28
MAGING T IYA K KA S A DIYOS At mababasa Ito nang ganito. At si Elias na Thisbita, na…isang nakikipamayan sa Gilead, ay nagsabi kay Ahab, Buhay ang PANGINOONG Dios ng Israel, na ako’y nakatayo sa harap niya, hindi magkakaroon ng hamog o ulan man sa tatlong mga taong ito, kundi ayon sa aking salita. At ang salita ng PANGINOON ay dumating sa kaniya, na nagsasabi, Umalis ka rito, at lumiko ka sa dakong silanganan, at magkubli ka sa tabi ng batis Cherith—Cherith, (ibig kong sabihin) na nasa tapat ng Jordan. At mangyayari, na ikaw ay iinom sa batis; at aking iniutos sa mga uwak na pakanin ka… Sa gayo’y naparoon siya at ginawa ang ayon sa salita ng PANGINOON: sapagka’t siya’y pumaroon at tumahan sa tabi ng batis Cherith, na nasa tapat ng Jordan. At dinadalhan siya ng mga uwak ng tinapay at laman sa umaga, at tinapay at laman sa hapon; at siya’y umiinom sa batis. At nangyari, pagkaraan ng sanggayon, na ang batis ay natuyo, sapagka’t walang ulan sa lupain. At ang salita ng PANGINOON ay dumating sa kaniya, na sinasabi, Bumangon ka, at paroon ka sa Sarepta, na nauukol sa Sidon, at tumahan ka roon: narito, aking inutusan ang isang baong babae roon na pakanin ka. Sa gayo’y bumangon siya at naparoon sa Sarepta. At nang siya’y dumating sa pintuan ng bayan, narito, ang baong babae ay nandoon na namumulot ng mga patpat: at tinawag niya siya, at sinabi, Isinasamo ko sa iyo na dalhan mo ako ng kaunting tubig sa inuman, upang aking mainom. At nang siya’y yumayaon upang kumuha, tinawag niya siya, at sinabi, Dalhan mo ako, isinasamo ko sa iyo, ng isang subong tinapay sa iyong kamay. At kaniyang sinabi, Ang PANGINOON mong Dios ay buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi, at kaunting langis sa banga: at, narito, ako’y namumulot ng dalawang patpat, upang

TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

  • Upload
    vonhu

  • View
    276

  • Download
    17

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

MAGING TIYAK KA SA DIYOS

At mababasa Ito nang ganito.At si Elias na Thisbita, na…isang nakikipamayan sa

Gilead, ay nagsabi kayAhab, Buhay angPANGINOONGDios ng Israel, na ako’y nakatayo sa harap niya, hindimagkakaroon ng hamog o ulan man sa tatlong mgataong ito, kundi ayon sa aking salita.At ang salita ng PANGINOON ay dumating sa kaniya,

na nagsasabi,Umalis ka rito, at lumiko ka sa dakong silanganan,

at magkubli ka sa tabi ng batis Cherith—Cherith, (ibigkong sabihin) na nasa tapat ng Jordan.At mangyayari, na ikaw ay iinom sa batis; at aking

iniutos sa mga uwak na pakanin ka…Sa gayo’y naparoon siya at ginawa ang ayon sa

salita ng PANGINOON: sapagka’t siya’y pumaroon attumahan sa tabi ng batis Cherith, na nasa tapat ngJordan.At dinadalhan siya ng mga uwak ng tinapay at laman

sa umaga, at tinapay at laman sa hapon; at siya’yumiinom sa batis.At nangyari, pagkaraan ng sanggayon, na ang batis ay

natuyo, sapagka’t walang ulan sa lupain.At ang salita ng PANGINOON ay dumating sa kaniya,

na sinasabi,Bumangon ka, at paroon ka sa Sarepta, na nauukol sa

Sidon, at tumahan ka roon: narito, aking inutusan angisang baong babae roon na pakanin ka.Sa gayo’y bumangon siya at naparoon sa Sarepta. At

nang siya’y dumating sa pintuan ng bayan, narito, angbaong babae ay nandoon na namumulot ng mga patpat:at tinawag niya siya, at sinabi, Isinasamo ko sa iyo nadalhan mo ako ng kaunting tubig sa inuman, upangaking mainom.At nang siya’y yumayaon upang kumuha, tinawag

niya siya, at sinabi, Dalhan mo ako, isinasamo ko sa iyo,ng isang subong tinapay sa iyong kamay.At kaniyang sinabi, Ang PANGINOON mong Dios ay

buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isangdakot na harina sa gusi, at kaunting langis sa banga:at, narito, ako’y namumulot ng dalawang patpat, upang

Page 2: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

2 ANG BINIGKAS NA SALITA

ako’y pumasok at ihanda sa akin at para sa aking anak,upang aming makain, bago kami mamatay.At sinabi ni Elias sa kaniya, Huwag kang matakot;

yumaon ka at gawin mo ang iyong sinabi: nguni’t igawamo muna ako ng munting tinapay, at ilabas mo sa akin,at pagkatapos ay gumawa ka para sa iyo at…sa iyonganak.Sapagka’t ganito ang sabi ng PANGINOONG Dios ng

Israel, Ang gusi ng harina ay hindi makukulangan, oang banga ng langis man ay mababawasan, hanggangsa araw na magpaulan ang PANGINOON sa ibabaw nglupa.At siya’y yumaon nang pumasok at ginawa ang ayon

sa sabi ni Eliseo: at ang babae, at siya, at ang kaniyangsangbahayan, ay kumain ng maraming araw.At ang gusi ng harina ay hindi nakulangan, o ang

banga ng langis man ay nabawasan, ayon sa salita ngPANGINOON, na sinalita sa pamamagitan ni Elias.Para sa ipangungusap ngayong umaga, bago muna ako

pumunta sa ibayong dagat, ay pumili ako ng isang teksto,tungkol dito sa:Maging Tiyak Ka Sa Diyos.2 At ngayon, Panginoon, pagpalain Mo po ang Iyong Salitahabang Ito ay isinasalita, at sakupin nawa ng Espiritu Santoang aming mga isipan at aming mga pag-iisip, at ihanda kamipara sa Kanyang pagdalaw, dahil aming hiniling sa Kanya naSiya’y pumarito. Sapagkat hindi kami pumaparito sa bahayng Panginoon upang makita, o upang makakita, kundi upangmatuto tungkol sa Iyo, at upang malaman ang Iyong kalikasan,at ang Iyong kaparaanan, at ang Iyong mga layunin, nang sagayon ay magawa naming harapin ang mga suliranin sa buhay,na may tunay na katiyakan, na nakatitiyak sa Diyos. IpagkaloobMo po ito, Panginoon. Sa Pangalan ni Jesus ay amin itonghinihiling. Amen.3 Marahil noon ay isang kakila-kilabot na umaga.Napakaalinsangan at maalikabok, at nasa lansangan ang mgatao, namamatay na sa gutom, at napakainit ng lupa na handana itong magliyab. Ang lahat ng ito ay sumasalamin sa kanilangmga kasalanan at pagkabulok ng kanilangmoralidad.4 Nakita n’yo, naghahari noon si Ahab sa—sa Israel, nangpanahong iyon, o sa ibabaw ng Israel, at siya ang pinakamasamasa lahat ng mga hari ng Israel. Walang naging hari noon nakasingsama ni Ahab, sapagkat siya, na naturuan naman atalam ang mas mabuti, hindi siya nabigo na patuloy na galitinang Diyos sa lahat ng bagay na ginagawa niya. Bagama’t maymatatag siyang sistemang militar, at naging napakaunlad ngpamumuhay ngmgamamamayan sa kanyang paghahari, ngunit,

Page 3: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

MAGING TIYAK KA SA DIYOS 3

ganoon pa man, hindi mo maaaring galitin ang Diyos at tapos ayumasa namakakalusot ka nangmatagal-tagal.5 At pagkatapos, sa kanyang kasal, imbes na pumili ngmapapangasawa mula sa kanyang sariling mga kababayan,pumaroon siya sa kabila at pinakasalan ang isang makasalanan,isang sumasamba sa mga diyos-diyosan, pagsamba sa mgadiyos-diyosan. Pinakasalan niya si Jezebel. At hindi ito isangmananampalataya.6 At kailanma’y walang mananampalataya ang dapat na mag-asawa ng isang di-mananampalataya, maging ano pa man angsitwasyon.Kailangan lagingmananampalataya ang pakasalan.7 Subalit ginawa ni Ahab ang masamang bagay na ito. Atwalang alinlangan namagandang babae si Jezebel. At nahulog siAhab sa kung ano ang itsura niya, sa halip na sa kung ano siya.Gayon nga ang napakaraming tao, na gayon din ang nagagawangpagkakamali, hanggang sa panahon na ito.8 At dinala nito sa bansa ang pagsamba sa mga diyos-diyosan,sa mga tao. At ang mga tao, ang mga saserdote, ang kanilangmga ministro, ay nangabiktima nitong makapangyarihang diktang nakararami na ito.9 At ito na nga mismo ang larawan ng ating bansa ngayon.Nahulog na tayo sa ilalim ng dikta ng nakararami. Walangalinlangan na inakala ng mga saserdote na ayos lang iyon,hangga’t sinasang-ayunan iyon ng kanilang gobyerno. Ngunitwala akong pakialam maging ano pa man ang sang-ayunan nggobyerno, ito dapat ay kung ano ang sasang-ayunan ng Diyos.At inakala ng mga tao na ayos lang kung nakisali sila sa ilan samgamakasanlibutangmga bagay ngmga ito.10 Atmaaaringmay hihiling sa akin na balikan ko ang kasasabiko lang, na iyon noon ay isang kaparehong larawan ng ngayon.Maaaring hindi natin ipinapalagay na mga sumasamba tayo samga diyos-diyosan, ngunit ganoon nga tayo. At itinataguyodiyon ng gobyerno. Ang mga tao sa panahong ito ay mgasumasamba sa mga diyos-diyosan, dahil sa sila—sumasamba silasa mga diyos-diyosan. Ang iba sa kanila ay sumasamba sa mgaartista sa pelikula, bilang mga idolo. Ang iba ay sumasamba sasalapi, bilang mga diyos-diyosan. At ang iba ay sumasamba samga artista sa telebisyon, bilang mga idolo. Subalit ang lahat nginuuna mo bago ang Diyos ay isang diyos-diyosan, maging anopa man iyon.11 Maging kay satanas, ang ating pinakamatinding kaaway, ayisang napakatalino, hanggang sa naipauuna pa nga niya, kungminsan, ang iglesya bago ang Diyos. Maaaring may malaki kangiglesya. Maaaring ’yun ay isang malaking gusali, o maaaring’yun ay isang kilalang denominasyon. At, muli, maaaring isaiyong malaking kongregasyon, subalit huwag mong hayaang

Page 4: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

4 ANG BINIGKAS NA SALITA

may mauna bago ang Diyos, sa iyong puso. Ang anumang bagay,at bago ang Diyos, ay isang diyos-diyosan.12 At alam ng mga taong ito na hindi sila espirituwal na gayang dati, sa ilalim ng pamamahala noon ng ibang mga hari. Atinakala nila, na dahil lang sa isa silang relihiyosong bansa, namagiging ayos lang ang lahat. At ganoon din naman tayo nahumantong na sa puntong iyon.13 Ilang buwan na ang nakararaan ay kausap ko ang isangnapakabuti kong kaibigan. At sabi niya, “Kapatid na Branham,sa palagay ko’ymasyadomong pinag-iinitan angEstadosUnidosna ito.” Sabi niya, “Lagi kang nakabulyaw sa kasalanan at kungpaanong parurusahan ngDiyos ang bansang ito.”14 Sabi ko, “Kinakailangan Niyang gawin iyon, upang magingmakatarungan.”

