12
www.pinoyweekly.org SETYEMBRE 21, 2013 MATAPAT, MAPANURI, MAKABAYAN ESPESYAL NA ISYU PORK BARREL Badyet na para dapat sa mga mamamayan, napupunta sa Pork Barrel King 3 “ELEKSYON DE LECHE” NI IGGY RODRIGUEZ | INSET: LIKHANG SINING NG TABAKK ng mambabatas at Pangulo

Pw special issue 2013 09 21 pork barrel for issuu

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pork Barrel at 2014 pambansang badyet Tampok sa isyyu: PNoy: Pork Barrel King? Pondo para sa maralita, pondo para sa demolisyon May pork barrel, may pork baril Habang sumisiba ang baboy: Edukasyon, kalusugan pinababayaan Koalisyon vs pork barrel, lumalawak WTO: dominasyon sa mahihihirap ng mundo Infographic: Buhay-baboy sa pork barrel system Pagkondena ng mundo sa panghihimasok ng US sa Syria Kartel at mataas na presyo ng bigas Boni@150 Para sa maramihang order, maaari kaming kontakin sa pamamagitan ng Facebook page na ito, at sa email: [email protected] Cover art: "Eleksyon de leche" ni Iggy Rodriguez Inset art: TaBaKK

Citation preview

Page 1: Pw special issue 2013 09 21 pork barrel for issuu

w w w . p i n o y w e e k l y . o r g

S E T Y E M B R E 2 1 , 2 0 1 3M A T A P A T, M A P A N U R I , M A K A B A Y A N

ESPESYALNA ISYU

PORKBARREL

Badyet na para dapat sa mga mamamayan, napupunta sa

Pork BarrelKing

3

“ELEKSYON DE LECHE” NI IGGY RODRIGUEZ | INSET: LIKHANG SINING NG TABAKK

ng mambabatas at Pangulo

Page 2: Pw special issue 2013 09 21 pork barrel for issuu

EDITORYAL

57 P. Burgos St. Proj. 4, Quezon City | wwwww.pinoyweekly.org

Email: [email protected]

EDITORIAL POOL

Leo Esclanda

Cynthia Espiritu

Darius R. Galang

Kenneth Roland A. Guda

Macky Macaspac

Christopher Pasion

Ilang-Ilang D. Quijano

Soliman A. Santos

King Catoy

Published by

PinoyMedia Center, Inc.www.pinoymediacenter.org

Email: [email protected]

PMC BOARD OF DIRECTORS

Rolando B. Tolentino (chair)

Bienvenido Lumbera

Bonifacio P. Ilagan

Luis V. Teodoro

Leo Esclanda

Kenneth Roland A. Guda

Ilang-Ilang D. Quijano

WEEKLY

ROM

EL M

ENDE

Z

PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | SETYEMBRE 21, 2013

Pork, si P-Noy at ang pobreng Pinoy

Mula social media hanggang sa mga kalsada, gayundin sa iba pang huntahan ng mga

mamamayan, malinaw na nasusuklam ang marami sa panghuhuthot ng mga pulitiko sa pondo ng bayan sa uri ng pork barrel. Galit tayo, at gusto natin ng pundamental na pagbabago.

Malinaw na nangangatog na ngayon ang tuhod ng mga tao sa Palasyo. Ilang beses nang pilit na inililihis ng administrasyong Aquino ang usapin. Una, sinikap nitong ilimita kay Janet Napoles at iilang mambabatas ang PhP10-Bilyong eskandalo sa pork barrel.Buong giliw na dinipensahan mismo ni Aquino ang sistema ng pamamahagi ng lump sum sa mga mambabatas. Pangalawa, nang lumalakas na ang panawagan ng taumbayan laban dito, nagmaniobra ang Palasyo para pormal na “i-abolish” – sa pangalan lamang! – ang pork barrel. Inareglo nito ang pagsiksik sa pondo ng Priority Development Assistance Program o PDAF sa mga ahensiya ng Ehekutibo na kontrolado ng Pangulo.

Dumagsa pa rin ang daan-daang libo sa Luneta noong Agosto 26. Dahil dito, nagmaniobra uli ang Palasyo. Iginiit nito na pinawi na raw nito ang PDAF. Malamang na may impluwensiya ito sa paglabas ng Korte Suprema ng temporary restraining order kamakailan laban sa PDAF. Pero, simula’t sapul, hindi nito binibitiwan ang sariling Presidential Pork Barrel, na tinataya ng iba’t ibang kritiko mula sa Kabataan Party-list hanggang kay Leonor Briones na di-bababa sa PhP 1-Trilyon.

Samantala, patuloy na nadadawit ang Malakanyang kay Napoles. Lalong nagduda ang taumbayan nang maniobrahin ng mismong Pangulo ang “pagsuko” ni Napoles: binigyan ng espesyal na pagtrato si “ma’am” (iyan ang tawag ni DILG Sec. Mar Roxas kay Napoles) mula sa sementeryong tagpuan hanggang sa Fort Sto. Domingo sa Laguna.

Patuloy na nadawit ang administrasyon: napag-alamang

nagtatrabaho rin bilang tagaareglo ni Napoles si Brian Yamsuan, konsultant ni Executive Sec. Paquito Ochoa. Agad na sinibak si Yamsuan, matapos sumingaw sa midya ang balita. Sunud-sunod naman ang expose ng kolumnista ng Manila Standard Today na si Jojo Robles hinggil sa koneksiyon diumano ng mismong si Aquino kay Napoles. Ayon sa mga impormante ni Robles, malapit na magkaibigan si Napoles at Aquino – kahit noong senador pa lang ang huli.

Isang impormante ni Robles pa ang nagsabi na laging ipinangangalandakan ni Napoles sa kanyang mga kausap na magkaibigan sila ng Pangulo. Kaya nang ireklamo niya kay mismong Aquino ang panghaharas umano ng NBI sa kanya at kapatid niya dahil sa pagkidnap nila kay Benhur Luy, agad na inutusan ng Pangulo si Justice Sec. Leila de Lima na mag-imbestiga.

Hindi maitatanggi ni Aquino at mga tao niya na sangkot ang mismong Palasyo sa kumplikadong sistema ng paggamit sa pampublikong pondo para sa sariling kapakanan.

Sa mata ng publiko, lalong lumilinaw ang kabulukan ng sistema ng burukrata-kapialismo at hindi lamang ng iilang sangkot sa eskandalo. Unti-unti, mas nagiging klaro sa madla na bahagi na ng sistemang pulitikal sa bansa ang paggamit ng mga nasa kapangyarihan na parang negosyo ang kanilang poder – para magpayaman, magpalakas ng impluwensiya, at para protektahan ang interes ng mga katulad nila at ng dayuhang mga monopolyo-kapitalista.

Sa sistema ng pork barrel, kitang kita ang burukrata-kapitalismo sa gobyerno. Una, na nakita ito sa P10-Bilyong eskandalo ni Janet Napoles na para sa korupsiyon ang pork barrel. Para ito sa bulsa ng mga pulitiko at kakutsaba nilang pekeng NGO tulad ng mga gawa ni Napoles. Pangalawa, para ito sa patronage politics – o ang paggamit ng mga pulitiko sa pondo ng bayan para kunwari’y mamahagi ng serbisyo o pera sa mga mamamayan. Layunin nito na pabanguhin ang pangalan ng pulitiko; magmukhang mababait sila na namimigay-serbisyo.

Pangatlo – hindi ito masyadong

alam – ang pagpabor sa malalaking negosyante at sobrang-yaman sa bansa. Tatalakayin natin iyan dito.

Kaya tama lamang na magprotesta ang mga mamamayan hanggang mabasura ang sistema ng pork barrel. Kasabay nito, pagkakataon para sa ating mapalalim ang kaalaman hinggil sa burukrata-kapitalismo, imperyalismo at piyudalismo sa bansa. Pagkakataon din ito para maintindihan na hindi mapapawi ng mumunting mga reporma ang seryosong mga problema ng bansa, na kailangan ng malawakan at radikal na pagbabago sa sistemang pampulitika at panglipunan sa bansa. Na kailangan ng pagkakaisa at pagkilos ng mayorya ng mga mamamayan para makamit ang pagbabagong ito. PW

Page 3: Pw special issue 2013 09 21 pork barrel for issuu

3PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | SETYEMBRE 21, 2013 LATHALAIN 3

Kung nagagalit tayo sa PhP25-Bilyong pork barrel ng mga mambabatas, ano pa kaya ang magiging reaksiyon ng mga mamamayan kung maipapalaganap ang katotohanang mahigit PhP1-Trilyon ang pork barrel ng mismong Pangulo. Ni Kenneth Roland A. Guda

“Kapanalig natin sa paglaban sa korupsiyon.”

