35
Bilang ng mga salita: 265 Oras Pilipino Kapansin-pansin ang kasiglahan ng mga mag-aaral sa pag-aayos ng tanghalan ng kanilang paaralan. Sa hapong iyon magdaraos sila ng palatuntunan para sa Araw ng mga Bayani. “Eddie,” tawag ni Bb. Garcia sa pangulo ng klaseng namamahala sa pagdaraos ng pagtatanghal. “Anong oras sisimulan ang palatuntunan?” “Sa ganap pong ikaapat ng hapon, oras Pilipino at ‘yon din po ang tiyak na oras ng pagdating ng ating mga panauhin,” sagot ni Eddie. “Oras Pilipino? Tulad din ba ng American Time?” “Opo, kung ang American time po ay oras na itinakda, e, bakit po kaya hindi maaaring itakda ang oras Pilipino? Hindi po ba dapat nating higit bigyang dangal ang oras Pilipino?” Napangiti si Bb. Garcia. Gayon na lamang ang kaniyang kasiyahan sa sinabi ni Eddie. “Hinahangaan kita, Eddie. Hindi matatawaran ang iyong pagka-Pilipino sa gulang mong iyan. Bakit nga ba kung American time ay tiyak at kung oras Pilipino ay parang nalilimutan? Malinaw na tayo na rin ang humahamak sa pangalang Pilipino.” “Iyan din po ang napag-usapan namin sa klase kaya po napagkaisahan naming salawikain sa klase ay ‘Dumating sa Oras’,” paliwanag ni Eddie. “Di po ba panahon na ngayon upang baguhin ang maling paniniwala tungkol sa oras Pilipino?” “Tama. Pero natitiyak mo kayang makapagsimula kayo ng inyong tinakdang oras?” “Opo, kaya nga po inaayos na namin ang tanghalan upang hindi na pag-uukulan pa ng panahon mamaya. Nagpasabi na rin po kami na dapat ang lahat ng mag-aaral at guro ay narito na sa itinakdang oras. Kaya’t mahihiya silang dumating nang huli.” Nababakas sa mukha ni Bb. Garcia ang malaking kasiyahan. Hangang-hanga siya kay Eddie. A. Piliin ang pinakamabuting sagot sa mga tanong. Isulat ang titik nito sa sagutang papel. 1. Ano ang pinagdiriwang ng mga mag-aaral? a) Araw ng mga Bayani b) Araw ng mga Magulang c) Araw ng mga Patay 2. Sino ang namumuno sa pag-aayos ng tanghalan? a) pangulo ng paaralan b) guro ng klaseng namamahala c) pangulo ng klaseng namamahala 3. Idaraos ang palatuntunan sa ikaapat ng hapon. a) oras Pilipino b) oras Amerikano c) oras ng uwian 4. Dapat nasa takdang pook ang lahat ng mga mag-aaral at guro sa ganap na ________. a) ikatlo ng hapon b) ikalima ng hapon c) ikaapat ng hapon 5. Hinangaan ni Bb. Garcia si Eddie sa kanyang ________. a) katalinuhan b) kasipagan c) pagka-Pilipino 6. Ang ibig ipakahulugan sa “oras Pilipino” ay ________. a) Dumating sa takdang oras b) Tumingin sa oras Pilipino c) Magsuot ng oras Pilipino 7. Kailangang dumating sa takdang oras ang lahat upang hindi _______. a) mawalan ng upuan b) mapahiya c) makagalitan 8. Nakasisiyang sumunod sa oras Pilipino sapagkat maipakilala ang _______.

Silent Reading and Comprehension_Filipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Monthly distributed reading materials for silent reading and reading comprehension in Filipino

Citation preview

Bilang ng mga salita: 265

Oras Pilipino

Kapansin-pansin ang kasiglahan ng mga mag-aaral sa pag-aayos ng tanghalan ng kanilang paaralan. Sa hapong iyon magdaraos sila ng palatuntunan para sa Araw ng mga Bayani.

“Eddie,” tawag ni Bb. Garcia sa pangulo ng klaseng namamahala sa pagdaraos ng pagtatanghal. “Anong oras sisimulan ang palatuntunan?”

“Sa ganap pong ikaapat ng hapon, oras Pilipino at ‘yon din po ang tiyak na oras ng pagdating ng ating mga panauhin,” sagot ni Eddie.

“Oras Pilipino? Tulad din ba ng American Time?”“Opo, kung ang American time po ay oras na itinakda, e, bakit po kaya hindi maaaring itakda

ang oras Pilipino? Hindi po ba dapat nating higit bigyang dangal ang oras Pilipino?”

Napangiti si Bb. Garcia. Gayon na lamang ang kaniyang kasiyahan sa sinabi ni Eddie.

“Hinahangaan kita, Eddie. Hindi matatawaran ang iyong pagka-Pilipino sa gulang mong iyan. Bakit nga ba kung American time ay tiyak at kung oras Pilipino ay parang nalilimutan? Malinaw na tayo na rin ang humahamak sa pangalang Pilipino.”

“Iyan din po ang napag-usapan namin sa klase kaya po napagkaisahan naming salawikain sa klase ay ‘Dumating sa Oras’,” paliwanag ni Eddie. “Di po ba panahon na ngayon upang baguhin ang maling paniniwala tungkol sa oras Pilipino?”

“Tama. Pero natitiyak mo kayang makapagsimula kayo ng inyong tinakdang oras?”

“Opo, kaya nga po inaayos na namin ang tanghalan upang hindi na pag-uukulan pa ng panahon mamaya. Nagpasabi na rin po kami na dapat ang lahat ng mag-aaral at guro ay narito na sa itinakdang oras. Kaya’t mahihiya silang dumating nang huli.”

Nababakas sa mukha ni Bb. Garcia ang malaking kasiyahan. Hangang-hanga siya kay Eddie.

A. Piliin ang pinakamabuting sagot sa mga tanong. Isulat ang titik nito sa sagutang papel.1. Ano ang pinagdiriwang ng mga mag-aaral?

a) Araw ng mga Bayani b) Araw ng mga Magulang c) Araw ng mga Patay2. Sino ang namumuno sa pag-aayos ng tanghalan?

a) pangulo ng paaralan b) guro ng klaseng namamahala c) pangulo ng klaseng namamahala3. Idaraos ang palatuntunan sa ikaapat ng hapon.

a) oras Pilipino b) oras Amerikano c) oras ng uwian4. Dapat nasa takdang pook ang lahat ng mga mag-aaral at guro sa ganap na ________.

a) ikatlo ng hapon b) ikalima ng hapon c) ikaapat ng hapon5. Hinangaan ni Bb. Garcia si Eddie sa kanyang ________.

a) katalinuhan b) kasipagan c) pagka-Pilipino6. Ang ibig ipakahulugan sa “oras Pilipino” ay ________.

a) Dumating sa takdang oras b) Tumingin sa oras Pilipino c) Magsuot ng oras Pilipino7. Kailangang dumating sa takdang oras ang lahat upang hindi _______.

a) mawalan ng upuan b) mapahiya c) makagalitan8. Nakasisiyang sumunod sa oras Pilipino sapagkat maipakilala ang _______.

a) pagkakaroon ng orasang Pilipino b) pagyayabang ng Pilipino c) paggalang sa kaugaliang Pilipino

B. Hanapin ang salitang kasingkahulugan ng salitang nasa kaliwang hanay sa mga salitang nasa kanang hanay. Isulat ang titik nito sa bawat katapat na bilang sa sagutang papel.9. namamahala a. umaapi 10. hinahangaan b. programa11. humahamak c. nababanaag12. baguhin d. tuntunin13. nababakas e. kaligayahan14. palatuntunan f. namumuno15. kasiyahan g. dinadakila

h. ibahin

Bilang ng mga salita: 271

Mga Kaibigan sa Ibang Bansa

Marami na ba kayong kaibigan? Sinubukan na ba ninyong makipagkaibigan sa mga taga ibang bansa? Marami kayong maaaring maging kaibigang taga-ibang bansa tulad ng Tsina, Hapon, Thailand, Vietnam, India at Amerika.