Sabi niya, “Pero, Kapatid naBranham, nakakalimutanmongnaitatag ang bansang ito sa ibabaw ng Mga Kasulatan. Atdumating dito ang ating mga ninuno, at ipinagkaloob sa atin ngDiyos ang pag-aaring ito. At tayo ay isang bansang relihiyoso.”15 Sabi ko, “Totoo iyon, lahat ng iyon. At walang nakakaalamkung gaano ko ipinagpapasalamat ang bansang ito! Ngunit,tingnan mo, kapatid ko, pinili din naman ng Diyos ang Israel, atnagsugo Siya rito ng mga propeta at mga dakilang tao. Subalithindi magagawang matagalan ng Diyos ang kasalanan. IpinaaniNiya sa Israel ang bawat butil na itinanim nila. At kung ginawaNiyang ipaani sa Israel ang itinanim nito, ipaaani rin Niya kungano ang itinatanim natin.Wala Siyang kinikilingang tao.”16 At humantong na tayo kung saan iniisip na natin na dahilsa nakasandig tayo sa ginawa ng ating mga ninuno, o sakung ano ang ginawa noon ng mga dakilang tagapagtatag ngating mga iglesya, kung ano ang kanilang naging malakingpagpapakasakit sa Diyos noon, na mainam naman at lubos naipinagpapasalamat, subalit hindi tayo maaaring magtamo ngkaligtasan sa ginawa nila! Ang kaligtasan ay isang indibidwalna bagay sa pagitan ng bawat tao at ng Diyos. Hindi sa bansa,sampu ng ating iglesya, kundi ng ating mga sarili sa harapan ngDiyos, ay mananagot tayo.17 Humantong na ito sa ganoong kalagayan sa ating bansa,hanggang sa maging sa gitna ng mga pinakaespirituwal namga taong mayroon tayo, pumunta ka sa mga espirituwal nakalalakihan at kababaihan, at malalaman mo na sa kanilangpuso ay may bagay na kulang.18 Kami ay, nitong mga huling ilang linggo, pinag-aaralanko ang ilan sa mga bagay na ito, at napag-alaman nasa loob ng mga tao na inakala kong binhi na, gayunma’ynakita kong mas pinahahalagahan pa nila ang mga bagay napansamantala, nag-iikot at nagsasabi, “Pinagkakalooban ako ng

Page 5: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

MAGING TIYAK KA SA DIYOS 5

Diyos ng pinakamalaking ganito-at-ganoon. Nagkakaloob angDiyos ng…”Nagkukunwa-kunwarian ka.

19 Ang masaganang mga materyal na bagay ay hindi lagingnasa kalooban ng Diyos. Nagpapaulan ang Diyos sa mgamatuwid at sa mga di-matuwid. Subalit ang kailangan ngayonng sanlibutan ay hindi isang pagkukunwa-kunwarian ngpananampalataya, para pilitin mong papaniwalain ang iyongsarili sa isang bagay at tapos tatawaginmo itong espirituwal.

20 Kung minsan gagawa ang pananampalataya ng mgakamangha-manghang himala, at gayunma’y hindi pa rinmula sa isang espirituwal na puso. Hindi ba’t sinabi ng atingPanginoon? “Marami ang lalapit sa Akin, sa araw na iyon,at magsasabi, ‘Hindi ba’t ginawa ko ang ganito at ganoon, saIyong Pangalan?’ At ipahahayag Ko sa kanila, ‘Lumayo kayo saAkin, kayong mga manggagawa ng katampalasanan.’” Ano baang katampalasanan? Ay bagay na alam mong tamang gawin athindi mo ginagawa. “Hindi Ko kayo nakikilala,” sasabihin Niya.At nabubuhay na tayo sa ganyang panahon na.

21 Ang kailangan natin ngayon ay hindi maraming mgamateryal na bagay. Mayroon na tayo niyon. Hindi na natinkailangan ng mas maiinam na iglesya. Hindi natin kailanganng mas malalaking kongregasyon. Hindi natin kailangan ngmas marami pang nasa radyo at sa telebisyon. Hindi natinkailangan ng napakarami pang mga ganyang bagay. Kundi angkailangan natin ngayon, upang maging espirituwal, ay isang taona magpapakumbaba ng kanilang sarili sa harapan ng Diyos,kung wala man sila ni isang kusing, at mananalangin hanggangsa ang espiritu sa loob nila ay masiyahan sa kabutihan ngDiyos, at isang rebaybal ang maganap sa loob ng kanilangpuso, na babago sa kanilang mga pag-uugali at kapaligiran napinamumuhayan nila.

22 Maaaring wala kang suot ni isang pares ng sapatos sa iyongmga paa, maaaring nakadamit ka ng basahan, subalit may bagaynaman sa pusomo na umaawit ngmga himig ngDiyos.Mas gustoko pangmagkaroon nito kaysa ng lahat ng salapi sa sanlibutan.

23 Kaya hindi n’yo masasabi na ang mga natural na bagayay laging siyang tanda ng pagpapala ng Diyos. Sinabi iyonnoon ni David sa Panginoon, na nakakita siya ng masamana lumalaganap ang kanyang…na gaya ng isang malakingpunongkahoy sa kanyang lupang tinubuan. Subalit tinanongsiya ng Diyos, “Tiningnan mo na ba siya sa kaduluhan?”Gaano pa man kaganda ang mga damit na isinusuot natin,gaano pa man karami ang kailangang kainin natin, hindi iyonang paroroon sa Presensiya ng Diyos. Ang katawang ito natinatahanan natin, ay mamamatay, maging gaano pa man itomaalagaan. Subalit ang kaluluwa na nasa loob ng tao; ito ay

Page 6: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

6 ANG BINIGKAS NA SALITA

isang kalagayan ng espiritu na mapupunta sa Presensiya ngbuhay na Diyos.24 Subalit wala tayong gaanong pahalaga sa mga bagay-bagay.Iniisip natin na dahil lang sa tayo ay isang bansang…Gayundinnaman na si Ahab at ang buong Israel, noong panahong iyon,ay hindi pinahalagahan ang mga bagay-bagay, na ayos langang lahat ng bagay. Sinikap ng kanilang mga saserdote at mgamangangaral na sabihin sa kanila, “Mabuti naman ang lahat.Sadyang ayos lang ang lahat.” Subalit may isa noon sa kanila,sumigaw siya laban sa maling bagay, dahil alam ng isang ito nahindi masisiyahan ang isang banal na Diyos sa mgamakabagongkalakaran ng isang di-banal na relihiyon.25 Gayon din na ang Diyos ng Kalangitan ay nananatilinggayon pa rin sa araw na ito. Sa lahat ng atingmga pagsusumikapat malalaking bagay na sinisikap nating gawin, hinding-hindimalulugod ang Diyos nang labas sa isang ganap na binanal nabuhay sa harapan Niya.26 Magtayo man tayo ng mga paaralan, at mga dambana, atmga tabernakulo. Magkaroon man tayo ng mga organisasyon.Gumawaman tayo ngmga dakilang bagay, subalit gayon pamanay hindi masisiyahan ang Diyos hanggang sa mabanal muna angkaluluwa ng tao sa altar ng Diyos, itinalaga para sa mga gawainngDiyos. At hindi ka na nakakakita pa ng ganyan.27 Makikita mo na napakahina ng ating mga pakikipagtiponpara sa pananalangin, mga isang minuto lang ng panalangin,tatalon na sa higaan. Nakikita natin na nangyayari iyon ngmga isa o dalawang beses sa isang araw. Gayong, lahat tayo ayginagawa rin iyan. Ang ating bansa, sa moralidad, ay nabubulokna. May mga Billy Graham at mga Oral Roberts tayo sa lahatna ng dako. Subalit hanggang sa magkaroon ng pagkauhaw sapuso ng Amerika, upang dalhin ito pabalik sa isang buhay naDiyos muli, sa isang buhay na karanasan, sa isang walang maliwna pananampalataya sa buhay na Diyos. Pinupukpok lang natinang atingmga utak, gaya nga ng sinasabi, kakaisip.28 Maaaring maglakad tayo na nakaliyad ang ating dibdib,na nakapalikod ang ating mga kuwelyo, at maglalakaddoon sa lansangan, at magnanais na matawag na “Doktor”o “Reberendo.” Maaaring pinapastoran nga natin angpinakamalalaking iglesya na mayroon sa lupain, at maaaringnapakarelihiyoso nga natin sa abot ng makakaya natin, nawalang tao na makakapagturo ng mali sa ating buhay. Subalithanggang sa ang kaluluwa na ’yan na nasa loob natin ay nag-aapoy para sa Diyos, hanggang sa may bagay diyan sa loob,iyang pananabik sa Kanya! “Kung paanong humihingal angusa sa pagkauhaw sa tubig ng mga batis, kinauuhawan Ka ngaking kaluluwa, O Diyos.” Hanggang sa humantong muna tayosa ganoong uri ng karanasan!

