2
The Music Center 135 N. Grand Avenue Los Angeles, CA 90012 musiccenter.org (213) 972-7211 Mga Lugar Ang The Music Center ay naglalaan ng isang state-of-the-art experience mula disenyo ng mga gusali nito hanggang sa mga programa at pasilidad na may kabuuang labindalawang ektarya. Ito ay naglalaan ng mga presentasyon sa mahigit na dalawang milyong katao bawat taon. DOROTHY CHANDLER PAVILION Ang Dorothy Chandler Pavilion na nagbukas noong 1964 ay naging pangunahin at pinakamalaking teatro ng The Music Center. Ito ay naging tanghalan ng napakahusay na mga pagtatanghal sa pamamagitan ng mga kamangha-manghang musika at sayaw ng mga tanyag na tagapagpalabas. Ang Pavilion na may pinakamalaking entablado sa Amerika ay naging tanghalan ng mahigit sa dalawampung Academy Awards mula 1969–1999. Ito ngayon ay tahanan ng LA Opera at Glorya Kaufman Presents Dance at The Music Center . AHMANSON THEATRE Ang Ahmanson Theatre na nagbukas noong 1967 ay tahanan para sa iba’t-ibang uri ng pagganap. Kabilang sa napakaraming produksyon ng Center Theatre Group ang mga tanyag na mga aktor at aktres sa Hollywood tulad ni Katharine Hepburn, Elizabeth Taylor, Charlton Heston, at marami pang iba. Naging tanghalan din ito ng mga pre- Broadway runs, best of Broadway, at West End. MARK TAPER FORUM Ang Mark Taper Forum na nagbukas noong 1967 ay ang pinakamaliit na teatro sa The Music Center. Ang bilog na hugis ng gusali ay may natatanging dekorasyon na parang tambol na may panlabas na balot na lace. Ang venue na ito ay mainam na stage para sa pandramang dula at produksyon ng Center Theatre Group. WALT DISNEY CONCERT HALL Ang Walt Disney Concert Hall na natapos noong 2003 ay isang obra maestra na arkitektura na dinisenyo ni Frank Gehry. Ang Concert Hall ay tahanan ng LA Phil at Los Angeles Master Chorale. Ito ay isa sa mga lugar sa mundo na may pinakamahusay na acoustics. Naglalaan ito para magkaroon nang dekalidad na karanasan sa paningin at pandinig ng musika. THE MUSIC CENTER PLAZA Ang The Music Center Plaza ay isang magandang 35,000 square-foot outdoor urban oasis. Ito ay destinasyon para sa sining at pangkomunidad na programa tulad ng napaka-popular na Dance DTLA pati na rin ang iba’t-ibang pagdiriwang, konsiyerto, at kaganapan. Ang plaza ay para sa lahat at binibigyang- buhay ang lakas at dibersidad ng Los Angeles County sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga mapagpipiliang kainan, mga naiibang hardin, isang iconic fountain, at mga tanawin ng Grand Park sa City Hall. GRAND PARK Dahil sa mga napakagandang tanawin sa Grand Park mula sa Music Center hanggang sa City Hall ang Grand Park o “parke para sa lahat” ay ang pangunahing lugar ng pagtitipon sa L.A. Ang labindalawang ektarya ng berdeng kalawakan na ito ay lugar para sa mga sibikong tampukan at kaganapang pang-komunidad. Ito ay tahanan ng tatlong pangunahing pagdiriwang — Fourth of July, Día de los Muertos, at New Year’s Eve – kung saan nagtitipon ang Angelenos at ang kanilang mga bisita mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

The Music Center Mga Lugar WALT DISNEY CONCERT HALL · paningin at pandinig ng musika. THE MUSIC CENTER PLAZA Ang The Music Center Plaza ay isang magandang 35,000 square-foot outdoor

  • Upload
    others

  • View
    11

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: The Music Center Mga Lugar WALT DISNEY CONCERT HALL · paningin at pandinig ng musika. THE MUSIC CENTER PLAZA Ang The Music Center Plaza ay isang magandang 35,000 square-foot outdoor

