14
IPINASA NI: ARRIEUNICE RENTUZA CATHY PANALIGAN BSE BIOSCI IPINASA KAY: GNG. OPHALYN MORTERA PANIMULA: LUPANG MAY PANGAKO” o ‘LAND OF PROMISE” ang nagging bansag sa isla ng Mindanao at naging pupolar na pagturing ito sa isla lalo na ng simulan ng dating pangulong Magsaysay ang paghimok sa

Resume

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Resume about me

Citation preview

Page 1: Resume

IPINASA NI: ARRIEUNICE RENTUZA

CATHY PANALIGAN

BSE BIOSCI

IPINASA KAY: GNG. OPHALYN MORTERA

PANIMULA:

Page 2: Resume

“LUPANG MAY PANGAKO” o ‘LAND OF PROMISE” ang nagging bansag sa isla ng Mindanao at naging pupolar na pagturing ito sa isla lalo na ng simulan ng dating pangulong Magsaysay ang paghimok sa mga Pilipino na humayo at dito ay manirahan upang ditto ay pasiglahin at pagyamanin ang kabuhayan.

Maraming mga Pilipino mula sa Luzon ang tumugon sa panawagang ito kaya naman ngayon, isang isla ang Mindanao na pwedeng sabihing kinatatampukan ng dibersidad o pagkakaiba-iba.

Bukod sa mga muslim, marami rin ang mga grupong kristiyano at mga lumad,ito iyong nagtuturing sa kanilang sarili na katutubo ng Mindanao, hindi dayo kundi naguugat ditto bilang mga tao at mga kumunidad.

Dahil sa pangyayaring ito, nagaganap ngayon sa Mindanao ang ilan sa maga kapanapanabik na yugto ng kasaysayan ng bansa. Kaya naman, matatagpuan din sa mga panitikan ditto ang lubos na pagkakaiba-iba at sa gayon ay pagiging makulay.higit na pinatitingkad ito ng katunayang mabilis na umuunlad ang kabuhayan ng Mindanao kung ihahambing sa iba pang panig ng bansa.

Ang pag-aaral sa panitikan ng Mindanao kung gayon ay iasang pag-aaral din ng dibersidad ng lahing Pilipino. Dibersidad o pagkakaiba ito hindi lamang sa kultura at relihiyon kundi maging sa panlasa, pagtingin sa buhay, sining at pangangasiwa ng mga komunidad at mga bayan.

Hindi ipinanunukala gayun man na ang dibersidad na ito ay indikasyon ng pagkakawatakwatak ng lahi katunayan, nadaragdagan nga ang mga pagkakaibang ito upang higit na maging makulay ang mga kabihasnan at kulturang Pilipino.

Maaring mapatunayan natin iayn sa pag-susuri sa ilang mga tekstong pampanitikan mula sa ibat-abang grupo ng etnolinguistiko at mga pangkat ng relihiyoso sa Mindanao.

MGA PROBINSIYA AT KABISERA

Matutunghayan ninyo sa parteng ito ang isang pagpapakilala sa panitikan ng isang rehiyon sa Filipinas, ang Hilagang

Mindanao o ang Rehiyon X. Maibabahagi sa pamamagitan ng papel na ito ang munting pagkilala sa iba’t-ibang uri ng

panitikan sa rehiyon na payayamanin din ng ilang kaalaman patukoy sa pampisikal, pang-ekonomiya, pangkultura at

panlipunang aspeto ng rehiyon. Bukod dito, naglalayon din ang papel na masagot ang mga katanungang, saan ng ba

patungo ang panitikang Filipino? at Sapat ba ito para bumuo ng isang wikang pambansa?

Page 3: Resume

Sa pagdaloy nito, sana ay hindi lamang kapulutan ng mga teknikal na kaalaman tungkol sa rehiyon, sa halip

magkaroon din ng isang makabayang pagtangkilik at pagsasapuso ng ating pagka Filipino ang mambabasa at

magkaroon ng mga positibong pananaw para sa pag-unlad natin bilang isang bayan.

Sa pagbubukas ng katawan ng papel na ito, sisimulan ng manunulat ang pagpapakilala sa kabuuang sining at yaman

ng rehiyon sa pagtatalakay muna sa mga pampisikial na katangian at kasaysayan ng bawat lalawigang nasasakop

nito. Kabilang na rin dito ang mga pang-ekonomiya, panlipunan at pang-kulturang aspeto ng bawat isa.

Mayroong limang lalawigang bumubuo sa Hilagang Mindanao, ang Bukidnon, Misamis Oriental, Misamis Occidental,

Camiguin at Lanao del Norte.

