35
Filipino Unang Markahan – Modyul 3 Parabula 10

Unang Markahan Modyul 3bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin

  • Upload
    others

  • View
    33

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Filipino Unang Markahan – Modyul 3

    Parabula

    10

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Unang Markahan-Modyul 3: Parabula Unang Edisyon, 2020

    Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng

    karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay

    pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

    Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay

    nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at

    mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

    Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

    Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

    Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

    Inilimbag sa Pilipinas 2020

    Department of Education- Region VII

    Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

    Telefax: 520-3216 – 520-3217; SDS Office: (032) 255-6405; ASDS Apao: (032) 236-4628

    Pangkat na Bumubuo sa Modyul

    Manunulat : Maria Isabel D. Vergar

    Jennifer L. Dela Cruz

    Ma. Jane C. Laborte

    Catherine E. Momongan

    Tagasuri : Ruel C. Arranchado

    Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales

    Tagapamahala : Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province

    Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province

    Dr. Cartesa M. Perico, ASDS, Cebu Province

    Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province

    Dr. Mary Ann P. Flores, Chief, CID

    Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS

    Mrs. Araceli A. Cabahug, ESPVR, Filipino

    ii

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Filipino 10 Unang Markahan – Modyul 3

    Parabula

    iii

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Paunang Mensahe

    Para sa tagapagdaloy:

    Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode

    (ADM) Modyul para sa araling Parabula.

    Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

    edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

    gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

    itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan pansarili,

    panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

    Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

    at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.

    Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang

    pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at

    kalagayan.

    Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

    kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

    Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-

    aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala

    ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

    pagkatuto.

    Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

    isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

    Para sa mag-aaral:

    Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul

    para sa araling Parabula.

    Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

    nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

    Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

    iv

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

    Alamin

    Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong

    matutuhan sa modyul.

    Subukin

    Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang

    kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo

    ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong

    laktawan ang bahaging ito ng modyul.

    Balikan

    Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

    matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa

    naunang leksyon.

    Tuklasin

    Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa

    maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,

    pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

    Suriin

    Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa

    aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang

    bagong konsepto at mga kasanayan

    Pagyamanin

    Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at

    malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-

    unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto

    ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

    pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

    Isaisip

    Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang

    patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung

    anong natutuhan mo mula sa aralin.

    Isagawa

    Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang

    maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na

    sitwasyon o realidad ng buhay.

    Tayahin

    Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang

    antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang

    kompetensi.

    Karagdagang Gawain

    Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain

    upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa

    natutuhang aralin.

    Susi sa Pagwawasto

    Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga

    gawain sa modyul.

    Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o

    paglinang ng modyul na ito.

    v

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Ang sumusunod ay mahahalagang paaalala sa paggamit ng modyul na ito:

    1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o

    sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot

    sa mga pagsasanay.

    2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

    napapaloob sa modyul.

    3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

    4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa

    pagwawasto ng mga kasagutan.

    5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

    6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

    sagutin lahat ng pagsasanay.

    Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag

    mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring

    humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa

    iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong

    isipang hindi ka nag-iisa.

    Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang

    pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga

    kompetensi. Kaya mo ito!

    vi

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Ang Aralin1 ng Modyul 4 ay tungkol sa parabula at elemento nito na ginawa at isinulat para sa inyo. Sa pamamagitan nito tutulungan kayong mas lalo pang

    mabibigyan ng mas malalim na kahulugan at maintindihan ang nais ipabatid ng isang Parabula.

    Sa mga araling mababasa at masusuri mo, makikita ang nais maipabatid ng akda sa mga mambabasa. Maiuugnay mo ang mga tiyak na karanasan sa akda sa pansariling karanasan at sa karanasan ng iba na nabatid at nasaksihan mo. Mapatunayan mo rin

    na sa pamamagitan ng akda ang kahirapan at pagsisikap ay ang dahilan na makapagpapaunlad sa tao.

    Sa pagtatapos ng aralin na ito inaasahan na:

    1. F10PN-Ib-c-63 - Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal.

    2. F10PB-Ib-c-63 - Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong.

    SUBUKIN

    Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

    1. Akdang pampanitikan na nagsasalaysay at nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Bibliya.

    A. maikling kuwento C. sanaysay B. parabula. D. tula

    2. Sila ang gumaganap sa isang kuwento na hinango sa banal na Bibliya na maaaring

    makapagbigay ng magandang aral. A. aral C. tagpuan

    B. banghay D. tauhan

    Aralin

    Parabula at Mga Elemento Nito

    ALAMIN

    Ngayong nasa huling baitang ka na ng sekondarya, tiyak marami ka ng

    dating alam sa parabula na ibig mo pang mapayaman ngayong nasa huling antas ka na ng iyong pag-aaral.

    Sana ay marami kayong matutunan at makukuhang impormasyon sa

    modyul na ito. Hangad namin na mahasa at madaragdagan ang inyong

    kaalaman sa impormasyong ibinahagi namin sa modyul na ito.

    1

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 3. Ito ang paglalahad ng pagka sunod-sunod ng pangyayaring naganap sa kuwento.

    A. aral C. tagpuan B. banghay D. tauhan

    4. Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy sa lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon.

    A. aral C. tagpuan B. banghay D. tauh

    5. Ito ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang kuwento.

    A. aral C. tagpuan B. banghay D. tauhan

    6. Ito’y mga halimbawa ng parabula MALIBAN sa isa. A. Ang Alibughang Anak C. Ang Matalinong Haring si Solomon

    B. Ang Mabuting Samaritano D. Ang pagong at ang kuneho 7. Ang pabula ay __________________ ang banghay at ang mga tauhan ay tao.

    A. feminismo C. realistiko

    B. moralistiko D. romantiko 8. Ang parabula ay isang maikling salaysay na maaaring nasa anyong ___________ o

    prosa. A. pakanta C. realistko

    B. patula D. sanaysay 9. Ang parabula ay ang mga kuwento na hinango sa ___________.

    A. Bibliya C. komiks

    B. magasin D. pahayagan 10. Kuwentong parabula tungkol sa isang taong matulungin kahit hindi niya ito kaano-

    ano. A. Ang Alibughang Anak C. Ang Matalinong Haring si Solomon

    B. Ang Mabuting Samaritano D. Parabula ng Nawawalang Tupa 11. Ang mga sumusunod ay elemento ng parabula, MALIBAN sa isa.

    A. banghay C. tagpuan

    B. pantig D. tauhan 12. Ang parabula ay natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay sa

    mayamang wika ng mga ______________. A. taga-Hilaga C. taga-Timog

    B. taga- Silangan D. taga-Kanluran 13. Parabulang tungkol sa isang anak na nalihis ang landas at muling bumalik sa piling ng ama.

