtitipon-tipon lahat ng mga anghel para mapagmasdan lang siya.

 

 

" F.ck ! Who the hell are you?! Are you the new janitress here?!. Much better if you'll leave now ! " Saka pa ko nabalik sa sarili ko ng nagsalita siya. Pinagpag niya yung damit niya na nabahiran ng dust galing sa lupa. Para na naman akong wala sa sarili ng biglang nagzoom in yung paningin ko sa katawan niya.

 

 

Nakasando shirt lang kase siya at talagang mapapansin mo ang broad chest niya and yung six pack of abs niya which is super masculine. JUSKO. Nahuhumaling na ata ako sa nilalang na to.

 

 

" What?! are you drooling at me?! " Bigla naman akong nabalik sa dati sabay mabilis na pahid sa bibig ko . Pakiramdam ko talaga na naglalaway ako sa kanya. SHIT !. Makalaglag ulo naman kase talaga ang nilalang nato. Mabilis akong napatayo at pinagpag nadin ang damit ko.  Sabay bow sa kanya. 

 

 

" I'm sorry ! I'm sorry po ! " Siguro hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagbow sa harap niya na hindi ko alam at  ewan ko kung bakit ko to ginagawa.

 

 

" Shit ! You wounded me !! " Kumunot yung noo niya nung hinawakan niya yung parteng bibig niya. Marahas niya naman akong hinawakan sa braso ko na agad ko namang ipinagtaka kase nakita ko kung gaano siya nagalit dahil sa sugat na yon. Ang totoo niyang maliit lang yung sugat niya sa gilid ng bibig niya , tapos nagreact agad siya ng ganon?

 

 

Nilapit ko ang mukha niya para tignan nang maigi yung sugat niya sa bibig dahilan para mapaatras siya ng konti. " Wow. Ni' tuldok ng pimples wala ka?. Ang ganda-ganda naman ng kutis ng mukha mo.. "  JUSME ! Bakit yon ang nasabi ko?! TANGEH !

 

 

Agad akong napatakip ng bibig dahil sa nasabi ko tapos napatingin ng diretso sa mga mata niya. JUSKO. Ang gwapo ng nilalang na to. Talaga bang tao siya?. Baka anghel mula sa langit.

 

 

 

" Get lost ! " 

 

 

" I'm already lost .. " Wala sa sarili kung sabi.

 

" WHAT?! "

 

Napatakip ulit ako ng bibig . UWAHH !! talaga bang nakakawala ng sarili ang taong to?! Talagang maloloka na talaga ako sa kanya !.

 

 

" Ttara oseyo! . " Nakakunot parin ang noo niya sabay kinaladkad ako papunta sa kung saan.

 ( A/N : Korean word "Ttara oseyo" = Come with me ! " )

" Aray ! Teka sandali ! " Anong Ttara oseyo pinagsasabi niya?! Alien te?

 

 

 

Parang kulang nalang ingos-ngos niya yung mukha ko sa lupa kakaladkad sakin tapos ang higpit-higpit nung pagkakahawak niya sa braso ko.

 

 

 

 

" Ano ba san mo ko dadalhin !! Aray !! "

" SHUT UP ! YOU F.ck ! " 

OHMYGOODNESS. Mali ! mali ang compliment ko tungkol sa isa siyang ANGHEL. Meron bang anghel na nagmumura ng ganito?. At meron bang anghel na ganito umasta?. Nakakaladkadin ka ng ganito katindi?! 

 

 

 

 

 

Sino ba kase ang lalakeng ito?' Saan naman ako dadalhin nito?. Baka ipapatapon na niya ako sa ilog pasig .! Galit-galit siya sakin dahil sa nasugatan ko yung gilid ng bibig niya na malayo lang naman talaga sa bituka . Ano kaya gagawin niya sakin?. Baka ipapasalvage niya ako?. Patay pano na ang kapatid ko?.

 

 

 

 

 

 

xx

 

 

 

 

Slave FIVE //: 5

 

-Serene Freya Loryca-

   Point Of View

 

 

 

 

 

" Arayku! " Sigaw ko naman agad pagkatapos akong itulak ng pagkalakas-lakas nitong lalaking to na nadaganan ko kanina. Halos masamid ako sa saheg ng Principal's Office sa ginawa niya, mabuti nalang at nakayanan ko pang mabalance ang sarili ko para hindi ako natuluyang lumagapak na naman ulit ang mukha ko . Saheg yan! Malala pa yan sa lupa. Siguradong pangos ilong ko kapag natuluyan ako.

 

 

" I need you to fire her now !! Look at me ! Look of what she did to me !! " Pagrereklamo niya don sa principal na sobrang ganda. Tinuro-turo pa niya yung sugat niyang parang tuldok lang ang laki. Sobrang sensitive ng lalakeng ito ah?' Pano pa kaya kung nagkagas-gas yang noo niya tulad nung sakin na medjo malaki siguradong ipapasalvage niya ako at itatapon ang katawan ko sa pasig ilog.

 

 

" Oh. Konti lang naman yan. Malayo sa bituka. Too cheap for me if yan lang ang dahilan kung bakit ko siya epa-fire" Ngumiti sa kanya yung si Principal. Napa NOD naman ako ng pasekreto bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Principal.  Tama naman siya noh?' Konting-konti lang yung natamong sugat niya. Over lang talaga magreact ang lalaking to.

 

 

" If you won't fire her then .. " Maangas naman siyang lumingon sakin na nanlilisik yung mga mata niya. Parang ginigitgitan niya ako ng kutsilyo sa leeg sa mga tingin niya sakin. " I will make her resign on her own ! " Sabay walkout . Automatic lang na nagbukas yung door saka siya nakalabas.

 

 

WOA !. ebangklase din yung nilalang na yon ano?. Sa unang tingin mo sa kanya, talagang aakalain mung isa siyang anghel na hulog ng langit pero isa pala siyang hari ng mga demonyo dahil sa ugali niyang di makain ng aso . Prshh..

 

 

" Pasensya ka na sa inasal ng kapatid ko hah?."Para tuloy akong nabilaukan ng laway dahil sa sinabi niya.

 

" K-Kapatid mo yung ungas na unggoy na yon?. ! " Ay! Shit.! Nasabi ko ba yon?. Naku naman Freya!. Kapatid niya yung tinutukoy mo tapos tatawagin mo ng ganon?. Patay ka! Siguradong matatanggal ka na !

 

Magsosorry sana ako kaso lang bigla namang tumawa si Miss Principal. " Eh?' " She's supposed to be angry right?. Bakit siya natatawa?.

" What did you just call on my brother? " Panay parin ang pagtigil ng tawa niya. Kahit na tumatawa siya ng ganyan, mahahalata mo parin na mahinhin siya.

 

 

 

Should I repeat?. Baka mamaya ipatanggal ako neto?.

