Upload
mark-santos
View
349
Download
19
Embed Size (px)
Citation preview
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
DAMDAMIN, PANANAW AT KAALAMAN NG MGA MAG-AARAL
SA DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
HINGGIL SA PAGTAAS NG
PRESYO NGASUKAL
nina:
Rowel M. Mojeca
Rubely G. Olaguir
ng
I-5
MARSO 2011
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Kabanata I, Resyonale 1
Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 4
Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 7
1, Disenyo ng Pananaliksik 7
2. Mga Respondente 7
3. Mga Kasangkapang Pampananaliksik 9
4. Paglalapat ng mga Datos 9
Kabanata IV, Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos 10
Kabanata V, Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 16
1. Lagom 16
2. Kongklusyon 16
3. Rekomendasyon 17
Talaan ng mga Talahanayan at Grap
Appendix
A. Talatanungan
B. Sanggunian
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
TALAAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP
A. Talahanayan 1: Distribusyon ng mga Respondente sa Unang Taon
B. Grap 1: Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian
C. Grap 2 : Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Gulang
D. Grap 3 : Pansariling Pananaw ng mga Respondente sa Kanilang Kaalaman Hinggil sa Pagtaas ng Halaga ng Asukal
E. Grap 4 : Pinagmulan ng Kaalaman ng mga Respondente Hinggil sa Pagtaas ng Halaga ng Asukal
F. Grap 5 : Iba’t Ibang Paraan na Kinahihiligan sa Paggamit ng Asukal ng mga Respondente
G. Grap 6 : Kahalagahan ng Paggamit ng Asukal ng mga Respondente
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
I RASYONALE
Ang asukal ay tumutukoy sa sucrose, tinatawag din na
saccharose,isang disaccharide na may puting mala-krystal na solido. Ito ang
pinakakaraniwang ginagamit na asukal upang palitan ang lasa at katangian ng mga
inumin at pagkain. Kinukuha sa tubo o sugar beet ang mga asukal na binibenta sa mga
pamilihan.
Maraming produkto ang gumagamit ng asukal bilang pangunahing sangkap kaya’t
apektado ang halaga ng mga ito tulad na nga ng tinapay na noon pa rin patuloy na
nagiging mahal at halos hindi na makayanang mabili ng marami sa ating mga
kababayan.Labis na ang itinaas ng halaga ng asukal, tinapay at gatas, habang ang halaga
naman ng mga produktong petrolyo ay bumababa nang kaunti paminsan-minsan ngunit
higit na madalas naman ang price increase nito sa higit na malaking halaga .
Nakalulula ang napaulat na umabot na umano sa animnapung piso (P60) per kilo
ng refined sugar at ang “raw or brown sugar” naman ay limampu’t dalawang piso (P52)
bawat kilo. Nagdesisyon ang pamahalaan na umangkat ng isang daan at limampung
libong (150,000) metriko tonelada ng asukal sa pamamagitan ng National Food
Authority (NFA). (Pilipino Star Ngayon, Enero 26, 2011).
Hindi naman naaiiba ang sitwasyong ito sa bigas o sa langis ,sinasamantala ng
mga lokal na producer at distributor ng produkto ang mataas na halaga sa pandaigdigang
merkado," ani Carlito Badion, pangalawang pangulo ng Kadamay. "Maiiwasan ito kung
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
ginagamit ang ating mga lupain at likas-yaman unang-una para sa ating mga
pangunahingpangangailangan, at masusing pinag-aralan ng pamahalaan ang produksyon,
pagsusubi, at distribution ng mga ito, upang matiyak na laging may sapat na suplay at
abot-kaya ng taumbayan."(Pebrero 1, 2011).
Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng kaalaman hinggil sa pagtaas ng
halaga ng asukal at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag- aaral sa Dr. Filemon Celestino
Aguilar Memorial College of Las Piñas hinggil sa pagtaas ng presyo ng asukal?