F I R S T S T R E E T

S E C O N D S T R E E T

HO

PE

ST

RE

ET

GR

AN

D A

VE

NU

E

T E M P L E S T R E E T

UE

Go Get Em Tiger

Stairs

The Mullin Wine Bar

Lisa SpechtWelcome Center

Abernethy’s

C+M (Coffee+Milk)

Concert Hall Cafe

Patina Restaurant

Kendall’s Brasserie

Upstage Burger

Cocina Roja

Restrooms

Grand Park

The Music Center135 N. Grand AvenueLos Angeles, CA 90012musiccenter.org(213) 972-7211

Mga Lugar Ang The Music Center ay naglalaan ng isang state-of-the-art experience mula disenyo ng mga gusali nito hanggang sa mga programa at pasilidad na may kabuuang labindalawang ektarya. Ito ay naglalaan ng mga presentasyon sa mahigit na dalawang milyong katao bawat taon.

DOROTHY CHANDLER PAVILIONAng Dorothy Chandler Pavilion na nagbukas noong 1964 ay naging pangunahin at pinakamalaking teatro ng The Music Center. Ito ay naging tanghalan ng napakahusay na mga pagtatanghal sa pamamagitan ng mga kamangha-manghang musika at sayaw ng mga tanyag na tagapagpalabas. Ang Pavilion na may pinakamalaking entablado sa Amerika ay naging tanghalan ng mahigit sa dalawampung Academy Awards mula 1969–1999. Ito ngayon ay tahanan ng LA Opera at Glorya Kaufman Presents Dance at The Music Center.

AHMANSON THEATREAng Ahmanson Theatre na nagbukas noong 1967 ay tahanan para sa iba’t-ibang uri ng pagganap. Kabilang sa napakaraming produksyon ng Center Theatre Group ang mga tanyag na mga aktor at aktres sa Hollywood tulad ni Katharine Hepburn, Elizabeth Taylor, Charlton Heston, at marami pang iba. Naging tanghalan din ito ng mga pre-Broadway runs, best of Broadway, at West End.

MARK TAPER FORUMAng Mark Taper Forum na nagbukas noong 1967 ay ang pinakamaliit na teatro sa The Music Center. Ang bilog na hugis ng gusali ay may natatanging dekorasyon na parang tambol na may panlabas na balot na lace. Ang venue na ito ay mainam na stage para sa pandramang dula at produksyon ng Center Theatre Group.

WALT DISNEY CONCERT HALLAng Walt Disney Concert Hall na natapos noong 2003 ay isang obra maestra na arkitektura na dinisenyo ni Frank Gehry. Ang Concert Hall ay tahanan ng LA Phil at Los Angeles Master Chorale. Ito ay isa sa mga lugar sa mundo na may pinakamahusay na acoustics. Naglalaan ito para magkaroon nang dekalidad na karanasan sa paningin at pandinig ng musika.

THE MUSIC CENTER PLAZAAng The Music Center Plaza ay isang magandang 35,000 square-foot outdoor urban oasis. Ito ay destinasyon para sa sining at pangkomunidad na programa tulad ng napaka-popular na Dance DTLA pati na rin ang iba’t-ibang pagdiriwang, konsiyerto, at kaganapan. Ang plaza ay para sa lahat at binibigyang-buhay ang lakas at dibersidad ng Los Angeles County sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga mapagpipiliang kainan, mga naiibang hardin, isang iconic fountain, at mga tanawin ng Grand Park sa City Hall.