BUKIDNON

Ang lalawigan ng Bukidnon sa Hilagang Mindanao ng Filipinas ay isang patag, mapuno at mabundok na lupain na

mayroong sukat na 829,378 na hektarya. Pinaliligiran rin ito ng Misamis Oriental sa Hilaga, Agusan del Sur sa

Silangan, Coatabato, Davao del Norte at Lanao del Sur sa Timog at Lanao del Norte sa Kanluran, kaya naman

tinatawag nalandlocked ang lalawigang ito.

Ang Bukidnon ay binubuo rin ng dalawang lungsod, ang Valencia at Malaybalay na siyang kapital nito at ng

dalawampu pang munisipalidad: Baungon, Cabanglasan, Impasug-Ong, Lantapan, Manolo Fortich, Quezon, Talakag,

Dangacan, Damulog, Kibawe, Libona, Maramag, San Fernando, Kitaotao, Kadingilan, Don Carlos, Malitbog,

Pangantucan at Sumilao. Kung populasyon naman ang paguusapan, ayon sa 2007 census ng Filipinas ay mayroong

humigit kumulang 1,190,2840 katao sa buong lalawigan ng Bukidnon.

Bago naging ganap na lalawigan ng Hilagang Mindanao ang Bukidnon, ano nga ba ito dati? Noong 1850, panahon

ng mga Kastila, munisipalidad pa ang Bukidnon ng lalawigan ng Misamis, hindi pa kilala ang munsipalidad noon sa

pangalang Bukidnon sa halip Malay-balay at Bukidnon naman para sa mga taong naninirahan dito. Kaunti lang ang

mga katutubong naninirahan noon sa Malay-balay, kaya na rin siguro ito ang ipinangalan sa munisipalidad dahil

nangangahulugan itong kaunting mga bahay. Nang sumiklab ang 1900 nagsimula na rin dumating ang mga

Amerikano sa Filipinas. Noong Agosto 20, 1907 sa tulong ng proposisyon ni Komisyoner Dean C. Worsetr ng The

Philippine Comission na ihiwalay ang Malay-balay sa Misamis, naipasa ang Philippine Comission Act 1963 na

naglalalaman ng ganitong layunin. Bilang bungad ng nasabing Comission Act, naging regular na probinsya o

lalawigan ang Bukidnon pagsapit ng Setyembre 1, 1914 at opisyal na nadeklarang probinsya ng Hilagang Mindanao

Page 4: Resume

noong Marso 10, 1917. Ngunit nang dumating ang mga Hapon sa Filipinas noong 1942, sinakop nila ang Bukidnon at

tsaka na lamang nakatanggap ng independensya noong 1945, panahon ng liberasyon kung kalian napalisan na ang

mga Hapon sa Filipinas.

Binubuo rin ng iba’t-ibang tribo at katutubo ang mga mamamayan ng Bukidnon. Ngunit ang mga tribong Manobo at

Talaandig lamang ang natira sa Bukidnon matapos ito maging ganap na probinsya. Hanggang sa kasalukuyan ay

buhay pa rin ang mga tribong ito sa Hilagang Mindanao. Sa katunayan pati ang mga makalumang paniniwala at

kultura nila’y kasalukuyan pa rin nilang isinasabuhay. Hindi nga lang sila laganap sa kapatagan ng Bukidnon sa halip

sa mga malalayo at matataas na kabundukan. Kaya nga siguro may iba’t-ibang lebel ang uri ng mga pamumuhay sa

Bukidnon, ang unang lebel ay sinasakupan ng mga tribo ng Bukidnon, yoon ngang mayroon pa ring tradisyunal na

pamumuhay at nakatira sa mga liblib na gubat at matataas na bundok. Ang pangalawang lebel naman ay

sinasakupan ng mga mamamayan na may tradisyunal na pamumuhay pa rin ngunit naninirahan na sa kapatagan ng

lalawigan. Ang sa ikatlong lebel naman ay ang mga mamamayan na nakakapag-aral at mulat sa makabagong

pamumuhay sa kasalukuyan. Ang sa ikaapat na lebel naman ay sinasakupan ng mga mamamayang sanay na sa

makabagong pamumuhay at hindi na tumatangkilik pa sa mga tradisyunal na kaugalian at kultura. At panghuli, ang

ikalimang lebel, dito na nabibilang ang mga imigrante mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa o sa ibang bansa na piniling

mamuhayan sa Bukidnon. Halimbawa ng mga ito ay mga Cebuano, Ilocano, Panay-Hiligaynon, Tagalog, Ivatan,

Muslim at marami pang iba. Malaki ang naitulong ng paninirahan ng iba’t-ibang katutubong ito sa pag-unlad ng

probinsya dahil sa iba’t-ibang klaseng impluwensyang naidulot nito katulad ng lenggwahe. Sa Bukidnon, mas gamit

ang wikang Cebuano kaysa sa wikang Binukid na pumapangalawa lamang at pumapangatlo naman ang wikang

ingles. Ang mga samu’t-saring impluwensya at kultura na dala ng mga imigrante ay nagbuklod-buklod upang

magkaroon ng isang epektibong lipunan at ekonomiya.

