6
Ako po si Ruben A. Curbi Jr., 17 years old at pangalawa sa aming magkakapatid. Ako ay lumaki sa probinsya ng Abra. Bata pa lang ako ay nakilala ko na ang Panginoon. Madalas kasi kami ng ate ko isama ng lola ko sa isang church. Doon ko unang narinig ang pangalan ng Panginoon , unang nakarinig ng mga worship songs, umawit sa Panginoon at first time ko noon na manalangin at sumamba sa Pangalan Niya. Ngunit dahil musmos pa lang ako noon ay hindi ko talaga nauunawaan kung ano nga ba ang mga iyon. Makalipas ang ilang taon ay nagpakilala ulit sa akin ang Panginoon. May mga estudyante at pari na dumayo sa aming lugar upang nagturo ng katesismo. Yung time na yun ay nadagdagan ang kaalaman ko tungkol sa Panginoon dahil itinuro nila ang tungkol sa buhay ni Hesus. Tinuruan nila ang mga kabataan kung paano manalangin. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil hindi ko lang nasabi sa amin na mayroong Diyos kundi na dapat talaga siyang paniwalaan, sambahin, pasalamatan, humingi ng tawad at sumunod sa Kanya dahil Siya ang Diyos. Pagkagraduate ko ng elementary,pinag-isipan ng magulang ko kung san nila ako paaaralin. Dahil sa kahirapan ng aming buhay ay sa public school nila ako pinag-aral. Wala naman problema yun kasi konti lang ang bayarin. Ang inaalala lang ng papa ko ay baka maimpluwesyahan ako ng mga maling Gawain ng mga estudyante doon. Kaya

Ruben Curbi's Testimony

Embed Size (px)

DESCRIPTION

testimony

Citation preview

Page 1: Ruben Curbi's Testimony

Ako po si Ruben A. Curbi Jr., 17 years old at pangalawa sa aming magkakapatid. Ako ay lumaki sa probinsya ng Abra.

Bata pa lang ako ay nakilala ko na ang Panginoon. Madalas kasi kami ng ate ko isama ng lola ko sa isang church. Doon ko unang narinig ang pangalan ng Panginoon , unang nakarinig ng mga worship songs, umawit sa Panginoon at first time ko noon na manalangin at sumamba sa Pangalan Niya. Ngunit dahil musmos pa lang ako noon ay hindi ko talaga nauunawaan kung ano nga ba ang mga iyon.

Makalipas ang ilang taon ay nagpakilala ulit sa akin ang Panginoon. May mga estudyante at pari na dumayo sa aming lugar upang nagturo ng katesismo. Yung time na yun ay nadagdagan ang kaalaman ko tungkol sa Panginoon dahil itinuro nila ang tungkol sa buhay ni Hesus. Tinuruan nila ang mga kabataan kung paano manalangin.

Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil hindi ko lang nasabi sa amin na mayroong Diyos kundi na dapat talaga siyang paniwalaan, sambahin, pasalamatan, humingi ng tawad at sumunod sa Kanya dahil Siya ang Diyos.

Pagkagraduate ko ng elementary,pinag-isipan ng magulang ko kung san nila ako paaaralin. Dahil sa kahirapan ng aming buhay ay sa public school nila ako pinag-aral. Wala naman problema yun kasi konti lang ang bayarin. Ang inaalala lang ng papa ko ay baka maimpluwesyahan ako ng mga maling Gawain ng mga estudyante doon. Kaya inilipat ako agad agad ni papa sa private school sa aming probinsya sa Our Lady of Lourdes High school. Tricycle driver lang ang papa ko kaya nahirapan siyang pag-aralin ako doon. Pagtungtong ko ng 2nd year 3rd grading ay dumating sa punto na nawalan na ako ng gana sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay namin. Sinabi ko “bakit kasi pinag-aral pa nila ako dito hindi rin naman pala kaya!” yung time na yun ay nawala na ang tricycle na minamaneho ni papa kaya hindi na ako nakakapag-exam dahil hindi kami nakakabayad ng tuition fee at ako yung lagging naiiwan sa room pag recess kasi wala akong baon. Matagal na ganun ang sitwasyon kaya ako ay umaabsent ng madalas hanggang sa hindi na talaga ako nakapasok.

Nagalit ang papa ko sa akin at ako ay pinapunta niya sa auntie ko sa Bangued. Doon ay nagtrabaho ako. Hindi na rin lang daw ako nag-aral magtrabaho na lang. Lumuwas ako sa sobrang galit ko sa kanila at nagtrabaho ako doon.