" Eh. Pasensya po kung nasabi ko ang ganon?. Nakakairita lang kase ang unggoy na yon. Grabe kung makareact . Kung tutuusin nga mas malala pa yong natamo ko kase mas masakit yung magasgasan  sa noo, masakit at mahapdi yon! Samantalang siya konti lang yong n- - - " Napatigil na naman muli ako ng marealized ko na tuloy tuloy na pala ako sa pagsasalita. Hindi ko napansin na nagrereklamo na pala ako sa Principal tungkol sa kapatid niya. Nakuh naman !

 

 

" Ahahahaha !. " Tumawa na naman muli si Miss Principal.

 

 

" Uhmm. Ano ho. Pasensya na talaga? " Napakamot nalang ako ng ulo ko. "Eh. Miss Principal.. " Magsasalita pa sana ako kaso bigla siyang nagsalita.

 

" Not Miss Principal. Miss Crystal . or much better kung Crystal nalang . hahaha" Hanggang ngayon hindi parin siya tapos sa pagtawag?. Nakuh naman. Baka mabaliw yan kakatawa. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?.

 

 

" M-Miss Pr- este Miss Crystal, ipapatanggal niyo na po ba ako sa trabaho ko?. " Siguro ito yung isa sa mga dahilan kung bakit hindi umaabot sa isang buwan ang mga janitor/janitress dito.

 

 

" No No. I won't fire you. " This time tumigil na siya sa pagtawa tapos ngumiti siya sakin. " This will be  interesting. " Interesting?. Saan naman ang interesting?. Baka natuluyan na siya. Nakuh po ! Kasalanan ko pa?.

 

 

" By the way.  This time you have to be more aware of the things around you. Lalo na nameet mo ang kapatid ko.. But I guess, magtatagal ka dito. " Ngumisi siya sakin tapos tinalikuran na ako. Binalik niya yung atensyon niya sa likod niyang may malaking bintana. Napaisip tuloy ako. Hindi ba siya nagsasawa kakatitig sa malaking bintanang yan?. Wala namang pagbabago dyan sa tinitignan niya.

 

 

Nagbow naman ako. " Salamat po hah?. Pangako po pagbubutihin ko pa ang pagtatrabaho dito " Hindi siya umimik kaya naman tumalikod na ako at umalis na sa Office.

 

 

Sa paglabas ko nakita ko naman yung si foreign-nish guy na nakasandal sa dingding , nakacrossarms siya tapos nakayuko yung ulo. Nung napansin niya na akong lumabas sa Principal's Office bigla naman siyang napalingon sa direksyon ko . He look at me with feirce eyes then umalis siya sa pagkakasandal don sa dingding at lumapit sakin kaya lang nilagpasan ko na siya.

 

 

" Araynakuh !!" Napasigaw naman ako bigla dahil sa sobrang sakit ng pagkahawak niya sa braso ko. Nung nilagpasan ko kase siya bigla niya akong hinigit sa braso . Nakuh naman! Kung hindi lang talaga siya kapatid ni Miss Crystal siguradong bumaliktad na ang katawan nito sa saheg.

 

 

Marahas niya akong hinila paharap sa kanya sabay bitaw. Muntikan pa akong mabagsak sa saheg sa ginawa niya. " TANGENA ! Ano bang problema mo !! " Sorry lang. Nag-init na ulo ko eh! Short tempered kase ako kaya ayan. Lumabas si demonyita Freya sa katawan ko.

 

 

" How dare you talk to me like that !? " Bigla naman niya akong dinuro ng hintuturo niya dahilan para maatras ako. Tinikom ko yung bibig ko tapos tinakpan ng dalawa kung kamay kase pag hindi ko ginawa ito siguradong may lalabas na namang di kanais-nais sa bibig ko . Matanggal pa ako sa trabaho ko. Sayang yung 12 thousand na kikitain ko dito pag nag tagal ako ng isang buwan. At kung hihigit pa, siguradong dodoble ang ibabayad sakin ni Miss Crystal. Hihihihihih

 

 

" YOU ! You should quit right now or else I'll kill you!!. "

" Bakit kaya mo ?. Gusto mo suntukan nalang eh! " UWAAH ! Shit namang bibig ito ! Parang may sariling utak at kusang nagsasalita !! 

 

 

" What?! " What daw?. Baka hindi nakakaintindi ng tagalog tung isang to?. Pero kanina pa ako nagtatagalog noh!. Bahala siya mag-english ng mag-english  dyan. Nasa pinas kami english-english pa siya.

 

 

Umiling-iling nalang ako.

 

 

 

"NO ONE IN THIS WORLD EVER SPOKE TO ME LIKE THAT .  YOUR JUST A WOTHLESS  JANITRESS !. WE PAY YOU, YOUR LIFE AND YOUR SOUL AS WELL !.  HOW COULD YOU HAVE THE GUTS TO TALK TO ME LIKE THAT HUH?! " pagkatapos niya akong durudurin ng hintuturo niya bigla naman niyang hinila yung kwelyo ko at inilapit sa kanya. He look at me with so much abhorance on his eyes. Parang kaharap ko ngayon ang prinsipe ng mga demonyo. Kulang nalang mga sungay at buntot para magmukha na siyang napakagwapong demonyo. Este napakapangit na demonyo.

 

 

Pinipilit ko parin na hindi magsalita kaso nga lang nagrereplay sa utak ko yung sinabi niya sakin na ikinadulot ng paglabas ng mga nakatagong usuk mula sa loob ng katawan ko at nagsilabasan sa mga butas ng mukha ko.

YOUR JUST A WOTHLESS  JANITRESS !. WE PAY YOU, YOUR LIFE AND YOUR SOUL AS WELL !. 

" Pay my soul pala hah!! "

BOOOOOGSHHH !!!

Nabagsak naman siya sa saheg dulot ng malakas na pagtulak ko sa kanya sabay malakas na suntok sa mukha niya. Agad niyang nahawakan yong panga niya na sa tingin ko ay nasaktan. Nakatulala siya sakin at gulat na gulat yung mukha niya. Ako naman sobrang nag-uusok na dahil sa sobrang galit ko sa kanya.

 

 

 

" HOY IKAW !!! " Ako naman ngayon ang dumuro sa kanya. " KAHIT KAYLAN WALA PANG NAGSABI SAKIN NIYAN ! ANONG YOU PAY MY SOUL PINAGSASABI MO ! UGUK ! BINABAYARAN LANG AKO DAHIL NAGTATRABAHO AKO DITO !! PORKET BA JANITRESS LANG AKO GANYAN KA NA MAGSALITA SAKIN?! DI NAMAN PORKET NAKAKAANGAT KAYO SAMIN, GANYAN NA KAYO MAGSALITA !! "

 

Sa sobrang galit ko sa kanya lumapit pa ako sa kanya tapos hinila yung kwelyo ng sando niya. " HINDI AKO AALIS DITO KAHIT ANONG GAWIN MO. SI MISS CRYSTAL LANG ANG TANGING MAKAKAPAGPAALIS SAKIN DITO DAHIL SIYA ANG PUMASOK SAKIN DITO. "

Halatang speechless parin ang mukha ng unggoy na to dahil sa ginawa ko sa kanya. Kung wala pang nakakapagsalita ng ganito sa kanya, edi dagdagan natin na wala pang nakakasuntok MALAMANG sa kanya at AKO lang ang nag-iisang nakagawa at nakapagsalita sa kanya ng ganito. DAPAT LANG!

