4
ISABELA

SOCSCI

Embed Size (px)

DESCRIPTION

4

Citation preview

Page 1: SOCSCI

ISABELA

Page 2: SOCSCI

KASAYSAYAN

Ang Isabela ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Lambak ng Cagayan. Ilagan ang kapital nito at napapaligiran ng Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, at Cagayan. Isang lalawigang agrikulturalang Isabela at ang ikalawang pinakamalaki sa Pilipinas, at ang pinakamalaki sa pulo ng Luzon.

HEOGRAPIYA

Binubuo ng 10,664.6 kilometro kuwadrado ang buong lalawigan ng Isabela. Ito ang may pinakamalaking nasasakupan sa rehiyon ng Lambak Cagayan. Ito rin ang may pinakamalaking populasyon sa lahat ng lalawigan sa bilang na 1,287,575 na bumubuo ng 45.7 porsiyento ng 2.8 milyong tao sa rehiyon at may ambag na 1.7 bahagdan sa kabuuang populasyon ng bansa. Ang Isabela ay nahahati sa 35 na munisipalidad at 2 lungsod.

MGA LUNGSOD

Cauayan

Ang Lungsod ng Cauayan ay isang lungsod sa lalawigan ng Isabela, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2007, ito ay may populasyon na 114,254 katao sa 21,143 kabahayan.

Ilagan

Ang Lungsod ng Ilagan ay isang 3rd class na lungsod sa lalawigan ng Isabela, Pilipinas. Ito ang

kabisera at pinakamalaking lungsod sa lalawigan ng Isabela. Ito ay nasa tagpuan ng Ilog ng

Cagayan at ng Ilog ng Pinacanauan. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na

119,990 katao sa 24,085 na kabahayan.

Ang bayan ng Ilagan, ay may layong 96 kilometro mula sa Lungsod ng Tuguegarao, Cagayan at

tinatayang may layong 410 kilometro sa Kalakhang Maynila. Ito ay may kabuuang sukat na

1,166.26 km2; na 13% ng kabuuang sukat ng lupa ng lalawigan ng Isabela.

Santiago,Isabela

Ang Lungsod ng Santiago ay isang unang-klaseng lungsod sa lalawigan ng Isabela, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 110,531 katao sa 22,401 kabahayan.