Hindi sila mga Pilipino ngunit sila man ay mabubuti ring tulad ninyo. Ang ilan sa kanila ay naninirahan sa ating kalapit bansa. Tulad ng Pilipinas, nasa Asya rin ang bansang Tsina, Hapon, Thailand, Vietnam at India. Kaya’t ang mga bansa sa kontinente ng Asya ay magkakalapit na bansa.

Ang Intsik ay sa Tsina nagmula. Sa Hapon naman tubo ang Hapones. Tinatawag namang Thai ang tubong Thailand. Vietnamese naman ang taga-Vietnam. Isang Hindu o Indian naman ang nagmumula sa India. Sa Amerika naman tubo ang Amerikano.

Nakakatulad din ninyo sila sa maraming paraan. Mahilig silang maglaro. Nagsasalita sila at tumatawag tulad ninyo. Magiliwin din silang mag-alaga ng mga hayop. Ang mga batang babae ay magustuhin sa manika. Nagbabahay-bahayan din sila. Ang mga batang lalaki naman ay mahilig sa mga masisiglang laro. Sila man ay naghahabulan at naglalaro ng bola.

Mahilig silang makinig sa mga kuwento tungkol sa mga ibang bata, sa mga hayop at iba pang mga nakapagtatakang bagay sa kanilang paligid. Dapat ninyong makilala ang inyong mga kaibigan sa ibang bansa. Dapat kayong magbasa ng mga aklat tungkol sa kanilang bansa upang higit ninyo silang makilala.

Maaari rin namang sumulat kayo sa kanila at maging magkaibigan kayo sa panulat.

Sa inyong pook, maaaring may batang Intsik.

Maaari rin namang may batang Hapones o di kaya’y isang batang Amerikano.

Gusto ba ninyong maging kaibigan ang mga batang ito?

Makikita ninyo at sila ay magiging mabuting kaibigan.

A. Piliin ang titik ng tamang sagot upang magkaroon ng ganap na kaisipan ang pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel.1. Ang inyong mga kaibigan sa ibang bansa ay ______.

a) tulad ninyo sa maraming paraanb) di-tulad ninyo sa maraming paraanc) di maaaring makatulad ninyo sa anumang paraan

2. Ang inyong mga kalapit bansa ay ang mga bansa sa ______.a) Asya b) Amerika c) Europa

3. Ang Pilipinas ay kabilang sa ______.a) Amerika b) Europa c) Asya

4. Ang mga tao sa Thailand ay tinatawag na ______.a) Tahilandiya b) Thailandes c) Thai

5. Kung ikaw ay taga-India, tatawagin kang isang _______.

a) Hindi b) Indio c) Indiana6. Ang mga Amerikano ay gumagamit ng salitang ______.

a) Pilipino b) Ingles c) Amerika7. Upang higit na makilala ang mga kaibigan ninyo sa malayo, dapat kang _______.

a) Magbasa tungkol sa kanilang bansa.b) Magsalita ng kanilang wika.c) Sumulat sa kanilang pamamaraan.

8. Maaari ninyo silang maging kaibigan sa pamamagitan ng _______.a) aklat b) radyo c) panulat

B. Piliin ang salitang katugma ng naunang salita. Isulat ang buong salita sa sagutang papel.Halimbawa: totoo (ginoo, tali, bili) - ginoo

9. bansa (kanila, basa, salita)10.mahiligin (makinig, magustuhin, kaibigan)11.kaibigan (karera, aklat, bahay-bahayan)

C. Tingnan nang mabuti ang mga salita sa kaliwa. Ang mga ito ay mga salitang may panlapi. Hanapin ang salitang-ugat at isulat ito sa sagutang papel.Halimbawa: sinubok – subok

nagturo – turo 12.mag-alaga13.tumakbo14.naglalaro15.sumulat

Bilang ng mga salita: 134

Kasipagan

Ang pagkakaiba ay langit at lupaNitong mga dukha’t mga mariwasa;Masipag ang una, maya-maya’y pabayaAnupa’t kaiba hilig nila kapwa.

Nagtiis sa hirap, bao’y kasipagan,Dukha’y nakaimpok at nakapag-aralMaya-maya’y naglustay ng salaping yamanNagdahop, naratay, tuloy sa libingan.

Ang anumang bagay na hindi sininopWala ring kakamting biyaya ng Diyos;Kaya nga’t ang taong walang naisuksokMasipag man siya’y walang nadarampot.

Magandang larawa’y langgam na maliit,Sa tiyaga’t sipag walang ipapalit;Pagkat yaong bukas talos nila’t batidAy tulad ng ngayon – di dapat mawaglit.

Ang likas na sipag sa tao ay dangal,Hagdan sa pag-unlad nitong bansang mahal;Lalo’t may sigasig at sikap na taglayAnumang hangari’y tiyak ang tagumpay.

Kasipaga’y yama’t sandata ng buhaySa dusa at gutom ito’y pananggalang,Kapag ito’y taglay ay pakaaasahangBiyaya’y kakamtin sa kinabukasan.

A. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang mayama’t mahirap ay inihahambing sa katayuan ng ______.a) bata’t matanda b) langit at lupa c) binata’t dalaga

2. Ang mahirap ay nakapag-impok at nakapag-aral sa pamamagitan ng kanyang ______.a) kasipagan b) kadukhaan c) kagandahan

3. Ang langgam ay kilalang-kilala sa ______.a) tiyaga’t sipag b) sakit kumagat c) liit at tapang

4. Upang lalong magtagumpay, dapat pang dagdagan ang kasipagan ng _____.a) lakas at kapangyarihan b) sikap at sigasig c) tuwa’t pagmamahal

5. Sinasabi na ang kasipagan ay sandata laban sa ______.a) mga kaaway b) dusa at gutom c) mga sakit

6. Mahirap o mayaman ay kailangang _____.a) magtapon ng salapi c) mag-impok ng salapi

b) magpahiram ng salapi7. “Ang anumang bagay na hindi sininop, wala ring kakamting biyaya ng Diyos.”

Nangangahulugan ito ng ____.a) Ang walang pagod mag-ipon, walang hinayang magtapon.b) Ang taong pabaya ay di magtatamo ng pala.c) Bawat kapangitan ay may kagandahan.

8. “’Pag may isinuksok, may madarampot.” Piliin sa ibaba ang salawikaing may katulad na diwa.a) Ang walang pagod mag-ipon, walang hinayang magtapon.b) Sa maliit na dampa nanggagaling ang dakila.c) Kapag ang tao’y matipid, maraming maililigpit.

B. Sa ating tula, may makikita kang mga salitang magkasalungat ang kahulugan. Hanapin mo ang kasalungat ng sumusunod na salita mula rito. Isulat ang buong salita sa sagutang papel.9. langit10.dukha11.nag-impok

Piliin mo sa loob ng panaklong ang kasingkahulugan ng unang salita. Isulat ang buong salita sa sagutang papel.12.mariwasa – (maganda, mayaman, masarap)13.dukha – (salanta, maliit, mahirap)

Piliin mo naman sa loob ng panaklong ang katambal ng unang salita ayon sa pagkakagamit sa tula. Isulat muli ang buong salita sa sagutang papel.14.tiyaga – (biyaya, sipag, hirap)15.dusa – (gutom tagumpay, yaman)

Bilang ng mga salita: 363

Buhay sa Kabundukan

Ang mga Mangyan ay isang maliit na pangkat ng ating kababayan na namumuhay nang malayo sa kabihasnan. Naninirahan sila sa bulubunduking lupain. Payapa silang namumuhay roon ayon sa kanilang kalagayan. Ang kanilang gawi ay halos katulad ng gawi ng karaniwang mamamayang Pilipino mula sa pagkabata hanggang sa lumaki, tumanda at mamatay.

