Upload
weirdoka04
View
229
Download
3
Embed Size (px)
DESCRIPTION
PI100
Citation preview
REPLEKSYONG PAPEL
Sa aming ikalawang pagtatagpo ay tinalakay sa klase ang magiging layunin at tabko nang pag-
aaral ng PI 100 at papaano ito maisasabuhay at magagamit sa kasalukuyang panahon. Binigyang buhay
muli ni Propesor Fernandez sa pamamagitan ng pagbabahagi sa amin ng mga mahahalagang nangyari
simula kay Rizal hanggang sa kasalukuyang panahon. Una ay binigyan kami ng isipin kung bakit daw
mas ginugusto ng mga Pilipino ang isang taong masyadong rebolusyonaryo na tulad ni Andres Bonifacio
kaysa kay Dr. Rizal. Ngunit kung ating iisipin naman ay dapat nating mas hangaan si Dr. Rizal na hindi
kaagad-agad nagpapadala sa bugso ng kanyang damdamin at ginamit muna ang kanyang isipan bago siya
gumawa ng hakbang upang labanan ang mga Kastila noon. Pangalawa ay pinag-usapan kung papaano
nabuo at naisabatas ang Republic Act 1425 noon sa pamumuno ni Claro M. Recto at Jose P. Laurel.