Ganito inilarawan ni Pangulong Aquino ang mga mamamayang nagrali kontra sa pork barrel noong Agosto 26. Pero sa kabila ng mga pahayag niya at ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na tatanggalin na nito ang Priority Development Assistance Program o PDAF sa 2014 badyet, nanatili pa rin ang lump sum appropriations para sa mga mambabatas. Ang malala, malaking bahagi – mahigit kalahati pa nga ng badyet, kung tatanungin ang Kabataan Party-list – ng pambansang badyet ay nakalaan sa lump sum appropriations ng Office of the President.

Sa pagdinig sa Kamara kaugnay ng panukalang badyet ng Office of the President noong Setyembre 9, iginiit ni Executive Secretary Paquito Ochoa na walang “pork barrel” ang Pangulo. “Hindi namin nakikita ito (Special Purpose Fund o SPF) bilang pork barrel. Ang SPF ay dumadaan sa parehong proseso tulad ng regular na badyet. At napapailalim din ito sa pangingilatis ng Kongreso, na siyang aapruba rito,” sabi ni Ochoa.

Pero kung pagbabatayan ang mismong katangian ng SPF at iba pang pondo na nasa ilalim ni Aquino, malinaw na lump sum appropriation, o pondong walang tinukoy na paglalaanan at nasa direktang kontrol ng Presidente, ang mga ito.

Sa pag-aaral ng Kabataan na pinamagatang Prime Cuts: Dissecting

the Presidential Pork Barrel, inilinaw nito kung ano ang maituturing na pork barrel: (1) Alokasyong lump-sum na bulnerable sa korupsiyon at pagmamaniobra sa pulitika; (2) Pondo na tanging Pangulo lang ang may kapangyarihang maglaan at maglabas; (3) Pampublikong pondo na di makikita sa pambansang badyet pero kinokolekta at ginagamit ng mga ahensiya ng gobyerno, lalo na ng Ehekutibo (sa pamumuno ni Aquino), na walang financial oversight (karapatang suriin at i-audit ng Kongreso o ninuman).

Batay sa depinisyong ito, pasok na pasok ang SPF ni Aquino na nagkakahalaga ng halos PhP 450-Bilyon. Nasa ilalim nito ang badyet-suporta sa mga korporasyon ng gobyerno na nalulugi, alokasyon para sa local government units, calamity funds, DepED School-Building Fund, Priority Development AssistanceFund (PDAF!), E-Government Fund, Feasibility Studies Fund, Pension and Gratuity Fund, International Commitments Fund, Miscellaneous Personal Benefits Fund at Contingency Fund. Ang mga ito ay bahagi ng pambansang badyet na nagkakahalaga ng PhP310-B.

Pero bukod dito, mayroon ding unprogrammed funds ang Office of the President. Ito ang mga pondo na wala sa pambansang badyet, pero mula sa pondong mula sa kita ng gobyerno, halimbawa sa Pagcor at Malampaya Project. Aabot sa PhP140-B ang unprogrammed funds. Suma total, PhP450-B ang SPF ng Pangulo.

Mismong si Aquino, dinepensahan ang pananatili ng pork barrel sa kanyang badyet. “Sa katangian nito, may mga pondong hindi puwedeng ma-itemize,” sabi ni Aquino.

Sa kanyang kolum sa diyaryong Philippine Star, mistulang sumang-ayon si dating senador Ernesto Maceda sa suri ng Kabataan kaugnay ng PSF. “Ano ngayon ang pagkakaiba (sa PDAF)? Ang PSF ay lump-sum na pinagmumulan ng ipinapautos ng Pangulo na ilabas ang espikipikong halaga para sa soft (i.e. mga pagsasanay) at hard projects (imprastraktura) sa mga ahensiyang inaprubahan ng Pangulo. Walang pinag-iba ito sa PDAF,” sinulat ni Maceda, sa wikang Ingles.

Bayad-utang, pondo sa paniniktikBukod dito, bahagi ng pambansang

badyet ang pondong direktang inilalaan bilang pambayad-utang lamang.

Sa ilalim ng Automatic Appropriations Act na isinabatas ng ina ng kasalukuyang pangulo, si dating pangulong Corazon Aquino, maaaring awtomatikong maglaan ng pondo ang gobyerno para bayaran ang mga utang nito sa iba’t ibang dayuhang korporasyon (i.e. iyung gumawa ng MRT, LRT, Bataan Nuclear Power Plant, atbp.), pati ang internasyunal na mga institusyong pampinansiya tulad ng World Bank, International Monetary Fund at Asian Development Bank.

Kabilang sa taun-taong binabayaran ng gobyerno ang interes sa mga utang

na nagkakahalagang PhP352-B, mga ipinangakong kita ng mga dayuhang kompanyang kinasosyo ng gobyerno, at marami pang iba.

Kung isasama ang pambayad-utang, na aabot sa PhP700-B, at pati ang intelligence funds na nakalaan para sa Pangulo, aabot sa pagitan ng PhP1-Trilyon at PhP1.5-T ang pork barrel ni Aquino.

Sang-ayon dito sai Leonor Briones, propesor sa Unibersidad ng Pilipinas at dating national treasurer. Aniya, bahagi ng pork barrel ng Pangulo hindi lamang ang lump sum appropriations na direktang nakaalan at nasa diskresyon ng Pangulo, kund iyung nakalaan sa mga ahensiya ng Ehekutibo

Aabot nga sa mahigit PhP1-T ang pork barrel ni Aquino kung isusuma ang lahat, ani Briones.

GinisaNoong budget hearing, sunud-sunod

na pinagtatanong si Ochoa ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, ACT Teachers Rep. Antonio Tino, at iba pang kongresista, hinggil sa mga pondong hinihingi ng Office of the President.

Ikinagalit ni Colmenares ang pagtanggi ni Ochoa na sagutin ang mga tanong kaugnay ng paglalanan ng mga pondo na nasa diskresyon ng Pangulo sa ilalim ng 2014 pambansang badyet.

Kasabay nito, noong Setyembre 10, naglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema sa paglabas ng PDAF. Isinama pa nito ang mga pondo mula sa proyektong Malampaya.

“Kami sa Bayan Muna ay natutuwa sa bagong debelopment na ito kontra sa sistemang pork barrel. Ipinapakita ng pagsama sa TRO ng pondo ng Malampaya, na nagkakahalagang PhP132-B, na walang pinag-iba ito sa PDAF, na nagkakahalagang PhP25-B lang, dahil sa katangian nitong lump-sum na nasa diskresyon lang ng Pangulo,” paliwanag ni Colmenares.

Hiniling ni Colmenares at ng progresibong mga organisasyon na agad na ilaan ang naturang pondo direkta sa mga serbisyong panlipunan tulad ng pampublikong mga paaralan at ospital.

Samantala, iginiit naman ni Maceda, sa kanyang kolum, ang pangangailangang imbestigahan pa rin ang nakaraang kuwestiyonableng mga paggamit ng Pangulo sa pork barrel nito.

“Dapat maipaliwanag at ma-audit ang P23.6-B na inilabas mula sa Malampaya Fund bago ang eleksiyong 2010,” sabi pa ni Maceda. PW

P-NOY: PORK BARREL KING

MULA SA LIKHANG-SINING NG TABAKK

PORK BARREL AT 2014 BUDGET

Page 4: Pw special issue 2013 09 21 pork barrel for issuu

4 PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | SETYEMBRE 21, 2013BALITA

Nagbubuo na ang iba’t ibang organisasyon ng mga mamamayan ng malalapad na

alyansa kontra pork barrel.Mula sa malawakang diskuntento

sa administrasyong Aquino na nagpapanatili ng pork barrel sa kabila ng mga pahayag nilang tatanggalin na ito, nabuo kamakailan ang Abolish Pork Barrel Movement. Isa itong malapad na alyansa ng mga indibidwal at grupo kontra sa pork barrel.

“Sa kabila ng malawakang sigaw sa publiko para sa abolisyon ng lahat ng porma ng pondong pork barrel, patuloy na di-pinakikinggan ni Pangulong Aquino ang kanyang mga ‘boss’ at nagpapatuloy sa pananatili ng sistema ng discretionary, lump sum appropriations para sa indibidwal na mga miyembro ng Kongreso at Punong Ehekutibo sa pambansang badyet, kahit na may bagong mekanismo para sa paglabas (ng pondo),” pahayag ng Abolish the Pork Barrel Movement.

