24

Primer on Philippine Educational Situation

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Philippine Educational Situation series of 2013

Citation preview

Page 1: Primer on Philippine Educational Situation
Page 2: Primer on Philippine Educational Situation

Ang praymer na ito’y naglalayong ilatag ang kala-gayan ng edukasyon sa tatlong taon na panunung-kulan ni pangulong Aquino at ipaliwanag ang pag-igting ng krisis sa edukasyon at ang patuloy pang pagsahol nito sa pagpapatuloy ng komersiyalisa-do, kolonyal, at pasista na sistema ng edukasyon. Hangad din ng sulating ito na talakayin ang kahal-agahan ng pagsusulong ng isang makabayan, si-yentipiko, at makamasang sistema ng edukasyon, bilang alternatiba sa naghihingalong sistema ng edukasyon sa bansa.

I. Education for Sale: Ang Komersyalisadong Edukasyon 1) Ano ang Komersyalisasyon (Kume) sa Edukasyon?

Ang kume ay ang sistema na kung saan ang edukasyon ay tinatratong kalakal sa halip na isang karapatang tinitiyak, itinataguyod at ipinagkaka-loob ng estado para sa mamamayan. Ang primaryang layunin sa mga pamantasan ay ang pagpapalaki ng tubo at hindi na kung paano mapa-ghuhusay ang “access” sa de kalidad na edukasyon. Sa ilalim ng kume, ginawang pangunahing rekisito para makapag-aral ang salapi o pam-bayad. Ang pamamalakad sa mga paaralan ay wala nang ipinagiba sa kung paano pinalalakad ang isang korporasyon o negosyo, at binago ang oryentasyon ng edukasyon mula sa integral na papel nito sa paglilinang ng kultura’t kalinangan, pagpapayabong ng kaalaman, at pagpapaunlad ng kabuhayan patungo sa pagbenta sa edukasyon at sa mga produkto (graduates) nito.

2) Paanong pinasahol ng administrasyong Aquino ang Kume sa Edukasyon?

Sa kaso ng tersaryong edukasyon, walang patid ang naging taunang pag-tataas ng matrikula at iba pang bayarin. Sa pagtataya ng NUSP, nasa P150-P200 kada yunit o P3,150-P4,200 kada semestre ang itinaas sa matrikula sa ilalim ng administrasyong Aquino. Ngayong taon, mahigit sa 367 private higher education institutions (PHEis) na nagsumite ng inten-syong magtaas ng matrikula para sa AY 2013-2014 ang inaprubahan ng CHED.

Page 3: Primer on Philippine Educational Situation

Katwiran nito, naghihirap ang mga PHEIs at ang 5%-10% na pagtaas ng matrikula ay hindi kalakihan, na pinabubulaanan ng kanilang datos. Ayon sa tala ng CHED, umaabot sa P475.47 ang national average tuition rate per unit samantalang ang average tuition rate sa NCR ay pumalo na sa P985.05 kada yunit. Ibig sabihin, kakailanganin bunuin ng magulang ang mahigit sa P20,000-P40,000 kada semestre. (ANNEX 1: Table on tuition fee increase for SY 2012-2013) Umakyat na rin sa mahigit doble ang matrikula sa loob nang isang dekada.

3) Bukod sa pagtataas sa matrikula, anu-ano pa ang mga iskema ng kume?

Kung babalikan natin ang pakahulugan ng CHED sa “tuition,” malinaw na saklaw na nito ang lahat ng gastusinsa pangkalahatang serbisyong ibinibigay sa mga estudyante (hal. Library, serbisyong medikal at dental, paggamit ng laboratoryo, atbp.).

Tatlo lang ang maaring singilin bilang miscellaneous fees: student publica-tion fee, student council/government fee at at ID. Pero hangga’t deregulat-ed ang bayarin sa mga paaralan, hindi matatapos ang paniningil ng mga samu’t saring bayarin na nagpapataas ng matrikula.

Ligtas naman sa tinatawag na incremental proceeds ang miscellaneous fees kung kaya’t ang anumang sobra sa masisingil rito’y diretso sa kita nang mga pamantasan. Karamihan sa mga ito ay maikakategorya bilang “redundant,” “exorbitant,” at “dubious” fees.

Page 4: Primer on Philippine Educational Situation

Ilan pa sa mga iskema ng mga PHEIs sa pagkamal ng tubo ay ang mga polisiyang tulad ng “No permit, No Exam policy,” “No Promissory Note policy”, carry-over scheme, atbp.

Naipasa na sa mababang kapulungan ng kongreso ang panukalang batas ng Kabataan Party-list na magbabawal sa pagpapatupad ng “No Permit, No Exam policy.”Sa kabila ng CHED memo na nagpapatigil dito, mara-ming pamantasan ang pilit itong ipinapatupad. Tinatakot ng polisiya ang mga estudyante at magulang na kung hindi babayaran ang balance, hindi di maaring kumuha ng pagsusulit kung gayo’y wala ring makukuhang gra-do, o kaya ay hindi makakapag-enrol sa susunod na semestre.

Ang “No Promissory Note policy” sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) naman ay hindi nagpapahintulot ng pag-enrol sa pamamagitan ng promis-sory note ng mga estudyanteng kulang ang pambayad. Samantala, ang “carry-over scheme” na ipintatutupad sa University of the East (UE) at Saint Louis University (SLU) Baguio, ay awtomatikong nagtataas ng matri-kula kada year level, sa katwirang dadalhin ng estudyante ang tuition rate sa pag-akyat niya ng baiting.