Dahil sa ang Bukidnon ay isang lalawigang malupa at pinaliligiran pa ng malalawak na lupain, pangunahing

ekonomiya nito ang agrikultura. Sa katunayan, ito ay tinaguriang Pineapple Capital of the World dahil sa ito ang

nagtataglay ng pinaka-malaking plantasyon ng pinya sa buong mundo. Bukod sa pinya ay nangunguna rin ito sa

industriya ng pagaani ng mais, palay, tubo, kape, gulay, bulaklak at rubber. Ilan sa mga kilalang korporasyon dito ay:

Menzi Farms- matatagpuan sa munisipalidad Manolo fortich, na nagaani iba’t-ibang prutas at bulaklak tulad ng

orange, pinya, cacao at kape.

RPA Ventures- isang korporasyon na nagaani ng mga bulaklak, matatagpuan din sa Manolo fortich, Barangay

Diclum.

Magic Farms- isa itong malawak na lupain para sa iba’t-ibang eksperimentasyong pang-agrikultural. Nagaani rin ng

iba’t-ibang prutas tulad ng ubas, saging, langka at mga isda.

Page 5: Resume

Del Monte Philippines Inc.- Ito ang tinuturing na pinakamalaking plantasyon ng pinya kabuuan ng malayong

Silangan. Matatagpuan ito sa munisipalidad ng Manolo Fortich, Libona, Impasugong, Sumilao at Malaybalay.

Bukod sa pagiging kilala ng Bukidnon sa pang agrikultural na aspeto, kahanga-hanga rin ang kasiningang nananaig

sa bayang ito. Kilala ang mga Handicrafts nila na gawa sa rattan, kawayan at kahoy, tulad ng basket, mga kagamitan

sa bahay, sculptures at iba pa.Isa pang tinatangkilik na sining sa Bukidnon ay ang mga pista, partikular ang

Kaamulan Festival. Ito ay idinaraos sa huling linggo ng Pebrero hanggang sa unang linggo ng Marso. Inihahandog sa

pagdiriwang na ito ang mga yaman ng at tradisyon ng pitong tribong nanirahan sa Bukidnon: Higaonon, Talaandig,

Umayamon, Manobo, Tiwahanon, Matigsalug at Bukidnon. Inihahandog ng ilang mantatanghal sa pagdiriwang ang

kasaysayan ng Bukidnon, kasama rin sa pagdaraos nito ang mga karaniwang programa sa isang pista tulad ng mga

food fest, garden show, street dancing at iba pa.

MISAMIS ORIENTAL

Mula sa Bukidnon, ang susunod na ipapakilala naman ay ang Misamis Oriental. Kung ikukumpara sa 829,378

hektaryang lawak ng lupain ng Bukidnon ay maliit na maliit lamang ang Misamis Oriental, mayroon lamang itong

357,010 hektaryang lawak ng lupain ngunit hindi tulad ng Bukidnon na landlocked, ito ay napapaligaran ng anyo ng

tubig sa parteng Hilaga at Kanluran nito: Macalajar Bay sa Hilaga, Iligan Bay sa Kanluran, Agusan del Norte sa

Silangan at Bukidnon at Lanao del Norte sag awing Timog. Sa madaling salita ang Misamis Occidental ay

napapaligiran pareho ng katubigan at kabundukan, partikular mga bulkan na may 2500m ang taas.

Ang Misamis Oriental ay binubo ng dalawang lungsod, ang Cagayan (kapital) at ang Ginoog tapos ay dalawampu’t

apat na munisipalidad: Alubijid, Balingasag, Balingoan, Binuangan, Claveria, Gitagum, Initao, Jasaan, Kinoguitan,

Lugait, Lagonglong, Laguindinigan, Libertad, Magsaysay, Opol, Manticao, Medina, Naawan, Tagoloan, Salay,

Talisayan, Villanueva, El Salvador. Sinasakupan din ng Misamis Oriental ang humigit kumulang na 1,126,215 tao

base sa 2007 cenus population.

Bago maging Misamis Oriental, nagsimula muna ang lalawigan bilang Misamis. Nagmula sa mga Kastila ang

pangalang ito na nangangahulugang Kuyamis na siya raw nagsilbing sinaunang pagkain ng mga sinaunang

katutubong nanirahan ditto, gayunman sinasabi rin ng iba na ang Misamis daw ay nagmula sa salitang Misa na siya

raw sinisigaw ng mga bagong binyag na Kristyanong Filipino sa lugar na ito, tuwing darating ang mga magmimisang

prayle.