 

 

 

" AT !. Kung ipapatanggal naman ako ni Miss Crystal. Sisiguraduhin kong matatagpuan sa ilog pasig ang bangkay mo ! Isaksak mo yan sa kokote mo ! " Sabay tulak ko sa kanya at umalis na.

 

 

 

 

 

BWHAHAHAHAHAHAH !!!

Akala niya siguro aatrasan ko siya?. PWES ! Ibang-iba ako sa lahat. Wala akong pakialam kung ano gawin niya sakin dito. Basta ako, nakaganti sa kanya at nasuntok ko pa siya. Galing ko talaga.

 

 

 

 

 

 

 

" Y- - YOU !!!!!!! " Rinig kong malakas na sigaw niya sakin bago ako nakaliko . Siguradong galit na galit na yon sakin kase nasuntok ko siya sa mukha niya. Well, sabi ni Miss Crystal I have to be much aware ngayon at tama siya. Kaylangan maging doble o higit pa ang pag-iingat ko. Dapat makuha ko ang goal na lagpas isang buwan para dumoble ang bayad nila sakin.

 

 

 

 

 

 

-Zenwel Ashfortz-

  Point Of View

 

 

 

 

That girl's SUCKS ! How could she do this to me !. She's the only girl who did such a terrible thing on me. Una, dinaganan niya ko. Pangalawa, nasugatan niya ang gilid ng bibig ko! Pangatlo, pinagsalitaan pa ako ng ganon?. Pang-apat ..!!  He punched my very handsome face?! Lintik na babaeng yon!  Dapat sa kanya mamatay ! Mamatay na siya !!

 

 

 

 

" Hey dude?. Are you alright?. Kulang nalang basagin mo yang wine glass na hawak mo eh! " Bigla naman akong inakbayan nitong kapatid kong si Nieder habang may hawak na billiard stick. Naglalaro kase siya kasama ang bestfriend kong si Kyle. Tatlo lang kami dito sa loob ng leisure room ng academy which is our tambayan.

 

 

Inalis ko yung kamay niyang nakaakbay sakin. "  I met this. this . horrible girl. "

" WOA?. Babae ?! Wow ! Perstime namin marinig yan ah! " Biglang sabat ni Kyle na kakatapos lang tumira .

 

" Maganda ba dude?. " Insert naman nitong si Nieder.

 

" I said she's horrible ! Kayo talaga puro babaeng magaganda lang nasa isip niyo kaya hindi niyo na napapansin ang mga pangit sa paligid.! Prshh " Ininum ko ng buo yung natitirang wine sa wine glass ko .

 

" Teka. Who's that girl ba kase dude?. " Nieder.

" Baka pangit kase napansin ni Zenwel . "  Kyle.

 

 

" BWHAHAHAHA ! " Sabay namang nagtawanan yung dalawa .

 

 

 

 

" MGA ULUL ! " Sigaw ko sa kanila na agad naman silang tumahimik. " Kahit kaylan talaga. Mga WORTHLESS na nilalang kayo ! "

" OUCH ! " NAg-act naman itong si Nieder na parang nagkaheart-attact. " Kahit kaylan. Ang mean mo talaga Zenwel . Pero, sino ba kase yang babaeng kinaiinisan mo?. "

" The new janitress . "

" WOA !! " Gulat na gulat naman itong si Nieder . " That Freya !. She's Freya !. Bakit naman?. Siya siguro gumawa ng pasa mo dyan sa bibig mo no! Sinuntok ka ba niya?. "  Ngumiti siya sakin ng nakakaloko . So, kilala niya pala yung babaeng yon?.

 

" I have to get revenge. Akala niya siguro nakaisa na siya sakin "

" H-Hey. May masama kang binabalak ah?. Lam ko na yan! Pero, I bet !. Hindi yon basta-basta susuko . " Si Kyle yung nagsalita na umupo na sa sofa tapos nagcross ng legs niya .

 

" Kawawa naman si Freya kapag ka ginawa mo yang iniisip mo . " Halata sa boses ni Nieder na nag-aalala siya sa babaeng walangjo na yon. Dapat lang na turuan siya ng leksyon dahil sa ginawa niya sakin. Lintik lang ang walang ganti.

 

 

 

 

Hindi ako sumagot sa kanila pero ngumisi lang ako. Hah. This time, higit pa sa ginawa niya sakin ang igaganti ko sa kanya. I'm sure she'll kneel infront of me begging my sorry. Tignan lang natin kung sino ngayon ang mas nakakataas.

 

 

 

 

 

 

xx

 

Slave SIX //: 6

 

 

 

 

 

 

-Serene Freya Loryca-

     Point Of View

 

 

 

 

 

“ Tsadan!!’ Ayan . Gumising pa talaga ako ng maaga para mapaghandaan kita ng breakfast at lunch mo ate!’ “ Bati ni Kia sakin ng magising ako . I sit up then kinuha yung dumi sa gilid ng mga mata ko.

 

 

“ Mabuti naman . Kasi baka gamitin ko na naman ang power UTUT ko sayo para magising ka lang “ Tapos non, tumayo na ako para iligpit ang bedsheet na ginamit naming pangtulugan ni Kia.

 

 

 

 

Umupo narin ako sa saheg katabi ng pagkain na inihanda para ni Kia sakin. As usual, noodles na naman ang breakfast ko . Kinuha ko yung cup noodles tapos kumain. Ibinabalot naman niya yung magiging lunch ko.

 

 

 

 

“ Ano bang laman niyan? “ Tanong k okay Kia habang sumusubo ng noodles.

“ Fried egg. Bumili pa talaga ako ng itlog para ito yung kainin mo mamaya. Tska shempre bumuli narin ako ng akin! TSADA !“  Ipinakita naman niya sakin yung baon na kanya. Tumango lang ako at tinapos na yung pagkain ko.

 

 

 

Maya-maya ay pumunta na ako ng banyo para maligo at ng makahanda na para sa trabaho ko mamaya. Si Kia naman umalis na siya kase may pasok pa yon. Nung matapos na akong mag-ayos ng sarili ay mabilis ko ng kinuha yung ginawa niyang lunch box at umalis na sa bahay.