2. Paano ito nakaaapekto sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?
3. Sino ang mga nahihirapan o nakikinabang sa suliraning ito?
4. Ano ang maaaring epekto o dulot ng pagtaas ng halaga ng asukal sa mga
mamimili?
5. Ano ang damdamin at pananaw ng mga namamahala at namumuhunan ng mga
produktong may kaugnayan sa asukal?
6. Mga sanhi kung bakit tumataas ang halaga ng asukal?
7. Nangangahulugan ba ito ng pangangailangan sa repormang pang-agraryo at
planadong ekonomiya?
Naniniwala ang mga mananaliksik na napakahalaga ng pag-aaral na ito. Maaari
itong maging batayang kaalaman para sa mga mamamayan o bawat indibidwal hinggil
sa mga pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran sa lokal man o global na aspeto.
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
Mahalaga ang mga kaalamang nakasaad dito sapagkat malaki ang maitutulong nito,
hindi lamang sa mga kasalukuyang mag-aaral ng DFCAM at higit rin sa mga mambabasa
na maaaring naghahanap ng karagdagang kaalaman tungkol sa pagtaas ng halaga ng
asukal .
Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaari ring malaman ang mga kakulangan
sa kaalaman ng mga mamamayan na dapat pang paunlarin higit na sa mga
mamumuhunan ng mga produktong may kaugnayan sa asukal.
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, inaasahang ang bawat isa ay magkakaroon ng
higit na matatag na pundasyon at kaalaman upang mapaghandaan ang mga suliraning
maaari nating kaharapin.
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
II. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Maraming mga nailathalang mga pananaliksik hinggil sa pagtaas ng asukal.
Malaki ang ginampanan ng nga Amerikanong mananakop sa pagpapalago ng industriya
ng asukal sa pamamagitan ng Payne-Aldrich Act (1909). Noong 1909, nagbigay ng
pahintulot ang Payne-Aldrich Tariff Act upang maging malaya ang palitan ng kalakal
ng Estados Unidos at ng Pilipinas. Walang bayad na taripa ang mga produktong
nanggagaling sa Pilipinas ngunit may takdang kota; samantalang ang mga kalakal mula
sa Estados Unidos ay makapapasok sa Pilipinas nang walang taripa at kota.
Ayon kay Henry Atuelanz ng Radyo Patrol Balita (Pebrero,2011), na matamis na
sangkap ang asukal na mula sa nilutong katas ng tubo at iba pang halamang may
tamis . Isa itong sangkap na ginagamit upang lagyan ng tamis ang maraming uri ng
pagkain at inumin.Kabilang naman sa naiulat na may dalawang libong (2000) ektaryang
tubuhan sa Nasugbu , Batangas ang nasayang sanhi ng pagtanggi ng mga asenderong
Roxas, Palico at Carmen sa mga tubo na mula sa mga magbubukid.
Ang Philippine Sugar Millers Association Incorporated (PSMA) ay organisasyon
ng mga nagsusuplay ng asukal noong bungad ng siglo isang libo’t siyamnaraan (1900).
Ang PSMA ay isang non-stock, non-profit na organisasyon ng mga millers ng asukal
upang maitaguyod ang pagpapaunlad ng industriya ng asukal sa pamamagitan ng
karagdagang kahusayan, pagiging produktibo, at sustainability sa isang maunlad na
kapaligiran. Ang PSMA gayon din ay kumikilos para sa pagsulong at proteksiyon ng
industriya ng asukal . Kasalukuyang binubuo ito ng labing-anim (16) na mills na
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
nakabubuo ng pitumpu’t walong bahagdan (78%) ng kabuuan sa produksyon ng
asukal .Pumapaloob dito ang pagkakaroon ng karampatang patakaran na tumutugon sa
pagpapa-unlad sa industriya ng asukal.
