124
Ito ang artikulo patungkol sa bayaning Pilipino. Para sa pelikula patungkol sa kanya, silipin ang Jose Rizal (pelikula) . Para sa ibang gamit ng Rizal, silipin ang Rizal (paglilinaw) . Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda [1] (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896 ) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mgapambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani. [2] Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila , at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila . Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid ,Espanya , at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg . Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli Me Tángere , at ang kasunod nitong El filibusterismo . [note 1] [3] Isa ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika. [note 2] [note 3] [4] [5] Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina , isang samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio , [note 4] , isang lihim na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo . Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, at susuportahan lamang ang karahasan bilang huling dulugan. [7] Naniniwala si Rizal na ang tanging katwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang

RIZAL.docx

Embed Size (px)

Citation preview

Ito ang artikulo patungkol sa bayaning Pilipino. Para sa pelikula patungkol sa kanya, silipin angJose Rizal (pelikula). Para sa ibang gamit ng Rizal, silipin angRizal (paglilinaw).

SiDr. Jos Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda[1](19 Hunyo 186130 Disyembre 1896) ay isang Pilipinongbayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mgapambansang bayani ng Pilipinasng Lupon ng mga Pambansang Bayani.[2]

Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan saCalamba, Lagunaat pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya saAteneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma saBatsilyer ng Siningat nag-aral ng medisina saPamantasan ng Santo TomassaMaynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral saUniversidad Central de MadridsaMadrid,Espanya, at nakakuha ngLisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya saPamantasan ng ParisatPamantasan ng Heidelberg.

Isangpolimatasi Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ngNoli Me Tngere, at ang kasunod nitongEl filibusterismo.[note 1][3]Isa ringpoliglotasi Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.[note 2][note 3][4][5]

Itinatag ni Jos Rizal angLa Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa pagkabuo ngKatipunanna pinamunuan niAndrs Bonifacio,[note 4], isang lihim na samahan na nagpasimula ngHimagsikang Pilipinolaban sa Espanya na naging saligan ngUnang Republika ng Pilipinassa ilalim niEmilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, at susuportahan lamang ang karahasan bilang huling dulugan.[7]Naniniwala si Rizal na ang tanging katwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan,[note 5]at kanyang winika "Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?"[8]Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay dito ang naghudyat upang magsimula angHimagsikang Pilipino.

Ang Bahay ni Rizal saCalamba,Laguna

Mga nilalaman

[itago]

1Ang pamilya ni Jos Rizal

2Pag-aaral

3Personal na Buhay

3.1Leonor Rivera

3.2Josephine Bracken

4Sa Bruselas at Espanya (1890 - 1892)

5Pagbabalik sa Pilipinas (1892-1896)

5.1Pagpapatapon sa Dapitan

5.2Pagbaril sa Bagumbayan

6Mga Katha

7Mga Pamanang-lahi

8Mga sanggunian

9Ugnay panlabas

Ang pamilya ni Jos Rizal[baguhin|baguhin ang batayan]

Si Francisco Rizal Mercado (18181897)

Anak si Rizal nina Francisco Rizal Mercado (18181897)[9]at ni Teodora Morales Alonzo y Quintos (1827-1911; na ang pamilya nila ay pinalitan ang kanilang apelyido bilang "Realonda"),[10]na parehong masaganang magsasaka na pinagkalooban ng upa sa isanghaciendaat kaakibat nitong palayan ng mga Dominikano. Pampito sa labing-isang mangkakapatid si Rizal: sina Saturnina (Neneng) (18501913),Paciano(18511930), Narcisa (Sisa) (18521939), Olympia (18551887), Lucia (18571919), Mara (Biang) (18591945), Jos Protasio (18611896), Concepcin (Concha) (18621865), Josefa (Panggoy) (18651945), Trinidad (Trining) (18681951) at Soledad (Choleng) (18701929).

Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak ni Domingo Lam-coQuanzhounoong kalagitnaan ng ika-17 dantaon.[11]Napangasawa ni Lam-co si Inez de la Rosa, isangSangleyng Luzon.[12]

Si Teodora Alonzo, ang ina ni Dr. Jos Rizal

Mayroon din lahing Kastila at Hapones si Jos Rizal. Ang kanyang lolo at ama ni Teodora ay kalahating Kastila at isang inhinyero na pinangalanang Lorenzo Alberto Alonzo.[13]Ang kanyang lolo sa talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua, inanak ng isang Hapones.

Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya saBian, Lagunaupang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang mga magulang ni Rizal na pag-aralin siya saMaynila. Noong nagsimula siyang mag-aral saAteneo Municipal de Manila, inalis niya ang tatlong huling pangalan na bumubuo sa kaniyang buong pangalan, sa payo ng kaniyang kapatid na siPaciano Rizalat ng pamilyang Mercado-Rizal, kaya ang kaniyang pangalan ay naging "Jose Protasio Rizal". Dahil dito, minsang naisulat ni Rizal na nagmistula siyang "hindi lehitimong anak".[14]Ginawa ang pagbabagong ito upang mas malayang makapaglakbay si Rizal, at mailayo ang kaniyang koneksyon sa kaniyang kapatid na minsan nang nagkaroon ng ugnayan sa Gomburza. Mula pagkabata ay nakakarinig na si Jose at Paciano ng mga hindi pa naririnig na mga kaisipang pulitikal ukol sa kalayaan at karapatang pantao na kinagagalit ng pamahalaan. Sa kabila ng pagbabago sa kaniyang pangalan, naging kilala din si Jose bilang "Rizal" sa mga patimpalak sa pagtutula, kung saan humanga ang kaniyang mga guro sa wikang Kastila at iba pang mga banyagang wika, at kinalaunan, sa pagsusulat ng mga sanaysay na kritikal sa mga sanaysay ng mga Kastila ukol sa sinaunang lipunang Pilipino.

Pag-aaral[baguhin|baguhin ang batayan]

AngAteneo Municipal de Manilaang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawampu ngEnero1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ngaklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer saSiningna may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ngPilosopiyaatPanitikansaUnibersidad ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha angaghamngPagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursongpanggagamotsa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong 5 Mayo 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya saEspanya. Doo'y pumasok siya saUniversidad Central deMadrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya saPransiyaat nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya saHeidelberg,Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.

Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ngwikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ngPranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ngArabe,Katalan,Tsino,Inggles,Pranses,Aleman,Griyego,Ebreo,Italyano,Hapon,Latin,Portuges,Ruso,Sanskrit,Espanyol,Tagalog, at iba pang mga katutubongwika ng Pilipinas.

Personal na Buhay[baguhin|baguhin ang batayan]

Marahil ang buhay ni Rizal ang pinakadokumentado sa mga Pilipinong nabuhay noong ika-19 siglo dahil sa maraming mga talang isinulat niya at ukol sa kaniya.[16]Halos bawat detalye sa kaniyang buhay ay naitala, dahil sa kaniyang regular na tagasulat ng kaniyang talaarawan at dahil din sa kaniyang pagiging manunulat, at karamihan sa mga materyales na ito ay nananatili pa rin. Naging mahirap sa mga biograpo ang pagsasalin ng kaniyang mga likha dahil sa ugali ni Rizal na pagpapalit ng wika.

Kabilang sa mga nilalalaman ng mga tala ni Rizal ang pananaw ng isang Asyano na nakarating sa Kanluran sa unang pagkakataon. Kabilang dito ang kaniyang mga lakbayin sa Europa, Hapon at Estados Unidos, at maging sa kaniyang pananatili sa Hong Kong.

Matapos siyang makapagtapos mula saAteneo Municipal de Manila, bumisita si Rizal at ang isang kaibigang si Mariano Katigbak upang bisitahin ang lola ni Rizal sa ina na naninirahan sa Tondo, Maynila. Sinama ni Mariano ang kaniyang kapatid na siSegunda Katigbak, isang 14-taong Batanguea mula Lipa, Batangas. Karamihan sa mga panauhin ng lola ni Rizal ay mga mag-aaral sa kolehiyo, at alam nila na magaling sa pagpipinta si Rizal. Pinakiusapan siya na gumawa siya ng larawan ni Segunda. Bagaman tumanggi si Rizal noong una, ginawan din niya ng guhit si Segunda. Sa kasamaang palad, may kasintahan na si Katigbak na ang pangalan ay Manuel Luz.[17]

Mula Disyembre 1891 hanggang Hunyo 1892, nanirahan si Rizal at kaniyang mga pamilya sa Blng 2ng Rednaxela Terrace, sa isla ng Hong Kong. Nangupahan si Rizal sa 5 kalye D'Aguilar, DistritongCentral, Isla ng Hong Kong bilang kaniyang klinika sa mata mula 2ng hapon hanggang 6ng gabi. Kabilang sa mga naitala sa bahagi nito ng kaniyang buhay ay ang kaniyang mga pagkahanga na kung saan siyam ang nakilala. Sila ay sina Gertrue Beckett, na taga Londres, Nelly Boustead na nagmula sa pamilyang mangangalakal galing Inglatera at Iberia, Seiko Usui (na tinatawag ding O-Sei-san) na kabilang sa lahi ng maharlikang Hapon, ang kaniyang naunang mga pagkakaibigang sina Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela, at ang kaniyang panliligaw sa kaniyang malayong pinsan na si Leonor Rivera, na sinasabing kinuhanan ng inspirasyon sa karakter naMaria ClarangNoli Me Tangere.

Leonor Rivera[baguhin|baguhin ang batayan]

Makikita ang malaking bahagi ni Leonor Rivera sa buhay ni Rizal sa mga sulating kagaya ng If Dreams Must Die at The Love of Leonor Rivera ni Severino Montana. Kung saan kapwa nagpapakita ng imahe ng isang dalagitang umiibig sa bata nitong puso, isang kolehiyala na naihahalintulad kay Maria Clara, at isang walang-hanggang pag-ibig ni Rizal.

Sinasabing inspirasyon ni Rizal si Leonor Rivera para sa kaniyang tauhan na Maria Clara saNoli me TangereatEl FIlibusterismo.[18]Unang nagkita si Rizal at Rivera sa Maynila noong 14 taong gulang pa lang si Rivera. Noong lumuwas si Rizal sa Europa nong 3 Mayo 1882, si Rivera ay 16 taong gulang pa lamang. Nagsimula ang kanilang pagtatalastasan noong nag-iwan si Rizal ng tula para kay Rivera na namamaalam.[19]

Nananatiling nakatuon si Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Europa dahil sa kaniyang pakikipagtalastasan kay Rivera. Dahil hindi gusto ng nanay ni Rivera si Rizal ay gumagamit sila ng kodigo sa kanilang mga sulat. Sa sulat ni Mariano Katigbak na nakapetsa sa 27 Hunyo 1884, binanggit si Rivera bilang "katipan" ni Rizal. Nilarawan ni Katigbak si Rivera bilang lubhang apektado sa paglisan ni Rizal, na palaging maysakit dahil sainsomnia.

Noong umuwi si Rizal sa Pilipinas noong 5 Agosto 1887, bumalik na si Rivera at kaniyang pamilya saDagupan, Pangasinan. Pinagbawalan si Rizal ng kaniyang amang si Francisco Mercado na makipagkita kay Rivera upang huwag mailagay ang pamilyang Rivera sa panganib, dahil sa mga araw na iyon binansagan na si Rizal ng pamahalaang Kastila bilangfilibusteroo mapanghimagsik[19]dahil sa kaniyang nobelangNoli Me Tangere. Nais pakasalan ni Rizal si Rivera habang siya'y nasa Pilipinas pa dahil sa lubusang katapatan ni Rivera. Muli, pinakiusapan ni Rizal ang kaniyang ama bago ang kaniyang muling paglisan sa Pilipinas. Ngunit hindi naganap ang pagkikita. Noong 1888, hindi na pinapadalhan ng sulat si Rizal galing kay Rivera ng isang taon, sa kabila ng patuloy na pagpapadala ni Rizal ng liham sa kaniya. Ang dahilan ng pananahimik ni Rivera ay dahil sa kasunduan ng ina ni Rivera at ng isang Ingles na nagngangalang Henry Kipping, isang inhenyero sa daangbakal na nabighani kay Rivera at mas sinasang-ayunan ng ina ni Rivera.[19][20]Lubusang nasaktan si Rizal noong nabalitaan niyang nagpakasal na si Rivera kay Kipping.

Itinabi ng mga kaibigan ni Rizal ang halos lahat ng mga bagay na binigay niya, kabilang ang mga guhit sa mga piraso ng papel. Ang ilan sa mga bagay na ito ay mga ohales at panyo na may guhit at sulatin na binigay sa mga Blumentritt, na kinalaunan ay binigay din sa pamilyang Rizal.

Kabilang sa mga namangha kay Rizal ay ang anak ng isang liberal na Kastila na si Pedro Ortiga y Perez; at maging si Dr. Reinhold Rost ngMuseong Britanyakung saan siya naging regular na panauhin sa kaniyang tahanan habang siya'y nagsasaliksik sa mga sulat ni Morga sa Londres, kung saan binansagan siya bilang "hiyas ng isang tao".[16][note 8]

Josephine Bracken[baguhin|baguhin ang batayan]

Sa buhay ng pagka-bayani ni Rizal ay may dalawang babae na kapwa nagkaroon ng mahalagang bahagi, ito ay ang kanyang ina at si Josephine Bracken. Si Donya Teodora Alonzo ay isang mapagmahal at mapag-kalingang ina, na nagpakita ng mga katangian ng isang huwarang inang Pilipino. Isang parokyano ng Kristiyanismo, para sa kanya ay isang pagtalikod o kasalanan sa paniniwala ang pag-aaral ng siyensiya at pag-ibig kay Josephine Bracken.