Page 5: Primer on Philippine Educational Situation

Sa nakalipas na anim na taon, ang pinagsama-samang gross revenues ng top 5 school earners sa bansa ay umabot sa P15.43 billion ($337,932,554), habang P3.45 billion ($75,558,475) ang pinagsama-samang net income. Ilan sa mga eskuwelahan na kabilang sa top 1,000 corporations ay ang National Teachers College, Mapua Institute of Technology, Centro Esco-lar University, University of the East, Far Eastern University, University of Perpetual Help, at Manila Central University.

4) Anu-ano ang umiiral na batas at polisiya hinggil sa edukasyon?

KUME Law (Education Act of 1982 0 Batasang Pambansa bilang 232)Tatlumpung taon na ang batas na ito na ipinatupad noong Setyembre 11, 1982. Ito ang dahilan kung bakit walang humpay ang pagtaas ng matrikula at karagdagan at bagong bayarin. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang mga pamantasan na itakda ang halaga ng matrikula at iba pang bayarin. “Section 42. Tuition and Other Fees - Each private school shall determine its rate of tuition and other school fees or charges. The rates and charges adopted by schools pursuant to this provision shall be collectible, and their application or use authorized, subject to rules and regulations promulgated by the Ministry of Education, Culture and Sports.” Education Act of 1982Malinaw din sa batas na may kapangyarihan ang CHED at DepEd na magtakda ng mga patakaran at regulasyon hinggil sa matrikula’t iba pang bayarin.

Ngunit nananatiling inutil ito sa pagpigil sa taunang pagtataas sa matrikula at kadalasan pa’y tagapagtanggol nang mga pribadong pamantasan.

GASTPE

Laman din ng Educ act of 1982 ang pagbibigay ng ayudang pampinansya sa mga pribadong paaralan.

“Section 41. Government Assistance - The government, in recognition of their complementary role in the educational system, may provide aid to the programs of private schools in the form of grants or scholarships, or loans from government financial

Page 6: Primer on Philippine Educational Situation

institutions: Provided, That such programs meet certain defined educational requirements and standards and contribute to the attainment of national development goals.”

Sinusugan ito ng Republic Act 6728 o Government Assistance to Students and Teachers In Private Education Act (GASTPE Law). Inaatasan nito ang gobyerno na tustusan ang pag-aaral ng ilang mga estudyante sa priba-dong paaralan.

Kulang na kulang ang P6,500-P10,000 na subsidiya mula sa GASTPE gayong nasa P15,000-P40,000 ang matrikula sa mga pribadong paara-lan. Inamin ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na di na sasapat ang P10,000 subsidiyo kada taon dahil sa paglobo ng halaga ng matrikula sa mga pribadong paaralan.

Sa halip na kontrolin ng gobyerno ang di makatwirang taas ng matrikula at gamitin ang kaban ng taumbayan para punan ang iba’t ibang kakulangan, kinukunsiti pa ang pribadong sector at naisasantabi ang nararapat na sub-sidy para sa edukasyon.

CHED MEMO ORDER

Inianak ng Education Act ang iba’t ibang CHED memorandum orders (CMO). Taong 1998 nang ilabas ang CMO 13, ang guideline na susundin ng PHEIs sa pagtataas ng matrikula. Idinagdag sa rekisito ang konsulta-syon sa pagitan ng administrasyon at mga stakeholders (students, teach-ers, employees, alumni, atbp.) alinsunod sa Republic Act 6728 (RA 6728).Pero hindi saklaw ng CMO 13 ang konsultasyon sa pagpapataw ng mga bagong bayarin at pagtataas sa mga bayaring labas sa matrikula. Sina-mantala ng mga PHEIs ang luwag na ito at nagpataw ng mga bagong bayarin at binawi ang karamihan ng pagtataas sa “miscellaneous fees.”

Hulyo 19, 2005 – Serye ng konsultasyon ang naganap para amyendahan ang CMO 13, series of 1998.

Hulyo 19, 2005 – Serye ng konsultasyon ang naganap para amyendahan ang CMO 13, series of 1998.

Mayo 16, 2005 – Inilabas ang CMO 14, series of 2005.

Mayo 8, 2006 – Naglabas ang CHED ng en banc Resolution No. 334-2006 na nagbabawal sa pagtataas ng tuition, miscellaneous at iba pang bayarin ng mas mataas sa inflation rate na 7.6%

Page 7: Primer on Philippine Educational Situation

Hunyo 5, 2006 – Dahil sa matinding lobbying at pagpapahayag natin sa House Committee on Higher and Technical Education (CHTE), idinekla-rang iligal at di-konstitusyonal ang CMO 14, partikular ang probisyon na nagtatanggal ng exemptions sa konsultasyon.

Agosto 16, 2006 – sa bisa ng Special Order No. 106, s. 2006 ay iniutos ng CHED ang pagbuo ng technical committee para sa pag-aamyenda ng CMO 14.

Setyembre 27, 2006 – inilabas ng CHED ang CMO 42, memorandum na nagbabalik ng tuition cap at konsultasyon sa lahat ng bayarin sa lahat ng antas.