Page 7: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

MAGING TIYAK KA SA DIYOS 7

29 Kaya nga, ang komunismo, at iba pa, ay susulong gaya ngnangyayari na sa mga ito, at hindi ito mapipigilan ng lahat ngpagsasama-sama na magagawa natin. Sinabi na noong una pana darating nga ito. Subalit tinatawag na ng Diyos ang KanyangIglesya.30 Gaanong itong munting babaeng ito marahil ay kasingkalibre ni Elias! Dahil, madalas na ipinapakita ng iyong kiloskung ano ka. At, muli, napili siya upang mag-asikaso sa propetangDiyos. Alalahanin n’yo, Gentil siya, hindi isang Judio.31 At nasisira na sa pagkatuyot noon ang lupain. At walangalinlangan na ang munting babaeng ito, na nasa ganoongkalibre, na tipo ng mananampalataya…Sapagkat nakikitanatin na hindi sana siya tinawag ng Diyos, kung hindi siyanaging isang karapat-dapat namag-asikaso sa propeta ngDiyos.Sapagkat hindi Niya papupuntahin ang Kanyang propeta saisang bahay na hindi karapat-dapat.32 Hindi niya ito pinili. Pinili iyon ng Diyos. Hindi ang babaengiyon ang nag-utos sa kanya. Ang Diyos ang nag-utos sa kanya.Ipinuwesto na siya noon sa tabi ng batis. Pinapakain siya ngmgauwak. Subalit utos ng Diyos na maganap ang isang bagay. Attunay nga na pumunta ang Diyos sa isang mananampalataya namay kaparehong kalikasan ni Elias.33 Siya ay isang balong babae. At alam nating lahat kung anoang dinanas niya, na isang babaeng balo, ang dinanas niyamarahil, na patay na ang kanyang asawa at mayroon pa siyanganak na batang lalaking dapat palakihin.34 At sa mga lupain doon, umaasa sila sa kanilang mgapananim. Wala silang mga proyekto na gaya ng mayroon tayongayon, at—at mga pagawaan ng mga kagamitang pangdepensa.Umaasa sila sa kanilangmga pananim. At dahil sa ang kasamaanng mga tao, at ang kanilang moralidad na nabubulok na, aynaghatid ng tagtuyot sa lupain, heto na sila’t nangagugutomlahat at nangamamatay na.35 At pagkatapos napag-alaman natin na walang alinlangangnanalangin siya gabi-gabi, buong magdamag, habang nakikitaniya ang harina sa gusi na papaunti na, nang papaunti, nangpapaunti. At umabot na ito marahil hanggang sa punto na niwala nang isang tasa ng harina sa gusi. Kakarampot na lang angmayroon siya. Parating na ang kamatayan doon sa tarangkahan,sa kanyang pintuan. Dahil imposible nang may makukuha pa.Namamatay na sa gutom ang buong bansa.36 At, ang langis, ay halos isang kutsara na lang ang natirasa maliit na lalagyan. Ganoon na lang kakaunting langis atganoon kakaunting harina ang nakalagay sa pagitan niya at ngkamatayan. Naging talagang taos-puso siya marahil sa kanyangmga panalangin. Hayaang dumating iyan sa iyong tahanan,magiging medyo mas taos-puso pa iyon kaysa sa kung ano

Page 8: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

8 ANG BINIGKAS NA SALITA

tayo ngayong umaga, kapag alam nating nakaamba na angkamatayan sa pintuan.

37 At naniniwala ako, marahil, iisipin natin, siguro, ito, nananalangin siya nang buong magdamag, na makaraos pa ngisa pang araw. Nakikita niya ang namumutlang mga labi ngkanyang munting anak na lalaki na mga tatlo o apat nataong gulang. At nakikita niya ang sarili niyang mga buto nanagninipis na nang husto, dahil nahahapak na ang laman ngmgaiyon. At kahindik-hindik na bagay marahil iyon, habang anginang ito, ay nakikita na nagaganap ang mga bagay na iyon. At,gayunman, nakataas ang mga kamay niya sa harapan ng Diyos,nananalangin araw at gabi, “Ngayon iisang dakot na harina nalang ang natitira sa amin at isang kutsarang langis.”

38 Alam n’yo, kakaibang bagay ito. Ibaon nawa ito ng Diyossa bawat isa sa inyo, kung hindi n’yo man ako marinig pangmuli na mangaral. Ito nawa ay maging isang mensahe. Kakaiba,napakakakaiba, na ginagawa ng Diyos kung minsan ang mgabagay sa gayong paraan.

39 Alam n’yo, kapag naipahayag na natin ang ating mgakasalanan at natugunan ang bawat kinakailangan na hinihinging Diyos…Nanampalataya tayo sa Diyos. May mga katayuanna kailangang katagpuin, at iyon ay ayon sa Kanyang kalooban.At naipahayag na natin ang ating mga kasalanan, at nagawa nanatin ang lahat ng mga kamaliang nagawa natin, na maitama,ginawa na ang lahat ng alam nating gawin. Ang lahat ng hininging Diyos, o hiniling, natugunan na natin ang hinihinging iyon, atganoon pa man nananatili Siyang tahimik. Sadyang hindi Niyatayo sinasagot.

40 Natitiyak kong nangungusap ako sa mga tao, ngayongumaga, na nakaabot na sa ganoong kalagayan. Nanggaling naako sa ganoon, maraming beses na, mismo. Kapag binalikanko at sinundan ko ang yapak ng buhay ko pabalik at itinaobang bawat bato, at makikita kong may nagawa akong mali,ipahahayag ko iyon at sasabihin, “Panginoong Diyos, itutuwidko iyon,” at gagawin ko nga ang gayon. Saka babalik na muliat sasabihin, “Ngayon, Panginoon, Ikaw ay Diyos; tutuguninMo ako. Tunay ngang natugunan ko na ang bawat kahilinganna hinihingi Mong gawin ko. At ang bawat kahilingan, aynatugunan ko na.” At gayunma’y hindi pa rin Siya kikilos, parabang naroong nananahimik, doon mo kailangang maging tiyakna Siya ay Diyos. Huwag kang panghinaan ng loob. Ang tangingbagay lang ay, na, sa iyong puso, namaging tiyak ka saDiyos.

41 Ang aking teksto. Maging tiyak ka, muna, bago ka gumawang anumang bagay. Maging tiyak ka, sa iyong puso, na ang Diyosnga iyon. At kapag nagawa mo na ang lahat ng bagay na sinabiNiya, pagkatapos ay tiyak mong Siya’y Diyos, doon na gagawa

Page 9: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

MAGING TIYAK KA SA DIYOS 9

ang pananampalataya, doon mismo. Ang pananampalataya aytumatayongmatatag, sapagkat alamnito na Siya nga ayDiyos.42 At natugunanmo na ang bawat hinihingi. Nananampalatayaka na Siya nga ay Diyos, at nananatiling matatag angpananampalataya. Oh, purihin ang Kanyang Pangalan! Hindimatitinag ang pananampalataya, sapagkat ito’y nakatitiyak naang Diyos nga ay Diyos, at siyang tagapagbigay ng gantimpaladoon samga sa Kanya’y masikap na nagsisihanap.43 Maibaon nawa ito roon sa kalaliman at hindi kailanmanmawala sa inyo, Branham Tabernacle. Kung natugunan naninyo ang mga hinihingi ng Diyos, at nananampalataya kayosa inyong puso na Siya nga ay Diyos, sinusubukan lang ngDiyos ang pananampalataya ninyo, dahil gustung-gusto Niyangginagawa iyon. Kung ikinumpisal mo na ang iyong kasalananat natugunan mo na ang bawat kinakailangan na hinihinging Diyos, at gayunma’y nananatili Siyang tahimik, tandaan,sinasabi ng pananampalataya na Siya nga ay Diyos. Kunggayon manghahawakan doon ang pananampalataya, hindi mannalalaman kung tungkol saan ba ang lahat ng iyon, subalit alamnito na Siya nga ayDiyos, at tiyak nito na Siya nga ayDiyos.44 Kung gayon, tandaan n’yo, kung Siya nga ay Diyos, angMga Salita Niya ay tiyak na totoo. At kung hinihingi Niya saiyo na katagpuin mo itong mga katayuan na ito, at ginawamo, obligado Siya na isakatuparan ang Kanyang Salita. Huwagkang umatras, at sasabihin, “Buweno, hindi ako napagaling.Ako…” Oh, ikaw na kawawang mahinang pananampalataya.Huwag mong paniwalaan ’yan. Kung naipahayag nang lahat,at nailabas nang lahat, at nagawa mo na ang hinihingi ngDiyos, ang pananampalataya ay manghahawakan doon mismo.Walang makakatinag nito. Siya nga ay Diyos, at nakatitiyakka. “Silang naghihintay sa Panginoon ay mangagbabago ngkanilang lakas; sila’y paiilanlang na may pakpak ng agila. Sila’ymagsisitakbo at hindi mapapagod; kung sila’y magsisilakad,hindi sila manghihina.”45 Maghintay ka, kapag nagawa mo na ang Kanyang mgahinihingi. Dinadala nun ang iyong pananampalataya sa isangpakikipagtuos. Kung natugunan mo na…nagawa na ang mgahinihingi ng Diyos, o natugunan na, at binulay-bulay mona itong mabuti, at nagawa mo na ang lahat ng hiningi ngDiyos na gawin mo, kung gayon ay sasandig na ang iyongpananampalataya roon mismo, na Siya nga ay Diyos. Magingtiyak ka sa Diyos.46 Alam n’yo, gustung-gusto Niya tayong sinusubok. Gustung-gusto Niyang makita ang reaksyon ng iyong pananampalataya.Alam n’yo ba ’yon? Gusto ng Diyos na makita kung magigingano ang reaksyon mo. Kapag sinasabi mo, “O Panginoon,sumasampalataya ako sa Iyo. Ikaw ang aking Tagapagligtas.

Page 10: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

10 ANG BINIGKAS NA SALITA

Naniniwala ako na Ikaw ang Tagapagpagaling. Naniniwala akona Ikaw Yaong nagkakaloob ng Espiritu Santo. At ang mgabagay na hinihiling ko, Ikaw ang Diyos na Siyang nagkakaloobniyon.” At pagkatapos kapag naipahayag mo nang lahat angiyong mga kasalanan at mangangako sa Diyos ng kung anoang gagawin mo kapag ipinahintulot Niyang gumaling ka, atpagkatapos dahil hindi iyon naganap, tatakbo kang gaya ngisang duwag sa kung saan. Hindi iyanmagagamit ng Diyos. Walanang paraan pa para sa Kanya na magamit ka pa. Wala nangparaan pa para sa Kanya na masagot ka pa, dahil tumutugonlamang Siya sa pamamagitan ng pananampalataya. Pagkatapos,bigla na lang, aalis ka, at hindi na Siya makatutugon. Subalitang tunay na totoong pananampalataya ay nananatili roon,na nakatitiyak na ang Diyos nga. Maging tiyak ka na Diyosnga Siya.47 At kung hiniling ng Diyos na magawa ang bagay na ito, naipahayag ang iyong mga kasalanan, at iba pa, at ginawa moiyon, sinasabi ng pananampalataya na Siya nga ay Diyos, tiyakna mangyayari iyon. Kinakailangang maipagkaloob ang iyongkahilingan. Oh, ako—umaasa akong hindi n’yomapalampas ’yon.Kung nakatitiyak kayo sa Diyos, ang Diyos ay tiyak sa KanyangSalita. Naghihintay lang Siya para subukin kayo.

