4
Alamin Mo Kasi Isang pag-alam ng mga bagay na nakakaapekto sa atin, pagtuklas ng mga bagay na di pa natin nalalaman at paggunita sa mga dati na nating nalalaman. Buwan ng Wika Ang buwan ng Agosto ay ang tinaguriang Buwan ng Wika ng Pilipinas. Naaalala n’yo pa ba kung bakit? At saka, naaalala n’yo pa bang hindi Buwan ng Wika ang ating ipinagdiriwang kundi Linggo ng Wika lamang? Kung hindi na, sabay-sabay nating balikan ang kasaysayan ng isa sa mga pinakamahalagang pagdiriwang sa buong bansa dito sa blog post kong ito. Ayon sa Wikipilipinas , ilan sa mahahalagang pangyayari sa pagsisimula ng selebrasyon natin ng Buwan ng Wika ay ang mga sumusunod: Marso 26, 1946 - Ipinalabas ni Pangulong Sergio Osmena ang Proklamasyon Blg. 35 na nagtatalaga ng petsa Marso 27 hanggang Abril 2 bilang Linggo ng Wika. Setyembre 23, 1955- Iniutos ni Pangulong Ramon Magsaysay sa kanyang Proklamasyon Blg. 186 na ilipat ang selebrasyon ng Linggo ng Wika papuntang Agosto 13- 19. Bilang paggunita umano ito sa kaarawan ni Manuel L. Quezon na tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.

trivia 4

Embed Size (px)

DESCRIPTION

xzcvz

Citation preview

Alamin Mo KasiIsang pag-alam ng mga bagay na nakakaapekto sa atin, pagtuklas ng mga bagay na di pa natin nalalaman at paggunita sa mga dati na nating nalalaman.

Buwan ng Wika

Ang buwan ng Agosto ay ang tinaguriang Buwan ng Wika ng Pilipinas. Naaalala nyo pa ba kung bakit? At saka, naaalala nyo pa bang hindi Buwan ng Wikaang ating ipinagdiriwang kundiLinggo ng Wikalamang? Kung hindi na, sabay-sabay nating balikan ang kasaysayan ng isa sa mga pinakamahalagang pagdiriwang sa buong bansa dito sa blog postkong ito.

Ayon sa Wikipilipinas, ilan sa mahahalagang pangyayari sa pagsisimula ng selebrasyon natin ng Buwan ng Wika ay ang mga sumusunod:

Marso 26, 1946- Ipinalabas ni Pangulong Sergio Osmena ang Proklamasyon Blg. 35 na nagtatalaga ng petsa Marso 27 hanggang Abril 2 bilang Linggo ng Wika.

Setyembre 23, 1955-Iniutos ni Pangulong Ramon Magsaysay sa kanyang Proklamasyon Blg. 186 na ilipat ang selebrasyon ng Linggo ng Wika papuntang Agosto 13- 19. Bilang paggunita umano ito sa kaarawan ni Manuel L. Quezon na tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.

Agosto 12, 1988-Inilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 upang pagtibayin ang pagdideklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Agosto 13 hanggang 19 kada taon.

Enero 15, 1997-Ipinagtibay ni Pangulong Fidel V. Ramos sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 na tataguriang buwan ng wika ang buong buwan ng Agosto bilang pagpapalawig pa ng selebrasyong Linggo ng Wika.

Bakit mahalaga ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika?

Upang sagutin yan, mahalagang malaman ang kahalagahan ng wika. Ang wika, o language sa Ingles, ay isang sistematikong pamamaraan ng pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga tunog, senyas o simbolo sa kapwa taong gumagamit at nakaiintindi rin ng pamamaraang ito. Ayon naman sa blogni Romano Redublo na isang guro, ang wika raw ay kalipunan ng mga simbolo, tunog at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Ang wika rin ay likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Sa madaling salita, mahalagang ipagdiwang ang wika sapagkat isa ito sa mga pinakimportanteng bahagi ng ating pagka-Pilipino at pagkatao. Sa totoo lang, di tayo magkakaintindihan kung wala tayong wika o kahit anong uri ng lengwaheng ginagamit.

Wikang Filipino at Manuel L. Quezon: Dahilan ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wika

Ang mestiso Espanyol na si Manuel Luis Quezon ay ipinanganak noong ika-19 ng Agosto, sa Baler, Tayabas, kina Lucio Quezon, isang guro mula sa Paco, Manila, na isa ring retiradong sarhento sa sandatahang kolonyal ng Espanya, at Maria Dolores Molina, isa ring guro sa kanilang bayan.

Si Manuel L. Quezon ay kilala bilang Ama ng Wikang Filipino. Tinagurian ding Ama ng Republika ng Pilipinas, siya ang naging unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas. Si Quezon ay tinatawag ding Ama ng Republika ng Pilipinas at Ama ng Kasarinlang Pilipino dahil sa kanyang mga ginawa upang isulong ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa pamahalaang Amerikano.

Sa kanyang termino bilang pangulo ng Pilipinas,itinayo ni Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa, na naglalayong lumikha ng isang pangkalahatang pambansang wika para sa mga Pilipino. Noong Nobyembre 1937, inirekomenda ng Surian na gawing pambansang wika ang Tagalog, kung kaya noong ika-30 ng Disyembre 1939 ay idineklara ni Quezon na Tagalog ang magiging pambansang wika ng Pilipinas. Noong Hunyo 1940 naman, iniutos niyang ituro ang pambansang wika bilang isa sa mga asignatura sa mga paaralan.

Namatay si Quezon sa sakit na tuberculosis noong ika-1 ng Agosto 1944 sa Saranac Lake, New York. Nakaukit sa kanyang huling himlayan ang mga katagang: "Statesman and Patriot, | Lover of Freedom, | Advocate of Social Justice, | Beloved of his People." (Mahusay na tagapamahala at bayani,| Mapagmahal sa kalayaan,| Tagataguyod ng panlipunang katarungan,| Minamahal ng kanyang bayan.)

Noong ika-23 ng Setyembre 1955, idineklara ni Pangulong Ramon Magsaysay ang ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon bilang Linggo ng Wika.Ang selebrasyong ito ay palaging nagtatapos sa kaarawan ni Quezon, ang taong unang nagsulong ng paglikha ng isang pambansang wika.

Noong ika-15 ng Enero 1997, idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramow ang buong buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wika.

Sanggunian: http://fil.wikipilipinas.org/index.php? title=Manuel_L._Quezon

Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal ang Talagang Kailangan

Wikang Filipino at Manuel L. Quezon: Dahilan ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wika

Yaya Development Program 2009