Samantalang makikita si Leonor Rivera kay Maria Clara, si Josephine Bracken naman ay kay Salome. Si Salome ang karakter ni Rizal sa Noli Me Tangere na hindi isinama sa publikasyon kaya iilan lamang ang nakakikilala. Si Salome ay ang iniibig ni Elias, isang babaeng kakikitaan ng liberal na pag-uugali sa pagsasalita, pagkilos at pananaw sa sex. Ang usapan nina Elias at Salome ay isang senaryong kakikitaan ng lubusang pagtukoy sa pagnanasa bago pa ang mga sulatin ni Jose Garcia Villa. Maihahalintulad din si Josephine Bracken kina Magdalene, Mata Hari, Kitty OShea, Sadie Thompson, at Joan of Arc.

Si Josephine Bracken ang naging daan upang makita ang liberalismo ni Rizal ng ina nito at mga kapatid. Isa na rito ang naging pagtatalo ni Rizal at ng kanyang ina tungkol sa pagsasama nila ni Josephine Bracken kahit na walang basbas ng simbahan. Bukod sa pagiging liberal taglay din ni Josephine Bracken ang mga kaugalian kagaya ng pagiging matatag at may buong-loob sa pakikipaglaban ng kanyang mga pinaniniwalaan.

Ayon kay John Foreman, si Josephine Bracken ay maihahalintulad kina Gabriela Silang at Joan of Arc sa kanyang walang hanggang pakikibaka sa laban ng mga Katipuneros kahit sa pagkamatay ni Rizal. Unang nakita si Josephine sa Asamblea sa Imus, Kabite noong 29 Disyembre. Kasama niyang dumating sa pagtitipon si Paciano Rizal at iba pang kabilang sa pamilya Rizal. Ayon pa kay General Ricarte, hindi rin matatawaran ang partisipasyon ni Josephine sa paggagamot sa bahay sa Tejeros kung saan naging nurse at inspirasyon siya sa mga may sugat at iba pang nagpupunta dito. Gayundin ay makikita ang partisipasyon ni Josephine sa Battles of Silang st Battle of Dasmarias noong 27 Pebrero. Makikita ang lubhang katatagan ni Josephine Bracken sa Rebolusyon, nang panahon kung kailan dadakipin na siya ng mga Espanyol. Kung saan naglakad siyang dumudugo ang mga paa mula sa Maragondon hanggang Laguna hanggang makarating siya sa daungan papuntang Maynila.

Si Josephine Bracken ay isang malaking bahagi ng kasasayan ng Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan noong taong 1902 sa sakit na tubercolosis. Ang kanyang kusang-loob na pakikibahagi sa Rebolusyon at patuloy na pagtulong sa mga Pilipino sa kabila ng hindi pagkilala ng mga ito sa kanya noong una ay sadyang kahanga-hangang kaugaliang napatunayan ni Josephine Bracken sa loob ng mahabang panahon.

Noong Pebrero 1895 nagkita si Rizal kay Josephine Bracken isang babaeng Irlandes mula Hong Kong, noong sinamahan niya ang kaniyang bulag na amang si George Taufer upang ipasuri ang kaniyang mga mata kay Rizal.[21]Matapos ang ilang mga pagbisita, nakipag-ibigan si Rizal at Bracken sa isa't isa. Nais nilang magpakasal, ngunit dahil sa reputasyon ni Rizal dahil sa kaniyang mga sinulat at pananaw pampulitika, tumanggi ang lokal na kura na si Padre Obach na ikasal sila liban na lang kung makakakuha si Rizal ng pahintulot mula sa Arsobispo ng Cebu. Hindi sila makapagkasal sa simbahan dahil tumangging bumalik si Rizal sa Katolisismo.[22]

Matapos samahan ang kaniyang ama sa Maynila upang bumalik sa Hong Kong, at bago siya bumalik sa Dapitan upang tumira kay Rizal, pinakilala ni Josephine ang kaniyang sarili sa pamilya ni Rizal sa Maynila. Minungkahi ng ina ni Rizal na magdaos sila ng kasalang sibil, upang hindi mabagabag ang konsensya ni Rizal ukol sa kaniyang politikal na pananaw upang makakuha ng pahintulot mula sa isang Obispo.[23]Naikasal si Rizal at Josephine sa pamamagitan ng kasalang sibil sa Talisay sa Dapitan. Sinasabing nagkaroon sila ng isang anak na nagngangalang Francisco, na namatay din agad pagkasilang.[24]

Sa Bruselas at Espanya (1890 - 1892)[baguhin|baguhin ang batayan]

Noong 1890, lumisan si Rizal sa Paris patungongBruselashabang naghahanda sa paglilimbag ng kaniyang mga anotasyon ngSucesos de las Islas FilipinasniAntonio de Morga. Nanirahan siya sa isang pangupahang bahay ng magkapatid na Jacoby, sina Catherina at Suzanna, na mayroong pamangking nagngangalang Suzanna ("Thil") na may edad 16. Ayon sa historyador na siGregorio F. Zaide, umibig si Rizal kay Suzanne Jacoby, 45 taong gulang, ngunit naniniwala ang Belgang si Pros Slachmuylders na umibig si Rizal sa 17 taong gulang na pamangking si Suzanna Thil.[25]Nakita niya ang mga talang nagbibigay linaw sa kanilang mga pangalan at edad.

Saglit lang nanirahan si Rizal sa Bruselas; pagkatapos noon ay lumuwas siya patungong Madrid. Binigyan niya si Suzanna ng isang kahon ng tsokolate. Lumiham si Suzanna kay Rizal sa wikang Pranses, na sinasabing hindi siya kumuha ng ni isang piraso ng tsokolate, at halos mapudpod na ang kaniyang sapatos sa pagbabalik-panaog sa hulugan ng sulat upang tignan kung may liham galing sa kaniya, at hinihintay ang kaniyang muling pagbabalik.[25]Noong 2007, nilalakad na ng pangkat ni Slachmuylder na lagyan ng makasaysayang tanda upang magbigay-pugay sa pananatili ni Rizal sa nasabing tahanan.[25]

Nagbago ang mga nilalaman ng mga sinulat ni Rizal sa kaniyang dalawang obra, ang "Noli Me Tangere", na nilimbag sa Berlin noong 1887, at "El Filibusterismo", na nilimbag sa Ghent noong 1891. Para magkaroon ng pondo upang mailimbag ang huli ay nangutang si Rizal sa kaniyang mga kaibigan. Maraming mga Kastila at mga edukadong Pilipino ang nagalit sa kaniyang mga sinulat dahil sa mga simbolismong pinapakita dito. Kritikal ang mga nobelang ito sa mga prayleng Kastila at sa kapangyarihan ng simbahan. Ayon sa sulat ng kaibigan ni Rizal na siFerdinand Blumentritt, na isang propesor at historyador, ang mga karakter sa mga nobelang ito ay hango sa totoong buhay at ang bawat mga pangyayari dito ay maaaring mangyari sa anumang araw sa Pilipinas.[26]

Bagaman si Blumentritt ay apo ng Ingat-yaman ng Imperyo saViennaat matibay na tagapagtanggol ng pananampalatayang Katoliko, sinulat pa rin niya ang panimulang salita ngEl Filibusterismomatapos niyang isalin angNoli Me Tangeresa wikang Aleman. Gaya ng binabala ni Blumentritt, naging dahilan ang mga nobelang ito upang usigin si Rizal bilang tagapanimula ng himagsikan. Kinalaunan ay nilitis si Rizal ng militar at tuluyang binitay. Ngunit ang kaniyang mga nobela ang nagbigay inspirasyon sa mga Pilipino upang maglunsad ng Himagsikang Pilipino noong 1896.

Bilang pinuno ng kilusang propaganda ng mga Pilipino sa Espanya, nagsulat si Rizal ng mga sanaysay, tula at editoryal sa pahayagangLa Solidaridadsa Barcelona, kung saan ginamit niya ang sagisag-panulat na "Dimasalang". Ang karaniwang tema ng kaniyang mga likha ay sumesentro sa liberal at progresibong kaisipan ng karapatang pang-indibidwal at kalayaan, lalu na para sa mga mamamayang Pilipino. Pareho ang kaniyang pananaw sa ibang mga kasapi ng kilusan, na ang Pilipinas ay humaharap sa, ayon sa mismong salita ni Rizal, na "Goliath na may dalawang mukha"mga tiwaling prayle at masamang pamahalaan. Paulit-ulit na kaniyang binabanggit sa kaniyang komentaryo ang mga adyenda gaya ng mga sumusunod:[note 9]

Na ang Pilipinas ay gawing probinsya ng Espanya

May pagkakatawan sa Cortes

Mga Pilipinong pari sa halip na mga prayleng Kastila

Kalayaan sa pagtitipon at pananalita

Pantay-pantay na karapatan sa ilalim na batas sa pagitan ng mga Pilipino at Kastila

Tumutol ang mga mananakop sa Pilipinas sa mga repormang ito. Hindi rin ito inendorso ng ilang mga intelektwal na Kastila tulad nina Morayta, Umamuno, Pi y Margall at iba pa.

GUmanti si Wenceslao Retana, isang politikal na komentador sa Espanya, sa pamamagitan ng pagsulat ng artikulo saLa Epoca, isang pahayagan sa Madrid, na umiinsulot kay Rizal. Kinuwento niya ang ukol sa pagpapalayas ng pamilya ni Rizal mula sa kanilang lupa sa Calamba dahil sa hindi pagbabayad ng upa. Nag-ugat ang insidenteng ito mula sa pagkakakulong sa ina ni Rizal na si Teodora noong bata pa si Rizal, dahil sa bintang na pagtangkang paglason sa kaniyang hipag. Dahil sa pakikisabwatan ng mga prayle ay kinulong siya ng wala man lang paglilitis. Pinaglakad din siya ng sampung milya (16km) mula Calamba. Pinalaya din siya matapos ang dalawa at kalahating taong pakikipag-apela sa Kataas-taasang Hukuman.[27]Noong 1887, sumulat ng petisyon si Rizal sa ngalan ng mga nangungupahan sa Calamba, at noong taon ding iyon ay hinimok sila na magsalita laban sa tangka ng mga prayle na taasan ang upa. Humantong ito sa paglilitis na nauwi sa pagpapalayas ng mga Dominiko sa mga nangungupahan mula sa kanilang mga tahanan, kabilang dito ang pamilya ni Rizal. Pinamunuan ni Heneral Valeriano Weyler ang paggiba sa mga gusali ng sakahan.

Pagkabasa ng artikulo, nagpadala si Rizal ng kinatawan upang hamunin si Retana sa duwelo. Humingi ng tawad si Retana sa publiko at kinalauna'y naging isa sa mga pinakamalaking tagahanga ni Rizal, na sumulat din ng isa sa pinakamahalagang talambuhay ni Rizal, angVida y Escritos del Jose Rizal(Mga buhay at kasulatan ni Jose Rizal).[28]

Pagbabalik sa Pilipinas (1892-1896)[baguhin|baguhin ang batayan]

Pagpapatapon sa Dapitan[baguhin|baguhin ang batayan]

Pagbalik sa Maynila noong 1892, binuo ni Rizal ang isang samahangLa Liga Filipina. Isinusulong ng samahang ito ang pagkakaroon ng reporma sa pamamagitan ng legal na pamamaraan, ngunit ito'y binuwag ng gobernador. Sa mga panahong iyon, tinuturing na siya bilang kalaban ng estado ng pamahalaang Kastila dahil sa kaniyang mga nobela.

Nasangkot si Rizal sa mga gawaing rebelyon at noong Hulyo 1892 ay pinatapon siya saDapitansa probinsya ngZamboanga.[29]Habang nasa Dapitan ay nagtayo siya ng isang paaralan, ospital at isang sistema ng suplay ng tubig, at nagturo din ng pagsasaka.

Nagtayo si Rizal ng paaralan para sa mga batang lalaki. Sa paaralang ito, wikang Kastila ang ginagamit sa pagtuturo, at nagtuturo din ito ng Ingles bilang wikang banyaga. Ang layunin ng paaralang ito ay upang turuan ang mga mag-aaral ng pagiging maparaan sa buhay.[kailangan ng sanggunian]Ang ilan sa mga mag-aaral ay naging matagumpay bilang mga magsasaka at tapat na opisyal ng pamahalaan. Isang Muslim ang naging datu, at isa pa, si Jose Aseniero, ay naging gobernador ng Zamboanga.

Nagkaroon ng misyon ang mga Heswita na pabalikin si Rizal mula sa Dapitan sa pamumuno ni Padre Sanchez, na dati niyang guro, ngunit nauwi ito sa kabiguan. Muli itong tinangka ni Padre Pastelles, na kilalang bahagi ng Orden.

