72
The 100th Guy Who Passed By Her "I had not believed in destiny... not until I met you." The 100th Guy Who Passed By Her is a story originally written in English and is about "finding what's missing when all is ending." Midori Vivero thought there was nothing missing in her life anymore. Not until she knew something about herself that changed her life forever. She decided to fill in that missing piece by her sudden belief to the power of destiny. But why did she has to empty that filled space again? Originally written by: Felipe Nas Language: Filipino/Tagalog Status: Completed

The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

  • Upload
    others

  • View
    12

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

The 100th Guy Who Passed By Her

"I had not believed in destiny... not until I met you."

The 100th Guy Who Passed By Her is a story originally written in English and is about "finding what's missing when all is ending." Midori Vivero thought there was nothing missing in her life anymore. Not until she knew something about herself that changed her life forever. She decided to fill in that missing piece by her sudden belief to the power of destiny. But why did she has to empty that filled space again? Originally written by: Felipe Nas Language:Filipino/Tagalog Status: Completed

Page 2: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

PROLOGUE--Because sometimes, I want to at least try.--

“86… 87… 88… 89… 90…”Sabi nila wala daw swerte o malas sa buhay. Kung anong dinaranas ng isa, dinaranas rin ng iba.

“91…92…93…”Pero lahat naman daw ng dinaranas ng tao, at lahat ng meron ang tao, mawawala rin balang araw.

“94…”Ang kaso, hindi sabay-sabay kinukuha ni Lord. May iba na nauuna, may iba na nahuhuli.

“95…”Sa tagal ko nang nabubuhay sa mundo ngayon ko lang napagtanto, na kailangan ko rin pala nito. Kaya heto ako, nagbibilang.

“96…”Hindi man nadadaan sa tinatawag na ‘tsamba’ ang buhay ng tao pero susubukan ko. Wala namang masamang sumubok. Wala namang mawawala sa ‘kin eh. Ay… meron pala.

“97… Naku, Lord ang bata naman nito. Ayoko pong makasuhan ng child abuse! Mabuti na lang at 97 pa lang.”

Pero pagsisisihan kong hindi ko ‘to ginawa kung sakaling mawala na nga ‘iyong bagay na iyon.’

“98… Ah… Tao ba ito? Bakit, Lord… Mukhang… ET? Totoo po pala ang alien?”

Konti na lang at malalaman ko na ang resulta ng ginagawa ko. Hindi ako perpektong tao kaya wala akong karapatang magreklamo sa matatanggap ko ngayong araw na ito.

“99… LORD! Siya na lang po! Ang pogi! Ang hawt! Ulam na ulam na ‘to Lord! Sige na po! Isa na lang naman po eh… Saka… malay niyo po may nakaligtaan akong bilangin. Lord, ito na lang po, ha? Okay, Lord! I’m just kidding! Don’t be mad po!”

Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng Diyos ngayon, tatanggapin ko. Katulad ng pagtanggap ko sa ‘bagay na iyon’.

“100…”

Chapter One--ACCEPTING WHAT’S COMING--

Nakatulala akong naglalakad habang iniisip ang mga narinig ko kanina lang. Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako para sa ibang tao na malapit sa ‘kin. Ano na lang sasabihin nila kapag nalaman

Page 3: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

nila ito? Ano na lang ang mararamdaman nila? Binuksan ko ang envelope na kanina ko pang hawak na binigay sa ‘kin ng doktor. Binasa kong muli ang laman nun.Positive. Napailing ako. “Ano ka ba Midori, wala ‘yan. Okay lang ‘yan. Ganyan talaga. Bata ka pa naman eh. Everything’s fine, Midori.”

“Midori!”

Napalingon ako sa tumawag sa ‘kin mula sa likuran ko. Lumapit siya sa ‘kin at niyakap ako. Siguro, alam na rin niya. “Jane,”

“Midori,” narinig kong umiiyak na siya kaya’t humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya para pahiin ang mga luha niya.

“Ano ka ba? Para kang bakla diyan. ‘Wag ka ngang umiyak. Nauna ka pang mag-drama kesa sa ‘kin eh. Okay lang ako.”

“Hindi ka okay.” Pilit ko siyang nginitian. Sya si Philippe Jan Lim, girlfriend ng kuya ko ang kapatid niya. Sabi niya, ang basa daw sa pangalan niya ay ‘Jane’ at hindi ‘Jan’. At kung bakit panlalaki ang pangalanniya, iyon ay dahil sa akala ng nanay niya noong ipinanganak siya ay lalaki siya. Bestfriend ko siya simula pa noong high school hanggang ngayon.

“Sasabihin mo ba sa kanila?”

Sinapok ko siya nang mahina. “Gaga! Syempre naman sasabihin ko. Pwede ba namang hindi?”

Sinapok din naman niya ako. “Gaga ka din! Tatawa-tawa ka pa diyan eh ganyan na nga ang kondisyon mo.”

Lalo akong napatawa. Mahal na mahal ko kasi si Jane. Isa kasi siya sa tatlong kaibigan ko. Hindi naman sa dahil hindi ako friendly pero kasi… walang lumalapit sa ‘kin masyado noon. Kung meron man, hindi ganoong katagal. Palagi kasi akong nahihilo. Ayaw nilang mapag-abutan ng pagkahimatay ko kaya nilalayuan nila ako. At ito nga lang si Jane ang isa sa mga natirang hindi lumalayo sa ‘kin.

“Sige na. May trabaho ka pa. Mauna na ko.”

“Teka, baka kung mapano ka pa pag-uwi mo. Ipasundo na kaya kita kay Ate? Nandito lang din naman yun. O kung gusto mo mag-out ako nang madali para--”

“Jane,” pagpigil ko sa kanya. “Kaya ko ‘to. Bumalik ka na sa ginagawa mo.”

“Sure ka ha?”

“Sure na sure!”

“Sige, goodbye Bessie! I love you!” niyakap niya ako bago siya tuluyang umalis.

Niyakap ko rin naman siya nang mahigpit. “I love you, too, Bessie!”

Sa halip na umuwi na kaagad ay naupo muna ako sa isang bench sa tapat ng ospital. Nag-isip-isip ako.

Page 4: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“You have brain cancer, Midori. At malala na ‘to.”

Naalala ko na naman yung sinabi sa ‘kin ng doktor kanina. May brain cancer daw ako at malala na ito. Ito pala ang dahilan ng madalas na pagkahilo ko noong high school pa lang ako. Ito pala ang dahilan kungbakit bigla na lang nawawala ang pandinig ko kung minsan. Ito pala ang dahilan ng iba’t ibang ka-weirdohang nagaganap sa katawan ko noon pa man. May brain cancer ako. At malala na iyon. Tanggap ko naman na may ganito akong sakit. Ganun talaga. Kung ang ibig sabihin man nitong sakit na ito ay pagkamatay, tanggap ko iyon. Lahat naman ng tao dadaan diyan eh. Ang kaso, una-unahan nga lang.Swerte mo ‘pag nauna ka, sabi nila, ibig sabihin, hindi ka masamang damo. Kaya naman yung iba, pinipiling maging masama, para daw tumagal sila sa mundo. Iyon na ang pinaka-corny na joke na narinig ko.

“Haaaay, Midori. Bakit ba masyado kang optimistic?” tanong ko sa sarili ko na kahit ako ay napatawa. Kung ibang tao siguro, nagwawala na sa mga panahong ito dahil sa may ganito silang kalagayan.

Pero bakit naman ako magwawala? Kumpleto at masaya ang pamilya ko. Hindi na nagtatrabaho si Papa at Mama dahil sinusuportahan na sila ni Kuya Avril. Si Kuya naman, kayang-kaya na niya ang sarili niya dahil mayaman na siya. Nakapagpatayo na siya ng sarili niyang bahay at rest house. May tatlo na siyang kotse. Tapos ni-regaluhan na din niya ako ng kotse. Tinupad na din niya ang pangarap nina Papa at Mama na tumira sa Paris. Masaya na siya sa girlfriend niyang si Ate Flip at ilang buwan na lang ay ikakasal na sila. Si Jane naman ay may trabaho na rin, kaya na niyang mamuhay mag-isa kahit pa namatay na ang Daddy niya. Sina Jane at Ate Flip na rin ang sumusuporta sa Mommy nila.

Wala na kong problema. Madali nang iwan ang lahat ng bagay.

“Kung mapabayaan natin ang sakit mo, anytime pwedeng kumalat ang cancer cells. At ang mahirap pa, nasa utak mo na sila, Midori. Kung ngayon, nahihilo ka lang, hindi natin alam sa mga susunod na araw kung ano na ang pwedeng mangyari.”

Anong pwedeng mangyari? Ano nga ba? Hindi ko rin alam kung ano. Wala akong masyadong alam sa sakit ko.

“I suggest you stay here in this hospital, Midori, so we can observe you. We have complete facilities that can help you with your cancer. Tanggapin mo lang ng maluwag ang therapy at mga activities na gagawinpara gumaling ka and everything will be fine.”

“But what if everything will not be fine?”

“Silly. Of course, magiging maayos ang lahat.”

“Paano nga po kung hindi?”

Umiling si Dr. de la Fuente. “Let’s talk about it, soon.”

Ano nga ba ang pwedeng mangyari sa ‘kin kung sakaling hindi ako gumaling? Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone ko.

Page 5: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Hello?”

“Baby, where are you? Aren’t you coming home yet? The dressmaker’s waiting for you.”Napangiti ako. Natataranta na kasi ang boses ni Kuya Avril sa telepono. Siguro susukatan na ko ng isusuot kong gown para sa kasal nina Kuya Avril at Ate Flip.

“Bukas na lang, Kuya. Baka mamaya pa ako makauwi eh.”

“Okay. Are you fine? You sound lonely. Are you with Jane now?”

“Hindi, may trabaho siya eh. Kuya…”

“Yes, baby?”

“I love you.”

Tumawa si Kuya sa kabilang linya, dahilan para pumatak ang isang luha mula sa mata ko.

“Of course, Kuya loves you, too. Is there something wrong? You should be happy. I’m getting married soon, Midori. Don’t you want me to get married and have my own family?”

Pagkatapos ng isang luhang iyon ay may sumunod pang isa. At may sumunod ulit. At may sumunod ulit. Hanggang sa tuluyan ng lumagaslas ang mga luha sa mata ko. Naisip ko lang kung anong mangyayari kapag nalaman ni Kuya Avril ang tungkol sa sakit ko. Alagaan niya kaya ako katulad noong bata pa kami kapag may lagnat ako? Magbabago ba lahat ng iyon kapag ikinasal na siya? Paano na ako? Sino na lang ang magmamalasakit sa akin lalo na ngayong may malala akong sakit?

Ibinaba ko na ang tawag na iyon nang hindi ko man lang sinasagot ang tanong ni Kuya. Ayoko namangmarinig niyang umiiyak ako. Hindi naman sa ayaw ko siyang ikasal, sa totoo nga lang, masayang-masayaakong ikakasal na ang Kuya ko. Wala kasi sa ugali niya ang magkaka-interes sa babae. Pero ngayon, heto siya, busy para sa nalalapit niyang kasal. Kakausapin ko na lang siya pag-uwi ko mamaya. Sa ngayon, dito muna ako. Habang hindi pa ako handang humarap sa kanila.

“You might need this.”

Nilingon ko ang panyong hawak ng isang kamay sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin para malaman kung sino iyon. Nginitian ko siya at kinuha ang panyo sa kamay niya. Pinahid ko ang mga luha sa mukha ko.

“Salamat.”

Umupo siya sa tabi ko. “Why are you here… alone and crying?”

“Why are you here, too?”

Nagkibit-balikat siya. “Kasi nandito ka? I don’t really know.”

“Nasaan yung kakambal mo?”

Page 6: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Tiningnan ako ni Dwaine na parang nagsasabing, “Siya pa rin?”

“Dwaine, tinatanong ko lang kung nasaan siya. Kung anoman yung nangyari nung college tayo, tapos na yun. Get over it, okay?”

“Ang hirap eh.”

“Dwaine…” pagtawag ko sa pangalan niya na parang nagmamakaawa.

Kaklase ko si Dwaine simula pa noong high school hanggang noong third year college ako. Matagal nang nagsasabi sa ‘kin ni Dwaine na may balak siyang ligawan ako pero hindi ako pumayag dahil ayoko pangmakipagrelasyon kahit kanino. Nagkahiwalay kami noong fourth year college na kaming dalawa at naging kaklase ko naman ang kakambal niyang Shian. Kung gaano kami ka-close ni Dwaine ay naging ganoong ka-close ko din si Shian dahil parang iisa lang silang dalawa. Katulad ni Dwaine, nagsabi rin si Shian sa ‘kin na liligawan niya ko pero hindi pa rin ako pumayag dahil ayoko pa rin. Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari sa kanilang dalawa. Basta ang huling nabalitaan ko lang ay nag-away daw silang magkakambal hanggang umabot sa punto na isa sa kanila ay kailangan pang lumayo at mangibang bansa. Pagkatapos noon, wala na akong nabalitaan pa. Sa tingin ko ay si Shian ang umalis dahil palagi kong nakikita si Dwaine kung saan-saan. At alam ko sa sarili ko, na kahit wala akong ginawang masama, ako ang dahilan ng pagkasira ng magandang relasyon nilang magkapatid.

At nakokonsensya ako dahil doon.

“Just love me. That’s all you have to do, Midori.”

“Pwedeng bang ‘wag na nating balikan ‘yan—”

“Bakit ba ayaw mo sa ‘kin?”

“Dwaine, hindi sa ayaw ko sa’yo. Gusto kita. Gustong-gusto. Pero bilang kaibigan lang. At hanggang doon na lang iyon.”

“Because of Shian?”

“It’s not because of Shian. It’s just that I don’t want a boyfriend right now.”

Iniiwas ni Dwaine ang tingin niya sa ‘kin at hindi siya nagsalita.

“Dwaine, may mga bagay na gusto natin pero hindi naman para sa ‘tin kaya kailangan na lang nating tanggapin.. tanggapin na kailangan na natin silang iwan at tanggapin kung anong bagong darating,”

Tumawa nang mahina si Dwaine. “Why Can’t You Love Me by Kyela Marjorene, right?”

Ngumiti ako. Paboritong banda kasi namin ni Dwaine ang Kyela Marjorene. At maging mga mensahe ng kanta nila ay naisasabuhay ko na.

Page 7: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“They say the best things in life are for free. But why isn’t she. I just want her… want her a lot. It’s just that “we” is a “cannot”.”

Pinapanood ko lang si Dwaine habang kinakanta niya ang Why Can’t You Love Me. Nakangiti siya habang kinakanta niya iyon. Isa si Dwaine sa mga nagbibigay ng lakas sa ‘kin. Kahit pa may mga bagay kamingpinagtatalunan katulad na lang ng pagpipilit niya ng nararamdaman niya sa ‘kin, kailangan ko rin siya sa buhay ko. Kailangan ko ng isang kaibigang katulad niya lalo na ngayon.

“I guess I just have to leave this big bad mess. I’ll leave her behind, then I’ll move… move forward.I’ll accept what’s coming And accept that she’s leaving… But still, but still, but still…

Answer me: Why Can’t You Love Me?”

Niyakap ko si Dwaine na ikinagulat naman niya. “Dwaine, kailangan kita. Kaya lang, ‘wag mo nang ipilit ang hindi pwede. Kasi ‘pag ginawa mo ulit yun, baka maiwala na kita.”

“Yeah, yeah. I’m sorry.” Tinapik niya ang likuran ko at niyakap ako nang mahigpit bago siya humiwalay sa ‘kin. “So, I guess, this is how it all ends. I’ll still be here, don’t worry. I’ll just leave my crazy feelings behind and accept what’s coming.”

“Thank you.”

Tanggapin kung anong darating. Marami pa sila, Midori. Maraming-marami pa.

Chapter Two--‘COUNT’ YOUR BLESSINGS--

“Ano pa bang kulang?”

Kinagat ko yung ballpen na hawak-hawak ko habang nag-iisip kung ano pa bang kulang sa buhay ko. Napa-praning na nga siguro ako. Binibilang ko lahat ng ‘blessings’ sa buhay ko. Kailangan ko kasing alamin kung ano pa bang hindi ko nagagawa sa buhay ko. Bago pa lalong lumala ang sakit ko, pupunan ko na lahat ng pagkukulang ko.

“God. Check. Family. Check. Community. Check. Friends. Check. Special persons. Check.”

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong tawagan ang mga taong malapit sa akin para magtanong sa kanila. Nagbabakasa-sakali akong matutulungan nila ako.

“Hello, Philippe Jan Lim (read as “FILIPE JAN LIM”),”

“’Wag mo nga akong tawaging ganyan! FYI, it’s Philippe Jan Lim (read as “FILIPA JANE LIM),”

Tumawa ako. “Joke lang! Bess, tulungan mo naman ako. Ano pa bang kulang sa buhay ko?”

Page 8: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Anong ‘anong kulang’? Gusto mo malaman? Utak mo. Kulang-kulang.”

“Bessie, seryoso tayo, okay? Umayos ka nga. ‘Pag nagwala itong mga cancer cells ko, sige ka.”

“Ayy! Joke lang, Bessie! Bakit ano bang gagawin mo? Nasa’n ka ba at pupuntahan kita?”

“’Wag na! Gusto kong mag-isa ngayon. Babawi na lang ako bukas sa’yo basta ang gawin mo ngayon ay sagutin ang tanong ko. Nang seryoso!”

“Sige na nga. Ahm… Ang kulang sa ‘yo… ay boyfriend. Ayan, Bessie. Seryoso ‘yan ha.”

“Ah, sige, Bess. Goodbye!”

Binaba ko na yung telepono ko. Napaka-walang kwenta naman ng isinagot ni Jane. Tumawag ulit ako sa ibang tao naman… “Hello, Kuya...”

Tinanong ko rin si Kuya katulad ng tanong ko kay Jane. “Umuwi ka na lang dito. Four p.m. na ah. Asan ka ba?”

“Kuya, okay lang ako. Promise. Uuwi din ako nang ligtas! Basta, kailangan ko ng sagot ngayon na.”

“Boyfriend. Tapos magpahatid ka dito. Umuwi ka na.”

Nagpaalam na ko kay Kuya. Katulad ni Jane, walang kwenta din yung sagot niya. Naiinis lang siguro yung dahil wala pa ako sa bahay. Tinawagan ko rin si Dwaine at Ate Flip. “Boyfriend” rin ang sabi nila. Kahit si Papa at Mama na nasa Paris ngayon, iyon din ang sagot. Sa totoo lang hindi ko naman kailangan nun eh. Wala namang maganda dun. Siguro kumpleto na ang buhay ko Napagpasyahan kong umuwi na nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

“Hello, Jane?”

“Anong nangyari sa quest mo?”

“Eto. Pare-pareho kayo ng sagot eh. Boyfriend. Aanhin ko naman yun?”

“Bessie, ang KJ mo talaga! Gusto mo bang tumandang dalaga?”

“Eh, ayoko ng boyfriend eh.”

“Midori Vivero, umayos ka nga! Try mo lang. Makipag-date ka lang. Kahit ‘yang si Dwaine, patulan mo na. Date lang naman ‘to, Bess. Isang beses lang.”

“Dating Dwaine is something crazy.”

“Then be crazy! Isang beses lang naman Bess. Para maranasan mo lang. Wala namang mawawala sa’yo eh. Mabait na bata ka naman. Hindi mo naman siguro ipamimigay ‘yang ‘chuchu’ mo.”

Page 9: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Anong ‘chuchu’?”

“Wala! Makipag-date ka para lumigaya ang buhay mo.”

Pagkatapos noon ay nagpaalam na si Jane. Naglakad na ako pauwi. Bakit ko naman gagawin ang sinasabi ni Jane, eh kalahating tao, kalahating baliw si Jane.

Sa paglalakad ko ay napadaan ako sa Enigma. Isa iyong “lovers’ park”. At siyempre, nakita ko ang iba’t ibang uri ng ‘lovers’ na meron sa mundong ito. Hindi ko naiwasang manood. Maraming pumupunta doong single at naghahanap ng ‘makaka-double’ Subukan ko kaya? Wala naman sigurong masama eh. Isang beses lang naman. Gusto ko lang maranasan bago pa… bago pa lumala ang sakit ko.

Napapikit ako nang dinala na lang ako ng mga paa ko papunta sa Enigma. Bahala na si Batman.

******

“One… two… three…”

Nagsimula na akong magbilang ng mga dumadaan sa harapan ko. Napagpasyahan kong ang pang-isandaang lalaking dadaan sa harapan ko ay yayayain kong makipag-date. Bahala na talaga. Hindi na lang siguro ako magpapakilala ng totoo kong pangalan sa lalaking iyon. At sisiguraduhin kong ito ang huling beses naming pagkikita.

Bahala na talaga.

“Twenty-four… twenty-five… twenty..s…s…six…” hindi ko pa mabigkas ang huling numerong iyon dahil ‘bading’ yung dumaan. Bigla akong kinabahan. Paano kung bading yung pang-isandaang lalaking dadaan?

Bahala na talaga.

“Fifty-eight… fifty-nine… sixty… Manong, pabili!” Tinawag ko yun pang-sixty na lalaki para bumili ng paninda niya. Matanda na siya at nagtitinda siya ng ice cream. Pagkabili ko ng ice cream ay kinabahan ako. Paano kung matanda ang pang-isandaang lalaking dadaan?

Bahala na talaga.

“Seventy-seven… seventy-eight… seventy-nine… E-eight…”

Sinundan ko ng tingin iyong pang-eighty na lalaking dumaan. Tumatakbo siya at may hinahabol na isang babaeng umiiyak.

“Kawawa naman iyong babae, ano kayang nangyari?” Bigla akong kinabahan. Paano kung ganun din ang eksenang ginagawa ng pang-isandaang lalaking dadaan?

Bahala na talaga.

Page 10: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“97… Naku, Lord ang bata naman nito. Ayoko pong makasuhan ng child abuse! Mabuti na lang at 97 pa lang,” masyado kasing bata ang dumaang lalaki.

“98… Ah… Tao ba ito? Bakit, Lord… Mukhang… ET? Totoo po pala ang alien?” Bigla kong natapik ang bibig ko. Ang sama kasi ng sinabi ko.

“99… LORD! Siya na lang po! Ang pogi! Ang hawt! Ulam na ulam na ‘to Lord! Sige na po! Isa na lang naman po eh… Saka… malay niyo po may nakaligtaan akong bilangin. Lord, ito na lang po, ha?” Ang gwapo kasi ng lalaking iyon. “Almost perfect” kumbaga. Nakakatakot kasi kung sinoman ang pang-isandaang lalaking dadaan lalo na’t kung ano-anong uri ng lalaki ang dumaan sa harap ko. Ang masama pa, nakakatakot yung iba. Pero biglang kumulog kahit para namang hindi uulan. Isa lang ang ibig sabihin ito. “Okay, Lord! I’m just kidding! Don’t be mad po!”

Huminga ako nang malalim at pinagsalikop ang mga kamay ko. Ito na. Kung sinoman ang susunod na daraan, siya na. Hindi na ako pwedeng umayaw, dahil ito na yong hinihintay kong pagkakataon. Matapos ang matagal kong paghihintay, magbubunga na ang lahat. At kung sino man iyon…

Bahala na talaga.

“100…”

Chapter Three--Too much fame means missing freedom so much.--

“Akin nga kasi si Maisen!”

“Bitiwan mo nga siya! Binili ko siya!”

“Ang kapal niyong dalawa! Priceless ang Maisen ko! Mga feeler kayo!”

Nakapamaywang kong pinapanood ang tatlong babae sa harapan ko na nagtatalo-talo kung sino nga ba sa kanila ang girlfriend ko. I have tons of them. At syempre, lahat sila alam na palikero ako. Pero lahat rinsila, naniwalang magbabago na ko at isa na lang ang mamahalin ko.

Naglakad na kong palayo. Nakakarindi. Kung pagtatalunan din lang naman nila ako at kung gusto nilang isa lang ang piliin ko sa kanila, mabuti pang i-break ko na sila lahat.

“Teka, Maisen! Sa’n ka pupunta?” Sinundan nila akong tatlo.

“Break na tayo,” sigaw ko sa kanilang hindi sila nililingon. Kung bakit naman kasi…

“Hindi pwede!” nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ni Jarisse mula sa likuran ko. “Akin ka lang!”

“Hindi! Akin siya!” niyakap rin ako ni Larraine.

“Bitiwan niyo nga siya!” inalis ni Denice ang mga kamay na nakapulupot sa ‘kin at saka ako niyakap.

Page 11: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Hey! Why are you embracing my Maisen?” I heaved out a sigh. Of all the people, why is it another girlfriend of mine who came?