Kasama rin sa naturang kilusan ang mga whistleblower ng nakaraang iba’t ibang anomalya sa gobyerno, tulad nina Jun Lozada, Sandra Cam, Col. George Rabusa, dating Navy SG Lt. Nancy Gadian, Melchor Magdamo at iba pa.

Nanawagan ang alyansang ito ng mga pagkilos, noong Setyembre 13, at ngayong Setyembre 21, sa Luneta para muling ihayag ang panawagang ibasura ang pork barrel.

Nagkakaisa ang mga miyembro ng naturang alyansa na kailangang ibasura lahat ng porma ng pork barrel, kabilang ang pork barrel ng Pangulo. Nagkakaisa rin sila sa panawagang imbestigahan ang lahat ng sangkot sa mga eskandalo ng pagwaldas ng pondo ng bayan.

Itinutulak din ng Abolish the Pork Barrel Movement ang paglaan sa pondo ng pork barrel sa batayang mga serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, kalusugan at iba pa.

Iba’t ibang pormasyonSamantala, nagbuo rin ng kani-

kanilang mga alyansa ang iba’t ibang sektor para hamigin ang

pinakamaraming bilang ng mga mamamayan sa laban na ito.

Muling binuhay ng mga grupong pangkabataan ang kanilang alyansang Youth Act Now!, para pagkaisahin ang mga organisasyon, konseho at indibidwal na pangkabataan.

Sa hanay ng kababaihan, muling natipon din ang Babae Laban sa Katiwalian (Babala!), isang alyansa ng kababaihan kontra sa korupsiyon na unang natipon noong panahon ng administrasyong Arroyo.

Inanunsiyo naman ng mga lider-unyon at indibidwal sa hanay ng mga kawani sa gobyerno ang Rise All Government Employees Against Corruption (RAGE Against Corruption). Bukod sa pork barrel, bitbit ng alyansang ito ang iba’t ibang isyu ng katiwalian na kinasasangkutan ng matataas na opisyal ng administrasyon, tulad ng pagwaldas ng pondong GSIS para sa pag-invest sa casino.

Sa overseas Filipinos at kaanak nila, binuo rin ang alyansang Depork! Nilalayon umano nitong pagkaisahin ang mga migrante at kaanak sa laban sa pork barrel. Nais nilang iugnay ang mga isyu ng katiwalian sa pondo ng mga OFW, tulad ng pondo sa Overseas Welfare Insurance System, gayundin ang kawalan ng pondo sa repatriation, sa pork barrel.

Nagbuo naman ang mga guro sa iba’t ibang antas ng Teach Against Pork and Corruption! Pangunahing panawagan nila ang rechanneling ng pork barrel sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan.

Mayroon ding alyansa ang mga alagad ng sining. Pinangalanan nila ang sarili nila na Artista Kontra Korapsyon o Akksyon. Pinangunahan ng alyansang ito ang paglunsad ng konsiyertong Rock and Rage Against Pork Barrel noong Setyembre 13 sa Luneta.

Maging ang mga unibersidad tulad ng University of the Philippines, Ateneo de Manila, Miriam College, Polytechnic University of the Philippines, at iba pa, ay nagbuo ng kani-kanilang mga alyansa kontra pork barrel. KR Guda

Koalisyong kontra sa pork barrel, lumalawak

Iba’t ibang inisyatiba ng mga sektor ng mga mamamayan para labanan ang pork barrel

Page 5: Pw special issue 2013 09 21 pork barrel for issuu

5PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | SETYEMBRE 21, 2013 BALITA / GLOBAL

World Trade Organization (WTO) ang isa sa mga nangungunang instrumento ng imperyalismo para ilako ang globalisasyon sa kalakalan.

Nilalayon ng WTO na mabuo ang iisang sistema (unitary system) sa multilateral trade ng mga bansa na magtatali sa kanila sa mga kasunduan. Ngunit hindi ito isang patas na laban, dahil sa ganitong sistema’y makapangyayari ang mas makapangyarihang bansa. Nasa interes nila na mapalaya ang pandaigdigang kalakalan samantalang madedehado naman ang mahihinang bansa. Kabaligtaran ito ng sinasabing “level the playing field.”

Binuo noong 1995, sumasaklaw ang WTO sa 159 bansa, at sa loob ng dalawang dekada, katuwang ang iba pang ahensiyang dominado ng imperyalistang mga bansa tulad ng International Monetary Fund, World Bank, at iba pang multilateral agencies. Itinulak ng mga ito ang mga ekonomiya ng mahihirap na bansa sa ilalim nito, kasama ang Pilipinas, para manatiling mahirap at lalong mahuthutan ng mga rekurso pabor sa imperyalistang mga bansa.

Sinusugan at ipinagpatuloy nito ang mga nakaraang liberalisasyon sa ilalim ng General Agreement on Tariffs and

Trade o GATT at IMF-WB, nagbuo ng mga bagong kasunduan tulad ng Agreement on Agriculture (AoA), General Agreement on Trade in Services (GATS), Agreement on Trade-Related Investment Measures (Trims) at Agreement on Trade-Related Aspects of Intellectual Property Rights (Trips). Nagtutulak ang WTO ng iba pang kasunduan na magpapalaya sa kalakalan.

May angking kapangyarihan ang WTO na magtakda ng penalties sa mga bansang kaanib. Dahil dito, at sa iba pang paraan ng pamumuwersa ng imperyalistang mga bansa, napupuwersa ang mga bansa na isuko ang kanilang kalayaang magpasya sa sarili, laluna sa larangan ng ekonomiya.

Pero matindi ang paglaban ng iba’t ibang mamamayan ng mundo sa WTO. Sa pamamagitan ng mga protesta, maraming beses nang napigilan nito ang pag-usad ng di-pantay na mga negosasyon sa ministerial meetings nito.

Sa Disyembre 3-6, 2013, gaganapin sa Bali, Indonesia ang ika-siyam na ministerial conference ng WTO. Inaasahang muling itutulak ng imperyalistang mga bansa ang lalong pagbubukas ng kalakalan, at mga serbisyong kaugnay nito, sa mahihirap na mga bansa. Inaasahan din ang paglaban ng mga mamamayan – muli, sa pamamagitan ng mga protesta. PW

World Trade Organization:

Dominasyon sa mahihirap ng mundo

Protesta sa daigdig kontra WTO

CANCUN, MEXICO 2003 HONG KONG, S.A.R. 2005 GENEVA, SWITZERLAND 2009

SEATTLE, U.S.A. 1999

BAWAT ministerial conference ng WTO, naharap sa malalaking protesta ng mga mamamayan ng daigdig. Mula Seattle (1999) hanggang Cancun (2003), Hong Kong (2005) hanggang sa dalawang pulong sa Geneva (2007, 2009), tinangkang marahas na idemolis ng pulisya at militar ng host countries ang naturang mga protesta. Dahil sa mga protestang ito, lumakas ang boses ng pagtutol sa WTO at mula noong Doha Round (2001), hindi pa signipikanteng umusad ang usapan. Dahil dito, nahimok ang imperyalistang mga bansa na maghanap ng ibang paraan -- kabilang ang bilateral agreements -- para mailusot pa rin ang neoliberal na mga polisiya na itinutulak nito sa mahihirap na bansa.

WTO Ministerial Conference sa Geneva, Switzerland noong 2009

‘Kakarampot na dagdag-sahod sa Manila, insulto sa mga obrero’

“Barya-barya lang, at walang magagawa sa harap ng tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng

mga bilihin.Ganito inilarawan ng militanteng

mga manggagawa ang anila’y “nakaka-insultong” PhP10 dagdag-sahod na inaprubahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Metro Manila.

Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), “kaning-baboy” ang ibinigay ng DOLE, dahil hindi naman umano makaka-agapay sa nagtataasang bilihin at serbisyo ang PhP10.

Kapus na kapos daw ang PhP451 na basic pay sa mga manggagawa sa pribadong sektor, kung ikukumpara ito sa pangangailangan nila at kanilang mga pamilya na mabuhay.

Sa komputasyon ng Ibon Foundation, progresibong institusyon ng pananaliksik, aabot na sa PhP1,034 ang family living wage sa National Capital Region.

Inanunsiyo ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz ang pagdagdag ng PhP15 sa PhP30 na Cost of Living Allowance (COLA) sa basic pay na PhP436 at dinagdagan ng PhP10 ang natitirang PhP5 sa COLA.

Ibig sabihin, PhP451 na ang panibagong basic pay sa mga manggagawa sa pribadong sektor, at PhP466 naman ang minimum na sahod na ipapatupad sa Enero ng susunod na taon.