Page 2: Ruben Curbi's Testimony

Makalipas ang ilang araw, tawag daw ng tawag sa papa ko ang adviser naming at pinababalik ako sa school naming dahil isa daw ako sa sasayaw sa pista. Wag ko na daw problemahin ang costume dahil sagot na daw ng adviser ko. Pinababalik ako ng adviser ko pero nahiya akong bumalik. Hanggang sa ang principal na namin na si sis. Cri sang tumawag sa akin at tinanong ako kung gusto ko pa makatapos ng high school. Pumunta kami ng papa ko sa school at doon sinabi sa akin na tapusin ko na daw ang school year dahil saying naman at matataas pa naman ang grades ko. Sagot na daw ng school ang tuition. At bago daw ako mag 3rd year ay ipapasok niya ako sa kumbento para magworking student. Kaya nakapagtuloy ako sa pag-aaral habang nagtatrabaho sa kumbento. Ang tawag nila sa akin ay convent boy at kami ang namamahala sa mga altar boy sa pagsesrve sa misa, araw-araw akong naglilinis sa simbahan ay kumbento kapalit ng pag-aaral ko. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil sa oportunidad na makapag-aral, makapagsilibi sa simbahan. Marami akong natutunan dito pero ang pinakamasaklap na natutunan ko ay ang bisyo. Pag-iinom ng alak na hindi ko inaasahan, na hanggang sa pagtatapos ko ng high school ay nadala ko. Pagkagraduate ko ay tapos na din ang responsibilidad ko sa kumbento.

Pagkagraduate ko ay inaaya ako ng bestfriend ko na magtrabaho sa baguio dahil alam niyang hindi pa ako makakapagcollege. May isa din nag-aalok sa akin trabaho sa paranaque. Hindi ko alam kung bakit mas pinili ko magtrabaho dito sa Paranaque kaysa sumama sa bestfriend ko. Kaya lumuwas ako sa Manila para magtrabaho, makapag-ipon at makatulong na din sa pamiulya ko kasi ako na lang ang inaasahan ng papa ko makatulong sa kanila dahil nag-asawa ng maaga ang ate ko.

Nagpapasalamat talaga ako sa Panginoon dahil sa kabutihan niya. Kaya pala niya ako binigyan ng oras para maging bata ay upang ngayon ay gugulan ko naman ng oras ang aking mga magulang na sila ay irespeto at sundin sa anumang bagay. Kaya pala pinaranas Niya sa akin na magtrabaho sa kumbento habang nag-aaral ay para matuto ng responsibilidad sa buhay. At kaya pala dito Niya ako dinala sa Paranaque hindi lang pala para magtrabaho kundi mas makilala ko pa si Hesus ng lubusan.

God is good po talaga dahil nakilala ko ang Panginonn sa pamamagitan ng Pabrua family. Sila auntie Ely, uncle Cesar, Kuya Noe,l Ate Mich, Kuya Pj at ate gene.

Page 3: Ruben Curbi's Testimony

Sila ang nakapag-akay sa akin na dumalo sa GCC. Noong una pinipilit lang nila ako kasi ayaw ko. Nakatatak kasi sa isip ko na “ibang relihiyon yan” Pero noong nagkaroon ng life group sa las pinas doon ko naiintindihan na it’s not about religion but about our relationship with God. Matinding experience yun sa akin dahil sa narinig ko ay may sumabog sa pagkatao ko na ang akala ko ay tama pero mali pala.

Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil ang dating Ben na masungit ngayon ay hindi na. Dating tamad ngayon ay hindi na, dating suwail ngayon masunurin na at dating malakas uminom ngayon ay hindi na.

Kaya po kung lagi nyo na akong nakikita dito sa GCC every Sunday at tumutugtog sa LG sa fellizar residence pag Thursday, ito ay hindi dahil napipilitan ako kundi dahil sumusunod ako sa kalooban ng Diyos. Dito ko po talaga nakilala ng husto ang Panginoon nagpapasalamat ako dahil ipinadadama niya sa akin na mahal niya ako para marealize ko na kaya ako nandito ngayon yun ay dahil may panawagan ang Panginoon sa buhay ko na dapat kong lakaran.

Sabi nga po sa Jeremiah 29:13 Kung hahnapin mo ako, ako’y iyong matatagpuan, kung buong puso ninyo akong hahanapin.

Ang verse na ito ay nagtatak sa aking isip na kailangan ko talagang hanapin at makilala ang Diyos dahil Siya ang kailangan ko, sa kanya ang buhay ko, Siya nag lumikha sa akin.

Ngayon magpapabautismo na ako dahil handa na ako. Dahil bilang anak ng Diyos ito ay tanda ng pagsunod ko sa Kanya. Hindi dahil sa pagplit ng relihiyon dahil wala naman talagang ibang relihiyon kundi Christianity, ang relasyon natin sa Panginoon. Magpapabautismo ako dahil ito ay ayon sa salita ng Diyos. Bilang Kristyano ay handa na akong ilubog ang aking lumang buhay at maranasang mabuhay muli sa bagong buhay kasama si Kristo.

Bilang GCC member, Magpapatuloy po ako sa pagtugtog sa aming life group at sa paglago sa salita ng Diyos.

To God be the Glory!

Page 4: Ruben Curbi's Testimony