9
 DIGMA NG BUHAY ni: Julyhet Roque Dapat Isaalang alang Ginintuang buhay Mahalin at igalang Alay ng Maykapal Ngayon ay pinipigilan ng Gobyernong gustong yumaman Batas ng ibang bansa Ugat daw ng pag-unlad Huwag hayaang RH bill ay ma Aprobahan Kay Yahweh tayo ay mahiya naman. BLASTING ni: Julyhet Roque Buhay alagaan Lalang ng Maykapal Ating pagyamanin Silungan ay bigyan. Tinig nila'y pakinggan Imbing tinig ay damayan Ngalay na kamay sa hirap ay Gabayan at sa Diyos ilapit natin at huwag namang PASABUGIN. DANGAL ni: Julyhet Roque Araw araw dapat, Mabuti ang gawin, Baka kasi bukas, Buhay mo na’y kunin Mainam na ikaw ay nakapagtanim ng mabuti Sa kapwa at Diyos natin. Mainam ng wala kang kayamanan Sa mundong ito pag tayo’y lumisan Pagkat mainam ng dangal ay naalagaan, Kahit patay na, tiyak ika’y papupurihan.  

Tula 2 Sabayang Pagbigkas

Embed Size (px)

DESCRIPTION

tula

Citation preview

DIGMA NG BUHAYni: Julyhet Roque

Dapat Isaalang alangGinintuang buhayMahalin at igalangAlay ng MaykapalNgayon ay pinipigilan ngGobyernong gustong yumamanBatas ng ibang bansaUgat daw ng pag-unladHuwag hayaang RH bill ay maAprobahan KayYahweh tayo ay mahiya naman.

BLASTINGni: Julyhet Roque

Buhay alagaanLalang ng MaykapalAting pagyamaninSilungan ay bigyan.Tinig nila'y pakingganImbing tinig ay damayanNgalay na kamay sa hirap ayGabayan at sa Diyos ilapit natinat huwag namang PASABUGIN.

DANGALni: Julyhet Roque

Araw araw dapat, Mabuti ang gawin,Baka kasi bukas, Buhay mo nay kuninMainam na ikaw ay nakapagtanim ng mabutiSa kapwa at Diyos natin.

Mainam ng wala kang kayamananSa mundong ito pag tayoy lumisanPagkat mainam ng dangal ay naalagaan,Kahit patay na, tiyak ikay papupurihan.

Submitted Poems in Tagalog 3 Maikling Tula

Iba pang tula Ni Julyhet Roque:

Buhay, Saan ka Patungo - Tula tungkol sa buhayBukas ko Isa-isang Itataponni: Avon Adarna

Bukas ko isa-isang itataponAng mga multo ng kahapon,Isasapi ko sa mga alon,Ang luha kong bumabalong.

Harinawang magtagumpaySa pag-iiba nitong lakbay,Kasihan sana ang saysay,Nang mawala itong lumbay!

Ang dumi kong kalooban,Ilalaglag ko sa daan,Pagbalik ko sa hangganan,Iba na akong nilalang!

At sa puti ng alapaap,Harinawang tumalab,At makita ang kislap,Nitong Poong maliyag!

---mga tagalog na tula sa PilipinasTula para sa kalayaan ng bansa?In: Paglalakbay, Tula [Edit categories]

$0.01 Web HostingScalable, Secure Web Hosting. Try Our Award-Winning Service Now!www.hostgator.com/1Penny

Answer: Ano ba ang mahalaga Na magkaroon ang bansaHindi ba't maging malayaSa kamay ng mga Kastila

Malayang pagsasalita,Malayang mamuno sa bansa,Maging malayang magpasya,At hindi alila ng iba

Lahat ito ay nangyariDahil sa magigiting na bayaniNa buhay ay inalaySa bansang kinalakihang tunay

Tumayo tayo't ipagmalakiO Pilipinas kong tangiMalaya dahil sa mga bayaniPilipino hanggang sa huli

