1

Click here to load reader

Throat Care

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Throat Care

Ang throat cancer ay ang pamumuo ng tumor sa iyong lalamunan

(pharynx), babagtingan (larynx) at tonsil. Nakukuha ito kapag ang mga

cells sa iyong lalamunan ay sumailalim sa genetic mutation. Ang mga

mutation na ito ang dahilan ng hindi makontrol na paglaki at pagdami ng

mga cells na sa kalauna’y naiipon sa iyong lalamunan.

PANGALAN: GARCIA, Chariss M. ASIGNATURA: DS 123 STUDENT NUMBER: 2008-20118 PETSA: 08-15-2011

Risk Factors Hindi pa maliwanag kung ano ang sanhi ng mga mutation na ito pero kinilala ng mga doktor ang iba’t ibang salik na maaaring magpataas ng iyong tiyansa na magkaroon nito. Ito ang mga sumusunod:

Paninigarilyo Pag-inom ng alak Hindi pagkain ng mga prutas at gulay Paggamit ng mga mouthwash at oral rinse Malimit na pag-inom ng kape Impeksyon ng human papillomavirus (HPV)

Sintomas ng Pagkakaroon ng Throat Cancer Di mawala-walang sore throat Ubo Hirap sa paglunok Kabawasan sa timbang sa di malamang dahilan Pananakit ng taynga Bukol sa likod ng bunganga, lalamunan o leeg Pagiging malat Hirap sa paghinga

Paraan ng Paglunas Ang paraan ng paglunas na imumungkahi ng iyong doktor ay depende sa lokasyon at yugto ng iyong throat cancer, tipo ng mga cells na nagmutate, pangkalahatang lagay ng iyong kalusugan at personal na kagustuhan. Tatalakayin sa iyo ng iyong doktor ang mga benepisyo, panganib at tiyansa ng paggaling sa bawat opsyon ng paglunas at saka ka papipiliin ng operasyon na gusto mong sumailalim. Ilan sa mga opsyong ito ay ang mga sumusunod:

Radiation therapy Operasyon (surgery) tulad ng laryngectomy, pharyngectomy at pharyngectomy Chemotherapy Targeted drug therapy tulad ng Cetuximab (Erbitux)

Pag-iwas sa Pagkakaroon ng Throat Cancer Pagtigil sa paninigarilyo Moderasyon sa pag-inom ng alak Pagkain ng maraming prutas at gulay Iwasan ang paglanghap ng mga nakalalasong kimikal

SOURCES: http://www.dherbs.com/articles/throat-problems-236.html http://www.ucsfhealth.org/conditions/throat_cancer/