    A. Ang Alibughang Anak C. Ang Mabuting Samaritano B. Ang Matalinong Haring si Solomon D. Parabula ng Nawawalang Tupa

    14. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni ____. A. Hesus C. Maria

    B. Matthew D. Pedro 15. Kuwentong nagpapaalala sa atin na dapat tayong magpasalamat sa taong tumutulong sa atin sa oras ng problema o sakuna.

    A. Ang Alibughang Anak B. Ang Mabuting Samaritano C. Ang Matalinong Haring si Solomon D. Pinagaling ni Jesus ang Sampung

    Ketongin

    2

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Ang araling ito ay karagdagang kaalaman sa pag-aaral ng parabula. Ito ay

    tinalakay na sa ibang baitang. Marami sa atin ang naimpluwensiyahan na ng mga kultura at panitikang galing

    sa ibang bansa. Isa na rito ang parabula na nagbigay gabay sa atin para magkaroon

    tayo ng magandang-asal. Dahil dito nag-iba ng paniniwala ang mga tao, mula sa kulturang pagbibigay alay sa mga anito para dinggin ang panalangin hanggang sa

    dumating ang mga dayuhan gaya ng mga Kastila na ipinakilala ang kristiyanismo. Dahil dito nagsimula na ang paniniwala ng Pilipino kay Kristo, at ngayon marami na

    silang pinakilalang iba’t ibang uri ng panitikan. Isa na rito ang parabula na ipinapakita ang kagandahang asal at mga aral na makakatulong sa atin para magkaroon ng matiwasay na pamumuhay.

    Ang Parabula ay sinasabing natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay sa mayamang wika ng mga taga-Silangan. Ang salitang ito ay hango sa

    salitang Griyego na parabole na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin.

    Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na

    malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari na kadalasang

    isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay

    walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na

    pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Ang katangian nito ay pagiging isang

    kwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ang isang bagay sa iba

    pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni

    Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.

    Ang parabula ay realistikong banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga

    parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo. Mula

    sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

    Halimbawa ng mga Parabula:

    • Ang Alibughang Anak

    • Parabula ng Sampung Dalaga

    • Ang Mabuting Samaritano

    • Parabula ng Nawawalang Tupa

    • Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa

    • Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin

    • Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano

    • Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin

    BALIKAN

    TUKLASIN

    3

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • ELEMENTO NG PARABULA

    Apat na Elemento o Bahagi ng Parabula

    1. Tauhan

    • Sila ang gumaganap sa isang kuwento na hinango sa Banal na Bibliya na

    maaaring makapagbigay ng magandang aral sa mambabasa.

    2. Tagpuan

    • Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaaring ito ay tumutukoy sa lugar

    na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon.

    • Sa parabula madalas hindi agad nasasabi ang tagpuan ng kuwento o may mga

    pagkakataong hindi na ito nababanggit sa parabula.

    3. Banghay

    • Ito ang paglalahad ng pagkasunud-sunod ng mga pangyayaring naganap sa

    kuwento

    4. Aral o magandang kaisipan

    • Ito ang matututunan ng isang mambabasa matapos mabasa ang isang kuwento.

    • Marami ang gustong iparating ng parabula sa atin kaya dapat natin itong

    isabuhay lalo pa at ito ay nakasulat sa banal na Bibliya

    Ano ang Parabula?

    • Ito ay isang kuwento na gumagamit ito ng pagtutulad at metapora upang

    mabigyang-diin ang kahulugan.

    • Ang mga halimbawa ng parabula ay ang mga kuwento na hinango sa

    banal na Bibliya.

    • Ang mga detalye tungkol sa mga tauhan ay nagbibigay ng malalim na

    kahulugan at binibigyang - diin ang aral sa kuwento.

    Ngayong alam mo na ang parabula at may natuklasan ka nang bagong kaalaman ukol dito, ikaw ay handa na para sa ating talakayan. Ang parabula ay isang salaysay na hinango sa Bibliya/Banal na Kasulatan. Nag-

    lalaman ito ng magandang-aral. Katulad ng ibang akdang pampanitikan, ang parabula ay binubuo ng elemento

    tulad ng tauhan, tagpuan, banghay at aral o magandang kaisipan. Kinakailangan ito upang masundan mo ang mga pangyayari sa parabula. Marami kang makukuhang

    parabula sa Bibliya tulad ng Ang Alibughang Anak, Parabula ng Sampung Dalaga, Ang Mabuting Samaritano, Parabula ng Nawawalang Tupa, Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa, at iba pa.

    Sa parabula nangangailangan ng isa o higit pang tauhan sapagkat ang isang kuwento ay walang kabuluhan kung wala itong tauhan. Sila ang bumubuhay nito. Sila

    ang gumaganap sa istorya. Hindi mabubuo ang iyong kuwento kung wala kang tauhan na siyang maglalahad ng emosyon.

    SURIIN

    4

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Ang parabula ay nangangailangan ng tagpuan kung saan dito nangyari ang kuwento. Ang isang kuwento rin ay maaaring may isa o higit pang lugar na

    pinangyarihan. Kinakailangan din sa isang kuwento ang banghay, ito ang maayos o masinop na

    daloy o pagkakasunod-sunod ng magkaugnay na pangyayari. Sa banghay ay makabubuo ng balangkas kung saan makikita ang pagkakaugnay-ugnay at mabilis na

    galaw ng mga pangyayari. Ang simula o panimulang pangyayari ay nagpapakilala ng tauhan, tagpuan at suliraning kakaharapin. Ang gitna ay makikita ang papataas na mga pangyayari kung saan dito inilalahad ang lahat ng nangyayari sa kuwento. Sa bahagi

    ring ito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning nagpapasidhi mga pangyayari. Pagkatapos ng mga iba’t ibang pangyayri, bahagi ng banghay ay magkaroon

    ng isnag makabuluhang wakas ang kuwento. Sa iyong binasa, ang parabula ay isang kuwento na may aral na mapupulot na

    nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay. Maraming kagandahang asal ang makukuha natin sa kuwento kung saan pwede mong magamit sa pang-araw-araw mong pamumuhay.