Nakahihigit lamang ang kabataang Mangyan sa karaniwang kasibulang lalaki sa tigas ng kanyang paninindigan sa pagsasakatuparan ng nais niyang gawin. Kapag nagbalak siyang gumawa ng isang bagay, hindi siya tumitigil sa pagpupupnyagi hangga’t hindi iyon naisasagawa ayon sa kanyang kagustuhan.

Ayon sa isang ulat na nalathala, ang sumusunod ay ilan sa mga ugaling naiiba sa karaniwang ugaling Pilipino. Halimbawa’y sa panliligaw, isa-isa lamang kung lumigaw ang binatang Mangyan. Subalit kung dumating ang pagkakataon na may napusuan siyang dalawang babae na magkapatas sa katangian at hindi niya mapagpasiyahan kung sino sa kanila ang kanyang itinatangi, sabay niya itong sinusuyo at hinahandugan ng pagmamahal. Ginagawa niya ito hanggang sa makapagpasiya kung sino talaga sa dalawang nilalangit ang nararapat itangi at ipamahay.

Simple lamang ang seremonya sa kasal ng magsing-irog na Mangyan. Pagkatapos nilang matamo ang pagsang-ayon ng mga magulang, ang unang gabi ng pagtulog nila nang magkasama ay sapat na upang ituring silang mag-asawa at kasal na.

Tungkol naman sa pagkakasakit, kapag nakahawa ng sakit ang isang Mangyan sa kapwa niya, pilit niyang ipinababawi ang sakit na iyon sa taong nakahawa. Bukod dito, ang mga taong-bundok na ito ay may malaking paniniwala sa kapangyarihan ng ispiritu. Ito ang madalas na maging sanhi ng matagal na paggaling ng may sakit. Naniniwala sila na kapag hindi wasto ang ginawang paraan ng paghahandog o paghahain para sa ispiritu, hindi gagaling ang may sakit. Ang bisa ng paniniwalang ito ay nagkakaroon ng epekto sa katawan ng may karamdaman.

Sa kabilang dako, habang malakas pa ang katawan, sinisikap ng sinumang Mangyan na magkaroon ng maraming kaibigan. Naniniwala siya na ang mga kaibigang ito’y makatatagpo niyang muli sa kabilang buhay kaya kailangan siyang makisamang mabuti sa mga ito.

Bagama’t simple ang paraan ng pamumuhay ng mga Mangyan, bawat kilos nila’y may kahulugan sa kanilang buhay. Ito ang dahilan kung bakit maligaya silang nabubuhay kahit malayo sa kabihasnan.

A. Isulat sa sagutang papel ang hinihingi ng bawat katanungan.1. Piliin at isulat ang titik ng pahayag na nagsasaad kung anong bahagi ng buhay ang

inilalarawan sa kuwento.a) Kulturang Mangyanb) Pakikipagsapalaran ng isang Mangyanc) Pagpapaunlad ng kabuhayan ng Mangyan

2. Isulat kung totoo o hindi ang sinabi rito:Ang Mangyan ay mamamayang Pilipino.

3. Ang ugaling higit na naglalarawan sa kabtaang Mangyan ay _____.a) Paninindigan b) Pagkamagalang c) Pagkamasunurin

4. Alin ang salitang higit na naglalarawan ng pamumuhay sa kabundukan?a) mapanganib b) masalimuot c) simple

5. Piliin at isulat ang titik ng paniniwala na nagiging sanhi ng matagal na paggaling ng maysakit.a) albularyo b) ispiritu c) mangkukulam

6. Alin sa mga paniniwala ng Mangyan ang kaugnay ng ugali nila sa mabuting pakikipagkaibigan? Paniniwala sa pagkikita ng magkaibigan sa _____.a) kabilang buhay b) huling sandali ng buhay c) tabi ng hukay

7. Sa anong bahagi ng buhay halos nagkakatulad ang karaniwang mamamayang Pilipino at ang isang Mangyan?a) sa pananamitb) sa paglaki, pagtanda at pagkamatayc) sa pagkain, paggawa at pag-uugali

8. Alin sa mga ugali nila ang naiiba sa ugali ng karaniwang Pilipino?a) paggalang at pakikipagkaibiganb) paghahanapbuhay at pakikipagpamilyac) pagkakasal at paggamot sa maysakit

B. Piliin mula sa kahon at isulat ang salitang higit na nagpapaliwanag sa kahulugan ng nasalungguhitang salita.

9. Karaniwan, ang mga taong naninirahan sa kabundukan ay nabubuhay sa makalumang sibilisasyon.

10.Tulung-tulong sila sa pagsasakatuparan ng kanilang binabalak na proyekto.11.Kahanga-hanga ang kabataan sa ipinapakita nilang pagpupunyagi upang umunlad ang

sariling kakayahan.12.Matibay ang kalooban niya sa paninindigang binibitawan.13.Sumapit na ang pagkakataon upang siya naman ang maghahanapbuhay para sa kanilang

pamilya.14.Naniniwala ako sa kapangyarihan ng taumbayan.15.Sinusuyo niya ang mga dalaga sa pamamagitan ng paghahain ng tapat na serbisyo.

kabihasnan paghahandoglakas

kalinangan pagsisikappasya

Bilang ng mga salita: 483

Sulyap ng Kahapon

Bagong dating noon sa Pilipinas ang mga misyonerong paring Kastila. Ang kanilang pakay ay palaganapin ang Kristiyanismo. Suliranin nila noon ang paraan ng paghahatid at pagtuturo ng mga kabatirang kaugnay ng Kristiyanismo kaya ang ginawa nila, sila ay naglakbay, namasyal at nagmasid.

Madaling-araw pa lamang ay isang pangkat ng mga misyonerong pari ang namasyal. Madilim-dilim pa’y naraanan na nila ang mga ama ng tahanan na magkakaumpok at nagbabalitaan sa paligid ng isang siga. Isa sa mga kaumpok ang narinig nilang umawit:

“Pagka umagang pagkagising, lahat ay iisipin; kung saan may patanim, may masarap na pagkain”

Malawak ang mga lupain sa Pilipinas kaya’t ang pangunahing gawain noon ng mga Pilipino ay pagtatanim. Sa pagpapatuloy ng mga pari sa kanilang pamamasyal, may natanaw silang isang dalaginding na nag-uugoy ng duyan habang ito’y naghehele:

“Meme na ang bunsoIna mo ay malayoNagpunta sa HuloIto ay nabalaho”

Nalugod at nasiyahan sa pakikinig ang mga pari. Pagkatapos, nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay. Kinabukasan, nakarating sila sa may baybay-ilog. Doon ay may naraanan silang mga batang naglalaro. Walang anu-ano ay nagkantiyawan ang mga bata at ito ang kanilang narinig:185

“Ale, aleng namamayongPasubukin yaring sanggol,Pagdating sa Malabon,Ipagpalit ng bagoong.”

“Maganda ang manikang kapalit ko ngunit ikaw ay umaaalingasaw na bagoong kaya daig kita,” ang patulog na panunukso ng unang kinantiyawan. Napangiti ang mga pari sa kanilang pakikinig at pagmamasid, bagama’t hindi nila maunawaan ang kahulugan ng awit. Minsan, naman ay may naraanan sila na isang tinderang sa wari ay ayaw pagbilhan ang isang mamimili, at ito ang narinig nilang inawit ng mamimili:

“Santo Niño sa Pandacan,Puto seko sa tindahan;Kung ayaw mong magpautang,Uubusin ka ng langgam”

Nagkatinginan ang mga pari at buong kasiyahan silang nagpatuloy sa paglalakbay. Sa kanilang paglalakad, isang babae namang mahilig magbihis at mamasyal ang minsang narinig ng mga pari na pinagparinggan ng mga kapitbahay:

“Sitsiritsit, alibangbang,Salaginto’t salagubangAng babae sa lansangan,Kung gumiri parang tandang.”