Maraming beses na Niyang ginawa iyon. Muli nating balikanang isa o dalawang pangyayari.48 Isipin natin ang mga anak na Hebreo. Hindi sila nararapatna yumukod sa isang diyos-diyosan. May tiwala sa kanila angDiyos. At noong marinig nilang kailangan nilang pumaroon sanaglalagablab na pugon, sabi nila, “Kaya kaming iligtas ngaming Diyos mula sa pugon na ito. Subalit kung hindi man Niyagawin, hindi pa rin kami yuyukod sa alinman sa inyong mgadiyos-diyosan.”Kita n’yo, sila’y sigurado at tiyak saDiyos.49 Alam nilang Siya ay Jehovah. Alam nilang tumutugon Siyang panalangin. Subalit gawin man nga Niya sa kaso nilang iyon,o hindi, tiyak na para ’yon sa ikabubuti. Kaya sinabi lamang nilaang kanilang pahayag, ipinahayag ang kanilang mga kasalanan,at lumakad na patungo sa kamatayan.50 Noong patungo na sila sa naglalagablab na pugon,nalalaman na sila’y nakatitiyak, na, kung hayaan man ng Diyosna sila’y masunog, ay Kanya naman silang ibabangon na muli,sa muling pagkabuhay. Tiyak sila sa Diyos, dahil sa alam nilangpaglalakip-lakipin ng Diyos na gumawa ang lahat ng bagaypara sa kanilang ikabubuti. At kapag tiyak tayo sa Diyos, alamnating paglalakip-lakipin ng Diyos na gumawa ang lahat ngbagay para sa ating ikabubuti.51 Kaya, nagsabi sila ng isang pahayag. Tiyak sila, at lumakadsila papasok mismo sa naglalagablab na pugon. At hinayaan

Page 11: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

MAGING TIYAK KA SA DIYOS 11

silang lumakad doon ngDiyos; naroroon, nakatunghay sa kanila.Nais Niyangmakita ang kanilang reaksyon.52 Nang sandaling iyon, sabi ng hari, “Yumukod ba kayo nangtumunog ang trumpeta?”

Sabi nila, “Hindi. Hindi po kami yumukod.” Hayan anginyong pananampalataya, na nakakapit nangmahigpit.

“Buweno, kung gayon, kung hindi kayo yumukod, alam n’yona ang utos ko.”

“Opo, alam namin ang iyong utos.”

“Ang kautusan ko ay na paiinitin ang pugon nang pitongulit na mas mainit kaysa sa pinakamatinding naging init nito, atitatapon ko kayo roon sa loob. Gusto n’yo na bang yumukod?”

“Hindi. Hindi po kami yuyukod.” Hayun angpananampalataya nila.53 Sabi ng Diyos, “Buweno, tingnan Ko nga kung ano anggagawin nila tungkol doon. Titingnan Ko kung ano ang reaksyonng kanilang pananampalataya.”54 Kaya sabi nito, “Igapos n’yo ang kanilang mga kamay,at igapos ang kanilang mga paa, at umpisahan nang dalhinsila sa pugon.” At lumakad sila patungo sa pugon na iyon,na nasa mga harapan na nila ang apoy. Nanatili pa rinang Diyos, pinagmamasdan ito. Subalit tiyak nilang Siya ayDiyos. Nakapangumpisal na sila. Itinuwid na nila ang lahat, sapagkakaalam nila. Tiyak sila na Siya ay Diyos.55 Kaya lumakad sila roon mismo sa naglalagablab na pugon.Doon mismo sa huling sandali, hayun na Siyang dumatingna mula sa kalangitan, sa isang karwaheng hangin, inilayosa kanila ang mainit na hangin, habang inaaliw Niya sila atkinakausap sila.56 Hinahayaan ng Diyos na humantong ang inyongpananampalataya sa punto kung saan magkakaroon iyon ngreaksyon.57 Nariyan si Job, ng Lumang Tipan, noong si satanas, ang atingtaga-usig, ay pinaratangan siya na isang lihim na makasalanan.Subalit alam ni Job na hindi siya nagkasala. Alam niyangikinumpisal na niya ang lahat ng kanyang nagawa, at naglatagna doon ng handog na sinusunog. Iyon ang hinihingi ng Diyos.Iyon lang ang hiningi ng Diyos, ay ang sinusunog na handogna iyon at isang pagkumpisal. At ginawa ni Job ang mga bagayna iyon.58 At sinabi ni satanas, “Kukunin ko ang kanyang mgakamelyo, dahil isa siyang mayamang tao. Kukunin ko angkanyangmga tupa.” At sa huli ay kinuha niya angmga anak nito,ang pinakamalapit sa puso nito.

Page 12: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

12 ANG BINIGKAS NA SALITA

59 Gayunpaman, hindi nagbago ang pasya ni Job, dahil alamniyang ang Diyos, buweno, tiyak niyang Siya ay Diyos, sapagkatnakipag-usap siya sa Kanya, at nagawa na niya ang Kanyangmga ipinapagawa. Nagsaliksik siya at nalaman na, “Ginawako na ang bawat handog na sinusunog. Sinabi ko sa akingpuso, ‘Marahil noong nagdaos ang aking mga anak na lalaking isang—isang pagdiriwang, at dumalo ang aking mga anak nababae, marahil lihim silang nagkasala sa kanilang puso, kayamaghahandog ako para sa kanila ng handog na susunugin atikukumpisal ang kanilang pagkakamali.’”60 O Diyos! Kapag tinutupad ng isang tao ang sinabing Diyos na gawin nito, na natitiyak nitong Siya nga ayDiyos, kinakailangan Niyang tumugon. Tinatawag Siya ngpananampalataya sa tagpo, sa tuwina.61 Kapag nagawa mo na ang alam mong tama, kapag natupadmo na ang Kanyang mga ipinapagawa, kapag nangumpisal kana at itinama, at isinauli na ang mga dapat isauli, at inilatagna iyon sa harapan ng Diyos. Walang anuman sa akin gaanopa man Siya katahimik, Diyos pa rin Siya, na naghihintay nagamitin mo ang pananampalatayang iyan doon. Natapos mo naang iyong mga gawain, ngayo’y gusto naman Niyang makita angiyong pananampalataya sa pamamagitan ng iyong mga gawa.Nais Niyangmakita kung ano ang gagawinmo.62 Kung napahiran ka na at naipanalangin na, hinihintayng Diyos na makita kung ano ang paniniwalaan mo tungkoldito. Hindi ’yung lalapit ka sa susunod na Linggo, at lalapitkinabukasan, at pag dumating ang susunod na naman natagapagpagaling sa siyudad. Hinihintay Niyang makita angreaksyon mo sa iyong pananampalataya. Hindi ’yung aatras,kinabukasan, at sasabihin, “Napakasama ng pakiramdam ko, sapalagay ko’y hindi naman ako napagaling.” Hindi ka pa dapatnasa linya para sa pagpapanalangin, una pa lang. Hindi pa.Hindi pa. Hindi ka pa nakahanda. Hindi ka nananampalatayangSiya ay Diyos. Hindi ko…63 Maaaring sabihin mo, “Kapatid na Branham, hindi akosang-ayon sa iyo.” Pinatutunayan ng sarili mong kilos kungano ka. “Sa kanilang mga bunga ninyo sila makikilala.” Kungsinasabi ng isang tao na Cristiano siya; at umiinom pa rinsiya, at naninigarilyo, at nagsusugal, at nagkukuwento ngmahahalay na biro, at nagsasabing, “Isang bahagi ng Bibliaay tama, at ang isang bahagi ay hindi.” Maaaring ipangaralniya ang Ebanghelyo, at itatanggi ang isang bahagi ng Biblia.Makasalanan pa rin siya. Hindi pa siyamatuwid.64 Subalit kapag hayagan mong ipinapahayag na ang Diyos aysiya pa ring Diyos, at ang iyong buhay ay inilagay mo na saKanyang mga kamay, na maging, “Panginoon, ako ang luwad;Ikaw ang Magpapalayok,” kung gayo’y hilingin mo ang iyong

Page 13: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

MAGING TIYAK KA SA DIYOS 13

nais. Hinding-hindi matitinag ang pananampalataya. Tatayo’yon doon mismo.65 Bagama’t ang mga pangyayari ay waring dumarating nangkabi-kabilaan, subalit hindi natinag ang pananampalatayangiyon, dahil sigurado ka na Siya ayDiyos. At kungDiyos nga Siya,tinutupad Niya ang Kanyang pangako. Hindi Siya maaaringmangako at sisirain iyon. Kung Diyos Siya, tiyak na tutuparinNiya ang Kanyang pangako. Oh, gustung-gusto ko ’yan. Tiyakna mananatili Siya roon.66 Ginawa ni Job ang kanyang mga paghahandog; ginawa naniya ang lahat. Alam niyang matuwid siya. At heto’t dumatingang mga miyembro ng iglesya, ang ilan sa mga iglesya ngibang mga denominasyon, sabi, “Job, mabuti pang ikumpisalmo nang isa kang makasalanan, sapagkat hindi hahayaan ngDiyos na maparusahan ka nang ganito maliban na isa kangmakasalanan.”67 Subalit sinabi ni Job, “Ipinahayag ko na ang aking mgakasalanan. Ang handog na sinusunog ay inilagay ko na doonsa harapan ng Diyos, at hindi ako isang makasalanan.” Alamniya kung saan siya nakatayo. Pagkatapos ay nagpatuloy anglahat, basta nagpatuloy lang nang nagpatuloy nang nagpatuloy,nang sadyang puno ng kabigatan, pinipilit na papanlupaypayinsi Job, at gipitin si Job hanggang sa punto na para itakwilniya ang Diyos at itakwil ang handog na iyon na sinusunog.Sa mismong sandali na gawan mo pa ng paraan ang anumangbagay na ipinahayag mo na, ipinapakita nun ang iyongkahinaan, ang iyong pag-aalinlangan sa Diyos. Hihiling ka saDiyos ng anumang bagay, at magpapalakad-lakad kang pinag-aalinlanganan iyon, kung gayo’y isa kang mapag-alinlangan athindi isang mananampalataya.68 Alam ni Job kung saan siya nakatayo, at buong tatag siyangtumayo sa pundasyong iyon.69 Hindi nakapagtatakang sinabi ni Pruitt, noong oras ngkanyang pag-aagaw-buhay:

Kay Cristong matibay na Bato, ako’ytumatayo;

Ang iba pang lupang tungtungan ay buhanginggumuguho.

70 Sa matibay na batong iyon ng pagpapahayag ni Job, magingangminamahal niyang asawa ay tumalikod na. Noong bagsak naang kanyang kalusugan, at punung-puno na siya ng mga pigsa,at kinayuran niya ang kanyang sarili at isinumpa ang araw ngkanyang pagkasilang. Sabi, “Ni huwag nawang sumikat angaraw!Manatili nawangwala ang buwan sa gabi.”