    Kaya bilang mga kabataan sa henerasyon ngayon, sana ay magamit at maisapuso ninyo ang mga parabulang na basa mo. Ito ay makakatulong sa inyo bilang gabay ninyo

    sa pang araw-araw na pamumuhay at sa pagdedesisyon sa sarili. Ang salita ng Diyos ay hindi para lang kung kanino, kundi para sa lahat. Nawa’y gawin ninyo itong gabay para

    sa inyong kinabukasan.

    Basahin ang parabula sa ibaba na pinamagatang “Ang Matalinong Haring si

    Solomon”. Pagkatapos sagutin ang tanong sa bawat gawain. Ang Matalinong Haring si Solomon

    1 Hari 3:3-28; 4:29-34.

    Tin-edyer pa lang si Solomon nang siya’y maghari. Mahal niya si Jehova at

    sinusunod niya ang payo ng tatay niyang si David. Natuwa si Jehova kay Solomon. Isang gabi, sinabi niya sa kaniya sa panaginip: “Solomon, ano ang gusto mong ibigay ko

    sa iyo?” Sumagot si Solomon, “Jehova aking Diyos, batang-bata pa ako at hindi ako

    marunong maghari. Kaya bigyan ninyo ako ng talino para mapagharian ko ang inyong

    bayan sa tamang paraan.” Natuwa si Jehova sa hiling ni Solomon. Kaya sinabi Niya, “Dahil sa humingi ka ng

    karunungan at hindi ng mahabang buhay o kayamanan, gagawin kitang mas marunong kaysa sinumang tao na nabuhay. Bibigyan din kita ng kayamanan at karangalan.”

    Hindi nagtagal, may dalawang babae na may mabigat na problema ang lumapit kay Solomon. Sabi ng isa, “Nakatira kami sa iisang bahay. Nanganak ako, at dalawang araw makaraan nanganak din siya. Isang gabi, namatay ang anak niya, samantalang

    natutulog ako, kinuha niya ang aking anak at iniwan sa akin ang patay na sanggol.” Sinabi ng ikalawa: “Hindi! Ang buhay na bata ay akin, ang patay ay sa kaniya!” Nagtalo

    sila. Ano ang gagawin ni Solomon? Nagpakuha siya ng espada at sinabi, “Hatiin natin ang bata sa dalawa, at bigyan

    ang mga babae ng tigkakalahati!”

    PAGYAMANIN

    5

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Ang tunay na ina ay sumigaw: “Huwag! Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay na lang ninyo sa kaniya!” Pero ang ikalawa ay nagsabi, “Sinuman sa amin ay huwag

    ninyong bigyan; sige hatiin ninyo ang bata.” Kaya sinabi ni Solomon, “Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay siya sa unang babae.

    Siya ang tunay na ina.” Alam ito ni Solomon kasi mahal-na-mahal ng tunay na ina ang bata kaya payag siyang ibigay ito sa ikalawang babae huwag lang itong mamatay. Nang

    mabalitaan ito ng bayan, tuwang-tuwa sila sa pagkakaroon ng gayon katalinong hari. Nang si Solomon ang hari, pinagpala ng Diyos ang bayan. Marami silang pagkain. Nagsusuot sila ng magagandang damit at nakatira sila sa magagandang bahay. Sagana

    sila.

    Gawain 1: Pag-ugnayin batay sa naunawaan mong mensahe sa parabula. Ilahad ang mga bahagi/ pangyayaring nagsasaad ng kabutihan, katotohanan at kagandahang asal.

    Isulat ang sagot sa sagutang papel.

    Katotohanan Kabutihan

    Gawain 2: Patunayan Mo! Tingnan natin kung ano ang inyong mga natutuhan

    sa aralin. Punan ng tamang salita ang patlang. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ang gumaganap o ang mga gumaganap sa isang kuwento na hinango sa

    Banal na Bibliya na maaaring makapagbigay ng magandang aral sa mga mambabasa. ____________

    2. Ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang kwento ay ____________. 3. Maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na

    karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan ay ___________. 4-5. Ang salitang ito ay hango sa salitang Griyego na parabole nanangangahulugang ____________ ang dalawang bagay upang ______________.

    6. Ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy sa lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon.

    7. Ang mga halimbawa ng parabula ay ang mga kuwento na hinango sa banal na ____________.

    8. Ang paglalahad ng pagkasunod-sunod ng pangyayaring naganap sa kuwento. 9. Isang kuwento ngunit gumagamit ito ng pagtutulad at metapora upang mabigyang- diin ang kahulugan. ______________

    10. Ang parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng __________.

    ISAISIP

    Parabula: Ang

    Matalinong

    Haring si

    Solomon

    6

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Gawain 3: Pag-ugnayin ang mga Pangyayari. Maghanap ng mg pangyayari sa parabula

    na pwede mong iugnay sa pangyayaring naranasan mo sa totoong buhay. Sagutan ang

    tsart sa iyong kuwaderno.

    Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

    1. Akdang pampanitikan na nagsasalaysay at nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Bibliya.

    A. maikling kuwento C. sanaysay B. parabula D. tula

    2. Sila ang gumaganap o ang mga gumaganap sa isang kuwento na hinango sa banal na Bibliya na maaaring makapagbigay ng magandang aral.

    A. aral C. banghay B. tagpuan D. tauhan

    3. Ito ang paglalahad ng pagkasunod-sunod ng pangyayaring naganap

    sa kuwento. A. aral C. tagpuan

    B. banghay D. tauhan 4. Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy sa

    lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon. A. aral C. tagpuan B. banghay D. tauhan

    5. Ito ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang kwento. A. aral C. banghay

    B. tagpuan D. tauhan

    Pangyayaring mula sa Parabula Pangyayaring naranasan sa

    totoong buhay

    ISAGAWA

    TAYAHIN

    7

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 6. Ito’y mga halimbawa ng parabula maliban sa isa. A. Ang Alibughang Anak C. Ang Mabuting Samaritano

    B. Ang Matalinong Haring si Solomon D. Ang Pagong at ang Kuneho 7. Ang parabula ay __________________ ang banghay at ang mga tauhan ay tao.