Hinigit ng bagong dating na si Marissa ang buhok ni Denice. Syempre, hindi papatalo si Denice kaya’t hinigit din niya ang buhok nito. Hanggang sa tuluyan na silang magsabunutan. Nagkakagulo na ang mgababae doon at nakita ko iyong pagkakataon para makatakas. Lagot na!

Tumakbo ako nang mabilis.

“Maisen!” maya-maya pa ay may dalawang panibagong babae na ang humahabol sa ‘kin. Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko. Ito naman palagi ang ginagawa ko kapag dumarating na iyong ganitong pagkakataon.

“Ahhhhhhh!” napalingon ako sa likuran ko nang makarinig ako nang isang malakas na sigawan mula doon. At lalo akong napakaripas ng takbo nang makita ko kung ano iyon.

“MAISEN DE LA FUENTE, HERE WE COME!”

“Sh*t!” lumiko ako sa kanan ko para medyo ilagaw sila ng daraanan. Nagsimula ako sa tatlong babae, na naging apat, nawala sila lahat at nagkaroon ng dalawa. At ang nangyayari ngayon ang hindi ko maipaliwanag. Sa unang pagkaktaon nangyari ito sa ‘kin.

‘Literal’ akong hinahabol ng sangkatutak na kababaihan. Lalo ko pang binilisan ang takbo ko. Hindi ko na inintindi kung sino-sino bang mga babae iyong humahabol sa akin. Kung lahat ba sila ay girlfriends ko o hindi. Takbo lang ako nang takbo.

Habang tumatagal ay napapagod na ko. Kaya naman nang mapadaan ako sa isang shop ng kaibigan ko ay agad akong pumasok doon.

“O, Maisen, hapong-hapo ka yata ah. Sarado nga pala ang shop.

May bibilhin ka ba?”

Umupo ako sa couch sa gilid ng shop na iyon at isinandal ang katawan ko sa malawak na sofa. Simula nang manalo kami ng banda ko sa Asian Jam na ginanap sa Palawan, lalo ako at ang mga kabanda kong nawalan ng kalayaang enjoy-in ang mundo. Naging napakakontrobersyal kasi ng pagkapanalo namin at dahil doon, napunta sa amin ang simpatiya ng tao. Oo nga, sikat naman na talaga kami dahil palaging nananalo ang banda namin sa mga band slams. At isa pa, kami ng mga kabanda ko ay nagmula sa elite na pamilya. Pero iba kasi ngayon. Ibang-iba kesa noon.

“Blanche, cover me something… something that… they won’t be able identify me,” hapong-hapong sabi ko sa kaibigan kong si Blanche na isang fashion designer.

She smiled at me as she puts her measure tape at the table. “Sure.

Are you going on a date?”

Page 12: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“No. I want freedom even just for today.”

“Sure. No prob.”

Matapos noon ay dinamitan na ako ni Blanche ng hoodie. Nilagyan niya rin ako ng contact lenses kahit may sunglasses naman ako para raw in case na matanggal ang salamin ko ay hindi mahahalatang ako iyon. Marami pa siyang ginawa sa mukha ka pati sa hair style ko na talaga ngang nakakapanibago sa itsura ko though kapag tinitigan mo ko, alam mo pa ring si Maisen ako. Well, I can’t cover up such handsome face. Naglakad-lakad ako habang nag-iisip. Sinubukan kong pumunta sa isang theme park pero sa entrance gate pa lang ay pinagtitinginan na ako. Tila sinusuri ako ng mga tao. Iniisip siguro nila kung ako nga ba si Maisen de la Fuente o hindi. At dahil doon, hindi na ko tumuloy pa sa theme parkna iyon.

Paano ko naman ma-e-enjoy ang mundo kung ganito rin pala ang mangyayari sa ‘kin? Hanggang sa namataan ng mga mata ko ang isang lugar… Noong una, ayoko pang pumunta doon dahil sabi nila, isa daw iyong lovers’ park at kapag pumasok ka doon, may kanya-kanyang mundo raw ang mga tao. Sabi rin ng mga kakilala ko, cheap daw ang parkeng iyon. Naglipana ang PDA. Well, that was a lovers’ park so what should I expect?

Bahala na.

Ang mahalaga naman walang pakialam sa ‘kin ang mga tao dito. Hindi naman mukhang pangit yung lugar dahil mukha namang convenient.

Bahala na kung ano mang mangyari sa ‘kin dito. Pero sana lang…

MAGING MASAYA AKO NGAYONG ARAW NA ‘TO.

Chapter Four--Because it's the beginning, it's good.--

"100."

Dahan-dahan akong tumayo at lumapit doon sa pang-isandaang lalaking dumaan. Tumigil pa ako saglit. Tama bang lumapit ako? Tama bang ituloy ko pa 'to?

"Ano ka ba Midori," bulong ko sa sarili ko. "Nandyan na eh."

Oo nga. Sinimulan ko 'to. Tatapusin ko. Bahala na si Batman. Bahala na siya talaga.

"GOTCHA!" pinigilan ko siya sa braso.

Tumingin siya sa 'kin na parang sinusuring mabuti kung sino ako.

"Hi! Wala man lang bang 'hello'?"

Tumingin-tingin muna siya sa paligid niya at saka ulit tumingin sa akin. Pero hindi siya nagsalita. Ano ba naman itong napili ko. Absent yata nung tinuruang magsalita ng teacher nila.

Page 13: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

"Wala ka nang magagawa. Wala ka nang takas. Sa ayaw at sa gusto mo, mag-de-date tayo." Kinindatan ko pa siya at nginitian para man lang baguhin ang atmopshere sa pagitan namin. Pero kumunot lang yung noo niya. Iiwan ko na sana siya dahil hindi naman siya nagsasalita o kumikibo man lang. Nang biglang...

"Sure. Where's the place?" hinila niya ako palapit sa kanya at inakbayan. Nagulat pa ko lalo nang igiya niya ko sa kung saan. Kung kanina ako ang nagyaya, ngayon naman, nabaligtad ang sitwasyon.

"A-ahhh... Teka... Dahan-dahan naman." Tumigil ako sa paglalakad at inalis ang pagkakaakbay niya sa 'kin. Wala naman akong alam sa mga ganito pero parang ang bilis naman kasi. Ngayon lang naman kaminagkakilala tapos akbay kaagad?

"Why? You said you want a date with me, right? Don't worry, I don't bite. I never had sex even with my exes so you don't have to worry. I'm also not a member of a syndicate group. Hindi ko kukunin ang internal organs mo. At lalong hindi ako pimp. Do I look like one?"

Naningkit ang mga mata ko. Di bale na. Kahit ano pa man itong lalaking ito. Mukha namang magiging masaya ang date namin. At isa pa gwapo naman siya. Makinis ang mukha. Parang mayama. Hindi namansiguro siya gagawa ng masama. At subukan lang niya nang matikman niya ang flying kick ko!

"Let's go then."

******

"Wow! Ang galing! Ako naman!"

Inagaw ko yung gitara sa kanya. Nagpunta kasi kami sa isang amusement park na malapit lang sa Enigma. Nahihiya pa nga ako kanina nung pumasok kami. Tingin kasi nang tingin yung mga tao sa amin. Sabi na lang niya 'wag ko na lang daw pansinin yung mga yun. Siguro daw naiinggit lang sila.

Nagsimula na kong mag-pluck nung mga strings nung gitara depende sa kung anong lalabas sa screen. Ang daya-daya talaga niya. Perfect yung score niya eh. Siguro saulo na niya yung dapat i-pluck.

Samanatalang ako, ang easy na nga lang ang level of difficulty hindi ko man lang ma-perfect.

"Ang daya!" Hindi ko natapos yung laro dahil nag-game over na dahil ang dami kong maling pluck.

Tumawa siya nang mahina. "Tara na! Pabayaan mo na 'yan. Maganda ka pa rin naman kahit talo kita."

"'Wag mo nga kong bolahin."

"Bola? Bakit? Ano bang sinabi ko?"

"Sabi mo kasi maganda ako."

"Ha? May sinabi ba kong ganun?"

Page 14: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

"Oo kaya! Sabi mo maganda ako! Bolero!"

"Ha? Wala akong sinabing maganda ka. Sabi ko, tara na. Ikaw talaga, nag-i-ilusyon. Crush mo ko 'no?"

Napaubo ako bigla sa samid dahil sa sinabi niya. "Ano? Di ah. Grabe ka ha."

"Sus. Tara na nga... ganda." Tumalikod na siya sa 'kin at naglakad palayo. Hindi ko tuloy maintindihan ang gagawin ko. Sinabi naman kasi talaga niyang maganda ako. Tapos ngayon sasabihin niyang ilusyunada ako at may gusto sa kanya?

Ang sunod naman naming pinuntahan ay yung horror house.

"O, takot ka ba?" Nagulat ako nang bigla siyang kumapit sa braso ko nang mahigpit kahit wala pa kami sa loob ng horror house.

"H-Hindi ah!"

"Tatanggi ka pa eh halata namang takot ka eh!"

"Hindi nga sabi!"

"Talaga?"

"Oo!"

"Bubuhayin ko 'yang patay na kuko mo 'pag hindi ka nagsabi ng totoo."

"Buhayin mo na lang ang puso kong matagal nang patay na patay sa'yo."

Tinampal ko yung noo niya. Sa lahat naman ng lalaking pwede kong maka-date, ito pang corny na duwag na hindi nagtatanggal ng shades kahit gabi na at jacket kahit ang init-init. Ang laki siguro ng problema nitong lalaking 'to.

Nag-enjoy naman kami sa mga pinuntahan namin. Worth it naman ang gabing ito. Hanggang sa nakaramdam na ako ng pagod. Nag-aalala ako kasi baka mamaya mahilo na naman ako at mahimatay. HIndi ko naman lubusang kilala ang lalaking ito kaya hindi pa sapat ang maghapong kasama ko siya para pagkatiwalaan ko kaagad siya ng sarili ko.

"Tara, pahinga naman tayo? Upo tayo dun oh," itinuro ko yung mga benches na nasa gitnang park.

Kinuha niya bigla yung nakaturo kong kamay. "'Wag na diyan. Enjoy muna tayo, last na. Please?"

Tiningnan ko yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Please?"

Nabigla na lang ako nang halikan niya ang kamay ko. Babawiin ko sana iyon. Pero sabi nga ng teacher namin noong high school, ang paghalik daw ng lalaki sa kamay ng babae ay isang uri pa rin ng paggalang. Kaya maaaring paggalang nga ang kahulugan noon. Kaya naman pumayag na rin ako...Dinala niya ako sa ferris wheel ng amusement park. Kinausap niya pa yung nagpapaandar ng Ferris

Page 15: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Wheel at may inaabot doon. Nagulat na lang ako nang pababain nito yung mga taong nakasakay na doon at naghihintay na mapuno ang ferris wheel. Pagkatapos noon ay hinila na niya ko papasok sa isang car sa ferris wheel at pinaandar na yun. Sa totoo lang, na-touch ako sa ginawa niya. Sa dami ng nakapaikot na cars sa ferris wheel, kami lang dalawa yung tao dito. Nagulat pa ko nang pagdating satuktok ay biglang tumigil yung wheel.

"Don't be afraid. Talagang titigil yan at one hundred eighty degrees," nginitian niya ko.

“Ba-bakit pinababa pa yung ibang tao? Bakit tayo lang ang nandito? Kawawa naman sila.

"May gusto lang akong sabihin sa'yo."

Biglang may kumabog sa dibdib ko. HIndi ko alam kung ano iyon. Parang bigla akong kinabahan.

"I had many girlfriends already."

"Ah... Eh... Oh?" Palihim kong kinurot yung sarili ko. Hindi ko kasi alam kung bakit ako nagkakaganito. Hndi ako makasagot dahil sa kaba sa dibdib ko.

"Kanina, nung una mo kong nakita, hinahabol ako ng mga girlfriends ko noon. Girl friends. Yeah. Hindi lang ako two-timer. Maraming babae ang kaya kong pagsabayin at one time. Dahil hindi pa ko nagseseryoso sa relationships kahit kelan. Meron sa Japan, California, Brazil, Australia, Korea, China, SIngapore, France... marami pa sila." Nanatili lang akong nakatingin sa kanya dahil wala naman akong masabi. Hindi ko nga alam kung bakit siya nag-sheshare ng ganitong bagay sa 'kin.

"Hindi pa ko nagseryoso sa babae sa tanang buhay ko pero... Sa tingin ko..."

"Sa tingin mo?"

"I think... I think...

I LIKE YOU."

Chapter Five--Accept the fact that you fell in love.--

May mga bagay lang talaga na ang hirap ipaliwanag. Naglalakad lang ako kanina, sinusubukang lumayo sa magulong mundo ko. Nang biglang may isang babaeng humatak sa akin. Ang nakakagulat pa doon, niyaya niya akong makipag-date sa kanya. Noong una, hindi ako nagsalita. Iniisip ko kasing niyayaya niya ko dahil alam niya na ako si Maisen de la Fuente. Pero noong tatalikuran na niya ako dahil nga sa hindi ako nagsasalita, hinigit ko siya at inakbayan. Hindi niya ko kilala. She aroused my interest. Well, sanay naman ako na kung kani-kanino lang nakikipag-date, ano bang bago dito?

Akala ko noong una, katulad lang siya ng ibang babae. Nakikipag-date dahil sa ‘woman needs’ nila. Pero iba talaga siya. Sa buong maghapong kasama ko siya, hindi niya ko tinuring na isang ka-date, kundi isang kaibigan. Parang ang tagal na naming magkakilala. Hindi siya maarte. Obviously, she’s a conservative lady. Lalo pa kong naging

Page 16: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

interesado sa kanya. Kahit ngayon pa lang kami nagkasama, parang gusto ko pang maulit itong araw na ‘to. Hindi siya ang pinakamagandang babaeng nakita ko. Hindi rin siya ang pinakasexy o pinakamputi. Pero sa lahat ng baabeng kilala ko, siya lang yung gusto kong makita araw-araw.

Yeah, I’m totally a playboy. But this girl is changing my life style.

"Tara, pahinga naman tayo? Upo tayo dun oh," itinuro niya yung mga benches sa gitna ng park. Mukhang pagod na siya. Ang dami na rin kasi naming pinuntahan at ginawa ngayong araw na ‘to.

Kinuha ko yung nakaturong kamay niya. "'Wag na diyan. Enjoy muna tayo, last na. Please?"

“Please?” Hinalikan ko yung kamay niya. Muntikan ko pang masuntok ang sarili ko sa harap niya. Kahit ako kasi nabigla sa ginawa ko. Iniisip kong baka sampalin niya ako o biglang iwan dahil sa ginawa ko. Kung yung ibang babae kasing dine-date ko kahit halikan ko sa kung saan-saan, naisisyahan pa. Pero iba kasi talaga siya. Siya yung babae na ang sarap igalang.

Pero hindi… nganitian niya pa ako at sumama siya sa ‘kin. Dinala ko siya sa ferris wheel ng park. Gabi-gabi kasi ay may nagaganap na fireworks display ditto sa park. At malapit na iyon. Kasabihan ng mga tao ditto na kung sino daw ang kasama mo sa ferris wheel habang nagaganap ang fireworks display ay siyang makakatuluyan mo. Before, I thought that was a very corny belief but now… There’s no harm in trying right?

Binayaran ko pa yung nagpapaandar ng ferris wheel para pababain lahat ng nakasakay doon. Gusto ko kasi kami lang dalawa yung nandito. I want to make this night special for us. Yeah… I know it sounds weird na ang isang playboy na kagaya ko ay nagkakaganito.

Sumakay na kami sa ferris wheel. Parang nagulat pa siya dahil biglang tumigil yung wheel nung nasa tuktok na kami. Kaya naman nginitian ko siya

"Don't be afraid. Talagang titigil yan at one hundred eighty degrees,"

"Ba-bakit pinababa pa yung ibang tao? Bakit tayo lang ang nandito? Kawawa naman sila."

"May gusto lang akong sabihin sa'yo."

Hindi siya nagsalita kaya naman nagpatuloy na ko.

"I had many girlfriends already."

"Ah... Eh... Oh?"

"Kanina, nung una mo kong nakita, hinahabol ako ng mga girlfriends ko noon. Girl friends. Yeah. Hindi lang ako two-timer. Maraming babae ang kaya kong pagsabayin at one time. Dahil hindi pa ko nagseseryoso sa relationships kahit kelan. Meron sa Japan, California, Brazil, Australia, Korea, China, SIngapore, France... marami pa sila. Hindi pa ko nagseryoso sa babae sa tanang buhay ko pero... Sa tingin ko... “

"Sa tingin mo?"

Page 17: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

"I think... I think... I like you.”

“Oh? Hahahaha! ‘Wag ka ngang magpatawa diyan!”

“Seryoso ako. I have this strange feeling for you. Sa’yo ko lang ‘to naramdaman ngayon lang. Do you know how happy I am today? I thought you’re just like any other girl out there. But, no. Ikaw yung babaeng gusto kong igalang. Yung gusto kong alagaan.”

“Akala mo lang ‘yan. Imposible ‘yang sinasabi mo. Ngayon lang tayo nagkakilala,” seryosong sabi niya.

“Yun na nga eh. Ngayon lang tayo nagkakilala pero… Pero.. Do you believe in love at first sight? Alam ko ang corny. Kadiri talaga. Kahit ako kinikilabutan sa mga sinasabi ko. Pero don’t you get it? Ngayon pa lang tayo nagkakilala pero ganito na agad ang nararamdaman ko para sa ‘yo?”

“Tigilan mo na ‘yan. ‘Wag ako. Malapit na ang expiration date ko.”

Noon ko lang napansin na nasa ibaba na pala ulit kami ng ferris wheel. Ang bilis ng oras. Dali-dali siyang lumabas pinto noon. Pipigilan ko sana siya pero bigla niya ko ulit hinarap.

“’Wag mo na kong susundan. Salamat sa panahon,” pagkasabing-pagkasabi niya noon ay binilisan na niya ang lakad niya palayo.

“Teka!” sigaw ko sa kanya. “Can I have your number?

“I don’t have one!” sigaw niya pabalik sa ‘kin nang hindi man lang ako nililingon.

“You haven’t introduced yourself to me! What’s your name, Miss?”

“Betty! My name’s Betty!”

“Nice meeting you, Betty! I am Maisen! Maisen de la Fuente of Kyela Marjorene!” Sinubukan kong ipakilala sa kanya kung sino talaga ako. Nagbabakasakali akong babalik siya ‘pag nalaman niya akon pala si Maisen de la Fuente pero hindi. Hindi man lang niya ko nilingon.

Maya-maya pa ay may narinig akong ingay. Nalimutan kong marami nga palang tao doon. Narinig nila kung sino ako. Maya-maya pa ay may lumapit na dalawang babae sa akin at nagtanong kung pwedengmag-pa picture. Pumayag ako. Pero nang lingunin ko ulit si Betty sa kung saan siya naglalakad kanina, nawala na siya. Hindi ko na siya nakita. Hindi nagtagal ay dumami na ang taong pumalibot sa akin.Nagpalingon-lingon ako, nagbabakasa-sakali ulit na nandun rin si Betty, nakikigulo. Pero wala siya.

“3…2…1… Whooooo!”

Napalingon ako sa kalangitan. Nagsimula na ang fireworks display. Pero hindi ko na kasama si Betty.

******

“Kuya, sorry. Bukas na lang tayo mag-usap. Nandito naman ako kina Jane ngayon. Safe naman ako dito eh.”

Page 18: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“I just can’t believe that you’re still roaming at this late time of the night.”

“Sorry, Kuya.”

“Sige na. Matitiis pa ba naman kita? Basta ‘wag ka diyang aalis bukas ha. Ako mismo ang susundo sa’yo dyan. Clear?”

“Clear.”

“K. Bye. I love you! Take care, okay?”

“I love you too! Sorry, Kuya.” Ibinaba ko na ang telepono. Akala ko talaga sobrang magagalit na sa ‘kin si Kuya Avril. First time kasing ginabi ako nang uwi. Hindi ako dumiretso sa bahay dahil nalulungkot talaga ako ngayong gabi. Lalo naman akong malulungkot kung uuwi ako ngayon tapos ipagtatapat ko pa sa kanila ang tungkol sa sakit ko.

Bukas ko na lang siguro gagawin yun.

“Magkwento ka nga! Sa’n ka ba galing?” Dumapa si Jane sa kama niya at humarap sa ‘kin.

Tiningnan ko lang siya nang malungkot.

“O, anong drama ‘yan? Saan ka ba nagpunta? Nag-date ba kayo ni Shian?”

“’Wag ka ngang patawa, Jane.”

“Ito naman! ‘Di mabiro! Meron ka ba? Bakit parang bad mood ka?”

“Eh… Kasi naman!”

“Kasi? Magkwento ka na! Parang hindi best friend oh!”

“Jane…” hinwakan ko yung mga kamay ni Jane at huminga nang malalim. “Jane, nakipagdate ako.”

Napabangon bigla si Jane sa kama niya at naupo rin kagaya ko.

“What?!?!”

“Oo.”

“Oh, anong nangyari? Enjoy ba? Kanino? Kay Shian? Kay Dwaine? Saan? Saka bakit ginabi ka na? Anong nangyari nga! Magkwento ka!”

“Teka, Jane! Maghunos-dili ka nga! Ang OA mo ha. Mas excited ka pa sa ‘kin eh.”

“Oo na! Behave na ko! Kwento ka na! Yiiiiie!”

“Nakipag-date ako sa hindi ko kilala. Masaya naman eh. Masaya talaga… Kaso—”

“Kaso ano? Ninakawan ka niya? Member ba siya ng Budol-Budol Gang?”

Page 19: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Jane, isa pa sasapakin ko na ‘yang pilikmata mo!”

“Ay, sorry, Bessie. Sorry naman! Sige, kwento na ulit!”

“Ayun nga, masaya naman. Pero kasi. Nagulat ako. Biruin mo, yung favorite band kong Kyle Marjorene na hindi ko pa nakikita… Member nila yung ka-date ko!”

Biglang nagbago ang excited na itsura ni Jane. “Weh? Patawa ka Bessie ano?”

“Ano ka ba Bess. Totoo ‘to. Maisen de la Fuente. Yun yung sabi niyang pangalan niya eh. Kaya pala ang galing niyang mag-gitara. Saka kaya pala naka-shades pa siya at naka-jacket. As in kun-todo cover up.Yun pala sikat kasi siya!”

“Bessie… Yan ba ang epekto ng brain cancer? Hallucination?”

“Bess naman eh. Totoo ‘to. Promise!”

“Sige nga! Tawagan mo siya ngayon! Siguro naman kinuha mo number niya ‘no?”

Umiling ako. “Tinanong niya pangalan ko. Ang sabi ko Betty. Tapos nung hiningi niya number ko, sabi ko wala akong phone.”

“Gaga! Anong Betty? Betty la Fea? Betty Boop? O Betty Crocker?

Saka bakit ‘di mo binigay yung number mo! Sayang naman! Para kang nakahuli ng tuna tapos pinakawalan mo! Di ka man lang kumurot kahit kaliskis!”

“Bess, kasi… Nung una naman hindi ko alam na siya pala si Maisen ng KM. Ang saya-saya naman namin. Gusto ko din siyang makita ulit. Kaso nagtapat kasi siya sa ‘kin na gusto niya daw ako. Natakot ako bigla. Di ba bihira naman daw ang nakaka-survive sa ganitong sakit? Paano kung hindi ako maka-survive? Paano kung mamamatay na pala ako? Natatakot akong mapamahal sa kanya kasi natatakot akong dumating yung panahon na iiwan ko na siya.”

Hindi ko alam pero naiiyak ako. Siguro dahil sa panghihinayang. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Yung pakiramdam na naging interesado ako sa isang tao. Pero bakit nga ba ngayon lang? Bakit sapanahon pang hindi pwede at hindi dapat? Naiiyak ako sa lungkot. Paano ko nagagawang aminin sa sarili kong mamamatay rin ako dahil sa sakit na ‘to? Nawawalan na ba ako ng pag-asa?

“Bessie, naiiyak ako.” Niyakap ako ni Jane nang mahigpit.

“Alam mo ba, nung sinabi niya sa ‘king siya si Maisen, gustong-gusto kong bumalik sa kanya. Gustong-gusto kong sabihin sa kanyang kahit hindi siya si Maisen, gugustuhin ko pa ring kilalanin pa rin siya. Pero hindi. Mali kasi.”

“Midori…”

“Bess, masaya ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Gusto kong ituloy pero hindi pwede. Hindi naman lahat ng gusto natin nakukuha natin ‘di ba? Bess, malala na ang sakit ko. Alam ko ikamamatay ko

Page 20: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

‘to. Pero bakit ganun? Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong sumaya? Bakit ngayon lang kung kelan hindi na pwede?”