GRAND PARKDahil sa mga napakagandang tanawin sa Grand Park mula sa Music Center hanggang sa City Hall ang Grand Park o “parke para sa lahat” ay ang pangunahing lugar ng pagtitipon sa L.A. Ang labindalawang ektarya ng berdeng kalawakan na ito ay lugar para sa mga sibikong tampukan at kaganapang pang-komunidad. Ito ay tahanan ng tatlong pangunahing pagdiriwang — Fourth of July, Día de los Muertos, at New Year’s Eve – kung saan nagtitipon ang Angelenos at ang kanilang mga bisita mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Page 2: The Music Center Mga Lugar WALT DISNEY CONCERT HALL · paningin at pandinig ng musika. THE MUSIC CENTER PLAZA Ang The Music Center Plaza ay isang magandang 35,000 square-foot outdoor

Eats & TreatsKahit manonood man ang mga tao ng pagtatanghal o bumibisita sila sa DTLA kayo ay malilibang sa masasarap na pagkain at inumin sa mga presyong tama para sa lahat.

ABERNETHY’S Nasa The Music Center Plaza, katabi ng Hope Street abernethysla.comAng Abernathy’s ay isang buong full-service restaurant na may masasarap na pagkain mula sa mga up-and-coming Los Angeles chefs. Ang Abernathy’s ay may iba’t-ibang culinary artists na naka feature ng tatlong buwan. Sila ay magdidisenyo ng personalized dishes na binigyang-inspirasyon ng mga iba’t-ibang tao at kultura sa Los Angeles.

THE MULLIN WINE BARNasa The Music Center Plaza, katabi ng Grand Avenue themullinla.comAng Mullin Wine Bar ay may specialty wines na pinili ng local wine shops at muddles cocktails na nilikha ng local mixologists. Mayroon din silang mga pagkaing para pang pika-pika.

GO GET EM TIGERNasa The Music Center Plaza, katabi ng Grand Avenue gget.comAng Go Get Em Tiger ay may world-class coffee brand at innovative food items para sa bawat ninanais na kape.

UPSTAGE BURGER Nasa The Music Center Plaza, katabi ng Dorothy Chandler Pavilion sa 1st Street at Grand Avenue upstageburgerla.comAng Upstage Burger ay isang walang-katulad na L.A. burger joint na may high-quality burgers, beverages, ice cream, at marami pang iba. Mayroon din itong view ng iconic na Walt Disney Concert Hall.

Ang Tahanan NgCENTER THEATRE GROUPAng Center Theatre Group ay isa sa pinakamalaki at pinaka-maimpluwensyang kompanya ng teatro sa bansa at itinatanghal nito ang ilan sa mga pinaka-importanteng palabas sa ating panahon. Kakaiba ang posisyon ng organisasyon sa pagpapalawak ng epekto nito sa mga tagapanuod, komunidad, at artista. Dahil dito nagiging destinasyon sa mundo ang Los Angeles para sa mga taong mahilig sa teatro at para sa mga lumilikha ng teatro.

LA OPERAAng LA Opera ay isa sa pinaka-kapapanabik at ambisyosong kompanya ng opera sa Amerika. Dedikado ang kompanya sa pagtatanghal ng mga mapanlikha at makabagong produksyon, world premiere commissions, at makabagong produksyon ng mga klasiko na nagprepreserba sa orihinal habang isinasapanahon at ginagawang makabagbag-damdamin and bagong bersyon.

LA PHILBinibigyang bagong kahulugan ng LA Phil kung ano ang ibig sabihin ng isang orkestra. Ang orkestra na ito na kilala sa buong mundo ay nagtatanghal ng mga napakagandang pagtatanghal, cutting-edge music education initiatives, at innovative outreach programs. Pinangibabawan nito ang lahat para paghusayin ang buhay-kultura ng Los Angeles.

LOS ANGELES MASTER CHORALEAng Los Angeles Master Chorale ay kilala ng lahat bilang isa sa mga pangunahing professional choir sa bansa. Ang Master Chorale na tanyag para sa kanilang batikang pagtatanghal, technical precision, at artistic daring ay isang diverse at vocally dynamic na grupo mula sa Los Angeles.