Nagsanib ang Kagawaran ng Agrikultura at Confederation of Sugar Producers
(CONFED) sa pamamagitan ng kasunduan upang mapanatili ang halaga ng asukal sa
apatnapu hanggang limampung piso (P40-P50) bawat kilo ngunit noong
nakaraangbuwan ng Disyembre 2010, patuloy pa rin ang pagtaas ng halaga ng asukal
sa Metro Manila. Sa pinakahuling ulat ng Bureau of Agricultural Statistics ng
Kagawaran ng Agrikultura , pumapalo na sa animnapung piso (P60) ang halaga ng bawat
kilo sa ilang pamilihan sa Metro Manila partikular sa Farmer’s Market sa Cubao at
Lungsod ng Quezon . May ilang pamilihan pa naman ang nagtitinda ng limampu
hanggang limampu’t dalawang piso (P50-52) sa bawat kilo ng asukal.
Ayon naman sa pahayagan ng Abante (Enero 17, 2011) , may posibilidad na
magtitinda rin ng asukal ang National Food Authority (NFA) sa harap ng patuloy na
pagtaas ng halaga ng asukal sa pamilihan .
Ipinahayag ni Administrator Rafael Coscolluela ng Sugar Regulatory
Administration (SRA) na kinakausap na nito ang PSMA upang mag-angkat ng asukal sa
NFA upang itinda sa subsidized price na apatnapu’t limang piso (P45) bawat kilo.
Idinagdag pa ni Coscolluela na posibleng sa susunod na lingo ay magsisimula na mag-
angkat ang millers ng asukal sa NFA sa Metro Manila lang at hindi sa ibang lugar .
Nilinaw ng pamunuan na higit na mataas ang demand ng asukal sa Metro Manila kung
kaya’t sa NFA na ito umaasa.
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
Binalak umano ng NFA na itinda ang asukal sa mga “Tindahan Natin” outlets at
rolling stores kung saan itinitinda ang mga NFA rice. Kung sakaling makita na mataas
din ang demand ng asukal sa ibang lugar sa bansa , makikiusap ang SRA sa mga millers
na mag–angkat pa ng asukal sa NFA upang itinda sa iba pang mga lugar sa bansa.
Paliwanag ni Coscolluela, na tumaas ang halaga ng asukal sanhi ng patuloy na pagtaas ng
halaga nito sa world market na sinabayan pa ng mga espekulasyon.
Nakatakdang mag-angkat ang pamahalaan ng asukal mula sa ibang bansa upang
madagdagan ang buffer stock ng asukal. Sa kasalukuyan, pumalo na sa limampung piso
(P50) bawat kilo ang halaga ng asukal sa ilang pamilihan sa bansa mula sa nakaraang
halaga nitong apatnapu’t lima hanggang apatnapu’t walong piso (P45-P48) bawat kilo.
Kaugnay nito, tinututukan din ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang
halaga ng asukal .
Iginiit ni Liza Maza, kinatawan ng Gabriela Partylist na sa halip na mag-angkat
ng asukal, na dapat panagutin ang mga responsable sa pagmamanipula sa halaga ng
asukal. Nanawagan siya ng isang kagyat at indipendiyenteng imbestigasyon para rito.
“Kahit nga ang mga manggagawa sa mga pabrika ng asukal, hindi na kayang bilhin ang
asukal dahil nakapako ang kanilang mga sahod sa gitna ng pagtaas ng halaga ng mga
pangunahing bilihin,” aniya.
Samantala, inihayag naman ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay),
samahan ng mga maralitang-lungsod, na isang tanda ng pangangailangan sa tunay na
reporma sa lupa at planadong ekonomiya ang suliranin sa pagtaas ng halaga ng asukal.
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
III. DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
1. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang
paglalarawang-pagsusuri na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na
ito ang damdamin, pananaw, at kaalaman sa pagtaas ng halaga ng asukal ng mga
respondente.
2. Mga Respondente
Ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa unang
taon ng Dr.Filemon C. Aguilar Memorial College sa ikalawang hating taon ng taong-
akademiko 2010-2011.
