35
Kabanata 1 A.Panimula Likas sa ating mga tao ang pagbibigay halaga sa mga nagdadalang tao dahil sila ang nag-aalaga at nagbibigay buhay sa mga susunod na henerasyon na maaring magbigay ng pagbabago sa ating bansa. Napakaraming mga bagay-bagay ang maaaring maka- apekto at makasama sa isang nagdadalang-tao at sa dinadala nito. Ang isa sa mga kadahilanan upang mapahamak ang isang nagdadalang- tao ay ang pag-inom ng gamot na hindi nagkokonsulta sa isang doktor na ating matatawag na self-medication. Nakakasama ito dahil tayong mga pangkaraniwan na tao ay hindi eksperto sa mga gamot na ito, hindi natin alam ang magiging epekto nito sa atin. Kinakailangan nating komunsulta at magtanong tungkol sa mga epekto nito sa isang lisensyadong manggagamot at sa isang lisensyadong pharmacist. Dahil ang mga gamot ay may mga kanya kanyang epekto sa ating katawan na ating matatawag na adverse effects. Ngunit minsan ay nagiging pabaya tayo sa ating mga iniinom na gamot. Lalo kapag ang mga gamot na ating iniinom ay ang mga droga na maiitawag na over the counter drugs. Ang mga gamot na ito ay binebenta sa mga pamilihan ng mga gamot na walang preskripsyon na kinakailangan. Isang halimbawa ng over the counter drugs ay ang mefenamic acid. Gamot na iniinom kapag may sakit na nararamdaman sa isang bahagi ng katawan. Kadalasan ay napagkakamalan itong isang analgesic - gamot pang-alis ng sakit ngunit ang hindi nalalaman ng iba ito ay kabilang sa gamot na tinatawag na anti-inflammatory - ang

Thesis Arabic Numeral

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Thesis Arabic Numeral

1

Kabanata 1

A.Panimula

Likas sa ating mga tao ang pagbibigay halaga sa mga nagdadalang tao dahil sila ang nag-

aalaga at nagbibigay buhay sa mga susunod na henerasyon na maaring magbigay ng pagbabago

sa ating bansa. Napakaraming mga bagay-bagay ang maaaring maka-apekto at makasama sa

isang nagdadalang-tao at sa dinadala nito. Ang isa sa mga kadahilanan upang mapahamak ang

isang nagdadalang-tao ay ang pag-inom ng gamot na hindi nagkokonsulta sa isang doktor na

ating matatawag na self-medication. Nakakasama ito dahil tayong mga pangkaraniwan na tao ay

hindi eksperto sa mga gamot na ito, hindi natin alam ang magiging epekto nito sa atin.

Kinakailangan nating komunsulta at magtanong tungkol sa mga epekto nito sa isang

lisensyadong manggagamot at sa isang lisensyadong pharmacist. Dahil ang mga gamot ay may

mga kanya kanyang epekto sa ating katawan na ating matatawag na adverse effects. Ngunit

minsan ay nagiging pabaya tayo sa ating mga iniinom na gamot. Lalo kapag ang mga gamot na

ating iniinom ay ang mga droga na maiitawag na over the counter drugs. Ang mga gamot na ito

ay binebenta sa mga pamilihan ng mga gamot na walang preskripsyon na kinakailangan. Isang

halimbawa ng over the counter drugs ay ang mefenamic acid. Gamot na iniinom kapag may

sakit na nararamdaman sa isang bahagi ng katawan. Kadalasan ay napagkakamalan itong isang

analgesic - gamot pang-alis ng sakit ngunit ang hindi nalalaman ng iba ito ay kabilang sa gamot

na tinatawag na anti-inflammatory - ang pinaka gamot nito ay sa pamamaga ng mga tisyu ng

ating katawan. Ayon sa MIMS, ang mefenamic acid ay kabilang sa mga gamot na nakalagay sa

kategoryang C sa pagiging delikado nito sa mga nagdadalang tao. Ngunit gaano nga ba kalala

ang epekto nito sa isang nagdadalang tao at sa kanyang dinadala? Ang mga bagay tulad ng mga

gamot na nakakatulong sa mga nagdadalang tao ay maaari ding pagmulan ng kapamahamakan.

Kinakailangan maging alerto ang mga nagdadalang tao sa kanilang mga iniinom na gamot at sa

kanilang mga ginagawa upang maging ligtas sila at sa kanilang dinadala.

Page 2: Thesis Arabic Numeral

2

B.Paglalahad ng suliranin

1. Anu-ano ang mga epekto ng mefenamic acid sa isang nagdadalang tao?

Marami sa mga tao ngayon ay umiinom ng mefenamic acid kapag mayroon silang

sakit sa ngipin, sakit sa ulo, at lagnat. Kabilang na dito ang iilan sa mga nagdadalang tao. Ngunit

mayroon din itong epekto sa nagdadalang tao mabuti man o masama.

C.Layunin at kahalagahan ng pananaliksik

Ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Ang pagsasaliksik na ito ay para sa pagkompleto ng mga kinakailangan sa

kursong Filipino II. Layunin din ng mga mananaliksik ang malaman kung papaano nakakaapekto

sa mga nagdadalang tao ang pag-inom ng gamot na mefenamic acid.

1. Upang magbigay ng sapat na impormasyon sa mga nagdadalang tao ukol sa epekto ng

mga gamot.