Pebrero 20, 2006 – paglalabas ng memorandum ng CHED na nagsusus-pinde ng CMO 14 at mga amyenda dito at pagbabalik sa CMO 13.

Ilang beses mang inamyendahan, bumalik at namayagpag ang CMO 13 mula 2006 hanggang sa kasaluuyan. Kasabay nito ay walang humpay ang mga kilos-protesta upang ibasura ito at itigil ang mga pagtataas. Na-dala ang diskurso hanggang sa loob ng Kongreso at nakuha ang opinyong publiko sa mga kaduda-dudang bayarin sa mga pamantasan. Bunsod nito ay naitulak ang CHED na magsagawa ng review sa CMO 13 at nagkaroon ng bagong guidelines, ang CMO 3 s. 2012. Gayunpaman, sa esensya ay wala itong pinag-iba; ibang bihis lamang. Kaya naman dapat lang na ipag-patuloy ang laban para sa edukasyon. Ilang panawagan ay:

1) Itigil at ibasura na ang paniningil sa lahat ng “miscellaneous and other fees” hangga’t hindi dumaraan sa konsultasyon

2) Kinakailangan ng “consensus” o pagsang-ayon nang mga estudyante sa konsultasyon bago maipatupad ang pagtataas o paniningil ng anumang bayarin.

3) Tatlo lamang ang dapat lamanin ng miscellaneous fees (Student

Page 8: Primer on Philippine Educational Situation

publication, student council, at ID)

4) Hindi dapat pagkakitaan ang mga miscellaneous and other fees.

5) Magkaroon nang maayos at masinsing monitoring ang CHED upang maitala ang lahat nang sinisingil na mga bayarin

Sa lahat ng ito, isa lang ang sinama ng CHED sa konsultasyon: ang lahat ng pagtataas at paniningil nang mga bagong bayarin. Bagamat tagumpay sa bahagi ng mga estudyante ang pagkakabilang ng miscellaneous and other fees sa konsultasyon, maluwag at paborable pa rin ang nasabing guidelines sa interes ng mga kapitalista-edukador.

5) Paano pinaiigting ang komersyalisasyon sa pampublikong paaralan?

Pampublikong Kume

Kinaltas ni Aquino ang napakaliit na budget ng SUCs sa unang dalawang taon pa lamang ng kanyang administrasyon.

“We allocated P23.4 billion to 112 State Universities and Colleges (SUCs) in 2011. This is 1.7 percent lower than the P23.8 billion budget for 2010. We are gradually reducing the subsidy to SUCs to push them toward be-coming self-sufficient and financially independent, given their ability to raise their income and to utilize it for their programs and projects.” Excerpt from President Aquino’s 2011 budget

Page 9: Primer on Philippine Educational Situation

Bukod sa binaba ng 1.7% o P22.03B mula sa P23.8B ang alokasyon sa SUCs, nanatiling walang pondo para sa capital outlay (pondong ginagamit para paunlarin o ikumpuni ang mga pasilidad ng mga SUCs).

Malayo sa rekomendasyon ng UN na 6% ng gross domestic product (GDP) ang dapat na pondo ng gobyerno sa edukasyon, na 2.8% lang ng GDP.

Anu-ano ang mga iskemang kume na dulot ng kaltas pondo?

Pumapasok sa iba’t ibang iskema ng paglikom ng pondo ang mga SUCs, pangunahin ang pagtataas ng matrikula’t pagpapataw ng samu’t saring bayarin sa mga estudyante.

Sa UP, mahigit-kumulang P1,000 kada yunit ang matrikula na itinaas sa P1,500 kada yunit sa pamamagitan ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) default bracketing system. Matatandaang tumaas ng 300% mula P300 kada yunit patungong halos P1,000 kada yunit ang matrikula sa UP noong 2006 bunsod ng pagkaltas din ng pondo nito.

Sa PUP nama’y dagdag na P500 sa miscellaneous fees ang ipinataw ngayong taon, habang sa MSU ay itinaas ang matrikula mula P85 kada semestre patungong P50 kada yunit o halos P900 para sa isang semestre.

Ang inilaan na P11.3B ay hindi tunay na pagtaas sa pondo para sa 2013. Ang mistulang dagdag 43% ay hindi para sa pasilidad o iba

Page 10: Primer on Philippine Educational Situation

pang ikauunlad ng edukasyon kundi para maglatag ng mga iskema ng kumersalisasyon. Pangunahing layunin ng pondo ay gagamitin sa pag-kakamit ng mga programa sa Roadmap for Public Higher Education re-form 2011-2016 (RPHER). Epekto nito’y pagtataas ng matrikula upang maka-abot sa inilalatag na pamantayan ng RPHER para sa isang magan-dang unibersidad.

6) Ano ang RPHER at paano nito paiigtingin ang krisis sa edukasyon?

Walang pinag-iba ang RPHER ng administrasyong Aquino, sa Long Term Higher Education Development Plan 2001-2010 (LTHDP) ng rehimeng Ar-royo. Bagong sayaw sa lumang tugtugin ng rasyunalisasyon, amalgama-tion, normative funding scheme, maximization of assets, tuition increases, atbp. Sa madaling sabi, pagbabarat at panghuhuthot sa kabataan.