Sa kasalukuyan, may isang (1) pangkat ng mga mag-aaral sa nasabing
kolehiyo:sampung (10) grupo ang nasa unang taon dahil sa kalakihang bilang ng mga
mag-aaral ay hindi na isinama ang ikalabing-isang pangkat ng unang taon. Samakatuwid,
kumuha ang mananaliksik ng tigsasampung respondente bawat pangkat sa pamamagitan
ng random sampling sa unang taon upang magkaroon ng pantay na representasyon ang
bawat pangkat. Sa kabuuan, may tigsasampung respondente ang unang taon hindi kasama
ang ikalabing-isang pangkat. Pansinin ang talahanayan:
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
Talahanayan 1Distribusyon ng mga Respondente sa Unang Taon
Pangkat Kabuuang Bilang(1) 10(2) 10(3) 10(4) 10(5) 10(6) 10(7) 10(8) 10(9) 10(10) 10
Kabuuang Dami 100
Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondente sa unang taon ng ikalawang
hating taon sapagkat sila ang may pinakamaraming bilang na makatutugon sa mga
pangangailangan sa saliksik-papel na ito upang magkaroon ng pantay na paglalarawan sa
bawat pangkat. Sakasalukuyan, ay may higit kumulang na limandaang (500) bilng ng
mga mag-aaral sa DFCAM sa unang taon .
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
3. Mga Kasangkapang Pampananaliksik
Agn pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng survey. Ang mga
mananaliksik ay naghanda ng isang talatanungan naglalayong makapangalap ng mga
datos ang mga mananaliksik upang masuri ang damdamin, pananaw at kaalaman hinggil
sa pagtaas ng halaga ng asukal ng mga respondente.
Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga kaalaman ang mga mananaliksik sa iba’t
ibang mga hanguan sa aklatan katulad ng mga aklat, pahayagan, magazine, at
encyclopedia. Kumuha rin ang mananaliksik ng ilang kaalaman sa internet o world wide
web.
4. Paglalapat ng mga Datos
Ang saliksik-papel na ito ay panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang
pangangailangan sa pagtatamo ng isang degree tulad ng thesis at desertation, walang
ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan
ng matatas at complex statistical na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili
sa pagpipilian ng bawat item ng tanong ang inalam ng mga mananaliksik. Pagta-tally at
pagkuha ng bahagdan lamang ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik dahil
isandaan (100) ang bilang ng mga respondente, samakatuwid, naging madali para sa
mga mananaliksik ang pagkuha ng bahagdan dahil sa bawat bilang ay may katumbas na
bahagdan na ito.
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
IV.PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na mga datos at kaalaman:
Grap 1
Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian
A71%
B29%
A. Respondenteng Babae B. Respondenteng Lalaki
Inalam ang distribution ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian. Pitumpu’t
isang bahagdan (71%) sa kanila ay mga babae, samantalang dalawampu’t siyam na
bahagdan (29%) naman ay mga lalaki.
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
Grap 2
15 16 17 18-19 pataas0%
10%
20%
30%
40%
50%
60%
70%
1%
14%
64%
19%
2%
Distribusyon ng nga Respondente Ayon sa Gulang
Mga Mag-aaral sa DFCAM sa Unang Taon
Animnapu’t limang bahagdan (64%) sa mga respondente ay nasa gulang na
labimpito (17), labinsiyam na bahagdan (19%) ay may gulang na labingwalo
hanggang labinsiyam (18-19), labing-apat na bahagdan (14%) ay may gulang na
labing-anim (16) ,isang bahagdan (1%) ay may gulang na labinlima (15) at ang
natitirang dalawang bahagdan (2%) naman ay may gulang na dalawampu (20) pataas.