    A. feminismo C. realistiko B. moralistiko D. romantiko

    8. Ang parabula ay isang maikling salaysay na maaaring nasa anyong ___________ o prosa

    A. pakanta C. realistiko

    B. patula D. sanaysay 9. Ang mga parabula ay ang mga kuwento na hinango sa ___________?

    A. Bibliya C. komiks B. magazine D. pahayagan

    10. Kuwentong parabula tungkol sa isang taong matulungin kahit hindi niya ito kaanu-ano.

    A. Ang Alibughang Anak C. Ang Matalinong Haring si Solomon

    B. Ang Mabuting Samaritano D. Parabula ng Nawawalang Tupa 11. Ang mga sumusunod ay elemento ng parabula, MALIBAN sa isa.

    A. banghay C. tagpuan B. pantig D. tauhan

    12. Ang parabula ay natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay sa mayamang wika ng mga ______________.

    A. taga-Hilaga C. taga-Kanluran

    B. taga-Timog D. taga-Silangan 13. Parabulang tungkol sa isang anak na nalihis ang landas at muling bumalik sa

    piling ng ama. A. Ang Alibughang Anak C. Ang Mabuting Samaritano

    B. Ang Matalinong Haring si Solomon D. Parabula ng Nawawalang Tupa 14. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni ____.

    A. Hesus C. Maria

    B. Matthew D. Pedro 15. Kuwentong nagpapaalala sa atin na dapat tayong magpasalamat sa taong

    tumutulong sa atin sa oras ng problema o sakuna. A. Ang Alibughang Anak

    B. Ang Mabuting Samaritano C. Ang Matalinong Haring si Solomon D. Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin

    Binabati kita at

    nasagutan mo nang

    maayos ang mga

    sumusunod na gawain.

    8

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Gawain 4: Suring-kaalaman: Suriin mo ang lawak ng impluwensiya ng panitikang

    parabula sa mga Pilipino ayon sa kanilang kaugalian, pamumuhay, kultura, at

    paniniwala.

    KARAGDAGANG GAWAIN

    Magaling ang iyong

    ipinakita sa araw na ito.

    Ngayon handa ka na sa

    susunod na paksang-

    aralin.

    9

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Aralin

    Panitikan: Ang Tusong Katiwala

    Ang araling ito ay nagtatalakay tungkol sa “Ang Tusong Katiwala”. Ang araling

    iyong babasahin ay magbibigay sa iyo ng aral. Ang pagtitiwala ay mahalaga sa isang tao. Sana ay marami kayong matutunan at makukuhang impormasyon sa modyul na ito. Hangad namin na mahahasa at madadagdagan ang inyong kaalaman mula sa mga

    impormasyong ibinahagi namin.

    Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo. Sa pamamagitan nito tutulungan ka na mas lalo pang mabigyan ng malalim na kahulugan at maintindihan

    ang nais ipabatid ng parabula. Sinasaklaw ng araling ito ang paghihinuha sa nilalaman, elemento at kakayahan

    ng akdang binasa na kahit anong uri ng sitwasyon na kinakaharap natin ay madali mo itong magamit bilang mag-aaral. Ang mga salitang/lenguwaheng ginamit ay madali lang maintindihan ng mga mag-aaral. Ang mga leksyon ay inayos alinsunod sa tamang

    pagkakasunod-sunod ng kurso. Subalit ang pagkakasunod-sunod nito ayon sa inyong nabasa ay maaaring magkapalit batay sa teksbuk na ginagamit natin ngayon,

    Sa pagtatapos ng modyul na ito inaasahan na:

    1. F10PT-Ib-c-62 - Nabibigyang- puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita

    at ekspresyong ginamit sa akda .

    Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Saan sa Bibliya makikita ang kuwento ng Ang Tusong Katiwala.

    A. Lukas 16:1-15 C. Lukas 19:1-15 B. Lukas 18:1-15 D. Lukas 20 :1-15

    Simulan natin ang

    araling ito sa

    pagsagot ng subukin.

    Sana’y galingan mo.

    ALAMIN

    SUBUKIN

    10

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 2. “Ang pangit na ‘yan ay aking alipin.” Ano ang katangian ng tauhan? A. Malupit ang amo sa kaniyang alipin

    B. Mausisa ang amo ang sa kaniyang alipin C. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin

    D. Mapanlait ang amo sa kaniyang alipin dahil sa pangit na anyo. 3. Kung ang isang tao ay may katiwala anong antas ng pamumuhay mayroon siya?

    A. dukha C. marangya

    B. mahirap D. matiwasay 4. “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa

    malaking bagay”. Ano ang ipinapahiwatig ng pangungusap? A. Maging matapat ka sa lahat ng bagay

    B. Ibigay ang hindi para sa iyo C. Maging masunurin sa lahat ng oras D. Huwag maging sakim sa kapwa

    5. Ano ang ginawa ng katiwala sa ari-arian ng amo? A. inilustay C. ibinigay

    B. pinundar D. tinago 6. Sino ang nagkuwento ng “Ang Tusong Katiwala”?

    A. Hesus C. David B. Pedro D. Moises

    7. “Nagpapanggap kayong _____ sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang

    nilalaman ng inyong mga puso? Punan ang nawalang salita A. mahirap C. matuwid

    B. matalino D. masipag 8. Magkano ang utang ng una sa kanyang amo?

    A. Isandaang kabang bigas C. Isandaang kabang trigo B. Isandaang tapayang alak po D. Isandaang tapayang langis po

    9. Magkano ang utang ng ikalawa sa kanyang amo?

    A. Isandaang kabang bigas C. Isandaang tapayang alak po B. Isandaang kabang trigo D. Isandaang tapayang langis po

    10. “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Anong ibig sabihin nito?