“Ano ba, Bess! Hindi ka mamamatay. Maliit na challenge lang ‘yan ni Lord! Kaya mo ‘yan! Sisiw lang ‘yan!”

Sana nga sisiw lang ‘to. Sana nga maliit na pagsubok lang ‘to. Dahil bigla akong binalot ng takot. Napakaraming bagay pa pala ang hindi ko nagagawa. Napakarami ko pa palang gusting gawin. Pero mahirap. Masakit isiping baling araw, lahat ng pinaghirapan ko, maiwawala ko din Kaya mas mabuti pang huwag ko nang ituloy. Kesa naman makasakit pa ako ng ibang tao ‘kapag dumating na iyong panahong kinatatakutan ko.

Chapter Six--Because there is one being destined for you.--

“Kuya Avril, Ate Flip… makinig kayo.”

Huminga ako nang malalim bago simulan ang mga sasabihin ko. Kagabi pa ako naghanda para dito. Inihanda ko na ang sarili ko par ahindi ako mayak ngayon. Ayokong magpakita ng kahit anong senyales ng kahinaan sa kanila. Alam ko sa sarili kong mahirap maka-survive sa isang malalang sakit. Pero ayokong panghinaan ng loob ang mga taong nagmamahal sa’kin.

“Una, ngayon pa lang… Congratulations na! Masaya ako dahil ikakasal na kayo. Kuya, ingatan mo si Ate Flip ha? ‘Wag na ‘wag mo siyang paiiyakin. Isipin mo, ‘pag pinaiyak mo siya, para mo na ring pinaiyak siMidori at si Jane.”

Tumingin naman ako kay Ate Flip at hinawakan ko ang kamay niya.

“Ate Flip, ingatan mo din si Kuya ko ha? Mahal na mahal ko ‘yan! Mabait ‘yan! Saka alam mo ba, pinaghirapan ka talaga niyang makuha. Kung naaalala mo, nabasag yung bintana ng kwarto mo… Sorry ha. Kami ni Kuya ang bumato nun. Yun yung panahon na nagalit ka sa kanya. Kaya naman pinuntahan ka namin sa bahay niyo para lang mag-sorry kahit malalim na ang gabi at kahit takot si kuya Avril sa aso niyong si Pocholo kaso… Ayun nga… Nabasag yung bintana mo. Hehe, sorry Ate Flip.”

Huminga ulit ako nang malalim. “Ka—”

“Teka nga, Midang.” Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Kuya. Napangiti naman ako. Iyong ‘Midang’ kasi ay panlokong pangalan niya sa akin nung mga bata pa kami. “ANo ba talaga ‘yang sasabihin mo at ang haba pa ng speech mo?”

“Kuya, Ate Flip… masaya naman kayo ‘di ba? Kahit wala ako sa inyo… kaya ko namang alagaan ang sarili ko eh! Promise! Saka sasamahan naman ako ni Jane eh,”

‘Midori, there’s bitterness in your tone. You don’t want to be away from your Kuya Avril, do you?” nag-aalalang tanong ni Ate Flip.

Page 21: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Mabilis naman akong umiling. “Naku! Ate, ano ka ba? Masaya ak kasi ikakasal na kayo! Kahit si Kuya ay malalayo na sa ‘kin, okay lang! Bet na bet ko ang love team niyo eh!”

“So… ano nga ba ang gusto mong sabihin?”

“A… M…. May…. May brain cancer ako.”

******

“Hoy, de la Fuente! Ang lakas ng loob mong matulog dito! Samantalang kanina ka pa naming hinahanap para sa practice!”

“Tsk, ano ba?” Inalis ko ang unan na inihagis sa ‘kin ni Heart.

“Bumangon ka dyan! Argh! Kakainin kita diyan eh.”

“Hey, Maisen. Wake up,” napabangon ako bigla nang magsalita si Terrence. Nakakainis kasi. Ang kulit nila eh. Bihira lang kasi umimik ‘yang isang ‘yan. Takot ako sa 6"4'.

“Ano ba? Ang gulo niyo eh!”

Galit na galit na tinampal ni Heart ang noo ko. “Sira ulo! Ikaw pa galit!Ikaw na nga ang hindi um-attend ng practice!”

“AAAARGHHH! Ano ba ha? Ang sakit ha! Ang sakit na nga nito, dadagdag ka pa! Geez, kainis…”

“A-ano?” takang-takang tanong ni Heart.

“Ano?”

“A-ah… Ito? Masakit?” Hinawakan ni Heart ang kamay ko, at noon ko lang napansin na yung kamay ko palang iyon ay nakahawak sa dibdib ko.

“Aish! Mababaliw na ko! Hindi ko na alam!” sinabunutan ko ang sarili ko at umub-ob sa kama. Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari sa ‘kin. Pakiramdam ko… sinapian ako kagabi. Sinapian ako ng isang mabuting kaluluwa.

“Bakit? Napa’no ka?”

“Sino ba kasi yung babaeng yun! Binigyan niya ko ng sakit! Darn!”

“Ohhhh?!?!” gulat na gulat na napatayo bigla si Heart. “Sabi sa’yo mag-ingat ka eh! Ikaw talaga! Napaka-ma-chix mo kasi! ‘Yan tuloy! May AIDS ka na!”

“Sira ka! Maupo ka nga! AIDS ka diyan… Bad yung premarital sex ‘no.”

“Eh ano nga bang problema mo?” tanong ni Terrence.

Page 22: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Kagabi… may naka-date ako. Babae. Hindi naman ganung kaganda… sakto lang.”

“Oh? Anong bago dun? Eh lagi ka namang may ka-date?” tanong naman ni Heart.

“Hindi eh. Nung nakilala ko kasi siya… Parang… Parang ayoko nang makipag-date sa iba. Parang gusto ko siya na lang. Parang… gusto ko ulit siyang makita at maka-date. Naman eh! Pinasisikip niya ‘to eh! Alam niya ba yun?” sabi kong tinuro ulit yung dibdib ko.

Nang dahil sa nangyari kagabi, hindi ako nakatulog magdamag. Sobrang nahihilo na ko pero siya pa rin ang lumalabas sa paningin ko. Naka-mulat man ako o nakapikit. Tapos hindi pa ako makahinga kapagnaiisip kong hindi ko na ulit siya makikita. Gustong-gusto ko talagang lumabas at hanapin siya pero paano naman? Hindi ko siya kilala. Wala siyang contact number. Paano ko ulit siya makikita? At isa pa… mangkukulam ba siya? Anong ginawa niya sa ‘kin? Bakit ako nagkakaganito?

“Cholesterol lang ‘yan,” nakangiting umupo ang bagong dating na si Violet sa tabi ko. “Imposible namang in-love ka. ‘Di ba nga ikaw si Mark Isen de la Fuente, ang lalaking walang permanenteng babae?”

“Oo nga,” pagsang-ayon ni Heart. “Baka kumain lang kayo ng maraming taba habang nagde-date kayo.”

“Ganun ba ‘yun?” napaisip ako. Iyon lang pala ang kahulugan nang lahat nang iyon. Baka nga nasobrahan lang ako sa cholesterol. Kailangan ko na sigurong magpa-check up.

“Oo, itigil mo na ‘yan. Tara na sa music room!” tinapik ni Violet ang balikat ko at magkasunod silang nagpunta ni Heart sa music room.

Tatayo na sana ako para sumunod sa kanila nang biglang magsalita si Terrence. “What’s her name?”Nagpapadyak ako at halos magwala na na parang bata. “’Tol naman eh! Five seconds ago nakalimutan ko na nga siya! Bakit pinaalala mo ulit? Mali yun eh!”

“’Wag kang umastang parang walang pera. Uso ang magpahanap ng tao, bakit hindi mo i-try?”

Saglit akong napatigil. “Bakit pa? Sino ba siya para ipahanap ko? Ha? Isa lang siyang nakabarang cholesterol sa puso ko.”

“Siya lang naman yung babaeng unang nagpasakit ng puso mong manhid.”

“A-ayoko sabi…”

“Ayaw mo? Bakit? Because girls are just toys for you?”

“Oo! They’re just sources of entertainment for my boring moments.”

Tama yun. Ang mga babae ay isa sa mga bagay na hindi dapat seryosohin. Mas madami sila sa mga lalaki. Meaning, ang isang lalaki ay natural na pwedeng mag-angkin ng maraming babae. Palitan man sila nang maraming beses, hindi sila mauubos. Lokohin man sila at paiyakin, madali naman silang iwanan. Hindi dapat ako magpagambala sa ‘isang cholesterol lang na nakabara sa puso ko’. Ipapa-check up ko na lang ‘to mamaya. Tumayo si Terrence at hinarap ako. “Whatever kind of person you are, you have one

Page 23: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

being destined for you. It is either God… or a woman whom you’ll live with for the rest of your life. That’s a fact. I-Google mo pa.”

Chapter Seven--Meeting you again is is traced in our destiny.--

--Midori to Maisen's Shadow--

“Tik... tok... tik… tok…”

Nakapikit kong pinakikinggan ang tunog ng orasan. Bawat pag-ibo ng mga kamay nito ay pag-usad rin ng buhay ng tao.

“Tik... tok... tik… tok…”

Hindi ko alam kung ano ang susunod. Bawat parte natin ang katulong sa pagpapatakbo ng buhay natin. Pero kung tumigil na ang mga ito katulad ng pagkaubos ng enerhiya ng baterya ng orasan… titigil anglahat.

“Tik… tok… tik… tok…”

Ang pinagkaiba nga lang… yung baterya ng orasan pwede mong palitan. Pero ang buhay ng tao? Wala. Nag-iisa lang ‘yan.

“Midori…”

Napamulat ako sa boses na iyon na tumawag sa ‘kin. “Kuya…”

Nginitian ako ni Kuya Avril. Pumasok siya sa silid kung nasaan ako at lumapit sa ‘kin. “Easy, okay?”

Nginitian niya ulit ako at niyakap ko siya. “Kuya… hindi ako natatakot. Kaya dapat maging masaya ka ha. Gagaling din ako.”

Gagaling din ako, gaano nga ba ako kasigurado? Anong panghahawakan ko gayong binigyan lang ako ng maliit na tsansa upang gumaling?

“Oo, gagaling ka din. Wala ‘yan. Mas malala pa ang bulutong mo diyan.”

Humiwalay ako kay Kuya Avril at hinalikan niya ako sa noo. “Kuya, anong oras uuwi sina Daddy at Mommy? Gusto ko na silang makita. Pati na rin si Lolo.”

“Malapit na sila. Malapit na malapit na.”

Niyakap ko pa nang mas mahigpit si Kuya. Naalala ko na naman yung araw na sinabi ko sa kanyang may sakit ako. Hindi siya nagalit. Hindi rin siya nalungkot nang sobra. Hindi rin siya umiyak. Ngumiti pa siya atsinabi niyang wala lang daw iyon. Ginusot pa niya at itinapon sa basurahan yung resulta ng mga tests na isinagawa sa ‘kin na nagpapatunay na may brain cancer nga ako. Sabi niya simple lang naman daw iyon.

Page 24: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Gagaling din ako kaya’t ‘wag akong mag-alala. Napahiwalay ako sa pagkakayakap kay Kuya Avril nang may nagsalita mula sa bumukas na pinto.

“Excuse me, Midori. Pinapatawag ka na ni Dr. Arc.”

Nginitian ko si Kuya at iniwan ko na siya. Sumunod ako sa nurse at dinala niya ako sa isang opisina sa ospital na iyon. Binuksan niya ang pinto at nakangiting pinapasok ako sa loob nun.

“Oh, hello there Midori. Long time no see. Take a seat.”

Nginitian ko siya at umupo ako sa upuan sa harap ng table niya.

“Good afternoon po, Dr. Arc.”

“So, are you willing to undergo De La Fuente Neurology Hospital’s therapy?”

Inalok ako ni Dr. Arc de la Fuente ng isang therapy para makatulong sa recovery ko sa sakit ko. Nag-iisang lang ang De La Fuente Neurology Hospital sa Pilipinas na nag-aalok ng ganitong serbisyo at ayon sapinakitang papeles ng lalaking nag-asikaso sa amin ng Kuya ko kanina noong dumating kami dito, tagumpay na gumagaling ang mahigit kalahating porsyento ng mga pasyenteng nag-undergo ng therapy o treatment. Advanced ang technology ng ospital na ito at nakakasabay na ito sa mga ospital sa ibang bansa na may ganito ding serbisyo. Si Dr. Arc ang may-ari nito. Isa siyang magaling na doctor. Tumango ako at kinuha ko ang inaabot niya sa aking papeles at sinimulan ko nang fill-up-an iyon.

“So, when is your mother going home?”

“Mamaya po. Darating po sila mamaya.”

“That’s good. Tell her to see me when she arrives home. I would love to meet her again. And your Dad, huh? He’s a good man.”

Nginitian ko siya at ipinagpatuloy na ang pagsasagot sa form ko. Naging kaibigan ni Mommy si Dr. Arc dahil naging doctor din siya ni Lola noong nagka-degeneration disease siya. Pero hindi sumailalim si Lola sa treatment. Namayapa din ang Lola ko kasabay nang pamamayapa ng asawa ni Dr. Arc nang dahil naman sa brain cancer.

Sa pagsusulat ko ay natulala ako at hindi ko sinasadyang naihulog ang ballpen ko. Napunta yun sa ilalim na lamesa ni Dr. Arc kaya’t bumaba ako sa sahig para pulutin iyon. Pero pagtayo ko ay naumpog ako salamesa. Napahawak pa ako sa ulo ko dahil sa sakit. Pero nang tatayo na sana ako ay may naramdaman akong natapon sa likod ko.

“Midori! Are you okay?” Agad akong nilapitan ni Dr. Arc at tinulungan akong tumayo.

“Ah…” napatingin ako sa likod ko kahit hindi iyon abot ng tanaw ko.

Hinawakan ko iyon at nalaman kong natapon pala sa likod ang tubig sa ibabaw ng lamesa ni Dr. Arc.

Page 25: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“I’m so sorry. Natapon pa sa’yo itong tubig ko. May dala ka bang pamalit?”

“Ah… Opo.” Mabuti na lamang at palagi akong may dalang damit sa bag ko.

“Ah… Punta ka na lang sa may gilid ng kitchen. May comfort room dyan.”

“Ah, thank you po.”

Tumayo na ako at hinanap ang sinasabing comfort room ni Dr. Arc. Nang papunta na ako doon ay hindi ko maiwasang humanga sa ‘opisina’ na iyon na mukhang condo unit. Sobrang ganda nun. Opisina nga yung pagpasok ng pinto pero dito sa loob, may living, dining, leisure at bedroom din. May kaya naman kami pero hindi kami nakapagpagawa ng ganitong kaenggrandeng bahay. Sobrang yaman talaga ni Dr. Arc, ang swerte naman ng anak niya. Nung makita ko na ang comfort room ay agad akong pumasokdoon. Hinubad ko kaagad ang damit ko. Nagmadali ako dahil nahihiya talaga akong makigamit ng comfort room. Sobrang linis at lawak kasi nun. Nakakahiya talaga. Pinapagpag ko ang damit kong basa habang pinagmamasadan ko ang buong banyo. Hindi ko na naman mapigilang humanga.

“Sino ka— Oh! Sh*t!”

“Shucks!” Bigla akong tumalikod at itinakip ang basa ko pang damit sa katawan ko. Nagulat ako dahil biglang nagbukas ang pinto ng banyo! Sino naman kaya iyon? Nakakahiya, hubad pa man din ako!

“S-Sorry, Miss!” paghingi ng paumanhin ng lalaking nakapagbukas ng pinto. Hindi siya si Dr. Arc dahil sa boses niya. Halatang nahihiya din siya dahil sa nangyari. Pero mas nahihiya ako! Grabe talaga!

“A-ah… Sorry din!” Naku, siguradong mas mapula pa ako sa kamatis ngayon dahil sa hiya!

“A…ah… I thought there was a robber or something in there. I’m really s-sorry,” Hindi na ako makapagsalita dahil sa sobrang hiya ko. Ano ba naman itong nangyari na ito! Kung bakit ba naman kasi lumaki akong hindi marunong mag-lock ng banyo! “Ka-kaano-ano ka ni Daddy?”

Daddy? “P…p…pasyente niya ko. Anak ka ba ni Dr. de la Fuente?”

“Ah. Oo. Sabi niya kasi walang tao dito kaya nagtaka ako kung bakit parang may nakita akong pumasok dito sa banyo. I’m so sorry. Would you mind if I know your name? Para makabawi man lang ako. Sorry talaga.”

Tinatanong niya ang pangalan ko? Sasabihin ko ba? “Naku, wala yun. Okay lang talaga. Kasalanan ko naman dahil hindi ako marunong mag-lock ng pinto.”

“S-sige. Masyado nang awkward ‘to. Please get dressed. Sorry again.”

Dali-dali naman akong nagbihis. Hindi ko pa maintindihan ang gagawin ko kung lalabas na ba ako o hindi. Nakakahiya naman kapag nakita niya ako! Makikita niya ang mukha ng babaeng nakita niyangnagbibihis! Nakakahiya talaga!

Unti-unti akong lumabas ng banyo nang narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto. Malamang lumabas na ng opisina yung anak ni Dr. dela Fuente.

Page 26: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Agad akong pumunta doon at lumabas rin. Ang nakita ko na lang ay isang nakatalikod na lalaking mabilis na tumakbo paalis. Hindi ko maintindihan dahil parang gusto kong sundan siya. Parang gusto ko siyang makita. Kaya naman itong mga paa ko, naglakad ng kusa. Pero tumigil ako. Bakit ko naman siya susundan? Para ba humingi ng tawad? Iyon ba? Matatawag ko pa bang magiting ang paghingi ng tawadkung makikita niya ang mukha ng babaeng nakita niyang hubad?

“Ay! ‘Wag na nga lang! Nakakahiya talaga.” Sana lang talaga hindi niya nakita ang mukha ko.

Bumalik na ako sa opisina ni Dr. Arc at naupo muli sa kinauupuan ko kanina. Bigla akong may napansing isang plastic sa ibabaw ng lamesa ni Dr. Arc. Umagaw sa atensyon ko ang isang note na nakalagay doon.

'Dad, I’m destined for a woman whom I will serve and love for the rest of my life. Would you believe that?'

*******

--Maisen to Midori's Shadow--

“You have one being destined for you. It is either God… or a woman whom you’ll live with for the rest of your life.”

Date. Ordinaryo lang sa akin ang makipag-date. Babae. Laruan ko lang sila. Pero dati yun. Nung hindi ko pa nakikilala si Betty. Binago niya ko… biglaan man, pero unti-unti, natanggap ko ring BINAGO niya ako.Bawat babaeng madaanan ko dati kinikindatan ko, nginingitian, inaakit. Pero ngayon, habang naglalakad ako, diretso lang ang tingin ko. Dahil kahit sino pa mang babae ang makita ko, wala nang epekto. Wala na. Dahil isang babae na lang ang gusto kong makita.

“You have one being destined for you. It is either God… or a woman whom you’ll live with for the rest of your life.”

Si Betty. Sino bang may sabing siya ang pinakamagandang babaeng nakita ko? Mas maganda pa nga sa kanya ang karamihan sa mga ex ko. ‘Wag niya ring sasabihing napakasexy niya. Ang payat niya eh.Maputi siya at makinis, pero hindi naman niya asset yun eh. Physically? Hindi naman talaga siya kapansin-pansin eh. Para lang siyang isang sunflower na walang pinagkaiba sa mga kasamahan niyang sunflower sa isang garden. Hindi man siya yung tipong pagkakaguluhan ng maraming lalaki… pero sinira niya ang ulo ko. Kung bakit hindi ako mapakali, siya ang may kasalanan nito. Kung bakit hindi ako makatulog sa gabi, dahil yun sa kanya.

Dahil sa isang ‘ordinaryong babaeng’ katulad niya.

“Here’s your food, Sir. Sorry for making you wait too long.”

Nginitian ko yung babaeng nag-abot sa ‘kin ng binili kong pagkain.

“Do you have a memo pad and a ballpen?”

Nakangiti ring iniabot niya sa ‘kin ang hinihingi ko. Kinuha ko ang memo pad at ang ballpen at nagsulat

Page 27: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

ng isang note doon. Kung ano man iyong isinulat ko, sigurong magugustuhan ni Daddy yun. Isa kasi siya sa mga numero unong hindi sang-ayon sa pagiging ‘timer’ ko. Mabuti na nga lang at sa opisina kadalasang natutulog si Daddy, dahil kung hindi… baka matagal na niya akong naipa-salvage.

“Thank you!” Ibinalik ko na sa kanya ang ballpen matapos kong magsulat at lumabas ng tindahang iyon. Nasa ospital ako ngayon. Gusto ko kasing bisitahin ang Daddy ko. Ilang araw na kasi siyang hindi umuuwi sa bahay. May tinututukan daw siyang panibagong pasyente niya na na-diagnose na may brain cancer kaya naman nagpapaka-busy na naman siya.

Papunta na ako sa elevator nang biglang makita ko ang dating kaibigan.

“Jan Avril!” pagbati ko sa kanya.

“Uy! Maisen!” nakangiting lumapit siya sa ‘kin at tinapik niya ang balikat ko bilang pagbati.

“Long time no see, best chef!” Kaklase ko noong high school si Jan Avril. Magaling rin siyang tumugtog ng gitara tulad ko. Music-related din sana ang kukuhanin niyang course sa college. Muntikan na rin siyang mapasali sa Kyela Marjorene pero lumipat siya ng school noong nagkasakit ang lola niya. Dumarami daw kasi ang gastos nila kaya lumipat siya sa mas mura ang tuition na university. At sa halip din na music-related course ay yung mas praktikal na course ang kinuha niya. At tama naman ang naging desisyon niya dahil naririnig at nakikita ko an sa mga television shows ang restaurant niya.

“Yeah. Sikat na sikat ka ah. Congrats to KM!”

“Salamat. Congrats din sa’yo. Teka, bakit ka nandito? Nagpa-check up ka ba?”

“Ah… Hinatid ko lang yung kapatid ko. She’ll undergo your therapy soon.”

“W-What? May kapatid kang may… may…”

Tumango siya sa tanong ko. Kahit nakangiti siya, alam kong nalulungkot at nasasaktan siya. Alam ko yung pakiramdam na may mahal ka sa buhay na may ganitoong uri ng sakit.

“I’m so sorry. But don’t worry. I’m sure our hospital will extend you the greatest help. Plus the discount!” pagbibiro ko para maiba naman ang atmosphere.

“Thank you Maisen! By the way… I’m getting married next month.”

“Really? Oh my… You’re really a changed man, huh? Hind ka na talaga torpe! And who’s the lucky girl?”

“Flip Armaddi Lim.”

“Sh*t. Kay Flip? Hanggang ngayon? Ang tibay mo talaga, p’re! Ikaw na talaga!” Natutuwa ako sa nalaman ko. High school pa lang kasi kami ay si Flip na ang crush na crush ni Avril. And knowing that it is still her… I envy him so much.

“Please attend my wedding. I’ll just send the invitation at your house. Please be there, Maisen.”

Page 28: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Of course! Asahan mo ‘yan. I’ll cancel all my appointments for your wedding. So… Mauna na ako. Hinihintay na ko ng Daddy kong… alam mo naman. Seloso.”

“Haha! Yeah. Yeah. Of course! Nice seeing you again!”

Nagpaalam na kami ni Avril sa isa’t isa. As I rode the elevator, hindi ko mapigilang alalahanin ang nakaraan ko. It is so good to meet old friends.

Nakangiti akong naglakad sa hallway na papunta sa office ni Daddy. Hahawak pa lang ako sa doorknob para buksan ang pinto nang bigla naman itong bumukas nang kusa.

“Oh, Daddy? Saan ka?”

“T-teka, Anak. May tatawagin lang ako.”

“Pero Dad, binili kita-”

“Oo. Ipatong mo na lang ‘yan sa lamesa ko. Babalik ako,” dali-daling naglakad palayo si Daddy.

“Dad, may tao ba dito?”

“Wala! Wala! Sige na, hintayin mo ko diyan!” sigaw naman sa ‘kin pabalik ni Daddy at nagtatakbo na siya palayo. Si Daddy talaga, napaka-busy. Nakakapagselos.

Pumasok na ko sa office ni Daddy at nagdire-diretso sa loob. Uupo sana ako sa couch nang marinig kong may mga yabang ng paa. Ipinatong ko ang dala kong pagkain sa lamesa ni Daddy. Ano naman kaya iyon?Sabi ni Daddy wala naman daw tao dito.

Dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob ng opisina kung nasaan ang mga kwarto. I took a step backward as I saw someone pull the door of the comfort room to close. May tao dito? Sino naman iyon?Magnanakaw?

Dahan-dahan kong inabot ang doorknob at sinubukan kong buksan iyon para tingnan kung ni-lock ba iyon ng tao sa loob Hindi naka-lock ang pinto. Kaya naman binuksan ko na iyon para malaman kung sinong nandoon.

“Sino ka— Oh! Sh*t!” Pagkabukas ko ng pinto ay bigla ko ulit iyon isinara dahil sa nakita ko. May babaeng hubad na nagbibihis sa loob ng banyo.

“Shucks!”

“S-Sorry, Miss!” paghingi ko ng paumanhin. At paano naman nagkaroon ng babae sa opisina ni Daddy? Sino naman siya? At bakit sabi ng nagmamadaling Daddy ko walang tao dito?

“A-ah… Sorry din!”

“A…ah… I thought there was a robber or something in there. I’m really s-sorry. Ka-kaano-ano ka ni Daddy?”

Page 29: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“P…p…pasyente niya ko. Anak ka ba ni Dr. de la Fuente?”

Her voice seems so familiar. Have we met? “Ah. Oo. Sabi niya kasi walang tao dito kaya nagtaka ako kung bakit parang may nakita akong pumasok dito sa banyo. I’m so sorry. Would you mind if I know yourname? Para makabawi man lang ako. Sorry talaga.”

“Naku, wala yun. Okay lang talaga. Kasalanan ko naman dahil hindi ako marunong mag-lock ng pinto.”

Napansin ko ang kamay ko na nakahawak pa rin sa doorknob. Itinuloy ko nang isarado ang pinto. Nakakahiya talaga itong ginawa ko. “S-sige. Masyado nang awkward ‘to. Please get dressed. Sorry again.”

Naglakad na ko paalis. Pero tumigil muna ako sandali. “Teka… bakit ako nahihiya? Hindi ba dapat nagsasaya ako? Aish! “

Nakakainis talaga! Kasalanan ng Betty na ‘yan kung bakit ako namumula ngayon! Kung hindi ko siya nakilala eh ‘di sana hindi ko isinarado yung pinto! Kung hindi ko siya nakilala eh ‘di sana nakipag-lambingan pa ako doon sa babaeng iyon. Kaso nakilala ko siya. Ayan tuloy! Ayoko nang tumingin sa ibang babae! Nakakainis ka, Betty!

Naglakad ako nang mabilis at lumabas nang opisinang iyon. Saan ako pupunta? Sa Heart Center! ‘Pag naaalala ko siya, hindi ako makahinga eh! Magkakasakit yata ako sa puso dahil sa Betty na ‘yan!

Chapter Eight Part One--Words left unspoken--

“Ang gulo…”

Isinuot ni Dwaine yung reading glasses niya at muling tinitigan yung sketch ko.

“Tingnan mo ha… Sabi mo, you felt something. Like you want to see him again. Eh bakit hindi ka pa nagpakilala sa kanya?”

Binawi ko ang sketch ko. Nakalagay doon ang 'scientific explanation' kung paano ko nakilala ang isang lalaking gumugulo sa buhay ko ngayon. “Eh kasi nga… may sakit ako ‘di ba?”

“Oh? So? Dahil lang sa isang sakit na gagaling din naman pinutol mo ang kaligayahan mo?”

I leaned backward on my chair. Nandito kami ngayon ni Dwaine sa restaurant ni Kuya. Pumunta siya dito dahil ibinalita ko na rin sa kanya ang tungkol sa sakit ko. Katulad ng naging reaksyon ni Daddy, Mommy, Lolo, Kuya at Ate Flip, parang wala lang sa kanya ang sinabi ko. At katulad din nila, sinabi rin niyang gagaling din ako kaya’t hindi ako dapat mag-alala. Bigla namang gumaan ang pakiramdam ko. Si Jane lang talaga yata ang OA na umiyak para sa ‘kin. Haaaay. Pero sa halip na ang sakit ko ang pag-usapan naming ay naikwento ko kay Dwaine ang tungkol kay maisen. At heto nga… parang nagtatalo na kami ngayon dahil sa magkaibang pagtingin naming sa kwento ko.

Page 30: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

”Ang kulit mo naman Dwaine eh.”

“Eh ang gulo mo kaya. Listen, baby. Kung mawala ‘yang sakit mo, ‘di ba nakakapanghinayang na hindi mo pinansin ang isang Mark Isen de la Fuente ng sikat at pinagkakaguluhang Kyela Marjorene? O, halimbawa naman na matuloy ‘yang sakit mo,” kumatok siya sa kahoy na upuan. “Hindi ba at mas tama ngang ipakilala mo sa kanya ang sarili mo? Sulitin ang mga araw! That’s just it.”

“Eh pa’no kung magkagusto talaga ako sakanya? O kaya siya sa‘kin? ‘Di ba sobrang mahihirapan lang kami kapag… alam mo na.”

“Hay,bahala ka na nga Midori. Basta kung ako ang nasa posisyon mo, hindi ko sasabihing Betty ang pangalan ko. At lalong hindi ko sasabihing wala akong contact number gayong halos lahat yata ng network ay meron ka. Malamang ngayon, pinaghahahanap ka na nun.”

“Pero sabi naman niya chickboy siya. Madami daw siyang girlfriend. Baka saktan lang niya ako. Baka sayangin lang niya ang pagmamahal ko.”

“Walang nagmahal na hindi nasaktan. Halimbawa… Ako… Nung minahal kita.”

Bigla kong nasipa ang binti ni Dwaine sa ilalim ng lamesa. “Kelangan pa bang ibalik yung nakaraan!?”

“Aish… Ang sakit… Sorry naman! Hindi ka mabiro diyan.”

“P-pero Dwaine… ‘DI ba may concert sa isang linggo ang Kyela Marjorene?”

“Oh, akala ko ba ayaw mo sa kanya? Kasi ‘may sakit ka’ at ‘baka sayangin lang niya ang pagmamahal mo’?” aniya na ginaya pa ang pagsasalita ko.

“Samahan mo naman ako! Nood tayo! Please!” Pakikiusap ko sa kanya. Nag-puppy eyes pa ako para mas mukha talaga akong nakakaawa. Siguro nga tinanggihan ko ang kapalaran nang tangkain nitong ibigay sa‘kin si Maisen. Pero gusto ko siyang makita. Hindi ko alam kung bakit, pero yun ang gusto kong gawin.

“Isang beses lang, Dwaine! Last na ‘to! Pagkatapos nito… ayoko na talaga siyang makita. Please!”

“Aish… Itigil mo nga ‘yang mukha mong ‘yan. Wala nang bawian! Sabi mo ayaw mo na eh!”

“Eh ‘di ba sabi mo, ‘sulitin ang bawat araw’,” sabi kong ginaya ko rin ang pagsasalita niya.

“Kiss muna.”

“Kiss mo patay na kuko ko.”

“Kadiri talaga… Oo na. Libre mo ko ha!”

“Of course! VIP tickets akin. Tama na sa’yo ang Gen Ad.”

Page 31: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Napakadaya!”

“Oo na nga,” sabi kong natatawa na dahil sa itsura niya. “With backstage passes yung sa’yo.”

Nanatili lang akong tumatawa. Napatigil lang ako nang ilapit ni Dwaine ang mukha niya sa 'kin at ngitian niya ako.

“I still love you.”

Nabitawan ko ang basong hawak ko.

Chapter Eight Part Two--Words left unspoken--

"Words... they are as vast and as endless as the universe. Ang salita, parang paghigop lang 'yan ng kape. Kung alam mong mainit ang inilagay mong tubig, palilipasin mo muna ng konti, bago mo higupin. Perokung ikaw yung tipo ng taong nakikipag-chismisan habang naglalagay ng tubig sa kape, hindi mo alam kung anong tubig ba ang inilagay mo. Mainit ba? O maligamgam? At pag-inom mo... Boom!" napaatras kaming lahat sa gulat. "Magugulat ka na lang."

Nagtaas na kamay ang isa kong kaklase. "Pero Sir, hindi po ba kapag iinom ka ng kape, syempre, hahawakan mo yung tasa. Doon pa lang malalaman mo na kung mainit o hindi."

"Hmm," mahinhing tumawa si Sir Red. "Hindi ba't sa hawakan ng tasa ka humahawak kapag umiinom ka ng kape? Dahil iniisip mong mainit ang kape kaya't mainit din ang katawan ng tasa. Ayaw mong mapaso. Natatakot kang mapaso..."

Napapikit ako. Ang kape daw ay parang salita.

Napamulat ulit ako. "Walang kwenta."

Naglingunan lahat sa akin ang mga kaklase ko at maging si Sir Red. "Walang kwenta. Paano maikukumpara ang salita sa kape? Words are so precious. You can never compare them to something as simple as a coffee. I'm sorry, Sir Red. But I found it just... nonsense."

Nagulat na lang ako nang sa halip na magalit ay tumawa pa si Sir Red. "How could you be that smart, Mr. de la Fuente? I thought you are wise." Muling hinarap ni Sir ang klase. "Sige na, hindi na ako magda-drama dito sa unahan. Hindi niyo yata naiintindihan ang relasyon ng sinasabi ko. Kung bakit ko ito sinasabi, yun ay dahil kayo ay gagawa ng sarili niyong komposisyon."

Nagkaroon agad ng komosyon kahit hindi pa man tapos magsalita si Sir Red.

"Kayo ay gagawa ng sarili niyong komposisyon," pagpapatuloy niya. "Tungkol sa kape."

Natigilan kaming lahat at matamang nakatingin sa kanya. Kape? Anong saysay naman ng paggawa na kanta na tungkol sa kape? Pero sa kabila ng mga kakaibang tingin namin, tumawa lang ulit si Sir Red.

Page 32: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

"Looks can kill. Simula nang magturo ako, wala pa yata akong yatang nakita na natuwa sa activity an ito. But I won't change this. Ang advice ko lang, make your self special. Maging kompositor kayo ng awit. Class dismiss."

Lumabas si Sir Red ng classroom pero kaming lahat ay nakaupo pa rin. Lahat kami ay may tanong sa mga isip namin. Katulad na lang ng mga muling sinabi ni Sir Red at katulad na rin lang ng pagggawa ng komposisyon tungkol sa kape. Walang kumikibo. Nang biglang lahat sila ay tumingin sa akin. Parang iba yata ang pinoproblema ng mga kaklase ko.

"Oh... Ano naman 'yang tingin niyo!" na-aalarmang tanong ko.

"Maisen, kasalanan mo 'to. Nagalit yata si Sir. Yan tuloy, pinag-compose niya tayo ng kanta tungkol sa kape," pangongonsensya sa 'kin ni Dia.

"Oo nga," dagdag pa ni Airus. "Isipin mo nga. Napakawalang kwentang activity naman nito. First time nga nating magco-compose this year tapos tungkol pa sa kape."

"Napakagaling kayang teacher ni Sir Red. Dati, super exciting ng mga pinapagawa niya. Kaya siguradong pinagawa niya lang 'to sa 'tin kasi na-bad trip siya kay Maisen," dagdag pa ng isa ko pang kaklase.

“Hindi niyo ba narinig? Matagal na niya 'tong pinapagawa sa mga tinuturuan niya. Aish... Makaalis na nga."

Tumayo na ko at lumabas ng classroom. Inalog-alog ko ang ulo ko at kinisap-kisap ang mga mata ko. Hanggang ngayon ay lipad pa rin ang isip ko. Pakiramdam ko may gusto akong gawin pero hindi ko magawa. May gusto akong makita pero hindi ko makita. 'Yan tuloy, hindi ko naintindihan ang relasyon ng salita sa kape. Nasisi pa ako ng mga kaklase ko. Isa lang ang may kasalanan nito. Yung cholesterol na nakabara sa puso ko.

"Betty... Betty..." Kung alam mo lang ang ginawa mo sa 'kin. Simula nang makilala kita, nawalan na ko ng gana sa kahit sinong babae. At dahil doon, hindi na nila ako masyadong nilalapitan, hindi katulad noon. Nang dahil sa'yo parang nagiging ibang tao ako.

"Maisen!"

Natauhan ako nang biglang narinig ko ang boses ng isang babaeng tumawag sa 'kin.

"Maisen..." muli niyang tawag sa 'kin nang magtama ang mga mata namin.

Natigilan na lang ako. Hindi ako makaalis sa pwesto ko. Totoo ba itong nakikita ko?

"Maisen..." Nagtatakbo siya palapit sa akin at niyakap niya ako.

"Maisen, saan ka ba nanggaling? Alam mo bang hinhanap kita? Sorry kung iniwan kita nung panahon yun. Pero Maisen, nandito na ako kasi gusto talaga kitang makita. Maisen..."

Hindi ako nagsalita dahil hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako sa nakikita ko. Kung panaginip 'to, pwedeng pakigising ako.

Page 33: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

"Maisen... mahal kita."

Bigla niyang ibinangon ang ulo niyang nakadantay sa mesa. “Oh… Dati… Picture ka lang. Ngayon, video ka na. Umiibo ka na…”

“Maisen…” nagulat na lang ako nang nasabi ko ang pangalang iyon. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ako makahinga. Anong nangyayari sa ‘kin?

“Oh… Nagsasalita ka din?” Inilapit niya ang hintuturo niya sa mukha ko. Pero umiwas ako. Ginawa niya ulit yun at nahawakan niya ang mukha ko. “Wow… Para kang totoo.”

“Kanina ka pa bang umiinom?”

“Aish… Betty… Sumama ka na sa ‘kin. Magpakalayo-layo tayo. Marami kaming bahay. Tara na…”

“Maisen… May sasabihin ako sa’yo.”

“Woah… Astig talaga… Nakakausap na kita ngayon. Ang tindi ng imagination ko… Ang… tindi…” Unti-unting bumaba ang ulo niya sa lamesa.

“Maisen… Hindi Betty ang pangalan ko. Midori. Yun ang pangalan ko.”

“Hmmm…”

“Totoo ba yung sinabi mo? Totoo bang gusto mo ko?”

“Hmmm…”

“Nahihirapan na ko. Hindi ko alam kung tama ba ‘tong nararamdaman ko. Gusto kitang makita. Gusto kitang makasama. Maisen… Alam mo ba yung parang ang tagal-tagal na nating magkakilala? Parang kilalang-kilala na kita na gustong-gusto ko nang sumama sa’yo kahit saan ka pumunta.”

“Hmmm...” iniangat ni Maisen ang ulo niya. Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ko at inilagay iyon sa pisngi niya. At pumikit siya.

“Betty… Umalis na tayo. Tumakas na tayo.”

I let out a deep breath. Habang patagal nang patagal ay pabilis rin nang abilis ang tibok ng puso ko. Sana lang hindi lasing si Maisen. Sana totoong nakikita niya ko ngayon. Sana… pagdating ng kinabukasan…maalala pa rin niya ako.

“Betty…” inihaplos-haplos niya ang kamay ko sa pisngi niya.

“Betty… sumama ka na sa ‘kin. Iwanan na natin sila…”

“Maisen…” Sana maalala mo pa ko bukas, kapag bumalik na ang malay mo. Alam kong hindi tayo pwede. Hindi kita pwedeng kilalanin. Hindi ako pwedeng mapalapit sa’yo. Ayoko. Dahil alam kong darating yung

Page 34: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

araw na masasaktan lang kita. Pero sana, maalala mo ko. Magiging masaya na ako dun. Kahit isang beses lang… sana maalala mo ko.”

“Alam mo ba? Ikakasal ako,” tumawa siya nang mahina. “Ikakasal ako. Kaya umalis na tayo.”

Ikakasal? Hinila ko pabalik ang kamay ko pero kinuha ulit yun ni Maisen at ibinalik sa kung nasa’n iyon kanina.

“Sheesh… Ako? Ikakasal? Sa pangit na yun? Ayoko. Sa… sa’yo na lang Betty… Tayo na lang…”

“Maisen… ano ka ba? Lasing ka na. Iuuwi na kita.” Hinila ko yung kamay niya at tinulungan ko siyang tumayo. “Saan ba ‘yang sa inyo?”

Pero sa halip na tumayo ay isinubsob niya ang ulo niya sa lamesa.

“Tss… Tara na. Ihahatid na kita, kahit gabi na.”

“Ikaw… Sa’n ka ba galing. Ha? Tagal-tagal… tagal kitang hinahanap diyan. ‘Wag ka na ulit aalis sa paningin ko. Betty… Subukan mong mawala ulit… Hahanapin… at hahanapin kita.”

Chapter Ten--The after effects almost killed me.--

“Grabe talaga yung taong yun.”

Pumasok na si Kuya Avril sa kotse matapos niyang ihatid si Maisen sa bahay nito. Tinandaan kong mabuti yung itsura ng bahay. Mayaman pala talaga si Maisen.

“Siguro may problema na naman yun. Haaaay…” pinaandar na ni Kuya ang kotse pauwi ng bahay namin.

“Kuya Avril,”

“Hmmm?”

“Di… Di ba s-si… M-Maisen yun? M-Mark Isen de la Fuente? N-ng Kyela Marjorene?” napiping pagtatanong ko dahil hindi ko alam kung tama bang itanong ko kay Kuya Avril.

“Yeah. Why?” saglit siyang tumingin sa ‘kin na parang may naalala.

“Oo nga pala. Fan ka ng Kyela Marjorene. That’s why.”

Hindi ko naman tinatanong dahil fan ako ng Kyela Marjorene. Tinatanong ko dahil hindi ako makapaniwalang totoo ngang gusto ako ni Maisen… at hinahanap niya ako. “Kaibigan mo… Kaibigan mo siya?”

“Ah… Oo. Matagal na din. Actually dapat member din ako ng Kyela Marjorene. Kaso lumipat ako ng school, remember? You want to meet the guy?”

Page 35: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Umiling ako.

“Sus… Kunwari pang ayaw ng baby ko. Don’t worry. I’ll invite the band to sing on my wedding so you can meet them.”

“Ah… Kuya Avril… I… I…Ikakasal na ba si Maisen?” medyo pabulong at nahihiyang tanong ko. Nabagabag kasi ako sa sinabi niya.

Totoo bang ikakasal na siya? Bakit? Pa’no?

“Kasal? I don’t know. Since high school naman, playboy na talaga ang pagkakakilala ko kay Maisen. So I wonder… Pero mabuti na rin yun,” napatingin ako bigla kay Kuya nang sabihin niyang mabuti ngang ikasal na si Maisen. “Mabuting ikasal na siya para magtino naman siya. Para magseryoso naman siya sa babae. Saan mo naman nasagap ‘yan?”

There was something inside me that hurt. Parang bigla akong nanghihina. “Ah… Nabanggit niya kasi kanina… Habang wala ka pa.”

“Really? So nagkausap pala kayo. Baka naman na-in love na yung isang yun nang tuluyan. Good for him.”

Napakapit ako sa seatbelt na nakakabit sa ‘kin. Pakiramdam ko ay mababangga ang sinasakyan namin ngayon. Ang lakas ng impact. Ang lakas-lakas.

“But we don’t know. Lasing siya. Pwedeng lahat ng sinasabi niya… gawa-gawa lang niya.”

Pwedeng lahat ng sinasabi niya… gawa-gawa lang niya.Pwedeng lahat ng sinasabi niya… gawa-gawa lang niya.Pwedeng lahat ng sinasabi niya… gawa-gawa lang niya.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa seatbelt. Nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang mga sinabi ni kuya Avril. Lasing daw si Maisen. Kaya maaaring lahat ng mga sinasabi niya… ay agawa-gawa lang. Pwedeng lahat ng sinasabi niya… gawa-gawa lang niya. Paano ng akung ganun? Paano kung hindi naman talaga akohinahanap ni Maisen? Paano nga kung gawa-gawa lang niya lahat ng sinabi niya sa ‘kin kanina? Ang sakit.

“Midori… you want to meet Maisen again, right?”

Bigla akong napatingin kay Kuya Avril dahil sa sinabi niya. “H-Hindi! Grabe ka Kuya ha. Wala… Wala… Wala akong gusto dun! Hindi ko yun mahal. Grabe ka.”

Tumawa nang mahina si Kuya Avril. Itinigil na niya ang kotse. Nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin.“Tinatanong ko kung gusto mo siyang makilala. Wala akong sinabing gusto o mahal mo siya.”

Napalunok ako bigla. Lalo pa kong kinabahan nang makita ko yung nakakapanlokong tingin ni Kuya Avril.

“Masyadong defensive. Ang baby ko… Dalaga na.”

Page 36: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Inilapit pa sa ‘kin ni Kuya Avril ang mukha niya at tiningnan ako diretso sa mga mata. Iniiwas ko naman kaagad ang tingin ko.

“Gotcha.”

******

“Mark Isen… bumangon ka na diyan.”

“Ano ba…”

“May practice pa tayo.”

“Teka…”

“Hoy itlog… bangon na!”

“Ten minutes…”

“Oh, Betty… bakit nandito ka?”

Bigla akong napabangon sa kama ko nang marinig ko ang pangalang iyon.

“Joke lang! Itlog ka talaga. Maligo ka na!” hinatak ako ni Heart patayo sa kama ko. Napahawak naman ako sa ulo ko dahil nahilo ako bigla nang tumayo ako. “Aaahh…”

“Nag-inom ka ba kagabi?”

Tumango ako. Humiga ulit ako sa kama ko at pumikit. “Mamaya na lang ako a-attend. Susunod ako. Pakisabi na lang…”

“Aish…” umupo si Heart sa tabi ko at iniharap ang mukha ko sa kanya. “Itlog… Ikakasal na ko.”

Bigla naman akong napamulat sa narinig ko. “Ha?”

“Ikakasal na ko.”

“Sira ulo…” pumikit ulit ako. “’Wag kang magbibiro ng ganyan. ‘Pag si Lord nagalit sa’yo.”

“Sheesh… Totoo! Ikakasal ako! Hindi ka ba nagtataka kung bakit pinuntahan pa kita dito? Kinukuha ka ngang best man ni Kei. Ewan ko ba dun sa isang yun kung bakit ikaw pa. Hindi naman kayo close…”

Nagmulat ako ng mata at pinitik ko siya sa noo. “Totoo ba ‘yang sinasabi mo?”

“Oo nga! Tingnan mo kaya yung damit ko,” tumayo si Heart at pinakita sa akin yung dress na suot niya. Hinawakan niya yun saka umikot. Itinaas pa niya yung pa niya para ipakita sa ‘kin na naka-high-heeled shoes siya. “May make-up pa nga ako. Ang kati-kati. Pero kailangan kong maging tunay na babae. Ayokong ipahiya si Kei.”

Page 37: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Napangiti ako. Ngayon ko lang napansin. Ang laki na nga ng pinagbago ni Heart. Samantalang naaalala ko pa kung gaano siya ka-boyish dati. Masasaya na ang mga kaibigan ko. Si Violet hinahabol-habol ni Xaiza. Si Terrence naman nagsisimula nang manligaw kay Harmony. At eto namang si Heart… sinong mag-aakalang ikakasal na siya? Sa isang mayamang Japanese heir pa na first heart break niya.

Tapos ako… Heto…

Napabangon ako nang may maalala ako sa nangyari kagabi. Si Betty ba talaga yung nakita ko? Aish… Kahit saan talaga nakikita ko siya. Mapamulat man o mapapikit. Epal siya palagi sa imaginations ko.

“Ano… Okay ka na bang maging best man?” tanong sa ‘kin ni Heart.

“Oo naman.”

“Aye! Haaay… Naaawa ako sa’yo Maisen Egg. Ikaw na lang angwalang love life.”

Tahimik na nakangiti lang ako kay Heart. Napansin din pala niya.

“Masaya ka na ba diyan sa pagiging babaero mo? Masaya ka bang wala kang sineseryoso? Itigil mo na ‘yan. Kaibigan kita. Kaya gusto kong maranasan mo yung saya na nararanasan naming tatlo ngayon. Yung natural na manliligaw ka… natural kang mag-aalala para sa isang tao. Kapag naisip mo siya, pwede mo siyang tawagan o kaya i-text para sabihan ng “I miss you.” Kapag may mahalagang okasyon, reregaluhan mo siya. At bago ka makapili ng regalo, nailabas mo na lahat ng pawis mo. Yungpakiramdam ba na, ‘pag may problema ka hindi ka malulungkot kasi naiisip mo pa lang siya, nawawala na lahat ng negative feelings mo. Gusto kong maranasan mo yun.”

“Heart…”

“Hmm?”

“Alam mo… sa tingin ko… yung cholesterol na nakabara sa puso ko. Hindi lang basta cholesterol yun eh. Heart, sa tingin ko may gusto talaga ako kay Betty.”