TMC ARTS Sa pamamagitan ng Music Center Arts (TMC Arts) ang mga tao ay nagtitipon sa mga paraang nagbibigay-daan sa kanila para matuklasan ang kanilang pagkatao. Sinasalamin ng TMC Arts ang dibersida at mga interes ng iba’t-ibang mga komunidad sa Los Angeles County mula Glorya Kaufman Presents Dance at The Music Center, mga libre o abot-kayang presyong konsyerto o pagtatanghal, hanggang sa nakaangkop na kaalamanan para sa anumang edad at marami pang iba.

Maligayang pagdating! Maraming salamat sa inyong pagbisita sa The Music Center. Ang The Music Center ay isa sa pinakamalaking performing arts center ng bansa. Ang The Music Center ay tipunan ng mga tagapagtanghal at iba’t-ibang komunidad. Ito rin ay tanghalan ng mga ideya na may kaugnayan sa pangkasalukuyan. Ang layunin ng The Music Center ay maghandog at pagyamanin ang buhay ng bawat taong naninirahan sa Los Angeles County.

Ang pagkilanlan ng mga klasikong sining at makabagong ideya ay mahalagang bahagi sa pagpapayaman ng kultura.

ANG AMING KASAYSAYANAng The Music Center ay nagbukas noong 1964 at sinimulan nito ang bagong panahon ng artistic and civic pride. Itinatag nito ang Los Angeles bilang isang pangunahing puwersa ng kultura sa bansa at sa buong mundo. Alinsunod sa pananaw ni Dorothy Buffum Chandler para sa isang performing arts center na makapagbibigay ng world-class performances at arts education programs, ang The Music Center ay isa na ngayong sentro ng sining at kultura para sa lahat ng Angelenos.

Ang orihinal na The Music Center na dinisenyo ni Welton Becket ay dating binubuo ng tatlong teatro. Sa ngayon, ang apat na teatro ay isa ng bulwagan kung saan ang lahat ay kumokonekta at nagsasama-sama sa pamamagitan ng sining. Sa pagkakaroon ng sariling makabagong programa at apat na kilalang resident companies ang The Music Center ngayon ay tahanan ng pandaigdigang sining at pagtatanghal na libre o sa abot kayang halaga para sa lahat.

musiccenter.org

COCINA ROJA Nasa The Music Center Plaza, katabi ng Ahmanson Theatre sa Temple Street at Grand Avenue cocinaroja.comAng inspirasyon ng Cocina Roja ay nanggagaling sa lasa at walang-katulad na sigla ng Mexico City. Ito ay isang tradisyunal na Mexican al fresco taqueria na may authentic tacos at street fair, at iba’t-ibang mga inumin.

KENDALL’S BRASSERIENasa Grand Avenue, sa ibaba ng Dorothy Chandler Pavilion patinagroup.com Ito ang pinipili ng mga patron at aficionados ng teatro. Ang Kendall’s ay may contemporary French favorites.

PATINANasa Grand Avenue, sa labas ng Walt Disney Concert Hall patinagroup.comIsang award-winning na Michelin-starred restaurant na may contemporary French cuisine na may impluwensiya mula sa ibang mga bansa.

CONCERT HALL CAFÉNasa loob ng Walt Disney Concert Hall patinagroup.comAng casual dining option na ito ay may gourmet selection ng fresh salads, salad bar, cheese plates, sandwiches, daily hot entrees, homemade cookies, beer, at wine.

C+M (COFFEE & MILK)Nasa labas ng Walt Disney Concert Hall patinagroup.comIsang boutique coffee experience na nagse-serve ng Intelligentsia coffee at iba’t-ibang fresh pastries.

Photos from left to right: Los Angeles Master Chorale, photo by Marie Noobergen, Tao Ruspoli; Center Theatre Group, photo by Luke Fontana; LA Opera, photo by Craig T. Matthew; TMC Arts, Malpaso Fielding Sixes, photo by Nir Arieli; LA Phil/Walt Disney Concert Hall, photo courtesy of the LA Phil; Shirley Chung’s Wontons in Chili Oil photo by Albert Law.