Huwad na malasakit ito ng rehimeng Aquino dahil layon ng RPHER na magkaron ng sariling kakayahang pampinansya ang mga SUCs para tu-luyanng alisin ang reponsibilidad ng gobyerno. Ang kakayahang pam-pinansya ng mga SUCs ay ipinapasa sa mga estudyante sa porma ng mga pagtataas ng matrikula at pagdadagdag ng mga bayarin, pagbenta sa mga ari-arian ng pamantasan sa mga korporasyon, at iba pang mga

Page 11: Primer on Philippine Educational Situation

iskemang KUME. 7) Paano itinatakda ang pondong matatanggap ng isang SUC mula sa gobyerno?

Alinsunod sa RPHER ang Normative Funding Scheme o sistema sa pagla-laan ng pondo sa SUCs. Isa sa alituntunin nito ang pagbibigay ng mas malaking pondo sa SUC na may mahusay na “performance.” Sukatan dito ang pagkakaroon ng estableng pinansya (malaki ang income generating capacity ng SUC) ginagamit itong pang-ipit sa mga SUCs upang sundin nila ang RPHER. Ang hindi tatalima sa RPHER ay makatatanggap ng mas maliit pang pondo.

Sa madaling salita, wala o maliit na pondo ang matatanggapng mga SUCs na nag-aalok ng mababang matrikula, o piniling gamitin ang mga pag-mamay-ari ng pamantasan sa gamit pang-akademiko.

Ang pagpapaigting ng kume sa SUCs ay direktang kakambal ng paglala ng komersyalisasyon sa mga private higher education institutions (PHEIs). Nagiging katwiran naman ng mga PHEIs na kung ang mga SUCs na kahit papaano’y may subsidiyo ay nagtataas ng matrikula, higit na may karapatan ang mga PHEIs na magtaas dahil matrikula lang ang kanilang pinagkukunan ng pantustos. Dahil lumiliit ang kapasidad ng mga SUCs na tumanggap ng mas marami pang mag-aaral sa gitna ng tumataas na student population, napipilitan ang kabataan na igapang ang pag-aaral sa relatibong mahal na PHEIs; o masahol pa’y tumigil na sa pag-aaral.

8) Ano ang epekto ng KUME sa pagtamasa sa edukasyon?

Nilalayo ng kume ang edu-kasyon sa mamamayan. Ayon sa CHED, 8 sa 10 hayskul graduates ang hindi makakatuntong ng kolehiyo. Ang net elementary participa-tion rates ay patuloy na bum-agsak mula sa 90.1% noong 2002 pababa sa 88.1% ni-tong 2010.

Ayon mismo sa CHED noong 2010, sa 100 papasok ng grade 1 ay 14 lamang ang makakapagtapos sa kolehiyo. Isa sa dahilan ay ang mahal na gastusing upang makapasok sa paaralan anumang antas. Dagdag pa ang kawalan mismo ng paaralan sa kanilang lugar at transportasyon.

Page 12: Primer on Philippine Educational Situation

Resulta ng kume ang kakulangan ng paaralan at ang pagpokus ng gubyerno sa pagtransporma ng natitira sa negosyo.

Ang patuloy na paglobo ng presyo ng matrikula sa kabila ng mababa at ‘di tumataas na sahod ang sala-rin sa dumaraming kabataan na wala sa paaralan.

Ang K to 12 Program, KUME at kolonyal na edukasyon

K to 12 ang solusyon ng gobyerno sa malaking bilang ng mga ka-bataang hindi nakakatuntong ng

kolehiyo. Sa pamamagitan nito, hindi na kailangang magkolehiyo dahil maari nang magtrabaho ang highschool graduate. Pero ang pilit iki-n u k u b l i ng goby-erno ay ang napakalaking kakulangan natin sa basic education. Isa sa panguna-hing problema kung bakit salat sa natutunan ang ating mga kabataan sa paaralan ay dahil sa malaking kakulangan sa mga guro, upuan, de-kalidad na mga aklat, silid-aralan at iba pang pasilidad. Kahit isang dekada pa ang idagdag sa basic education, kung isang dekada ito nang kawalan ng gamit at guro ay wala ring matutunan ang mga mag-aaral.

Ayon pa sa DepEd, mas magiging handing sumabak sa kolehiyo ang mga graduates. Mangyayari ito kung bahagi ng K to 12 program ay ang pag-bibigay ng P400K (P30-50k/semestre) na pangmatrikula sa kolehiyo.

Page 13: Primer on Philippine Educational Situation
Page 14: Primer on Philippine Educational Situation

Ikatlong punto ay handa na raw sumabak sa legal na trabaho ang K to 12 graduates, na panlilinlang na naman mula sa gobyerno dahil wala na-mang trabahong naghihintay sa mga graduates. Ayon sa IBON Founda-tion, mahigit sa 4.4 milyon ang walang trabaho sa bansa. Pinasahol pa ito ng napakaliit na sahod, bagamat may dagdag P30 sa sahod ay 44% lamang ito ng P1,017 family living wage (minimum na halaga na kailangan ng pamilya para mabuhay sa isang araw). Sa pagpasok ng mga bagong graduates sa labor force darami ang mag-aagawan sa kakaunting tra-bahong mayroon, bagay na maglalagay sa mga kapitalista upang ibaba pang lalo ang sahod.