“E… eh? Ano? Sure ka ba dyan?”

“Kahit saan ako lumingon, siya yung nakikita ko. Siya lang yung gusto kong makita. Wala na rin akong pakialam sa ibang babae. Actually, I have no girlfriend right now. Ayoko na. Hinihintay ko na lang talaga si Betty. Sigurado ako gusto ko siya.”

“Grabe… Oh… Eh bakit hindi mo siya puntahan?”

Napakamot ako sa ulo ko. “How? She said she has no contact number. How could that be possible?”

“Ang weak mo talaga mag-isip!” kinuha ni Heart yung cellphone niya at may tinawagan. “Hello, Terrence. ‘Di ba marami kang alam na investigating teams? Tulungan mo nga itong si Maisen at ang hinang mag-isip. Ipapahanap niya kasi si Betty Boop. Okay… Sige… Thank you, Egg.”

Page 38: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Ano daw?” sabi ko pagkababa ni Heart ng telepono niya.

“Pumunta ka raw sa bahay nila at pag-usapan niyo. Okay?”

“Thank you, Heart! Thank you!”

Betty… Gustong-gusto na kitang makita ulit. Hindi ko alam kung gaano pa katagal yun. Pero maghihintay ako. At sisiguraduhin kong sapagkikita natin… hinding-hindi na tayo magkakahiwalay.

Pangako ‘yan.

Chapter Eleven--Searching the world to find you.--

“So Sir, ito na po ba ang talagang itsura niya?”

“Yep! Ang ganda niya ‘no?” nakangiting tanong ko dun sa taong nag-sketch kay Betty. Desidido talaga akong ipahanap siya.

“Parang nakita ko na po ito Sir. Sa ospital niyo. Nurse po kasi dun ang anak ko kaya madalas po akong pumunta doon.”

Bigla akong napatigil doon sa sinabi ng lalaking kausap ko. “Sa ospital namin? Sigurado ka?”

“Opo. Dun po sa neurology hospital niyo. Pero hindi naman po ako sigurado. Hayaan niyo po. I-che-check ko din po yung lugar na yun.”

“Thank you. Galingan mo ang paghahanap. At kung pwede… pakibilisan.”

“Sobrang nagmamadali na po ba talaga kayo Sir na mahanap ‘to?”

“Aish… Ikaw kaya dyan ang araw-araw puyatin, hindi pakainin… kahit nga maligo ang hirap! Palagi na lang akong ginugulo niyan. Kaya pakibilisan po, kung pwede lang.”

“Ka-ano-ano niyo po ba ito Sir? At ano po ang gagawin ko kung mahanap ko na?”

“Fiancée ko. Hanapin mo lang then, mag-report ka sa ‘kin everyday. Siguraduhin mong hindi mahahawakan ng kahit sinong lalaki. Maliwanag?”

Nagpaalam na sa ‘kin yung lalaking maghahanap kay Betty matapos naming mag-usap. Ako naman ay naiwang nakangiti. Konti na lang, magkikita na kami. Patience, Maisen. Patience.

“Maisen, what happened?” umupo si Terrence sa couch sa harap ko. Nandito ako ngayon sa bahay nila. Siya kasi yung may contact doon sa investigator.

“Ang galing mag-drawing nun ha. Salamat ‘tol."

“Of course. Invited nga pala ang banda sa kasal ni Jan Avril. May ni-request na kanta si Avril na tugtugin natin.”

Page 39: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Talaga? Ano?”

“I Have Found You.”

“Masyadong dramatic. Dapat yung masaya ni-request niya eh. Saka kanta natin yun ah. Bakit hindi siya mag-request ng ibang kanta?”

“What would you expect? We’re getting more and more original, more and more popular. Kaya ‘wag kang mag-alala. Oras na maipahanap mo si Betty, imposibleng tanggihan ka pa niya. I think she hears your name from people’s mouth. It’s just that, maybe, we are popular. She’s afraid to approach you.”

“Sana nga. Nakakapagod din kasing maging playboy. Ang sarap palang maging normal,” nakangiting sabi ko. Kaya oras talaga na mahanap ko si Betty, magse-seryoso na ko. Aayusin ko na ang buhay ko.

“By the way. Nasabi nga rin pala ni Jan Avril na favorite daw tayong banda ng kapatid niya. So, I think, we should call the little girl up onstage and let her sing with us. What do you think?”

“That’d be great. I heard Jan Avril’s sister has some brain disease. Sayang lang at hindi natin naging member si Avril, siguro mas masaya ngayon yung kapatid niya. What’s his sister’s name?”

Tiningnan ako ni Terrence sa mga mata ko na parang may kakaiba siyang pinapakahulugan. Pero kung ano man yun, wala akong ideya.

“Her name is… Midori.”

******

“Midori!”

Nagpalingon-lingon ako sa paligid ko para tingnan kung sinong tumawag sa ‘kin. Parang narinig ko kasi ang pangalan ko. Pero wala naman akong nakitang tao na kakilala ko dito sa mall. Kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

“Midori!”

Tumingin ako sa likod ko dahil parang doon nanggaling yung boses. Pero wala naman akong nakita kundi mga taong hindi ko kakilala.

“Bulaga!”

“Ay! Kabayong buhay!” napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang pagharap ko para magpatuloy na ulit sa paglalakad ay nakita ko na lang sa unahan ko si Dwaine. “Ano ba naman Dwaine! ‘Wag ka ngang manggulat diyan!”

Tumawa siya nang mahina. “Ano? Tara na?”

“Saan?”

Page 40: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“’Di ba hinatid ka na ng Daddy at Mommy mo sa ospital? Tapos ikaw na matigas ang ulo, nagpunta pa dito sa mall. Sinusundo kita katulad ng sabi ni Tita Meg sa ‘kin.”

“Eh? Inutusan ka ni Mommy na sunduin ako?”

“Oo. At sabi ni Kuya Avril sa ‘kin, nandito ka daw para bumili ng concert tickets ng Kyela Marjorene kaya tara na,” inakbayan ako ni Dwaine at naglakad na kami papunta sa ticket outlet. “Bumili na tayo para maihatid na kita sa ospital.”

Tiningnan ko siya nang masama.

“O, ano ‘yang tingin mo na ‘yan?”

“Yung totoo… sumisipsip ka sa ‘kin ‘no? Kasi gusto mong ibili kita ng VIP ticket!”

“Ako? Sumisipsip sa’yo? Alalalala… hindi kaya!” Pinisil ni Dwaine yung ilong ko habang nakaakbay siya sa ‘kin dahilan naman para magkakawag ako at hindi makaalis sa posisyong iyon. Alam niya kasing may kiliti ako sa ilong kaya palagi niya ‘tong ginagawa sa ‘kin kapag nangungulit siya.

“Dwaine ano ba! Kakagatin kita dyan!” sinubukan kong lumayo sa kanya dahil nakikiliti na ako pero hindi naman niya ako pinakawalan. Pareho kaming masayang tumatawa ni Dwaine kaya naman hindimaiwasang mapatingin sa amin ang mga taong dumadaan sa tabi namin.

“Excuse me po,”

Napatigil kami sa pagkukulitan nang biglang may isang lalaking nakaitim na jacket ang lumapit sa amin.

“Ano po yun?” tanong ni Dwaine sa kanya.

“Bawal po ang PDA dito.”

“Ano!?” sabay kaming napasigaw ni Dwaine nang malakas. Pareho kaming nagulat sasinabi noong lalaki.

“Hindi po! Nagkakamali po kayo! Hindi po kami mag-on! Hindi po kami nagpi-PDA!” pagtatanggol ko. Nagulat lang ako dahil sadya namang parang magkapatid na kami ni Dwaine kung magkulitan. Wala lang naman talaga sa amin yun. Saka bawal bang magkulitan sa mall? Ngayon ko lang narinig yun.

“Saka sino po ba kayo?” tanong ni Dwaine doon sa lalaki.

“Ah… Eh… Ako naman ay nagmamalasakit lang. S-sige…”

Pagkasabing-pagkasabi niya nun ay nagmamadaling naglakad palayo na iyong lalaking naka-jacket. Sa halip na pansinin yun ay nagkatinginan na lang kami ni Dwaine at naglakad na papunta sa ticket outlet dito sa mall. Hindi naman nagtagal ay nakabili na rin kami ng ticket. Malapit na nga raw mag-sold out kaya mabuti at nakaabot pa kami. First ever concert kasi ito ng Kyela Marjorene na gaganapin sa labas ng New Empire University kung saan sila nagmula kaya naman maraming tao ang gusto silang makita.

Pagkatapos noon ay napagpasyahan na namin ni Dwaine na maglakad na papunta sa ospital. Ngayon kasing mga nagdaang araw, hindi na nga ako madalas na nahihilo tulad dati, pero mas mabilis naman

Page 41: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

akong mapagod ngayon. Sa konting ginagawa ko pa lang, pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Pero sinabi ko kay Dwaine na maglakad na lang kami papuntang ospital dahil isang linggo ko rin siyang hindi makikita. Bawal kasi akong dalawin sa ospital habang isang linggo akong sinusuri doon.

“Gusto mo talaga si Maisen?”

Napalingon ako sa tanong na iyon ni Dwaine. Nginitian niya ko. Pero hindi ko siya sinagot. Kahit kasi ako naguguluhan pa sa sarili ko. Hindi naman kasi ako naniniwala sa ‘love-at-first-sight’ na katulad ng sinabi sa ‘kin ni Maisen noong una ko siyang makilala. Pero kasi… iba talaga yung nararamdaman ko.

“I see. So hanggang ganito ka na lang ba? Panood-nood sa concerts nila?”

Tumango ako. Hanggang dito na nga lang ba ako? Nakakalungkot dahil ‘oo’ ang lumalabas na sagot sa isip ko.

“Ayaw mo talagang magpakilala sa kanya? Marami namang paraan para makita ulit siya eh. May alam ako—”

“Dwaine,” pagputol ko sa sasabihin niya. Ayokong marinig yung paraan na alam niya para magkakilala ulit kami ni Maisen. Baka kasi hindi ko tanggihan iyon. “Hanggang tingin na lang ako. Habang dumadami ang taong malapit sa ‘kin, dadami rin ang mga taong malulungkot kapag nag-evaporate na ko sa mundo.”

“Hindi ka naman mag-e-evaporate eh.”

“Paano kung mag-evaporate ako?”

“Paano kung hindi?”

Huminga ako nang malalim. “Kahit saan naman pumunta si Maisen, mababalitaan ko naman siya eh. Kasi sikat naman siya. ‘Pag may mabuting nangyari sa kanya malalaman ko. At isa ako sa magiging masaya para sa kanya. Kapag malungkot naman, mababalitaan ko pa rin. Pero ako, mabuti na yung hindi niya alam kung anong nangyayari sa ‘kin. Mabuti na yung mabubuhay siya sa sarili niyang mundo nang hindi niya iniisip kung kamusta na ko... ano na bang nangyari sa sakit ko. Mas mabuti kung mabuhay siya nang masaya at nang hindi sinasayang ang panahon niya sa isang katulad ko. Sa isang mag-e-evaoprate na sa Earth na katulad ko.”

Hinawakan ko sa balikat si Dwaine at nginitian ko siya.

“Thank you, Dwaine.”

Noon lang siya natauhan na nandito na pala kami sa tapat ng ospital. Ang bilis ng oras. Ang bilis-bilis.Habang naglalakad ako palayo kay Dwaine ay dumami pa ang takot na bumabalot sa ‘kin. Ano nga bang susunod na mangyayari sa ‘kin? Gaano nga ba kabilis ang oras ko? May paraan ba para pabagalin ko iyon? Hindi ko alam. At kahit kailan, hindi ko malalaman ang sagot.

“Midori!

Page 42: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Bago pa man ako tuluyang makapasok sa ospital ay napatigil ako nang tawagin ako ni Dwaine. Nanatiili lang akong nakatalikod sa kanya dahil ayokong makita niyang nalulungkot ako.

“Midori, gusto kong malaman mo… Na napakabuti mong tao. You deserve more than this. Magpagaling ka! ‘Wag kang panghihinaan ng loob! At ‘pag maayos ka na, hanapin mo si Maisen. Tutulungan kita. Gusto kong maging masaya ka, Midori. Kasi… kasi… Katulad ng dati, hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa’yo. Mahal pa rin kita. At nasasaktan akong nawawalan ka ng pag-asa. Kayanin mo, Midori. Gusto kitang maging masaya dahil mahal kita.”

Huminga muna ako nang malalim saka ko hinarap si Dwaine. Paano ko ba siya dapat harapin? May dapat ba akong sabihin sa kanya? Kung meron, ano? Pero sa halip na magsabi ng kahit na ano ay isa lang ang nagawa ko bago ko siya iwan. Iyon ay ang ngitian siya. Dahil iyon lang ang kaya kong gawin para sa kanya. At iyong pagmamahal na sinasabi niya, hindi ko yun kayang ibalik sa kanya. Dahil sa isang tao ko lang yun kayang ibigay.

Kay Maisen lang.

Chapter 12--Almost crossing paths.--

“Excuse me,”

Pagkadating na pagkadating ko sa ospital ay agad akong nagpunta sa nurses’ station. Nandito ako dahil tumawag sa akin yung investigator at sinabi niyang kapapasok lang daw ni Betty dito sa ospital kasama ang dalawang mas nakatatanda sa kanya. Hindi naging malinaw ang usapan namin dahil bigla syang nawala. Pero nagpunta kaagad ako dito para magbakasakali.

“Sir Maisen!” impit na sigaw nung nurse na naka-duty doon ngayon. Dati kasi, ginagamitan ko pa sila ng pagiging palikero ko, pero ngayon, wala na kong ganang gawin yun.

“Pwede bang paki-check kung saang room si… Ah… Betty yung pangalan niya.”

Nanatili lang nakatitig at nakangiti sa akin yung nurse doon at mamaya pa ay may dumating pang dalawang babaeng nurse at tinitigan rin ako.

“Excuse me!”

“Sir!” Biglang natauhan yung nurse nang laksan ko ang boses ko.

“Ano nga po ulit yun?”

“May Betty ba na pasyente? Paki-check naman kung anong room.”

“May surname po ba, Sir? Mas madali po kasing maghanap kung may surname po Sir.”

“Hindi ko alam ang surname eh. Paki-check na lang. Pakibilisan din.”

“Ah, sige po!” Hinarap nung nurse yung monitor at dali-daling nag-type.

Page 43: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Habang naghihintay ay pinaikot-ikot ko ang cellphone sa kamay ko. Nang matapos na sa paghahanap yung nurse ay iniabot niya sa akin iyong puting papel kung saan naka-print ang mga pasyenteng nandito ngayon na may pangalang Betty at pati na rin ang mga room numbers nila.

“Salamat,” Dali-dali akong naglakad palayo nang tawagin ulit ako ng nurse.

“Sir Maisen! Sir!”

“Yes?” tanong kong nilingon ko siya.

“Ang hot niyo Sir,” aniyang kinagat pa ang ibabang labi niya. Pero hindi ko na siya pinansin at tinalikuran ko na lang siya. May mas importanteng bagay akong kailangang gawin. Yun ay ang hanapin, makita, at makasama muli si Betty. Sinimulan kong maghanap. Tatlong tao lang naman iyong nakasulatdoon na Betty ang pangalan. Kahit magkakalayo ang mga rooms nila ay isa-isa ko silang pinagtyagaang puntahan. Paano kung isa nga sa kanila ang Betty na hinahanap ko?

Pero bukod sa kasiyahan ay may iba akong naramdaman. Kung siya nga si Betty, bakit naman siya mapapapunta dito sa ospital namin? Kung may sakit siya, bakit dito sa ospital namin siya dinala? Bakit dito pa ospital na ito kung saan karamihan ng tao ay may brain disease?

Natatakot ako para sa kanya. Natapos ang araw at napag-alaman kong wala naman pala si Betty sa tatlong Betty na pinuntahan ko. Ipinahanap ko rin iyong mga taong ‘Betty’ ang pangalan pero iba ang spelling. Kahit nga iyong ibang kwarto na hindi Betty ang pangalan ng pasyente pero ang edad ay halos kalapit lang nung akin, sinubukan ko na rin. Pero wala talaga siya.Patay na rin ang telepono ko dahil kanina pa akong tawag nang tawag doon sa imbestigador pero hindi naman niya sinasagot ang mgatawag ko. At ngayon nga, nandito ako sa clinic ni Daddy sa pinakamataas na floor ng ospital. Nagbabakasakali akong may pasyente siyang nagpapa-check up. At sana, si Betty iyon.

Nang makita ko ang pintuan ng clinic ni Daddy ay tatakbo akong lumapit doon para lang sa huli ay ma-disappoint ako. Sarado ang clinic niya. Naalala kong nasa out-of-town activity nga pala si Daddy ngayon.

Napaupo ako sa isa sa mga upuan sa waiting area sa labas ng clinic niya. Naisandal ko na lang ang ulo ko sa pader at napapikit. Wala naman si Betty dito. Tapos yung binayaran kong imbestigador, hindi pa sinasagot ang mga tawag ko. Paano ko makikita si Betty sa ganitong kalagayan? Pero hindi pa rin ako nawawalang ng pag-asa sa’yo, Betty. Alam kong magkikita pa rin tayo. At sa araw ng pagkikita natin. Hinding-hindi na kita pakakawalan.

At ngayong araw na ‘to… totoong napatunayan kong…

Mahal nga kita.

******

“Hello, Jane?”

“Oh, Midori! Saan ka ba galing?”

Page 44: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Inilipat ko ang cellphone ko sa kabilang tenga ko dahil hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi ni Jane. “Ano, pakiulit nga?”

“Sabi ko saan ka galing! Hinahanap kita sa ospital kanina kasi nami-miss na kita Bessie. Eh wala ka naman. Ayan tuloy, tapos na duty ko. Bukas na lang kita bibisitahin ha?”

“Ah, yun ba. May dinaanan lang ako kaya ako nawala. Sorry. Ahm… Bessie, nandito ba si Dr. Arc sa opisina niya?”

“Si Dr. Arc? Para namang hindi ko siya napansin kanina eh. Tingnan mo na lang sa opisina niya. Mag-elevator ka na lang para di ka mapagod kesa naman mag-escalator ka pa.”

“Ah, sige. Salamat Bessie.” Ibinaba ko na ang tawag na iyon at pumunta sa elevator lobby. Kailangan ko kasing sabihin kay Dr. Arc na nandito na ako para simulan ang therapy. Baka kasi hindi siya aware.Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay agad akong sumakay doon at pagbaba ko naman ay diretso akong nagpunta sa clinic ni Dr. Arc. Habang naglalakad ako sa hallway ay tanaw ko na ang pintuan ngclinic ni Dr. Arc. Pero bukod doon ay may mas nakaagaw pa ng atensyon ko.

Iyong lalaking nakaupo at natutulog sa tapat ng clinic...Nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya. Nakangiti ako habang pinapanood ko siyang matulog. Napakaamo ng mukha niya. Hindi na ako magtataka kung bakit napakaraming babae ang nahuhumaling sa kanya. Itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang mukha niya pero hind ko iyon itinuloy. Baka magising siya. At baka makita niya ako. Baka kapag nakita niya ako, hindi na niya ako pakawalan. At kapag ginawa niya iyon, baka tuluyan na nga akong hindi humiwalay sa kanya.

Pero lang hindi iyon ang ikinakatakot ng puso ko…Parang mas natatakot ang puso ko sa posibilidad na kapag nakita niya ako, hindi man lang siya magpakita ng interes sa ‘kin. O kaya naman baka hindi na niya ako kilala. Kasi nga marami siyang babae. Sino ba naman ako para maalala pa niya? Ang pinanghahawakan ko lang naman ay yung mga ‘sinabi’ niya noong ‘unang beses’ naming magkita. Gaano naman ako kasiguradong totoo nga ang mga iyon?Nakakalungkot man pero mas mabuti na rin yun. Tutal, sinubukan niya naman akong kilalanin pero hindi ako nagpakilala. Ito ang landas na pinili ko. Yung landas kung saan wala siya.

“Maisen… bakit ba palagi kitang nakikita? Alam mo bang habang dumadami yung beses na nakikita kita, mas nahihirapan ako? Naiisip mo ba ko kahit isang beses lang?”

Hindi ko na napigilang hawakan ang kamay ni Maisen. Siguro kung nakikita nina Jane at Dwaine ang ginagawa ko ngayon, malamang nabatukan na nila ako. Matapos kong ilayo ang sarili ko kay Maisen,hahawakan ko ngayon yung kamay niya? Tapos itinanong ko pa kung naiisip niya ako? Kahit ako, naguguluhan sa sarili ko. Epekto ba ‘to ng sakit ko? Pero kasi… ayoko lang naman dumating yung panahon na kailangan ko na siyang iwan. Kaya sa halip na sayangin niya ang oras niya sa pakikipagkilala sa ‘kin, gamitin na lang niya iyon para kilalanin ang ibang babae. Yung babaeng mas karpaat-dapat para sa kanya. Pero hindi ko rin naman mapigilan yung nararamdman ko. Mali ba ‘to?

Aalisin ko na sana ang kamay ko pero nagulat ako nang higpitan pa ni Maisen ang pagkakahawak doon. Kasabay noon na mas ikinagulat ko pa ay hinila niya ako at hinigit palapit sa kanya dahilan para mapayakap pa ako sa kanya. Saglit akong hindi umibo. Pinapakiramdaman ko kung gising ba siya o hindi.

Page 45: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Pero parang sinlalim pa rin tulad ng kanina ang tulog niya. Siguro nga ay tulog siya. Pero hindi pa rin ako nakahinga nang maluwag. Dahil may kung anong mangay at nangungulit dito sa dibdib ko. Habang nasa yakap ako ni Maisen ay pumikit ako saglit. Sa maigsing oras na nasa mga kamay niya ako, magpapanggap akong wala akong sakit. Sa maigsing oras na yakap niya ako, magpapanggap akong masaya naman talaga ako. Sa maigsing oras na ito, iisipin kong masaya kaming dalawa sa isa’t isa at malaya kaming gawin ang mga bagay na kung saan kami mas sasaya. Pero alam ko sa sarili ko na itong maigsing oras na ito… ay parang panagnip lamang.

Kailangan kong gumising. Dahil ‘pag hindi… tuluyan na kong mahuhulog.

Chapter Thirteen--Finally… we meet again--

“After a week, ngayon ka lang nagpakita sa ‘kin. Sa tingin mo natutuwa ako?”

“Sorry po talaga Sir,” nakatungong paghingi ng tawad sa ‘kin nung imbestigador. “Siniguro ko lang po na kapag humarap ako sa inyo, maayos na detalye na po ang maihaharap ko.”

“Explain.”

“Una ko pong nakita siya ay noong tumawag ako sa inyo. Noong inihatid po siya sa ospital nung isang babae at isang lalaki na para pong mga magulang niya. May dala po silang isang maleta noon kaya naisipkong pasyente niyo po sila.”

“That’s right. I checked the whole hospital but she’s not there.” Matapos rin ang paghahanap ko noon ay paulit-ulit na bumalik pa rin ako sa ospital namin sa mga sumunod na araw. Pero wala pa ring Betty nana-a-admit doon.

“Yun na nga po Sir eh. Pagkaalis po kasi nung dalawang kasama niya ay lumabas po ulit siya ng ospital. Sinundan ko po siya. Katulad po niya naglakad din ako para hindi po siya makatakas sa paningin ko. Ehhindi ko naman po namalayan na naiwan ko po ang cellphone ko sa sasakyan, Sir. Pasensya na po. Pero kung babalikan ko naman po yun, baka mawala bigla iyong pinapahanap niyo. Tapos napag-alaman ko po na sa mall pala siya nagpunta. Tapos Sir… Ano po…”

I knotted my forehead as I leaned my back on the couch. “Ano yun?”

“Ano po kasi… May… ‘Wag po kayong magagalit, Sir.”

“Ano nga yun?”

“May bigla pong lalaking dumating tapos… Tapos… Inakbayan po siya.”

Muntikan na akong mabulunan kahit wala naman akong kinakain o iniinom. “Anong sabi mo?”

“Inakbayan po siya. Mas matangkad po yung lalaki eh. Mga kasintangkad niyo po. Tapos ang saya pa nga po nila. Nagkukulitan po sila habang naglalakad sa mall.”

Page 46: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Nakagat ko ang ibabang labi ko kasabay nang pagsingkit ng mga mata ko. Oo, inaamin ko, nagseselos ako! “Aba’t… Baka naman nagkakamali ka ng tingin?!”

Bahagya siyang napaatras nang itutok ko sa kanya yung flower vase na nadampot ko sa coffee table sa pagitan namin. “H-hindi po Sir! Sigurado po akong siya yun!”