Naging tagapamagitan ang kaniyang matalik na kaibigang siFerdinand Blumentrittsa kaniyang mga kaibigan sa Europa, at patuloy ang kaniyang pakikipagtalastasan sa kanila na siyang patuloy na nagpapadala ng mga liham na nakasulat sa mga wikang Olandes, Pranses, Aleman at Ingles na lumito sa mga sensura, kaya naantala ang kanilang mga pagpapadala. Sa pananatili ni Rizal sa Dapitan sa loob ng apat na taon ay umti-unti ding umusbong ang Rebolusyong Pilipino na kinalaunan ay nagpahamak sa kaniya. Bagaman tutol siya sa himagsikan, ginawa siyang pandangal na pangulo ng mga kasapi ng Katipunan at ginamit din ang kaniyang pangalan bilang sigaw sa digmaan, pakikipag-isa at kalayaan.[30]

Pagbaril sa Bagumbayan[baguhin|baguhin ang batayan]

Isang litrato ng pagbaril kay Rizal saBagumbayan.

Ang inatasan na bumaril kay Rizal ay isang hanay ng mga Pilipinong kasapi ng Hukbong Kastila, habang isa pang hanay ng mga Kastilang kasapi ng Hukbong Kastila ang nakahanda upang barilin ang sinuman sa kanila na susuway.[31]Kinunan ng manggagamot ng Hukbong Kastila ang pulso ni Rizal at ito'y normal. Pinatahimik ng sarhento ang mga Kastilang hukbo noong nagsimula na silang sumigaw ng "Viva" at iba pang mga katagang pabor sa Kastila kasama ang mga manonood na karamihan ay mga Peninsulares at mga Mestisong Kastila. Ang kaniyang huling salita ay isa sa mga huling salita ni Jesucristo: "Consummatum est"natapos na.[4][32][note 10]

Lihim siyang nilibing sa LibingangPacosa Maynila ng wala man lang tanda sa libingan. Nilibot ng kaniyang kapatid na si Narcisa ang lahat ng maaaring libingan at natagpuan ang bagong baong lupa sa isang libingan na may mga bantay sa tarangkahan. Sa kaniyang paniwala na maaaring ito nga ang pinaglibingan, at wala pang ibang mga nilibing, nagbigay siya ng regalo sa taga-ingat upang lagyan ng tanda ang nasabing lugar na "RPJ" - mga inisyal ni Rizal na pabaliktad.

Nakatago naman sa lampara ang kaniyang tulangMi ultimo adiosna pinaniniwalaang sinulat ilang araw bago ang kaniyang pagbitay, at binigay ito sa kaniyang pamilya kasama ang ilan niyang mga natirang pag-aari, kabilang na ang kaniyang mga huling liham at huling habilin.[33]:91Sa kanilang pagbisita, pinaalalahanan ni Rizal ang kaniyang mga kapatid sa wikang Ingles na mayroong isang bagay sa loob ng lamparang binigay ni Pardo de Taveras na ibabalik din pagkabitay, upang bigyang diin ang kalahagahan ng tula. Ang sumunod na habilin ay. "Tingnan din ang aking sapatos", kung saan isa pang bagay ang nakasuksok. Noong hinukay ang kaniyang labi noong Agosto 1898, sa panahon na ng pananakop ng mga Amerikano, nalaman na hindi siya isinilid sa ataul, at nilibing siya hindi sa 'lupa ng mga banal', at anuman ang nakasiksik sa kaniyang sapatos ay nalusaw.[27]

Sa kaniyang liham sa kaniyang pamilya ay kaniyang isinulat:"Turingan ang may-edad nating magulang kagaya ng gusto niyong maturingan... Mahalin silang lubos sa aking alaala... 30 Disyembre, 1896."[16]Nagbigay siya ng habilin sa kaniyang pamilya ukol sa kaniyang libing:"Ilibing niyo ako sa lupa. Maglagay ng bato at krus sa ibabaw. Pangalan ko, petsa ng kapanganakan ko at kamatayan ko. Wala nang iba. Kung nais niyong bakuran ang aking libingan maaari niyong gawin. Walang paggunita."[34]

Sa kaniyang huling sulat kay Blumentritt:"Bukas, sa ganap na 7, ay babarilin ako; ngunit ako ay inosente sa krimen ng paghihimagsik. Mamamatay ako ng may tahimik na konsiyensiya."[16]Pinaniniwalaan na si Rizal ang unang rebolusyonaryong Pilipino na namatay dahil sa kaniyang mga gawa bilang manunulat, at dahil sa kaniyang sibil na pagsuway ay matagumpay niyang natibag ang moral na pamumuno ng Espanya. Nagbigay din siya ng isang aklat sa isangmatalik at minamahal na kaibigan. Noong natanggap ito ni Blumentritt sa Leimeritz siya ay umiyak.

Mga Katha[baguhin|baguhin ang batayan]

Si Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang dalawang nobela, angNoli Me Tangere,na nilimbag saBerlin,Alemanya(1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at angEl Filibusterismo, na nilathala sa Gante,Belgica(1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango saDon QuixoteniMiguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang puso't diwa ng mga Pilipino. Nakilala rin siya bilang Aaron Ng.

Mga Pamanang-lahi[baguhin|baguhin ang batayan]

Si Jose P. Rizal o mas kilalang Pepe ay isang Pilipinong repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ngkasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino saBarcelona, Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin saLa Solidaridad.

Ang kanilang mga mithiin:

1. na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya;

2. na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlyamento);

3. na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ng sekularisasyon;

4. kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag;

5. pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.

Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La Liga Filipina, nilitis at ipinatapon sa Lungsod ng Dapitan/Dapitan, Zamboanga del Norte/Zamboanga noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.

Mga sanggunian[baguhin|baguhin ang batayan]

Notes

1. Jump upAng nobela niyangNoliay sa kauna-unahang nobela sa Asya na isinulat sa labas ng bansang Hapon at Tsina at isa sa mga unang nobelang laban sa rebelyong anti-kolonyal. Basahin ang:[1].

2. Jump upMahusay siya sa mga Kastila, Pranses, Latin, Griyego, Aleman, Portuges, Italyano, Ingles, Olandes at Hapon. Gumawa rin si Rizal ng mga pagsasalin mula sa wikang Arabe, Suwesya, Ruso, Tsino, Griyego, Ebre atSanskrit. Sinalin niya ang tula niSchillersaTagalog. Maliban dito may kaalaman din siya sa wikangMalay,Chavacano,Cebuano,Ilokanoat Subanun.

3. Jump upIn his essay, "Reflections of a Filipino", (La Solidaridad, c.1888), he wrote: "Man is multiplied by the number of languages he possesses and speaks."

4. Jump upKasapi si Bonifacio ng La Liga Filipina. Matapos ang paghuli at pagpapatapon kay Rizal, nabuwag ang samahan at nahati ang pangkat sa dalawa; ang higit na radikal na pangkat ay nabuo bilang Katipunan, ang mga militante ng himagsikan.[6]

5. Jump upSa anotasyon ni Rizal saSucesos de las islas Filipinas(1609) ni Morga, kung saan niya kinopya mula saMuseong Britanyaat nilimbag, tinawagan niya ng pansin ang pinaglumaan nang aklat, at binigyang patotoo sa malago nang kabihasnan ng Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila. Sa kaniyang sanaysay na "The Indolence of the Filipino" (Sa Kabatuganan ng mga Pilipino), binanggit ni Rizal na walang halos nagawa ang tatlong daantaon ng pamumuno ng mga Kastila upang isulong ang kaniyang kababayan; at sa halip hinila nila ito ng paurong. Ang kawalan ng moral na pantulong, kawalan ng materyal na panghimok, ang pag-alis ng moral, na hindi dapat humihiwalay angindiomula sa kaniyang kalabaw, ang walang hanggang digmaan, ang kawalan ng pambansang damdamin, ang pamimirata ng mga Intsik -- lahat ng ito, ayon kay Rizal, ang tumulong sa mga mananakop na magtagumpay upang ilagay ang mgaindiosa 'hanay ng mga halimaw'.(Read English translation byCharles DerbyshireatProject Gutenberg.)

6. Jump upNoong bininyagan si Jose, naisulat sa mga talaan ang kaniyang mga magulang bilang sina Francisco Rizal Mercado at Teodora Realonda."Jos Rizals Lineage"

7. Jump upSa edadn na 8 (noong 1869) naisulat niya ang tulangSa aking mga Kabatana mayroong tema ng pagmamahal sa sariling wika.[15]

8. Jump upSi Dr. Reinhold Rost ay tagapamahala ng Tanggapang Indyano ng Museong Britanya at kilalang pilologo noong ika-19 siglo.

9. Jump upIn his letter "Manifesto to Certain Filipinos" (Manila, 1896), he states:Reforms, if they are to bear fruit, must come from above; for reforms that come from below are upheavals both violent and transitory.(Epistolario Rizalino, op cit)

10. Jump upKahit sa mga prominenteng mga Kastila, sinasabing kalapastanganan ang ginawang paglilitis kay Rizal. Matapos ang kaniyang pagbitay, isang pilosopo na nagngangalangMiguel de Unamunoang kumilala kay Rizal bilang isang "Kastila": "malalim at kilalang Kastila, mas Kastila pa kaysa mga abang taong iyon - patawarin nawa sila ng Panginoon, dahil hindi nila nalalaman ang kanilang mga ginagawa - mga abang taong iyan, na sa ibabaw ng kaniyang mainit pang katawan ay bumato palangit na may pag-insulto ng isang pangungusong na sigaw: 'Viva Espana!'" Epilogo ni Miguel de Unamuno saVisa y Escritos del Dr. Jose Rizalni Wenceslao Retana. (Retana, op.cit.)

https://tl.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%A9_Rizal

Ang mga akda ni Jose Rizal ay ang mga sumusunod:Noli Me TangereEl FilibusterismoHuling Paalam (Mi Ultimo Adios)Sa aking mga KababataEl Consejo delos DiocesA la juventud FilipinaCanto del viajeroCanto de Maria ClaraMe piden versosPor la educacionJunto al Pasig

'Sa Aking Mga Kabat'Kapagka ang baya'y sadyng umiibigSa kanyng salitng kaloob ng langit,Sanglang kalayaan nasa ring masapitKatulad ng ibong nasa himpapawid.Pagka't ang salita'y isang kahatulanSa bayan, sa nayo't mga kaharin,At ang isng tao'y katulad, kabagayNg alin mang likha noong kalayan.Ang hindi magmahal sa kanyang salitMahigit sa hayop at malansng isd,Kay ang marapat pagyamaning kusNa tulad sa inng tunay na nagpal.Ang wikang Tagalog tulad din sa LatinSa Ingls, Kastil at salitang anghel,Sapagka't ang Poong maalam tumingnAng siyang naggawad, nagbigay sa atin.Ang salita nati'y huwad din sa ibaNa may alfabeto at sariling letra,Na kaya nawal'y dinatnan ng sigwAng lunday sa law nong dakong una.

To my Fellow YouthIf a nation's people certainly loveTheir gift of language bestowed by heaven,So too will they regain their pawned freedomAs the bird that flies in the sky.For language is a measure of worthOf cities, nations, and kingdoms,And each person alike, deservesThat of any creation born free.One who does not treasure his own languageis worse than a beast and putrid fish,Thus it should be nurtured gladlyAs our mothers nurtured us.The language Tagalog is like Latin,Like English, Spanish, and the language of angelsFor it was the Lord, in his wisdomWho bestowed it, who gave it to us.This language is like that of others,With their own alphabet and their own characters,But vanished as if a sudden storm had come uponA boat in a lake in an age long past.

TALAHANAYAN NG BUHAY, GINAWA,

AT MGA SINULAT NI JOSE RIZAL

KABANATA 1 - ANG PAGDATING NG PAMBANSANG BAYANI

A.Pagsilang

1.Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna

2.Bininyagansasimbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861.

3.Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal

4.Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal

A.Magulang

1.Francisco Mercado

1. Ipinanganak noong Mayo 11, 1818

2. Nag-aral ng Latin at Pilosopiya saColegio ng SanSan Jose

3. Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang Dominicano sa Calmba.

4. Namatay noong Enero 5, 1898.

2.Teodora Alonzo

1. Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila

2. Nag-aral sa Colegio deSanta Rosa

3. Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol.

4. Namatay noong Agosto 16, 1911

A.Magkakapatid na Rizal

1.Saturnina

2.Paciano

3.Narcisa

4.Olympia

5.Lucia

6.Maria

7.Jose

8.Concepcion

9.Josefa

10.Trinidad

11.Soledad

A.Mga Ninuno

1.Ninuno sa Ama

1. Domingo Lamco (Mercado)napangasawa siInes de la Rosanaging anak si

2. Francisca Mercadoat napangasawa si Cerila Bernacha naging anak si

3. Juan Mercadoat napangasawa si Cerila Alejandro at naging anak si

4. Francisco Mercadoat napangasawa siTeodora Alonzoat naging anak si

5. Jose Rizal

2.Ninuno sa Ina

1. Eugenio Ursuanapangasawa siBenignaat naging anak nila si

2. Reginana naging asawa niManuel de Quintosat naging anak nila si

3. Brigidana napangasawa niLorezo Alberto Alonzoat naging anak nila si

4. Teodora Alonzona napangasiwa niFrancisco Mercadoat naging anak nila si

5. Jose Rizal

A.Pamilyang Rizal

1.Ang Kabuhayan ng Pamilya

1. Ang pamilya ay kabilang sa pangkat naprincipaliaat isa sa mga kinikilalang pamilya sa Calamba.

2. Ang ama ay nangungupahan sa lupain na pag-aari ng hacienda ng mga Dominicano sa Calamba at tinataya na ang kaniyang lupang sinasaka ay umaabot ng 600 na hektarya. Ang lupa ay tinataniman ng palay mais at tubo.