Sabi ng kanyang asawa, “Job, napakamiserable mo na. Bakithindimo na lang sumpain angDiyos atmamatay ka na?”

Page 14: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

14 ANG BINIGKAS NA SALITA

71 Sabi niya, “Nagsasalita kang gaya ng mga hangal nababae.” Tiyak siya na may isang Diyos, at nagawa na niyaang mga kailangan. Oh, pakiramdam ko’y relihiyoso. Alamniyang nagawa na niya ang mga hinihingi ng Diyos, at iyonna ’yon. Sinusubukan ng Diyos ang kanyang pananampalataya.SusubukinNiya rin ang sa iyo. SusubukinNiya ang sa akin.72 Subalit kung nagawa na natin ang mga hinihingi Niya,“Mangagsisi ang bawat isa sa inyo at magpabautismo saPangalan ni Jesus Cristo para sa ikapagpapatawad ng inyongmga kasalanan, at tatanggapin ninyo ang kaloob na Banal naEspiritu,” iyon ang Kanyang pangako. “Kung may sakit angsinuman sa inyo, ipatawag ninyo ang mga matatanda ng iglesya.Hayaan silang pahiran sila ng langis, at ipanalangin. Angpanalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit,at ibabangon sila ng Diyos.” Iyon na ’yon. “Mangagpahayagankayo ng inyong mga kasalanan, sa isa’t isa, at magpanalanginansa isa’t isa.” Nagawamo na angmga hinihingi ngDiyos.73 “Angmga tandang ito ay lalakip sa mga nagsisisampalataya.Magpapalayas sila ng mga demonyo sa Aking Pangalan;magsasalita sila ng bagong wika; kung makahawak sila ng mgaahas o makainom ng mga bagay na nakamamatay, hindi iyonmakasasama sa kanila; kung ipapatong nila ang kanilang mgakamay samgamaysakit, sila’y gagaling.” Iyon na ’yon.74 Maging tiyak kayo sa Diyos. Tiyakin n’yo, na sa inyong puso,na sinasampalatayanan ninyong iyon nga ang Salita ng Diyos.Ganoon si Job.

Sabi ng kanyang asawa, “Bakit hindi mo na lang Siyasumpain at mamatay ka na? Aba, palala ka nang palala satuwina.”75 Talagang gusto ni satanas na ibinabato ’yan sa inyo. “Aba,wala ka namang ipinagbago mula nang pahiran ka. Walaka namang ipinagbago mula nang ipanalangin ka ng mgamangangaral na iyon. Hindi tama angmgamangangaral na iyon,una pa lang.” Hindi mahalaga ang tungkol sa mangangaral naiyon. Ang pananampalataya mo sa buhay na Diyos, ang siyangmahalaga. Hindi ang kung ano ang mangangaral; ito’y kungano ang Diyos. Hindi ’yung mangangaral ang nangako; angDiyos ang nangako. Hindi nakasalalay sa mangangaral; iyon aynakasalalay saDiyos, at sa iyong pananampalataya namaniwalana iyon nga ay ang Diyos. Kaya maging tiyak kayo sa Diyos.Tiyakin n’yo na iyon nga ang Diyos, at iyon ang Salita ng Diyos.At ang Diyos ay nasa Kanyang Salita.76 At sinabi ni Job, “Nagsasalita kang gaya ng hangal nababae.” Sabi, “Ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoonang nag-alis; purihin ang Pangalan ng Panginoon.” Tiyak niyangmay Diyos.

Page 15: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

MAGING TIYAK KA SA DIYOS 15

77 At nang ilabas niya iyon sa kanyang bibig, nagsimulangdumagundong ang mga kulog at nagsimulang kumislap ang mgakidlat. Kumilos ang Diyos sa eksena. Lagi Siyang tinatawagniyon sa eksena. Nanatili Siyang tahimik nang matagal napanahon.78 Iyon ang ginagawa Niya. Tingnan n’yo itong santambakng mga patungong impiyernong Amerikano, nagsisimbang mgaipokrito. Hindi ako galit. Subalit ginagalit ng kasalanan angsinuman na matuwid sa Diyos. Hindi ako galit sa bansa, hindiako galit sa mga tao, kundi galit ako sa diablo na naging sanhingmga bagay na ito upang bulagin angmga tao.79 Itong mga bulag na pastor at mga mangangaral nahinahayaan silang makalusot gamit ang kung anong uring ganoong teolohiya na gawang-tao. Kailangan ninyongmaipanganak na muli. At tinutupad ng Diyos ang KanyangSalita. Nakikita ito na kanya silang dinadaya. Kinakailangangsiguraduhin mong may Diyos. “May anyo ng kabanalan, attinatanggihan ang Kapangyarihan nito.”80 Itong kawawang munting babae, alam niya na Siya ayDiyos. Habang ang laman ng gusi na ’yon ay papaunti na, nangpapaunti, nang papaunti, nang papaunti, tumindi nang tumindiang mga pangyayari, sa tuwina. Subalit hinahayaan ng Diyosna humantong iyon sa ganoon. Gustung-gusto Niya talaganggawin ang ganoon. Gustung-gusto Niyang sinusubok ang inyongpananampalataya, upang makita kung paano kayo kikilosrito, pahihintulutan kayong mapahiran at maipanalangin,pagkatapos ay mas palalalain kayo. Sabi, “Sige, satanas,subukin mo siya. Alam Kong nananampalataya siya sa Akin.”Purihin ang Diyos magpakailanman! Oh, naku! [Ipinalakpak niKapatid na Branham ang kanyang mga kamay nang dalawangbeses—Pat.] “Subukinmo siya ngayon. AlamKong pinaniwalaanniya ang Aking Salita rito.” Masasabi Niya rin ba ang ganoontungkol sa inyo?81 Sinabi Niya ang ganoon tungkol kay Job. Sabi, “Gawinmo ang anuman sa kanya na nais mo, ngunit huwag mongkukunin ang kanyang buhay, sapagkat alam Kong mahal niyaAko. Naghandog na siya ng haing sinusunog. Ginawa na niyaang mga kinakailangan. Ginawa na niya ang mga sinabi Konggawin, at sinasampalatayanan niya iyon. Ngayon ipagulong mopa siya samga baga kung gustomo.”Kinuha nito ang lahat-lahatsa kanya. Dinoble naman iyon ng Diyos noong ibalik Niya iyonsa kanya. Sigurado, gagawin nga Niya.82 Sinusubok Niya ang ating pananampalataya, upang makitakung tunay ngang sinasampalatayanan nating Siya ayDiyos.83 Ang munting babaeng iyon, walang alinlangan, ay nagsabi,“Nanalangin ako. Nanalangin ako. Alam kong isa akong di-karapat-dapat na Gentil.”

Page 16: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

16 ANG BINIGKAS NA SALITA

84 Maaalala n’yo, tinukoy siya ni Jesus sa Biblia. Sabi Niya,“Hindi ba’t maramingmga balo noong panahon ni Elias? Subalitisinugo lamang siya sa isa, at isa itong Gentil.”85 “Oh,” sabi niya, “dumadalangin ako.” Marahil, noongmakita niya ang huling maliit na tinapay na iyon, ay nakapasokna ang kamatayan sa tarangkahan at pumasok na sa pintuan.Isang kagat na lang, na kapiraso, at siya at ang kanyang anakay patay na. Para ko nang nakikita siya, na magdamag, nanananalangin, umiihip ang mainit na mga hanging iyon, attuyot na ang lupa, at nagsisiiyak at sumisigaw ang mga taosa mga lansangan. Nagpalakad-lakad siya, sa buong bahay.Tiningnan niya ang kanyang munting anak. Tiningnan angmumunti nitong pajama; kutod na iyon, at nakalabas na angmga paa nito. Tiningnan ang sarili niyang mga kamay, kulubotna. Nagpabalik-balik siya, ngunit sabi niya, “Alam kong Siya ayDiyos. Ikinumpisal ko na ang lahat. Ginawa ko nang lahat anghinihingi Niya. Humihiling ako para sa aming mga buhay, parasa Kanyang ikaluluwalhati.” Nakita siya ngDiyos.86 Ang iba pa sa kanila noo’y lumalabas at nagdaraos ng isangmagarbong sayawan sa kung saan, pinapaganda ang kanilangmga sarili, may mga makabagong palabas sa telebisyon o kungano, nagpapatuloy na kasa-kasama ng sanlibutan. Subalit angbabaeng iyon aymag-isang kasama ang Diyos.87 Sumikat na ang araw. Sabi niya, “Umiyak nang magdamagang munting bata, nanghingi ng makakain. Ano kaya angmagagawa ko sa isangmaliit na dakot na harina?”88 Alamn’yo, ang harinang iyon ay si Cristo. Alam ng sinumangmag-aaral ng Biblia na si Cristo ang Handog na Harina. Atkinakailangang magiling ang handog na harinang iyon ngisang natatanging gilingan, rin, hanggang sa madurog nito angbawat maliit na piraso ng mais nang pare-pareho; sapagkat siJesus Cristo ay siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman.At bawat mananampalataya ay sinasampalatayanan iyan atnakasandig rito. Hallelujah! Sa iyo nang lahat ang iyong lumang,malamig na pormal na relihiyon na naisin mo. Para sa akin,nananampalataya ako na si Cristo ay siya pa ring kahapon,ngayon, at magpakailanman. Naninindigan ako sa mundo ngmga walang kinikilalang Diyos. Naniniwala pa rin akong Siyaay siya pa ring kahapon, ngayon, at magpakailanman.89 Ang mga gilingan na iyon ay dinudurog ang bawat katitingnito nang pare-pareho, sapagkat Siya ay siya pa rin. Siya aysiya pa ring Diyos gaya Niya noon, gayon pa rin Siya ngayon,sa umagang ito. Magiging gayon pa rin Siya sa tuwina. Iyon angibig sabihin nung harina.90 At ang langis ay nangangahulugang ang Espiritu, gaya ngalam na natin ayon sa Ezekiel 4, at iba pa. Iyon ang dahilankaya nagpapahid tayo ng langis; iyon ang Espiritu. Ano ito?