    A. malungkot C. nagmamalaki B. pagmamahal D. sakim

    11. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon”. Ang salitang

    may salungguhit ay nangangahulugang ________. A. amo C. bathala

    B. Diyos D. siga 12. Anong aral ang ipinahahayag ng “Ang Tusong Katiwala”?

    A. Ang pagtitiwala B. Gawin lahat para matuwa ang iba C. Pag-isipan ng mabuti ang desisiyon upang di magsisi sa huli

    D. Wag maging sakim 13. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?

    A. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos. B. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.

    C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao. D. Hindi, dahil ang Diyos ay sa langit samantalang ang tao ay sa lupa.

    11

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 14. Galit ang mga Pariseo kay Hesus, sapagkat sila ay ___________.

    A. mapagbigay C. masipag B. maunawain D. sakim

    15. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang __________ ng mundong ito sa paggawa ng mabuti.”

    A. buhay C. kayamanan B. katawan D. utak

    Sa nakaraang paksang-aralin ay tinalakay natin ang tungkol sa parabula at ang mga elemento na napapaloob sa parabula.

    Ang parabula ay isang kuwento ngunit gumagamit ito ng pagtutulad at metapora upang mabigyang diin ang kahulugan.

    Ang mga halimbawa ng mga parabula ay ang mga kuwento na hinango sa banal na Bibliya. Tinalakay din natin ang iba’t ibang elemento ng parabula. Ito ay ang mga

    sumusunod: Tauhan, Tagpuan, Banghay, Aral o magandang kaisipan.

    Sa bahaging ito, basahin mo ang isa pang halimbawa ng parabula. Nais kong bigyan mo ng pansin ang pagkakahabi ng mga pangyayari upang masagot mo ang pokus na

    tanong: Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang parabula bilang akdang pampanitikan?

    Ang Tusong Katiwala

    (Lukas 16:1-15)

    Philippine Bible Society

    Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may

    isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong

    Magaling! Ngayon,

    simulan na natin ang

    paksang-aralin sa

    araw na ito.

    BALIKAN

    TUKLASIN

    12

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • tungkulin. Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman

    akong magpalimos. Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan!”

    Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una, “Magkano ang utang mo sa aking amo?” Sumagot ito, “Isandaang tapayang langis po.”

    “Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu,” sabi ng katiwala. At tinanong naman niya ang isa, “Ikaw, gaano ang utang mo?” Sumagot ito, “Isandaang kabang trigo po.” “Heto ang kasulatan ng iyong

    pagkakautang,” sabi niya. “Isulat mo, walumpu.” Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas

    mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito.

    At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan. Ang

    mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay, ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. Kaya kung

    hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan

    sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?” “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at

    hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan. “Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim

    sila sa salapi.Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang

    itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.”

    Ang pagtitiwala ang isa sa pinakamahirap na mawala sa isang tao. Kapag ito ay mawala hindi ka na sigurado kung pagkakatiwalaan ka niyang muli.

    Sa kuwentong “Ang Tusong Katiwala” ipinapakita sa atin na huwag maging manloloko. Ang kanyang katiwala ay nilustay ang ari-arian ng kanyang amo. Dahil dito ay

    pinagdudahan siya ng kanyang amo. Ipinakita ni Hesus sa kanyang mga apostol at sa atin na kailangan gamitin natin

    ang ating kayamanan sa tama. Huwag lokohin ang taong nagtitiwala sa iyo. Ibig ipahatid ni Hesus na ang tao ay mas madaling gawin ang makamundong gawain kaysa sumunod sa utos ng Diyos. Mahirap kasi maging totoo kaysa magsinungaling. Minsan

    din madali natin mabubulag ang mga taong sa atin ay may tiwala. Sinabi rin ni Hesus na walang katiwala na magsisilbi sa dalawang amo. Dahil ang isa ay

    pupurihan niya at ang isa ay ipagkakanulo niya. Ibig sabihin nito hindi pwedeng pagsabayin ang dalawa. Ang salapi at pagsisilbi sa Panginoon. Minsan kasi ang tao ay

    mas gusto pang kumita ng pera kaysa pumunta sa simbahan. Kapag panahon na ng pagpunta sa simbahan, marami na tayong ginagawa. Nasisilaw tayo sa pera kaya minsan nalilimutan na nating magsilbi sa Diyos. Sa panahon ngayon

    mas nakikita natin na kaunti lamang ang nagsisimba dahil ang iba ay abala sa

    SURIIN

    13

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • pagpapalago ng kanilang negosyo. Hindi lingid sa ating kaalaman na sa oras ng kagipitan lamang tayo tumatawag sa Panginoon.

    Huwag nating hayaan na maging alipin tayo ng salapi. Piliin natin nang maayos ang desisyon na ating gagawin dahil nasa huli ang pagsisi.

    GAWAIN 1: Bigyang-puna ang estilo ng may-akda sa pamamagitan ng pag- iisa-isa sa mga salita at ekspresyong ginamit sa parabula.

    Nagustuhan

    Hindi Nagustuhan

    Natutuhan

    Gawain 3: Pangkalahatang Kaalaman sa Aralin 2: Ibuod ang natutuhan sa

    parabulang “Ang Tusong Katiwala”. Isulat ito sa sagutang papel.

    _______________________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________________

    _____________________

    PAGYAMANIN

    ISAISIP

    14

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • GAWAIN 4: Iba Ka: Ilahad ang nilalaman, elemento at kakayahan ng parabulang “Ang Tusong Katiwala”. Gamitin ang grapikong

    presentasyon.

    Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

    1. Saan sa Bibliya makikita ang kuwento ng Ang Tusong Katiwala?

    A. Lukas 16:1-15 C. Lukas 19:1-15 B. Lukas 18:1-15 D. Lukas 20 :1-15

    Parabulang

    “Ang Tusong

    Katiwala”

    Kakayahan

    Nilalaman Elemento

    Binabati kita at

    nasagutan mo nang

    maayos ang mga

    tanong.

    ISAGAWA

    TAYAHIN

    15

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 2. “Ang pangit na ‘yan ay aking alipin.” Ano ang katangian ng tauhan? A. Malupit ang amo sa kaniyang alipin

    B. Mausisa ang amo ang sa kaniyang alipin C. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin

    D. Mapanlait ang amo sa kaniyang alipin dahil sa pangit na anyo. 3. Kung ang isang tao ay may katiwala anong antas ng pamumuhay mayroon siya?