3. Maliban sa pagsasaka ang pag-aalaga ng hayop ay isa sa kanilang mga hanapbuhay.

4.Ang ina ni Rizal ay mayroong isang tindahan sa ilalim ng kanilang bahay, gilingan ng trigo para maging harina, at gawaan ng hamon.

5.Ang pamilya ay isa sa mga unang nakapagpagawa ng bahay na bato sa Calamba.

6.Nagmamay-ari sila ng isang karwahe na isang karangyaan sa panahong iyon.

7.Mayroon silang isang aklatan sa bahay na naglalaman ng 1,000 aklat.

8.Naipadala ng mga Rizal ang kanilang mga anak sa Maynila para mag-aral.

B.Ang Tahanan ng mga Rizal

1.Ang bahay ng mga Rizal ay gawa sa bato at matitigas na kahoy at ito ay nakatayo na malapit sa simbahan ng Calamba.

2.Ang paligid ng kabahayan ay natataniman ng mga punong atis, balimbing,chico, macopa, papaya, santol, tampoy, at iba pa.

3.Ang bakuran ng bahay ay naging alagaan ng mga manok at pabo.

KABANATA 2 KABATAAN SA CALAMBA

1. Mga Ala-ala ng Kamusmusan

1. Panonood ng mga ibon.

2. Araw-araw na pagdadasal sa oras ngangelus.

3. Pagkukuwento ng kaniyang yaya ukol sa asuwang, nuno, at tikbalang.

4. Ang una niyang kalungkutan ay ang pagkamatay ng kaniyang nakababatang kapatid na si Concha.

5. Sa edad na tatlo ay nakasama na siya sa pagdadasal ng pamilya.

6. Pagpunta sa Antipolo noong Hunyo 6, 1868. Ito ang kaniyang unang pagtawid sa Lawa ng Laguna. Pagkatapos ng pagpunta sa Antipolo ay nagtungo sila ng kaniyang tatay sa Maynila.

7. Ang hindi niya malimutan ay ang kuwento ng kaniyang ina ukol sa gamo-gamo.

2. Mga Talento sa Panahon ng Kamusmusan

1. Inayos niya at binigyan ng bagong guhit ang bandera ng simbahan.

2. Paggagawa ng imahen mula sa putik (clay).

3. Sa edad na 8 ay kaniyang isinulat ang tulangSa Aking mga Kabatana nagbibigay ng pagpapahalaga sa kaniyang sariling wika.

4. Sa edad na 8 ay sinulat niya ang isang drama na nakaukol sa kapistahan ng Calamba at ang nasabing gawa ni Rizal ay binili sa kaniya ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna.

1.Mga Inpluwensiya Kay Rizal

1. Namana

1.Mula sa mga ninunong Malayo ay namana niya ang pagmamahal sa kalayaan, paghahangad sa paglalakbay, at katapangan.

2.Mula sa kaniyang mga ninunong Tsino ay namana niya ang pagiging seryoso, katipiran, katiyagaan, at pagmamahal sa mga bata.

3.Mula sa kaniyang mga ninunong Espanyol ay namana niya kapinuhan sa pagkilos at kanipisan sa insulto.

4.Mula sa kaniyang ama ay namana niya ang pagtitiyaga sa trabaho, paggalang sa sarili, at malayang pag-iisip.

5.Mula sa kaniyang ina ay namana niya pagpapakasakit sa sarili at pagnanais sa sining at panitikan.

2. Kapaligiran

1.Ang kapaligiran ng Calamba ay nagsilbing kaniyang pang-enganyo sa pagmamahal sa sining at literatura.

2.Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay nagturo sa kaniyang kaisipan ukol sa pagmamahal sa kalayaan at katarungan.

3.Mula sa kaniyang mga kapatid na babae ay natutunan niya ang paggalang sa mga kababaihan.

4.Ang pakikinig niya sa mga kuwento ng kaniyang yaya ay nagbigay sa kaniyang interes sa mga kuwentong bayan at mga alamat.

5.Mula sa kaniyang tatlong mga kapatid ay nainpluwensiyahan siya ng mga sumusunod:

1.Jose Alberto Alonzo ay natutunan niya ang pagmamahal sa sining.

2.Manuel Alonzo ay natutunan niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng katawan.

3.Gregorio Alonzo ay natutunan niya ang ang malabis na pagkahilig sa pagbabasa.

6.Padre Leoncio Lopez ay natutunan niya ang pagmamahal sa makaiskolar at pilsopikal na pag-iisip.

KABANATA 3 - ANG PAG-AARAL SA CALAMBA AT BIAN

1. Mga Unang Guro ni Rizal

1.Doa Teodora Alonzo - ang unang guro ni Rizal

2.Mestro Celestino

3.Lucas Padua

4.Leon Monroy

2.Pagpunta sa Bian

1.Hunyo 1869 - si Rizal ay umalis ng Calamba para magtungo sa Bian para mag-aral.

2.Sinamahan siya ng kaniyang kapatid na si Paciano.

3.Justiniano Aquino Cruz - ang naging guro ni Rizal sa Bian.

3.Mga Naging Gawain sa Pag-aaaral

1.Sa unang pagkikita niya sa kaniyang guro ay sinabi niya ang kaniyang kakauntian ng kaalaman sa Espanyol at Latin.

2.Sinabi ni Rizal na ang kaniyang guro ay may kahusayan sa balarilang Espanyol na sinulat nina Nebrija at Gainza.

3.Nakaaway ni Rizal si Pedro na anak ng kaniyang guro.

4.Nagkaroon din siya ng away sa mga bata sa Bian isa na rito si Andres Salandanan na tumalo sa kaniya.

5.Nag-aral si Rizal ng pagpipinta kay Matandang Juancho na dito ay nakasama ng kaniyang kaeskuwelang si Jose Guevarra.

6.Sa pagsapit ng ilang buwan si Rizal ay nanguna sa kaniyang mga kaeskuwela sa mga Espanyol, Latin at iba pang mga aralin.

7.Sa kabila ng kahusayan ni Rizal sa pag-aaral, siya ay napapalo ng kaniyang maestro halos araw-araw dahilan sa mga sumbong laban sa kaniya ng kaniyang mga kamag-aral.

8.Nilisan ni Rizal ang pag-aaral sa Bian noong Disyembre 1870 pagkatapos ng halos isa at kalahating taon.

9.Nilisan ni Rizal ang Bian sakay ng BarkongTalimna naghatid sa kaniya sa Calamba.

4. Ang Gomburza

1.Sa kaniyang pag-uwi sa Calamba ay nabalitaan niya ang Pag-aalsa saCaviteat ang pagbitay sa tatlong paring martir na sina JoseBurgos, Mariano Gomez, at Jacinto Zamora.

2.Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay naging malapit na mag-aaral ni Padre JoseBurgos.

3.Si Paciano sa maraming pagkakataon ay naibahagi kay Rizal ang mag ideya at pilosopiya ni Jose Burgos.

5. Kawalan ng Katarungan sa Kaniyang Ina

1.Pagkatapos ng kamatayan ng Gomburza, ang ina ni Rizal ay pinagbintangan na nagbabalak na lasunin ang asawa ng kaniyang kapatid (Jose Alberto) .

2.Ang mga kaaway ng pamilyang Rizal at ang hipag ng kaniyang ina ay nagkipagsabawatan upang maisangkot ang ina sa nasabing bintang na paglason.

3.Pagkatapos na madakip ni Donya Teodora, ito ay pinaglakad mula Calamba hanggangSanta Cruz, Laguna na ang layo ay 50 kilometro.

4.Ang ina ni Rizal ay nakulong sa loob ng dalawa at kalahating taon.

KABANATA 4 PAG-AARAL SA ATENEO

1.Ang Pagpasok ni Rizal sa Ateneo

1.June 20, 1872 sinamahan si Rizal ni Paciano para magpunta sa Maynila. Kumuha ng pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa saColegio ng San Juan de Letran. Nagbalik si Rizal sa Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistahan sa kaniyang pagbabalik sa Maynila ay nagbago ng isip si Rizal at nagbalak na pumasok sa Ateneo.

2.Hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahilan sa siya

1.huli na sa patalaan

2.maliit para sa kaniyang edad

3.Sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang kaniyang apelyidong Rizal imbes na Mercado.

4.Manuel Xerex Burgos ang pamangkin ni Jose Burgos na tumulong upang makapasok si Rizal sa Ateneo.

5.Nanirahan siya sa isang paupahang bahay na pag-aari ni Seora Titay sa Daang Caraballo, na nasa labas ng Intramuros.

2.Sistema ng Edukasyong Heswita

1.Mas adbanse ang edukasyong ipinagkakaloob ng mga Jesuita kumpara sa mga kolehiyo noong sa Pilipinas.

2.Ang layunin ng edukasyon ng mga Jesuita ay ang hubugin ang mga mag-aaral sa mga aral ng Katolisismo, kaalaman sa sining at agham. Ang isang matalinong Katoliko mula sa pananaw ng mga Jesuita ay magiging mabuting tagapagtanggol ng simbahan. Ang pangunahing pilosopiya ng Ateneo ayAd Majorem Dei Gloriam Para sa Higit na Kadakilaan ng Diyos.

3.Hinati ang klase sa dalawang pangkat

1.Imperyong Romano katawagan sa mga internos o mga mag-aaral na nakatira sa loob ng bakuran ng Ateneo.

2.Imperyong Cartago katawagan sa mga externos o mga mag-aaral na nakatira sa loob ng bakuran ng Ateneo.

1.Unang Taon sa Ateneo (1872-73)

1.Padre Jose Bech S.J. ang guro ni Rizal sa kaniyang unang taon sa Ateneo.

2.Nagsimula siyang nasa mababang ranggo sa imperyong Cartago ngunit sa paglipat ng mga linggo ay nagawang makapanguna sa kaniyang mga kamag-aral.

3.Napanalunan niya ang kaniyang unang gantimpala sa kaniyang pag-aaral isang larawang pangrelihiyon.

4.Upang mapagbuti ni Rizal ang kaniyang kaalaman sa wikang Esanyol siya ay nagpaturo ng aralin saColegio de Santa Isabelsa panahon ng kaniyang pamamahinga sa tanghali.

5.Sa kalagitnaan ng taon si Rizal ay hindi nagbuti sa kaniyang pag-aaral upang mapanatili ang kaniyang pangunguna sa klase ito ay dahilan sa kaniyang sama ng loob sa hindi makatwirang puna ng guro sa kaniya.

6.Sa bakasyon ng 1873, si Rizal ay hindi naging masaya dahilan sa nasa bilangguan ang kaniyang ina. Lihim na pumunta saSanta Cruzpara dalawin ang kaniyang ina at kinuwentuhan niya ang ina ukol sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo.

2.Ikalawang Taon sa Ateneo (1873-74)

1.Walang masyadong mahalagang pangyayari kay Rizal sa Ateneo sa taong ito.

2.Hindi nagpakita ng pangunguna sa pag-aral si Rizal dahilan sa sama ng loob dailan sa hindi magandang puna ng guro sa kaniya

3.Dumating sa Ateneo ang ilan sa kaniyang mga dating kamag-aral sa Bian.

4.Hinulaan ni Rizal ang nalalapit na paglaya ng kaniyang ina.

5.Nagsimula si Rizal ng kaniyang pagkahilig sa pagbabasa at ilan sa mga aklat na ito ay ang mga sumusunod:

1.Count of Monte Cristona sinulat ni Alexander Dumas.

2.Universal Historyna sinulat ni Cesar Cantu na pinilit niyang ipabili sa kaniyang ama.

3.Travels in thePhilippinesna isinulatni Dr.Feodor Jagor.

3.Ikatlong Taon sa Ateneo (1875-76)

1.Nagbalik si Rizal sa Ateneo para sa kaniyang Ikatlong Taon.

2.Dumating ang kaniyang ina at ipinaalam kaniyang paglaya kay Rizal.

3.Hindi rin kinakitahan ng pangunguna si Rizal sa klase.

4.Natalo siya ng mga kamag-aral na Espanyol sa wikang Espanyol dahilan sa mas mahusay ang mga ito sa sa tamang pagbigkas.

4.Ika-apat na Taon sa Ateneo (1876-77)

1.Sa taong ito ay nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez S.J. Ang nasabing pari ang humikayat kay Rizal para mag-aral na mabuti, lalo na sa pagsulat ng mgatula.

2.Sinabi ni Rizal na si Padre Francisco de Paula Sanchez ay isang modelo ng katuwiran at pagsisikap para sa pag-unlad ng kaniyang mga mag-aaral.

3.Dahilan dito ay nagbalik ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at natapos ang taon ng pag-aaral na mayroong limang medalya.

5.Huling Taon sa Ateneo (1876-77)

1.Naging ganap ang sigla ni Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo.