Patuloy na nagmasid ang mga pari at isang araw, inabot sila ng takipsilim sa pag-uwi. May

naraanan silang mga nananapatang mga lalaki at ito ang kanilang inaawit:

“Dungawin mo hirang ang nanambitan, kahit sulyap mo man lamang, iyong idampulay…”

Sa loob ng ilang saglit ay isang marilag na babae ang dumungaw. Batay sa kanilang namasid ay nakabuo ng konklusyon ang mga misyonerong pari. Sa lahat ng mga gawain ng mga mamamayan ay malinaw na nakalarawan ang kulturang Pilipino. Ang panitikan at kayamanang Pilipino na ipinahihiwatig sa mga tagpo ng buhay sa lahat ng dako na nilakbay ng mga paring nagmasid ay maliwanag na nakintal sa kanilang gunita. Ang pagkakahilig ng mga Pilipino sa pagtutugma at pag-awit ng mga pahayag ay siyang kinasangkapan ng mga paring ito upang mapagtagumpayan nila ang kanilang layuning mapalaganap ang Kristiyanismo sa bansang Pilipinas. Nagpalimbag sila ng mga dasalan, nobena at pasyon na hanggang ngayon ay makikita pa ring ginagamit at binabasa ng mga Kristiyanong Pilipino.

A. Batay sa iyong nabasa, piliin at isulat ang titik ng wastong sagot.1. Ang layunin ng mga paring Kastila sa pagtungo sa Pilipinas ay ____.

a) akitin ang mga Pilipino upang magparib) palaganapin ang Kristiyanismoc) turuan ng wikang Kastila ang mga Pilipino

2. Ano ang unang hakbang na ginawa ng mga misyonerong pari sa paglutas ng kanilang suliranin?a) paglalakbay at pagmamasidb) pagpapatayo ng paaralan at simbahanc) pagpaplimbag ng aklat-dasalan

3. Anong anyo ng ating panitikan ang natuklasan ng mga pari nang hindi sinasadya?a) bugtong b) awiting-bayan c) nobena

4. Anong katangian ng mga Pilipino ang kinasangkapan ng mga misyonerong pari sa pagtuturo ng Kristiyanismo?a) kawilihan sa paglalarob) katapatan at kagitinganc) kawilihan sa pagtutugma at pag-awit

5. Sino ang mahiligin sa awiting bayan?a) ang matatanda b) ang mga bata c) bata’t matanda

6. Alin sa mga awit ang higit na naglalarawan sa damdamin ng Pilipino?a) Harana b) Sitsiritsit c) Sto. Niño sa Pandacan

7. Alin sa mga salita ang higit na naglalarawan sa mga misyonerong pari?a) mabalasik b) matalino c) maawain

8. Alin sa mga aklat na sumusunod ang higit na umakit sa mga Pilipino?a) kartilya b) diksyunaryo c) nobena

B. Hanapin sa gawing kanang hanay ng mga salita ang kasalungat ng nasa kaliwang hanay. Isulat ang titik nito sa inyong sagutang papel.9. palaganapin a. kalutasan10.suliranin b. pinuri11.madaling-araw c. nabigo12.nagunita d. humahalimuyak13.kinantiyawan e. sugpuin14.umaalingasaw f. nalimot15.napagtagumpayan g. takipsilim

h. naglakbay

Bilang ng mga salita: 282

PaskoIpinagdiriwang ng sandaigdigan ang pasko. Sa araw na ito ipinagsasaya ng lahat ang

kaarawan ng Dakilang Lumikha. Ang lahat ay nagsasaya, maralita man o mayaman.

Iba’t ibang paraan ang pagdiriwang ng Pasko. Sa Amerika, naniniwala ang mga bata na may Santa Claus na naglilibot kung hatinggabi ng pasko. Nagsasabit ng medyas ang mga bata sa tapat ng kanilang kama. Kung mabait ang batang nagsasabit ng medyas, naniniwala siyang pupunuin iyon ni Santa Claus ng mga aginaldo.

Bakya ang isinasabit ng mga bata sa Pransiya. Naniniwala sila na matandang lalaking payat ang naglilibot sa gabi ng Pasko. Pamalo ang isinusuksok niyon sa bakya, para sa mga batang salbahe.

Labindalawang araw namang pagsasaya ang ginagawa ng mga taga-Inglatera. Sinisimulan iyon mula araw ng Pasko hanggang sa araw ng Pista ng Tatlong Hari. Sa araw ng Pasko, nananapat ang mga bata sa bahay-bahay.

Tatlong linggong kainan at pagsasaya ang ginagawa sa Iskandinabya (Scandinavia). Bago simulan ang pagdiriwang, nilinis na mabuti ang bahay. Sinisimulan ang pagdiriwang kung Noche Buena. Ang karaniwang palamuti roon ay Christmas Tree. Sa kapaskuhan, binibigyan ang lahat ng alagang hayop ng masasarap na pagkain.

Sa Mehiko, nagkakatuwaan ang mga bata sa paglalaro ng “Piñata”. Isang payasong punung-puno ng pamasko ang nakasabit. Pinipiringan ang batang papalo sa payaso. Kapag pinalo at tinamaan ang payaso, sasabog ang laman niyon. Kung ano ang makuha ng bawat bata, kanya na iyon.

Sinisimulan sa siyam na simbang-gabi ang Pasko sa Pilipinas. Hindi sa gabi ginaganap ang pagmimisa kundi sa madaling-araw. Sama-samang nagsisimba ang mag-anak pagsapit ng Pasko. Kadalasan, may litson. Pagkakain ang mga bata’y namamasko sa kani-kanilang mga ninang at ninong. Ang ninang at ninong ang pangalawang magulang ng bata.

Masaya ang Pasko. Lahat ay maligaya lalo na kung naipadarama sa kapwa ang dalisay na pagmamahal.

A. Basahin ang mga katanungan. Hanapin ang mga sagot sa kahon sa dakong ibaba. Isulat sa sagutang papel ang titik lamang.1. Sa larong ito pinapalo ng batang nakapiring ang payasong nakasabit.2. Naglalagay siya ng aginaldo sa medyas ng batang mabait.3. Ito ay pinagdiriwang nga sandaigdigan.4. Naniniwala ang mga tao roon na pamalo ang inilalagay sa bakya para sa batang salbahe.5. Sinisimulan doon ang pagdiriwang ng Pasko sa noche buena at natatapos kung pista ng

tatlong hari.6. Kung pasko, doon binibigyan ng masasarap na pagkain ang alagang hayop.7. Sila ang pangalawang magulang ng batang inaanak.