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
Grap 3
E. Wang Pakialam
D. Wala Silang Kaalaman
C. Alam na alam
B. Kaunting Kaalaman
A. Katamtamang Kaalaman
0% 5% 10% 15% 20% 25% 30% 35% 40% 45% 50%
2%
10%
13%
25%
50%
Pansariling Pananaw ng mga Respondente sa Kanilang Kaalaman Hinggil sa Pagtaas
ng Halaga ng Asukal
Sa isandaan (100) na respondente , limampung bahagdan (50%) ang nagsabing
sila ay may katamtamang kaalaman hinggil sa pagtaas ng halaga ng asukal batay sa
kanilang pansariling pananaw . Dalawampu’t limang bahagdan (25%) sa kanila ang
nagsabing sila ay may kaunting kaalaman hinggil sa pagtaas ng halaga ng asukal.
Labintatlong bahagdan (13%) sa mga respondente ang nagsabing alam na alam nila
ang mga kaalaman hinggil sa pagtaas ng halaga ng asukal, samantalang sampung
bahagdan (10%) sa mga respondente ang nagsabing wala silang kaalaman hinggil sa
pagtaas ng halaga ng asukal. Ang natitirang dalawang bahagdan (2%) naman ay
walang pakialam hinggil dito.
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
Grap 4
Pahayagan
Radyo
Telebisyon
Usap-usapan
Paaralan
Leaflets/Flyers
Internet
0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70% 80% 90% 100%
10%
11%
96%
6%
2%
2%
3%
Pinagmulan ng Kaalaman ng mga Re-spondente Hinggil sa Pagtaas ng Halaga
ng Asukal
Ang grap na ito ay nagsasaad kung saan nila narinig o natutuhan ang kaalaman
ukol sa pagtaas ng halaga ng asukal , siyamnapu’t anim na bahagdan (96%) ang
nagsabing nagmula sa telebisyon, labing-isang bahagdan (11%) na respondente ang
nagsabing nagmula sa radyo, sampung bahagdan (10%) sa pahayagan , anim na
bahagdan (6%) sa usap-asapan, tatlong bahagdan (3%) sa internet, dalawang
bahagdan (2%) sa paaralan at dalawang bahagdan (2%) din sa leaflets/ flyers
nagmula ang kanilang kaalaman hinggil dito.
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
Grap 5
51%55%
16%
9%
0%
10%
20%
30%
40%
50%
60%
Mahilig satinapay o keyk
Mahilig satsokolate/kendi
Mahilig sakape
Mahilig sapalamig
Iba't ibang Paraan na Kinahihiligan sa paggamit ng Asukal ng mga Respondente
Ang grap na ito ay nagsasaad ng iba’t ibang paraan na kinahihiligan sa
paggamit ng asukal ng mga respondente. Limampu’t-isang bahagdan (51%) ang
nagsabi na ginagamit nila ang asukal sa paggawa ng tinapay at keyk, labing anim na
bahagdan (16%) sa pagtitimpla ng kape, limampu’t limang bahagdan (55%) sa
paggawa ng tsokolate at kendi at siyam na bahagdan (9%) naman para sa paggawa
ng palamigan.
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
Grap 6
Kahalagahan ng Paggamit ng Asukal ng mga Respondente
Oo80%
Hindi20%
Sa grap na ito, isinasaad ang kahalagahan ng paggamit ng asukal na kung
saan ay may walumpung bahagdan (80%) ang nagsabi na malaki ang naitutulong ng
asukal para sa kanila at dalawampung bahagdan (20%) naman ang nagsabing hindi
mahalaga ang asukal para sa kanilang pang-unawa.
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
V. LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
1. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang damdamin, pananaw
at kaalaman ng mga mag-aaral sa Dr.Filemon C. Aguilar Memorial College hinggil sa
pagtaas ng halaga ng asukal.
Gamit ang disenyong paglalarawang-pagsusuri, ang mga mananaliksik ay
nagdisenyo ng survey-questionnaire na pinasagutan sa isandaang (100) respondente,
mula sa sampung (10) pangkat sa unang taon upang sagutan ang talatanungan na
ibinigay ng mananaliksik.