2.Nagtapos si Rizal sa Ateneo noong Marso 23, 1877 at natamo sa paaralan angBachiller en Artes.

6.Mga Naging Ibang Gawain sa Ateneo

1.Mga Samahan na Kinasapian ni Rizal

1.Kalihim ngMarian Congregation

2.Kasapi ngAcademy of Spanish Language

3.Kasapi ngAcademy of natural Sciences

2.Nag-aral siya pagguhit kay Agustin Saez na kilalang mahusay na pintor na Espanyol.

3.Nag-aral siya ng paglililok kay Romualdo de Jesus.

4.Nag-aral din siya ng eskrima at gymnastics.

5.Padre Jose Villaclara - nagsabi kay Rizal na tigilan na ang pagsulat ngtula.

7.Likhang Lilok

1.Imahen ng Birheng Maria na ipagkakaloobsanani Rizal kay Padre Lleonart.

8.Unang Pag-ibig ni Rizal

1.Segunda Katigbak ang babaeng unang minahal ni Rizal.

2.Mariano Katigbak kapatid ni Segunda at kaibigan ni Rizal.

3.La Concordia ang paaralan na pinapasukan ni Segunda Katigbak.

4.Manuel Luz ang lalaking takdang mapangasawa ni Segunda.

KABANATA 5 PAG-AARAL NG MEDISINA SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS (1877-82)

1.Sa pagtatapos ni Rizal sa Ateneo ay naghanda siya para sa pag-aaral sa unibersidad.

2.Ang planong pagpasok ni Rizal sa unibersidad ay tinutulan ng kaniyang ina dahilan sa pagkakaroon nito ng maraming kaalaman ay nanganganib ang buhay ni Rizal.

3.Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ina si Rizal ay isinama ni Paciano sa Maynila para mag-aral.

4.Noong Abril 1877 nagpatala para mag-aral si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas.

5.Ang una niyang kursong kinuha ay Pilosopia Y Letra bunga ng mga sumsusunod na dahilan:

1.Ito ang gusto ng kaniyang ama

2.Wala pa siyang tiyak na kursong gusto

6.Padre Pablo Ramon SJ ang hiningan ni Rizal ng payo ukol sa kaniyang dapat na maging kurso sa UST.

7.Sa unang semestre ng taong 1877-78 si Rizal din ay nag-aral sa kursongperito agrimensorsa Ateneo.

8.Sa ikalawang Semestre ng nasabing taon ay natanggap ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Ramon SJ na nagpapayo sa kaniya na kumuha ng Medisina. Kinuha ni Rizal ang kurso dahilan sa kaniyang pagnanais na magamot ang kaniyang ina.

9.Nagkaroon si Rizal ng relasyon sa mga sumusunod na babae:

1.Binibining L. isang babae na taga Calamba na laging dinadalaw ni Rizal sa gabi sa panahon ng bakasyon na umuwi siya mula Maynila na bigo kay Segunda Katigbak.

2.Leonora Valenzuela kapitbahay ng inuupahang bahay ni Rizal. Kaniya itong pinadadalhan ng sulat sa pamamagitan ng hindi nakikitang tinta.

3.Leonor Rivera pinsan ni Rizal at anak ng kaniyang inuupahang bahay. Sa kanilang pagsusulatan ay ginagamit ni Leonor ang pangalangTaimis.

10.Si Rizal ay naging biktima ng isang opisyal na Espanyol noong 1878. Si Rizal ay pinalo ng sable sa likod ng nasabing opisyal.

11.Noong 1879, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario. Sa nasabing paligsahan ay nanalo ng unang gantimpala ang kaniyang tulang sinulat na may pamagat naA La Juventud Filipina.Ang paligsahan ay para lamang sa mga Pilipino.

12.Noong 1880, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario ukol bilang pag-paparangal sa ika-400 taon ng kamatayan ni Miguel de Cervantes. Sa nasabing paligsahan ang kaniyang ginawang akda na may pamagat naEl Consejo de los Diosesay nanalo ng unang gantimpla. Ang paligsahan ay bukas sa mga Pilipino at Espanyol.

13.Kampeon ng mga Estudyante Nagtayo sina Rizal ng isang samahan na tinatagwag naCompaerismosa layunin na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga pang-iinsulto ng kanilang mga kamag-aral na Espanyol.

14.Hindi naging masaya si Rizal sa UST bunga ng mga sumusunod na kadahilanan;

1.Galit sa kaniya ang mga guro ng UST

2.Minamaliit ang mga mag-aaral na Pilipino ng mga Espanyol

3.Makaluma ang sistema ng pagtuturo sa UST

KABANATA 6 PAGPUNTA SA ESPANYA (1982-85)

A. Ang Pag-alis

1.Sa pagtatapos ni Rizal sa kaniyang ika-apat na taon ng pag-aaral ng medisina sa UST si Rizal ay nagbalak na tumungo ng Espanya para dito magpatuloy ng pag-aaral.

2.Ang Lihim na Pag-alis ni Rizal

1.Paciano ang nagbalak ng pag-alis ni Rizal para magtungo sa Europa.

2.Antonio Rivera ang ama ni Leonor Rivera na kumuha ng pasaporte ni Rizal patungo ng Espanya.

3.Jose Mercado ang ginamit na pangalan ni Rizal sa kaniyang lihim na pag-alis patungo sa Espanya.

3.Umalis si Rizal sa Pilipinas noong Mayo 3, 1882 sakay ng barkong Salvadora.

4.Donato Lecha ang kapitan ng barkong Salvadora.

B.Singapore

1.Mayo 8, 1882 narating ni Rizal angSingapore.

2.Hotel de la Paz hotel na tinuluyan ni Rizal saSingapore.

3.Dinalaw ni Rizal ang mga sumusunod:

1.Harding Botaniko

2.Distritong Pamilihan

3.Templong Budista

4.Estatwa ni Thomas Stanford Raffles tagapagtatag ngSingapore.

4.Nilisan ni Rizal angSingaporesakay ng barkongDjemnah.

B.Colombo

1.Maraming ibat ibang lahi ang nakasabay ni Rizal sa barkoDjemnahat binalak ni Rizal na magsalita ng Pranses ngunit hindi siya naintidihan ng mga ito.

2.Ang kaniyang sinabi sa Port Galle ay masyadong malungkot ang lunsod.

3.Nakarating siya saColomboat sinabi niyang maganda ang lunsod kaysa saSingapore, Port Galle, at Maynila.

B.Suez Canal

1.Suez Canal isang lagusang tubig na nag-uugnay ng Red Sea atMediterreneanSea.

2.Ferdinand de Lesseps isang diplomatikong Pranses na nagplano ng pagtatayo ngSuez Canal.

3.Nakarating si Rizal saPort Saidna dulong bahagi ng Ehipto. Dito nakita ni Rizal ang mga tao na nagsasalita ng ibat ibang mga wika.

B.Naples at Merseilles

1.Nagtungo ang barkongDjemnahsa Europa at noong narating ni Rizal angNaplesnoong Hunyo 11, 1882.

2.Kinabukasan ay narating niya ang daungan ng Merselles at kaniyang binisita angChateu dIfna siyang lugar na binanggit ni Alexander Dumas sa kaniyang nobelangCount of Monte Cristo.

B.Barcelona

1.Hunyo 15, 1882 nilisan ni Rizal ang Merseilles aty narating angBarcelonasakay ng tren galing Pransiya.

2.Narating niya ang Barcelona noong Hunyo 16, 1882.

3.Hindi maganda ang unang impresyon ni Rizal saBarcelonadahilan siya ay napatira sa hindi magandang bahagi ng lunsod.

4.Sa bandang huli ay nagbago ang kaniyang pananaw saBarcelonadahilan sa nakita niya ang lunsod ay nagtataglay ng kalayaan at liberalismo, ang mga tao ay palakaibigan, at magagalang.

5.Plaza de Catalua ang paboritong kaininan ng mga mag-aaral na Pilipino saBarcelonaat dito binigyan si Rizal ng isang piging bilang pagbati sa kaniyang pagdating.

B.Amor Patrio

1.Amor Patrio ang unang akda ni Rizal sa labas ng bansa. Dito rin ginamit ni Rizal ang pangalan sa panulat naLaong Laan.

2.Diariong Tagalog isang mapangahas na pahayagan sa Maynila na naglathala ng kaniyang mga artikulo.

3.Basilio Teodoro ang patnugot ng Diariong Tagalog.

4.Marcelo H. Del Pilar ang nagsalin ngAmor Patriomula sa wikang Espanyol sa wikang Tagalog.

5.Iba pang mga artikulong ipinadala ni Rizal sa Diariong Tagalog

1.Los Viajes

2.Revista del Madrid

B.Paglipat sa Madrid

1.Sa Barcelona ay nabalitaan ni Rizal ang balita ukol sa epidemya ng kolera sa Pilipinas.

2.Nakatanggap siya ng sulat mula kay Jose Cecilio na nagbabalita ng malungkot na kalagayan ni Leonor buhat ng siya ay umalis.

3.Pinayuhan ni Paciano si Rizal na lumipat ngMadrid.

B.Buhay sa Madrid

1.Nagpatala si Rizal sa Universidad Central de Madrid sa mga kursong:

1.Medisina

2.Pilosopiya at Pagsulat

2.Nagsikap na Matutunan ang mga sumusunod:

1.Pagpipinta at Paglilok sa Academy of Fine Arts of San Fernando

2.Nagsanay ng eskrima at pagbaril sa Hall of Arms of Sanz y Carbonell

3.Nag-aral ng mga wikang:

1.Pranses

2.Aleman

3.English

3.Namamasyal sa mga galerya ng sining at mga museo

4.Nagbasa ng maraming mga aklat

5.Naging matipid si Rizal sa kaniyang pagastos

6.Ang tanging sugal na tinayaan ni Rizal ay ang lotto

7.Nagpapalipas ng mga libreng oras sa bahay ng mga Paterno

B.Pag-ibig kay Consuel Ortiga y Perez

1.Nagkaroon ng pagkakataon si Rizal na makabisita sa bahay ni Seor Pablo Ortiga y Rey na dating alcalde ng Maynila sa panahon ng panunungkulan ni Gobernador Heneral Polavieja.

2.Consuelo ang anak na dalaga ni Don Pablo na umibig kay Rizal.

3.Pinadalhan ni Rizal ng isangtulaang dalaga na may pamagat naA La Seorita C. O. Y P.

4.Hindi itinuloy ni Rizal ang panliligaw sa dalaga dahilan sa:

a.Tapat siya kay Leonor

b.Ang kaniyang kaibigang si Eduardo de Lete ay nanliligaw sa dalaga

B.Si Rizal Bilang Mason

1.SaMadriday nakilala ni Rizal ang mga kilalang liberal ng Espanya na ang mga ito ay kabilang sa samahan ng mga Mason.

2.Masonerya isang pandaigdig na kapatiran ng mga taong may malayang kaisipan.

3.Sumali si Rizal sa nasabing samahan upang mahingi ang tulong ng mga ito sa kaniyang paglaban sa mga prayle sa Pilipinas.

4.Logia de Acacia ang balangay ng Masoneya na inaniban ni Rizal.

B.Paghihirap sa Paris

1.Nagkaroon ng paghihirap si Rizal saMadriddahilan sa hindi naging maganda ang ani sa kanilang lupa. Dahilan dito ay hindi nakarating ang sustento ni Rizal saMadrid.

2.Ipinagbili ni Paciamo ang bisiro ni Rizal para may maipadala lamang kay Rizal.

3.Kumuha si Rizal ng pagsusulit sa kaniyang aralin sa Griego na hindi man lamang nag-aalmusal at nananghalian.

B.Pagpugay kina Luna at Hidalgo

1.Nagkaroon ng pagpupugay ang mga Pilipino dahilan sa pagkapanalo nina :

1.Juan Luna saSpolarium

2.Felix Resurecion Hidalgo saVirgines Christianas Expuesta al Populacho.

B.Pagtatapos sa Pag-aaral

1. Natapos ni Rizal noong 1885 ang kaniyang kurso sa Medisina at Pilosopiya

KABANATA 7 - RIZAL SA PARIS HANGGANG BERLIN

I.Sa Paris (1885-86)

1.Nagtungo si Rizal sa kanyang layunin na magpakadalubhasa sa optalmolohiya o paggamot sa mata.

2.Bago nagtungo saParispansamantalang tumigil si Rizal sa bahay ni Maximo Viola na nag-aaral ng medisina sa Barcelo.

3.Sa Barcelona kaniyang nakilala siEusebio Carominasang patnugot ng pahayagangLa Publicidad.

4.Nobyembre 1885 - nakarating si Rizal saParisat naglingkod bilang katulongniDr.Loius de Weckertna pangunahing optalmolohista ng Pransiya. Nanatili dito si Rizal mula Nobyembre 1885 hanggang Pebrero 1886.

5.Sa labas ng kaniyang oras sa klinikani Dr.Weckert ay kanyang kaibigan partikular na dito ang pamilyangPardo de Tavera.

I.Heidelberg

1.Pagkatapos ng kanilang mga gawain sa Paris si Rizal ay nagtungo ng Alemanya para sa

pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa optalmolohiya.