 

 

Maliit lang naman yung bahay naming. Parang isang kwarto lang ng aso. De’ joke lang. Parang isang kwarto lang siya ng isang tao at kaylangan mo pa talagang yumuko kase mababa lang siya. Parang 3in1 na yung kwartong yon kase pwedeng bedroom, living room tska kitchen. Yung banyo naman naming, sobrang liit rin , mabuti nga’t nagkasya pa ko don. Pero mabuti narin yun, kahit papano meron kaming bahay kaysa wala. Mahirap din kung mag-aapartment ka. Mahal na ngayon ang isang buwan para sa isang apartment. Yung perang ibabayad ko sa renta mas mabuti pang ibayad ko nalang yon nag tuition ni Kia .

 

 

 

Pagkarating ko naman sa locker room ay agad na akong nagpalit ng uniform para makapagsimula na akong maglinis.

 

 

 

Sinimulan ko naring magmap sa corridors. Pinunasan ko narin yung mga bintana, nagvacuum narin ako kahit saan , itinapon yung mga basurang dapat itapon at iba pang gawain na dapat linisin dito sa loob ng building. Siguro , kahit lumipas na ang isang araw?’ Hindi mo parin matatapos ang paglilinis kase sa sobrang laki nitong building na to. At kung iisipin mo, hindi lang ito ang nag-iisang building dito sa skwelahang ito. Siguro mga apat olimaang buildings dito tapos ang lalaki pa at ang tataas!  Nakuh naman!. Pero infairness ha?’ Si Lola , nakaya niyang linisin ang lahat ng to ng mag-isa, buti nalang at andito na ko para mahati na yung trabaho niya . Pero mas maganda kung marami kaming janitor/janitress ditto para konti-konti lang yung trabaho naming.

 

 

 

“ Ow. So, she’s the new janitress?. Kaylan pa siya dito?.  I haven’t noticed here around here. Ngayon lang talaga. “ Napahinto ako sa pagpupunas nitong malaking bintana sa harapan ko ng may marinig akong babaeng maarting nagsalita. Lumingon ako sa likod ko and I saw two girls chuckle.

 

 

“ Should we say she’s fortunate that we haven’t noticed here ?. “ Bigla naming tumawa yung dalawa. Ano ba sila?’ Nagbubulungan sa harap ko ?. E’ dinig na dinig ko yung pinagsasabi nilang dalawa. Prshh. Makaalis na nga lang.

 

 

Kinuha ko yung balde para umalis at iwan sila.Parakasing may masamang aura na bumabalot sa dalawang to.

 

 

“ Hey!’ Where you going?. “ Napatigil ako sa paglakad ng biglang magsalita yung isang babae na may ribbon sa ulo.

 

 

Lumapit sila sakin crossing their arms. They both smirk in a devilish way then yung babaeng nakaribbon , bigla naman niyang sinipa yung balde na hawak ko , mabuti nalang mahigpit ko tung hinawakan dahil kung hindi tumilapon na to sa saheg at madodoble pa ang trabaho ko. Kaya lang, merong konting tubig na tumalsik sa saheg, tuloy kaylangan ko ulit magmap.

 

 

 

Napaarko ako ng kilay dahil sa ginawa nung babaeng may ribbon, di naman bagay sa kanya , mukha lang siyang daga na nilagyan ng ribbon sa ulo.

 

“ Ano bang problema niyo hah?!. “

 

 

 

“ Owh my gosh girl?. Natatakot ako. ! “ bigla namang nag-act na natatakot yung babaeng kasama nung may ribbon kaya lang, in an ARTE way. I rolled my eyes heavenwards. Nubayen.! Pag ako napuno sa dalawang to?. Bubuhusan ko talaga sila ng tubig .

 

 

 

“ YOU !. Hindi mo ba alam ang pinasok mo ?. You entered a HELL “ OH YES.Janitress po ako . Hell naman talaga ang pinasok ko. Laki-laki kaya ng skwelahan ninyo. Daig ko pa ang pinarusahan sa impyerno.

 

 

I deep a sigh tska tumalikod sa kanila. Masasayng lang ang oras ko sa mga walang kwentang taong tulad nila. Baka hindi ako makapagpigil at mabuhusan ko pa talaga sila ng tubig , matanggal pa ako sa trabaho ko. Babalikan ko nalang mamaya yung tumilapong tubig sa saheg.

 

 

“ Hey !. Don’t turn your back on us ! We’re not done yet !! “ Iritang sigaw nung babaeng hindi ko alam kung yung may ribbon sa ulo o yung isang kasama niya kase nakatalikod na ako at naglalakad palayo sa kanila.

 

 

“ You’ll pay for this !! Magsisisi ka !! “ Yun yung huli kong narinig mula sa corridor na yon kase lumiko na ako. Duah. Bahala siyang magsisigaw diyan.

 

 

 

 

 

 

 

 

xx

 

 

 

 

 

BBBBBRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGG !!!

 

 

 

Nagring na ang bell and ibig lang nitong sabihin. Lunch time na . Siguro naman kahit janitress ako dito I should eat also .

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Lakad Lakad Lakad

 

 

 

 

 

Bitbit ko sa mga kamay ko ngayon ang lunch box na ginawa sakin ng kapatid ko, naglalakad habang naghahanap ng lugar na pwedeng mapagtambayan . Gutum na ko’t kaylangan ko ng kumain ngayon.

 

 

Maya-maya ay meron akong napansing bench na nasa likod lang ng building. Agad akong umupo doon at binuksan yung baon ko. Sinimulan ko ng sumubo at kumain. Sa pang lima kung pagsubo ng pagkain ko bigla akong may narinig na maliit na boses ng isang lalake mula sa taas kaya naman dahil sa kuryusidad , napataas ako ng mukha para tignan yung lalake na nasa taas ko , sakto namang bigla akong binuhusan ng tubig at nasapol sa mukha ko.

 

 

Pakiramdam ko para akong nalunod don sa ginawa nung lalake sa taas. Agad akong napatalon paalis sa kinauupuan ko at hinilamus yung mukha ko.

 

 

“ Ano bang problema mo  !!! “ Sigaw ko doon sa taas kung saan naroon ang lalakeng bumuhos ng tubig sakin. Kaya lang narinig ko siyang tumawa , sa tingin ko hindi lang siya nag-iisa doon sa taas, marami siguro sila kase nakita ko meron siyang ka-high five eh.

 

 

“ Bumaba kayo dito ! Mga duwag !! “ Panay parin ang sigaw ko doon sa taas. Kaya lang hindi naman nila ako pinapansin.  Napatingin naman agad ako sa lunch box na natapon ko. Nakabaliktad na yung baon ko tapos natapon na yung pagkain sa lupa. Naalala ko tuloy ang kapatid ko.