Ikinawag-kawag ko pa yung flower vase hanggang sa lumapit na iyong bulaklak sa mukha niya. “TAPOS WALA KA MAN LANG GINAWA?!”

“S-sir! T-teka lang po! Sir! Pinaghiwalay ko naman po sila eh!”

Nang marinig ko iyong huling sinabi niya ay ibinaba ko na yung vase at kinalma ang sarili ko.

“Tapos sabi naman po nung babaeng pinapahanap niyo hindi naman daw po sila mag-on kaya iniwan ko na po sila. Baka naman po kasi kapatid lang niya yun o pinsan…”

Saglit akong tumahimik. Sino naman kaya iyong lalaking iyon? May boyfriend na ba si Betty? Bakit siya nakipag-date sa ‘kin? Hindi naman siguro siya whore. Napaka-conservative nga niya nung nag-date kami eh.

“Pero Sir…” Napalingon ulit ako doon sa imbestigador na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan. “Sa tingin ko po may pagkakamali kayo eh.”

“Ha?”

“Kasi… nung naihatid na po nung lalaki yung pinapahanap niyo sa ospital. Tinawag niya po yung babae sa pangalan nito. At nagtaka po ako dahil ang pagkakaalala ko po ay ‘Betty’ ang pangalan nitong pinapahanap niyo. Tama po ba?”

Tumango ako nang marahan dahil iniisip ko kung anong pagkakamali ko.

“Iba po yung pangalan na itinawag niya dun sa babae. Tapos nung pagkatapos po nun, sinundan ko yung lalaki. Nagpunta po sa club at nag-inom. Ngayon naman po, sinaluhan ko. Tapos pasimple ko pongkinaibigan at tinanong tungkol doon sa babae. Konti lang naman po ang nalaman ko pero hindi na po mahalaga yun. May isang bagay lang po talaga tayong dapat pagtuunang-pansin. Hindi po Betty ang pangalan ng pinapahanap niyo.”

“Anong sabi mo?”

“Midori Vivero po. Iyon po ang pangalang nabanggit nung lalaki na Dwaine ang pangalan.”

“What?” Midori Vivero? At sino naman iyon? Saan ko nga ba narinig yung pangalan na iyon?

Saglit muna akong nanahimik at sinubukan kong i-digest sa utak ko lahat ng sinabi niya sa ‘kin. Kung hindi Betty ang pangalan niya, bakit siya nagpakilala bilang Betty?

Napatungo na lang ako sa lamesa. Grabe! Sa buong buhay ko, ngayon lang nangyari sa akin ‘to. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naloko at nagpaloko sa babae. Siguro pinaglalaruan lang naman yata talaga ako ng Betty… o Midori na ‘yan! Siguro isa siya sa mga nagging girlfriend ko at ngayon, gumaganti siya sa

Page 47: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

‘kin. Sinadya niyang mahulog ang loob ko sa kanya. At ako naman, nagpauto sa kanya. Paano ba nangyayari ‘to? Ito ba yung karma na tinatawag? Na kung dati ako ang nanloloko ng mga babae ngayon ako na ang niloloko? Isang simpleng pangalan lang, naloko ako? Sa isang pekeng pangalan ng babaeng isang beses ko lang nakita, pakiramdam ko ‘in love’ na kaagad ako? At umabot pa sa puntong nabago ang buhay ko at pinahanap ko pa siya sa private investigator? Sinasabi ko na! Hindi dapat ako naniniwaladiyan sa ‘love’ na ‘yan. Sino ba naman kasing hangal ang nagpauso niyan. Grabe, Maisen! What’s happening to you now!?

“Sir Maisen, pinapasabi po ni Sir Violet na kayo na lang daw po ang hinihintay sa concert area.”

Nag-angat ako ng tingin sa kasambahay namin na tumawag sa ‘kin mula sa pinto ng bahay. Tinanguan ko siya at tumayo na sa upuan ko.

I have to get back to my senses. Kailangan kong bumalik sa dating Maisen. Ginulo ni Betty ang buhay ko. Mali namang habambuhay akong maging ganito nang dahil lang sa kanya. Nang dahil sa panloloko niya.Tandaan mo ‘to Betty. Nagkamali ka ng nauto.

Ayoko na sa’yo.

******

“Do you see, how precious you areIn my eyes?I die a hundred timesWhenever I see you wrapped around himOh, I swear I would die a hundred timesAnother night you hold him tightOh, I swear, I swearWouldn’t it be niceTo hold you… for another time?”

Nandito pa lang ako sa labas pero rinig na rinig ko na ang malakas na sigawan ng mga tao sa loob ng concert hall. Mas malakas pa sa kanta ng Kyela Marjorene ang pagsabay nila sa awitin. Pero bukod doon, may naririnig pa akong isang mas malakas na tunog.

Yung tibok ng puso ko…Na habang palapit ako nang palapit sa entrance ng concert hall ay palakas rin nang palakas. Na habang tumatagal ay iyon na lang ang naririnig ko. Habang palapit ako ng palapit kay Maisen, mas nagwawalayung puso ko. Na parang sinasabi na, “Heto na, malapit na yung nagmamay-ari sa ‘kin.”

Pagkatuntong na pagkatuntong ko palang ng loob ng concert hall ay kitang-kita ko na ang dami ng tao. May pauli-uli pang spotlight sa audience area. Lahat ng tao, masaya. Lahat sila, nakikiisa sa banda. Pero ako… nalulungkot. Pagkatapos kasi nito, hindi ko na alam ang kaya ko pang gawin para kay Maisen.

“Doc, normal lang po ba na kung minsan… nawawala yung pandinig ko? O kaya naman po minsan, parang gusto kong magsalita, o kumilos, pero hindi ko magawa?”

Page 48: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Iyon ang kauna-unahang katanungan ko kay Dr. Arc nang dumating siya sa ospital. Katatapos lang ng 1-week therapy ko at hindi pa nila inilalabas ang resulta ng mga tests. Pero sa loob ng isang linggong iyonna parang ang igsi lang, naranasan ko ang iba’t ibang mga panakot ng sakit ko. Kung minsan, wala akong marinig, hindi ako makakilos, hindi ako makapag-isip ng maayos na parang laging naglo-‘loading’ ang utak ko. Sumasakit din ang ulo ko katulad noon pero ngayon, mas madalang ngunit mas masakit ang nararamdaman ko. Nagsusuka din ako.

Mababaw lang naman daw iyon, sabi ni Dr. Arc. Pero hindi ko alam kung pinapalakas lang niya ang loob ko o nagsasabi siya ng totoo.

“I’ll have to say this to you but you are not getting any better Midori.”

Iyon ang sinabi sa ‘kin ng isang doctor na nag-asikaso sa akin nang saglit mawala si Dr. Arc. Tinapat na niya ako. At sinabi niya na noon pa man, wala pang nagiging improvement sa sakit ko. Napangiti na lang ako. Hindi kasi ganoon ang sinabi sa akin ni Dr. Arc. Palagi niyang sinasabi na gagaling daw ako at malaki ang pag-asang mawala ang cancer ko. Madali lang daw iyon at kayang-kaya ko iyon. Palagi niyang pinapalakas ang loob ko. Kahit umabot pa sa puntong hindi na sya nagsasabi ng totoo. At dahil sa mga bagay na ito, na-extend ang therapy ko. At tumakas nga lang ako sa ospital para makapanood ng concert ng Kyela Marjorene.

“Don’t you want to rememberHow we were before?Before the day, that I left youAnd you cried for me, ohh…”

Nang matapos ang kanta ng Kyela Marjorene na “Another Time” ay nakahanap na ako ng pwesto. Napangiti naman ako kaagad nang matanaw ko si Maisen na hawak-hawak ang gitara niya. Nasa upper box ako kung saan konti lang ang tao. Ayokong pumunta sa masyadong malapit sa stage dahil baka makita ako ni Maisen kung masyado akong malapit. Tama na iyong tinatanaw ko siya dito sa malayo.

Naghiyawan ang mga tao at nagpalakpakan at sabay-sabay silang nagsigawan at nag-request ng “I Have Found You”. Napangiti naman ako. Favorite song ko kasi iyon. Love song iyon na tungkol sa isang lalaki na matagal nang hinahanap ang nawawalang girlfriend niya. Pero nung nahanap na niya ito, may iba na ‘tong mahal. Malungkot talaga iyong kanta pero nagustuhan ko talaga iyon. Hindi pa nagtagal ay tinugtog na nga iyon ng Kyela Marjorene. At nang magsimula nang kumanta ang napakagaling na vocalist nila, napapikit ako. Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang puso ko. Mabilis pa rin iyong tumitibok. Dinama ko lamang ang kanta habang iniisip ko yung unang beses na nagkita kami ni Maisen. Yun yung panahon na masaya ako. Doon ako simulang kinulit ng puso ko pero hindi ko iyon pinansin. Pero hindi ko rin matiis si Maisen kaya heto ako ngayon, pinapanood siya kahit sa malayo.

“I thought it was happy, when I saw you down the same place where we meet. I thought it was good, to see you smiling…” pagsabay ko sa chorus ng kanta. “But then he came out of nowhere, it strike my heart somewhere. That’s when I proved, that the saddest day was…”

“The day I have found you.”

Page 49: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Napatigil ako sa pagkanta nang may marinig akong isang taong sumabay sa kanta ko. Doon ko na lang napagtantong napakatahimik na pala ng buong lugar at ako na lamang ang kumakanta. Tahimik ang paligid at wala akong marinig. At nang unti-unti kong idinilat ang mga mata ko, may liwanag na nakatutok sa akin. At lahat ng mga mata ay nasa akin. Tiningnan ko lang sila na may pagtataka sa isip ko. Ganun ba kalakas ang naging pagkanta ko? Pangit ba ang boses ko? Nasira ko ba ang concert?

Nagulat na lang ako nang biglang may humila sa akin at niyakap ako. Ito rin ang pakiramdam nang may isang taong yumakap sa akin dati. At alam kong sa pagkakataong ito, siya ulit ang gumawa nito. Dahil kung ano ang nararamdaman ko noon. Ito pa rin ang nararamdaman ko ngayon.

“I have found you. Please don’t leave. Please,” at lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Iyon yung yakap na parang ayaw na niya akong pakawalan.

Gulat na gulat lang ako at hindi ako makaibo sa kinatatayuan ko. Wala akong masabi. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Hanggang sa naramdaman ko na lamang na may tumulong luha sa mga mata ko.

Bakit ganyan ka Maisen?

Do you despise me that you made me fall for you this much? Gulat na gulat ako sa ginawa niya kaya namang saglit akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

“Maisen, sundan mo!”

“Bilisan mo! Mabilis ka namang tumakbo eh!”

“Maisen, you can do it! You can leave the concert!”

Napatingin ako sa entablado kung saan nandoroon ang mga kaibigan ko. Nagsisigawan silang sundan ko siya. Napangiti naman ako at mabilis na tumakbo para sundan siya.

“Midori!” sa wakas ay pagtawag ko sa kanya sa tunay niyang pangalan. Nagpalingon-lingon ako sa paligid ko para hanapin kung nasaan siya pero hindi ko siya makita.

“Midori! Midori please! Nagmamakaawa ako!”

Paulit-ulit ko pang tinawag ang pangalan niya habang nagpapatuloy lang ako sa pagtakbo.

Pero napatigil ako nang makita ko siya. Nakaupo siya sa tabi ng kalsada habang nakahawak sa pasamano sa tabi niya. Dali-dali akong tumakbo at lumapit sa kanya.

“Midori!” agad ko siyang niyakap pero katulad kanina, itinulak niya muli ako palayo.

Masama niya akong tiningnan habang naglalabas ng mabibigat na paghinga na para bang pagod na pagod siya. “Sino ka?”

“Midori, si Maisen ‘to. Hindi mo ba ko naaalala? Nag-date tayo dati. Midori,” hahawakan ko sana siya sa balikat pero pinalis lang niya ang kamay ko.

Page 50: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Sinungaling ka! Lumayo ka sa ‘kin! Ayaw kitang makita! Hindi naman kita kilala eh! Lumayo ka sabi!” paulit-ulit niyang sambit habang paulit-ulit niya rin akong pinagtutulukan palayo. May halong takot at galit sa boses niya.

Sinubukan kong hawakan ang mga kamay niyang nagwawala para pigilan siya sa ginagawa niya pero patuloy niyang binabawi ito. “Midori, tama na. Masasaktan ka diyan sa ginagawa mo eh… Midori, ano ba…”

Bigla siyang tumigil sa ginagawa niya at nakatulalang tinitigan lang ako. Hawak-hawak ko pa rin ang mga kamay niya. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. Kaya naman niyakap ko siya. “Midori, galit ka ba sa ‘kin? Naging tayo ba? Isa ka ba sa mga niloko at pinaglaruan ko noon? Sorry, Midori kung nagawa ko yun. Pero nagsisisi na ko. Midori, mahal kita. Mahirap mang ipaliwanag pero mahal kita. Pwede bang ‘wag mo na kong iwan ulit? ‘Wag mo na kong pahirapan, parang awa mo na.”

Nanatili siyang hindi umiibo. Naramdaman kong nanlalamig ang buo niyang katawan kaya naman hinawakan ko siya sa balikat at inihiwalay siya sa pagkakayakap sa ‘kin.

“Midori, okay ka lang ba?” nagtatakang tanong ko.

Nagulat na lang ako nang biglaan ay para siyang nawalan ng malay at unti-unting napahiga. Mabuti na lang at nasalo ko kaagad siya.

“Midori! Midori!” paulit-ulit kong pagtawag ng pangalan niya habang sinusubukan ko siyang gisingin. Lalo pa akong kinabahan nang makita kong nakamulat naman siya. Inilapit ko ang tenga ko sa dibdib niya at napag-alaman kong tumitibok pa naman ang puso niya. Humihinga pa rin siya. Pero bakit ganun? Bakit hindi siya kumikibo man lang? Ano bang nangyayari? Sesenyasan ko sana iyong puting sasakyan na dadaan sa harap namin para humingi ng tulong pero kusa iyong tumigil sa tapat namin.

“Midori!” pagsigaw ng isang babae na bumaba mula doon sa sasakyan.

Agad niyang kinuha sa akin si Midori at inakay ito habang nagsisimula nang tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Pero nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Binuhat si Midori ng isang lalaki pero mas nagulat ako nang makita ko kung sino iyong lalaking iyon.

“Dwaine?”Hindi niya ako nilingon dahil dali-dali niyang isinakay si Midori sa puting van.

“Dwaine, sandali!” muling pagtawag ko sa kanya at sa pagkakataong ito ay nilingon niya ako.

“Sorry, bro. Pero emergency ‘to. Saka na lang tayo mag-usap,” sabi niya habang naglakad siya papasok sa passenger’s sear ng van at dali-dali na nilang pinaalis ang sasakyan.

“Ano bang… ano yun?” tanong ko sa sarili kong puno ng pagtataka. Napaupo na lang ako sa sahig at isinandal ang ulo ko sa pasamano sa likod ko. Nasabunutan ko ang sarili ko sa inis. Wala akong maintindihan sa nangyari. Kung bakit parang nawalan ng malay si Midori, hindi ko alam. Ang alam ko na lang… tumutulo na ang mga luha sa mga mata ko. Sabi niya hindi raw niya ko kilala. Sabi niya ayaw niya

Page 51: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

sa’kin. Sabi niya lumayo daw ako sa kanya. Magagawa ko ba yun, Midori? Sa tingin mo, magagawa ko ba yun?

Chapter Fifteen--Saying the most painful goodbye.--

How could you just forget someone who changed your life?Halos dalawang buwan na rin ang nakalilipas nang huli kong makita si Midori. Kung sino siya, kung bakit niya nasabi ang mga bagay na iyon, kung bakit siya biglang tila nawalan ng malay, kung anong nangyarimatapos iyon, kung bakit nandoon si Dwaine ng gabing iyon… hindi ko na inalam pa. Nawalan ako ng lakas ng loob. Hindi ko na alam kung paano ko haharapin si Midori matapos ang lahat ng sinabi niya sa akin. Siguro nga ay malaki ang galit niya sa ‘kin.

Sapat na’ng lahat ng iyon para maintindihan ko kung ano ang kahulugan ng lahat ng ito. Siguro, tinuturuan ako ng magandang aral ni Lord. Effective naman, nagawa kong magbago. Pero hindi ko inaakalang ganito pala talaga kasakit yun. Ang hirap palang magmahal. Siguro nga, naituro Niya sa ‘kin ang magandang leksyong nagpabago sa buhay ko. Pero yung magmahal ulit ng katulad ng pagmamahal ko kay Midori? Kahit ituro Niya yun sa ‘kin, parang hindi ko yun kayang gawin sa iba.

Nandito ako ngayon sa kasal ni Jan Avril at Flip Armaddi. Hindi na ako naka-attend ng mismong church wedding nila, maiinggit lang ako dun eh. Kaya sa reception na lang ako naka-attend. Masquerade ang theme ng after-wedding party na ito kaya kailangan ang lahat ng guests magsuot ng maskara. I-re-reveal lang ang mga taong may suot ng maskara kapag sumapit na ang twelve o’clok midnight. Doon rin magaganap ang couple’s kiss nina Flip at Avril.

Tutugtog dapat kami sa gabing ito pero may issue pa kasi kaming kinakaharap kaugnay ng nangyaring concert namin na biglang pinutol dahil sa eksenang ginawa ko. Marami naman ang natuwa pero hindi maiwasang may mga manira sa amin lalo’t higit ang ilang myembro ng media na noong simula pa man ay gusto na kaming pabagsakin.

At ngayon ay nandito ako sa rooftop ng building. Nag-iinom mag-isa habang nagkakasiyahan sila sa hall. Mas mabuti sigurong mapag-isa ako. Ilang araw ko na din kasing pnipilit na bumalik sa dating energetic na Maisen kahit sa loob ko, alam kong nagpapaka-trying hard lang ako.

Napalingon ako sa likuran ko nang may marinig akong nagtutunugang mga takong. At nakita ko doon ang isang babaeng naka-long gown. Wala akong ideya kung sino siya dahil sakop ng buong maskara ang buong mukha niya . Tinitigan ko lang siya habang papalapit siya sa ‘kin. Kumaway siya sa ‘kin kaya’t kinawayan ko rin siya. Tinabihan niya ako at nagsulat siya sa hawak-hawak niyang sketch pad. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya at nagtataka kung sino siya. Hindi naman siguro si Heart ‘to. Hindi naman siguro siya magpapalit pa ng damit para lang pag-tripan ako.

“Hello! :) ” nakasulat sa sketch pad na niharap niya sa ‘kin.

[A/N: Ang lahat po ng replies nung ‘babae’ dito sa rooftop conversation na ito ay nakasulat sa sketch pad :)]

Page 52: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Tinanguan ko siya at bahagyang nginitian bilang pagbati.

“Bakit ka mag-isa? Emo ka ba?”

Mahinang napatawa ako sa tanong niyang iyon. “No. I just want to be alone. How about you? Why are you here?”

“Nakita kasi kita kaninang umakyat papunta dito. Gusto lang kitang makita :)”

“Are you stalking me?” Lalo tuloy akong napaisip kung sino siya. Mamaya ex-girlfriend ko pala ito.

“Hindi naman. Ngayon lang :D”

“Then who are you? Wait...” napatigil ako bigla nang may maalala akong tao. “Don’t tell me you’re Sirri Gustav?”

“Sino yun?”

Nakahinga ako nang maluwag sa tanong na iyon. Sa bagay, kung siya si Sirri, hindi na yun magmamasakara pa at lalong hindi niya isusulat ang mga sinasabi niya dahil napakadaldal niya. At isa pa, hindi naman siya invited dito.

“Tawagin mo na lang akong ‘Girl Wannabe’.”

Napangiti ako sa pangalang iyon na binigay niya. Napakamasayahin siguro niyang tao. “So nice meeting you, Girl Wannabe.”

Inabot niya ang nakalahad kong kamay at tumango-tango. “Na-in love ka na ba?”

Nagulat ako sa tanong niyang iyon. “Why do you ask?”

“Hindi ba pwede?”

“Well, I am actually. And I’m planning to stop this, but I can’t. Can you teach me how? Or… do you know how?”

“Bakit mo naman ititigil? Hindi ba masayang ma-in love? :)”

I heaved out a deep sigh. “I thought so. Well, akala ko mag-wo-work eh. Pero hindi naman pala. Pinagtabuyan niya ko palayo eh. It hurts like hell, really. Up until now, it still hurts like one gddmn hell. Pero tama na siguro yun. Lesson learned.”

“Kanino ka na-in love?”

“Hindi mo naman kilala eh,” nanatili lang siyang nakatingin sa akin na parang naghihintay ng sagot. Hindi ko naman siya ganoong kakilala para magbahagi ng nararamdaman ko sa kanya. Pero wala naman sigurong masama, tutal mukha namang hindi talaga kami magkakilala.

Page 53: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Okay…okay… At first she told me, her name’s Betty. But I learned in the end that she’s not Betty but Midori,”

“O.O *shocked*”

“What’s so shocking?”

“Akala ko ako kasi sa ‘kin eh, hehehe. Joke lang!” Natawa naman ako doon at alam kong natawa rin siya kahit pa nakamaskara siya. Ibinaba niya yung sketch pad niya at nagsulat ulit. Medyo nagtagal rin yung isinulat niya bago niya iyon maipakita sa ‘kin.

“Move on :) Sabi nga nila, masakit naman daw talaga magmahal. Pero payo ko lang, kalimutan mo na yung Betty slash Midori na yun. Tama yung sinabi mong plano mong itigil nang mahalin siya. Maghanap ka ng babae na hindi niya katulad. Yung hindi mahina kagaya niya.”

Inilipat niya ang pahina ng sketch pad at nagpatuloy ako sa pagbabasa nun sa isip ko.

“Maghanap ka ng babaeng kaya kang panindigan hanggang sa huli. Yung babaeng mamahalin ka at walang ibang issue sa sarili niya. Mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal mo kay Midori. Maging masaya ka at kalimutan mo siya :)”

Inilipat niya muli ang pahina ng sketch pad habang ako naman ay saglit na napatingin sa kanya at nagsimula nang mag-isip ng iba’t ibang bagay tungkol sa babaeng iyon.

“Sige, mauna na ko. Bye! :)” Tinalikuran na niya ako at nagsimula nang maglakad palayo habang ako naman ay parang naestatwa sa kinatatayuan ko.

“Girl Wannabe, teka lang!” pagpigil ko sa kanya. Hindi man niya ako hinarap pero tumigil siya sa paglalakad. “Paano mo nasabi lahat yun? Kilala mo ba si Midori?”

Kinuha niyang muli ang sketch pad niya at nagsulat doon. Nang matapos na sa ginagawa niya ay lumapit siya muli at iniabot iyon sa akin.

“Hindi ko siya kilala. Matalino lang talaga ako, medyo may lahing manghuhula din :)"

Tiningnan ko siya nang may pagtataka pa rin. Inilipat niya sa kasunod na pahina iyong sketch pad na nasa mga kamay ko.

“Mangako ka sa ‘kin na magiging masaya ka, Mark Isen de la Fuente :)”

Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay naka-extend ang kamay niya sa ‘kin na nakikipag-‘pinky swear’. Inabot ko naman iyon at tinanguan ko siya kahit pa may pagkalito pa rin sa isip ko. Kilala ko ba ang babaeng ito?

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay bigla na lang niya akong niyakap. At matapos iyon ay nagtatakbo na siya palayo. Ako naman ay naiwang nakatulala lamang. Pilit kong iniisip ang bawat nangyari. Parang naglo-‘loading’ pa ang utak ko, kumbaga sa video sa YouTube, ‘buffering’.

Page 54: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Limang segundong niyakap niya ako. Limang segundong, may ipina-realize siya sa ‘kin. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam ko ang yakap na iyon.

“Midori…”

Iyon na lamang ang huling nasabi ko. Hindi ko na siya nagawang habulin pa para kausapin. Dahil nang mga sandaling iyon, nalaman kong hindi naman talaga akin si Midori. At hindi siya magiging akin. At matapos ang gabing iyon, hindi ko na siya nakita pa. Wala na kong nabalitaan tungkol sa kanya.

Wala na…

Chapter Sixteen--Alone and without you.--

[Three months later]

“Nanalo kayo ng limang awards sa Asia Golden Music Awards. Correct me if I’m wrong, ang mga ito ay Best Music Video, People’s Choice Award for Best Band, Crowd’s Favorite, Artist of the Year at angpinaka-highlight nitong AGMA, ang Song of the Year. How do you feel? Lalo na noong nandun na kayo sa entablado?”

“Bess, pwedeng pakilaksan mo ng konti yung TV?” pakikiusap ko kay Jane.