2.Upang maiwasan ang disgrasyang maaaring maidulot ng mefenamic acid sa isang

nagdadalang-tao.

3.Upang mapayuhan ang mga nagdadalang tao na kumonsulta muna sa isang doktor bago

uminom ng gamot upang sila ay makakasigurado na ligtas inumin ang mga ito.

4. Upang malaman nila na kahit ang OTC (Over The Counter) Drugs ay kinakailangan

din na mamudmod ng maayos ng isang pharmacist.

Page 3: Thesis Arabic Numeral

3

D.Batayang konseptual

Pigura 1: Schematic Diagram ukol sa Epekto ng Mefenamic Acid sa Nagdadalang-

tao

Mefenamic acid- Gamot na nabibilang sa uri ng anti-inflammatory.

Sarbey sa mga tagatugon

OB-GynePediatrician

Ina ng bagong silang na normal

Konklusyon

Epekto sa nagdadalang tao

Posibilidad ng pagiging subnormal

ng batang nasa sinapupunan.

Maaaring malaglag ang batang dinadala.

Pag-udlot sa itinakdang araw ng

pagluwal.

Page 4: Thesis Arabic Numeral

4

E.Saklaw at limitasyon

Ang pangongolekta ng mga datos sa pananaliksik na ito ay inililimita lamang sa

mga eksperto tulad ng mga OB-Gyne, pharmacist at ng pediatrician. Inaasahan din na

ang mga ina na may anak na normal at subnormal ay makakapagbigay ng datos.

Kabilang dito ang mga nagdadalang tao.

F.Kahulugan ng mga katawagan

1.) Adverse Effects

- Ang isang mapanganib o abnormal na resulta. Ito ay maaaring sanhi ng paginom ng

isang gamot o sa pamamagitan ng exposure sa isang kemikal at mamamarkahan ang

isang hindi magandang resulta tulad ng sakit o kamatayan.

2.) Analgesic

- Anumang mga kasapi ng grupo ng mga gamot na ginagamit upang bawasan ang sakit na

nararamdaman.

3.) Anti inflammatory

- Uri ng gamot na nakakagaling sa pamamaga ng tisyu ng katawan.

4.)Kategorya C

- Pinakikita nito na nagsagawa ng pagaaral gamit ang mga sanggol ng hayop na walang

ginawang eksperimento sa babaeng tao at siniwalat ang adverse effects nito o kaya

Page 5: Thesis Arabic Numeral

5

naman ay walang pagaaral na naganap. Maaari laman g ibigay ang gamot kung

napatunayan na ang pagaaral na dito.

5.)Mefenamic Acid

- Isang uri ng gamot na nabibilang sa uri ng anti inflammatory.

6.)Nagdadalang-tao

- Ang estado ng pagdadala ng isang pabuong fetus sa loob ng isang katawan

7.)OB-Gyne

- Manggagamot na dalubhasa sa pagpapaanak at paglunas sa sakit na may patungkol sa

ari ng babae.

8.)Over the counter drugs

- Mga gamot na nabibili kahit walang reseta gaing sa isang manggagamot.

9.)Pediatrician

- Manggagamot na dalubhasa sa sanggol at sa bata pati na sa kanilang lunas sa mga sakit.

Page 6: Thesis Arabic Numeral

6

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Literatura

Isang uri ng gamot na nabibilang sa mga Non-steroidal Anti-inflammatory na iniinom

upang mawala o mapawi ang sakit na nararamdaman ang mefenamic acid. Mayroong mabuti at

masamang dulot ang mefenamic acid. Ano nga ba ang epekto nito sa mga nagdadalang-tao?

Ipakikita sa mga sumusunod ang mga may kaugnay sa pag-aaral na ito.

Ayon kay Lacy (2010).Isang gamot para sa dysmenorrhea o sakit sa puson habang may

buwanang dalaw ang mefenamic acid. Ayon kay Lacy (2010),ang pag-inom ng mefenamic acid

habang nasa ikatlong trimestre ay delikado para sa nagdadalang-tao.

Ayon kay Weiner (2009) ,isang non-steroidal agent na mayroong anti-infllammatory,

analgesic at antipyretic action ang mefenamic acid. Walang sapat na mga balita o pag-aaral

tungkol sa epekto ng mefenamic acid sa mga nagdadalang-tao. Sa isang maliit na panakaling

pamimili, lubos na nabawasan sa pamamagitan ng paggamit mefenamic acid kumpara sa pag-

gamit ng placebo ang paglaganap ng preterm labor. Kung ang mga epekto ng mefenamic acid ay

katulad sa iba pang mga NSAIDs, malamang hindi na ito magiging mabisa para sa mga nakasaad

na indikasyon. Ang mga side effects ay anaphylaxis, pagdudugo ng GI, bronchospasm, renal

failure, interstitial nepritis, hepatic failure, Stevens-Johnson syndrome, agranulocytosis, sakit ng

tiyan, pagkadumi, sakit ng ulo, pagkahilo, pantal, tagulabay, elevated LFT's, antok, edema, ingay

sa tainga, singaw sa balat, lupus, at serum sickness-like na sintomas.