 

 

 

 

 

 

 

 

“ Tsadan!!’ Ayan . Gumising pa talaga ako ng maaga para mapaghandaan kita ng breakfast at lunch mo ate!’ “

 

 

 

 

 

 

Gumising siya ng maaga para lang magawan ako ng lunch box. Konti pa nga lang yung nakakain ko . Apat na subo palang nakakain ko. Mga walanjo. Ano bang problema ng mga estudyante dito?. Palibhasa kase mga anak mayaman kaya ganyan umasta . Siguro ito yung dahilan kung bakit nagsisialisan ang mga janitress tska janitor dito kase binubully sila ng mga estudyante . Aware dito ang Principal ngunit hinahayaan lang nila to?. Aba !. Hindi na tama ito !. Hindi tamang ganituhin nila kaming mga mahihirap

 

 

Kung ganito rin lang ang trato nila samin, PWES !. Hindi ko sila papayagan. Hinding-hindi ako aatras nalang basta-basta . Akala nila siguro su-surrender agad ako sa kanila?. Porket mayaman sila kaya na nila akong apihin ng ganito?. Anong akala nila sakin?. Iiyak na parang bata ?. PWES. Nagkakamali sila, hinding-hindi ko sila uurungan . Magkamatayan man.

Slave SEVEN //: 7

 

 

-Serene Freya Loryca-

   Point Of View

A/N : Kung nagtataka kayo if sino yang nasa gilid?. Si Kyle Thylow yan . Yung bestfriend ni Zenwel . cute nuh?' =p

" HUMANDA KAYO SAKIN MGA WAL- - - UWAAHH !' " Napasigaw nalang ako ng di oras ng merong biglang nambato sakin ng itlog. Pakiramdam ko tuloy para akong nastatwa sa kinatatayuan ko at tinignan ang sarili na tinatapunan lang ng itlog.

 

 

" AHHAHAHAHAH !! Look how pity is she?! AHAHAHAH !! " Napalingon ako sa kabilang side at doon ko natagpuan ang isa pang grupo ng mga babae na may hawak na itlog na sa palagay ko, sila ang nambato sakin nito.

 

 

" TIGILAN NIY- - - " Yung isang lalake na kabilang doon sa isa pang grupong dumating, binato ako ng itlog sa mukha,nabasag sa mukha ko yung tinapon niyang itlog. Akala ko , tapos na yung pagbato nila sakin ng itlog, at akala ko itlog lang yung tinapon nila sakin, hindi pa sila nakontento at tinapuanan pa ako ng kung ano-ano.

 

Biglang nagsilabasan yung iba pang mga estudyante na hindi ko alam kung saan nanggaling at pinalibutan nila ako na para bang kinu-corner nila ako. Meron silang mga dala , may mga kamatis, pintura, harina, asin , mantika at iba-iba pa . Ginamit nilang lahat ng yon para ipambato sakin.

 

Ako naman, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pakiramdam ko naninigas yung buong katawan ko. Pakiramdam ko hindi ako makagalaw, pakiramdam ko nanliliit ako sa sarili ko. Gusto ko silang suntukin isa-isa kaya lang kahit anong utus ko sa katawan kung sumugod sa kanila, hindi ko magawa. 

 

Ang sakit-sakit na ng buo kung katawan dahil sa mga hinahagis nila sakin. Pakiramdam ko, ang sama-sama na ng amoy ko ngayon kase kahit ano nalang yung tinatapon nila sakin. Naalala ko tuloy yung napanood ko sa kapitbahay namin dati, bata pa ako nun. Nakalimutan ko lang yung pamagat, basta meron ding ganitong eksena . Binubully din yung babae, ang pagkakaalala ko, Jan Di ang pangalan nung babae?'. Prssh. Bakit ko naman naaalala ngayon ang istoryang yon e' hindi naman ako fan ng mga ganong palabas.

 

 

Pero, biglang pumasok sa isip ko na biglang may dadating na yayakap sakin at poprotekta sakin. Alam ko, siga ako. Alam ko na kahit sino wala akong inuurungan kahit anak pa ng presedente, kahit nga holdaper di ako natinag, pero ngayon. Ngayon gusto ko na merong yumakap sakin. Gusto ko merong isang tao na iligtas ako ngayon o sumigaw na itigil ito. 

 

Alam ko nagiging O.A na ako't nagiging KORNI. Hindi bagay sakin ang mag-act ng ganito. Pero babae rin ako !. May puso akong babae kahit papano. Sana- Sana...

 

 

 

 

" ITIGIL NIYO YAN !!! "

 

 

 

 

Napatigil naman ako sa pag-eemote ng bigla akong may narinig na boses mula sa kung saan. Napatigil din yung mga estudyante sa pambabato sakin. Pero yung boses na yon, parang pamilyar sakin ah?.

 

 

 

 

 

0_0   

" LOLA !! "  

WOA?. Si Lola pa naging knight in shinning armor ko?. Ayos din ah?. P-Pero. Janitress lang siya dito, hindi naman dapat na umepal siya dito diba?.

 

 

" LOLA !. Wag ho kayo dito. Baka madamay ho kayo !' " Hindi siya dapat nandito sa eksenang ito. Nakuh naman. Baka ako pa ang yumakap sa kanya para protektahan siya. 

 

 

Ngumiti lang si Lola sakin tapos lumapit siya sakin at hinarap yung mga estudyanteng komorner sakin dito . " UMALIS NA KAYO AT MAGSIPASOK SA MGA CLASSROOMS NIYO ! " Sigaw palang ni lola sa mga estudyante halatang with all her strength and courage hah?. Ang lakas-lakas ng loob ni lola na pagsabihan ang mga estudyanteng to. Pero, effective kaya?.

 

 

Tumahimik naman ang lahat ng estudyante tapos narinig ko pa silang nagbubulungan. Hindi ko naman maintindihan kase bulong nga diba?. Maya-maya lang nagsialisan na sila palayo samin.

 

 

 

UWAH?. 0_o   Pinahanga ako ni Lola ng bonggang-bongga hah? Akalain mong sumunod sa utus niya yung mga estudyante?. WOA?!.

 

 

Napalakpak naman ako sa tuwa at shempre sa pagkahanga sa kanya. Hindi ko aakalaing magagawa niya yon. Teka. Ano kaya siya dito?' Bakit naman kaya siya sinunod nung mga estudyante?. 

 

 

" At may gana ka pang pumapalpak sa galak at matuwa dyan hija?. " Guhit sa mukha ni lola ang malaking kwestyun mark. Kahit ako sa posisyon niya magtataka rin ako . Sa natamo kong pangbubully , may gana pa akong tumawa?. Astig ko talaga . o sadyang baliw lang ako?.

 

 

" Eh . Ano ho kase, pano niyo po nagawa yon lola?. Ang cool cool niyo ! " Nag two thumbs up pa ako sa harapan niya.

 

" Naku. Mamaya ko na sasabihin sayo. Mabuti pa, ihatid na muna kita sa Comfort Room para naman makaligo ka na at makapagpalit ng damit mo. Ang baho-baho muna tska mukha ka ng ewan dyan . Tara . " Hinawakan naman agad ni Lola yung pulso ko tska kami umalis.