Samantala, sumahol ang kahirapan ng taumbayan sa ilalim ng adminis-trasyong Aquino. Sa tala ng IBON Foundation, nasa 65 milyon (70% ng 92 milyong Pilipino) ang nabubuhay sa P 104 or less kada araw. Kaya malayo sa pahayag ng gobyerno na maaring magsimula ng negosyo ang mga K to 12 graduates.

Elitista ang pakanang K to 12 ng gobyernong Aquino dahil ilalayo lamang nito ang edukasyon sa mamamayan. Ang dagdag na dalawang taon ay dagdag gastusin para sa mga magulang. Saksi ang mga magulang sa samu’t saring bayarin na sinisingil sa tuwing i-eenroll ang mga anak sa Hunyo. Sa taya ng ACT Teachers Party-list mahigit sa P14,580 ang gastusin para sa pagpapa-aral kada taon sa pampublikong paara-lan. Nariyan ang PTA fee, mem-bership fee (Boyscout, Girlscout, Red cross, atbp.), mga workbooks na kailangang bilhin, uniporme, at syempre ang pamasahe at baon ng mga mag-aaral.

Handa ba ang gobyerno sa pagpapatupad ng K to 12?

Page 15: Primer on Philippine Educational Situation

Bagamat walang pakikinabang ang mamamayan sa K-12 kundi pahirap at perwisyo, pilit pa ring ipinatupad ito sa pagbubukas ng klase ngayong taon. Kahit hindi sapat ang kahandaan ng gobyerno na ipatupad ang malaking pagbabagong ito sa sistema ng edukasyon sa bansa. Katunay-an ang hindi pa rin maubos ubos na kakulangan sa mga guro, aklat, up-uan, silid-aralan, at pasalidad. Madalas ay naghahabol din ang mga guro sa paunti-unting ipinapakilala na kurikulum sa mga guro.

Nitong taon, naglaan ang rehimeng Aquino ng P239 bilyon para sa DepEd, katumbas ng P7/araw para sa isang estudyante. Sapat lamang ito para tugunan ang 27% ng pangangailangan para sa bagong mga klas-rum, 20% ng kakulangan para sa mga bagong upuan at 12% para sa mga bagong guro. Wala pa rito ang mahigit P100 bilyon na kinakailangan para sa dagdag na gastos para sa programang K to 12. Mahigit P90.53B ang kakulangan sa pondong kailangang punuan ng gobyerno.

Ang kakulangang ito ay planong punan ng rehimeng Aquino sa pamamagi-tan ng pagpasok sa mga private-public partnerships (PPP). Kaugnay nito’y nasa mahigit P4 bilyon ang ilalaang pondo para rito. Mapanganib ang pagpapasok ng pribadong interes sa pampublikong edukasyon sapagkat paniguradong gagamitin nila ang sektor upang magkamal ng tubo. Mahigit sa doble ang patong at ng mga pribadong kompanya sa ilalim ng PPP dahil ang tinatayang project cost nila sa target na 9,332 regular classroom construction nayong SY2012-13 ay P9.8 bilyon kumpara sa P4.6 bilyon lamang na pagtaya ng DepEd.

Bakit apurado ang gobyerno na ipatupad ang K-12 sa kabila nang kawalan ng kahandaan nito?

Ang pagkukumahog ng gobyernong Aquino na ipatupad ang K-12 ay naayon sa dikta ng mga malalaking dayuhang korporasyon at bangko. Bahagi ito ng tuwirang imposisyon ng Washington Accord ng America, Bologna Process ng Europa, APEC and ASEAN mutual recognition pro-jects, SEAMEO-Innotech sa Asia, at Asian Development Bank sa ngalan ng “trade liberalization,” “growing global market,” at “international stand-ards & agreements.”

Hindi lamang mga dayuhan ang nakikinabang at namumuhunan sa K-12, kundi pati ang mga local na malalaking negosyante. Sa 10-Point Reform Agenda nanawagan ang mga pamilyang Lopez, Ayala, Gokongwei atbp noong 2010 sa gubyerno sa pagpapatupad ng K-12.Higit na nasasabik ang mga ang malalaking dayuhang kapitalista at mga

Page 16: Primer on Philippine Educational Situation

lokal na alyado nito sa bunga ng k-12 ni Aquino dahil sa ilalim ng progra-mang ito higit silang magkakamal ng tubo sa pagdausdos pang lalo ng napakaliit na sahod ng mga manggagawa.

Mismong sa kurikulum ng K-12, ang Araling Panlipunan binabatay sa bal-angkas ng National Council for Social Studies ng Estados Unidos. Gayun-din ang mga tinakdang sanggunian ng batas na ginagamit para sa kinder. Ayon ito sa RA 10157 o ang Kinder Law.

Ang K-12 ni Aquino ay nakaturol sa paglikha ng di mauubusang balon ng mga semi-skilled at skilled workers pantugon sa lumalaking demand sa murang lakas-paggawa ng mga dayuhang monopolyong korporasyon. Kung kaya bahagi ng nasabing programa ang sapilitang pagkuha ng vo-cational at technical skills training sa high school.

II. Kolonyal na Edukasyon Bakit Kolonyal ang edukasyon?

Simula’t sapul, ang ating sistema ng edukasyon ay dinisenyo upang mag-silbi sa interes ng dayuhan at hindi sa mamamayang Pilipino.