Nagsimula ang kasaysayan ng Misamis noong 1818 panahon ng mga Kastila, nang gawin itong

corrigemiento at naging isa sa apat na dibisyon ng Hilagang Mindanao: Partido de Misamis, Partido de Dapitan,

Partido de Cagayan at Partido de Catamaran. Pagdating naman ng ika-19 siglo, kasabay ng pagdating ng mga

Amerikano, nabuwag na ang mga corrigemiento at naging isa sa anim na distrito ng Mindanao ang Misamis at

Page 6: Resume

itinatag ang Cagayan de Oro bilang kapital nito at ng buong Hilagang Mindanao. Pagsapit ng 1929 naipasa ang

Legislative Act No. 3537 na nagsasaad ng paghahati sa Misamis sa dalawa, makalipas ang sampung taon, taong

1939 ganap na nahati na ang Misamis sa Misamis Oriental at Misamis Occidental at ang unang gobernador ng

Misamis Oriental ay si Don Gregorio Palaez.

Tulad sa Bukidnon, nakatira rin ang samu’t-saring mga katutubo at tribo sa Misamis Oriental. Ilan sa mga

etnikong grupong naninirahan pa rito ay ang mga Manobo at Bukidnons. Binubuo rin ang populasyon ng lalawigan ng

iba’t-ibang mamamayan mula sa iba’t-ibang lugar sa loob at labas rehiyon katulad ng mga Cebuano, Ilocano, Muslim,

Tagalog, Bisayan, Cagayanon at iba pa. Kaya naman ganon din kalaganap ang iba’t-ibang wikang ginagamit sa loob

ng probinsya. Nariyan ang Cebuano, Tagalog, Maranao, Hiligaynon, Ilonggo, Waray at Ingles.

Pag dating naman sa ekonomiya ay mas maraming benepisyo ang Misamis Oriental kaysa sa Bukidnon

dahil sa heograpiya nito. Bukod sa pagkakaroon ng ekonomiyang pang-agrikultural ay bukas din ito sa mga likas

yamang pandagat dahil sa napapaligiran ang hilaga at kanlurang bahagi nito ng katubigan.

Ilan sa mga kilalang industriyang pang-ekonomiya sa Misamis Oriental:

Del Monte Pineapple Cannery- Matatagpuan sa Cagayan de Oro City, dito ginagawa ang mga produktong de lata ng

del monte tulad ng pineapple juice at iba pa.

Mindanao Product Showroom- Isang showroom sa Cagayan de Oro, kung saan naka display ang iba’t-ibang

handicrafts sa buong Hilagang Mindanao.

Ostrich and Crocodile Farm- Matatagpuan ito sa Opol, Misamis Oriental. Pagmamay-ari ng mga Filipino-Chinese na

negosyante.

Mindanao Slik Mulberry Farm- Matatagpuan sa Claveria, Misamis Oriental. Binabahay nito ang Philippine Textile

Research Institute Mindanao Office.

PHIVIDEC Industrial Estate- Matatagpuan sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Ceramic Making- Sa Bulua, Cagayan de Oro. Gawaan ito ng mga paso, plato, banga at iba pang ornamental.

APTPCO- Sa Ginoog City. Ang produkto ay plywood.

INDO PHIL. OIL MILL- Sa Medina, Misamis Oriental. Gumagawa ng Coconut Oil.

Page 7: Resume

Sa kabuaan ay maunlad ang pang-ekonomiyang aspeto ng Misamis Oriental, kung tutuusin pinaka maunlad sa

buong Hilagang Mindanao dahil dito matatagpuan ang Cagayan de Oro na siyang kapital ng buong rehiyon. Cagayan

de Oro ang nagsisilbing kapital na kalakalan ng mga industriyang nag-iimbes sa Hilagang Mindanao, bagkus ito rin

ang may pinaka modernong kapaligiran at kabuhayan sa buong rehiyon.

Bukod sa pagkakaroon ng maunlad na ekonomiya ng Misamis Oriental, kilala rin ito sa mga pasyalan at iba’t-ibang

festivals. Nariyan ang mga likas yamang talon tulad ng Talon ng San Isidro/Sagpolon, Palalan at Tiklas. Mga Cold

Spring tulad ng Sapong Spring at mga kweba tulad ng kuweba ng Macahambus. Tinatangkilik din ng husto ang mga

masining na pista ditto tulad ng Kagay-an Festival sa Cagayan de Oro na idinaraos tuwing Agosto 26. Isa itong

pagdiriwang para sa pagbibigay pugay kay Santo Agustine. Ang Kaliga Festival sa Ginoog City na idinaraos naman

tuwing Hulyo 23 na idinaraos naman para alalahanin ang anibersaryo ng City Charter. Ang lubi-Lubi Festival sa

Ginoog City rin tuwing ika-22 ng Mayo ay selebrasyon naman ng pista ni Sta. Rita. Karaniwang gumagamit ng mga

kostyum ang mga mananayaw sa selebrasyon na gawa sa mga coconut. At ang Hudyaka Festival na ikinukumpara

na tila Maskara Festival daw ng mga tiga Bacolod, Sinulog ng Cebu at Kadayawan ng Davao at iba pang uri ng pista

na nagsasadula ng pagbabalik tanaw sa kasaysayan ng lugar bilang pagtatanghal.