“Sure, Bess. Ayan oh, nalaksan ko na. Naririnig mo ba nang maayos?”

“Oo, Bess. Salamat,” nakangiting sabi ko sa kanya.

“Ah. Super happy. Medyo na-star struck pa nga kami pagtuntong namin ng stage kasi doon namin nakita sa stage yung dami ng very good artists sa Asia na nandun sa AGMA. And our favorite bands were also there… Versailles, Ellegarden, Alice Nine. Ang dami. We are proud kasi nangibabaw ng gabing yun yung pagka-Pilipino namin.”

“Talagang proud to be Filipino! Ang galing-galing! Well, congrats! At isa pang congrats dahil kayo raw ay nominated sa World Music Awards for… what? Is this true? Seven categories?”

“Ah… Opo. That’s right. Yung ma-nominate pa lamang ay napakalaking bagay na para sa isang baguhang banda sa international market kaya ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na ako, kami, on behalf of my band, the Kyela Marjorene. Thank you po sa lahat ng fans na sumusuporta sa amin. Sa mga nag-vo-vote, sa mga nagtatanggol sa amin, sa mga patuloy na nakikinig, bumibili, at sumusuporta sa musika namin atsa mga nagmamahal sa aming mga members, maraming maraming salamat po.”

“Grabe, Bess. Ang galing naman ng Kyela Marjorene,” manghang-mangahang sabi ni Jane.

“Oo nga eh,” nakangiti namang pagsang-ayon ko sa kanya.

“At grabe ang gwapo ni Papa Maisen ha. Parang ang sarap-sarap niyang amuyin eh. Hmm!”

Tumawa ako nang mahina dahil sa sinabi niya. “Anong kulay ng suot niya?”

Page 55: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Ah. Naka-long sleeve na stripes na grey and white na medyo body fit. Tapos naka-fit na pants na makintab and color black. Tapos naka-bulldog shoes na may glitters na silver. Tapos yung buhok niyamedyo nakatirik na medyo naka-side. Simple lang naman pero iba yung dating sa kanya eh. Na-imagine mo na ba Bessie?”

Nakangiting tumango ako.

“Halika na, ihatid na kaya kita sa inyo.”

“’Wag muna, Jane. Tatapusin ko lang ‘tong interview niya pagkatapos ihatid mo na ako,”

Nagpatuloy lang ako sa pakikinig sa interview ni Maisen. Tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nang huli kaming magkita. Tatlong buwan na ang nakakaraan simula nang magpaalam ako sa kanya. Iyon na ang pinakamasakit na pamamaalam na naranasan ko. Pero tiniis ko yun para sa ikabubuti naming dalawa. Hindi na rin ako namamalagi sa ospital dahil napag-alaman kong sina Maisen pala ang may-ari nun. Ama niya pala si Dr. Arc de la Fuente, kaya pala’t pareho sila ng apelyido. Lumipat na rin kami ng bahay. Nagpatayo na rin si Kuya ng resto niya malapit sa tinitirahan namin ngayon, at iyong resto niya kung saan ko nakita dati si Maisen ay ipinamahala na niya sa iba. Hindi na kami bumabalik doon. Hindi rin kami nag-iwan ng kahit anong bakas na nanirahan kami doon. Marami nang nagbago. Sikat na sikat na si Maisen at masaya naman ako doon. Kapag may mga issue tugkol sa kanya, kay Jane ako naglalabas ng sama ng loob. At ako naman, heto, patuloy na nilalabanan ang sakit ko. Mabuti na lang talaga at hindi ko na siya dinala pa sa ganitong sitwasyon. Dalawang nakakatakot na bagay lang naman ang pwedengmangyari: ang madamay siya sa sakit na nararamdaman ko o ang iwan niya ako dahil sa kalagayan ko. Kaya naman pinili ko ang kung saan mas magiging maayos ang lahat. Yun ay ang iwan siya sa pinakamadaling paraan. Kahit na sa huli, mahirap pa rin.

“So, Maisen, ano nga ba ang iyong real name?”

“Mark Isen de la Fuente po,” napangiti ako. Naaalala ko yung unang beses naming nagkita. Yun yung araw na ipinagsigawan niya yung pangalan niya sa harap ng maraming tao. Ayan tuloy, pinagkaguluhan siya. At ako naman, nakatago sa likod ng puno at tatawa-tawa.

“Ah so, kaya pala Maisen. Aside from music, ano pang pinagkakaabalahan mo? Are you studying?”

“Hindi na po. Ako po ay doctor na. Pediatrician po ako sa hospital namin.”

“Ah, so may ospital kayo? Wow!”

“Yes, I am the son of Dr. Arc de la Fuente, he’s a popular brain surgeon,” pinilit kong alalahanin sa isip ko yung pagkakataon na nagkausap kami ni Maisen sa opisina ni Dr. Arc. Nakakatawa. Iyon na yata ang pinaka-awkard na pangyayari sa buong buhay ko. At ang masaklap pa, hindi ko alam na si Maisen pala ang kasama ko sa awkward na moment na iyon.

“Yes, yes. I know him. Anak ka pala nya. Proud daddy siguro siya. Nakakagulat ang mga nalalaman natin dito kay Maisen. How about school? Nag-aaral ka pa ba?”

Page 56: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Nope. Hindi na po. Masyado na pong mahaba ang ginugol kong time sa pagdo-doktor. Pero um-attend po ako ng special classes sa Bachelor in Music and Theatre Arts sa New Empire University.”

“Role model ka pala. That’s good! Maraming performers ngayon ang hindi na nagpapatuloy sa pag-aaral kaya you are really a role model,” nagpalakpakan ang mga tao sa studio.” “How about… eto anggustong-gustong malaman ng mga girls. Love life!”

Tumawa siya nang mahinhin. “No, no. Hindi po ako role model pagdating sa lovelife.”

Natawa naman ako nang mahina doon. Naalala ko din yung panahong nakasakay kami ng ferris wheel at inamin niya sa ‘king marami daw siyang girlfriend. Nang mga panahong yun parang proud pa siyangmarami siyang girlfriend. “Hindi naman papayag niyan ang mga fans mo. Sige na, at baka gawan ka pa nila ng loveteam.”

Tatawa-tawa si Maisen. Na-imagine ko naman ang itsura niya kapag tumatawa. “Wala po. Next question po.”

“Wala? Eh ano itong nababalita noon, na kaya raw napahinto ang concert niyo ay dahil daw may hinabol ka raw na isang babae na ni-reject ka? Ay! Totoo ba ito? Pabulaanan mo Maisen.”

Saglit na katahimikan ang narinig ko. Tumibok na naman nang malakas ang puso ko. Pinilit kong huwag nang alalahanin pa ang pangyayaring iyon.

“I… I won’t say it’s not true. That girl back then, I really love her. But it’s just that… it seems like we’re not meant to be. So, I have to move on. And I am doing my best to move on, most especially, for my fans.

“Doing your best, ibig sabihin, hindi ka pa nakaka-move on nang lubusan?”

“Ganun na nga siguro. But tanggap ko naman po na hindi talaga pwede. Talagang, it just takes time to heal. “

“Oh… Nakaka-sad naman ‘yan. Any message for her.”

“Message? Oh… Uhm… Wherever you are now, I pray to God thatyou’re happy with your life. I hope we see each other some time… as friends. And I really believe that we met as written in our destiny and weseparated as written in our destiny also. Yun lang. Be happy.”

“Oh… Palakpakan naman natin si Maisen!” nagpalakpakan naman ulit ang mga audience sa studiokatulad ng sinabi ng host. “

“Yan naman ang isa sa pinakagusto ng fans niyo sa inyo, ang pagiging honest ng bandang ito.”

“Jane, tara na,” pagyayaya ko kay Jane. Hindi ko na kasi alam kung ano pang mga sunod na pwedeng mangyari kapag napakinggan ko pa ang interview ni Maisen. Ayokong sa huli ay pagsisihan ko ang nagging desisyon ko.

Page 57: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Akala ko tatapusin mo?”

“Hindi na, baka gabihin tayo. Tara na.”

“Sige, sabi mo eh,” pinatay na ni Jane ang TV at inakay na niya ko palabas ng bahay niya.

Kung ano man ang mga narinig ko, ilalagay ko iyon lahat sa alaala ko. Pero hindi ko iyon hahayaang makarating sa puso ko. Ayokong magdesisyon na naman nang dahil lang sa sinasabi ng puso ko. Mas ayos na iyong ganito. Yung masaya siya kahit wala ako. Yung hindi na siya kasama sa paghihirap ko.

Dahil darating ang araw, mawawala din lahat ng paghihirap ko… kasabay ng pagkawala ng buhay ko. Pero habang nakikibaka pa ako, habang ginagawa ko pa ang mga bagay na pwede kong gawin paramabuhay, kakayanin ko muna ang lahat. Kahit masakit, pipilitin kong maging masaya.

Kahit pa mag-isa ako, at wala siya.

******

“Maisen, maging masaya ka. Para maging masaya rin si Midori J ”

Nakahiga ako sa kama habang tinititigan ko iyong natatangin pirasong papel na iyon na nakadikit sa kisame ko. Galing iyon sa sketch pad na iniwan sa ‘kin ni Midori tatlong buwan na ang nakakaraan. Iyon ang pahinang nadiskubre at nabasa ko lang noong isang buwan. Bawat pahina ng sketch pad na iyon na sinulatan niya ay idinikit ko sa kisame ko para bago ako matulog at sa paggising ko, maipaalala sa ‘kin ng mga iyon na maging masaya ako. At kailangan kong mag-move on. Pero alam kong kalokohan namang idikit iyon doon para maging masaya ako. Mas lalo akong nahihirapang pakawalan si Midori at lumingonsa ibang babae habang nakikita ko ang mga iyon. Pero mas gusto ko iyong ganitong pakiramdam. Iyong minamahal ko siya kahit pa hindi ko na siya nakikita. Sana lang maging maayos siya kung nasaan man siya ngayon.

Napag-alaman kong kapatid niya pala si Avril at kaibigan niya si Dwaine. Nalaman kong nagpagamot rin siya ospital namin pero sabi naman ni Daddy ay hindi raw seryoso ang sakit niya. Maliit na bagay lang daw iyon kaya’t ‘wag ko nang problemahin. Nakuha ko ang address nila sa bahay pero nalaman kong lumipat na pala sila. Pati iyong restaurant ni Avril, iba na rin ang namamahala. Wala na akong makitang paraan para mahanap siya. Kaya naman hinayaan ko na lang. Mukha namang ‘dumaan’ lang talaga siyasa buhay ko. Parang stop over lang. Saglit sya tumigil, pero umalis rin. Hinayaan ko na lang. Tutal parang iyon naman ang gusto niya. Parang doon siya mas sasaya.

Eh ako, masaya ba ako?

Napabangon ako sa kama ko nang mag-ring ang cellphone ko.

Sinagot ko iyon. “Hello, Daddy?”

“Maisen, nasiraan ako ng sasakyan. Sunduin mo ako mamayang six p.m. dito sa Viewland.”

Pagkatapos ng bilin na iyon ay nagpaalam na si Daddy. Nagbihis na rin ako para puntahan siya dahil may kalayuan ang Viewland simula dito sa ‘min. Ayaw pa man din ni Daddy ng na-le-late.

Page 58: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Matapos ang isa’t kalahating oras ay nakarating din ako. Pero may isang oras pa bago mag-six p.m. kaya naman nag-park muna ako ng sasakyan sa isang lugar kung saan magkakatabi lang ang food chains atnaghanap ng makakain.

Panay paulit-ulit na pagkain lang ang meron sa mga food chains na nakita ko. Hanggang sa paglalakad ko ay may nakita akong isang restaurant sa kabilang panig ng kalsada. Isang napaka-pamilyar na restaurant.

“Sweet Haven,” tatawid na sana ako ng kalsada para pumunta doon nang may makita akong isang babaeng nakaupo sa may gilid ng restaurant. Nakatulala lang siya sa direksyon ko.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Pero bigla akong naiyak sa tuwa. Kahit malayo man, alam kong siya yun. Hindi ako maaaring magkamali.

“Midori!” pagtawag ko sa kanya. “Midori Vivero!”

Paulit-ulit ko pa siyang tinawag. Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao dahil para akong sira ulong masayang-masaya dito pero hinayaan ko na lang. Sobrang saya ng puso ko. Kaya naman nang mag-red light na ay dali-dali akong nagpunta sa kanya.

Huminto ako nang may kalayuan sa kanya. Nakatitig pa rin siya sa ‘kin. Nginitian ko siya pero walang ekspresyon sa mukha niya.

“Kuya! Kuya Avril! Ipasok mo na ko sa loob! Kuya!” pagtawag niya. Biglang may kung anong kumurot sa puso ko. Ayaw niya ba akong makita? Galit ba siya sa akin? Maya-maya pa ay lumabas si Avril mula sa restaurant at may iniabot na tungkod sa kanya. Inakay niya si Midori para makatayo. Nagulat ako sa nakita ko. Totoo ba iyon? Ang mas nakapagpabilis pa ng tibok ng puso ko ay nang marinig ko ang usapan nilang dalawa bago sila tuluyan mawala sa paningin ko.

“Pakiramdam ko Kuya may tumatawag sa ‘kin eh. Mamaya, si Maisen yun.”

“Wala ka na naman bang marinig?”

“Medyo mahina eh…

Ang hirap talaga nang walang nakikita Kuya Avril.” Masanay ka nang wala siya. Paulit-ulit na rumehistro sa isipan ko ang mga salitang iyon. Kailangan kong masanay nang wala si Midori sa tabi ko. Paano nga ba ako magpapatuloy sa buhay? Paano magiging katulad ng dati ang buhay ko gayong may kulang na? Paano pa ko magpapatuloy kung pakiramdam ko, sa bawat gagawin ko, hindi na ako buo…

Masanay ka nang wala siya.Paano ka masasanay sa isang bagay na wala ang nakasanayan mo?How could I get used to something I can’t even accept?

Tell me.

How?

******

Page 59: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Sir! Sir! Ayaw pong magpaistorbo ni Ma’am! Nag-aaral po siya! Sir!”

Dire-diretso lang akong pumasok sa bahay ni Sirri kahit pinipigilan ako ng katulong nila. Nang makatuntong ako sa salas nila ay agad akong nagsisigaw para marinig niya kaagad ako. “Sirri! Sirri!”

Hindi naman ako nagkamali dahil hindi rin nagtagal ay dali-daling bumaba si Sirri mula sa second floor ng bahay nila. Ilang Segundo muna niya akong tinitigan na parang nagtataka saka niya pinaalis ang katulongnila at sinabing iwanan na kami.

“O, Maisen. What’s the matter?” sabi niya habang papalapit siya sa akin.

Saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Huminga ako nang malalim at nag-isip muli. Inisip kong muli ang isang bagay na ilang beses ko nang pinag-iisipan kanina pa.

“Did you do that on purpose?”

Bahagyang nagulat si Sirri sa sinabi ko. “A-alin?”

“My Dad. You know he’s in the hospital now, right? Did you do that on purpose? Is that your punishment?”

“W-wait… I… Your dad’s in the hospital? I… I…” napaatras si Sirri nang humakbang ako palapit sa kanya.

“Don’t you pity me? My girlfriend’s… dying. I’m nearly losing my career as a musician. Some of our hospitals already closed. Hindi ka pa ba naaawa sa ‘kin? Why even my Dad?”

“T-teka lang… Maisen—”

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil nauna na akong lumuhod at yumuko sa harapan niya. I humbled myself and threw away all my pride to do this.

“Maisen… tumayo ka nga dyan. Ano ka ba…”

Hinila niya ako sa braso pero tinabing ko lang ang mga kamay niya.

“Help me. Help me, please. Even I don’t know what to do anymore…”

“M-Maisen? Are you crying?”

“I’m confused. My life’s drastically tragic. Help me please.”

“But… Oh my… Please stand. Don’t cry… Maisen, you’re making me panic. What’s happening?”

“Help me please… I can’t afford to lose another life. Please…”

“Okay… okay! Oh my… S-so. What… I’m trembling! My God! I don’t know what’s happening to you! I’ll help you, okay? Calm down please. What do you want me to do?”

“Marry me, Sirri. Please.”

Page 60: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Chapter Twenty-Four--I love you but I’m sorry.--

‘Take my hand. Take a breath. Pull me close and take one step.Keep your eyes, locked on mine. Let the music be your guide. Won’t youpromise me that you’ll never forget to keep dancing wherever we go next.”

Hinalikan ko ang kamay ni Midori at nakita ko ang pagngiti niya. Sinuklay ko ulit ang buhok niya habang nakaupo siya sa wheelchair niya. In front of us was a very beautiful view of the sunset. And Midori's eyes were at it as if she sees it.

“It’s like catching lightning. The chances of finding someone like you.It’s one in a million the chances of feeling the way we do. And with every step together, we just keep on getting better. So can I have this dance?”

Umupo ako sa harap niya at inayos ang telang nakapatong sa mga hita niya. “Did you like my voice? Pwede na kong maging bagong vocalist ng Kyela Marjorene ‘di ba? Dapat nang mag-alala si Terrence, malapit ko na siyang palitan.”

Ngumiti siya nang hawakan ko ang kamay niya. Her eyes were still on the serene dusk. The sky was the very same orange one that we saw the day I brought her to my refuge. Parang nakikta niya ang lahat ng iyon dahil sa payapang itsura niya ngayon. She looked… contented.

“Midori, I wish you could really see this. You know, the sky was the very same orange one. It’s the same sky there is when I proposed to you. Do you remember that? Hmmm?” Pinisil ko ang mga pisngi niya atnapangiti na naman siya. “But you can’t hear me.”

I sighed. Sana naririnig niya ako. Sana nakikita niya ako. Sa ganong paraan magiging mas masaya siya siguro.

Inilagay ko ang mga kamay niya sa magkabilang pisngi ko. I really like the feeling when her hands were on my cheeks. I feel her warmth. I feel so happy, I could not ask for more. But just her touch. “But you can feel me right?”

Inilagay ko ang kanang kamay niya sa kaliwang dibdib ko.

“It’s beating for you. I don’t care if you can’t hear it. But you can feel it. I’ll always be here for you, Midori. I love you so much… but… forgive me. I can’t just watch my father die with his emotional burdens while I do nothing. This is the least thing I can do. Please forgive me… please.”

Sa hindi ko malamang kadahilanan ay unti-unting tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Nakangiti siyang umiiyak habang nakatingin pa rin sa lumulubog nang araw. Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata niya at nakangiti pa ring kinuha ang mga kamay kong nakahawak sa kamay niya sa dibdib ko. Hinawakan niya yun ng sorang higpit at tumango. Kasunod noon ay ang mabilis na pagbagsak ng mga luha sa mga mata niya at ang pagbitiw niya sa kamay ko. Nagtatakang tinitigan ko siya. She was again mouthing something. Palagi ko siyang nakikitang ganoon. Parang may binibigkas na mga salita ngunit wala naman akong tunog na naririnig. Hindi katulad noon na kinakausap pa rin niya ako kahit wala na siyang naririnig.

Page 61: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Hindi na rin siya katulad nang dati na basta-basta kumikilos kung gusto niya. Bihira na siyang umupo mula sa pagkakahiga. Kailangan na rin niya nang dobleng atensyon ngayon kesa noon. Kailangang may mga matang laging nakabantay sa kanya at sa mga gagawin niya sa bawat segundo.

Hinalikan ko siya sa noo at ngumiti. “’Wag kang mag-alala. Ikaw lang ang mahal ko. Kaya magpalakas ka ha? Magpagaling ka Midori. Please… Please…”

Sinalubong kami ng kapatid niyang si Avril nang dalhin ko na pabalik nang kwarto niya sa ospital si Midori “She’s tired,” sabi nitong nakangiti habang kinukuha siya sa ‘kin. “Madali na siyang mapagod ngayon. Kung ano-ano nang gamot ang itinuturok sa kapatid ko. Habang tumatagal pataas na rin nang pataas ang dosage.

“She’ll be fine…”

“Tanong ba ‘yan o statement?” Bahagyang tumawa ito at naglakad na papasok sa kwarto kasunod ako. Nginitian ko ang asawa ni Avril na si Flip na tahimik na naghahanda ng pagkain sa loob ng kwarto. “You should be fine. Midori hates people who aren’t smiling. “

“I will. Please call me if something happens.”

“Except if it happens in the middle of your wedding.”

Tahimik lang na napatungo ako sa sinabing iyon ni Avril.

“Aish… Don’t be like that. Para sa ikabubuti mo naman ‘yan. Para ‘yan sa pamilya niyo. I know how important it is to be married to Sirri, Maisen. Though I don’t like the concept of your marriage but… Of course. It’s the only way. And I deeply understand that.”

“Something’s holding me back. Dapat ko pa bang ituloy? I mean, I don’t find it significant. Ni hindi man lang ako kinakabahan na ikakasal nga ako. Parang wala lang. Parang… isang bagay lang na kailangan kong palipasin sa buhay ko. Then after that, my problem with my family will be solved. But I will always be back to this place. To where Midori is.”

“Is there other way to solve the problem? I mean… if it’s the only way then take it or leave it.”

Is there really other way to solve it? If there is, then somebody please tell me. Because my mind is rusting, I can’t even decide on my own. For twenty-six years, I’m still that Maisen who can’t decide for himself.

Nang maayos na namin si Midori para sa pagtulog niya ay nagpaalam na rin ako sa kanila. Pero bago iyon inilagay ko sa palad ni Midori ang isang kwintas na matagal ko nang gustong ibigay sa kanya pero hindi ko naman magawa.

I kissed her forehead and whispered at my utmost sincerity, “The situation is trying to take me away from you. I don’t want to go but it’s too strong I can’t fight. But I’m leaving my heart to you. It’s all yours. Crumple it, step on it, and crush it if you want to. If that’s the price of my choice to marry some other girl, then do it. But please don’t throw it away. Forgive me. I love you but I’m sorry.”

Page 62: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Chapter Twenty Five--I will live for you--

“Maisen, ano bang pwede naming gawin?”

Inihiga ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa at pumikit habang pinapakinggan ang ‘words of wisdom’ ng mga kaibigan ko.

“Craig, kanta ka na lang. Tutal naman masalimuot ang boses mo. Baka sakaling matawa si Maisen,” pangangantyaw ni Whammy kay Craig.

“Napakasakit mong magsalita Whammy. ‘Pag ako naging vocalist ng Kyela Marjorene, ipamumukha ko sa’yong mukha kang hito sa pamamagitan ng kantang—”

“Sssh!” pagputol ni Zerg sa mahabang litanya na naman sana ni Craig. “Maisen, kamusta na nga pala yung girlfriend mo?”Z

Agad naman akong napamulat at napabangon sa tanong na iyon ni Zerg. Then, I remembered what Avril had told me on the phone just a while ago. I smiled.

“Maisen, call this miracle. Call this miracle… but Midori…”

“Woah, Avril. You seem to be happy,” na-e-excite kong sabi dahil ang saya-saya ng boses niya sa kabilang linya. Itinigil ko maging ang ginagawa ko para lang pakinggan nang mabuti ang sasabihin niya.

“The doctor said there were improvements! My God, I’m just so happy!”

“Ha? Tama ba ko ng pagkakarinig?”

“Yes! There were really improvements on Midori. It’s not that huge but if she continues to improve just like that, then everything will really turn out right.”

“Wow! I… I’m speechless… I’d like to go there now.”

“But she’s not available for visiting now. She’s still under observation with those improvements. But you can visit her later. But… today is your wedding isn’t it?”

I almost forgot that. “Yes. But I promise I’ll be there. Make her know that I’m coming. Wait for me.”

Binuksan ni Violet ang nakasaradong pinto para tingnan kung sino ang kumakatok doon.

“Kailangan mo na daw pumuntang simbahan, Maisen,” sabi niya sa ‘kin matapos kausapin ang taong kumatok. Isinarado niya ulit ang pintuan.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at inayos muli ang suot ko nang hawakan ako ni Terrence sa braso.

“Do you still have to do this?”

Page 63: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Napalingon ako sa mga kaibigan ko nang sabay-sabay silang nagsitayuan.

“Maisen, you don’t have to commit suicide. If you want to die then tell me and I’ll kill you. But not in this way,” nag-aalalang saad ni Greg.

“That’s right, Maisen,” Chancel said, still sophisticated in his black suit. “You can’t marry just to solve a problem. There could be other ways.”

Lumapit sa ‘kin si Violet at tinapik ako sa balikat. “Escape. We’ll help you. This isn’t your life. Run away, Mr. Groom.”