Ginamit ang edukasyon bilang kagamitan sa pananakop. Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila monopolyado ng simbahang Katoliko at il-ang mga alyadong lokal ang edukasyon. Pinanatiling mangmang ang mga Pilipino upang ikubli ang mga maling aral ng pananakop at pagsasaman-tala. Kabaligtaran sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano kung saan ginamit ang edukasyon para ikundisyon ang ating pag-iisip na tang-gapin ang kanilang pamumuno at pananakop.

Bahagi ng pagkukundisyon sa ating kamalayan ay ang pagtatayo ng mga pamantasan tulad ng Unibersidad ng Pilipinas(UP) at Philippine Normal University (PNU) upang matiyak na ang susunod na mga guro, klerk, tek-nokrat at lider ng bansa ay hindi lalayo sa kagustuhan at pamantayang iiwanan ng mga Amerikano.

Kaakibat nito ay ang pagbabalangkas ng istruktura ng edukasyon na tu-tugma sa pangangailangan ng Amerika at ng mga korporasyon nito. Nag-ing papel ng edukasyon ang pagsuplay ng mga manggagawang may kaunting kasanayan, at pwede pang matuto ng bagong kasanayan sa mga dayuhang korporasyon.

Ang labor export policy at ang edukasyonSa balangkas ng labor export policy ng gobyerno, dinidireksyunan ang

Page 17: Primer on Philippine Educational Situation

edukasyon at training system ng kabataang Pilipino upang tumugon sa global demand for skills. Kaya naman, naging mantra ng CHED, DepEd, TESDA, DOLE at iba pang ahensya ng gobyerno, sampu ng mga may-ari ng mga eskwelahan ang global competitiveness.

Isang kongkretong halimbawa nito ang pagdami ng mga eskwelahang may caregiver training programs. Ayon sa Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) Labor Market Intelligence Report, mula 2002 hanggang 2003 pa lamang—nakapagpatapos na ang mga ganitong eskwelahan ng 54,644 indibidwal. Sa ngayon problema ng mga nagtapos ng kursong nursing at caregiving kung paano makakakuha ng trabaho dito man o sa ibayong dagat gayong bumaba na ang pandaigdigang demand nito.

Bukod sa kagustuhang mapagtakpan ang kawalan ng trabaho sa bansa, pangunahing turol ngayon ng gobyerno ang labor export policy upang patuloy na makapagsilbi sa mga dayuhan. Sa esensya, deklarasyon ito ng pagbaling sa labor migration bilang mayor na patakaran sa ekonomiya. Inilalako sa napakababang halaga ang lakas-paggawa ng bansa.

Kung kaya naman, mula sa taguring na overseas contractual workers (OCWs), pinaganda ito bilang overseas Filipino workers, at tinawag ni Ar-royo na overseas Filipino investors. Mga pagpapalit-tawag upang burahin ang pait ng pagiging kontrakwal, nang sa ganoon ay mas maging kaaya-aya at magmukhang kabayanihan ang paglayo sa mga mahal sa buhay.

Ang kasalukuyang henerasyon ng mga estudyante ay tadtad ng mga ara-lin at paksa na nagdidiin sa labor export bilang tunguhin ng kabataan. Nariyan ang Makabayan subject (2002), K-12 at ang paglitaw ng mara-ming kursong pangangailangan sa pandaigdigang merkado. Resulta ng mga ito’y pagbabawas ng aspeto ng araling panlipunan sa mga paksa, pagpokus sa wikang ingles at iba pang kailangang matutunan upang makapagtrabaho sa ibang bayan.

Sa kasalukuyan, may 7 milyong Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa ibayong dagat. Tinatantyang 2,300 manggagawang Pilipino ang umaalis ng bansa bawat araw para makipagsapalaran sa ibang bansa.

Sa tantya ng United Nations, $8 bilyon ang dollar remittances ng mga OCWs bawat taon. Sinasalba nito ang bangkaroteng ekonomiya ng bansa. Kahit negatibo ang Gross Domestic Product, nananatiling positibo ang GNP dahil sa remittances ng mga OCWs.

Paano ginagamit ang kurikulum at course offering upang mag-

Page 18: Primer on Philippine Educational Situation

silbi sa kolonyal na kultura at pangangailangan?

Upang makatugon at makasabay sa pangangailangan ng world labor mar-ket inaayon ito ng gubyerno sa mga paaralan. Sinasaklaw nito ang kuriku-lum ng pormal na edukasyon at maging ang mga kursong mas pinipiling ibigay ng mga paaralan.

Curriculum na nagdidiin sa Science,Math at EnglishIngles bilang pangunahing paraan ng pagtuturo

Bilang bahagi ng pangongolonya ng mga Amerikano, natural na ipilit na gawing wikang panturo ang Ingles. Nguni’t kahit ngayong sinasabing ma-laya na tayo ay ipinipilit pa rin ng sarili natin pamahalaan na ibalik sa gani-tong sistema ang edukasyon. Ito ay sa kabila ng maraming pag-aaral na nagsasabi na mas epektibo ang pagtuturo, kahit pa nga ng wikang Ingles, kung wikang bernakular ang gagamitin.