 

 

 

 

 

-Zenwel Ashfortz-

   Point of View

" F.ck ! " Sabay tapon nung baso sa dingding malapit sa T.V.  Meron kasing CCTV cameras ang buong school at napapanood ko mula dito sa Leisure Room ang mga nangyayari sa labas kaya nakita ko yung nangyari kanina .

"Bakit pa siya nakisali !? " 

" I told you na diba dude?. Sa dinami-dami na ng umaplay dito bilang janitress/janitor . This time , alam kung makikiepal na talaga yan si tanda . " Si Nieder yung nagsalita na nakaupo sa sofa at merong kaakbay na dalawang babae sa magkabilang braso niya. Ganyan yan siya, certified cassanova. Kung hindi yan naglalaro ng billiard, babae ang pinagtutuunan niya ng pansin.

 

" Pero, Bangklase din yang si new janitress ah?. May gana pang sagutsagutin yung mga estudyante dito.  Did you saw that Nieder?. " Si Kyle . Nasa sofa rin katabi ni Nieder kaya lang hindi siya tulad ni Nieder na babaero , pagkain ang mas pinagtutuunan niya ng pansin.

 

" Yeah !. I saw that. She's incredible and amazing. Kaya nga labs na labs ko yan si Freyababy ko eh! " Ayan na naman siya. Nag-aadressed na naman . 

 

" Darling. Type mo yung janitress?. Wag mo nalang bigyan yun ng pansin pwede?. Andito naman kami e. We will make you happy . Anytime, anywhere.. " Landing sabi nung babaeng kaakbay niya sa kanan na bigla namang hinimas-himas yung kamay niya sa dibdib ni Nieder. 

 

Ngumiti lang si Nieder sa kanya tapos hinalikan ito. Uh!. Gross. 

" Pwede ba! Lumayas nalang kayo kung gagawa kayo ng milagro dito ! " Inis na sigaw ko sa kanila. Mainit ang ulo ko ngayon kase nakita ko kanina na iiyak na yung babae kanina tapos umepal lang talaga si tanda. BWISIT. Palibhasa kase paburito siya ni ate kaya hindi ko magalaw-galaw yung matandang yon. Matagal na akong nagititmpi don , kaya lang hindi ko siya pwedeng saktan dahil sigurado akong iepal si ate.

 

 

 

Bigla namang nagtawanan ng sabay yung dalawa na parang nakakaloko. Or let just say. Talagang nakakaloko.

 

 

" E' Kase naman dude ! VIRGIN ka pa kaya hindi ka sanay sa ganito ! UWHHAHAHAHAHAHA  " Sabay na sigaw nakin nung dalawa na sobrang lakas. They both touch thier tummy as they burst into laughter. Mga BWISIT.

 

 

Galit na nga ako . Dadagdagan pa nila pagkabwisit ko?. Kumuha naman ako ng bote ng vodka na malapit lang sakin at itinapon doon sa dalawa. Mabilis naman silang nakailag. 

 

 

" Hey chill lang ! Ito naman di mabiro ! " Pigil parin ang tawa ni Nieder sakin . 

" Pare chill lang !. Kaw talaga , daig mo pa ang babaeng may period. " Tumawa na naman sila ng malakas .

 

 

" BOTH OF YOU.  SHUT UP !!! " Napatigil naman sa pagtawa bigla yung dalawa nung sumigaw ako ng ubod ng lakas. Prsh. 

 

 

Kung iniisip nung babaeng Freya na yon na ligtas na siya. Pwes hindi pa nagtatapos dito ang laban naming dalawa. Hintay ka lang . Makikita mo.

 

 

" Here he goes again. Parang kinakausap yung sarili sa utak niya. Panay ang ngisi eh" Bulong ni Kyle kay Nider na narinig ko naman. This time tumayo na ako at hinarap sila kaya lang they pretended like they were talking on something else. Napasigh nalang ako tapos bumalik sa pagkakaupo.

 

 

 

 

 

xx

 

-Serene Freya Loryca-

     Point Of View

 

 

 

" Lola, salamat po sa pagligtas ninyo sakin hah?. " Sabi ko sa kanya habang pinapatuyo ng tuwalya ang buhok ko. Agad naman akong tumabi sa kay Lola . " Eh. Pano niyo po kaseng nagawa yong kanina?. Bakit natakot at sumunod sa inyo yung mga estudyante?. Tska Lola, ito rin po ba ang dahilan kung bakit po nagsisialisan yung mga nauna pong nagtrabaho sakin dito?. "

Nilagay muna ni Lola sa tabi niya yung hawak-hawak niyang walis at tska ako hinarap. " Tama ka nga hija. Marami ng mga nag-aplay dito kaya lang agad naman silang umaalis dahil binubully sila ng mga estudyante dito.  Kaya rin ako sinunud nung mga estudyante kase protektado ako ni Maam Crystal "

Napanod nalang ako. " E' Bakit naman po niya kayo pinoprotektahan?. " Napakchismosa ko ano?. Pero okay lang since ito naman yong pinag-uusapan namin eh.

 

" Mabait lang talaga yan si Maam Crystal. " Prsh . Kung mabait siya, dapat hindi ka na niya ginawang janitress noh?. Matanda na si Lola tapos pinaglilinis parin dito?.

 

" Kaya siya nagha-hire ng nagha-hire ng janitress o janitor para naman may kasama ako at may katulong ako sa paglilinis nitong campus. "

 

" Eh. Bakit hinahayaan niya parin na maging janitress ka ho lola? "

" Ito nalang ang tanging magagawa ko para sa kanya. Dati kase meron akong apo , nagkaroon siya ng napakalubhang sakit non at wala akong pambayad sa hospital . Nagkaton naman na sila yung may-ari nung ospital na pinaglagyan ng apo ko . Nakita niya akong nagmamakaawa sa doctor na wag muna kaming paalisin sa ospital kase nung mga oras na yon wala akong pambayad. Ang ginawa niya, hindi niya ako pinagbayad nun at nilibre lahat ng babayarin sa ospital "

" WOa? Talaga po?. Kung ganon ang bait-bait nga talaga nung si Miss Crystal noh? " Tumango lang siya ng may ngiti.

 

" Hindi lang naman ako ang tinulungan ni maam Cyrstal. Marami pang iba . " Naku. Talagang mabait ang Principal ng School na to. Tapos owner pa siya ng isang hospital. Ang gora hah?. Minsan ka nalang makakakita ng mayaman na mababait ngayon. Swerte si Lola kase nakilala siya ni Miss Crsytal.

 

" Pero yung kapatid niya po Lola. Sobrang swapang !. Sino ba yon?. " Nakapout akong nagtanong sa kanya.

 

" Ah. Siya si Sir Zenwel Ashfortz. Ikalawa sa magkakapatid."

" Ikalawa? So meron pa pong isa?. " Tumango naman si Lola.