“Hindi naman kasya para abunuhan nito ang pagtaas sa presyo ng batayang bilihin, gayundin sa gastos sa mga serbisyo,” sabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.

Tumaas kamakailan ang presyo ng liquified petroleum gas sa average na P30 kada tangke.

Tumaas din ang presyo ng bigas sa PhP5-8.00. Samantala, ang presyo ng petrolyo’y patuloy rin na tumataas

Idagdag pa ang nakaambang pagtaas ng Php5 na pamasahe sa LRT/MRT.

Sabi ni Labog, patunay raw na walang silbi ang mga wage board pagdating sa pagbibigay ng sapat na sahod, mas pumapabor pa daw ito sa mga kapitalista. “Itutuloy namin ang laban para buwagin na ang mga wage board,” aniya. Macky Macaspac

Page 6: Pw special issue 2013 09 21 pork barrel for issuu

LATHALAIN6 PINOY WEEKLY | SETYEMBRE 21, 2013

Source: Department of Budget and Management presentation to Senate Committee on Finance

May pork barrel, may pork baril

Habang sumisiba ang baboy: edukasyon, kalusugan pinababayaan

Pondo para sa maralita: pondo para sa demolisyon

Gatasan ng mga heneral ang badyet ng militar at pulisya. Bukod dito, ginagamit din sa panunupil ng mga mamamayan ang pera ng bayan. Ni Macky Macaspac

“Tumaas” daw ang badyet sa sektor pangkalusugan at edukasyon. Pero kulang na kulang pa rin ito. At inilalaan pa ito sa mga programa na pakikinabangan, hindi ng pampublikong mga ospital at eskuwelahan, kundi ng pribadong sektor. Ni Pher Pasion

Ang maliit na ngang badyet na inilalaan ng administrasyong Aquino sa pabahay, inilalaan pa sa marahas na pagdemolis sa mga maralita. Samantala, di abot-kamay ang negosyong pabahay ng gobyerno, at walang trabahong sapat na inilalaan. Ni Ilang-Ilang Quijano

Badyet para sa ‘Socialized Housing’

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), halos PhP82-B lang ang inilaan sa DND. Pero sa paghihimay ng Kabataan at grupong Karapatan sa panukalang badyet, nakitang maliban sa mga institusyong nasa DND, may nakasingit na mga badyet pangmilitar sa iba’t ibang ahensiya at programa ng gobyerno.

Ang masama, ginagamit ng pulisya at militar ang malaking bahagi ng pondo nila para sa “pork baril”: giyerang kontra-insurhensiya na tinatarget ang mga mamamayang lumalaban sa mga katiwalian sa gobyerno.

Kung titingnan ang mga numero ng 2014 pambansang badyet, tumaas ang pondo ng dalawang nabanggit na serbisyo. Pero kung susuriin ang tunay na pinaglalaanan ng mga pondong ito, tila hindi ang edukasyon at kalusugan ang prayoridad ng administrasyong Aquino.

Ayon sa Kabataan Party-list, walang signipikanteng naidadagdag ang administrasyong Aquino para

Ang pagpapalaki rin sa pondo ng CCT (Conditional Cash Transfer) ay indikasyon na hindi interesado ang gobyerno na solusyunan ang ugat ng kahirapan, kundi nais lamang pagtakpan ito.

Malayong relokasyon pa rinPinakamalaki ang badyet para sa

resettlement ng National Housing Authority (NHA), na nasa PhP5.49-Bilyon. Para sa maralitang lungsod ng Kamaynilaan, ang ibig sabihin lang nito ay demolisyon at

pagpapatapon sa kanila sa relocation sites na walang kabuhayan at serbisyong panlipunan.

Inihayag na ng gobyerno na uunahing paaalisin ang mga maralitang nakatira sa walong waterways o daluyan ng tubig sa Kamaynilaan, na umano’y “danger zones.” Pero para sa mga maralita, mas masaklap na “death zones” ang relokasyong inaalok ng gobyerno sa Bulacan, Rizal o Laguna.

Panawagan ng Alyansa Kontra Demolisyon (AKD) na sa halip na sila’y palayasin, dapat pondohan ng gobyerno ang rehabilitasyon ng kanilang komunidad, at pagpapatayo ng abot-kayang pabahay na malapit sa kabuhayan. Pero di makikita ang ganitong tunguhin sa badyet ng gobyerno.

Halimbawa, ang PhP360-Milyon na badyet ng Department of Interiror and Local Government (DILG) ay nakalaan sa rental assistance, o PhP18,000 na dole-out sa bawat pamilyang nakatira sa waterways. Ito’y upang pansamantalang makapangupahan umano sa

Bukod sa pork barrel sa mga mambabatas at Pangulo, mayroon ding “nakatagong” pork barrel sa badyet ng iba’t ibang ahensiya. Kasama rito ang mga ahensiyang panseguridad ng bansa tulad ng militar at pulis. Sa pag-aaral ng Kabataan Party-list, napag-alamang

mula sa PhP 90-Bilyon noong 2013, aabot ang panukalang badyet ng Department of National Defense (DND) sa PhP162-B para sa taong 2014.

Ginagarantiya dapat ng Saligang Batas na prayoridad ng gobyerno ang mga serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at serbisyong medikal. Pero ang polisiya ngayon ng administrasyong Aquino, patuloy na pagkaltas sa pondo ng naturang dalawang

serbisyo – at itulak sila patungo sa pribadong sektor.

Popondohan daw ng administrasyong Aquino ang “socialized housing”. Pero sa panukalang badyet sa 2014, makikitang nakapokus ito sa pagsisiguro na mademolis ang kasalukuyang tinitirhan ng mga maralitang lungsod, kaysa magkaroon sila ng disenteng trabaho at tirahan.

Gov’t agency Program Amount No. of Beneficiaries

National Housing Authority Resettlement P 5.49 B 20,000 ISF (Informal Settler Families)

Socialized Housing and Financing Corp.

Community Mortgage Program

P 3.67 B 5,895 ISF

Dept. of Interior and Local Government- Office of the Secretary

1. Rental Assistance2. Micro-Medium Rise Building

P 360 MP 700 M

20,000 ISF472 ISF

Presidential Commission on the Urban Poor

Capacity-Building for the ISF (consultation mechanisms)

P 8 M 24,000 ISF

TOTAL P 10.23 B

Sundan sa Pahina 8

PORK BARREL AT 2014 BUDGET

KR G

UDA

Page 7: Pw special issue 2013 09 21 pork barrel for issuu

LATHALAIN 7PINOY WEEKLY | SETYEMBRE 21, 2013

May pork barrel, may pork baril

Habang sumisiba ang baboy: edukasyon, kalusugan pinababayaan

Gatasan ng mga heneral ang badyet ng militar at pulisya. Bukod dito, ginagamit din sa panunupil ng mga mamamayan ang pera ng bayan. Ni Macky Macaspac

“Tumaas” daw ang badyet sa sektor pangkalusugan at edukasyon. Pero kulang na kulang pa rin ito. At inilalaan pa ito sa mga programa na pakikinabangan, hindi ng pampublikong mga ospital at eskuwelahan, kundi ng pribadong sektor. Ni Pher Pasion

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), halos PhP82-B lang ang inilaan sa DND. Pero sa paghihimay ng Kabataan at grupong Karapatan sa panukalang badyet, nakitang maliban sa mga institusyong nasa DND, may nakasingit na mga badyet pangmilitar sa iba’t ibang ahensiya at programa ng gobyerno.

Ang masama, ginagamit ng pulisya at militar ang malaking bahagi ng pondo nila para sa “pork baril”: giyerang kontra-insurhensiya na tinatarget ang mga mamamayang lumalaban sa mga katiwalian sa gobyerno.

Takaw-nakaw“Lisensiya (mula sa pangulo) para

pumatay at magnakaw,” pagsasalarawan ni Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan, sa panukalang badyet ng DND.

Itinuturo ni Palabay ang mahigit PhP7-B inilaan ng DBM para sa proyektong Payapa at Masaganang Pamayanan (Pamana) – bilang mistulang pork barrel ng mga heneral. “Hindi ito nakahimay na pondo, buo-buong halaga itong inilaan na pondo. Maaari na ring tawaging pork barrel ito,” aniya.

Pamana ang programa ng gobyerno sa mga lugar na apektado ng armadong

tunggalian na ipinatutupad sa 48 probinsiya. Ngunit bahagi ng programang kontra-insurhensiya na Oplan Bayanihan ang Pamana, giit ng Karapatan. Bahagi nito ang pagkuha sa simpatiya ng mga komunidad na may malakas na presensiya ng mga rebelde, sa pamamagitan ng mga dole-out (abuloy) na pang-ekonomiyang proyekto.