2.Pebrero 3, 1886 - dinalaw ni Rizal ang makasaysayang lunsod ngHeidelbergna kilala sa kanyang unibersidad. Naninirahan siya sa isangboarding housena tinitirhan ng mga mag-aaral ng abogasya.

3.Sa Heidelberg si Rizal ay naglingkod bilang katulong sa klinika niDr. Otto Becker,isang kilalang doktor ng optalmolohiya sa Alemanya.

4.A Las Flores de Heidelberg -ang tulang sinulat ni Rizal sa kagandahan ng mga bulaklak ngHeidelberg.

5.Sa nasabing lunsod inabutan si Rizal ng selebrasyon ng Ikalimang Daan Taon ng Pagkakatatag ngHeidelberg.

I.Wilhelmsfeld

1.Wilhelmsfeld -isang bayang bakasyunan sa Alemanya kung saan si Rizal ay tumigil ng tatlong buwan.

2.Karl Ullmer-pastor protestante na tinigilan ni Rizal habang siya ay nagbabakasyon sa Wilhelmsfeld.

3.Napamahal kay Rizal ang pamilya ni Pastor Ullmer at ito ay kaniyang ipinadama niya sa pamamagitan ng pagsulat sa anak nito na siFriedrich Ullmerna nagpapasalamat sa kabutihan ng nasabing pamilya.

I.Unang Sulat kay Blumentritt

1.Hulyo 31, 1886- petsa ng unang sulat ni Rizal na ipinadal;a niya kay Blumentritt.

2.Ferdinand Blumentritt- isang propesor sa Ateneo ngLeitmeritz,Austriana interisado sa pag-aaral ng mga diyalekta ng Pilipinas.

3.Aritmetika -pamagat ng aklat na nakasulat sa wikang Espanyol at Tagalog na ipinadala ni Rizal kay Blumentritt upang magamit niyang batayan sa pag-aaral ng wikang Tagalog.

I.Leipsig atDresden

1.Leipsig - isang lunsod sa Alemanya na kaniyang binisita upang dumalo ng aralin saKasaysayan at Sikolohiya.

2.Dito ay kanyang naging kaibigan siFriedrich Ratzelna kilalang mananalaysay at siDr. Hans Meverna isang kilalang antropologo.

3.Isinalin din ni Rizal ang akda niHans Christian Andersen.

4.Dresden- binisita ni Rizal ang lunsod na ito at dito ay kaniyang nakilala siDr. Adolph Meverang direktor ng Museo ng Antropolohiya at Etnolohiya.

I.Pagtanggap kay Rizal sa Kalipunang Siyentipiko saBerlin

1.Berlin- hinangaan ni Rizal ang lunsod na ito dahilan sa pagkakroon nito ng siyentipikong kapaligiran at malaya sa pagtatangi ng lahi.

2.Dr. Feodor Jagor- nakatagpo ni Rizal ang nasabing manlalakbay na sumulat ng isang akalt tungkol sa Pilipinas.

3.Dr. Rudolf Virchow- isang kilalang antropolohistang Aleman na nakilala ni Rizal saBerlin.

4.Dr. W. Joest- isang kilalang heograpong Alemanya na nakilala ni Rizal saBerlin.

5.Dr. Karl Ernest Schweigger-isang kilalang optalmolohista ngBerlinat dito si Rizal ay naglingkod sa klinika.

6.Dr. Rudolf Virchow- kanyang inimbitahan si Rizal na magsalita sa isang pagpupulong ngEthnographic SocietyngBerlin.

7.Tagalog Verskunt- ang pamagat ng papel panayam na binasa ni Rizal sa isinagawang pagpupulong ngEthnographic SocietyngBerlin.

I.Buhay ni Rizal saBerlin

1.Mga dahilan ni Rizal sa Pagtigil saBerlin

a.Palawakin ang kaalaman sa optalmolohiya

b.Palawakin ang kaalaman sa agham at wika

c.Magmasid sa kalagayang pulitikal at kabuhayan ng Alemanya

d.Makilahok sa mga kilalang siyentipikong Aleman

e.Ipalimbag angNoli Me Tangere

1.Obserbasyon sa Mga Kababaihang Aleman

a.Seryosa

b.Matiyaga

c.Edukada

d.palakaibiganin

1.Paghihirap saBerlin

a.Walang dumating na padalang pera mula sa Calamba

b.Kumakain lamang ng isang beses sa isang araw

c.Naglalaba ng kaniyang sariling damit

d.Naghihinala siya sa pagkakaroon ng sintomas ng sakit na tuberkulosis

KABANATA 8 - PAGPAPALIMBAG NGNOLI ME TANGERE

I.Ang Ideya at Pagsulat ng Noli

1.Uncle Tom's Cabin- isang nobela na sinulat niHarriet Beecher Stowena tumatalakay sa buhay ng mga aliping itim sa Amerika.

2.Enero 2, 1884- petsa ng pagtitipon kung saan pinanukala ni Rizal sa grupo ng mga Pilipino na magsulat sila ng isang nobelang ukol sa kalagayan ng Pilipinas.

3.Paghahati ng Pagsulat ngNoli Me Tangere

a.1/2 sa Espanya

b.1/4 sa Pransya

c.1/4 sa Alemanya

1.Wilhelmsfeld -dito tinapos ni Rizal ang mga huling kabanata ng Noli Me Tangere.

2.Maximo Viola -ang nagsilbing tagapagligtas ngNoli Me Tangeresa pamamagitan ng pagpapahiram niya kay Rizal ng halagang P300 upang magamit sa pagpapalimbag ng nasabing nobela.

3.Pebrero 21, 1887 -petsang natapos angNoli Me Tangereat inihanda para sa pagpapalimbag.

4.BerlinBuchdruckrei-Action-Gesselschaft- ang palimbagan na tumanggap upang ilaathala angNoli Me Tangeresa halagang P300 sa daming 2,000 kopya.

5.Marso 21, 1887- lumabas ng palimbagan ang nobelangNoli Me Tangere.

6.Mga Unang Pinadalahan ni Rizal ng kopya ng Noli

a.Ferdinand Blumentritt

b.Dr. Antonio Ma. Regidor

c.Graciano Lopez-Jaena

d.Mariano Ponce

e.Felix Resurrecion-Hidalgo

1.Kinuha ni Rizal ang pamagat ngNoli Me Tangeremula saebanghelyo niSan Juan.

2.Inihandog ni Rizal angNoli Me Tangeresainang bayan.

3.Elias at Salome- ang isang kabanata na inalis ni Rizal saNoli Me Tangereupang makatipid siya sa presyo ng pagpapalimbag ng nobela.

KABANATA 9 - PAGLALAKBAY SA EUROPA KASAMA NI VIOLA

I.Ang Paglalakbay

1.Mayo 11, 1887 - nagsimula ang paglalakbay nina Rizal at Viola sa Europa.

A.Dresden

1.Ang kanilang paglalakbay saDresdenay napataon sa Eksposisyon ng mga Bulaklak.

2.Binisita ni Rizal si Dr. Adolph Meyer sa Museo ng Sining.

3.Prometheus Bound -isang obra maestrang pinta na labis na hinangaan ni Rizal saDresden.

4.Dr. Jagor - nagpayo kay Rizal na padalhan muna ngg telegrama si Blumentritt bago siya pumunta ng Leitmeritz.

A.Leitmeritz

1.Mayo 13, 1887 - dumating si Rizal sa Leitmeritz at dito siya ay sinalubong ni Prof. Ferdinand Blumentritt sa istasyon ng tren dala ang larawan na pagkakakilalanan kay Rizal.

2.Hotel Kreb - dito tumira sina Rizal at Blumentritt habang bumibisita sa Leitmeritz.

3.Nakilala ni Rizal ang pamilya ni Blumentritt

a.Rosa ang asawa ni Blumentritt

b.Dolores - anak

c.Conrad - anak

d.Fritz - anak

1.Burgomaster- ipinakilala ni Blumentritt si Rizal at kaniyang hinangaan ang katalinuhan ni Rizal sa madaling pagkatuto ng wikang Aleman.

2.Dr. Carlos Czepelak -isa sa mga kilalang siyentipiko ng Europa nma nakilala ni Rizal sa Leitmeritz.

3.Robert Klutschak -isang bantog na naturalista na nakilala ni Rizal sa Leitmeritz.

A.Prague

1.Dinalaw ni Rizal at Viola ang lunsod na ito noong Mayo 17 -19, 1887.

2.Dr. Willkom- ang professor ngnatural historyng Unibersidad ngPraguena dinalaw ni Rizal sa lunsod dala ang sulat ng pagpapakilala ni Blumentritt.

3.Binisita ni Rizal at Viola ang libingan niCopernicus- ang dakilang astronomo sa kasaysayan ng sangkatauhan.

4.Binisita din nila ang kuweba na nagsilbing bilangguan niSan Juan Nepomucenopati na ang tulay na pinaghulugan nito.

A.Vienna

1.Binisita ni Rizal sa lunsod na ito siNorfenfalsna isa sa mga pinakadakilang nobelista ng Europa noong panahong iyon. Sa dakong huli hinangaan din niya si Rizal sa katalinuhang taglay nito.

2.Hotel Metropole - hotel na tinigilan nina Rizal at Viola saVienna.

A.Pagbaybay sa Ilog Danube

1.Danube- isa sa mga malalaking ilog ng Europa. Nagsakay sina Rizal at Viola ng bangka upang makita ang kagandahan ng ilog at ng kanyang mga pangpang.

2.Dito napansin ni Viola sa unang pagkakataon ang kakaibang gamit ng mga tagarito na papel na napkin sa kanilang pagkain.

A.Lintz tungo sa Rheinfall

1.Munich- dinalaw nina Rizal at Viola ang lunsod at panandaliang namasyal upang malasahan angMunichbeer na bantog sa buong Alemanya.

2.Nuremberg- sa lunsod na ito ay dinalaw nina Rizal at Viola ang museo na nagtataglay ng mga kagamitang pangpahirapna ginamit sa panahon ng Ingkisisyon at ang pagawaan ng manyika na pinakamalaking industriya ng lunsod.

3.Ulm- dinalaw nina Rizal at Viola ang katedral ng lunsod na kilala bilang pinakamalaki at pinakamataas at pinanhik ang tore nito.

4.Rheinfall- nakita ni Rizal ang talon na ito na kanyang sinabing "pinakamaganda sa buong Europa."

A.Switzerland

1.Geneva- kay Rizal ang lunsod na ito ang pinakamaganda sa buong Europa.

2. Mga wikang sinasalita ng mga taga-Switzerland

a.Aleman

b.Pranses

c.Italyan

1.Dito niya natanggap ang isang telegrama ukol sa isinasagawang Eksposisyon saMadridna ang ipinapakita sa Pilipinas ay ang mga tribo ngIgorotna suot na bahag at mga makalumang kagamitan ay pinagtatawanan ng mga taga-Madrid.

2.Sa Geneva inabutan si Rizal ng kanyang ika-26 na taong kaarawan at kanyang pinakain si Viola ng isang masaganang pagkain.

3.Dito sa lunsod ngGenevanaghiwalay sina Rizal at Viola. Si Rizal para ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay sa Italya at si Viola naman para magbalik saBarcelona.

A.Italya

1.Mga lunsod ng Italya na binisita ni Rizal

a.Turin

b.Milan

c.Venice

d.Florence

e.Rome

1.Roma- nakarating si Rizal sa "lunsod ng mga Caesar" noong Hunyo 27, 1887. Hinangaan ni Rizal ng labis ang karangyaan ng nasabing lunsod.

2.Mga kahanga-hangang tanawin na binisita ni Rizal sa Roma

a.Capitolium

b.Bato ng Tarpeian

c.Palatinum

d.Forum Romanum

e.Ampiteatro

f.Simbahan ngSanta MariaMagigiore

1.Vaticano- ang lunsod na sentro ng Katolisismo sa mundo at dinalaw ito ni Rizal noong Hunyo 29, 1887. Kanyang nakita angBasilica de San Pedro- ang pinakamalaking simbahan sa mundo.

KABANATA 10 ANG UNANG PAGBABALIK

A.Desisyon na magbalik sa Pilipinas

1.Mga Tumangging magbalik si Rizal sa Pilipinas

a.Paciano Rizal

b.Silvestre Ubaldo

c.Jose Cecilio

1.Mga Dahilan ng Pagbabalik

a.Tistisin ang mata ng kanyang ina

b.Paglingkuran ang kanyang mga kababayan

c.Makita ang epekto ng kanayng nobelang Noli

d.Itanong kung bakit hindi na nasulat si Leonor Rivera

1.Hunyo 29, 1887- tumelegrama si Rizal sa kaniyang ama ukol sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.

A.Pagbabalik Patungo ng Maynila

1.Hulyo 3 ,1887- lumulan si Rizal sa barkongDiemnahang barkong kanyang sinakyan noong siya ay magtungo ng Europa limang taon na ang nakakaraan.

2.Hulyo 30, 1887- nakarating si Rizal saSaigonat sumakay ng barkongHaipong.

3.Agosto 5, 1887- nakarating angHaipongsa Maynila.

4.Napansin ni Rizal na sa limang taon niyang pagkakahiwalay sa bansa ay halos walang nagababago sa kaayusan at kaanyuan ng lunsod ng Maynila.