2. Kongklusyon
Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa
mga sumusunod na kongkusyon:
a. Natuklasan sa pag-aaral na malaki ang bahagdan ng mga babae ang
sumagot ng survey-questionnaire samantalang maliit naman ang
bahagdan ng mga lalaki.
b. Katamtaman lamang ang kaalaman ng mga mag-aaral ng Dr.Filemon
C.
Aguilar Memorial College hinggil sa pagtaas ng halaga ng asukal.
c. Nababahala ang karamihan sa mga respondente hinggil sa pagtaas ng
halaga ng asukal.
c. Sapat lamang ang ginagawa ng pamahalaan upang malabanan at
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
maibsan ang pagtaas ng halaga ng asukal sa bansa.
d. Telebisyon ang pinakakaraniwang hanguan ng kaalaman hinggil sa
pagtaas ng halaga ng asukal.
e. Malaki ang ginagampanan ng asukal sa paggawa ng tsokolate, tinapay
cake at candy.
3. Rekomendasyon
Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang
inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
a. Para sa pamahalaan, paigtingin pa na pababain ang halaga ng asukal
sa bansa upang magkaroon pa ng sapat na panggastos ang mga kapwa
nating Pilipino.
b. Para sa umaangkat ng asukal, humanap pa ng iba pang mapagkukunan
ng asukal upang mapababa pa ang halaga ng asukal sa bansa.
c. Para sa mga magsasaka, pag-ibayuhin pa o panatilihing may sapat na
kaalaman sa magtatanim at pagsusuplay ng asukal upang mabawasan ang
pag-aangkat nito sa ibang bansa.
d. Para sa mga mamimili, magkaroon pa ng sapat na pagtitipid sa asukal
para maiwasan ang pag-aangkat ng asukal sa ibang bansa at mapataas pa
ang suplay ng asukal.
e. Para sa iba pang mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-
aaral na ito tungo sa pagtuklas ng marami at higit pang relevant na
mga datos o kaalamang maaaring makatutulong sa pagpapalawak ng
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
kaalaman hinggil sa pagtaas ng halaga ng asukal.
APPENDIX A
TALATANUNGAN
Pangalan:_____________________
Kasarian:_______ Edad:_______
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Mahalaga ba sa iyo ang magkaroon ng kaalaman hinggil sa pagtaas ng halaga ng asukal? Oo Hindi
2. Saan mo madalas marinig o matutunan ang kaalaman mo tungkol dito?radyo telebisyon usap-usapan pahayagan internet flyers/leaflets aklat paaralan
3. Alin ka sa mga sumusunod?mahilig sa tinapay/keyk mahilig magkape mahilig sa tsokolate/kendi mahilig ng palamig
4. Gaano kahalaga sa iyo ang asukal?________________________________________________________________________________.
5. Bilang isang konsyumer, naaapektuhan ka ba sa pagtaas ng halaga ng asukal? Bakit?________________________________________________________________________________.
6. Sa inyong palagay, sapat ba ang ginagawang aksyon ng ating pamahalaan ukol sa isyung ito ? Patunayan.________________________________________________________________________________.
Maraming Salamat Po ^_^
DR. FILEMON C. AGUILAR MEMORIAL COLLEGE
Golden Gate Subdivision, Talon III, Las Piñas City
APPENDIX B
SANGGUNIAN
Aklat:
Encyclopedia Brittanica.Vol.XVII.pp.132-135
Pahayagan:
Abante, Enero 17, 2011
Pilipino Star Ngayon , Enero 26, 2011
Pilipino Star Ngayon, Pebrero 1,2011
Internet:
pinoyweekly.org/.../pagtaas-ng-presyo-ng-asukal-pinaiimbestigahan/
www.dzmm.com.ph/.../Presyo-ng-asukal-tumaas-na-naman.aspx
Radyo:
Bombo Radyo Philippines
DZMM Radyo Patrol 630