8. Ginagawa iyon sa Pilipinas ng siyam na madaling-araw bago sumapit ang Pasko.

a. Santa Claus e. Pasko sa Pransyab. Simbang-gabi f. Pasko sa

Iskandinabyac. Ninong at Ninang g. Paskod. Panata h. Pasko sa Inglatera

B. Piliin sa loob ng panaklong ang salitang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat sa sagutang papel ang titik.9. Ipinagdiriwang ang Pasko tuwing ika-25 ng Disyembre.

a. ipinagsasaya b. hinahanap c. ipinagsisimba10.Nagsasaya ang mga tao sa sandaigdigan.

a. sansinukob b. sandigan c. sambayanan11.Madaling-araw kung ako’y magsimba.

a. gabi b. umagang-umaga c. hapon12.Diyos ang Maylikha sa atin.

a. May luha b. May kilala c. May gawa13.Pinagsasaluhan ng mag-anak ang masaganang pagkain.

a. kaunting b. natirang c. maraming14.May payaso silang laruan.

a. tau-tauhan b. palaso c. pamaso15.Dalisay ang pagmamahal ng magulang.

a. maapoy b. malinis c. maamo

Bilang ng mga salita: 287

Magsisi Ma’t Huli

Nagulantang ang mga natutulog nang ang katahimikan ng gabi ay basagin ng … “Sunog! Sunog!” sigaw na naririnig. Mabilis na naglabasan ang mga tao. “Naku! Bahay pala ni Mang Bestro ang nasusunog,” sabi ni Aling Nieves. Sindak na sindak ang mga tao. Hindi nila malaman kung ano ang gagawin.

Nagsidating ang mga bumbero at pinagsikapan nilang patayin ang apoy. Dumating ang mga pulis upang pangalagaan ang mga tao sa kapahamakan at bantayan ang mga ari-arian laban sa mga mangungulimbat na sa halip tumulong ay nagnanakaw pa ng mga kasangkapan ng mga nasunugan.

Hindi naman gaanong lumaganap ang apoy. Dalawang bahay lamang ang natupok ng apoy.

“Saan daw nagsimula ang sunog?” tanong ni Mang Rufo.

May nagsabi na nagmula raw sa plantsa, may nagsasabing sa kuryente, sa kalan at iba pa. Subalit natuklasan ng mga nagsiyasat na nagmula ang sunog sa kulambong nagliyab nang ito’y malapit sa baga ng katol.

“Malimit na ganyan ang nangyayari,” sabi ni Aling Nieves. “Sa munting kapabayaan, malaki ang kapinsalaan.” Napakalupit ang apoy kaya’t kailangan ang lubhang pag-iingat. Kailangan ng tao ang tatag at kahinahunan ng loob sa sandali ng panganib. Malaki ang magagawang pinsala kung mawawalan ng tatag at linaw ng isip.

Maiiwasan ang sunog kung susunod sa mga alituntunin. Hindi dapat mag-iimbak ng mga bagay na madaling magningas. Ang posporo, langis, gaas, alkohol, pintura at iba pang madaling magliyab ay isilid sa mga lalagyang may takip at ilagay sa malayo sa apoy. Patayin ang apoy sa kalan, siga at plantsa bago iwan. Mapanganib din ang paggamit ng katol kaya’t kailangang patayin ito bago matulog.

“Kailangang mag-ingat tayo upang hindi maulit ang nangyayaring ito. Magsisi ma’t huli, wala nang mangyayari. Hindi na maibabalik ang pinsalang naganap,” sabi ng mga tao.

Mga Tanong sa Pag-Unawa/Talasalitaan:A. Ilagay sa puwang ang nawawalang salita upang maging wasto ang pangungusap.

Piliin ang sagot sa talaan sa ibaba. Isulat ang titik nito sa sagutang papel.1. Nagkakagulo ang mga tao dahil nagkakaroon ng ______.2. Nasunog ang bahay ni ______.3. ______ ang mga tao at hindi malaman ang gagawin.4. Pinatay ng mga ______ ang apoy.5. May dumating ding mga pulis upang bantayan ang mga ari-arian laban sa ______.6. Nagsimula ang sunog nang mapalapit ang kulambo sa baga ng ______.7. ______ ang paggamit ng katol.8. Napakalupit ng apoy kaya’t kailangan ang ______.

B. Hanapin sa loob ng panaklong ang kasingkahulugan ng unang salita. Isulat ang titik nito sa sagutang papel.9. hagulgulan a. takbuhan b. bulungan c. iyakan

10.nagmula a. nanggaling b. nagpunta c. nag-alis

11.sindak a. masigla b. takot c. malungkot

12.mangungulimbat a. manunulungan b. maninira c. magnanakaw

13.pinsala a. tulong b. sira c. bigay

14.mag-imbak a. magtabi b. magtapon c. gumamit

15.natuklasan a. nawala b. nabili c. nabatid

a. sunog e. mapanganibb. bumbero f. nangungulimbatc. pag-iingat g. Mang Bestred. katol h. sindak na sindak

Bilang ng mga salita: 312

Paglalakbay sa Kalawakan

Masayang nagkukuwentuhan ang mga batang iskawt sa ilalim ng punong mangga. Malayu-layo pa rin ang pook na pagdarausan ng jamboree kaya’t sila’y namamahinga. Bigla silang napatindig nang may narinig na ugong mula sa himpapawid.

“Eroplano!” sigaw ni Renato. “Tingnan ninyo! Ang bilis ng lipad!”

“Bakit kaya nakalilipad ang eroplano?” tanong naman ni Alberto.

Lumapit ang mga bata sa kanilang scout master na si G. Gonzales.

“Bakit po nakalilipad ang eroplano?” muling tanong ni Alberto. “Anu-ano po ang mga bahagi nito?”80

“Kailangan ng eroplano ang pakpak, makina at elise upang makalipad,” paliwanag ni G. Gonzales. “Pakpak ang nagpapalipad sa eroplano. May iisang set lamang ang pakpak at mayroon ding dalawa. May makina rin ito. Higit na ligtas maglakbay kung maraming makina ang eroplano.”

“Kailan po umiikot ang elise?” tanong naman ni Roberto.

“Umiikot ang elise kung umaandar ang makina,” paliwanag ng guro. “Ang timon at buntot ang nagpapanatili ng timbang ng eroplano. May mga instrumento rin sa loob ng eroplano. Napakahalaga ng mga ito. Tachometer ang nagsasabi kung gaano ang bilis ng makina samantalang ang air speed indicator ang nagbibigay ng bilis ng eroplano sa pamamagitan ng hangin. Ang kompas na bato balani ang nagsasabi ng direksyon. Nasasabi kung gaano kataas ang eroplano sa pamamagitan ng altimeter. Nakakausap ng piloto ang mga tao sa ibaba sa pamamagitan ng radyo. Mahalaga ito sapagkat kung may panganib, makahihingi siya ng saklolo.”

“Ano po ang tawag sa eroplanong nagdaan?” tanong naman ni Orlando. “Yaon ay jet,” sagot ng guro. “Mabilis na eroplano ang jet. Ang makina nito ay kumukuha ng hangin sa kalawakan. Ang PAL, isang kompanya ng eroplanong narito sa Pilipinas, ay mayroon ding jet. Naglalakbay ito hindi lamang dito kundi gayon din sa ibang bansa.”

“Aba, tayo na!” sabi ni Alberto. “Umalis na pala ang ating mga kasamahan. Nawili kasi tayo sa kuwentuhan, e.” Nagpatuloy na sila sa paglakad na nasisiyahan.