Ayon kay Briggs (2008) , may mga eksperto na nagsagawa ng isang eksperimento gamit

ang mga buntis na daga at sa pamamagitan ng pagpapainom ng mefenamic acid natuklasan na

nakapipigil ito sa panganganak. Nakakapasok ang mefenamic acid sa human placenta na isa

pang kadahilan sa pagkakaroon ng mefenamic acid ng mababang molecular weight. Walang

kaugnay sa congenital malformations, preterm delivery o low birth weight ang pag-gamit ng

Page 7: Thesis Arabic Numeral

7

Steroidal Anti-Inflammatory Drugs habang nagdadalang tao ay walang kaugnay sa congenital

malformations, preterm delivery o low birth weight ngunit ito ay natuklasan na maiuugnay sa

spontaneous abortion ( SABs) o pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan . Nagkaroon pa ng isang

pag-aaral ngunit nabigo sila sa pag-aaral ng koneksyon ng Non-Steroidal Anti-Inflammatory

Drugs at congenital malformations pero natuklasan nila ang pagkakaroon ng sakit sa puso o

orofacial clefts. Noong taong 2003, nagkaroon ng pag-aaral na ang paginom ng Non Steroidal

Anti-Inflammatory Drugs habang sa unang linggo o buwan ng pagdadalang tao ay maari itong

magdulot ng SABs. Ang mefenamic acid ay ginagamit upang maiwasan ang premature delivery o

ang panganganak ng mas una sa itinakda. Kailangang umiwas ang mga kababaihang gustong

magdalang tao sa mga synthesis inhibitor kung saan kabilang ang mefenamic acid dahil ang mga

ito ay humahadlang sa blastocyst implantation.

Ayon kay James(2006), mayroong mga gamot na nabibilang sa Non-Steroidal Anti-

Inflammatory Drugs na kadalasang iminumungkahi ng mga manggagamot sa mga nagdadalang-

tao ngunit hindi kabilang sa listahan ang mefenamic acid. Hindi iminumungkahi ng mga eksperto

ang mefenamic acid para sa mga nagdadalang-tao na higit pa sa tatlumpu't apat na linggo ng

kanilang preterm labor dahil sa oretical risk nito.

Ang mefenamic acid ay nagmumula sa gatas ng ina ang mefanamic acid na maaring

mailipat sa sanggol habang pinapainom ito ng gatas. Ibayong pag-iingat ang ibinibilin sa

pagpapainom ng gatas. Delikado pang gamitin ng mga batang edad labing apat na taon pababa

ang mefenamic acid.(Mosby ,2006)

Ayon kay Murray(2006), isa sa mga delikadong palatandaan ng pagbubuntis ang uterine

contractions, cramps, constant or irregular low backache, pelvic pressure bago ang tatlumpu't

walong linggo at nagdudulot ito ng preterm labor.

Page 8: Thesis Arabic Numeral

8

Ayon kay Wartts( 2006), wala pang sapat na pag-aaral na isinagawa sa mga nagdadalang-

tao na may patungkol sa Non-Steroidal Anti-Inflammatory Drugs. Ang epekto nito sa digestive

tract ay mayroong mas mataas na posibilidad sa third trimester ng pagbubuntis. Ang iba rito ay

maaaring magpahaba ng pagbubuntis kung ito ay binigay bago pa magsimula ang labor. Ito ay

dapat iwasan lalo na sa third trimester dahil ang ibang Non- Steroidal Anti-Inflammatory Drugs

ay maaaring magdulot ng premature closure of the ductus arteriosis na maaring magdulot ng

sakit sa puso sa mga sanggol na bagong panganak. Itong Non Steroidal Anti-Inflammatory Drugs

ay kadalasang lumalabas sa gatas mula sa ina kaya marapat na kumonsulta muna sa isang

manggagamot bago ito simulan na ipainom sa sanggol

Binabawasan ng mefenamic acid ang pamamaga, sakit, at lagnat marahil sa

pamamagitan ng aktibong pagsugpo ng cyclooxygenase at prostaglandin synthesis. Nagbibigay

ito ng kaunting kaginhawaan mula sa banayad na sakit na nagatatagal ng pitong araw. Ginagamit

ito na gamot para sa pangunahing dysmenorrhea. Kabilang ito sa mga gamot na inilalagay

kategoryang C dahil sa pagiging delikado sa mga nagdadalang tao. (Tatro, 2005)

Halos lahat ng NSAIDs sa gatas ay mababa ang posyento dahil sila ay mahihinang acids

na plasma protein bound. Gayunman, ang short-acting agents ay mas pinipili, lalo na sa kaso ng

mga breastfed neonates. Ang mas nakakalasong NSAIDs tulad ng mefenamic acid at ng

indomethacin din ay dapat na iwasan. Dahil ito ay nakaka-apekto sa gatas na nagdudulot ng

pagkatoxic nito na siya ring ipaiinom sa sanggol kapag ito ay ipinanganak na. (Anderson, 2002)

Ang mefenamic acid ay isang nonsteroidal at anti-inflammatory na gamot (NSAID), na

ginagamit para sa mga short-term na paggamot ng sakit at para sa pangunahing dysmenorrhea.

May kaugnayan ito sa parehong NSAID subclass (fenamates) tulad ng meclofenamate.