 

" Tatlo silang magkakapatid . Si Maam Crystal, si Sir Zenwel at si Sir Nieder " Napaisip naman ako sa huling pangalang sinabi niya. Parang pamilyar sakin yung ikatlong pangalan ah?. Keso nga lang hindi ko matandaan.

 

 

" Pag nakita mo si Sir Zenwel, kahit anong mangyari kaylangan mo siyang galangin hija. Siguro kung hindi lang ako pinoprotektahan ng Maam Crystal, baka may nagawa na yung masama sakin o di kaya sa apo ko. " Nagulat naman ako sa sinabi ni lola.

 

 

 

Naalala ko. 

Si Zenwel yung nadaganan ko kahapon sa may hill side nitong school. Siya yung nasagot-sagot ko at higit sa lahat . Siya rin yung ... Yung.. Nasuntok ko sa mukha .  Nakuh! Patay pala ako neto?. Siguradong, patay talaga ako neto. Sa sinasabi palang ni Lola sakin tungkol sa kapatid ni Miss Crystal, siguradong may masamang mangyayari sakin.

 

 

 

 

Hindi pa naman ako protektado ng kung sino. T___________________T  Baka kung anong gawin sakin?..

Slave EIGHT //: 8.1

-Kia Aisha Loryca-

  Point Of View

Pagkatapos mai-announced na walang pasok mamayang hapon dahil may gaganapin na misa , naisipan ko nalang na dalawin sina mama at papa sa simenteryo total almost 1 week na kase akong hindi nakakadalaw sa kanila. Baka nagtatampo na yon sina mama at papa.

 

 

Ang totoo niyan, bata palang kami ni ate nung mamatay si mama. Nagkaron kase siya ng brain cancer non kaya lahat ng pera namin napunta pambayad sa operasyon ni mama. YUP, were rich . Lumaki kami ni ate na may gintong kutrasang nakasubo na sa mga bibig namin pero panandalian lang yon kase simula nung nagkasakit si mama , yun narin ang unti-unti naming paglagapak sa lupa.

 

Maraming isinanla si papa , pati yung kotse namin, bahay namin , mga nigosyo namin.. Lahat lahat ng meron kami , ibinuwis ni papa para lang mabuhay si mama .. Kaya lang , hindi kami pinalad. Malubha na ang sakit ni mama tapos hindi narin niya nakayanan kaya, sumakabilang buhay na siya. Dahil naman sa matinding depression ni papa sa pagkawala ni mama , sumunod narin siya. At dahil nga wala na kaming naiwan kahit isang kusing , umalis narin kami ni ate at namuhay dalawa.

 

Wala rin namang mga kamag-anak namin ang gusto kaming kupkupin kaya ito kami ngayon, lumaki sa kalye. De' joke lang . Hindi naman kami batang kalye ni ate ' pero parang ganon narin. Palipat-lipat kami ni ate ng tirahan tapos kahit anong trabaho pinasukan ni ate ( maliban sa pusher, pagnanakaw, prostitution at illegal na trabaho hah?. ) para may makain kami at para narin makapagpatuloy ako sa pag-aaral.

 

Si ate Freya na ang nagsilbi kong mama , papa at kuya . Pati narin tagapagtanggol ko , si ate narin. Lam niyo?' Hindi natutu si ateng lumaban kundi rin lang dahil sakin noh?.  Shempre kase pareho kaming babae , pinili  niyang maging matapang para maprotektahan lang ako. Ganon ako kamahal ni ate.

 

One time nga muntikan na siyang makapatay dahil lang sa pagliligtas sakin eh!' Meron kaseng limang lalakeng nagtangka ng masama sakin nung pauwi na ako galing school , sakto namang dumating si ate kaya ayon !. Pinagsusuntok niya yung mga lalake , babae siya pero galing ni ate makipaglaban. Akala ko nga tomboy yon . Pero parang ?? Haayy ewan.

 

Tska bakit nga ba tayo narating kay ate e' tungkol lang naman kina mama at papa pinag-uusapan natin?. Nakuh naman , sinayang ko pa ang oras ninyo ..

 

 

 

 

 

Wooshhh Wooosshh Woooshh ( A/N : Tunug po iyan ng walis na naglilinis . Sensya na hah?' Hindi kase ako magaling sa mga sound effects . hhehehe )

" Mama !' Pasensya na po kayo kay ate Freya kung hindi po siya madalas na pumupunta dito hah?' Alam niyo naman na busy si ate sa pagtatrabaho kaya wala siya masyadong oras para bisitahin kayo. Pero h'wag po kayong mag-alala , sisikapin ko po na papuntahin si ate dito . Pero mama at papa ! May suggestion po ako ! " Ngumisi muna ako sa kanila tapos lumapit konti , nilagay ko yung isang kamay ko sa gilid ng bibig ko at bumulong . " Multuhin niyo nalang si ate para pumunta na yon dito . niyahahaha "

 

 

Tama bang magsuggest ng ganon?. Pero dapat lang noh kung hindi talaga mapilit si ate. Puro nalang kase yun trabaho eh. Shempre para makapagpahinga narin siya diba?. Tama lang ang ginawa ko. Wss^^

" Alam ko , sobrang miss na kayo ni ate , nagpapaspecial mention lang yon kaya multuhin niyo nalang mama at papa !. hihihihi " Para tuloy akong baliw dito na nagsasalita?. Buti nalang walang tao kaya free akong gumanito. Hihihi

 

 

 

 

" Mama ! Papa !. Subukan niyo kaya akong bigyan ng anim na numero sa panaginip ko, tapos tataya ako sa lotto !. Siguradong pag nangyari yon hindi na maghahanap si ate ng trabaho at makakapagpahinga na siya. At shempre !. Maitutuloy na niya ang pag-aaral niya sa kolehiyo. Diba mama?. Diba papa?. ^______________^ Tska . Si ate , bigyan niyo narin ng b- - - - ARAY !! " Napahawak ako sa braso ko ng naramdaman ko na parang may tumapon ng walis sakin?. Kaya umangat ako ng tingin at may nakita akong isang .. Anghel na nakasimangot sa harapan ko.

 

 

 

 

He was wearing a black coat and a skinny pants at may suot na shades sa mga mata nito. Halatang mayaman kase kutis palang at pananamit mahahalata mo na . Nakapamulsa yung isang kamay niya sa coat niya habang may hawak na boquet at nakatungo sakin,  tila inis na inis ang ekspresyon ng mukha niya. Nagkaroon tuloy ng kwestyun mark ang mukha ko habang nakatingin sa kanya.

 

 

Sa tingin ko , ang lalakeng ito ang tumapon ng walis sakin . Pagkatapos kung ma sink yun sa utak ko ay mabilis akong tumayo na sinundan naman niya ng pag-angat ng ulo niya tapos pinaywangan siya. " Hoy ! Masakit yung ginawa mo sakin ! Bakit mo ako hinagisan nung walis hah?! " Maangas na tanong ko sa kanya. Meron akong dugo ni ate Freya kahit papano kaya na-apply ko yon.