Mga Tanong sa Pag-Unawa/Talasalitaan:

A. Piliin ang salita o pariralang tatapos sa pangungusap. Isulat ang titik nito sa sagutang papel.1. Ang mga batang iskawt ay magdaraos ng ______.

a. Jamboree b. Paligsahan c. Pista2. Napagod sila kaya’t nagpahinga sa ilalim ng punong ______.

a. bayabas b. santol c. mangga

3. Napatindig at napasigaw si Renato nang may dumaraang ______.a. tren b. eroplano c. bapor

4. Mabilis na eroplano ang ______.a. jet b. helikopter c. ampibyan (amphibian)

5. Higit na ligtas maglakbay sa himpapawid kung ang eroplano’y maraming ______.a. elise b. makina c. timon

6. Pinanatili ng timon at buntot ang timbang ng ______.a. eroplano b. bapor d. pakpak

7. Nakakausap ng piloto ang mga tao sa ibaba sa pamamagitan ng ______.a. radyo b. kompas c. tachometer

8. Ang scoutmaster ng mga bata ay si ______.a. G. Reyes b. G. Gonzales c. G. Cruz

B. Piliin sa loob ng panaklong ang salitang may kaugnayan sa unang salita. Isulat ang titik nito sa sagutang papel.9. himpapawid a. dagat b. lupa c. kalawakan

10.elise a. umiikot b. sumusulong c. bumababa

11.timbang a. tagilid b. tuwid c. pababa

12.kompas a. taas b. layo c. direksyon

13.tangke a. gasolina b. timon c. pakpak

14.jet a. mahaba b. mabilis c.mabagal

15.pangwakas a. pang-una b. panggitna c. panghuli

Bilang ng mga salita: 357

Ang Kawanihan ng Panahon

Nasisiyahang umuwi mula sa isang pulong na pambayan si Ginoong Bautista. Mahalagang kaalaman ang nakuha niya sa mga tagapagsalita. Iba’t ibang paksa ang tinalakay ng mga ito. Napagtuunan ng kanyang isipan ang may kinalaman sa kawanihan ng panahon. Maaaring pag-usapan nila ito sa pagpupulong ng mga taga-nayon. Si Ginoong Bautista ay isang puno ng barangay.

Nalaman niya na itinatag ang kawanihan ng panahon noong taong 1865 sa pamamahala ni Fr. Colina. Tinawag itong Manila Observatory. Noong una’y hindi ito binigyan ng pansin. Nang may bagyong dumaan na malapit sa Maynila, nagkaroon ng pagpapahalaga ang mga mamamayan sa gawain nito. May nagbigay ng donasyon upang mapalakad ito nang maayos. Noong taong 1884, ang observatory ay pinalitan ng pangalan at ito’y tinaguriang Kawanihan ng Panahon.

Maraming istasyon ang kawanihan sa iba’t ibang lalawigan. Ang mga ito ang nagmamasid sa lagay ng panahon sa lahat ng oras. Agad ipinadala ang impormasyong nakukuha sa Forecasting Center ng kawanihan ng panahon. Mula sa Amerika at iba pang bansa, tumatanggap din ng ulat ang istasyon sa Clark Field at Sangley Point.

Tungkulin ng kawanihan ang magbigay ng ulat upang mabawasan ang kapinsalaang maaaring idulot ng bagyo. Nagbibigay rin ito ng babala sa mga naglalakbay upang maiwasan ang kapahamakan. Pinalalabas ang ulat sa signal ng bagyo sa pamamagitan ng pahayagan, radyo at telebisyon. Dahil dito, nalalaman ng mga mamamayan ang kalakasan ng bagyo, ang mga pook na daraanan ng bag.

Tungkulin ng kawanihan ang magbigay ng ulat upang mabawasan ang kapinsalaang maaaring idulot ng bagyo. Nagbibigay rin ito ng babala sa mga naglalakbay upang maiwasan ang kapahamakan. Pinalalabas ang ulat sa signal ng bagyo sa pamamagitan ng pahayagan, radyo at telebisyon. Dahil dito, nalalaman ng mga mamamayan ang kalakasan ng bagyo, ang mga pook na daraanan ng bagyo at ang kinakailangang pag-iingat.

Mapanganib ang bagyo. Libu-libong ari-arian ang napipinsala, maraming paaralan at bahay ang nawawasak at nasisira ang mga pananim. Nagiging sanhi rin ng pagbaha ang patuloy na pagbagyo. Marami ang namamatay sa baha.

Bilang mabuting mamamayan, dapat natin pahalagahan ang malaking tulong ng kawanihan ng panahon. Batay sa inuulat nitong kalagayan ng panahon, nakapaghahanda nang sapat ang mga mamamayan.

Mga Tanong sa Pag-Unawa/Talasalitaan:

A. Piliin ang salita o pariralang tatapat sa pangungusap. Isulat lamang ang titik nito sa sagutang papel.1. Si Ginoong Bautista ay isang puno ng ______.

a. bayan b. barangay c. lalawigan2. Itinatag ang Kawanihan ng Panahon sa pamamahala ni _____.

a. Fr. Faura b. Fr. Colina c. Fr. Reyes3. Ang unang pangalan ng Kawanihan ng Panahon ay _____.

a. Manila Observatory b. Philippine Observatory c. Quezon Observatory4. Tungkulin ng kawanihan ang mag-ulat ng kalagayan ng panahon upang mabawasan ang

pinsalang maaaring idulot ng ______.a. peste b. sakit c. bagyo

5. Ang mga naglalakbay ay binibigyan ng kawanihan ng ______.a. biyaya b. babala c. tulong

6. Pinalalabas sa pamamagitan ng pahayagan, radyo at telebisyon ang signal ng ______.a. baha b. bagyo c. hangin

7. Mapanganib at nakapipinsala ang bagyo lalo na sa ______.a. sentro nito b. daraanan nito c. malayo rito

8. Dapat pahalagahan ang malaking tulong ng ______ sapagkat sa pag-uulat nito, nakapaghahanda ang mga tao kung may bagyo.a. Kawanihan ng Pangingisdab. Kawanihan ng Panahonc. Kawanihan ng Kalusugan

B. Ang mga nauunang salita ay nabasa ninyo sa kuwento. Piliin sa loob ng panaklong ang mga salitang maaaring kasingkahulugan ng nauuna. Isulat ang titik nito sa sagutang papel.9. pinsala a. kasiraan b. kapisanan c. katulungan

10. nasiyahan a. nalungkot b. natuwa c. nalito

11. tungkulin a. gawain b. pagkain c. libangan

12. istasyon a. paaralan b. pagawaanc. himpilan

13.kapahamakan a. kapalaran b. sakuna c. kayamanan

14.pinalitan a. hinalinhan b. pinagsama c. pinag-iba

15.mapanganib a. nakakatakot b. nakakatulong c. nakakalunas

Bilang ng mga salita: 240

Kahalagahan ng Tubig

Lahat ng bagay na may buhay ay nangangailangan ng tubig. Tulad ng hangin, napakahalaga ang tubig sa buhay ng tao. Ayon sa pagsusuri, maaaring mabuhay ang tao nang matagal na walang pagkain subalit pito o sampung araw lamang ang maaaring itagal niya kung walang tubig.

Malaking bahagi ng ating katawan, lalo na ng dugo, ang may tubig. Ang tubig sa dugo ang nagdadala ng pagkain sa lahat ng bahagi ng katawan.

Mahalaga ang tubig sa lahat ng oras. Kailangan ito sa pag-inom, sa paliligo, sa paghahanda ng pagkain at sa paglilinis ng damit, tahanan at mga lansangan. Hindi maaaring mabuhay ang hayop at halaman kung walang tubig. Maging sa agham at industriya, kailangan din ang tubig. Halos lahat ng pagawaan sa pook na tuluy-tuloy ang daloy ng tubig. Kailangang-kailangan ng magsasaka ang tubig para sa pagpapalaki ng palay. Tubig din ang kailangan sa pag-inom ng gamot.

Maraming mapagkukunan ng tubig. Maaaring sa sapa, sa ilog, sa dagat at sa lupa. Kung umuulan, sinisipsip ng lupa ang tubig. Nagtatayo tayo ng poso at gripo upang pagkunan ng tubig.

Ang Metropolitan Waterworks Sewerage ang nagbibigay ng tubig sa lungsod ng Maynila at karatig pook. Ito ang nagbibigay ng malaking kita sa pamahalaan. Bago paabutin ang tubig sa mga tahanan, ito’y ginagawang dalisay sa Balara upang maiwasan ang sakit. Sinasala ito, inaalis ang latak at nilalagyan ng gamot. Kailangan magtipid sa tubig upang hindi ito magkulang sa ating mahalagang pangangailangan.