Whoo! Ang hirap ha. :)) sana nakatulong. ^^ by : Andrea Pahutan. :PANG WIKANG FILIPINO AY PANLAHAT, ILAW AT LAKAS SA TUWID NALANDASni Jennifor L. AguilarKalayaan! Kalayaan! Kalayaan!Isinisigaw, inihihiyaw, ipinaglalabanBuhay man ang maging kabayaranIbubuwis, ibibigay, maangkin yaring katubusan.Tayoy mga Ilayano, na bininyagan ng Pilipinong ngalan!Nagmula sa matatapang na liping SilanganMga Dayak Ibaloy, Kayan, Itneg, Andamanes, Negrito, at SemangSinaunang lahing likas ang katapangan!Lumaban, Naghimagsik, dugot buhay ay inalay!Sina Tanday Lupa Lupa, Agustin Lumandag, Dagohoy, Andres Malong, Mamangkal,Tamblot, Raha Kandole, Datu Puti, Datu Sumakwel, Diego at Gabriela Silang, at mgaparing Gomburza,Mga dugo nilay humihiyaw, sumisigaw ng KALAYAAN!Tatlongdaang taong mahigit na nakikipaglabanSa paghahangad makamit ganap na kasarinlanSa ibat ibang panig ng bansay nakikipagpatayanNgunit pawang kay ilap makamit ang inaasamIisang pangarap tanging hinahangadTuluyang makalaya sa mga Mestizong Tamad,ganid, mapagsamantalat diyos ang inilalantadNgunit tila hadlang, kawalan ng wikang panlahat!Sinikap buuin wikang maaaring lahat ay mag-aangkin,Magigiting na katipuneroy Tagalog isinulong at idiniinMaging pangulong Quezon, paniniwalay ganoon dinWikang itoy magbibigkis sa puso ng Pilipinong naninimdimPinatatag ng pambansang wika, pwersa ng KatipunanPinalakas ang damdamin, pinag-alab ang kamalayanGulok, buho, pistola, puso at wika ang kasangkapanLaban sa malalakas na sandata ng mga dayuhanNgunit Pambansang wikay pilit pinabansot,di-pinagamit, ibinabaon sa limotng lahing Amerikanong sumunod na sa atiy sumakopwika nilay pumainbulog, wika natiy bumulusokPalibhasay wikay makapangyarihan na tunaySa dugo ng bawat Pilipinoy nananalaytayNang kasarinlan sa atiy naibigayNaging matuwid ang bayan patunay diyan, Pangulong MagsaysayWikang Filipino sa Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa

ni Pat VillafuerteSabayang pagbigkas ng "Wikang Pilipino sa Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa"

Bawat buhay, masayat malungkot, magulot makulayay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan;mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusanmaging sa paglaki hanggang sa kamatayan.

Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa daigdig:ng mga paham, syentipiko, mananaliksik,o ng mga guro, doktor, abogado, mangingisdat magbubukidbawat isa, may mithiin, may pangarap na nais makamit:ang mailuklok ang pangalan na kasintayog ng langitat isama sa mga bituing di-masungkit-sungkit.

Iisa ang diwang kanilang pinapandayiisa ang mithiing sa puso nilay bumubukaliisa rin ang himig na kanilang hinihiyaw:kamiy palayain o bayan kong minamahal.

A, oo nga palabilanggo sila ng sariling bayan, may piring ang matamay busal ang bibig, may gapos-tanikala

Silay mga buhay ngunit di-humihingasila ang larawan ng masang hinahamak, lumuluha, nagdurusa.

Sa bawat panahon, sa bawat kasaysayan, sa bawat henerasyonmay palawakan ng isip, may palitan ng paniniwalamay tagisan ng matuwid,maging itoy magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit.

Sila-silay nagtatagpo, kayu-kayoy nagpapangkattayu-tayoy nag-iisip, nagsusuri, bumabalangkas.

Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamitwikang Filipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao.wikang naglalagos sa isipang makabansawikang nanunuot sa damdaming makalupa.

At,paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang tinigbumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalithinihiling ay kalayaan! katarungan! katarungan! kalayaan!

Ah,hanggang kailan susukatin?hanggang kailan bubuhayin?hanggang kailan maaangkin?

Layang mangusap, layang sumulatlayang mamuhay, layang manaliglayang humalakhak, layang maghimagsikmaghimagsik! maghimagsik! maghimagsik!

Kasaysayan palay mababago isang saglitsa dakong silangan . . . doon sa silanganang sikat ng araw . . . sumilip, sumikat, uminitnaantig ang diwang inaliping higittumibok ang pusong dating di-humihibiknagising ang ugat ng hapong mga bisig.bawat isay nagkaisang mailantad sa daigdigang mga pang-aaping sugat niyaring dibdib.sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo, magkakapatidsama-samang gumising, magkakapit-bisig, nag-alsat tumindig.lakas ng tao! lakas ng bayan! lakas ng daigdig!laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapanlupig.

Pangkat-pangkat, sama-sama. kapit-bisig bawat isakilalat di-kilala, kaaway at di-kaaway, mayamat mahirap,matalinot mangmang, aktibistat militar.nagkaisang ganap sa isang mithiing kapanga-pangarap.propesyonal at di-propesyonal, manggagawa, kawani, guro,mangangalakal, estudyante, iskolar, istambay, sundalo,pulis, drayber, pari, madre, mangingisdat magbubukid.nagkaisa,nagkasama, nagkasama, nagkaisa.