Page 17: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

MAGING TIYAK KA SA DIYOS 17

Gaya ng San Juan 4, “Sapagkat hinahanap ng Ama ang gayongmga sumasamba sa Kanya sa Espiritu at sa Katotohanan.” SiJesus ang Katotohanan. Siya ang Handog na Harina, at anglangis na ito ay ang Espiritu. At ang Espiritu, na inihalo saKatotohanan, ay tiyak na may mabubuong bagay. Paghaluin moiyon, magagawa iyon na tinapay. Oh!91 Nasaan ang iyong pananampalataya? Kapag naipangaralang Salita ng Diyos sa kasimplehan Nito, bagama’t nasaKapangyarihan Nito, na si Jesus Cristo ay siya pa ring kahapon,ngayon, atmagpakailanman, atmaipahayag ang Salita na bilangHarina, mayroon kayong Langis upang ihalo Rito. Maaaringmaliit na sandakot lang ito, o isang kutsara, ngunit, ano pa manito, ito’y totoo.92 Ngayo’y para sa ano na ito nakahanda? Nakahanda na itopara sa krus. Handa na ito para sa pagsasakripisyo ng sarili. Iyonang kailangan ninyong gawin. Kung naipangaral na ang Salita,at ang Espiritu at Ito ay napaghalo na ninyo, pagsasakripisyoiyon sa sarili na itakwil ang bawat sakit, na itakwil ang bawatkaramdaman, na itakwil ang lahat ng bagay na salungat saSalita ng Diyos, at tumayo rito.93 Sinasabi man ng doktor ang ganito, ganoon, o ang iba pa;walang anumang kaibahan. Manindigan ka Rito, dahil sinabiiyon ng Diyos. Dumating ang Harina. Mayroon ka nang Langis.Paghaluin mo Iyon.94 Ngayon, naririnig ko ang isang tinig. Kasisikat pa lang ngaraw. Isang tinig ang nagsalita, at nagsabi, “Pumunta ka roonsa bakuran at kumuha ng dalawang patpat.” Napansin n’yo ba,sinabi ng Kasulatan na “dalawang patpat”? Ang krus. Mayroonna siyang harina at langis, subalit tatawagin na siya, upangkumilos na ngayon; kikilos na gamit iyon. Gaano man karamiang mayroon ka, gaano man karaming Harina at Langis nakailangan mo, subalit kailangan mong kumilos; pagsasakripisyong sarili.95 Dalawang patpat. Noong araw wala na silang mas iinampang paraan para makagawa ng apoy. Kapag kumuha ka ngisang patpat at ipinatong iyon na pahalang sa isang patpat,sindihan iyon sa gitna, pagsalubungin mo nang pa-krus angparehong dulo. Pinagliliyab ng mga Indian ang kanilangapoy. Nakapagpaliyab na ako niyon, nang maraming beses,magdamag. Kumuha ka lang ng kahoy, at iyon ay paganito, atang isa ay paganoon, at basta patuloy mo lang na itulak iyon saapoy habang nagliliyab iyon.96 Ang patpat na iyon ay ang krus. “Dalawang patpat,” angsabi ng Biblia. Sabi ng tinig, “Pumunta ka roon sa bakuran atkumuha ka ng dalawang patpat.” Nang sandali ring iyon, saibabaw ng bundok, dumagundong ang isang tinig pababa sapropeta at nagsabi, “Pumaroon ka sa bayan. Nag-utos na Ako.”

Page 18: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

18 ANG BINIGKAS NA SALITA

Oh, naku! Pareho silang sumunod. Tiyak na may magaganap.Pareho silang sumusunod.97 Kung ipinangaral ng mangangaral ang Salita, at angtaong tumatanggap Niyon ay sumasampalataya Roon atkumikilos base Roon, tiyak na may mangyayari. Kung isa kangmakasalanan, tiyak na maliligtas ka. Kung may sakit ka, tiyakna gagaling ka, dahil ipinangako iyon ng Diyos, kung tiyak tayosa Diyos.98 Kasing tiyak na Siya ay Diyos, ay ganoon din na kailanganNiyang tuparin ang Kanyang Salita. Tiyak! Pagkatapos ang utosay, “Pumunta ka sa bayan, sapagkat inutusan Ko na ang isangbalong babae.” Isang pangitain ang lumantad sa harapan ngpropeta. Heto na siya, naglalakad. Hindi niya alam kung saansiya pupunta; hindi ’yunmahalaga. Basta sumusunod lang siya.99 Hindi alam ng babae kung saan nakalagay ang mga patpat,subalit may dalawang patpat sa bakuran sa kung saan man.Nagsimula na siyang humayo. Lumabas siya sa bakuran.Naghanap-hanap siya, “Oh, napakainit!” Ang mga hiyawanmula sa bayan, ang mga gumagala sa gabi na nagsisipuntaroon, nagkakagulo sa daan, umiinom ng kanilang mga alak, atkung anu-ano pa. Tumunghay siya sa lansangan. Wala siyangmakita. Nakakita siya ng isang patpat; isang bahagi ng krus,pagsasakripisyo sa sarili. Nakakuha siya ng isa pang piraso,isang patpat. At nang damputin niya ang pangalawang patpatna iyon…100 O, napakapanglaw marahil niyon, naroroon na angkamatayan sa may pintuan. Siya at ang kanyang anak aykailangan na lang kumain ng isang kapirasong tinapay na gawasa mais at mamamatay na. Iyon na lang iyon. At kung minsan,mismong sa kalagitnaan ng kapanglawan, na naririnig natinang tinig.101 Nang damputin niya ang pangalawang patpat na iyonat nag-umpisa nang bumalik, may tinig na nagmula sa maytarangkahan, sabi, “Dalhan mo ako ng kaunting tubig sainuman.”102 Lumingon siya para tingnan, na hawak itong dalawangpatpat sa kanyang kamay, napaghalo na ang harina at langis atnakahanda na. Sabi niya na inihanda na niya iyon, pinaghalona iyon. Ganoon nga kung ano, ang Salita at ang Espiritu, aykailangang maghalo. Mahimlay sa krus ng pagsasakripisyo ngsarili, na itakwil ang anumang salungat sa hiniling mo. Siyanga.“Pinaghalo ko na iyon, kukunin ko na ngayon ang mga patpatna ito.”

At sabi ng tinig na iyon, “Dalhan mo ako ng kaunting tubig,sa isang inuman.”103 Tumingin siya, at nakita niya ang isang lalaking nakatayo,na nakasandal doon sa kabila ng tarangkahan, payat ang pisngi,

Page 19: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

MAGING TIYAK KA SA DIYOS 19

may balbas, kalbo ang ulo, nakatanaw mula sa kabila ngtarangkahan, na nakabalot ng lumang piraso ng balat ng tupa.Tila bamukha siyangmabait namatandang ginoo.104 Sabi niya, “Hahatian ko siya ng tubig ko.” Mga tubig ngBuhay, nakahanda kang ibigay iyon sa sinuman, na sabihinmo kaninuman, na magpunta ka kahit saan. “Sandali lang po,ginoo.” Nag-umpisa na siyang bumalik, na hawak ang mgapatpat sa mga kamay niya.105 At dumagundong na muli ang tinig, “Hindi lang hatian akong tubig mo, kundi dalhan mo rin ako ng maliit na piraso ngtinapay sa iyong kamay.” Tinapay ng buhay; tubig ng buhay!Sa pagka-buháy ba ito? Di magtatagal ay mamamatay na siyapagkaubos niyon. “Dalhan mo ako ng iyong tubig at dalhan moako ng iyong tinapay.”106 Ano ang makikita natin dito? Anong aral ang makikitanatin? “Hanapin muna ninyo ang Kaharian ng Diyos, at anglahat ng Kanyang katuwiran; ang ibang bagay ay idaragdagna lang.”

“Dalhan mo ako ng kaunting tubig at isang pirasongtinapay.”107 Pagkatapos ay bumaling siya, sa kanyang kapanglawan.Naririnig ko pang sinasabi niya, “Ginoo,” para bang ganito,“iba ka sa mga taong nakita ko na, at sa mga taong naririnigkong nangungusap. Tila ba positibo ka sa sinasabi mo. Subalitmayroon lamang akong sapat na harina, iisang dakot lang, atiisang kutsara lang ng langis. Inihanda ko na iyon, at lulutuin koiyon sa dalawang patpat na ito. At kakainin ko iyon, ako at ngaking anak, atmamamatay na. Iyon na lang angmayroon ako.”108 Ano nang maririnig natin, kung gayon, pagkatapos?“Ngunit, dalhin mo sa akin ang maliit na tinapay, muna.”Ang Diyos, muna. Maging ano pa man ang sabihin ng iba,ano man ang iba pa, anumang katunayan, gaano man iyon tilakapanglaw, ano pa man iyon, piliin mo ang Diyos, muna. AngKanyang Salita, muna.109 “Sabi ng doktor na hindi raw ako mapapagaling.” Ngunit,ang Kanyang Salita, muna. “Lubhang makasalanan ako. Isaakong patutot. Isa akong sugarol. Isa akong lasenggo.”

Ang Salita ng Diyos, muna. “Bagaman ang iyong kasalananay tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niyebe; mapulaman na gaya ng matingkad na pula, ay magiging maputi naparang balahibo ng tupa.” Unamuna, ang Diyos.110 “Humayo ka, dalhan mo ako ng maliit na tinapay, muna.Lahat ng nasa iyo, dalhin mo iyon sa akin.” Nakahanda ka bangibigay iyon sa Kanyang mga kamay?111 Ang buhay ko, lahat ng ako. Ako’y limampung taong gulangna. “Nakahanda ka ba, William Branham, na ilagak iyan sa

Page 20: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

20 ANG BINIGKAS NA SALITA

Akin? Nakahanda ba kayo, kayong mumunting mga anak,na ilagak ang inyong buhay sa Akin? Nakahanda ba kayo?Kaya ba ninyong gawin iyon, mga taong may karamdaman?Mapagkakatiwalaan n’yo baAko?Unahin n’yomunaAko.”112 “Dalhan mo ako ng isang pirasong tinapay sa iyong kamay,at dalhan mo ako ng kaunting tubig.” Tiningnan niya ito. Mayisang bagay na nagsabi sa kanya na alam ng lalaking iyon angsinasabi nito.