Dumadaan ang mefenamic acid sa placenta ng nagdadalang- tao papunta sa fetus. Walang

kaugnayan ang paggamit ng mga NSAIDs sa panahon ng pagbubuntis sa congenital

malformations, preterm delivery, o mababang timbang sa oras ng kapanganakan, ngunit

natuklasan ang isang positibong asosasyon dahil sa aborsyon. (Briggs, 2002)

Page 9: Thesis Arabic Numeral

9

Kabanata 3

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay ayon sa disenyo ng pamamaraang qualitative and quantitative-

analysis. Tinangkang suriin ng pag-aaral na ito ang kasalukuyang kaalaman, damdamin, kaisipan

at pananaw ng mga tao sa mga maaaring maging epekto ng mefenamic acid sa mga nagdadalang

tao. Nais rin ng pananaliksik na masuportahan ang mga naunang pahayag ng mga nag-aral

tungkol sa mga epekto ng nasabing usapin. Ang mga mananaliksik ay maglilikom ng datos sa

pamamagitan ng pagsasagawa ng isang panayam sa mga eksperto ukol sa usapin na ito.

Mga Taga-tugon

Ang aming mga piniling kalahok sa surbey sa ginawang pag-aaral na ito ay ang mga

bagong ina at mga makakatulong o makapagbibigay ideya o datos sa ginawang pag-aaral. Ang

mga pagkukuhanan namin ng panayam ukol sa epekto ng mefenamic acid sa mga nagdadalang

tao ay ang mga doktor na may kaugnayan sa pag-aaral sa kalusugan ng tao, tulad ng mga

pediatrician, gynecologist, at obstetrician.

Upang matamo ang hangarin ng pag-aaral ukol sa epekto ng mefenamic acid sa

nagdadalang tao. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng iba’t ibang paraan at instrumento para

sa pagkamit ng datos sa pag-aaral. Sa pananaliksik na ito ay sa pamamagitan ng isang

talatanungan na ipinasagot sa mga taga-tugon ng pag-aaral. Ang iba’t ibang sagot ng mga taga-

tugon ay nagbigay ng konsepto at nagsilbing datos sa pag-aaral.

Sa pamamagitan ng paggawa ng mga talakayanan matapos maitala ang mga kasagutan sa

talatanungan ng mga respondente ay naipakita ang porsyento o bahagdan ayon sa dami ng

sinang-ayunang kasagutan ng mga respondente sa tanong na nakapaloob sa o talatanungan.

Page 10: Thesis Arabic Numeral

10

Mga impormasyon tungkol sa mga ekspertong pagkukuhanan ng panayam.

Pangalan : Anabelle D. Reboroso

Kaarawan : Agosto 8, 1971

Lugar ng Kapanganakan : Sasmuan, Pampanga

Mga Paaralan kung saan nagtapos:

Elementarya : Sacred Heart Acadeny

Mataas na Paaralan:Sacred Heart Academy

Kolehiyo: Angeles University Foundation

Propesyon: Pediatrician

Mga nakamit: Being a Doctor for Children

Pangalan: Jay N. Reboroso

Kaarawan: Abril 20, 1972

Lugar ng Kapanganakan:Dau, Mabalacat, Pampanga

Mga paraalan kung saan nagtapos:

Elementarya: Dau Elementary School

Mataas na paaralan: Holy Angel University

Kolehiyo: Angeles University Foundation

Propesyon: General and Occupational Medicine

Pangalan: Donita Dominguez Bacud

Kaarawan: Mayo 11, 1967

Lugar ng Kapanganakan: Mabalacat , Pampanga

Mga Paaralan kung saan nagtapos:

Elementarya: Holy Family Academy

Mataas na Paaralan: Holy Family Academy

Propesyon: Obstetrician at Gynecology

Page 11: Thesis Arabic Numeral

11

UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS

Fakultad ng Parmasya

Epekto ng mefenamic acid sa nagdadalang-tao

Papel para sa Panayam

Pangalan:____________________________________________________________________

Petsa:_______________________________________________________________________

Uri ng doktor:________________________________________________________________

Mga katanungan namin sa aming panayaman:

1.Sa tingin niyo po may epekto ang mefenamic acid sa nagdadalang tao?

2.May mga pasyente na ba kayong nagkaroon ng komplikasyon dulot ng mefenamic acid?

3.Anu-ano ang mga gamot na kailangan iwasan tuwing nagdadalang tao?

4. Sa inyong palagay. Anu-ano ang mga solusyon upang maiwasan ng mga nagdadalang tao ang

mga komplikasyon na nakakasama sa kanila at sa idinadala nila?

5.Ano ang maibibigay ninyong payo upang maging malusog at maayos ang kalagayan ng mga

nagdadalang tao at ang laman ng kanilang sinapupukunan?

Maraming salamat po sa inyong panahon at oras.

Page 12: Thesis Arabic Numeral

12

Ang talatanungan sa surbey.

Pangalan:

Edad:

Kasarian:

Bilugan ang sagot.

1. Bilugan sa mga sumusunod ang nainom na gamot habang nagdadalang tao.

A. Mefenamic Acid (Arthran, Dolfenal)

B. Ibuprofen (Advil, Alaxan)

C. Paracetamol/Acetaminophen (Biogesic, Tempra)

D. Acetylsalicylic acid/Aspirin (Asaprim, Bayer Aspirin)

E. Diclofenac Potassium (Curafen-K)

G. Diclofenac Sodium (Dafenac, Diclogen Tab, Diflapane)

F. Naproxen (Napoxen, Naprelan)

G. Ciprofloxacin HCl (Ciprobay, Ciprofen)

H. Cefalexin Monohydrate (Cefalin, Airex)

2. Bilugan ang mga sumunod na ininom kapag may naramdamang sakit habang

nagdadalang tao.