MISAMIS OCCIDENTAL

Dahil nga sa Legislative Act No. 3537 na ipinasa noong Nobyembre 2, 1929, nahati ang Misamis sa dalawa. Ang

Misamis Oriental ay matatagpuan sa Silangang bahagi ng Hilagang Mindanao, at ang Misamis Occidental naman sa

may parteng Kanluran ng rehiyon. Ang lupain ng Misamis Occidental ay may lawak na 2,024.18 kilometro kwadro na

pinapaligiran ng Mindanao Sea sa Hilagang Silangan, Iligan Bay sa Silangan, Paniguil Bay sa TimogSilangan, at

Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur sa Kanluran.Binubuo ito ng tatlong lungsod: Oroquieta (kapital), Ozamis

at Tangub. Mayroon ding labing apat na munisipalidad: Clarin, Jimenez, Plaridel, Tuleda, Concepcion, Lopez Jaena,

Sapang Dalaga, Panaon, Don Victoriano at Sinacaban. Ang mga mamamayang naninirahan dito ay hindi nalalayo sa

mga mamamayan at lengwaheng ginagamit sa Misamis Oriental at Bukidnon, nariyan pa rin ang mga Cebuano,

Ilocano, Muslim, Tagalog at iba pa. Mayroon ding mga partikular na tribo na nakitra sa mga kabundukan ng Misamis

Occidental, ang mga Subanons. Tulad ng mga Talaandig sa Bukidnon, sumusunod pa rin sila sa mga tradisyunal na

paniniwala at kultura ng kanilang mga ninunno. Maging sa kasalukuyan din ay buhay pa rin ang lenggwahe ng mga

Subanons na Subanen, na siyang gamit ng mga katutubong namumuhayan pa dito.

Ang tatlong lungsod at ang labing tatlong munisipalidad naman maliban sa Concepcion ay nasa parteng

Silangan kung saan nakapaligid sa kanila ang Mindanao Sea, Iligan Bay at Paniguil Bay. Dahil dito, ang pangunahing

kabuhayan ng mga mamamayan ay ang pangingisda at pumapangalawa naman ang agrikultura kung saan mga

gulay, prutas, niyog at palay rin ang mga ani. Kaya naman sikat ang Misamis Occidental sa pageexport ng lamang

Page 8: Resume

dagat sa ibang bansa tulad ng tilapia, lapu-lapu at hipon. Sa pang agrikulturang aspeto naman, nangunguna ang

Coconut processing sa industriyang pang-ekonomiya ng lalawigan.

Bukod sa kilala ang Misamis Occidental sa iba’t-ibang anyo ng tubig nito na hindi lamang nagdadala ng pang-

ekonomiyang pag-unlad kundi pati pag-unlad ng turismo. Kilala rin ang lalawigan sa dami ng mga magagandang

tanawin, puntahan , festival at iba't-ibang mga delicacies. Nariyan ang Layawan River na matatagpuan sa Oroquieta

City. Kilala ito sa pagiging isa sa mga pinaka malinis na ilog sa kapuluan. Ang sikat na puntahang Pipe Organ

Immaculate Concepcion Cathedral sa Ozamis kung saan matatagpuan ang kaisa-isahang Pipe Organ na natira sa

buong Mindanao. Ang Fort Santiago (Fort of Nuestra Señora del Triunfo dela Cruz) isang lumang cotta ng mga

Kastila noon pang 1756 na binuo upang protektahan ang rehiyon mula sa mga pirata noon. Ngayon ay nagsisilbi na

itong isang historikal shrine kung saan may ilang naniniwala na may milagrong nagaganap dito at ang Naomi's

Botanical Garden sa Ozamis kung saan ang malaking hardin ay naglalaaan ng iba't-ibang uri ng tanim ng prutas at

mga bulaklak. Sa mga pagkain naman, bukod sa mga lamang dagat, palay, niyog, mais, gulay at iba't-ibang uri ng

prutas kilala rin ang Misamis Occidental sa sikat na pampasalubong nito para sa mga turista, ang Galletas. Maliliit

itong biscuit na gawa mismo ng mga mamamayan doon.