Tningnan ko isa-isa ang mga kaibigan kong kasama ko ngayon sa silid na ‘to. Lahat sila seryoso ang ekspresyon sa mukha. Their eyes were looking straightly on mine as if saying, ‘Come on. Just run away.’ Ngayon ko lang nakita ang ganitong pangungumbinsi ng mga kaibigan ko. I’ve been with them for who knows how long but it was like meeting a new side of them for the first time.

“Just run away.”

“Maisen! Let’s go! The bride’s already in the church!”

Nagmamadaling pumasok si Mommy at inayos ang kwelyo ng suot ko. Pero hindi pa rin naaalis ang tingin ko sa mga kaibigan ko at ganun din naman sila sa ‘kin.

“Why?” tanong ni Mommy na lumingon din sa direksyong tnitingnan ko. “You boys… Just talk about your matters after the wedding. Tara na sa simbahan. Nandoon na ang mga Gustav, mga anak. The girls at thechurch already want to see you, hot bachelors. Tara na… tara na…”

Hinigit na ako ni Mommy palabas ng kwarto at iiling-iling na lang na nagsisunuran ang mga kaibigan ko.“How many times ‘til I get this one right ‘til I give up the fight and just surrender. Surrender...”

“Anong title niyang kinakanta mo?” rinig kong tanong ni Whammy kay Clyde habang papalabas na kami ng bahay.

“Surrender by Katharine McPhee. Para sa mga taong gusto nang sumuko.”

“Ah. Nakakarelate ako.”

And then they all sang the song even inside the limousine.

“And they say that you don’t know what you’ve got ‘til it’s gone so I’m holding on to you.”

******

What are the odds of loving at a state of dying?

“I thought everything’s turning fine! What’s this!”

“Sir… sa labas lang po tayo.”

“Sa labas? Kung sa kamag-anak mo ba nangyari yan papayag kang sa labas ka lang?”

Page 64: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Sorry Sir… Pero ‘wag po tayong maghysterical. We will do our best.”

“Eh ganyan naman lagi ang linya niyo eh!”

“Anak… humihanahon ka.”

Could you just leave everything behind? That easily? Without hesitation?

“Teka lang Dad!”

“Anak, ano ba! Gagawin nila ang lahat, lumabas na tayo!”

Sabi ko nung una, ayoko pa… Sabi ko hindi ko pa pala kaya… Pero bigla kong narinig ang boses niya at mahihinang tawa. Sa tinagal-tagal ng panahong hindi ako nakarinig… narinig ko siya.

“Maisen…”

I was calling for him. Nasaan ka ba Maisen? Nandito ka lang ba sa tabi ko? Ang sama ng pakiramdam ko. Ang sakit… Pwede mo ba kong hawakan para malaman ko kung nandyan ka? Kailangan kita ngayon…Kasama mo ba ang Daddy at Mommy mo? May problema ba sa ospital niyo? Busy ka ba sa pagtugtog? Alam mo bang nahihirapan na talaga ako? Nahihirapan ako… hindi sa sakit ko. Pero dahil sa ilang araw ko nang hindi nararamdaman ang presensya mo. Hindi mo man lang ba talaga ako dinadalaw dahil busy ka? O talagang namamanhid na lang ang pakiramdam ko at pati ikaw… hindi ko na maramdaman?

Marami ka bang ginagawa? Ganun ba kadami? Sana mabisita mo ko kahit limang minuto lang. Sinubukan kong lumaban dahil nagbabaka-sakali akong mapapansin mo ulit ako. Nagbabaka-sakali akong pupuntahan mo ulit ako… gugustuhing makita. Kahit limang minuto lang. Kahit sa maigsing panahon lang. Pero hanggang dun na lang ang kinaya ko eh. Kaya magparamdam ka naman sa ‘kin oh. Nahihirapan akong umalis. Nagiging mahirap ang lahat. I want to set you free… but how? How could I set someone free if he’s not even with me?

Can you hear me Maisen? Am I still loveable in your eyes? Kasi ikaw… walang nagbago. Mahal pa rin kita. Kaya nga ba at magpakita ka na sa ‘kin. Para maging maayos na ang lahat. Para gumaan na ang pakiramdam ko.

“What’s happening?”

“Sir please… nakakasira po tayo sa ginagawa ditto sa loob.”

“Okay! Okay! But please really do your best or else…”

And all of a sudden… my sight lightened up. At nakita ko siya. Nakatingin sa akin at nakangiti. And I smiled at him, too. I gripped my hand to the necklace I am holding and slowly closed my eyes… I imagined a world where I can be truly happy. Where I may not be able to be with him. A world where it is just me. A world where I can just look at him from afar.

But whatever it takes. Wherever I go. My heart only belongs to him. But I have to let go.

******

Page 65: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

The bells that were supposed to sound like soft laughing of angels sounded like strong drum beats… more like pounding of my heart. The people all had their eyes at the aisle where a very gorgeouslady walks with her long white dress. They were all chattering, talking about how good she looks even with something covering her face. They were all smiling; looking at her then will shift their attention to me as I wait for her. Binalingan ko ang mga kaibigan ko na nasa ikalawang hanay ng mga pews mula sa unahan. They still had that look. Iyong tingin na parang binibigyan ako ng option. Napahigpit ang pagkakahugpo ng mga kamay ko.

“My dear son, don’t disappoint your father.”

I nodded as I glanced at my mother who is standing beside me. Huminga ako nang malalim habang papalapit siya nang papalapit sa ‘kin. Bawat paghakbang niya ay dagugdug sa puso ko. Parang bumagal ang paggalaw ng lahat ng bagay. Parang binibigyan ako ng pagkakataon na muling mag-isip.

Binalingan kong muli ang mga kaibigan ko. Nagsitunguhan na lang sila at humarap na sa altar. Nilingon ko rin ang mga tao sa kasal na iyon. Lahat sila ay nakangiting nakatingin sa ‘kin. At doon ko lang nalaman na nasa harap ko na pala siya.

I saw her sweet smile at the back of that veil. And everything was in slow motion- how I got her hand, how we both stepped in front of the altar. Everything was so slow. And then I heard completely nothing but soft laughter.

Wala nang umokupa pa sa isip ko kundi mahihinang tawa ng babaeng bumago sa buhay ko sa paraang hindi ko inaasahan.

“’Maisen, Di ba isang beses lang naman tayong nagkita?

Paanong… paano mo nasasabi ‘yang mga ganyang bagay tungkol sa‘kin?”

“Biglaan at hindi ko alam kung paano nangyari, pero inamin ko sa sariling kong mahal nga kita. Sumuko ako, at sinubukan kong ipangako sa sarili kong ayoko na. Pero hindi ko naman magawa. Siguro dahil darating talaga ang panahon na makikita kita at matutupad lahat ng gusto kong mangyari noon pa man. Destiny brought us together. Sabi nga nila, “kung tayo para sa isa’t isa, tayo talaga”.”

“Pwede ba kitang… yakapin?”

Hindi ko inaakalang kaya ko din palang magseryoso sa buhay. Simula nang makilala ko siya, lumalim na ang pananaw ko sa buhay ko. Naging makabuluhan lahat para sa ‘kin. I would not be what I am now if she did not come to give colors to my life. Akala ko noon, masaya at kumpleto na ako. Nagagawa ko ang mga bagay na gusto ko sa paraang gusto ko. Pero nung dumating siya sa buhay ko, doon ko naisip na ang dami palang kulang… na ang lungkot pala nang buhay ko nung wala pa siya.

And then suddenly, voices came out of nowhere. They were random. And those scraped my heart.

“Do you still have to do this?”

Page 66: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Maisen, you don’t have to commit suicide. If you want to die then tell me and I’ll kill you. But not in this way.”

“That’s right, Maisen. You can’t marry just to solve a problem. There could be other ways.”

“Escape. We’ll help you. This isn’t your life. Run away, Mr. Groom.”

“Just run away.”

“Maisen… Maisen…”

Nagising ako sa mula sa malalim kong pag-iisip. Nakita ko ang mukha ni Sirri na diretso ang tingin sa ‘kin. Nilapitan rin ako ng isang sakristan at inabutan ng tubig.

“Namumutla ka, hijo. Okay ka lang ba?” malumanay na tanong sa ‘kin ng pari sa unahan namin.

Then everything turned into slow motion again. The small glances of the guests to ask what’s happening, my mother’s slowly approaching to the altar, the priest’s bending of head to check if I am alright… even Sirri’s blinking of eyes. And even my heartbeat. It was slowly beating… but I can loudly hear it. Like my chest is a bass drum and the beater is hardly smashing to it.

“And they say that you don’t know what you’ve got ‘til it’s gone so I’m holding on to you. How many times ‘til I get this one right, ‘til I give up the fight and just surrender… surrender…”

I can’t surrender.

“I’m sorry, Sirri.”

Dali-dali akong nagtatakbo palabas ng simbahan. Pipigalan pa sana ako ni Mommy nang madaanan ko siya nang papunta siyang altar. Nagsisigaw siya para pigilan ako pero tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo. Lumingon muli ako sa likod ko at nakita ko ang walang tunog na pagpalakpak ng mga kaibigan ko, anglihim nilang ngitian at pag-ha-high five. Napangiti ako. Lalo pang lumakas ang loob ko. I was damn motivated to stop my stupidity.

“Such a stupid brat!” I told myself as I continued running while looking for a taxi. Kung bakit nga ba naman pumayag akong magpakasal kay Sirri. I hurt her feelings. Kahit pa alam niyang labag din sa kalooban ko ang magpakasal sa kanya, alam kong nasaktan ko pa rin siya. Pero mahal ko talaga si Midori eh. Oras na magkasama kaming muli, pupuntahan ko si Sirri at hihingi ng tawad sa kanya. Ako na rin ang bahalang rumesolba ng problema ng ospital namin. Magsisikap ako.

But as for now, I must see her. Sobrang saya ko nang makaalis ako sa kasal na iyon. I was like a bird so free to roam the heavens. Buong buhay ko, palaging mali ang nagiging desisyon ko, kaya nga ba at hindiako marunong magdesisyon para sa sarili ko. Kailangan laging may ‘daddy’ o ‘mommy’ na nandyan para mapagtanungan kung ano ng a bang dapat kong gawin. But this time, what I want to do is not their choice for me. And I can’t go with them.

Si Midori ang dahilan ng pinakaunang magandang desisyong nagawa ko para sa sarili ko. Siya na naman. At alam kong sa unang pagkakataong ito… hindi mali ang naging desisyon ko.

Page 67: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

Tagaktak ang pawis ko nang makarating ako sa ospital. Walang nagawa ang airconditioner ng taxi na sinakyan ko sa kabang nararamdaman ko. Dali-dali akong umakyat sa fourth floor kung saan nadoroon ang kwarto ni Midori. Avril said she’s improving. And I am damn excited to see her! Kaya sa halip na gumamit pa ng elevator na may katagalang mag-load ay sa hagdan na ako dumaan. Tumigil ako saglit at napahawak sa mga tuhod ko habang parang sirang ngiti nang ngiti. Kung nakamamatay ang ngiti, malamang double dead na ko. Sobrang saya ko at biglang gumaan ang pakiramdam ko nang maabot ng tanaw ko ang pintuan ng kwarto niya. Naglakad ako papunta roon para ma-i-kondisyon ko ang sarili ko sa pagkikita namin.

“Excuse me po, bossing!”

Gumilid ako nang mula sa likod ko ay may dumaang dalawang lalaking nurse na may akay-akay na stretcher. Napangiwi ako nang makita kong may laman iyong…

“Time of death nito, brad?” tanong nung isang nurse sa kasama niya.

“9:35 a.m., brad. Mga five minutes ago lang.”

Iniiwas ko ang tingin ko sa unahan ko. I really don’t like seeing dead people. I did not even glance at Lola when she died. It just brings me the creeps.

Nang magkaroon nang agawat sa pagitan namin ay nagpatuloy na akong maglakad. Nang biglang may isang lalaking tatakbong nilampasan ako. Nabangga niya ang kaliwang balikat ko dahil sa pagkaripas niya ng takbo.

And I just knotted my forehead when I saw the retreated back of the man. And then I heard a screech when he stepped on something. Marahan akong naglakad papunta sa bagay na iyon na natapakan niya dahil pamilyar talaga iyon sa akin. Kahit pa nasa malayo iyon… alam ko…

Punong-puno ng kabang dinampot ko ang nahulog na iyon. And when I saw it, I was scared to touch it. Bigla kong nabitawan iyon. Biglang binalot ng takot at kaba ang puso ko. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako. Parang… parnag hindi totoo. Parang may mali.

And like slow motion… I fell on my knees and my tears started to fall on the granite floor. My chest hurt so bad I almost lye on the floor crying. Because I’m stupid. Because I’m really stupid.

“Crumple it, step on it, and crush it if you want to.”

And she did. And now my heart is broken.

Just like the broken heart pendant on the floor and the broken lace of a golden necklace.

Page 68: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

EPILOGUE--To love someone the way I love you--

“Coffee through the day, coffee through the night. How could I live without you on my sight? You keep me warm, oh… You make me feel… Se-e-afe… I wake up in the morning, see you and I smile. If I sleep at the evening, wanna be by your side. Like a coffee, I want you day and night. Like a coffee, you make my heart sigh. Like a coffee, you’re the only who makes me smile.”

“Oh… You complete me. Like a coffee.”

Napangiti siya sa sabay-sabay na pagsabay ng klase sa huling linya ng kanta. Nagtawanan rin ang mga ito at saglit na napatigil sa ginagawang seatwork.

“Kaya gustong-gusto ko si Sir eh! May music palagi kapag may seatworks! ‘Di katulad nung ibang prof. Kausap lang yung whiteboard!”

Nagtawanan ulit ang klase niya dahil sa sinabi ng isa sa mga ito na tila may pinatatamaan.

“Sir, alam niyo po ‘yang kantang ‘yan?”

Nakangiting tumango siya sa tanong ng isa niyang babaeng estudyante.

“Talag Sir? Fan pala kayo ng JPop eh!”

“Oo nga po. ‘Di ba yung sikat na Japanese singer po ang kumanta niyan?”

“Oo!” pagsang-ayon pa ng isa sa mga ito at napatuon na ang atensyon ng lahat sa usapan ng tatlong babae kesa sa seatwork. Kapag kasi ang isang ito ang nagsalita, interesadong makinig ang lahat. Numerouna chismosa kasi ito ng klase. “Alam niyo ba, Pilipino ang nag-compose niyang kantang ‘yan! Alam niyo ba yun Sir? Hindi niyo yun alam Sir! Ako lang may alam nun!”

Tahimik na natawa naman siya sa sinabi nito. Nangalumbaba siya at itinuon ang atensyon sa usapang iyon kesa sa paggawa ng summary ng lesson niya.

“Bakit mo naman alam eh—”

“Mamaya ka magsalita! Patapusin mo muna ako!” sabi nito sa sumabad na kaklase at saka tumikhim at umayos ng upo. “Yung nag-compose niyan, dito graduate! Member ng isang sikat na banda na mabilis ding nawalan ng ningning. At ang sabi pa, iyang composition na ‘yan daw eh pa-project lang ng isang prof sa music dito rin sa NEU! Pero patay na yung prof—”

“And may he rest in peace,” pagsingit niya.

“Yes Sir! That’s right! May he rest in peace. At ayun nga. Inspired daw ‘yang kantang ‘yan sa girlfriend ng tawagin na lang natin na si Guy A. In love si Guy A kay Girl A pero hindi yata nag-work ang relationship sa hindi ko alam na dahilan. Basta, ang sure ako, eh ‘yang kantang ‘yan ay ‘singko’ ang nakuhang grade sa Music.”

Page 69: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Maganda naman ah! Bakit ‘singko’ lang?” pagtutol ng isang lalaking kaklase ng mga ito.

“Ewan ko! Itanong mo sa pumanaw na prof! Pero blockmates, alam niyo ba… Kahit bagsak ang grade ng kantang ‘yan, i-pinursue pa rin daw ni Guy A na ma-i-record at see naman! Isang international artist pa ang kumanta! Mahal na mahal siguro ni Guy A si Girl A.”

“Do your seatwork now…”

“Sir,” pagbaling sa kanya ng nagkukwento na parang binalewala lang ang sinabi niya. “Kilala niyo po ba yun? ‘Di ba nag-aral po kayo ng Music dito sa NEU? Baka naman may ma-i-she-share kayo dyan, Sir!”

“Hay, Miss Bernardo. Paano mo naman nalaman ‘yan? Dapat hindi ka nag-BS Bio. Dapat nag-BA Broadcast Communication ka. Parang mas okay ka dun,” aniyang itinaas ang record ng grades ng klase.

“Naku Sir! Inaasar niyo lang ako dahil bagsak ang mga quiz ko! Babawi po ako ‘no! Pasalamat ka Sir gwapo ka. May girlfriend ka na ba sir?”

Iiling-iling na lang siya sa mga estudyante niya. Nang balingan niya ang klase ay lahat ng mga ito ay tahimik na naghihintay ng sagot niya.

“I’m 28. I can manage.”

Nang matapos ang klase niya sa section na iyon ay agad siyang nagpunta sa Hungry Corner kung saan matatagpuan ang mahigit limampung foodchains sa campus. Kanina pa niya tinitiis ang gutom. Panahon naman siguro para magtakaw siya.

Hindi pa man siya nakakarating ay napangiti siya sa natanaw niya sa di-kalayuan.

She’s waiting for her again. Nilapitan niya ito. Agad naman itong tumayo nang makita siya.

“Kanina ka pa ba diyan?”

Umiling ito.

“Midori, you always wait for me here.” Umupo siya para mapantayan ang lebel nito. He patted the little girl on her head. “You should tell your Daddy Avril and Mommy Flip to fetch you as early as possible, hmm? It’s not safe for you to stay here alone.”

The little girl smiled so brightly. Tila may kung anong kumirot sa puso niya nang Makita niya ang mga ngiti nito. Ganito rin kaya ang itusra ng babaeng minamahal niya noong bata pa ito? Kapag tinatawag niya ang pangalan nito, iba ang unang lumalabas sa isip niya. Ibang babae ang bigla na lang nagpapakita sa imahinasyon niya. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya at nakangiti. “B-bakit?”

Napaatras siya para analisahin kung anong gustong sabihin nito nang biglang mahagip ng mga mata niya ang nakasakbit sa leeg nito na ipinapakita nito sa kanya.

“Sa… saan mo nakuha ‘yan?”

Page 70: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

He touched the necklace on Midori’s neck. It was the very same one.

Tumuro ito at nang lingunin niya ang direksyong pinupunto nito ay agad niyang nakita ang kumpol ng mga lalaki sa gilid ng Hungry Corner.

“Dito ka lang Midori. Hintayin mo si Tito, okay?”

Agad siyang nagtatakbo papunta sa kumpol ng mga lalaking iyon. Ang iba sa kanila ay estudyante, ang iba naman ay mga guro. Meron ding mga outsiders.

“O, Sir! Bili ka na! Two hundred-fifty lang! Pambigay sa girlfriend o asawa mo, Sir! May bonus pa ‘yan!”

Itinaas ng babae ang mga plastic bags na naglalaman ng mga kwintas.

“Sa-saan mo nakuha ‘yan?”

“Bakit mo natanong?” nag-aalangang balik-tanong nito sa kanya habang kumukuha ng bayad at nagbibigay ng sukli.

“Just answer me.”

“Sige ba, basta bibili ka ng paninda ko, gwapong Sir!”

Tumango na lang siya at naglabas ng pera. Iniabot naman nito sa kanya ang isang plastic bag na may lamang kwintas. “So?”

Nilingon siya nito saglit at saka bumaling ulit sa iba pang bumibili.

“Mga brad! Bukas na lang ulit! May appointment pa ako eh! Sensya na! Kitakits na lang tayo bukas! Dito ulit!”

Bagaman nagrereklamo at gusto pang bumili, nag-alisan din ang mga lalaking iyon. Lumingon-lingon muna ito sa paligid saka pabulong na kinausap siya.

“Sikreto lang natin ‘to ha. Pirated ‘yan.”

Kunot-noong tiningnan niya lang ito at naghintay ng iba pang paliwanag. “Eh… Kailangan kong rumaket bossing eh. Kaya nung nakita ko yung pinagkopyahan ko ng kwintas na ‘yan eh kinopya ko agad. ‘Di konaman mapakinabangan dahil sira na. Ginamitan ko na lang ng Mighty Bond tapos kinopya ko.”

Nakangising tatango-tango pa sa kanya ang babae. Wala naman sa itsura nito ang naghihirap. Sa kinis at puti ng kutis nito, baka ipambibili lang nito ng Glutathione ang napagkakitaan nito. Pero kahit ganun, hindi mawala sa isip niya ang paliwanag nito. Could it be that the original one was the one that he gave to Midori?

“Excuse me, can I have—”

Bago pa man niya masabi na gusto niyang bilhin ang orihinal na kwintas ay sumingit agad ito.

Page 71: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

“Sir! Wala namang ganyanan! Nabili niyo na yung kwintas eh. Bonus pa nga na sinabi kong pirated ‘yan. Pero wala na pong bawian! Maganda naman eh. Pwede po ‘yan sa girlfriend niyo o asawa.”

“But, I just—”

Hinagip nito ang plastic bag at kinuha ang kwintas sa loob noon.

“Sir! May papel sa loob ng bawat heart na pendant nung kwintas. Kunin niyo yun tapos kung anong number ang nakasulat, titingnan ko dito sa listahan ko kung anong kaakibat na consequence. Ayan Sir ha! Ang dami niyo nang bonus sa ‘kin. Malay niyo ‘win one million pesos’ yung nakalagay diyan. May isa kasi akong nilagyan ng ganun eh.”

Iiling-iling na lang na kinuha niya ang papel na nakasingit sa pendant. Hindi naman siya naniniwalang may ‘win one million pesos’ nga itong nilagay doon. Alam niyang kalokohan lang iyon ng babaeng ito.

Binuksan niya ang papel at pinakita dito ang numerong nakasulat doon. “One hundred.”

Agad na binuksan nito ang notebook at hinanap ang kaakibat na consequence, kung totoo ngang may nakasulat doon. “Date a beautiful girl!

O ayan Sir! Tiba-tiba ka na diyan!”

Saglit lang niyang tinitigan ito. Nawiwirduhan siya dito. Halatang dinaraya lang siya. Malamang papayag itong may consequence dahil hindi naman ito maaapektuhan. Kung makapag-date man siya ng isang babae, ano naming epekto noon dito? Wala.

“Maganda ka ba?”

“Oo naman Sir! Hindi niyo naitatanong—”

Inakbayan niya ito at kinaladkad sa pinakamalapit na kainan. “Eh ‘di mag-date tayo.”

“Aba… Sir! Teka!” Pilit nitong tinatanggal ang pagkakaakbay niya pero hindi naman nito magawa. “Wala ‘yan sa usapan!”

“Choosy ka pa! Ikaw na nga ang i-de-date ko. Hindi mo naitatanong, yung mga ex-girlfriend ko, split ends ka lang nila! Mga model, beauty queens… Ikaw lang yata ang dukhang i-de-date ko…”

“Hoy, Mister! Hindi ako dukha! Mayaman ang pamilya namin!”

“Eh bakit rumaraket –raket ka lang ng ganyan?”

“Kasi naglayas ako! Aish! Bakit ba ko nagpapaliwanag sa’yo. Makaalis na nga.”

Tinalikuran siya nito pero nagawa pa rin niyang hawakan ito sa braso. “Subukan mo, hahalikan kita.”

Inirapan lang siya nito at akmang maglalakad na sana. Pero dahil hawak niya ito sa braso ay mabilis niyang nahigit ito pabalik. And he plotted his plan…

Page 72: The 100th Guy Who Passed By Her - oreooobaby.weebly.comoreooobaby.weebly.com/uploads/2/5/5/1/25519037/100th_guy_who_passed_by... · Basta, kung ano man ang ipagkaloob sa ‘kin ng

He kissed her.

Tulalang napahawak ang babae sa mga labi nito nang humiwalay siya dito.

“Haaaayyy… It’s been a long time.”

Nauna na siyang naglakad dito nang tawagin siya nito muli. “Hoy! Sira ulo ka! Isinusumpa ko! Hinding-hindi ka magkaka-love life!”

“Isinusumpa ko din!” balik niyang sigaw dito. “Magkaka-love life ka na!”

Tatawa-tawang tinalikuran niya ito. It feels good to live again like this. To live a normal life again.To beback to the old Maisen. Do you see me now? Are you up there? Please watch over me. Because today, I am happy. But what make that happiness incomplete is the thought that I cannot love again the way I love you. I wish I can be with you, Midori. And help me to love again and to take care of girl the way I did to you. Even though I had this thought in mind that…

I can love no one but you.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

The 100th Guy Who Passed By Her © 2013

A story by Felipe Nas

All Rights Reserved