A. Mefenamic Acid (Arthran, Dolfenal)

B. Ibuprofen (Advil, Alaxan)

C. Naproxen (Napoxen, Naprelan)

D. Acetylsalicylic acid/Aspirin (Asaprim, Bayer Aspirin)

E. Paracetamol/Acetaminophen (Biogesic, Tempra)

*Kung ang sagot ay A B o C, sagutan hanggang #10. Kung hindi, tumigil.

3. Komunsulta ba sa isang manggagamot bago ito ininom?

A. Oo

B. Hindi

Page 13: Thesis Arabic Numeral

13

4. Ika ilang buwan ng pagdadalang tao ito ininom?

A. 1-3 buwan

B. 4-6 buwan

C 7-9 buwan

5. Anong paraan iniluwal ang sanggol?

A. Normal Delivery

B. Caesarian Delivery

6. Saan nabibilang ang uri ng timbang ng sanggol?

A. Under weight

B. Normal weight

C. Over weight

7. Nagkaroon ba ng komplikasyon ang sanggol pagkaluwal?

A. Hindi

B. Oo (pakitala) ______________

8. Kasalukuyan bang pinaiinom ng gatas ng ina ang bata?

A. Oo

B. Hindi

9.May mga napansin bang mga komplikasyon tungkol sa pagpapainom sa gatas sa bata?

A.Hindi

B. Oo (pakitala)_______________

10. Nagkaroon ba ng komplikasyon ang ina bago magdalang tao?

A. Hindi

B. Oo (pakitala) ______________

Page 14: Thesis Arabic Numeral

14

Kabanata 4

Resulta at Pagtatalakay

Panayam ni Dr.Annabelle D. Reboroso

Ayon kay Dr.Reboroso(2011) mayroong epekto ang mefenamic acid sa nagdadalang tao

lalo na sa huling trimestre dahil nagiging sanhi ito ng premature closure of the ductus arteriosus.

Ayon sa kanyang salaysay mayroon na siyang mga pasyente na nagkaroon ng komplikasyon ng

dahil sa mefenamic acid. Ayon sa kanyang salaysay, Ang mga gamot na kailangang iwasan

tuwing nagdadalang-tao ay ang aspirin, ibuprofen,at naproxen na kabilang sa grupo ng gamot

na matatawag na NSAIDS. Nagdudulot ang mga gamot na ito ng seryosong problema sa

pagdudugo at ang mga ito ang nagdudulot ng pagsasara ng ductus arteriosus.

Ayon sa salaysay ni Dr.Reboroso (2011), na mayroong tatlong kategorya ng mga gamot

na delikado o may mga epekto sa nagdadalang tao.Ito ang mga sumusunod.

-Kategoryang C- ginawan na ng pag-aaral ang mga gamot na ito gamit ang mga hayop.

Teratogenic o embryocidal effects ang mga nakitang resulta sa pag-aaral ng mga gamot

na ito gamit ang mga hayop.

-Kategoryang D- mayroong positibong ebidensya na magreresulta ang gamot na mga ito

sa human fetal risk. Ang benepisyong makukuha sa paggamit ng mga gamot na ito ay

katanggap-tanggap kahit na delikado ang pedeng maging resulta.

-Kategoryang X- napatunayan na may positibong ebidensya na magreresulta sa fetal risk.

Mas malakas ang panganib na maaring maidulot ng gamot kaysa sa binibigay na

benepisyo o lunas nito.Ang mga halimbawa ng mga gamot na may mga kategoryang ito

ay ang mga sumusunod.

Thalidamide(X) Androgens(X) Danazol(X) Methotrexate(X) Isotretinoin(X)

Levonorgestrel(X) Lovastatin(X) Mifepristone(X) Nandrolone(X) Oxymetholone(X)

Lithium(D) Phenidione(D) Sorefenib(D) Erlotinib(D) Floxuridine(D)

Etoposide(D) Anastrozole(D) Chlortetracycline(D) Lapanitib(D) Lorazepam(D)

Pigura 2: Mga gamot na delikado para sa nagdadalang tao.

Page 15: Thesis Arabic Numeral

15

Isinalaysay ni Dr. Reboroso(2011) ,kailangang pumunta at magpakonsulta sa tamang

doktor na ating matatawag na OB-GYNE upang maiwasan ang mga komplikayson na maaring

maramdaman o masagupa ng nagdadalang tao .Isinambit niya na kailangang ipaalam sa mga

nagdadalang-tao ang Awareness on Pregnancy Benefits or Complications.

Ang payo na ibinigay ni Dr. Reboroso(2011) upang maging mas malusog at maayos ang

kalagayan ng nagdadalang tao at ang laman ng kanyang sinapupukunan.Kailangan regular ang

pagpapatingin ng nagdadalang tao sa OB-GYNE, kailangan kumain ng tama, iwasan ang mga

nakakapagod na gawain at magpahinga ng maayos.

Panayam ni Dr.Donita Bacud

Ayon kay Dr.Bacud(2011),mayroong epekto ang mefenamic acid sa nagdadalang tao.