Sa usapang sining naman, hindi rin papahuli ang mga mamamayan ng Misamis Occidental. Dinadayo ng mga turista

ang lalawigan para mapanood ang sikat na Dalit Festival sa Tangub City kung saan ipinagdiriwang ang pista ni San

Mikael, ang arkanghel tuwing ika-29 ng Setyembre. Ang selebrasyong ito ay pagpapahayag ng mga Tagubanons sa

mga turista ng paghahandog ng pagkakaibigan. Ang ibig sabihin ng Dalit na “offering” ay ipinapakita ng mga

Tagubanons sa mga bisita sa iba't-ibang paraan ng pagpapakilala, kapayapaan at kaisahan. Naglalaman din ang

festival ng mga pagtatanghal na naglalaman ng mga sayaw, ritwal at tradisyon ng mga katutubong Tagubanon.

Bukod sa Dalit Festival, pinaka sikat ang Misamis Occidental, partikular sa Tangub City bilang Christmas Symbols

Capital. Tuwing kapaskuhan kasi sa Tangub, ipinagdiriwang nila ang okasyon sa pagkakaroon ng paligsahan sa

paggawa ng pinaka maganda, pinaka masining at pinaka kakaibang symbolo ng kapaskuhan na ipinapaskil sa mga

plaza, highway at mga baranggay. Kapansinpansin ang tradisyon na ito para sa mga turista, dahil kabigha-bighani

ang mga masisining na interpretasyon ng mga Tagubanons sa symbolo ng pasko.

CAMIGUIN

Sa buong Hilagang Mindanao, ang lalawigan siguro ng Camiguin ang pinaka maliit at pinaka naiiba. Sa pisikal na

anyo pa lamang ay nangingibabaw na ito sa kagandahan. Ang Camiguin ay isang hugis peras na isla na may sukat

lamang na 29,000 hektarya, isa lamang itong maliit na bahagi ng lupa sa gitna ng malaking anyo ng tubig. Binubuo

ang isla ng mga gubat, talon, bundok at iba pang anyo ng tubig. Kasama ito sa nangunguang 25 na tourist spots sa

Filipinas at kinilala bilang pampito sa pinaka magagandang diving spots sa buong mundo. Tinagurian din itong

volcanic island o island of bonfire dahil sa pitong bulkang taglay nito. Ang buong lalawigan din ay binubuo ng 5

Page 9: Resume

munisipalidad: Mambajao (Kapital), Mahinog, Catarman, Sagay at Guinsiliban at 58 pang baranggay. Batay sa 2007

census population binubuo ito ng humigit kumulang 74,232 katao. Camiguinons ang tawag sa mga katutubo ng

Camiguin na nagmula sa tribo ng mga Manobo ngunit sa kasalukuyan ay binubuo na rin ang maliit nilang lipunan ng

mga pinaghalu-halong uri ng mamamayan. Pangunahin pa rin sa lalawigang ito ang lenggwaheng Cebuano

pumpangalawa ang Hiligaynon at may mangilan-ngilan pa rin namang gumagamit pa ng tradisyunal na dialekto ng

mga katutubong Camiguinons na Kinamguin. Maliit lang talaga kung tutuuisin ang Camiguin ngunit ito ang pinaka

dinadayo at pinaka kilalang lugar ng mga turista sa buong Hilagang Mindanao dahil sa kaakit-akit na paraisong

hinahandong sa mga tao ng napaka gandang islang ito.

Dahil na nga rin sa ang Camiguin ay pinalilibutan at binubuo ng iba't-iban anyo ng tubig, naging pangunahin na sa

pang-ekonomiyang aspeto ng mga mamamayan ng islang ito ang pangingisda at pumapangalawa rin ang

agrikultura. Copra ang kanilang pangunahing ani sunod ang mga abaca, palay, mangga, lanzones at iba pang

prutas. Datapwa't sagana sa likas yaman ang Camiguin pangunahin pa ring bumubuhay sa isla ay ang turismo, kaya

naman patuloy ang pangangalaga ng mga Camiguinons dito.

Bukod sa magagandang anyo ng tubig, isa pang rason kung bakit hitik na hitik sa mga turista ang Camiguin ay dahil

mayroon din itong historikal na pinagmulan. Dito sa Camiguin unang dumaong ang ekspedisyon ni Magellan at ni

Legazpi noong 1521 at 1565. Dito rin itinaguyod ng mga Kastila ang unang una nilang lalawigan sa Filipinas, ang

Guinsiliban noong 1598 na ang ibig sabihin ay “magbantay ng mga pirata mula sa isang tore”. Kasalukyan pang nasa