Mga Tanong sa Pag-Unawa/Talasalitaan:

A. Piliin ang salita o pariralang angkop upang maging wasto ang pangungusap. Isulat ang titik sa sagutang papel.1. Malaking bahagi ng ating katawan ay ______.

a. dugo b. tubig c. asin2. Ang tagapagdala ng pagkain sa lahat ng bahagi ng katawan ay ______.

a. tubig sa dugo b. bituka c. makina3. Ayon sa pagsusuri, maaaring mabuhay ang tao nang matagal ng walang pagkain subalit

kung walang tubig ay maaaring tumagal ng _______.a. lima o anim na araw b. pito o sampung araw c. walo o sampung araw

4. Gumagamit ng tubig ang lahat halos ng ______.a. lansangan b. paaralan c. pagawaan

5. Nangangailangan ng tubig ang magbubukid para sa ______.a. pagpapalaki ng palay b. paggapas ng palay c. pagbibilad ng palay

6. Ang lungsod ng Maynila at karatig nito ay kumukuha ng tubig sa ______.a. NSDB b. MWSS c. NEPA

7. Ginagawang dalisay ang tubig sa ______.a. Balara b. Pagsanjan c. Maynila

8. Malaki ang kita ng MWSS at ito’y karagdagan sa salapi ng ______.a. pagamutan b. pamahalaan c. pribadong kompanya

B. Bawat salita ay may ugat. Hanapin ang salitang-ugat ng mga salitang nasa talaan. Isulat ito sa sagutang papel.9. napakahalaga 12. paggawa 15. lalagyan

10.itatagal 13. nagbibigay

11.paghahanda 14. iwasan

Bilang ng mga salita: 470

Konduktora

Ayaw ni Liza ang magkonduktora. Kahit pa anong pamimilit ng kanyang ina’y wala siyang magagawa. Talagang hindi niya matatanggap na maging konduktora. Ano na lamang ang sasabihin ng kanyang mga kaibigan kapag nalaman nilang isa siyang konduktora ng bus.

Hangad ni Liza ang makatapos ng pag-aaral. Nais niyang makarating sa kolehiyo, at kumuha ng kursong pagsesekretarya. Maliit pa siya’y yaon na ang pangarap. Isip-isipin na nga lamang, na siya si Liza Montes, ay nagtatrabaho sa isang malaking kompanya sa Makati bilang sekretarya balang-araw. Magara ang damit na suot, sunod sa bagong moda at yari sa mamahaling tela. Mataas ang takong ng kanyang sapatos na binili pa sa isang kilalang tindahan ng mga mamahaling sapatos sa Cubao. Sakbat sa balikat ang isang mamahalin ding bag na sa tingin lamang ay alam mo na agad kung anong uri iyon.

Naputol ang pangarap ni Liza nang marinig ang malakas na tinig ng ina… “Liza, ano ka ba? Sunog na ‘yong sinaing mo, ah! Eto’t hanggang dito sa banyo ay naaamoy ko na.”

Matutupad na sana ang pangarap ni Liza kung hindi namatay ang kanyang ama. Galing noon sa pabrikang pinapasukan ang kanyang ama nang mabundol ito ng isang dyip sa may Plaza Sta. Cruz. Wala nang hininga nang ihatid ito sa ospital. Mula noo’y tumanggap na ng labada ang kanyang ina upang itaguyod silang magkakapatid. Maghapong kumakayod sa paglalaba ang kanyang ina. Halos wala na itong pahinga.

Mula sa bintana ay tinanaw ni Liza ang lima niyang kapatid na naglalaro sa bakuran. Anim silang lahat at siya ang panganay. Wala silang pinagkukunan konti ang kaunting kita ng kanyang ina sa paglalabada. Batid niya ang katotohanang iyon subalit pilit niyang ipinipikit ang kanyang mga mata sa kahirapang dinaranas. Ito ang dahilan kung bakit inalok siyang magkonduktora ng kanyang Tiyo Nestor kaninang umaga. Dispatser ito sa isang malaking kompanya ng bus na nagyayaot dito sa Maynila at karatig pook. Nangangailangan daw ng konduktora ang nasabing kompanya at siya nga, si Liza, ay maaaring matanggap dito.

Bago umupo sa paglalabada ang kanyang ina ay muli siyang hinimok na pumayag na siya sa alok ng kanyang tiyo. Datapwa’t hindi sinagot ni Liza ang ina. Nagtatalo ang kanyang isip. Paano ang kanyang magagandang pangarap.? Paano niya mabibili ang magagandang sapatos? Ang magagandang damit? Paano siya makapasok sa Makati?

Muling nagulat siya sa sigaw ng kanyang ina.

“Sinabi ko na sa iyong wala akong pera! Wala! Wala! Hindi ka ba titigil ng pag-iiyak diyan! Um…”

Alam na niya ang kasunod niyon. Lalong lumakas ang pag-iyak ng kanyang kapatid. Humihingi pala ito ng baon at pambili ng kuwaderno, ngunit walang maibigay ang kanyang ina.

Tinanaw ni Liza ang kanyang mga kapatid na nagsisipaglaro. Tinanaw niya ang kanyang inang halos kuba na sa paglalaba. Dali-dali siyang nagbihis. Pupuntahan niya ang kanyang Tiyo Nestor. Sasabihin niya na tulungan siyang maging isang konduktora.

Mga Tanong sa Pag-Unawa/Talasalitaan:

A. Tapusin ang bawat pangungusap. Piliin ang karugtong na parirala at isulat ang titik nito sa sagutang papel.1. Pangarap din ni Liza ang ______.

a. makapagsuot ng magagarang damit at sapatosb. makalibot sa Makatic. makatulong sa ina sa paglalabada

2. Naputol ang pangarap ni Liza sa may bintana dahil sa ______.a. iyak ng kanyang kapatid c. sa tawag ng kanyang Tiyo Nestorb. sigaw ng kanyang ina

3. Namatay ang kanyang ama sa isang sakuna dahil ______.a. nabundol ng dyip b. nasagasaan ng bus c. nahulog sa hagdan

4. Naging hadlang sa katuparan ng pangarap ni Liza ang _______.a. kanilang kahirapan b. marami niyang kapatid c. pagkamatay ng kanyang ama

5. Tinanggap din ni Liza ang pagkokonduktora dahil sa ______.a. mga pangarap b. ina at mga kapatid c. Tiyo Nestor

6. Marahil naisip din ni Liza na ang pagiging konduktora ay ______.a. isang mahirap na gawain c. marangal na hanapbuhayb. mababang uri

7. Ipinakikita sa kuwento ang dangal ng ______.a. isang uri ng hanapbuhay b. ng isang tao c. ng isang magulang

8. Ang naging pasya ni Liza ay _______.a. maipagkakapuri b. nakakainis c. nakapanghihinayang

B. Tapusin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagbuo ng salitang kulang ang titik. Isulat ang nabuong salita sa inyong sagutang papel.9. Hindi matanggap ni Liza na maging isang k_____________a.

10.Ang pangarap ni Liza ay maging isang s______________a sa Makati.

11.Kapag ang isang tao ay wala ng hininga, siya ay p_________y na.

12.Si Liza ay u________a na sa ama.

13.Tumatanggap ng labahan ang ina ni Liza. Siya ay isang l____________a.

14.Si Liza ay n__________t sa sigaw ng kanyang ina.

15.Ang t_________o ni Liza ay kapatid ng kanyang ina.

16.Lumipad na lahat ang magagandang p____________p ni Liza.

17.Lumakas ang p__________k ng kapatid nang hindi ito bigyan baon ng kanyang ina.

18.Anim silang magkakapatid at si Liza ang p____________y.