Ang wikang ginamit? Wikang Filipino!wikang ginagamit sa lahat ng dakoma-Tagalog, ma-Cebuano, ma-Pangasinan, ma-Ilokano,ma-Kapampangan, ma-Ilonggo, ma-Waray, ma-Bikolanoma-Maranao, ma-Tausug, lahat ng itoy Filipino!wika ng pagkakaisa, kababayan mat dayowikang tagapagligtas ng digmaat gulowikang tagapagtanggol ng lahat ng tao.Piyesa para sa Buwan ngWikaJul 28Posted by Emmanuel, the EnglishTeacher8 Votes

Para sa Pagbigkas ng Tula:WIKANG FILIPINOY WAG BAGUHINni Emmanuel F. Del RosarioSa pag-agos ng ilog na hindi na muli pang babalik,Bawat sandaliy dapat nating ikasabik,Ngunit paano kung ang ating dapat ipanhik,Nilamon ng modernismot sa kawalay inihasik.Ang wikang Filipino sa tin halagay mumunti,Binabago, binubura, pilit nating pinaiikli,Kung mga Kanoy may Ingles;ang Pinoy may Filipino rin,Ngunit bakit ngayon wikang Filipinoy Ingles na din!Bansay di nagkakaisa, walang pagkakaintindihan,Dahil wikang pambansa, nasa ilalim ng kahapisan,Ito ay regalo ng Maykapal, at kanyang inaasahan,Na bawat isay dapat natin itong linangin at pagsaluhan.Kung gusto natin ng pagbabago, wikay wag baguhin,Dapat bawat Pinoy itoy paunlarin,Wika ang susi sa pagkakaisa ng bansa,Kaya dapat natin itoy taas noong ibandila!Para sa sabayang pagbasa:Isang Dipang LangitNi Amado V. HernandezAkoy ipiniit ng linsil na punohangad palibhasang diwa koy piitin,katawang marupok, aniyay pagsuko,damdamiy supil nat mithiin ay supil.Ikinulong ako sa kutang malupit:bato, bakal, punlo, balasik ang bantay;lubos na tiwalag sa buong daigdigat inaring kahit buhay man ay patay.Sa munting dungawan, tanging abot-malasay sandipang langit na puno ng luha,maramot na birang ng pusong may suat,watawat ng aking pagkakapariwara.Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,sa puntong may susiy walang makalapit;sigaw ng bilanggo sa katabing muog,anakiy atungal ng hayop sa yungib.Ang maghapoy tila isang tanikalana kalakaladkad ng paang madugo,ang buong magdamag ay kulambong luksang kabaong waring lungga ng bilanggo.Kung minsay magdaan ang payak na yabag,kawil ng kadena ang kumakalansing;sa maputlang araw saglit ibibiladsanlibong aninong inuluwa ng dilim.Kung minsan, ang gabiy biglang magulantangsa hudyatmay takas!at asod ng punlo;kung minsay tumatangis ang lumang batingawsa bitayang muog, may naghihingalo.At ito ang tanging daigdig ko ngayonbilanggunang mandiy libingan ng buhay;sampu, dalawampu, at lahat ng taonng buong buhay koy dito mapipigtal.Ngunit yaring diway walng takot-hirapat batitis pa rin itong aking puso:piitay bahagi ng pakikilamas,mapiit ay tanda ng hindi pagsuko.Ang taot Bathala ay di natutulogat di habang araw ang api ay api,tanang paniniil ay may pagtutuos,habang may Bastilyay may bayang ganganti.At bukas, diyan din, aking matatanawsa sandigang langit na wala nang luha,sisikat ang gintong araw ng tagumpaylayang sasalubong ako sa paglaya!Mga Maiikling Tula Para Sa Wika* (Tula) ni Miguel R.SantosbyMga Manunulat ng Nueva Ecijaon Saturday, August 6, 2011 at 4:00pm May sariling wika ang ibon at isda,Iba ang sa aso, iba ang sa pusa.Iba't ibang bansa, kanya-kanyang wikaItaguyod natin ang wikang pambansa.Bakit mahalaga ang sariling wika?Ito'y kaluluwa ng mahal 'ting bansa.Wika rin ang buklod ng puso at diwaNang tao sa Luson, Mindanaw, Bisaya.Wikang Pilipino pag ating ginamitMangagkakaisa ang puso at isip.Hangaring umunlad ating makakamit,Sa mga dayuha'y hindi palulupig.Tingnan 'nyo ang Intsik, Aleman at Korya,Maging taga Rusya, Hapon, Amerika,Sila'y mauunlad; at ang wika nila?Ang sariling wika, di wika ng iba.Ako ay Tagalog, sila'y Ilokano,Siya'y Bisaya, kayo'y Bikolano,Kapampangan sila, iba'y Sibuwano,Binubuo natin, wikang Pilipino.