Ikinalat ang pondo ng Pamana sa mga ahensiyang tulad ng Department of Health. Gayundin, di hinimay ng DBM kung para saan ang pondo ng Pamana. Paniwala ng grupo na bulnerable ito sa korupsiyon.

“Ang problema rito sa Pamana,

nakabalangkas ito sa militaristang pagresolba sa ugat ng digmaang sibil sa bansa. Iniaalok ang serbisyo-sosyal, habang nakatutok ang baril. Hindi ito tunay na serbisyong publiko,” aniya.

Sa nagdaang mga taon, ilang ulit na nasangkot ang militar at pulis sa tiwaliang mga paggamit ng pondo. Isiniwalat noong 2011 ni Col. George Rabusa ang milyun-milyong pabaon ng mga nagreretirong heneral at ang kumbersiyon ng mga pondo ng militar. Noong 2007, isiniwalat ng dating Lt. SG Nancy Gadian ang anomalya sa paggamit ng PhP46-Milyong pondo ng RP-US Balikatan military exercises.

Kamakailan, kinasuhan ng graft and

corruption ang dating Philippine National Police Director Gen. Gen. Avelino Razon dahil sa umano’y “ghost repairs and maintenance” ng armored vehicles na nagkakahalaga ng PhP385-M.

Sa privilege speech ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares noong Setyembre 2, isiniwalat niya ang di maipaliwanag na pondong nagastos ng DND-AFP at PNP mula 2009. Ayon sa mambabatas, bilyong piso ang hindi maipaliwanag ng mga opisyal-militar kung saan nagastos. Sinabi pa niya na kahit ang pondo ng Malampaya, nagamit din sa militar samantalang may sarili na itong badyet.

Kung titingnan ang mga numero ng 2014 pambansang badyet, tumaas ang pondo ng dalawang nabanggit na serbisyo. Pero kung susuriin ang tunay na pinaglalaanan ng mga pondong ito, tila hindi ang edukasyon at kalusugan ang prayoridad ng administrasyong Aquino.

Ayon sa Kabataan Party-list, walang signipikanteng naidadagdag ang administrasyong Aquino para

sa edukasyon. Sa 110 state colleges and universities (SUCs) sa bansa, nasa 79 SUCs ang nakaambang kaltasan ng badyet sa taong 2014 sa kabila ng sinasabing pagtaas sa badyet.

Nasa PhP34.7-Bilyon mula sa dating PhP32.8-B ang matatanggap ng SUCs sa bansa, base sa Department of Budget and Management (DBM). Malayo ito sa PhP54-B na pangangailangan ng SUCs na

orihinal na isinumite.Ayon sa Kabataan, sistematiko ang

pagkaltas sa badyet sa edukasyon dahil sa Roadmap for Higher Education Reform (Rpher) na programa ng administrasyong Aquino para sa edukasyon.

Sa ilalim ng Rpher, target na “i-rationalize” ang pagpopondo ng gobyerno sa SUCs para itulak ang mga ito na maging self-sufficient sa pamamagitan ng

pagsasagawa ng mga income generating projects at mabawasan na umasa ng pondo mula sa gobyerno.

“Sa ilalim ng RPHER, tinutulak na maging self-sustaining (ang SUCs). Bahala silang mag-raise ng sarili nilang pondo. Mula sa pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin. Kaya lip service lamang yung pagtataas ng pondo. Mahalaga yung maintenance and operating expenses ng paaralan,

mababa pa rin,” ayon kay Kabataan Rep. Terry Ridon.

Pork Barrel ng CHEDMaliban pa dito, mayroon din umanong

PhP5-B pork barrel ang Commission on Higher Education (CHED). Sa ilalim ng 2014 badyet para sa SUCs, ang PhP5-B ay binabanggit bilang “allocation for capital outlay and scholarships programs.”

Bukod sa pork barrel sa mga mambabatas at Pangulo, mayroon ding “nakatagong” pork barrel sa badyet ng iba’t ibang ahensiya. Kasama rito ang mga ahensiyang panseguridad ng bansa tulad ng militar at pulis. Sa pag-aaral ng Kabataan Party-list, napag-alamang

mula sa PhP 90-Bilyon noong 2013, aabot ang panukalang badyet ng Department of National Defense (DND) sa PhP162-B para sa taong 2014.

Ginagarantiya dapat ng Saligang Batas na prayoridad ng gobyerno ang mga serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at serbisyong medikal. Pero ang polisiya ngayon ng administrasyong Aquino, patuloy na pagkaltas sa pondo ng naturang dalawang

serbisyo – at itulak sila patungo sa pribadong sektor.

Sundan sa Pahina 11

PORK BARREL AT 2014 BUDGET

Sundan sa Pahina 11

Page 8: Pw special issue 2013 09 21 pork barrel for issuu

8 PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | SETYEMBRE 21, 2013KULTURA

PORK BARREL SYSTEM

BUHAY-BABOYTinutukoy ng terminong

pork barrel ang mga pondong inilalaan ng gobyerno para sa mga pet project at programa ng mga pulitiko para sa kanilang personal, pampulitika at pang-ekonomiyang ganansiya.

Sa pambansang badyet, ito ang lump sum appropriations, o malalaking pondo na nakalaan sa presidente, senador o kongresiste para sa mga proyektong itinakda nila. Labis na bulnerable ito sa abuso.

PAG-APRUBA SA PORK

NATIONAL BUDGET IPINAPASA NG PANGULO SA KONGRESO PARA APRUBAHAN

Ito ang tinatawag na General Appropriations Act. Ginagamit ng Kongreso -- Kamara at Senado -- ang kanyang “power of the purse” para kilatisin ang panukalang badyet ng Ehekutibo.

BUDGET DELIBERATIONS SA KAMARA AT SENADO

Panahon ito ng “horse trading” o matinding palitan-ng-pabor sa pagitan ng Ehekutibo at mga mambabatas. Aaprubahan ng mga mambabatas ang badyet kung masisiguro ang paglaan ng pondo para sa kanila. Noo’y tinawag na Countrywide Development Fund, o CDF, kalauna’y naging

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

o PDAF. May takdang pondo ang bawat mambabatas -- P70-Milyon para sa Kongresista at P200-Milyon para sa Senador -- bilang discretionary funds nila (dapat) para sa kanilang constituents. Bago pumutok ang Pork Barrel Scandal, naglaan si P-Noy ng P25.3-Billion para sa PDAF sa 2014 Budget.

PRESIDENTIAL PORK BARREL SPECIAL PURPOSE FUNDS, ATBP.

Pinakamalaki, siyempre, ang discretionary funds ng Pangulo. Bukod sa Special Purpose Funds o SPF, nariyan ang samu’t saring programmed at unprogrammed funds. Ang programmed funds, nagmumula sa mga kumikitang korporasyon o negosyo ng gobyerno, tulad ng Pagcor at Malampaya. Habang hindi nagagalaw ang Pork Barrel ng mga kongresista at senador, hindi nila gagalawin ang pork barrel ng Pangulo. Kumbaga, “you scratch my back, I scratch yours.”

Dahil sa laki ng presidential pork ito ang tinatawag ng maraming progresibong grupo na “mother of all pork.” Ang iba naman, binabansagan si P-Noy na “pork barrel king.”

PROSESO NG PORK

Sanggunian: PAGBABAGO! Primer on the Pork Barrel System Testimonya sa Senado ni Benhur Luy

Pagtatakda ng Pangulo, Kongresista o Senador ang pet project

Pag-apruba ng Department of Budget and Management

Negosasyonsa mga kontraktor,suplayerat beneficia-ries na “madaling kausap” Sa hard projects, may

“bidding” -- na maaaring mapeke ng kaktusabangbidders

May 10% SOP kickbacks sa contract cost, habang nakakauha ng 10-15% kickbacks ang middlemen na tulad ni Napoles

Idinadaan sa mga pekengNGOs ang pondo. Di-bababa sa 50% ang ibinabalik sa kongresista o senador. 10% sa chief of staff, 5% sa ahensiya...

ibang lugar ang mga pamilyang palalayasin. Pero wala namang maipangakong tirahan ang gobyerno kundi sa malalayong relokasyon, o sa mga Medium-Rise Building (MRB) na hindi naman abot-kaya ng mga maralita dahil sa taas ng amortisasyon.

Sa badyet ng DILG, may PhP700-M na nakalaan para sa pagtatayo ng MRB—ngunit kapansin-pansin na kakaunti lamang ang inaasahang makikinabang dito, tinatayang nasa 472 informal settler families, ayon sa datos ng gobyerno.