    A. dukha C. marangya B. mahirap D. matiwasay

    4. “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa

    malaking bagay”. Ano ang ipinapahiwatig ng pangungusap. A. Maging matapat ka sa lahat ng bagay

    B. Ibigay ang hindi para sa iyo C. Maging masunurin sa lahat ng oras

    D. Huwag maging sakim sa kapwa 5. Ano ang ginawa ng katiwala sa ari-arian ng amo?

    A. inilustay C. ibinigay

    B. pinundar D. tinago 6. Sino ang nagkuwento ng “Ang Tusong Katiwala”?

    A. Hesus C. David B. Pedro D. Moises

    7. “Nagpapanggap kayong _____ sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso? Punan ang nawalang salita

    A. mahirap C. matuwid

    B. matalino D. masipag 8. Magkano ang utang ng una sa kanyang amo?

    A. Isandaang kabang bigas C. Isandaang kabang trigo B. Isandaang tapayang alak po D. Isandaang tapayang langis po

    9. Magkano ang utang ng ikalawa sa kanyang amo? A. Isandaang kabang bigas C. Isandaang tapayang alak po B. Isandaang kabang trigo D. Isandaang tapayang langis po

    10. “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon.” Anong ibig sabihin nito?

    A. malungkot C. nagmamalaki B. pagmamahal D. sakim

    11. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon”. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang ________.

    A. amo C. bathala

    B. Diyos D. siga 12. Anong aral ang ipinahahayag ng “Ang Tusong Katiwala”?

    A. Ang pagtitiwala B. Gawin lahat para matuwa ang iba

    C. Pag-isipan ng mabuti ang desisiyon upang di magsisi sa huli D. Wag maging sakim

    13. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?

    A. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos. B. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.

    C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao. D. Hindi, dahil ang Diyos ay sa langit samantalang ang tao ay sa lupa.

    14. Galit ang mga Pariseo kay Hesus, sapagkat sila ay ___________. A. mapagbigay B. masipag C. maunawain D. sakim

    16

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 15. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang __________ ng mundong ito sa paggawa ng mabuti.”

    A. buhay C. kayamanan B. katawan D. utak

    GAWAIN 5: Ilarawan Mo: Para sa iyo, ano-ano ang katangian ng parabulang “Ang

    Tusong Katiwala”? Magbigay ng tatlong katangian at isulat sa loob ng hugis-puso at

    ipaliwanag kung bakit ito ang katangiang dapat niyang taglayin.

    Ipaliwanag: _________________________________________________________

    _________________________________________________________

    _________________________________________________________

    Aralin

    Pagsasalaysay at Pang-ugnay

    Ngayong maliwanag na sa iyo ang mga bagay na pag-aaralan mo tungkol sa “Ang

    Tusong Katiwala” maaari mo nang ipagpatuloy ang susunod na aralin.

    Binabati kita at

    natapos mong sagutan

    ang gawain sa araw na

    ito!

    KARAGDAGANG GAWAIN

    17

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Ang araling ito ay ginawa at isinulat para sa iyo. Sa pamamagitan nito,

    tutulungan kang mas maintindihan at magagamit ang berbal at di-berbal na estratehiya ng pagpapahayag.

    Sinasaklaw ng araling ito ang tungkol sa pagsasalaysay. Sa pagtatapos ng modyul na ito inaasahan na:

    1. F10WG-Ib-c-58 - Nagagamit ang angkop na mga piling pangugnay sa

    pagsasalaysay (pagsismula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas).

    Basahing mabuti ang tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa iyong kwaderno.

    1. Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari

    A. pandiwa C. pang-ugnay

    B. pang-abay D. pangatnig 2. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar. _______,

    karapat-dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay. Ano ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang pangungusap?

    A. dahil sa C. tiyak B. kung gayon D. tuloy

    Para sa bilang 3-4

    1. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae

    sa kanyang natuklasan! 2. Ganoon nga ang kanyang ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang

    manok hanggang sa ito’y mabundat. At dahil dito, namatay ang kanyang kawawang manok.

    3. May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke 4. Upang makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang

    pinakain ang manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito.

    Simulan natin ang

    ikatlong aralin.

    Basahin at unawain

    ang araling ito.

    ALAMIN

    SUBUKIN

    18

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 3. Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng kwento.

    A. 3124 C. 4312 B. 1432 D. 2341

    4. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkakasunod- sunod?

    A. pangungusap 1 C. pangungusap 2 B. pangungusap 3 D. pangungusap 4

    5. Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa. ____________ kanyang

    kasuwapangan, ang manok ay namatay. Ano ang angkop na pang-ugnay? A. Ganoon din C. Nang dahil sa

    B. Kung ganoon D. Sapagkat 6. Dahil sa gusto ng babae na mangitlog ang manok ng ginto, pinakain niya ang

    manok hanggang sa ito ay nabundat at namatay. Anong ugali meron ang babae. A. mapagbigay C. mapagmahal B. matapobre D. sakim

    7. __________, katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala. Ano ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap.

    A. Dahil sa C. Ganoon din B. Kung ganoon D. Sapagkat

    8. Laking gulat niya nang mangitlog ito. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto!. Anong damdamin ang nangibabaw sa babae

    A. gulat C. lungkot

    B. panibugho D. tuwa 9. Pinakain niya ng pinakain ang manok __________ ito ay namatay.

    A. dahil sa C. saka B. kung kaya’t D. tuloy

    10. Ano ang kulay ng itlog ng manok? A. ginto C. pilak B. pula D. tanso

    11. _________ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog. Ano ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap

    A. Ganoonpaman C. Kung ganoon B. Ngunit D. Sapagkat

    12. Ano sa Ingles ang komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino, tinatawag na pang-ugnay

    A. Adjective C. independent clause

    B. Cohesive device D. preposition 13. Nang dahil sa kanyang kasuwapangan, ang manok ay namatay.

    ___________ mas lalo pa siyang nawalan. A. at gayon C. dahil sa

    B. saka D. sapagkat 14. Ano ang magiging resulta kapag ang isang tao ay sakim?

    A. magiging maligaya C. maraming magmamahal sa kanya

    B. magsisisi bandang huli D. walang tutulong sa kanya 15. Lahat ay pang-ugnay na salita, maliban sa isa.

    A. at gayon B. dahil sa C. nito D. sapagkat

    19

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Sa nakaraang aralin ay tinalakay natin ang tungkol sa parabula Ang Tusong Katiwala. Nalaman din natin kung gaano kahalaga ang pagtitiwala. Tinalakay din natin dapat gamitin sa mabuti ang kayamanan na ating makukuha. Wag

    baliwalain kung anuman ang meron tayo, wag mag papadala sa pagiging sakim sa pera. Hindi natin kayang magsilbi sa dalawang panginoon sapagkat kailangan natin pumili

    kung kanino tayo magiging tapat.

    Gawain1: Alam-Nais-Natutuhan

    Gayahin ang pormat ng talahanayan sa sagutang papel at isulat dito ang hinihiling na sagot sa sumusunod:

    Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa parabula at angkop na gamit ng

    pang-ugnay na salita? Nais Malaman: Ano ang gusto mong malaman tungkol sa parabula at angkop na gamit ng pang-ugnay na salita?

    Natutuhan: Batay sa talakayan, ano ang natutuhan mo tungkol sa parabula at angkop na gamit ng pang-ugnay na salita?

    (Sasagutin ito pagkatapos talakayin ang tungkol sa parabula at apangkop na pang-ugnay).

    A. Alam B. Nais Malaman C. Natutuhan

    a. Parabula

    _____________ b. Angkop na pang-ugnay

    _____________

    a. Parabula

    _____________ b. Angkop na pang- ugnay

    _____________

    a. Parabula

    _____________ b. Angkop na pang- ugnay

    _____________

    Ang Manok at ang Gintong Itlog May isang babaeng nakabili ng buhay na manok sa palengke. Nang ito ay

    kanyang inuwi sa bahay upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog ito sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa kanyang natuklasan.

    Tiyak na ito ang magbibigay sa kanya ng kayamanan! Ngunit ang manok ay minsan lang

    BALIKAN

    TUKLASIN

    SURIIN

    20

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • sa isang buwan kung mangitlog. Hindi naglaon, hindi na naging sapat sa karangyaang pamumuhay ng babae ang minsan sa isang buwang pangingitlog ng manok. Upang

    makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang pinakain ang manok ay mas dadalas ang pangingitlog nito.

    Ganoon nga ang kanyang ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang manok hanggang sa ito’y mabundat.Dahil dito, namatay ang kanyang kawawang manok. Sising-sisi ang

    babae sa kanyang ginawa. Nang dahil sa kanyang kasuwapangan, ang manok ay namatay. At ngayon, mas lalo pa siyang nawalan.

    Mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay Gumamit ng pang-ugnay sa pagsasalaysay upang madagdagan o di - kaya ay

    mapag-iisa ang pangyayari o mga impormasyon. Kabilang din sa pagsasalaysay ang pagpapahayag ng resulta o maaaring kinalabasan ng

    pangyayari Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang

    diskurso ang paggamit ng mga salitang nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang ideya

    sa mga kasunod na ideya. Tinatawag sa Ingles na cohesive devices ang ganitong salita. Sa komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino, tinatawag na pang-ugnay ang

    mga ito. Sa pagkakaroon ng organisadong mga pangyayari sa bawat bahagi, madali ngayong matutukoy ang mensaheng nakapaloob dito. May mga angkop na pangugnay

    na ginagamit sa pagsasalaysay. Tunghayan ang mga nakatalang impormasyon tungkol dito upang mabatid kung paano makatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob sa akdang pampanitikan.

    Alam mo ba na...

    ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit nito:

    a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunodsunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga

    impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.

    b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at

    bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito

    ang dahil sa, sapagkat at kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.

    Gawain 2: Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula at piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay.

    May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke. 1. (Noong ito’y, At nang

    ito’y) kanyang inuwi sa bahay upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog ito.

    2.(Sapagkat, Dahil) ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa

    ISAISIP

    21

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • kanyang natuklasan! Tiyak na ito ang magbibigay sa kanya ng kayamanan! 3(Gayun

    pa man, Ngunit) ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog. Hindi

    naglaon, 4. (hindi na, kaya’t) naging sapat sa karangyaang pamumuhay ng babae ang

    minsan sa isang buwang pangingitlog ng manok.

    5. (Upang, Nang) makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang

    pinakain ang manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito.6. (Dahil sa, Ganoon) nga

    ang kanyang ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang manok hanggang sa ito’y

    mabundat. 7.(At dahil dito dahil sa), namatay ang kanyang kawawang manok. Sising-

    sisi ang babae sa kanyang ginawa. Nang 8. (dahil sa, kaya’t) kanyang kasuwapangan,

    ang manok ay namatay. 9. (Kaya, Upang) mas lalo pa siyang nawalan.

    GAWAIN 2: Unawain mo! Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

    1. Ano ang paksa ng parabulang binasa? 2. Bakit kaya pinakain nang pinakain ng babae ang manok? Sa anong kadahilanan?

    3. Ano ang mahahalagang natutunan ng babae matapos mamatay ang manok? 4. Magbigay ng iyong reaksiyon sa ginawa ng babae. Anong aral ang nakuha mo sa

    binasang parabula. Magbigay ng isang pangyayaring nahalintulad sa parabula. 5. Masasalamin ba sa binasang parabula ang kultura at kaugalian ng ating bansa?

    Sa paanong paraan inilahad ito ng may-akda?

    Gawain 4: Pumili ng isang paksa na gagamitin sa pagsulat ng isang kuwento o

    pangyayari. Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa pagsulat.

    Mga Paksang Pagpipilian:

    EDUKASYON PANGARAP

    PAMILYA PROPESYON

    Binabati kita at

    nasagutan mo ng

    maayos ang mga

    tanong.