 

 

Tinanggal muna niya ang suot niyang shades na ikinasanhi naman ng pagkabigla ko't pagkabukas ng bibig ko . Pero shempre ibinalik ko agad yon , baka isipin pa niyang naglalaway ako , mahirap na . Pero JUSKO !. Ang gwapo ng nilalang na to.

 

 

 

" Correction.. I kicked it . " HUWAT?!. Jusko mariyajoseh !! At talagang sinabi pa niya ang katotohanang . Sinipa niya yung walis sakin?. Nakuh naman .! Gwapo nga pero wala namang modo !. 

 

 

" Bakit mo naman yun sinipa sakin hah?. Ano bang kasalanan ko sayo!! "  I almost rise may voice dahil sa ugali ng isang to. GURABEH !.

 

 

 

Natigilan ako ng bigla naman siyang tumingin sa may paanan niya saglit . Napansin ko na meron isang puntud don na masyado nang madumi dahil sa mga layang dahon at dust narin. Napaiwas naman agad ako ng tingin ng marealized ko na kaya marumi yung puntud na tinitignan niya kase yun yung duming winalis ko mula sa puntod nila mama at papa, NAKUH naman ! Ang tanga-tanga mo Kia !. PAtay ka ! Lagut ka niyan!!

 

 

" Is my mom's gravestone more like a trash place for you?. " Alam kung kalmado yung boses niya pero ramdam ko don ang INIS at INSULTO dahil sa ginawa ko. 

 

 

 

" Ah . Eh . Ano .. S-Sorry ?. Hindi ko naman kase alam na- - - " Hindi ko naman naituloy yung paghingi ko ng tawad sa kanya ng bigla siyang yumuko sa puntod ng mama niya. Inialis niya yung mga basura don sa lapida , kinuha niya yon tapos tumayo ulit at ..

 

 

 

 

 

 

 

Ibinuhus sa akin.

 

 

 

 

 

 

 

"UWAAHH !!! " Agad naman akong umiwas sa ginawa niya . Narinig ko naman siyang nag-giggle. Inarko ko yung kilay ko tapos tumingin sa mga mata niya ng diretso. " WALANJO !! Wala kang modo !! "

" Me?. Are you talking to me ?. " dumbfounded niya pang naturo yung sarili niya. Mas nainis naman ako sa tanong niya sakin at sa naging reaksyon niya.

 

" Bakit ?!. Sino pa ba ang tao dito hah?.! At sino ba ngayon ang kaharap ko hah?. Diba ikaw?. !! Kala mo kung sino ka ah ! " Dumikit ako sa kanya na para bang nanghahamon ng away habang siya napaatras naman.

 

 

" Im just repaying your BAD MANNERS .. " UWAH?. At ako pa tong bad manners?. 

 

 

" LOKO ka rin ano?. Dibah nga nagsorry ako?. Ikaw yung BAD MANNERS ! Akalain bang paliguan ako ng basura?. Ikaw ang mas BAD MANNERS sating dalawa !!! " Tinulak-tulak ko siya gamit ang braso ko sa kanya habang siya naman napapaatras. Sige ! Subukan lang niya akong itulak din. Magkakaron ng world war lll !!

 

 

 

 

 

Patuloy parin ang pagtulak ko sa kanya na gamit ang balikat ko . " Ano?. Gusto mo ng suntukan ?. Gusto mo patayan nalang ! kala mo aatrasan kita?. Ano hah?. " Hindi naman niya ako pinapansin . " Ano ?. Ayaw mo hah?. E' bakla ka pala eh ! " Sa pagkakataong yon tumigil na ako sa pagtutulak sa kanya, tinignan ko lang siya ng may maangas na mukha tapos inulit  yung huli kong sinabi . " Ano?. Bakla ka noh?. Sabihin mo na tol ! "

Nakita ko naman ang pag-iba ng reaksyon niya. Bigla itong gumusot tapos nagsipagtagpo yung mga kilay niya sa mukha . Halatang napikon sa sinabi ko. Totoo siguro na bakla siya kaya ganon. Agad ko namang pinuwesto ang sarili na para bang nasa loob ako isang boxing ring. Para bang isa akong boksingera na inihahanda na ang sarili para makipagsuntukan sa kalaban. Ginaya ko pa yung pose ni PAKMAN kung baga .

 

 

I heard him smirk infront of me pero hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko. " Tara ! Sundukan na !! "  .  Hindi naman siya umalma. Kalma lang siya at nakatayo parin sa harap ko na may nakakalokong ngiti.

 

 

 

 

Maya-maya naramdaman ko nalang siyang lumapit sakin, dahilan para tumigil ako sa pinaggagawa kung panghahamon sa kanya. Inilagay niya yung dalawa niyang palad sa gilid ng mukha ko . Hindi ko alam kung anong sunod niyang gagawin eh?' Blangko yung utak kong nakatayo lang at para bang nastatwa simula nung lumapit siya sakin.

 

Pakiramdam ko ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko sasabog na nga to dahil sa sobrang lakas ng pagtibok nito at tila parang nilalamon ako ng kaba at nerbyus lalo na nung nahawakan niya ang magkabilang pisngi ko . Pakiramdam ko nakatunganga lang ako sa harapan niya at naghihintay sa kung ano ang susunod na gagawin niya sakin.

 

 

 

" Bakla pala hah?. " Yung tagalog niya halatang may isang accent , sa tingin ko galing siyang ibang bansa o ibang mundo?. Pero hind iyon ang big deal. Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin iyon sakin ay nakita ko nalang siyang iningiwi konti yung ulo niya at kasabay non ay ang pagdampi niya sa labi ko..

 

 

 

 

 

 

 

 

KIa Aisha Loryca . KNOCK OUT !!

-Serene Freya Loryca-

   Point Of View

" Argg !. Bwisit !. Kaylan ba nila ititigil ang pag-bubully nila sakin hah?. Palibhasa kase mga walang magawa sa buhay !. Prshh !. " Reklamo ko habang paakyat sa hagdanan . Napagtripan na naman kase ako ng mga estudyante kanina habang naglilinis ako kanina sa quadrangle nila . Ayon ! Pinagtataponan na naman ako ng mga kung ano anong ingredients. Sinasayang nila ang biyaya ng dyos. Mga walang kwenta. Mayayaman naman sana .

 

 

 

 

 

" Pakiusap po ! H'wag niyo po itong gawin sa pamilya ko ! Sorry po talaga !! " Napatigil naman ako sa dulo ng hagdan ng may nakita akong isang lalakeng nakaluhod at may kaharap na tatlong lalake  na nakatayo. Mga estudyante sila dito kaya lang yung uniform ng tatlo , mas magara lang kung ikukumpara sa estudyanteng nakaluhod sa harapan