Sa kasalukuyan, kalakhan ng mga paaralan ang gumagamit sa Ingles bi-lang wika sa pagtuturo hindi para sa mas epektibong pagtuturo kundi para mas masanay at maging mahusay ang mga estudyante sa pagsasalita ng Ingles na hiling naman ng international labor market. Ingles daw kasi ang international language at mahirap makakakuha ng trabaho ang mga graduates na hindi magaling sa Ingles.

Lalo pang naging malinaw ang ganitong balangakas sa antas kolehiyo ng magsulputan na ang mga call center schools, ng magbigay na rin ng call center training ang mga unibersidad. Hanggang sa magtayo na mismo ng call center ang unibersidad gaya ng UP at PUP bilang direktiba din ng pamahalaan.

Bakit Pasista ang Edukasyon?

Ang pasismo ay ang sistematikong paggamit ng estado ng lahat ng kan-yang aparato upang mapanatili ang umiiral na kalagayan. Isang sistema-tikong pamamaraan ng pagsasamantala at panunupil.

Marapat na linawin na ang pasismong nararanasan nating kabataan at es-tudyante ay hindi simpleng dulot ng mga opisyales ng ating mga paaralan upang patahimikin ang ating mga lehitimong panawagan. Ang pasismong sumasalubong sa ating hanay ay nakapaloob sa mismong pangkalaha-tang sistema na namamayagpag sa ating lipunan. Pasismo ang sagot ng gobyerno sa tuwing igigiit nating kabataan, kasama ang sambayanan, ang ating mga demokratikong karapatan.

Page 19: Primer on Philippine Educational Situation

Sa loob ng pasistang edukasyo’y hindi tayo sinasanay at pinahihintulutang maging kritikal o kahit na maging mapanuri sa ating lipunan. Idinidikta sa atin kung ano ang dapat nating isipin at ihangad mula sa pangangailangan ng merkado.

Anu-ano ang porma ng pagsupil sa mga batayang karapatan sa loob ng mga pamantasan?

Sa makabagong panahon ngayon ay tila nabubuhay ang maraming esku-welahan sa panahon ng edad media. Sa University of Manila ay ipinagba-bawal ang pagbubuo ng kahit anumang organisasyon ng mga estudyante. Kung babasahin ang nilalaman ng mga student handbook ay may mga probisyong taliwas sa diwa ng ating Pambansang Konstitusyon.Nilalabag ang kalayaan sa pamamahayag dahil bawal ang magrali o mag-karoon ng asembliya na kumukontra sa patakaran ng eskwelahan at ng gobyerno.. Laganap din ang pag-isyu ng mga waiver sa mga freshmen na binabalaan silang huwag suportahan at sumali sa mga organisasyong may posturang palaban sa administrasyon, at sumama sa mga kilos-protesta.

Sa ibang paaralan naman, sinasara ang mga konseho ng mag-aaral at publikasyon kapag lumalagpas ang mga ito sa “nararapat” na antas ng pagtutol sa patakaran ng eskuwelahan. Ilang kaso na ang naitala natin ng tuwirang pakikialam ng administrasyon sa eleksiyon ng mga konseho upang matiyak na ang mga susunod na lider-estudyante ay hindi lalaban sa kanila.

Sinusupil ang kalayaan sa pamamahayag. Sa datos ng College Editors Guild of the Philippines, may naitalang 179 kaso ng campus press viola-tions. Kabilang rito ang non-mandatory collection, withholding of funds, in-tervention in editorial exams, suspension/expulsion of editors/writers, ver-bal harassment, libel cases hanggang pagpapasara ng mga publikasyong pangkampus. Gamit ang Campus Journalism Act of 1991 o RA 7079, naging lehitimo ang panggigipit sa pinansya at pagyurak sa editorial autonomy ng mga pahayagan.

Maraming fraternities, sororities at mga progresibong organisasyon ang hindi kinikilala ng mga administrasyon. Nagkalat sa buong kampus ng Mapua at UST ang mga camera na parang bilangguang nagmamasid sa bawat galaw at aktibidad ng mga estudyante. Tila wala na halos pinagkaiba ang mga eskwelahan sa mga garison o preso ng bansa.Idineklara namang demonstration-free campus ang UE-Caloocan.Sa University Belt area sa Maynila, karaniwang ng tanawin ang pananatili

Page 20: Primer on Philippine Educational Situation

ng pulis sa mga gate ng mga kampus. Marahas na binubuwag ang mga rali sa loob at labas ng kampus.

Paano nagsasabwatan ang estado at opisyal ng pamantasan sa pagsupil sa ating mga karapatan?

Lalong tumindi ang represyon sa mga kampus mula nang binandila ng pamahalaan ang panatikong kampanya nito kontra-insurhensya. Inakusa-han ng militar at pulis ang mga eskwelahang kinikilusan ng mga progresi-bong organisasyon bilang pugad daw ng mga komunista at high-risk sa atake ng mga terorista. Halimbawa nito ang paglalabas ng militar at mga ahente nito ng walang basehang akusasyon laban sa mga progresibong estudyante sa UP Los Banos. Samantalang sa Tarlac ay pinuntahan sa bahay at binantaan ang mga estudyanteng lumahok sa isang pagtitipon ng NUSP. Sa sabwatan sa pagitan ng mga school adminitrators at mga militar pinahihintulutang pumasok ang mga militar sa loob ng mga es-kwelahan. Bagamat nakasaad sa LFS-DND Accord na pinagbabawalan ang pagpasok ng militar at paglapit nang kahit 50 metro sa mga eskwela-han, maraming mga militar ang naglalabas-pasok sa mga eskwelahan. Sa UPLB, UP Mindanao, Bukidnon State University, Tarlac State Univer-sity, Central Mindanao State University, Western Mindanao University ay may mga military garrison na nakaistasyon sa loob ng mga campus. Ayon mismo sa UNESCO, ang mga ospital, simbahan at paaralan ay mga sanc-tuary o neutral ground na di dapat pinapasok ng militar.