Ayon pa sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), matagal nang ipinapangako ng gobyerno ang pagtatayo ng mga MRB, ngunit ni isa’y walang naitayo ngayong taon. Wala rin umanong local government unit ang nag-donate ng kanilang lupa para sa tirahan ng maralitang lungsod, kaya’t off-city o malayong relokasyon pa rin ang tanging ibinibigay na opsiyon ng gobyerno.

Inaasahan din ng mga maralita na hindi nila mapapakinabangan ang PhP3.67-B na inilaan ng gobyerno para sa Community Mortgage Program (CMP), o pagpapautang para magkabahay. Ayon sa Kadamay, ang CMP ay hindi para sa pinakamahihirap. Sa halip na CMP, mas kailangan ang pang-araw-araw na pagkain, trabaho, edukasyon at kalusugan.

Debeloper at pulitiko, makikinabang

“Malinaw na tanging pribadong mga debeloper at kurakot na mga pulitiko sa mga ahensiya ng gobyerno ang makikinabang sa pondong inilalaan mula sa buwis ng mga mamamayan para sa diumano’y pabahay,” ani Estrelita Bagasbas, tagapagsalita ng AKD.

Halimbawa, isa sa pinakamalaking debeloper sa relocation site sa Montalban, Rizal ang New San Jose Builders Inc. (NSJBI), na pag-aari ng

negosyanteng si Jerry Acuzar, bayaw ni Executive Secretary Paquito Ochoa. Sangkot din sina Ochoa at Acuzar sa maanomalyang kontrata sa pagitan ng PhilForest at NSJBI para sa pagdebelop ng 2,000 ektaryang lupa sa Palawan, na ibinulgar ng whistleblower na si Jun Lozada.

Nangangamba rin ang maralitang lungsod na posibleng gamitin ni DILG Sec. Mar Roxas ang pondo ng ahensiya sa kampanya para sa 2016 presidential elections. Nadawit si Roxas sa pork barrel scam nang matuklasan ng Commission on Audit na kuwestiyonable ang PhP5-M na idinaan ni Roxas sa Kaloocan Assistance Council, Inc.

CCT: Dispalinghadong solusyonTinitignan ding balon

ng korupsiyon ang CCT o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, na pinalaki pa ang badyet sa 2014. Nasa PhP76.8-B, o halos 70 porsiyento ng badyet ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang nakalaan sa CCT, na tinatayang aabot sa 4.3 milyong pamilya.

Isang imposisyon ng dayuhang institusyon na World Bank, binabatikos ang CCT hindi lamang dahil sa

malawakang iregularidad sa paggamit nito, kundi dahil isa itong dispalinghadong “solusyon” sa kahirapan.

“Kahit gaano pa man kalaki ang ilagay nilang badyet sa CCT ay mababalewala rin dahil patuloy na pinapalayas ang mga maralita sa kanilang mga komunidad at kabuhayan,” ayon kay Nere Guerrero, tagapangulo ng Samahan ng Maralitang Kababaihang Nagkakaisa o Samakana.

Naniniwala ang grupo na “malaking aksaya sa pera ang CCT” kung patuloy ding ipinapatupad ng administrasyong Aquino ang kontra-mahihirap na mga polisiya gaya ng demolisyon.

Umano’y mas maigi pang ilagay ang badyet sa CCT sa mga kongkretong serbisyo gaya ng mas maraming charity wards sa mga pampublikong ospital at mas maraming paaralan at libreng mga aklat para sa bata.

Para naman sa Kadamay, maiging dalhin ang buwis ng taumbayan sa mga programang lilikha ng trabaho para sa mga maralita. Pangunahin dito ang pagtatayo ng pambansang mga industriya, at pagpapaunlad ng agrikulturang nakatuntong sa reporma sa lupa. PW

Pondo ng maralita MULA P. 6

Martsa ng mga militante tungong Mendiola, Agosto 26.

MAC

KY M

ACAS

PAC

Page 9: Pw special issue 2013 09 21 pork barrel for issuu

9PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | SETYEMBRE 21, 2013 BALITANG GLOBAL

Pansamantalang itinigil ni US Pres. Barack Obama ang planong

maglunsad ng air strikes laban sa Syria, matapos ang malawakang pagkondena ng mga mamamayan ng mundo sa isa na namang gera ng agresyon ng imperyalistang bansa.

Sa pinakahuling address ni Obama, sinabi nitong hihintayin muna niya ang ulat ng United Nations (UN) hinggil sa umano’y paggamit at pagtatago ng chemical weapons ng gobyerno ng Syria, na pinamumunuan ni Bashar Al-Assad. Ilang araw lamang bago nito, ideklara ni Obama na aatake na ang US sa Syria.

Nananatili ang malaking posibilidad na gagamitan ng dahas ng gobyernong US ang Syria. Katunayan, inutusan ni Obama ang militar na “maging handa,” kung sakaling “pumalpak ang diplomasya.”

Pinabubulaanan naman ng gobyernong Syria na ito ang nagpakawala ng nakalalasong kemikal na sarin noong Agosto 21. Ang insidenteng ito, na kumitil diumano sa buhay ng 1,400 sibilyan, ang ginagawang dahilan ng US para umatake.

Madadamay na sibilyanSa isang roundtable discussion sa

University of Makati, inihayag ni Issam Eldebs, Consul General ng Syria sa Pilipinas, na hindi magagawa ng gobyerno ng Syria na saktan ang inosenteng mga sibilyan. Mga “rebelde” umano ang may kagagawan ng atakeng kemikal.

Kahina-hinala rin umano na nangyari ang atake noong Agosto 21, dalawang araw lamang pagkarating ng mga inspektor ng UN sa Syria. Mayroon pang ulat ang gobyernong Russia, na alyado ng Syria, na peke ang mga litrato at bidyo ng atake na kumalat sa midya.

Anu’t anuman, libu-libong inosenteng sibilyan ang madadamay kung itutuloy ng Estados Unidos ang air strikes, babala ni Eldebs. “Wala silang mga lehitimong

Pagkondena ng mundo sa panghihimasok ng US sa Syria

target na tatamaan. Ang tanging tataaman nila ay mga sibilyan,” aniya.

Kinuwestiyon din ng konsul ang datos na inilalabas ng gobyernong US hinggil sa mga chemical weapons diumano ng Syria, na hindi malinaw kung saan nagmula. “Paano naman nila nalaman? Saan nagmula ang datos na ito?” aniya.

Dagdag pa niya, hindi chemical weapons ang totoong target sa air strikes: “Kung mayroon man ay hindi nila alam kung saan ito nakalagay, at kung sakali ay magdudulot ito ng napakalaking pinsala.”

Sa halip, target umano ng US ang kritikal na mga instalasyong militar ng Syria, sa layong pahinain ang kanilang lakas. Ang air strikes ay isa umanong aksiyon para palakasin ang posisyon ng mga “rebelde” na nais patalsikin sa puwesto si Assad. Liban dito, kapag napatumba ng US si Assad, madali na para sa US na atakehin naman ang Iran, na higit pa nga sa Syria na mayaman sa langis.

Ngunit ang pagpapatalsik kay Assad ay isa umanong bagay na hindi dapat

panghimasukan ng ibang bansa. “Ang pagpapalit sa isang lehitimong gobyerno ay isang internal na usapin. Tanging ang mga mamamayan ng Syria lamang ang makakapagdesisyon kung sino ang kanilang presidente,” ani Eldebs.

‘Rebeldeng’ pinopondohan ng USAyon sa International League of

People’s Struggles (ILPS), isang anti-imperyalistang alyansa, mas marapat na tawaging “mersenaryo” kaysa “rebelde” ang mga miyembro ng Free Syrian Army, na direktang sinusuportahan ng US at kanyang mga alyado.

Pinopondohan ng gobyerno ng Saudi Arabia at Qatar ang nasabing grupo. Binibigyan naman sila ng gobyerno ng Turkey ng akses sa teritoryo para makapasok sa Syria. Sinasanay din sila ng special forces ng France at Great Britain.

Pinalalim ni Prof. Jose Ma. Sison, tagapangulo ng ILPS, kung bakit ayaw ng Estados Unidos kay Assad. Aniya, “iginigiit ng gobyernong Syria ang pambansang kasarinlan at soberanya.”

Umano’y hindi nagpapadikta si Assad sa mga imperyalistang patakaran ng US, sa ekonomiya man o sa pulitika.

Tinutulan ni Assad ang gera ng US sa Iraq. Alyado nito ang Iran, at sumusuporta sa pakikibaka ng mga mamamayan ng Lebanon at Palestine laban sa Israel.