A.Pagbabalik sa Calamba

1.Agosto 8, 1887- petsa ng makarating si Rizal sa Calamba.

2.Paciano- hindi niya hiniwalayan si Rizal sa mga unang araw ng pagbabalik nito sa Calamba dahilan sa kanyang pag-aalala sa kaligtasan ng kanyang nakababatang kapatid.

3.Nagtayo si Rizal ng isang klinika sa Calamba upang maka-paglingkod sioya bilang manggagamot.

4.Ang kanyangunang naging pasyente ay ang kanyang ina, nguni't hindi niya ito inoperahan sa dahilang ang katarata nito ay hindi panoonhinog.

5.Tinawag si Rizal naDoktor Ulimanng mga taga -Calamba at naging bantog sa Calamba at mga karatig bayan at dinayo ng mga tao ang kanyang klinika.

6.Kumita si Rizal ngP900sa unang buwan ng kanyang paggagamot at sa buwan ng Pebrero 1888 ang halaga ay umabot ngP5,000.

7.Nagtayo si Rizal ng isanggymnasiumsa Calamba upang mailigtas ang kanyang mga kababayan sa bisyong tulad ng sugal at sabong.

8.Hindi nadalaw ni Rizal si Leonor Rivera dahilan sa pagtutol ng kanyang mga magulang na dalawin ang dalaga. Ang mga magulang ni Leonor Rivera ay ayaw na makatuluyan ng kanilang anak na si Rizal.

A.Ang Kaguluhang Bunga ngNoli Me Tangere

1.Nilapitan ng mga prayle ang gobernador heneral at naghahatid ng mga sumbong na laban sa nobelangNoli Me Tangere.

2.Emilio Terrero- ang gobernador heneral na nagpatawag kay Rizal ukol sa usapin ng nobelangNoli Me Tangereat kanyang hinigian si Rizal ng isang kopya ng nasabing nobela. Walang kopyang maibigay si Rizal dahilan sa naubos na ang kanyang mga dala.

3.Binisita ni Rizal sa Ateneo ang kanyang mga dating guro na sinaPadre Federico Faura,Francisco Paula Sanchez, at Jose Bechupang hingin niya ang kopya ngNoli Me Tangerena kanyang ibinigay sa Ateneo, ayaw ibigay ng mga pareng Jesuita ang kanilang mga kopya.

4.Pedro Payo- ang arsobispo ng Maynila na kalaban ng mga Pilipino at nagpadala ng kopya ng Noli Me Tangere sa rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas upang pag-aralan ang nobela.

5.Gregorio Echavarria- ang rektor ng UST at katulong ng lupon ng mga guro ng unibersidad na gumawa ng pag-aaral sa nobelang Noli Me Tangere.

6.Ayon sa pag-aaral ng mga lupon ng mga guro ng UST ng rekomendasyon na ang Noli Me Tangere ay heretikal, subersibo, at laban sa kaayusang pampubliko.

7.Hindi nagustuhan ni Terrero ang ulat ng lupon ng mga guro ng UST dahilan sa alam niyang kalaban ni Rizal ang mga Dominikano at ipinadala ang kopya ng Noli Me Tangere sa Permanenteng Lupon ng Sensura na binubuo ng mga pari at mga taong hindi alagad ng simbahan.

8.Padre Salvador Font- ang pinuno ng Lupon sa Sensura na nag-ulat na angNoli Me Tangere

ay subersibo at kontra sa simbahan at pamahalaan. Kanyang iminungkahi ang pagbabawal

ng pag-aangkat, paggawa at pagbibili ng mapanirang nobela.

A.Mga Kaaway ngNoli Me Tangere

1.Padre Jose Rodriguez- prayle ng Guadalupe na naglabas ng walong polyeto na bumabatikos sa Noli Me Tangere. Ang mga polyetong isinulat niya ay ipinagbibili sa mga nagsisimba.

2.Mga Senador ng Espanya na bumabatikos sa Noli Me Tangere.

Jose Salamanca

Luis M. de Pando

Fernando Vida

3.Vicente Barrantes- kanyang binatikos ang Noli Me Tangere sa kanyang inilathalang artikulo sa pahayagangLa Espana Moderna.

A.Mga Tagapagtanggol ng Noli Me Tangere

1.Marcelo H.delPilar

2.Antonio Ma. Regidor

3.Graciano Lopez Jaena

4.Mariano Ponce

5.Segismundo Moret- isang Espanyol na dating Ministro ng hari ng Espanya at tagapagtanggol ng Noli Me Tangere.

6.Miguel Morayta- propesor ng kasaysayan sa Unibersidad Central de Madrid.

7.Ferdinand Blumentritt

8.Padre Vicente Garcia- isang iskolar na paring Pilipino na gumawa ng isang polyeto na ginamitan niya ng pangalang panulat naDesiderio Magalangat kanyang sinagot ang mga akusasyon ni Padre Jose Rodriguez laban saNoli Me Tangereat sa may akda nito.

A.Ang Pakikipagkaibigan kay Jose Taviel de Andrade

1.Jose Taviel de Andrade- isang tenyente ng hukbong Espanyol na inatasan ni Gobernador Heneral Terrero upang magsilbing tagabantay ni Rizal laban sa mga lihim niyang kaaway.

2.Dahilan sa kapwa mga kabataan, edukado, at may kultura naging ganap na magkaibigan sina Rizal at Andrade .

3.Nakasama ni Rizal si Andrade sa pamamasyal, iskrimahan, at pagbaril.

A.Suliranin Agraryo sa Calamba

1.Naimpluwensiyahan si Gobernador Heneral Terrero ng kanyang nabasa saNoli Me Tangereat nagpasimula ng imbestigasyon sa mgahaciendana pag-aari ng mga prayle upang maituwid ang mga pagmamalabis na nagaganap dito.

2.Tumulong si Rizal sa kanyang mga kababayan sa Calamba sa pagkuha ng mahahalagang datos ukol sa suliraning agraryo sa kanyang bayan.

3.Lumabas sa pag-aaral na ginawa ni Rizal ang mga sumusunod:

a.ang hacienda ng mga paring Dominikano ay sumasakop sa buong bayan ng Calamba.

b.Ang tubo ng mga paring Dominikano ay patuloy na tumataas dahilan sa walang taros na pagpapalaki ng binabayarang upa sa lupa.

c.Anghaciendaay hindi man lamang nagkakaloob ng anumang tulong pinansiyal para sa mga pagdiriwang ng mga kapistahan, sa edukasyon ng mga kabataan, at pagpapabuti ng agrikultura.

d.Ang mga kasama na siyang nahirapan ng labis sa paggawa sa hacienda ay pinapaalis na lamang mula sa lupa sa dahilan lamang sa mga mababaw na kadahilanan.

e.Sinisingil ng mataas na tubo ang mga kasama sa hacienda at kung hindi nakapagbabayad ay kinukumpiska ng mga tagapangasiwa ng hacienda ang mga hayop, kagamitan, o maging ang bahay ng mga kasama.

A.Pag-alis sa Calamba

1.Dahilan sa Noli Me Tangere at pakikialam ni Rizal sa suliraning agraryo sa hacienda sa Calamba, si Rizal ay labis na kinamuhian ng mga prayleng Dominikano.

2.Pinilit ng mga prayle ang Gobernador Heneral Terrero na iligpit si Rizal sa pamamagitan ng pagpaptapon sa kanya ngunit ang gobernador heneral ay hindi sumunod sa kagustuhan ng mga prayle.

3.Nakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ni Rizal ang kanyang mga magulang at pinaki-usapan siya ng kanyang mga kamag-anakan pati na ni Tenyente Jose Taviel de Andrade na umalis na muna ng Pilipinas.

4.Pinatawag si Rizal ni Gobernador Heneral Terrero at pinayuhan siya na umalis ng Pilipinas para sa kabutihan ng una.

5.Napilitang umalis si Rizal sa Pilipinas bunga ng dalawang pangunahing kadahilanan.

6.Napapasanganib na rin ang buhay ng kanyang mga magulang, kapatid at mga kaibigan.

7.Mas higit siyang makalalaban para sa kapakanan ng byan kung siya ay magsusulat na malaya sa ibang bansa.

KABANATA 11 HONGKONG ATMACAO

A.Biyahe Patungo sa Hongkong

1.Peberero 3, 1888- sumakay si rizal ng barkongZafiropatungo ng Hongkong at nakarating sa Amoy,ChinanoongPebrero 7,1888.

2.Hndi lumabas si Rizal ngAmoybunga ng tatlong dahilan:

a.hindi mabuti ang kanyang pakiramdam

b.umuulannoonng malakas

c.narinig niya na ang lunsod ay marumi.

1.VictoriaHotel- dito nanuluyan si Rizal sa pagdating sa Hongkong

2.Jose Sainz de Varanda- isang opisyal na Espanyol na sumusubaybay o nagmamanman kay Rizal sa Hongkong.

3.Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong ang mga Pilipinong takas mula saMarianasna hinuli ng mga Espanyol noong 1872.

4.Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong siJose Basaisang abogadong tumakas saMarianasaat biktima ng terorismo ng Espanya ng 1872.

A.Pagbisita saMacao

1.Kiu Kiang- ang barkong sinakyan ni Rizal at Basa patungo saMacaonoong Pebrero 18, 1888 at nakita niya dito siJose Sainz de Varandana sumusunod sa kanya.

2.Don Juan Francisco Lecaros- Pilipino na nakapag-asawa ng Portugess at sa kanyang bahay si Rizal ay nanuluyan habang sila ay nasaMacao.

A.Karanasan sa Hongkong

1.Naobserbahan ni Rizal ang mga sumusunod sa Hongkong;

a.Maingay na pagdiriwang ng Bagong Taon ng Pebrero 11- 13, 1888.

b.Ang kaibahan ng tanghalan ng mga Tsino at paraan ng pagganap at paglalarawan ng mg galaw ng mga tauhan.

c.Ang masaganang piging kung saan ang mga panauhin ay inaanihan ng labis na pagkain.

d.Ang mga Dominikano ang pinakamayamang ordeng pangrelihiyon sa Hongkong dahilan sa pag-aari ng maraming mga bahay paupahan, at malaking halagang salapi na nakadeposito sa mga bangko na tumutubo ng malaking interes.

A.Paglisan sa Hongkong

1.Pebrero 22, 1888- nilisan ni Rizal ang Hongkong sakay ng barkongOceanicna pag-aari ng mga Amerikano at kanyang patutunguhan ay ang bansang Hapon.

KABANATA 12 SI RIZAL SA HAPON

A.Ang Pagdating sa Hapon

1.Pebrero 28, 1888- duamting si Rizal saYokohamaat tumigil saGrand Hotel.

2.Mula saYokohamanagtungo si Rizal saTokyona siyang punong lunsod ng nasabing bansa.

A.Si Rizal saTokyo

1.Juan Perez Caballero- opisyal ng Espanya saTokyona bumisita kaay Rizal sa hotel at inanyayahan si Rizal na manirahan sa gusali ng legasyon.

2.Tumira si Rizal sa legasyon ng Espanya satokyodahilan sa mga sumusunod:

a.Makatitipid siya ng malaki kung sa legasyon maninirahan

b.Wala naman siyang itinatago sa mga Espanyol

1.Sa kaniyang paninirahan sa legasyon ay naging matalik niyang kaibigan si Juan Perez Caballero at kanyang sinabi na angdiplomatay isang bata, matalino, at mahusay na manunulat.

2.Sa unang araw ni Rizal saTokyoay napahiya si Rizal sa dahilan na napagkamalan na isang Hapon na hindi marunong magsalita ngnihongo.

3.Napilitan si Rizal na mag-aral ng wikangnihongoat natutunan niya ito sa loob ng ilang araw lamang.

4.Pinag-aralan din ni Rizal angkabuki,sining, musika, atjujitsu.

5.Nakatagpo ni Rizal saTokyoang mga musikerong Pilipino.

A.Ang Impresyon ni Rizal sa bansang Hapon

1.Ang impresyon ni Rizal sa bansang Hapon

a.Ang kagandahan ng bansa

b.Kalinisan, pagiging magalang, at kasipagan ng mga Hapon

c.Magandang kasuutan at kasimplehan ng mga Haponesa

d.Kakaunti ang magnanakaw saTokyo

e.Halos walang pulubing makikita sa lansangan

A.Si O-Sei-San

1.Seiko Usui - ang babaing inibig ni Rizal noong siya ay nasa bansang Hapon at mas kilala siya sa katawagang ibinigay ni Rizal na O-Sei-San.

2.Nakita ni Rizal si O-Sei-San sa labas ng legasyon ng Espanya saTokyona kung saan malapit ang tinitirhan ni O-Sei-San.

3.Inabangan ni Rizal sa kanyang pagdaan sa harapan ng legasyon at siya ay ipinakilala ng hardinero ng legasyon kay O-Sei-San na isang manggagamot na mula sa Maynila at panauhin ng legasyon. Sumagot si O-Sei-San sa salitang Pranses at Ingles.

4.Buhatnoonay araw-araw nagkakatagpo si Rizal at O-Sei-San at nakasama ni Rizal sa pamamasyal sa mga magagandang lugar ng lunsod ngTokyo.