Kilala ng Diyos ang Sarili Niyang mga tupa. “Kilala ngAking mga tupa ang Aking Tinig. Alam nila kung iyon ba ayKasulatan o hindi, kung iyon ba ay tama o hindi.”113 Humayo siya, bilang pagsunod. Ganoon ang kailanganninyong gawin. At nang humayo siya, upang sundin ang sinabing propeta na gawin, saka dumating ang kulog mula saLangit, na hinahanap na marinig ng bawat tao. Sapagkat, maylumalabas na isang kulog mula sa tinig ng propeta, na inaasamna marinig ng bawat makasalanan at bawat taong may sakit,“GANITOANGSABI NG PANGINOON.”114 Gaano natin inaasam na marinig Iyon! Kung papaanongnauupo ang mga tao sa may daanan ng garahe ko, sasabihin,“Pumunta ka sa pintuang ito. Ang anak kong babae ay nasaganito. Ang sanggol ko, naku, napakahina na. Sabihin mo langang salita.” Papaano mo iyon masasabi bago pa iyon mapasabibig mo? Magiging ikaw lang mismo ang nagsasabi niyon.Subalit inaasamnilangmarinig iyang, “GANITOANGSABINGPANGINOON.”115 Hayun na iyon, sa kabila ng bakod, dahil siya ay sumusunod.At naglaho ang kapanglawan. “GANITO ANG SABI NGPANGINOON. Ang gusi ay hindi makukulangan, ni ang bangang langisman aymatutuyo, hanggang sa araw namagpaulan angPanginoongDiyos sa lupa.” Oh, anong kaaliwan!116 Ginawa niya ang tinapay. Ibinigay niya iyon sa propeta.Bumalik siya at gumawa ng ilan para sa kanyang anak at sariliniya. At kumain sila at uminom, ng sagana, sa ibabawng lupa.117 Saan ba iyon nagmula? Paano iyon napunta roon? Sabihinninyo sa akin nang batay sa siyensiya kung saan nanggaling’yung harina. Saan nanggaling ’yung langis? Paano napunta angmga iyon doon sa banga? Ibinubuhos na niyang lahat-lahat iyon,bawat umaga. Sinasaid niya ang gusi ng harina, bawat umaga, attuyo na iyon. Subalit pagbalik niya para kumuha pa, naroroon parin ’yon. Saan iyon nagmula? Sampalatayanan mo ang Diyos saKanyangSalita.Maging tiyak ka saDiyos. Siya angManlilikha.118 Maaaring nawala na sa iyo ang kalusugan mo.Maaaring nawala na sa iyo ang iyong pakikipag-fellowship.Sampalatayanan mo Siya sa Kanyang Salita. Maging tiyak kana Siya ay Diyos. Ang mga tila ba mapanglaw na panahonngayon, ay maaaring hindi na ganoon kapanglaw kung

Page 21: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

MAGING TIYAK KA SA DIYOS 21

sasampalatayanan mo lang ang Kanyang Salita at maging tiyakka na Siya ay Diyos.119 Sa Alemanya, minsan, ay nakakita ako ng isang larawan,at noon pa ma’y tumatak na iyon sa akin. Ipininta ng isangAleman na pintor ang…ang isang larawan na—na tinatawagna “Ang Lupain Ng Mga Ulap.” At kapag nakita n’yo iyon, samalayo, iyon na ang pinakanakakatakot na kadiliman na nakitan’yo kailanman. Mga ulap lang na makapal na pinagpatung-patong, kapag tinitingnan mo iyon mula sa malayo. Ngunitkapag nakalapit ka na nang husto roon, nagbabago iyon. Iyonay mga pakpak ng mga Anghel na sabay-sabay na kumakampay,sa pag-awit ng mga hallelujah sa Panginoon. Kaya ganoon angkapanglawan kung minsan. Kung titingnan mo iyon, sa malayo,para ba itong mapanglaw at madilim. Subalit sampalatayananmo ang Diyos sa Kanyang Salita at maging tiyak ka na Siyaay Diyos, at lumapit ka pa rito, malalaman mo na mga pakpaklamang ngmgaAnghel iyon na kumakampay nang sabay-sabay.120 Siya’y para bang katulad noon ni Abraham, tinawag upangibigay ang lahat ng mayroon siya, ilapag iyon sa altar ngpagsasakripisyo. Marahil tinatawag ka nang ganoon, ngayongumaga. Isuko mo na ang iyong masasamang gawì. Isuko mo naang iyong di-pananampalataya. Isuko mo na ang lahat ng bagayna mayroon ka. At saka mo kunin ang Langis at ang Salita, atpaghaluin mo Iyon, at ilagay Iyon sa altar ng pagsasakripisyosa sarili. Malalaman mo, tatawagin Niyon ang Diyos sa eksena,kasing tiyak ng nakatayo ako sa pulpitong ito.

Isipin n’yo iyon habang tayo’y nananalangin.121 May pangangailangan ba kayo ngayon? Maypangangailangan ba kayo na higit sa kayang makamtan nginyong pisikal? Halos wala na bang pera na hindi na ninyomabayaran ang inyong upa? Gusto ba ng mga bata ng bagongsapatos, at wala kayong pera para mabili ang mga iyon? Said naba ang gusi sa inyong bahay, at ang banga ay halos matuyo na?Hindi ba kayo makabili ng pampakain sa mga alaga ninyonghayop? At, mayroon ba, may problema ba? Alalahanin n’yo, Siyaay nangako.122 May sakit ba kayo, at sabi ng doktor na kailangan ninyong operasyon? Wala ba kayong pera para magawa iyon? Maypangangailangan kayo.123 Kayo ba ay makasalanan? Napakalaki ba ng inyongpangangailangan, na nalalaman n’yong kung tatawagin na kayong Diyos, sa araw na ito, ay hindi kayo ligtas? Kayo ba ayisang backslider na tumatakas palayo sa Diyos? At alam ninyongkabilang kayo sa isang iglesya, ngunit alam ninyong hindi kayotama? Sinasabi ng mismong konsiyensya ninyo, ayon sa Salita,na hindi kayo tama. At may pangangailangan kayo. Huwagninyong hayaang mahulog ang mga salitang ito sa matitinik na

Page 22: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

22 ANG BINIGKAS NA SALITA

lupa, o samga bato,mabatongmga puso.Mahulog nawa angmgaito sa mabuti’t matabang lupa.124 Kung kayo’y may sakit at kayo…sinasabi ng doktor nahindi ka na mapapagaling pa, at nangangako ka sa Diyos napaglilingkuran mo Siya sa lahat ng mga araw ng buhay mo,at tiyak mo na Siya ay Diyos, lumapit ka at katagpuin anghinihingi Niya. Kung may pangangailangan ka, maaari mo bamunang gawin na itaas lang ang iyong kamay sa Diyos, na maypangangailangan kang isang bagay? Pagpalain kayo ngDiyos.

Tayo’y manalangin.125 O Panginoon, sadyang kasing tiyak ng naririto ako sapulpitong ito ngayong umaga, nalalaman kongwala ni isa samgakamay na iyan ang maitataas nang hindi Mo iyon nalalaman,sapagkat Ikaw ang Diyos. Sinabi Mo, “Hindi ba’t ipinagbibiliang napakaraming maya ng dalawang beles? Gaano kayongmas mahalaga pa kaysa sa isang maya!” Gaano pa kayangnakita Mo ang mga kamay niyaong mga mortal na nilalang, napinagbuwisan ng buhay ng Iyong Anak na si Jesus! Gaano palalo na mas nakita Mo po ang kanilang mga kamay kaysa isangmaya, kung nahulog iyon ngayong umaga! Sa palagay ko, para saisang dosenang maya, ay hindi bibilhin kahit sa halagang isangsentimo ngayong umaga, dahil walangmay gusto samga iyon. Atmagkakaroon pa ng problema sa paglilibing sa mga iyon. Ngunitalam Mo po ang bawat isa sa mga iyon; alam Mo ang bawatbalahibo na nasa kanilang katawan. Alam Mo ang bawat buhokna nasa aming ulo.126 O Panginoon, tumugon Ka sa panalangin. Hayaan silangmaging tiyak, ngayong umaga, na Ikaw ay Diyos, at Ito angIyong Espiritu. Nawa ang kapanglawan at nakakabighaninghatak ng modernong relihiyon na ito ay maalis na sa kanila,na nagsasabing, “Oh, kabilang ako sa kung anong ganitongiglesya.” Diyos, maglaho nawa iyon sa kanilang pag-iisip,ngayon din. Sa isang sandaling ito, makasilip nawa sila saWalang Hanggang Buhay. At pagkatapos ay kanilang hanapinat hangarin Ito, na malaman kung ano ang Diyos, at tiyak nilana Siya nga ayDiyos. TinutupadNiya angKanyang Salita.127 Sa makasalanan, magsisi nawa sila kaagad, maghandana para sa bautismo sa Pangalan ni Jesus Cristo. At Iyongipinangako na ipagkakaloobMo sa kanila ang Banal na Espiritu.Sinabi Mo po iyon, Panginoon. Tinutupad Mo ang Iyongpangako.128 May isang backslider na nakakatiyak na Ikaw ay Diyos, atnagpalaboy-laboy na sila. Lumapit nawa sila ngayon, sapagkatsinabi Mo, “Bagaman ang inyong mga kasalanan ay tila mapula,ang mga ito’y magiging mapuputi na parang niyebe. Mapulanggaya ng matingkad man na pula, ang mga ito’y magigingmapuputi na parang balahibo ng tupa.”

Page 23: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

MAGING TIYAK KA SA DIYOS 23

129 At kung mayroon mang mga may sakit, mapagtantonawa nila na Ikaw ay Diyos. Tinutupad Mo ang IyongSalita. Kinakailangan Mong tuparin ang Iyong Salita. Habanginihihimlay nila ang kanilang mga sarili, taglay ang kanilangLangis, ang Espiritu na nasa kanila na nagpapahayag na sila’ynananampalataya. At saka, gayundin, na taglay ang Salita, angTinapay ng Buhay na humayo, si Cristo; na dinurog sa mgaiyon, sa Lumang Tipan; at sa Bagong Tipan, upang ipakita naSiya ay siya pa ring kahapon, ngayon, at magpakailanman. Ihalonawa nila ang Salitang iyon sa Langis, Espiritu, na taglay nila,pagkatapos ay tumayo sa may altar, na nagsasabi, “Ito na langpo ang tangingmayroon ako, Panginoon. Dinadala ko ito.”

Oh, gaano Mong pararamihin! Gaano nitong tatawagin angDiyos ng kasaysayan sa tagpong iyon! Gaano nitong patitindiginsi Jehovah, na nag-uumapaw ang puso, na, “May anak Akongsusunod sa Akin. Sinubok Ko na siya, at pinatunayan niya namahal niya Ako at sinasampalatayanan niya Ako. Tiyak niyana Ako nga ay Diyos.” Sapagkat sinasabing, “Ang lumalapitsa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos, at siyangtagapagbigay-gantimpala doon sa mga sa Kanya’y masikap nanagsisihanap.” Ipagkaloob Mo po ito, sa oras na ito, habanginilalagak namin ito sa Iyo.130 At, ngayon, habang nakayukod ang ating mga ulo. At yaongmga nangangailangan ng anuman, maaari ba kayong tumayo,na nais na ilagay…Ngayon, kung hindi kayo tiyak na Siyaay Diyos…Kung tiyak ninyong Siya ay Diyos, tutuparin angKanyang pangako, kaligtasan, kagalingan, ano pa man iyon,kung tiyak ninyong Siya’y Diyos, tumayo kayo. Kung may ibapa kayong nais na maipanalangin, tumayo kayo. Kung kayo’y—kung tiyak ninyong Siya’y Diyos, ipaalam ninyo ang inyongkahilingan sa mga pagtitipon ng mga banal. Ginagawa ninyoiyon habang tumatayo kayo sa inyong…[Blangkong bahagi ngteyp—Pat.]