Guinsiliban ang toreng ito na itanayo pa noong panahon ng Kastila. Pagdating ng 1679 nagkaroon ng mas

malawakang paninirahan sa Filipinas ang mga Kastila at ito ay sa Camiguin pa rin, sa Catamaran na naging

baranggay bon-bon. Naging opsiyal na nayon na rin ang Sagay at Mambadjao noong 1848 at 1855, ngunit sa

kasamaang palad pmutok ang Mt. Vulcan Daan noong Mayo 1, 1871 at sinira ang buong kanayunan ng Catarman

(na noon ay Katadman) at lumubog sa karagatan ang kalahati ng buong nayon. Matapos ang trahedya ay lumpat na

ang nayon sa kasalukuyang kinatatayuan ng Catarman ngayon sa Camiguin, kasalukyan ding isang tourist spot ang

lumubog na nayong ito o mas kilala ngayon bilang Sunken Cementary.

Pag dating naman ng 1901, sa pagitan ng digmaang Kastila-Amerikano, dumaong ang ilang mga Amerikano sa

Camiguin upang pairalin ang kanilang politikal na kapangyarihan ngunit lumaban ang ang mga Camigunons para sa

independensya gamit ang kanilang mga bolo sa pangunguna ni Valero Camaro, sa kasamaang palad hindi sila

nagtagumpay at nabaril ng isang sundalong amerikano si Camaro. Kaya naman kinikilala siya ngayon bilang isa sa

mga bayani ng Camiguin.

Noong 1903 naman ay nagtayo ang mga Amerikano sa Camiguin ng pampublikong paaralan sa Mambadjao.

Pagsapit ng 1942, dumating na ang mga Hapon sa Filipinas at noong Hunyo 18 ng nasabing taon ay nagtayo ng

gobyerno ang mga ito sa Mambadjao, Camiguin. Ngunit nakamit din nila ang independensya mula sa mga ito noong

Page 10: Resume

Hulyo 4, 1946 ng makuha ng Filipinas sa Estados Unidos ang kalayaan at naging Republica ng Filipinas. Mula 1946

hanggang 1958 itinuring na parte ng Misamis Oriental ang Camiguin hanggang sa naging ganap na probinsya ito

noong 1968.

Dahil sa magandang kasayasayang bumabalot sa Camiguin, naging bunga nito ang mga masisining na pagdiriwang

na dinadayo rin ng mga turista dito. Nariyan ang Lanzones Festival at ilang mg folk dances tulad ng Tinikling,

Pandanggo sa Ilaw at Spanish Dance. At dahil nga sa naging mahabang pamamalakad ng mga Kastila dito,

naimpluwensyahan ang mga ninuno natin ng sining sa pag-uukit ng mga santo, na siya namang tinatangkilik pa

hanggang ngayon ng mga Filipino maging mga turista. Hindi rin papahuli ang mga Camiguinons sa paggawa ng mga

handicrafts na kagamitan tulad ng mga basket, banga at maging ilang mga bagay na gawa sa metal.

LANAO del NORTE

Ang Lanao del Norte naman ang pangwakas na na probinsya sa Hilagang Mindanao para sa papel na ito. Maliit

lamang din ang lalawigan kung ikukumpara sa Misamis Oriental,Occidental at Bukidnon dahil mayroon lamang itong

lawak na 309,200 hektarya. Pinaliligiran din ito ng Iligan Bay sa Hilaga, Misamis Occidental sa Silangan, Lanao del

Sur sa Timog at Paniguil Bay sa Kanluran. Mayroon lamang itong isang lungsod, ang Iligan City at 22 Munisipalidad:

Bacolod, Kauswagan, Maigo, Pantao Ragat, Salvador, Tangkal, Balo-i, Lala, Matungao, Pantar, Poona Piagapo,

Sapad, Tubod, Baroy, Munai, Karomatan, Kapatagan, Linamon, Nunungan, Tagoloan at Magsaysay. Katulad din ng

sa ibang lalawigan binubuo na rin ito ng iba't-ibang mamamayan sa kasalukuyan. Ang kaiba nga lang mula sa mga

unang nabanggit na lalawigan ay dito sa Lanao del Norte pinaka laganap ang mga Muslim, mayroong 60:40 na ratio

ng mga Muslim at mga Kristiano, sa pabor ng mga Kristyano. Sa lenggwahe naman ay laganap ang mga wikang

Cebuano, Filipio at Ingles para sa mga Kristiyano at wikang Maranao naman para sa mga Muslim. Ang mga Maranao

kasi ang naunang katutubong nanirahan dito, kaya nga dito rin hinango ang pangalang Lanao na ang ibig sabihin ay

anyo ng tubig. Matagal nanirahan ang mga Maranao sa Lanao bago pa dumating ang mg Kastila, kaya naman

nakpagtayo na sila ng sarili nilang sibilisasyon at kultura kaya naman ang kanilang kultura, paniniwala, kagawian at

relihiyon ay kaiba sa buong Filipinas. Sa katunayan noong 1970's lamang natanggap ng karamihan sa kanila na sila

ay mga Filipino rin at maging hanggang sa kasalukuyan ay buhay na buhay pa rin ang sarili nilang kultura at

paniniwala na hindi kumukumporme sa kultura ng nakararaming Filipino. Napapaligaran rin ang hilaga at kanlurang

parte ang Lanao del Norte ng magkaibang anyo ng tubig kaya naman pangingisda rin ang pangunahing kabuhayan

ng mga nakatira rito. Bukod sa naaning lamang dagat, sagana rin sa pang-agrikultural na yaman ng Lanao del Norte.