5.Napamahal si Rizal kay O-Sei-San dahilan ang una ay bigo kay Leonor Rivera at biktima ng kawalan ng katarungan.

6.Si O-Sei-San ay anak ng isangsamurai23 at walang karanasan sa pag-ibig. Ang magkatulad nilang interes sa sining ang nagbigay daan sa kanilang pag-ibig.

7.Nakita ni Rizal kay O-Sei-Sanang kaniyang ideal na babaing iibigin. Si O-Sei-San ay maganda, mapanghalina, mahinhin at matalino.

8.Naibigan ni O-Sei-San si Rizal dahilan sa maginoo, magalang at pagkakaroon ng maraming kaalaman.

9.Tinulungan ni O-Sei-San si Rizal sa maraming paraan ng higit sa isang katipan. Si O-Sei-San ay nagsilbing kasama ni Rizal sa pamamasyal, interpreter at tagapagturo.

10.Ang kagandahan ni O-Sei-San ay halos bumihag kay Rizal na manirahan sa Hapon at tanggapin ang magandang hanapbuhay na inaalok ng legasyon ng Espanya saTokyo.

11.Pinili ni Rizal ang paglilingkod sa bayan kaysa sa pakasalan si O-Sei-San .

12.Naging tapat si O-Sei-San kay Jose Rizal nag-asawa lamang ito noong 1897 pagkatapos na bitayin si Rizal. Napangasawa ni O -Sei-San siAlfred Charltonna isang Ingles na isang guro ng kemistriya saTokyo.

A.Pag-alis sa Hapon

1.Abril 13, 1888- petsa ng umalis si Rizal saYokohamapatungo ng Amerika sakay ng barkongBelgic.

2.Sa kanyang paglalakbay sa Pasipiko ay nakatagpo ni Rizal sa barko ang mag-asawangReinaldo Turner at Emma Jacson. Itinanong ng kanilang anak kung kilala niya si Richal na sumulat ngNoli Me Tangere. Sinabi niya sa mga bata na siya si Rizal.

3.Techo Suhiro - isang Hapon na nakasabay ni Rizal sa barko. Siya ay mamamahayag, nobelista, at tagapagtanggol ng karapatang pantao sa Hapon.

a.Magkatulad si rizal at Techo sa dahilan sa silang dalawa ay pinaalis sa kanilang mga

bansa ng isang mapagmalupit na pamahalaan.

b.Kapwa sila mga lalaki ng kapayapaan na gumamit ng lakas ng panulat sa pagtuligsa sa kabuktutan na nagaganap sa kanilang bansa.

c.Nagtungo sila sa ibang bansa upang doon ipagpatuloy ang kanilang pakikipaglaban para sa karapatan ng kanilang mga kababayan.

d.Kapwa sila mayroong misyon na palayain ang kanilang bansa sa mga mapaniil na pinuno ng pamahalaan.

KABANATA 13 SI RIZAL SA ESTADOS UNIDOS

A.Ang Paglalakbay sa Amerika

1.Abril 28, 1888- dumating ang barkongBelgicsa daungan ng lunsod ngSan Francisco.

2.Hindi pinayagan ang mga pasahero na makababa ng barko at sila ay kinuwarentenas dahilan sa takot ng mga Amerikano na ang mga ito ay mayroong sakit na kolera.

3.Nabigla si Rizal sa dahilang noong panahong iyon ay walang epidemya ng kolera sa Malayong Silangan at ang konsul ng Estados Unidos sa Hapon ay nagbigay ng patunay na walang epidemya ng nasabing sakit sa Hapon.

4.Nalaman ni Rizal na ang dahilan ng kuwarentenas ay upang hind makapasok agad ang mga manggagawang Tsino sa Estados Unidos na ayaw ng mga Amerikanong manggagawa. Pag pumasok ang mga manggagawang Tsino ay matatalo ang nakaupong presidente ng Amerika sa nalalapit na eleksiyon.

5.Kahit na may kuwarentenas ay pinayagan ng mga Amerikano na makapasok ang 700 bales ng sutla na mula sa Tsina na hindi man lamang pinapausukan ng gamot.

6.Nakaalis si Rizal at mga biyahero mula sa primara klaseng kabina mula sa kuwarentenas pagkatapos ng isang linggo. Ang mga Hapon at Tsino ay ikinulong pa ng mas mahabang panahon.

7.Tumuloy si Rizal saPalace Hotelsa kanyang panahon ng pananatili saSan Francisco.

8.Mula saSan Franciscoay tinawid ni Rizal ang kalawakan ng Estados Unidos hanggang sa lunsod ngNew York.

9.Narating ni Rizal angNew YorknoongMayo 3, 1888at kaniyang sinabi na ang lunsod ay isang napakalaking bayan.

10.Mula saNew Yorksi Rizal ay sumakay ng barkongCity of Romena nagdala sa kanya patungo ngLondon.

11.Mga Impresyon ni Rizal sa Amerika

Mabuting Impresyon

a.ang kaunlaran ng Estados Unidos ay makikita sa kanyang malalaking lunsod, malawak ang bukid, at lumalagong mga industriya at abalang mga pabrika.

b.Ang pagiging masigasig ng mga mamamayang Amerikano.

c.Ang likas na kagandahan ng bansa.

d.Ang mataas na antas na pamumuhay ng tao.

e.Ang magandang pagkakataon para sa mga dayuhang manggagawa.

Masamang Impresyon

a.Ang kawalan ng pagkakapantay ng mga lahi. Ang Amerika ay isang magandang bayan para sa mga puti at hindi sa mga taong may kulay ang balat.

KABANATA 14 SI RIZAL SALONDON

A.Mga Dahilan ng Pagtira saLondon

1.Mapahusay ang kanyang kaalaman sa wikang Ingles

2.Pag-aralan at iwasto ang aklat naSucesos de las Islas Filipinasna isinulat ni Morga.

3.Ligtas ang London sa kanyang pakikipaglaban sa kalupitan ng mga dayuhan sa Pilipinas.

A.Pagtawid sa Atlantiko

1.Sakay ng barkongCity ofRomesi Rizal ang nagsilbing interpreter ng mga pasahero bunga ng kanyang kaalaman sa maraming wika.

2.Pianahanga ni Rizal ang kanyang mga kapwa pasahero sa kahusayan niya sa paglalaro ngyoyo.

3.Nakipagtalakayan sa mga mamamahayag na Amerikano ukol sa suliranin ng sangkatauhan. napansin ni Rizal ang kahinaan ng mga ito sa kaalaman sageopolitics.

4.Dumating si Rizal saLiverpool,EnglandnoongMayo 24, 1888at nagpalipas ng gabi saHotel Adelphi.

A.Ang Buhay ni Rizal saLondon

1.Dumating si Rizal saLondonngMayo 25, 1888.

2.Pansamantalang nanirahan si Rizal sa bahay niAntonio Ma. Regidorna isang takas na Pilipino sa Marianas noong 1872 at nagtatrabaho bilang abogado saLondon.

3.Nakahanap ng isang bahay na matitirahan si Rizal saLondonat may address na37 ChalcotCrescent, Primrose Hill.

4.Ang may-ari ng nasabing bahay paupahan ay ang pamilyang Beckett na isang organista ng Katedral ngSt. Paul.

5.Ang bahay ng mga Beckett ay nasa magandang lokasyon, malapit saBritishMuseum.

6.BritishMuseum- ang pambansang aklatan ngEnglandna nagtataglay ng napakarami at mga di-karaniwang mga aklat. Dito ginugol ni Rizal ang kanyang maraming araw sa London sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa nabanggit na aklatan.

A.Mga Balita sa Mula sa Pilipinas

1.Masamang Balita

a.pag-uusig sa mga makabayang Pilipino na lumagda sa Manipestong laban sa mga Prayle na iniharap ni Doroteo Cortes. Ang manipesto ay nilagdaan ng 800 na Pilipino at isinulat ni Marcelo H. del Pilar na humihiling sa pagpapa-alis ng mga prayle sa Pilipinas.

b.pag-uusig laban sa mga kasama sa lupa sa Calamba, kabilang dito ang pamilya ni Rizal dahilan sa kanilang ginawang petisyon para sa repormang agraryo.

c.Malubhang paninira nina SenadorSalamancaat Vida sa Cortes ng Espanya laban saNoli Me Tangere, gayundin ng mga manunulat na sina Wenceslao Retana at Pablo Feced sa mga pahayagang Espanyol.

d.Ang bayaw ni Rizal na si Manuel Hidalgo ay ipinatapon ni Gobernador Weyler ng walang anumang ginanap na paglilitis.

e.Dinakip ng mga Espanyol si Laureano Viado na kaibigan ni Rizal sa Maynila dahilan sa nahulihan ng mga Espanyol ng sipi ngNoli Me Tangeresa kanyang bahay.

1.Magandang Balita

a.abalitaan ni Rizal ang ginawang pagtatanggol ni Padre Vicente Garcia sa nobelangNoli Me Tangerelaban sa pagbabatikos ng mga prayle.

A.Ang Anotasyon ng Sucesos ni Morga

1.Sucesos de las Islas Filipinas-isang aklat na sinulat ni Morga noong 1609 ukol sa mga kaganapan sa Pilipinas.

2.Binasa din ni Rizal ang mga aklat na sinulat ninaChirino, Colin, Argensola, atPlasenciaukol sa mga dating kaugalian ng mga Pilipino sa unang bahagi ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa.

3.Sa kanyang sulat ay sinabi niyang mahusay ang aklat ni Morga dahilan sa wala siyang kababawan at kayabangan na tulad ng sa mga prayle, simple ngunit ang kanyang mensahe aynasa pagitan ng bawat hanay ng mga salita.

4.Sa loob ng sampung buwan ay naging abala si Rizal sa kanyang pagsasaliksik pangkasaysayan saLondon.

5.Dahilan sa labis na kaabalahan ay kanyang tinanggihan siMariano Poncesa alok nito na maging patnugot ng isangh pahayagan na sasagot sa mga paninira ng mga Espanyol laban sa mga Pilipino.

6.Habang naninirahan saLondon, si Rizal ay gumawa ng saglit na pagbisita saParisupang basahin ang ilang mga babasahing materyal saBibliotheque Nationaleo pambansang aklatan ng Pransiya.

7.Binisita din panandali ni Rizal angMadridatBarcelonaupang alamin sa mga Pilipino ang kanilang ginagawang pagkilos para sa reporma sa Pilipinas. Sa unang pagkakataon ay nakita ni Rizal si Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce, ang dalawang higante ng kilusang propaganda.

8.Nagbalik si Rizal saLondonnoong Disyembre 24, 1888 at nagdaos ng Pasko at Bagong Taon sa tahanan ng mga Beckett . Nagpadala si Rizal ng regalo kay Blumentritt at Dr. Czepelak.

A.Ang Aktibong Pakikilahok sa Kilusang Propaganda

1.Itinatag ng mga Pilipino saBarcelonaang isang makabayang samahan na tinawag naAsosacion La Solidaridadna pinasinayaan noong Disyembre 31, 1884.

2.Sa pamamagitan ng nagkakaisang boto, si Rizal ay nahalal na Pangulong Pandangal ngAsociacion La solidaridadbilang pagkilala sa kanyang pamumuno sa lahat ng mga makabayang Pilipino sa Europa.

3.Nagpadala si Rizal ng isang liham saAsociacion La Solidaridadna nagpapasalamat sa kanilang pagtitiwala at pagpapayo sa ikapagtatgumpay ng samahan.

4.NoongPebrero 15, 1889itinatag niGraciano Lopez JaenasaBarcelonaang pahayagang makabayan na amy pamagat naLa Solidaridadna lumalabas tuwing ikalawa at huling linggo ng buwan at nagsilbing pahayagan ng kilusang propaganda.

5.Mga layunin ng PahayagangLa Solidaridad

a.Isulong ang isang mapayapang pagbabagong politikal at panlipunan sa Pilipinas

b.Ipakita sa mga mambabasa ang kalunus-lunos na kalagayan ng Pilipinas upang malapatan ng lunas ng pamahalaang Espanya.

c.Labanan ang mga paring Espanyol sa Pilipinas nanoonay siyang kumokontrol ng pamahalaan.

d.Isulong ang kaisipang liberal at kaunlaran.

e.Isulong ang makatuwirang karapatan ng mga Pilipino para sa buhay, demokrasya, at kaligayahan.

6. Pinayuhan ni Rizal ang mga miyembro ng pahayagangLa Solidaridadna maging

makatotohanan at tapat sa kanilang mga isusulat upang igalang ng mga mababasa ang kanilang

opinyon. Sinabi din ni Rizal na huwag gayahin ang mga mamahayag na binabayaran ng mga

prayle na gumagamit ng pandaraya at mga bulgar na salita.

7. Los Agricultores Filipino -ang unang artikulo na isinulat ni Rizal para sa pahayagangLa

Solidaridadat nalathala noong Marso 25, 1889. Sa nasabing artikulo ay kanyang sinabi na

ang dahilan ng pagiging paurong ng mga magsasakang Pilipino ay ang napakaraming balakid

sa kanyang pagsulong tulad ng mga mahihigpit na pinuno, mga magnanakaw, sakunang mula

sa kalikasan, sapilitang paggawa, at marami pang mga salik na hindi magbibigay daan sa pag-

unlad ng kabuhayan