1
Zedrick Paul L. Tungol Fil 40 Prof. Raniela Barbaza 2010-10186 Set. 18, 2011 Ikinalulungkot ko na katulad ng mga nakaraang Sona ay ang nagging SONA ni Ninoy ay mas binigyang pansin nila ang mga nagawang mabuti ng pamahalaan kaysa sa mismong estado ng ating bansa. Dahil dito ay naging isa itong pagbibigay-gantimpala sa halip na SONA. Tagalog ang ginamit sa malaking parte ng SONA. Ito siguro ay dahil gustong ipakita ni PNoy na isa siyang tunay na kakampi ng masa. Gumamit siya ng mga simple at medyo impormal na mga salita tulad ng Wang-wangupang pagaanin ang loob ng mga tao. Sa kanyang SONA, may dalawang bagay na paulit-ulit niyang ginawa: ang pagtukoy sa mga tagumpay ng gobyerno at ang pagpapasalamat sa mga opisyales. Sa unang bahagi ng SONA, nagkaroon ng format ang kanyang pananalita: problema, pulitiko, solusyon, pagpalakpak. Puro na lamang tungkol sa mga problemang nasolusyonan na o malapit ng masolusyonan, hindi kasama ang mga ibang problema na hindi pa nila alam kung anong gagawin tungkol dito. Sa kanyang SONA, si PNoy ay direktang kumakausap sa atin, ang mga mamamayan. Sinubukan niyang pumantay sa mga masa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawang pamilyar na sa mga Pilipino. Dahil dito, mas napapadali niyang maipadala ang kanyang mensahe. Ngunit ang pangunahing bagay na napansin ko ay ang pag bale-wala niya sa mga batikos sa kanyang pamamahala. Bilang mag-aaral ng UP, nakita ko na ang gradona ibinigay ng mga tao kay PNoy ay mababa, pero hindi man lang niya binanggit ito. Siguro ay iniisip niya na ang mga tagumpay na lang niya ang magsasalita para sa kanya. Sa pangkahalatan, ang SONA na ito ay katulad ng maraming SONA nung nakaraan: isang pagpapabango sa pamahalaan sa pagpapakita ng mga tagumay at pagbale-wala sa mga problemang dapat asikasuhin.

SONA - Zedrick Tungol

Embed Size (px)

DESCRIPTION

A reaction to President Noynoy Aquino's SONA

Citation preview

Page 1: SONA - Zedrick Tungol

Zedrick Paul L. Tungol Fil 40 Prof. Raniela Barbaza 2010-10186 Set. 18, 2011

Ikinalulungkot ko na katulad ng mga nakaraang Sona ay ang nagging SONA ni Ninoy ay mas

binigyang pansin nila ang mga nagawang mabuti ng pamahalaan kaysa sa mismong estado ng ating

bansa. Dahil dito ay naging isa itong pagbibigay-gantimpala sa halip na SONA.

Tagalog ang ginamit sa malaking parte ng SONA. Ito siguro ay dahil gustong ipakita ni PNoy na

isa siyang tunay na kakampi ng masa. Gumamit siya ng mga simple at medyo impormal na mga salita

tulad ng “Wang-wang” upang pagaanin ang loob ng mga tao.

Sa kanyang SONA, may dalawang bagay na paulit-ulit niyang ginawa: ang pagtukoy sa mga

tagumpay ng gobyerno at ang pagpapasalamat sa mga opisyales. Sa unang bahagi ng SONA, nagkaroon

ng format ang kanyang pananalita: problema, pulitiko, solusyon, pagpalakpak. Puro na lamang tungkol

sa mga problemang nasolusyonan na o malapit ng masolusyonan, hindi kasama ang mga ibang problema

na hindi pa nila alam kung anong gagawin tungkol dito.

Sa kanyang SONA, si PNoy ay direktang kumakausap sa atin, ang mga mamamayan. Sinubukan

niyang pumantay sa mga masa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawang pamilyar na sa mga

Pilipino. Dahil dito, mas napapadali niyang maipadala ang kanyang mensahe.

Ngunit ang pangunahing bagay na napansin ko ay ang pag bale-wala niya sa mga batikos sa

kanyang pamamahala. Bilang mag-aaral ng UP, nakita ko na ang “grado” na ibinigay ng mga tao kay

PNoy ay mababa, pero hindi man lang niya binanggit ito. Siguro ay iniisip niya na ang mga tagumpay na

lang niya ang magsasalita para sa kanya.

Sa pangkahalatan, ang SONA na ito ay katulad ng maraming SONA nung nakaraan: isang

pagpapabango sa pamahalaan sa pagpapakita ng mga tagumay at pagbale-wala sa mga problemang

dapat asikasuhin.