    PAGYAMANIN

    ISAGAWA

    22

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Basahing mabuti ang tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa iyong

    kwaderno. 1. Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari

    A. pandiwa C. pang-ugnay B. pang-abay D. pangatnig

    2. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar. _____, karapat-dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay.

    Ano ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang pangungusap? A. dahil sa C. tiyak B. kung gayon D. tuloy

    Para sa bilang 3-4

    3. Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng kwento. A. 3124 C. 4312

    B. 1432 D. 2341 4. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkakasunod- sunod?

    A. pangungusap 1 C. pangungusap 2 B. pangungusap 3 D. pangungusap 4

    5. Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa. ____________ kanyang kasuwapangan, ang manok ay namatay. Ano ang angkop na pang-ugnay.

    A. Ganoon din C. Nang dahil sa B. Kung ganoon D. Sapagkat

    6. Dahil sa gusto ng babae na mangitlog ang manok ng ginto, pinakain niya ang

    manok hanggang sa ito ay nabundat at namatay. Anong ugali meron ang babae. A. mapagbigay C. mapagmahal

    B. matapobre D. sakim 7. __________, katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala. Ano

    ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap? A. Dahil sa C. Ganoon din B. Kung ganoon D. Sapagkat

    8. Laking gulat niya nang mangitlog ito. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Anong damdamin ang nangibabaw sa babae?

    A. gulat C. lungkot B. panibugho D. tuwa

    1. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa

    kanyang natuklasan! 2. Ganoon nga ang kanyang ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang

    manok hanggang sa ito’y mabundat. At dahil dito, namatay ang kanyang kawawang manok.

    3. May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke

    4. Upang makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang pinakain ang manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito.

    TAYAHIN

    23

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 9. Pinakain niya ng pinakain ang manok __________ ito ay namatay. A. dahil sa C. saka

    B. kung kaya’t D. tuloy 10. Ano ang kulay ng itlog ng manok?

    A. ginto C. pilak B. pula D. tanso

    11. _________ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog.

    Ano ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap A. Ganoonpaman C. Kung ganoon

    B. Ngunit D. Sapagkat 12. Ano sa Ingles ang komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino,

    tinatawag na pang-ugnay A. Adjective C. independent clause B. Cohesive device D. preposition

    13. Nang dahil sa kanyang kasuwapangan, ang manok ay namatay. ___________ mas lalo pa siyang nawalan.

    A. at gayon C. dahil sa B. saka D. sapagkat

    14. Ano ang magiging resulta kapag ang isang tao ay sakim? A. magiging maligaya C. maraming magmamahal sa kanya B. magsisisi bandang huli D. walang tutulong sa kanya

    15. Lahat ay pang-ugnay na salita, maliban sa isa. A. at gayon C. nito

    B. dahil sa D. sapagkat

    Gawain 5: Pumili ng isang paksang nasa talahanayan at sumulat ng

    paliwanag hinggil dito gamit ang mga pang-ugnay.

    Child Labor tumaas ang bilang Maagang

    Pag-aasawa

    Epekto ng pagdating COVID 19

    Bullying Act sa Paaralan

    Pinatupad

    Maagang

    Pagbubuntis

    Paggamit ng Gadgets bilang

    alternatibo sa pag-aaral

    KARAGDAGANG GAWAIN

    24

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Rubriks sa Malikhaing Pagsulat

    Mga

    Pamantayan

    Napakahusay 20-16

    Mahusay 15-11

    Katamtaman 10-6

    Kailangan pang

    pagbutihin 5-1

    Nilalaman/

    Paksa

    Angkop ang

    napiling paksa o

    tema ng mito.

    Napakahusay ang

    pagkakabuo at

    wasto ang gamit

    ng pang-ugnay.

    Angkop ang

    napiling paksa o

    tema at

    mahusay ang

    pagkakabuo ng

    mito at wasto

    ang gamit ng

    pang-ugnay

    Angkop ang

    napiling paksa

    o tema, hindi

    masyadong

    maayos at

    malinaw ang

    pagkakabuo at

    gamit ng pang-

    ugnay.

    Hindi angkop

    ang paksa,

    hindi maayos

    at malinaw ang

    pagkakabuo at

    gamit ng pang-

    ugnay

    Pagkakalahad

    ng ideya

    Pinakamalinaw

    ang pagkakalahad

    ng ideya at

    angkop ang

    ginamit na pang-

    ugnay.

    Malinaw ang

    pagkakalahad

    ng ideya at

    angkop ang

    ginamit na

    pang-ugnay.

    Hindi gaanong

    angkop ang

    pagkakalahad

    at ideya sa

    gamit ng pang-

    ugnay

    Hindi angkop

    ang

    pagkakalahad

    at ideya sa

    gamit ng pang-

    ugnay

    Gamit ng

    mga salita

    Napakahusay ang

    gamit ng mga

    salita sa

    pangungusap

    Mahusay ang

    gamit ng mga

    salita sa

    pangungusap

    Di-masyadong

    mahusay ang

    paggamit ng

    mga salita sa

    pangungusap

    Kakikitaan ng

    maraming mali

    sa paggamit ng

    mga salita sa

    pangungusap.

    25

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • SUSI SA PAGWAWASTO

    26

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 27

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 28

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Sanggunian

    Ambat, Vilma C. et al."Panitikang Pandaigdig 10”. Modyul sa Filipino 10, edited by

    Florentina S. Grospe, 44-55. Pasig City: Vibal Group Inc.,2015

    Marasigan, Emily V. et al. “Pinagyamang Puma 10”. Aklat 1, 73-95. Quezon City:

    Phoenix Publishing House, Inc., 2015

    https://www.jw.org/tl/library/aklat/bible-stories/bahagi-4-mula-sa-unang-hari-ng-

    israel-hanggang-sa-pagkabihag-sa-babilonya/kuwento-63-ang-matalinong-haring-

    si-solomon/

    https://tl.wikipedia.org/wiki/Ang_Tusong_Katiwala

    Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education: DepEd-Cebu Province Office Address: Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu Telefax: (032) 255-6405 Email Address: [email protected]

    29

    https://www.jw.org/tl/library/aklat/bible-stories/bahagi-4-mula-sa-unang-hari-ng-UserVersion 2.0

    UserDMWMark