Sinabi pa ni Sison na hindi na bago ang pagmamanupaktura ng gobyernong US, kasabwat ang midya, ng mga dahilan para manghimasok sa Syria. Kabilang dito ang masaker sa mga siyudad ng Homs at Houla, na kaagad isinisi kay Assad. Ang masaker sa Houla, itinaon pa bago ang bisita ng UN envoy na si Kofi Annan. Ngunit kalaunan, natuklasang kagagawan din ng mga “rebelde” ang mga masaker na ito.

Tinawag din ni Sison na “ipokrito” ang Estados Unidos na pagkondena nito sa paggamit at pagtatago ng chemical weapons, gayong ito ang numero unong gumagamit ng mga kemikal—gaya ng napalm, Agent Orange, white phosphorous, depleted uranium, atbp.—sa kanyang mga gera ng agresyon. PW

Sa nakaambang pag-atake ng armadong mga puwersa ng US sa Syria, muling naghahayag ng pagtutol ang mga mamamayan ng mundo. Ni Ilang-Ilang D. Quijano

Page 10: Pw special issue 2013 09 21 pork barrel for issuu

10 PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | SETYEMBRE 21, 2013KULTURA

Kaugnay ng pagtaas ng presyo ng bigas, dapat umanong gawin ng gobyerno ang lahat na kanya nitong gawin para

agarang kontrolin ang pagtaas ng presyo ng bigas, ayon kay Anakpawis Rep. Fernando Hicap.

Tumaas ang presyo ng komersiyal na bigas sa mga pamilihan ng Metro Manila na ngayon ay nasa P37 hanggang P45 kada kilo. Ang NFA rice naman, nasa P29 hanggang P32 kada kilo. Mas mataas ang presyo

sa Visayas at Mindanao.“Masyadong mataas at

hindi kayang bilhin ng mga ordinaryong konsiyumer ang kasalukuyang presyo ng bigas. Kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon, umaasa tayo na magkakaroon ng malawakang kagutuman sa bansa at tanging ang gobyernong Aquino ang masisisi natin,” ayon kay

Hicap.Sinabi naman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

na hindi rice shortage ang problema, kundi ang kartel sa bigas ang nagpapataas sa presyo ng bigas.

Walang kontrol at kapangyarihan ang gobyerno sa lokal na industriya ng bigas dahil pinahihintulutan nito ang kartel sa bigas na mag-operate, ayon kay Hicap.

“Isang mafia ang nag-ooperate sa lokal na industriya ng bigas at alam ito ng gobyerno. Nasa likod ng manipulasyon at pagtatago ng suplay ng bigas ang mga malalaking rice traders at importers. Para makontrol ang presyo ng bigas, dapat munang buwagin ng gobyerno ang kartel sa bigas,” ayon kay Hicap.

Mula Hulyo, tumaas ang presyo ng NFA at komersyal na bigas ng P5 hanggang P7 kada kilo. Mula noon, walang nagawang signipikante ang gobyerno para pigilan ang pagtaas na presyo ng bigas, ayon kay Hicap.

Imbes na tugunan ang pagtaas ng presyo, sinisi umano ni Department of Agriculture (DA) Sec. Proceso Alcala ang sinasabing kalaban sa politika sa sitwasyon ng presyo sa bigas. Ayon sa NFA, magiging stable ang presyo ng bigas kapag nagsimula na ang anihan sa susunod na buwan.

Ayon sa Anakpawis Party-list, binunyag mismo ng Bureau of Agriculture Statistics (BAS) na magpapatuloy ang pagtaas ng parehong wholesale at retail na bigas. Noong Setyembre 1, tumaas ng 9.24 porsyento ang average na presyo ng wholesale ng well-milled rice sa P36.29 kada kilo kumpara noong nakaraang taon. Ang retail price naman, tumaas ng 6.78 porsyento sa P38.11 kada kilo sa taunang basehan.

Para sa regular-milled rice, tumaas ng 9.13 porsyento ang wholesale price sa P33.22 kada kilo sa taunang basehan. Ang average na retail price ng regular-milled rice ay P34.75 kada kilo o 7.52 porsyentong mataas kumpara sa presyo nito noong nakaraang taon.

Nagsabi naman si Hicap na papaimbestigahan sa Kongreso ang pagtaas sa presyo ng bigas. Pher Pasion

‘Kartel, nagpapataas ng presyo ng bigas’

MULA SA PIXEL OFFENSIVE

Page 11: Pw special issue 2013 09 21 pork barrel for issuu

11PINOY WEEKLY ESPESYAL NA ISYU | SETYEMBRE 21, 2013

Sa panayam ng Pinoy Weekly, sinabi ni Colmenares na personal niyang natuklasan na mayroong aabot sa P40-B ang hindi na-liquidate ng AFP sa pondo para sa modernization program nito.

Pondong magpapalala sa abuso, paglabagIginigiit ng Karapatan na gagamitin ng

militar at kapulisan ang 2014 proposed budget sa pagsupil sa lehitimong mga paglaban ng mga mamamayan at magpapalala sa paglabag sa karapatang pantao.

Ayon sa grupo, mas mataas ang badyet ng AFP Medical Center (PhP 1.2-B), na pangunahing pagamutan ng mga sundalo, kaysa sa pangkalahatang pampublikong mga ospital tulad ng Jose Reyes Memorial Medical Center (PhP541-M), National Children’s Hospital (PhP286-M); Philippine Orthopedic Center (PhP519-M); Quirino Memorial Medical Center (PhP357-M) at Tondo Medical Center (PhP256-M).

Samantala, taliwas sa pangako ni Pangulong Aquino na bubuwagin nito ang mga grupong paramilitar tulad ng Civilian Armed Forces Geographical Units (Cafgu), naglaan naman ng Php 2-B badyet ang gobyerno. Sabi ng Karapatan, mula 2010 sangkot na ang mga Cafgu sa ekstrahudisyal na mga pamamaslang sa mga sibilyang kritiko ng gobyerno tulad na lang ng kaso nina Fr. Fausto Tentorio, Jimmy Liguyon, Juvy Capion at ang pinakahuli si Anting Freary.

“Ginagamit ang pondo para pumatay at lumabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Oplan Bayanihan,” ani Palabay.

Isa pa sa kinukuwestiyon ng grupo ang pondo ng intelligence agencies kasama ang intelligence fund ni Aquino. Habang milyong piso ang inilalaan para sa intelligence, hindi naman umano mahuli ang puganteng si Gen. Jovito Palparan, gayundin ang iba pang opisyal na nasasangkot sa mga paglabag sa karapatang pantao.

Inaakusahan pa nga ng Karapatan na isang raket ng militar at pulis ang

mga pabuyang ipinapatong sa mga lider ng rebolusyonaryong kilusan. Patunay daw ang paglaya ni Rolly Panesa na isang security guard pero inakusahan, hinuli at tinortyur ng mga militar dahil isa raw siyang mataas na opisyal ng New People’s Army. Ibinigay ng AFP ang pabuyang Php5-M sa impormante. Pero makaraan ang ilang araw, sinabi ng korte na mistaken identity ang nangyari kay Panesa.

Sa pinakahuling datos ng grupo, mayroon nang 142 kaso ng pamamaslang, 164 ang bigong pagpatay, 16 na insidente ng sapilitang pagkawala, 76 na kaso ng

tortyur, 540 kaso ng ilegal na pag-aresto at libu-libong biktima ng sapilitang paglikas.

Kaya naman pangamba ng Karapatan na lalong titindi ang mga paglabag sa karapatang pantao kapag naaprubahan ang badyet ng Defense Department. PW

outlay and scholarships programs.”May kuwestiyonableng alokasyon

din sa sa CHED gaya ng “social protection package for former combatants” sa ilalim ng Pamana (isang anti-insurehensyang programa ng gobyerno) na nagkakahalaga ng PhP4-Milyon, dagdag ng Kabataan.

Badyet sa batayang edukasyonSamantala, “tumaas” ang pondo

ng Department of Education na makakatanggap ng PhP337-B pondo para sa 2014. Pero para sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), malayo pa rin ito sa pangangailangan ng batayang edukasyon.

Ayon sa ACT, aabot lamang sa tinatayang PhP44.6-B para matugunan ang kakulangan sa mga klasrum, upuan, textbooks (6 libro/estudyante), tubig at sanitasyon para sa paaralan. Nasa PhP55.2-B naman ang aabutin para matugunan ang dagdag na sahod, karagdagang teaching items, annual medical exam (P500/guro), implementation of grant of cash allowance, hardship pay, ERF conversion to MT, reclassification of position and payment of step increment, at Collective Negotiation Agreement (CNA) Incentives ng mga

guro.Matutugunan sana ito kung direktang

ilalaan sa edukasyon ang pork barrel, ayon sa ACT.