Delikado itong ipainom sa unang trimestre o ang matatawag nating developmental stage at sa

ikatlong trimestre ng pagdadalang tao. Hindi ito ibinibigay sa nagdadalang tao sa ikatlong

trimestre dahil magdudulot ito ng pagsara ng Patent Ductus Arteriosus.

Isinilaysay ni Dr.Bacud(2011),Wala silang naging pasyente na nagkaroon ng

komplikasyon sa mefenamic acid dahil pinapayuhan nila ang kanilang mga pasyente ng mga

tamang gawin upang maiwasan ang komplikasyon at disgrasya.

Isinilaysay ni Dr.Bacud(2011), ang mga gamot na kailangang iwasan ng mga

nagdadalang tao ay ang mga gamot na kabilang sa Kategorya X, Kategoryang D, at Kategoryang

C ng FDA Category of Drugs for Pregnant Women. Binanggit niya ang gamot na tetracycline na

nagdudulot ng pagdidilaw ng mga ngipin ng sanggol. Idinagdag niya na iwasan ang gamot na

quinine na isang anti-malarial drug dahil ito ay nagdudulot ng komplikasyon sa nagdadalang

tao,dagdag pa rito ang mga chemo drugs tulad ng Methotrexate na kabilang sa kategoryang X ng

mga gamot na delikado sa mga nagdadalang tao.

Isinaad din niya ang mga sumusunod na gamot na delikadong inumin ng mga nagdadalang-tao:

Megestrol(X) Lovastatin(X) Leflunomide(X) Oxytocin(X) Menotrophin(X)

Page 16: Thesis Arabic Numeral

16

Androgens(X) Nandrolone(X) Oxymetholone(X) Tazarotene(X) Triazolam(X)

Coumarin(X) Danazol(X) Erlotinib(D) Cytarabine(D) Floxuridine(D)

Diazepam(D) Daunorubicin(D) Primidone(D) Meprobamate(D) Midazolam(D)

Pigura 3:Mga gamot na delikado para sa nagdadalang tao.

Ayon kay Dr.Bacud(2011), ang mga komplikasyon tulad ng hypertension o pagtataas ng

presyon,diabetes, at bronchial asthma ang pinaka-karaniwang mga komplikasyon na isinasambit

ng mga nagdadalang tao sa isang OB-GYNE. Upang maiwasan ang hypertension o pagtataas ng

presyon isinilaysay ni Dr.Bacud(2011), kailangan munang alamin ng doktor ang history ng

pasyente,importante na malaman ng doktor kung nagkaroon ang pasyente noong nakaraan na

pagdadalang-tao ng hypertension. Iminumungkahi ng doktor na iwasan ang mga matataba at

maalat na pagkain, kumain ng maraming prutas at gulay,bawasan ang pagkain ng maraming

carbohydrates at higit sa lahat kailangang kumain ng isang balanseng dyeta upang maiwasan ang

pagtataas ng presyon ng nagdadalang-tao. Kung tumaas naman ang presyon ng nagdadalang tao

binibigyan ng tamang medikasyon ang pasyente. Ibinibigay ng doktor ang gamot tulad ng

aldomet at apresoline(hydralazine) na isa daw sa mga pangunahing mga gamot na ibinibigay sa

mga nagdadalang-tao kapag tumataas ang presyon ng mga ito.

Ayon kay Dr.Bacud(2011), Importante ding malaman kung may history ng diabetes ang

isang pasyente. Kung positibo na may diabetes sa history ng pamilya, sa 24 na linggo ng

pagdadalang-tao isinasagawa ang BS o blood sugar na tinatawag din na Oral Glucose

Tolerance(100 OGTT). Kinakailangan 130 gramo pababa ang lebel ng glucose ng pasyente.

Kung mas marami pa sa 130 gramo ang lebel ng glucose gagawin na ang confirmatory test.

Mayroong tatlong bahagi ng confirmatory test na isinasagawa sa loob ng isa, dalawa at tatlong

oras. Kung mataas ang lebel ng glucose sa dalawang bahagi ng confirmatory test,positibong

mayroon ang pasyente ng diabetes.Kung positibong mayroong diabetes irerekomenda ng OB-

GYNE ang pasyente sa isang Diabetologist. Ang Daibetologist ang magpapayo sa pasyente na

kailangan niyang magdyeta at siya rin ang magmomonitor ng BS o Blood Sugar ng pasyente.

Kung mataas parin ang BS o Blood Sugar ng pasyente,biniigyan na ng insulin ng diabetologist

ang pasyente upang bumaba ang lebel ng glucose o Blood Sugar nito.

Ayon kay Dr.Bacud(2011),maaring magkaroon ang pasyente ng bronchial asthma

habang nagdadalang tao o kaya naman maaring lumala pa ang bronchial asthma ng pasyente

Page 17: Thesis Arabic Numeral

17

habang nagdadalang tao . Kung lumala ang bronchial asthma ng nagdadalang tao, binibigyan ng

doktor ng medikasyon ang mga ito upang malunasan. Ang salbutamol at prednisone na isang uri

ng steroids ang ibinibigay upang malunasan ang bronchial asthma. Isang uri ng gamot ang

salbutamol na nagpaparelax ng uterus ng isang babae,inirerekomenda ito ng mga doktor dahil

tumutulong ito sa pagpapakapit ng fetus sa uterus ng babae kung nagkakaroon ng preterm labor

ang nagdadalang tao. Magiging mukhang lalake ang isang babaeng sanggol kung napasobra ng

pag-inom ng steroids ang nagdadalang tao .