Kilala ito sa pag-aani ng mga prutas, niyog, palay at gulay. Dito rin matatagpuan ang sikat na Maria Christina Falls na

siyang nagbibigay kuryente sa buong Mindanao.

Ang Lanao ay dating may mas malawak na sinasakupan, ngunit noong Hulyo 4, 1959 nahati ito sa dalawang parte

ang Lanao del Norte at Lanao del Sur dahil sa Republic Act No.2228. Iligan City ang unang tinaguriang kapital ng

Page 11: Resume

Lanao del Sur ngunit dahil sa Batas Pambansa 181, mula Iligan ay nalipat ang kapital ng lalawigan sa munisipalidad

nitong Tubod.

Kilala rin ang Lanao del Norte sa mga masisining na pagdiriwang nito tulad ng Sagayn Festival na sinasayaw ang

tradisyunal na sayaw ng mga Maranao para sa araw ng Lanao del Norte at ang Sagingan Festival na ginaganap

naman tuwing Oktubre sa Tubod. Isa itong pagsasayaw sa kalye bilang pasasalamat sa mga na-aning prutas at

gulay ng mga magsasaka, partikular ang mga saging.

MGA AWIT NG DIYANDI SA ILIGAN

Ang diyandi ay isang ritwal na ginaganap sa lungsod ng Iligan, Lanao del norte tuwing setyembre 29. Isinilang ito sa pamumuno ni Joaquin Echavez at ipinagdiawang bilang kapistahan ng dalawang patron na sina; Senyor San Miguel at Nuestra Senyora del Rosario. Sang-ayon sa mananalisik na si Estrelita Navidad, sa diliman Review, natatngi ang diyandi sa iba pang mga ritwal sa Pilipinas. Dahil isinasalarawan nito ang pagtatampo ng tatlong kultura: mga iligaono na kristoyano, mga maranao na muslim at mga higaonon pati na ang sayaw, awit at berso ay nasa katutubong wika rin, kabilang na ang mga dasal ng higaonon sa wikang sugbuanon.

KWENTONG BAYAN sa Lanao at cotobato

Ang Paglaho o Eklips- kapag may paglaho o eklips ang mga tao sa lanao at cotobato ay nagsisigawan at hinahampas nila ang mga lata at bakal upang magka ingay. Ito’y upang mawala raw agad ang eklips sapagkat ayun sa kanilang alamat noong unang panahon ay nilunok ng isang malaking ibon na kung tawagin ay minokawa ang buwan at dahil sa ingay ay niluwa niya ito agad.

SI PILANDOK AT ANG NAHUHULOG NA LANGIT

Ito ay ukol kina Pilandok at Bambola, na mahigpit na magkaway kung saan nakita ni Bambola si Pilandok na nakagapos sa isang puno sa kadahilanang upang hindi daw siya mataranta sa oras na mahulog na ang langit. At dahil ditto ay nagpatali rin si Bambola sa isang puno at ng mga ilang araw na ito doon ay nagutom at nainitan ito na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

TULALANG

Ang buhay ni Tulalang ay isang epiko ng mga Manobo.

Page 12: Resume

ALAMAT NG LINDOL

SI Makalindung, buhat sa lahing Manobo ang pinaniniwalaang lumikha ng sandaigdigan. Itinindig niya an gang mga haligi upang alalayan ang mundo. Tuwing napopoot siya sa nakikitang walang sawang pagtatalo at paglalabanan ng mga tao sa ibabaw ng mundo, niyuyugyug niya ang mga haligi na nagiging dahilan ng lindol.

ALAMAT NI ANGO ANG MANOBONG NANIGAS

Habang nanghuhuli ng baboy-ramo ay nasira ang pamingwit ni Ango at napagbuntungan niya ng galit ang mga palakang nagkakaingay at isinumpa siya ng isang diwata at lahat ng bato ay dumikit sa kanyang buong katawan.

BIDASARI

Hindi kathang maranao ang Bidasari bagkus laganap sa pook ng mga muslim. Hiram lamang ito mula sa mga malay. Ang salin nito ay utang kay Chauncey Stralweather.