Isa sa kinukuwestiyon ng ACT ang paglaki ng pondo ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (Gastpe), programa ng gobyerno para umano i-decongest ang mga publikong paaralan sa pagpopondo sa mga mag-aaral na lilipat patungong pribado.

“Parang sub-contracting (ito). Privatization ito sa esensiya,” ani France Castro, pangkalahatang kalihim ng ACT.

Maikukumpara ang Gastpe sa

Conditional Cash Transfer (CCT) at Philhealth. Ang CCT ay ang pagbigay ng kakarampot na panggastos sa iilang mahihirap sa halip na bigyan ng sapat na trabaho sila. Ang Philhealth ay ang binabayarang insurance para “makamura” sa serbisyong medikal sa halip na magbigay na sapat na pondo sa pampublikong mga ospital. Samantala, ang Gastpe ay pagpasa ng iilang maralitang estudyante sa pribadong mga eskuwelahan sa halip na maglaan ng sapat na pondo sa mga pampublikong eskuwelahan.

Sa kaso pa ng Philhealth at Gastpe, napupunta ang pondo ng

gobyerno sa pribadong mga ospital at eskuwelahan.

Sa budget hearing sa Kamara ng DepEd, isiniwalat ni Education Undersec. Francis Varela na aabot sa PhP7.5-B ang hinihingi ng DepEd para sa Gatspe. Napasabi tuloy si ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na tila “pribadong mga paaralan pa ang may pinakamalaking pinaglalaanan ng pondo” ng DepEd.

Sinabi ni Castro, na isang pampublikong guro sa elementarya, na di nakakatulong ang Gastpe sa pag-decongest umano ng public schools. “Ang nangyayari, masyado ring anomalous ito. Di ba kukuha

dapat sila ng estudyante mula sa public schools, ang nangyayari, yung nasa private school na mismo ang binibigyan ng tulong.”

Bahagi ng programang Public-Private Partnership o PPP ang Gatspe.

Badyet sa kalusuganPagmamalaki ng DBM, “lumaki”

ang badyet para kalusugan na aabot sa PhP87.1-B. Pero lumalabas na wala itong pinagkaiba sa 2013 badyet. Sa P35-B dagdag-badyet sa serbisyo-kalusugan noon, PhP12.6-B ang inilaan sa Philhealth.

“Imbes na sa mga ospital ibigay ang pondo, malaking bahagi nito ang sa Philhealth…(H)indi naman lahat ng mga mamamayan ang mayroong (Philhealth),” ani Gene Nisperos, doktor at vice-chairperson ng Health Alliance for Democracy (HEAD).

Sinabi pa ni Nisperos na di rin naman lahat ng serbisyong pangkalusugan ay sakop ng Philhealth.

“Imbes na serbisyo ang dapat na prayoridad at ilaan ang malaking pondo sa pampublikong mga ospital natin, sa Philhealth pa ito ibinibigay. Ibig sabihin, binabayaran ang serbisyong pangkalusugan,” dagdag niya.

Habang umaapaw ang pondo para sa pork barrel, taun-taong tila pulubing namamalimos ang mga mamamayan para lakihan ang pondo ng mga batayang serbisyo. PW

Pork baril Mula sa pahina 7

Edukasyon, kalusugan pinapabayaanMula sa pahina 7

Mga t-shirt na binenta sa EDSA Tayo, Sept. 11, 2013.

MAC

KY M

ACAS

PAC

ILAN

G-IL

ANG

QUIJ

ANO

Page 12: Pw special issue 2013 09 21 pork barrel for issuu

Nasa pahina ang Ilang likhang sining na ginawa ng Ang Gerilya na matatagpuan sa ilang lugar sa Lungsod Quezon, tulad sa overpass ng Philcoa, at sa opisina ng Kabataan Party-list.

Boni @150

Ipagdiriwang ng bansa ngayong taon ang ika-150 kaarawan ni Gat

Andres Bonifacio, ang itinuturing na Ama ng Himagsikang Pilipino. Maraming nakatakdang gawain kaugnay ng kanyang kaarawan na susukdol sa ika-30 ng Nobyembre, ang kaarawan ng Supremo.

Si Bonifacio ang nanguna sa pagtatatag ng Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK,ang kauna-unahang kilusan sa Asya na armadong nag-alsa laban at nagpatalsik sa kolonyal at pyudal na kapangyarihan ng isang makapangyarihang mananakop.

Kasama ng mga tulad niyang anakpawis, lihim na nagparami ng kasapi ang Katipunan hanggang kayanin nitong maglunsad ng mga pananalakay sa mga kampo ng mga sundalong Espanyol. Kumalat ang kasapian ng Katipunan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, patunay na tinangkilik ng mga mamamayan ang sinimulan nilang rebolusyon.

Layunin ng Rebolusyong 1896 na palayain ang sambayanan mula sa kolonyalista at itayo ang nagsasariling Pilipinas—taliwas sa nais ng mga repormista na gawin lamang probinsiya ng Espanya ang bansa sa kaisipang magiging pantay ang turing sa mga mamamayan ng naturang bansa.

Dahil sa laganap na pambubusabos at pagsasamantala ng mga dayuhan sa mga Pilipino, binigkis ni Bonifacio ang lakas ng mga kababayan na humantong sa lantarang paglaban sa kolonyal na paghahari na inihudyat ng sabay-sabay na pagpunit ng kanilang mga sedula isang araw ng Agosto 1896.

Maliwanag na inilahad ng Supremo sa kanyang tulang “Ang mga Cazadores” ang kalagayan ng sambayanan nang mga panahong iyon:

Mga kasadores dito ay padalaSanhi raw ng gulo’y lilipulin nilaNgunit hindi laban yaong kinikitaKundi ang mang-umit ng manok at baka.

Yaong mga bayang sa tahimik kanlongSa mga Kastila’y siyang hinahayon,Ang bawat makita nilang malalamonPinag-aagawan dahilan sa gutom.

Buong kabahayan ay sinasaliksik,Pilak na makita sa bulsa ang silid;Gayon ang alahas at piniling damitKatulad ay sisiw sa limbas dinagit.

Sa mga babae na matatagpuanMga unang bati’y ang gawang mahalay;Kamuntik man lamang di nagpipitaganSa puring malinis na iniingatan.

At ang mga lakong kamatis at pakwan,Milon, at iba pang pinamuhunananWalang nalalabi sa pag-aagawanNg mga Kastila kung matatagpuan.

Lahat ng makita nilang maggagatasAgad haharangan, dada’nin sa bulas,Tuloy lalaklakin ng mga dulingasAnupa nga’t wala nang pinalalampas.

Ngalang “cazadores” hindi nararapatKundi “sacadores” ang ukol itawag;Bakit sa tagaa’y malayo ang agwatMandi’y halataing matakaw at duwag.

Isang daan at limampung taon na ang nakararaan pero kung susuriin ang laman ng tulang ito ni Bonifacio, nananatili ang pagsasamantala sa ating lipunan.

Kabilang dito ang kawalan ng lupa ng mga magsasaka, kawalan ng tunay na industriyalisasyon, pandarambong ng lokal at dayuhang kapitalista sa tulong ng mga burukrata sa yaman ng bansa at samu’t saring paglabag sa karapatan ng mga mamamayan.

Isang daan at limampung taon, tila umalingawngaw pa rin ang Sigaw sa Pugadlawin, ang sigaw ng taumbayang nakikibaka para sa tunay na kalayaan at katarugang panlipunan.

Mga aktibidad kaugnay ng ika-150 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio

Rock Supremo Setyembre 20-22 at 27-28, Tanghalang Aurelio Tolentino, CCP

Sabayang pagtataas ng bandila ng Pilipinas at pag-aalay ng bulaklak -- Nobyembre 30 sa mahahalagang lugar sa buhay ni Bonifacio:Bonifacio National Monument (Caloocan City)Bonifacio Trial and Execution sites (Maragondon, Cavite)Pinaglabanan Memorial Shrine (San Juan City)Bonifacio Shrine (Manila City Hall)Bonifacio Monument (Cloverleaf, Quezon City)Bonifacio Birth Site (Tutuban Center, Manila)Bonifacio Monument (Bonifacio Global City, Taguig)

Paggunita ng iba't ibang progresibong organisasyon sa kaarawan ni Bonifacio --Nobyembre 22, University of the Philippines Theater, Diliman Quezon City