Isinalaysay ni Dr.Bacud (2011),Ang mga sumusunod na payo upang maging mas

malusog at maayos ang kalagayan ng nagdadalang tao at ang laman ng kanyan sinapupukunan.

Kailangang magkaroon ng balanseng dyete ng nagdadalang tao at iwasan ang mga bawal

na pagkain upang maging malusog ang nagdadalang tao at ng kanyang idinadala. Idinagdag niya

pa rito na kailangang mag prenatal check-up ang mga nagdadalang-tao at importante na suriin

nila ang mga resulta ng mga pagsusulit na ginawa sa laboratoryo tungkol sa kanilang

kalusugan.Kinakailangan iwasan ng nagdadalang tao ang stress dahil hindi ito nakakabuti para sa

kanila at kinakailangan din magrelax ng nagdadalang tao. Higit sa lahat kailangang laging

maging masaya ng pasyente upang maglabas ito ng good hormones na makakabuti sa fetus sa

kanyang sinapupukunan.

Panayam ni Dr.Jay Reboroso

Ayon kay Dr.Reboroso(2011) mayroong epekto ang mefenamic acid sa nagdadalang tao

lalo na sa huling trimestre dahil nagiging sanhi ito ng premature closure of the ductus

arteriosus.Ayon sa kanyang salaysay, ang mga gamot na kailangang iwasan tuwing

nagdadalang-tao ay ang mga gamot na matatawag na NSAIDS dahil nagdudulot ang mga gamot

na ito ng problema sa pagdudugo at ang mga ito ang nagdudulot ng pagsasara ng ductus

arteriosus. Isinilaysay niya na wala pa siyang pasyente na nagkaroon ng komplikasyon ng dahil

sa pag-inom ng mefenamic acid.Isinalaysay niya na kailangang iwasan ang mga gamot na

nabibilang sa Kategoryang X at Kategoryang D sa pagkakaroon ng delikadong epekto nito sa

mga nagdadalang-tao.

Ang payo na ibinigay ni Dr Reboroso(2011) upang maging mas malusog at maayos ang

kalagayan ng nagdadalang tao at ang laman ng kanyang sinapupukunan.Kailangan regular ang

Page 18: Thesis Arabic Numeral

18

pagpapatingin ng nagdadalang tao sa OB-GYNE, kailangan kumain ng tamang pagkain tulad ng

gulay at prutas, iwasan ang mga nakakapagod na gawain at ipahinga ng maayos ang

katawan.Higit sa lahat huwag uminom ng gamot na hindi nagkokonsulta sa doktor.

Sarbey

Ang pananaliksik na ito ay nangangailangan ng mga taga-tugon. Ang mga sumusunod na

ilalahad ay nagmula sa mga taga-tugon na mga bagong ina sa iba’t ibang mga ospital at health

centers sa probinsya ng Cavite at lungsod ng Maynila.

Ang sumusunod na datos ay ang bahagdan ng mga gamot na kadalasang iniinom ng mga

tao nagdadalang-tao man o hindi. Makikita sa tsart na ito ang mga porsiyento ng paggamit ng

mga gamot. Ang mefenamic acid ay may bahagdan na 16.13%, ang paracetamol naman ay

58.06%, at cefalexin monohydrate naman ay may 22.58% at ang ibuprofen na mayroong 3.23%.

Me

fen

am

ic A

cid

Pa

rac

eta

mo

l

Ce

fale

xin

Mo

...

Ibu

pro

fen

0

20

40

60

80

Pigura 4

Page 19: Thesis Arabic Numeral

19

Ang mga sumunod na datos ay patungkol lamang sa mga nagdadalang tao na

uminom ng NSAIDs tulad ng mefenamic acid at ibuprofen.

Base sa mga taga-tugon, ang mga sumusunod ang magsasabi kung kumonsulta ba sila sa

isang manggagamot o hindi. Makikita na lahat ay kumonsulta muna sa isang manggagamot bago

ito ininom.

Oo Hindi0

102030405060708090

100

Pigura 5

Ang tsart na ito magpapakita kung ika ilang buwan ito ininom, kung ito ba ay nasa una,

ikalawa o ikatlong trimester. Makikita na lima mula sa anim ang uminom nito habang nasa

ikalawang trimester, 83.33%. 16.67% naman sa ikatlong trimester.

Page 20: Thesis Arabic Numeral

20

1-3 buwan 4-6 buwan 7-9 buwan0

10

20

30

40

50

60

70

80

90

Pigura 6

Makikita sa tsart na ito na sa mga uminom ng mefenamic acid o ibuprofen lima mula sa

anim, 83.33% at nagluwal ng sanggol sa pamamaraang normal at isa sa caesarian, 16.67%.

Ayon sa datos na nakuha, lahat ng sanggol na ininuman ng mefenamic acid o ibuprofen ay

nabibilang sa normal na timbang.