Bilang ng mga salita: 157

Langis at Gasolina

Dahil namihasang lagi nang bulagsak, Ni hindi naisip ibubungang ganap,Sa buhay ng tao pagsapit ng bukas,Mga pagdarahop, mga pagsasalat.

Iyang gasolina, isang halimbawa,Isip ng marami lagi nang sagana,Bawat gumagamit ay naging pabaya,Tahasang aksaya ang siyang ginawa.

Sumapit ang araw, walang anu-ano,Nang biglang tumaas, itinakdang presyo,Humigpit ang daloy sa tangke at tubo,Ng alinmang langis at produkto nito.

Ang mga sasakyan, pati na pabrika,Buhay ng alinmang gulong o makina,Dulot nitong langis saka gasolina,Sa buhay ng tao, dugo ang kapara.

Kung saka-sakali’t tuluyang matuyo,Mga balon ng langis siyang buhay at dugo,Nitong industriyang pili magugupo,Mundong kaunlaran sadyang mahihinto.

Ang lahat ng gawi tungo sa aksaya,Nitong langis at gas saka gasolina,Pilit na ituwid sa tuwi-tuwina,Nang kusang lumawig ang mithing ginhawa.

Gawing patakaran ugaling magtitipid,Maging matalino sa ating paggamit,Ng alinmang bagay na galing sa langis,At nang magpatuloy kaunlarang nais.

Mga Tanong sa Pag-Unawa/Talasalitaan:

A. Piliin ang wastong sagot sa bawat tanong. Isulat ang titik sa sagutang papel.

1. Sa anong uri ng pamumuhay nasanay ang mga tao?a. bulagsak b. matipid c. masinop

2. Paano tayo gumamit ng gasolina ayon sa tula?a. matipid b. pabaya c. masinop

3. Saan ihahambing ang kahalagahan ng gasolina sa mga sasakyan o makina?a. sa dugo ng tao b. sa langis at mga produkto c. sa alinmang gulong

4. Ano ang maaaring mangyari kung sakaling patuloy ang mga tao sa bulagsak na paggagamit ng gasolina at langis?a. magugupo ang industriya b. uunlad ang bansa c. magiging sagana ang buhay

5. Ano ang ipinapayo sa atin ng tula?a. mamasyal palagi b. huwag gagasta c. magtipid sa langis at gasolina

6. Alin sa mga sumusunod ang susi ng kaisipan sa huling saknong?a. Magkaroon ng patakaran sa buhay.b. Tipirin ang lahat ng bagay.c. Kailangang magtipid ang bawat mamamayan.

7. Ano ang pangunahing diwa ng buong tula?a. Kailangang magtipid ang bawat mamamayan.b. Magdudulot ng ginhawa’t kaunlaran ang pagtitipid sa gasolina at langis.c. Bulagsak ang mga tao sa paggamit ng gasolina.

B. Piliin ang wastong kahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat ang titik nito.8. Namihasa siyang gumising nang maaga.

a. Nasanay b. Nahirapan c. Naibigan

9. Nabubuhay ang mga pulubi sa pagdarahop.

a. pagdiriwang b. pagpapalimos c. paghihirap

10.Bulagsak siya sa paggasta.

a. Matipid b. Masinop c. Walang-ingat

11.Maganda ang patakaran niya sa buhay.

a. gawain b. panuntunan c. pangako

12.Kapag pabaya ka sa iyong kalusugan, magugupo ng sakit ang iyong katawan.

a. itataas b. mapauunlad c. maibabagsak

13.Nagtratrabaho si Itay sa pabrika ng tela.

a. pagawaan b. tindahan c. palengke

14.Patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

a. kalagayan b. halaga c. pagdami

15.Paunti nang paunti ang daloy ng tubig sa mga natutuyong ilog.

a. agos b. alon c. dami

Bilang ng mga salita: 322

Kasaysayan ng Aklatan

Malimit tayong nagtutungo sa aklatan, datapwat alam ba ninyo kung saan nagmula ito? Ang salitang aklatan ay hango sa salitang-ugat na aklat. Samantalang ang aklatan ay isang pook na may maraming aklat, iba’t ibang uri ng mga aklat.

Nagsimula ang pagkakaroon ng aklatan libu-libong taon na ang nakalipas. Noon ang aklatan ay isang pook na pinagtataguan ng mga dokumento, mapa at iba pang mahahalagang papeles. Sa Ehipto at Mesopotamia unang nagkaroon ng aklatan. Ang mga aklat ng panahong yao’y di katulad ng mga aklat na ginagamit natin ngayon. Sulat-kamay lamang ang mga aklat noon. Isa pa’y hindi ito sa papel nakasulat kundi sa mga tabletang luwad. Alam ba ninyo kung ano ang luwad? Ito ay isang uri ng lupang ginagawang mga palayok at paso. Hinuhubog nila itong parang mga lapidang maninipis at dito nila isinatitik ang mga bagay-bagay na nais nilang maitala at maitabi. Sumusulat din sila sa papyrus, ito’y kanilang binibilo at isinisilid sa isang lalagyang animo’y bumbong. Ang mga papyrus at tabletang luwad na kanilang nasulatan ay maingat na itinatabi sa mga templo at palasyo.

Unang nagkaroon ng mga aklatang-bayan sa matandang bayan ng Gresya, may mga 2000 taon na ngayon ang nakakaraan. Sa mga nasabing aklatan, halos mga iskolar lamang ang maaaring makapasok sa dahilang sila lamang ang marunong bumasa sa mga panahong iyon. Ang mga karaniwang mamamayang hindi nagkaroon ng pagkakataong magsipag-aral ay hindi pinahihintulutang makapasok sa mga aklatang bayan ng Gresya.

Nang sumapit ang gitnang panahon ng ating kasaysayan, ang mga aklat na sulat-kamay at yaong may mga pahinang malulutong na papel ay itinuring na napakahalaga. Dahil sa kahalagahang nabanggit, ang mga aklat na yao’y ikinadena sa mga istante upang matiyak na hindi mawawala.

Patuloy ang pag-unlad ng mga aklatan sa paglipas ng mga siglo. Mula sa maliliit na katipunan ng mga aklat, ito’y lumago at lumaki hanggang sa maging mga aklatang-bayan. Naging bukas ito sa kaninuman, sa bawat taong mahilig magbasa at manaliksik. Halos sa mga lungsod, lalawigan at bayan ay mayroong mga aklatang-bayang bukod pa sa sariling aklatan ng bawat paaralan. May sariling aklatan din ang malalaking tanggapan at kompanya.

Sa kasalukuyan, malaki na ang iniunlad ng mga aklatan. Makabago na ang mga kagamitan at karamiha’y air-conditioned pa kung kaya’t kawili-wiling magbasa at mag-aral doon.

Mga Tanong sa Pag-Unawa/Talasalitaan:A. Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang salitang-ugat ng aklatan?2. Noong unang panahon, anu-anong mga bagay ang itinatago sa aklatan?3. Saan unang nagkaroon ng aklatan?4. Anong mga materyal ang ginagamit na sulatan noong una?5. Bakit mga iskolar lamang ang nakakapasok sa mga aklatang bayan noong araw?6. Bakit ikinakadena ang mga aklat sa istante?7. Tungkol saan ang sanaysay na inyong binasa?8. Ano ang mahalagang impormasyon na natutunan mo sa babasahing ito?

B. Sagutin ang mga sumusunod kung tama o mali. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.9. Ang luwad ay isang uri ng lupa.10. Isang uri ng sinaunang papel ang papyrus.11. Kapag sinabi na isang siglo, ito ay isang libong taon.12. Isang uri ng gamot ang tabletang tinutukoy sa babasahing ito.13. Palaaral ang mga iskolar.14. Ang lapida ay kinatititikan ng pangalan ng mga namatay.15. Magkasingkahulugan ang isinatitik at isinulat.16. Pook-dalanginan ang templo.