“Tiyak ako na Siya ay Diyos. Nananampalataya akona tinutupad Niya ang Kanyang Salita. At tiyak ko naang hinihiling ko…Ilalagay ko na ito sa ilalim ng Dugo,ngayon mismo.” Kung gagawin n’yo iyon, ilapag ang bawatkasalanan. Ang bawat kasalanan ay di-pananampalataya.Maaaring miyembro kayo ng iglesya, ngunit ang tinutukoy ko aykasalanan, ang inyong “di-pagsampalataya.” Inilalapag ninyoito bilang isang hain. Ihahandog ninyo iyon. Lumalapit kayosa krus. Isasakripisyo na ninyo, ngayon, ang lahat ng inyongkawalang pananampalataya. At isuko iyon sa Kanya, at alamninyo na Siya nga ay Diyos, at tiyak ninyong Siya ay tutugon.Kung ganoon kayo, itaas ang inyong kamay.Manatili sa ganoon.131 Panginoon, Ikaw ang Diyos. Narito ang kanilang Langis atang kanilang Mais, na pinaghalo. Dinadala na nila Ito sa krus,kung saan bababa ang Apoy ng Diyos sa kanilang mga puso

Page 24: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

24 ANG BINIGKAS NA SALITA

(kung talagang taos sa kanila iyon) at susunugin ang haingiyon. Kikilos Ka sa tagpo, patutuyuin ang tubig sa katad nghayop. Parating mula sa Langit, sa isang karwaheng Apoy.Yuyugyugin Mo ang buong sangkalangitan at sangkalupaan,upang gantimpalaan sila.132 Sa pagtayo nila na nakataas ang kanilang mga kamay saere, na pagpapahiwatig na sila’y nananampalataya, at inilapagna ang kanilang mga sarili, at bawat kahilingan na mayroonsila, mismo sa Iyong altar na. O Diyos ng Langit at lupa,ang Tagahatol ng Kalangitan at lupa, tunay na katuwiran anggagawin ng Tagahatol ng Langit at lupa. Tunay na tutuparinNiya ang Kanyang Salita, Ikaw Na nakakaalam ng mga puso ngmga kalalakihan, ng mga puso ng mga kababaihan, ng mga pusong mga taong ito.133 Panginoong Diyos, itinataas ko ang sarili kong mga kamay,sapagkat alam kong may pagbabago ako ng ministeryo ngayon.At nananampalataya ako na Ikaw nga ay Diyos. Nakita na Kitana nakatayo roon sa isangHaligingApoy. [Kinatok niKapatid naBranham ang pulpito nang tatlong beses—Pat.] Nakita na Kitana sinaliksik ang mga lihim ng puso ng mga tao. Hindi Ka niminsan nabigo. IpinangakoMo iyon noong ginawaMo iyon doon,sa kabilang ibayo ng lansangan rito, noong unang nag-umpisaKang makipag-ugnay upang magawa ang mga bagay na ito. Atpinangalagaan Mo ako sa paglibot sa mundo, at paulit-ulit sapaglibot. Nakatitiyak ako na Ikaw ayDiyos. Tiyak ko iyon.134 Inihahandog ko po ang aking sarili kasama ng mga taongito, at ang handog ng lahat kong tinataglay, Panginoon, sa Iyo,para sa paglilingkod. Mag-uumpisa akong muli, Panginoon, nalumibot sa mundo. Tulungan Mo ako, O Diyos. Kung ako man aydi-sumampalataya sa Iyo sa anumang pagkakataon, patawarinMo po ako sa aking mga kasalanan. Patawarin Mo ako sa di kopananampalataya. At alam ko na Ikaw ay Diyos nga, at siyangtagapagbigay-gantimpala samga sa Iyo’y nagsisihanap.135 Ganoon din, ipinahahayag ko ang mga kasalanan ng akingmga tao, ngayong umaga, ang kanilang mga kahinaan atang kanilang mga pag-aalinlangan, habang nakatayo sila nanakataas ang kanilang mga kamay sa ere. Ipinahahayag ko angkanilang mga kasalanan, Panginoon, at ang lahat ng amingmga kahinaan. Isugo Mo po ang Banal na Espiritu sa amin,na may tatak ng Iyong pagpapatibay, na Ikaw ay Diyos. Atnaririto Ka ngayon upang tanggapin kami, at upang kami’yIyong yakapin, at upang tubusin para sa amin ang lahat ng bagayna aming naiwala. Kung iyon man ay ang aming kalusugan,maipanumbalik nawa ito nang makaisang daang beses. Kungiyon man ay ang aming kaluluwa, mabago nawa ito sa aminna gaya ng namumukadkad, na kumikinang na bagay, pusposng Banal na Espiritu, na ihahandog sa harapan ng Diyos. Kungiyon ay di-pananampalataya, bumalik nawa ito sa amin muli,

Page 25: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

MAGING TIYAK KA SA DIYOS 25

Panginoon, na may pananampalatayang makapagpapakilos ngmga bundok. IpagkaloobMo po ito, Panginoon.136 Sumasampalataya kami na Ikaw ay kumikilos, ang EspirituSanto na pumupuno sa buong gusaling ito, sa mga taong ito, atsa kanilang mga puso, kinikilos sila na tanggapin ang buhay naDiyos. Ginagawa namin ito sa Pangalan ni Jesus Cristo.

My faith looks up to Thee,Thou Lamb of Calvary,Saviour Divine;Now hear me while I pray,Take all my sins away,Nor let me ever strayFrom Thee aside.

137 Totoo ba iyon sa inyo? Tinatanggap ba ninyo ito? Itaas ninyoang inyong kamay, sabihin, “Tinatanggap ko na ito ngayon.Sumasampalataya ako.”

While life’s dark maze I tread,And griefs around me spread,Be Thou my Guide;Bid darkness turn to day,Wipe sorrow fears away,Nor let me ever strayFrom Thee aside.

Iyukod natin ang ating mga ulo.138 Pagkatapos nitong mahigpit at matinding humihiwa naMensahe; nakakasakit, at ipinahayag sa magaspang na paraan,ngunit ito ang Katotohanan. At kung may pagpapakumbabaninyong sinasampalatayanan ang inyong hiniling, na inyongmatatanggap, huwag na huwag ninyong hayaan ang anuman naitulak kayo mula sa tuwid na daang iyan. Tumayo kayo riyanmismo. Kahit gaanoman akomangaral, anuman ang gawin ko, oanuman ang gawin ng sinumang tao, hindi iyon kailanman uubrahanggang sa tanggapin n’yo iyon bilang sarili ninyong pag-aari.139 Sampalatayanan ninyo iyan nang buong puso ninyo, anglahat ng inyong ninanasa. Kung ipinahayag na ninyo ang inyongmga kasalanan, pinatawad na kayo ng Diyos. Huwag na huwagn’yo nang pag-aalinlanganan pa iyon. Kung kayo ay isangbackslider, ibinalik na kayo, ngayong umaga. Kung kailanganninyo ang Espiritu Santo, kung gayo’y magpabautismo kayo saPangalan ni Jesus Cristo para sa ikapagpapatawad ng inyongkasalanan. Iyan ang Salita ng Diyos. Hindi Niya babaguhinIto para sa anumang iglesya, anumang denominasyon, o sinopa mang iba. Kinakailangang maging ganoon iyon. Kailangannating matugunan ang Kanyang mga hinihingi, hindi anghinihingi ng iglesya, ang Kanyangmga hinihingi. Iyon ang dapatnating gawin.

Page 26: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

26 ANG BINIGKAS NA SALITA

140 Sabi niya, “Ang panalangin ng pananampalataya aymagliligtas sa may sakit.” Kung kayo man ay may sakit,dumalangin na ako ng panalangin ng pananampalataya parasa inyo. Ipinanalangin n’yo na iyon sa sarili ninyong puso.At sampalatayanan ninyo iyon, tanggapin iyon, huwag kayongmagbago ng pasya tungkol doon. Kinakailangang maginggayon. Walang makaaagaw niyon, kahit gaano man kadilimmagmistula iyon.141 Sasabihin n’yo, “Buweno, para bang mayroon pa rin akongsakit.” Hindi iyon…Mga pakpak lang iyon ng mga Anghelna magkakasama. Iyon lang. Iyon ang Diyos sa isang anyo ngpagpapala. Para bang madilim iyon sa iyo. Lumapit ka nangkaunti rito at tingnan mo itong muli, tingnan mo kung hindinga ba’t ang Diyos iyon na nakatayo roon, na tinutupad angKanyang Salita.142 Ngayon habang nakayukod ang atingmga ulo, ibibigay ko nangayon ang gawain kay Kapatid na Neville, ang ating pastor.

Page 27: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

MAGING TIYAK KA SA DIYOS TAG59-0125(Be Certain Of God)

Ang Mensaheng ito ni Kapatid na William Marrion Branham, orihinal naipinangaral sa Ingles noong Linggo ng umaga, Enero 25, 1959, sa BranhamTabernacle sa Jeffersonville, Indiana, U.S.A., ay hinango mula sa magnetikongteyp rekording at inilimbag na walang pagbabago sa Ingles. Itong Tagalog nasalin ay inilathala at ipinamamahagi ng Voice of God Recordings.

TAGALOG

©2014 VGR, ALL RIGHTS RESERVED

VOICE OF GOD RECORDINGS

P.O. BOX 950, JEFFERSONVILLE, INDIANA 47131 U.S.A.www.branham.org

Page 28: TAG59-0125 Maging Tiyak Ka Sa Diyos VGRdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG59-0125 Be Certain Of God VGR…buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi,

Abiso Ukol Sa Karapatang Maglathala

Ang lahat ng karapatang maglathala ay saklaw ng may-ari lamang. Ang aklat na ito ay maaaring i-print sa home printer para sa personal na gamit o maipamahagi sa iba, nang walang bayad, upang magamit sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo ni Jesus Cristo. Ang aklat na ito ay hindi maaaring ibenta, kopyahin nang maramihan, i-post sa website, i-store sa retrieval system, isalin sa ibang wika, o gamitin upang manghingi ng pondo nang walang inilalabas na kasulatang nagpapahintulot galing sa Voice Of God Recordings®.

Para sa karagdagang impormasyon o para sa iba pang ipinamamahaging materyales, kontakin lamang ang:

Voice of God RecoRdinGsP.o. Box 950, JeffeRsonVille, indiana 47131 U.s.a.

www.branham.org