Under weight Normal weight Over weight0

102030405060708090

100

Pigura 7

Page 21: Thesis Arabic Numeral

21

Makikita sa tsart na ito, mula sa aming mga taga-tugon, lima mula sa anim, 83.33% ang

hindi nagkaroon ng komplikasyon buhat sa paginom ng mefenamic acid at isa ang nagsabing

nagkaroon, 16.67%. Itinala ng taga-tugon na dahil sa antala ng pagluwal ng sanggol ay nakainom

ito ng kanyang panubigan.

Oo Hindi0

102030405060708090

Pigura 8

Ayon sa aming mga taga-tugon, lima mula sa anim, 83.88% at isa ang hindi, 16.67% ang

kasalukuyang nagpapainom sa sanggol ng gatas ng ina.

Page 22: Thesis Arabic Numeral

22

Oo Hindi0

10

20

30

40

50

60

70

80

90

Pigura 9

Sa mga aming taga-tugon na kasalukuyang nagpapainom, ayon sa kanilang mga itinala,

wala silang nakikitang komplikasyon sa pagpapainom ng kanilang gatas.

Mayroon Wala0

20

40

60

80

100

Pigura 10

Page 23: Thesis Arabic Numeral

23

Inalam din namin kung nagkaroon ng komplikasyon ang ina bago siya magdalang tao sa

kadahilanan na nakaaapekto ito sa kalusugan ng mga bagong luwal na sanggol. Ayon sa aming

mga taga-tugon, lahat sila ay walang komplikasyon bago magdalang tao.

Mayroon Wala0

102030405060708090

100

Pigura 11

Page 24: Thesis Arabic Numeral

24

Kabanata V

Konklusyon at Rekomendasyon

Lagom

Nakahayag sa pananaliksik ang mga epekto ng mefenamic acid sa nagdadalang tao at ang

mga maaring lunas sa mga sakit na maaring makasagupa ng nagdadalang tao. Patuloy ang

pagtuklas sa epekto ng mefenamic acid at ng mga iba gamot sa nagdadalang tao. Gayunpaman,

marapat lamang na pagbutihin at gawing lalong masusi ang pagtuklas sa mga epekto ng

mefenamic acid at ng mga ibang gamot sa mga nagdadalang tao upang maiwasan ang disgrasya

at komplikasyon.

Konklusyon

Base sa isinagawang pag-aaral at nakalap na impormasyon mula sa mga espesyalista,

napag-alaman ang mga sumusunod:

1. Ang mefenamic acid ay nagdudulot ng delay sa pagbubuntis kung ito ay ininom sa huling

trimestre dahil ito ay nagdudulot ng pagkasara ng ductus asteriosus.

2. Maaring magkaroon ng abnormality ang isang sanggol kung napainom sa unang trimestre

o developmental stage kung ito napainom ng mefenamic acid o mga gamot na kabilang sa

mga NSAIDs.

3. Merong mga kategorya ang mga gamot tungkol sa pagiging delikado ng mga epekto ng

mga ito sa nagdadalang-tao.

4. Natuklasan din na ang pinaka-mabisang paraan parin upang makasiguro ang kaligtasan

ng nagdadalang tao ay ang pagkokonsulta sa doktor lalong-lalo na sa isang OB-GYNE.

5. Maraming paraan ang natuklasan upang maging ligtas at malusog ang nagdadalang tao at

ang kanyang idinadala, tulad ng pagkain ng tama, pag-iwas sa stress at sa pagod at higit

sa lahat ang pagsunod sa payo na ibinibigay ng mga manggagamot.

Page 25: Thesis Arabic Numeral

25

Rekomendasyon

Bilang pagtatapos, inaasahan ng mga mananaliksik na maging daan ang papel na ito

upang lumawak pa ang pag-aaral tungkol sa epekto ng mefenamic acid sa nagdadalang tao.

Iminumungkahi ng mga mananaliksik na lalong pagtibayin ang pagtatalakay sa nasabing paksa.

Sa mga espesyalista, iminumungkahi ng mga mananaliksik na ipagpatuloy ang pagtuklas

sa mga lunas na tutugon sa pangangailangan ng mga taong apektado lalong lalo na sa mga

nagdadalang-tao. Maaaring humanap sila ng mga paraan na magiging epektibo ang paggamit ng

mefenamic acid at mga iba pang gamot sa pagbigay ng lunas at kaginhawaan sa mga

nagdadalang-tao.

Sa kabuuan, mas mabuting iwasan na lamang ang pagiging matigas ang ulo ng mga

nagdadalang tao,kinakailangan nilang sumunod sa mga payo na ibinibigay ng mga eksperto

upang maiwasan ang disgrasya at komplikasyon.

Inaasahan ng mga mananaliksik na ang ganitong pag-aaral ay lalong paiigtingin sa

dahilang maraming salik kung bakit dapat tumuklas ng mga panibagong lunas.

Page 26: Thesis Arabic Numeral

26

Mga Sanggunian

Lacy (2010).

Drug Information Handbook with International Trade Names Index

Briggs (2008).

Drugs in Pregnancy and Lactation 8th Edition

James (2006).

High Risk Pregnancy Management Options. 3rd Edition

Mosby (2006).

Mosby’s Drug Reference for Health Professions

Murray(2006).

Foundations of Maternal-Newborn Nursing

Wartts( 2006).

Patient Drug Facts 2006

Tatro (2005).

A to Z Drug Facts 6th Edition

Anderson (2002).

Handbook of Clinical Drug Data

Briggs (2002).

Drugs in Pregnancy and Lactation 6th Edition