Ano ang Oplan Bayanihan o OpBay?

Bilang pangunahing programa ng counter-insurgency ng rehimeng Aqui-no, matagal nang naghahasik ng lagim ang Oplan Bayanihan sa buong bansa. Halos hindi ito naiiba sa Oplan Bantay Laya I at II na ipinatupad ni Arroyo pagkat parehong may pokus sa pagsupil sa mga progresibong organisasyon. Layunin din ng Oplan Bayanihan ang makakuha ng lokal na suporta laban sa mga progresibong hangarin sa pamamagitan ng black propaganda.

Paano tumatagos pasismo sa mga pamantasan sa pamamagitan ng OpBay ni Aquino?

Sa ilalim ng rehimeng Aquino ay pinaigting ang militarisasyon sa mga pa-mantasan. Nagpapatuloy ang pagpasok ng estado at ng militar sa porma ng counter-insurgency program. Target ng Oplan Bayanihan (OpBay) ng rehimeng Aquino ang mga pamantasang kritikal sa kabulukan ng siste-mang panlipunan. Inilulunsad ng AFP ang mga forum at symposia kung saan tahasan ang “red baiting” sa mga estudyanteng kritikal at aktibo sa

Page 21: Primer on Philippine Educational Situation

mga isyung pangkampus at usaping pambayan.

Aktibo rin ang pagrerekrut sa Student Intelligence Network o SIN ng militar upang mag-espiya sa mga gawain ng mga progresibong organisasyon o mga grupong may adhikaing taliwas sa komersyalisado, kolonyal at pasistang mga polisiya ng eskuwelahan, militar at pamahalaan. Kadala-sang ginagawang operatiba ang mga opisyal at kadete ng Reserve Of-ficers’ Training Corps (ROTC). Kung kaya’t agresibo ngayon ang AFP sa pagpapalakas ng ROTC. May mga kaso ng sapilitang pagpapa-enlist sa mga estudyante kahit malinaw sa batas na ang bawat estudyante ay may karapatang mamili sa kung sa ROTC o sa National Service and Training Program (NSTP) ang papasukan.

Hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang mga pandarahas at pag-patay sa ilalim ng Oplan Bayanihan ni Aquino. Minsa’y pinapalabas nito na ang mga kaso ng pagpaslang o pandarahas ay kasong kriminal na ang motibo ay pagnanakaw o nakursundahan lamang kahit malinaw na mga aktibista ang naging target. Katulad ng kaso ni Lordei Hina, at lider ng Center for Nationalist Studies (CNS) ng UP Diliman. Dalawang lalaki ang nanloob sa opisina ng University Student Council (USC) kung saan ninakawan at tinangkang patayin si Lordei. Ayon sa pulisya, pagnanakaw daw ang naging motibo ng pag-atake kay Hina. Isa pang kaugnay na kaso ang nangyari kay Ekis Gimenez, na sa kanyang paglalakad pauwi ay kinuyog at pinukpok ang ulo ng mga di nakilalang mga kalalakihan.

III. Ano ang ating alternatiba sa isang Komersyalisado, kolonyal, at pasistang edukasyon?

Ang problema natin sa edukasyon ay manipestasyon lamang ng mas mal-awakang krisis sa lipunan na patuloy na sumisidhi. Magbabago lamang ito kung ikakawing natin ang ating paglaban sa pakikibaka ng mamamayang Pilipino para sa isang lipunang malaya, demokratiko at maunlad.

Kapalit ng komersyalisado, kolonyal at pasistang sistema ng edukasyon, marapat na isulong ang panibagong tipo na makabayan, siyentipiko, at makamasa.

A. Ano ang makabayang edukasyon?

Sa kasalukuyan, ang pagiging makabayan ng ating edukasyon ay nakasilid na lamang sa mga paggunita: Araw ng Kalayaan, Buwan ng Wika, Araw ng Kagitingan at kapanganakan ng ating mga bayani.

Taun-taon mang idinaraos, hinding-hindi mapagtatakpan ng mga pag-

Page 22: Primer on Philippine Educational Situation

poposturang ito ang tinatahak ng ating mga paaralan: factory ng mga manggagawang ibinubugaw sa Amerika sa napakababang halaga.

Ang makabayang edukasyon, ay edukasyong lapat sa pangangailangan ng ating lahi, nagsusulong ng tunay na reporma sa lupa, at nagtatanggol sa ating kasarinlan. Itinuturo nito ang makatwirang pangangailangan ng mamamayan at kung paano ito isinusulong. Ito’y edukasyon ng malayang kaisipan at pagkontra sa panghihimasok ng dayuhan.

B. Ano ang siyentipikong edukasyon?

Kailangan ang isang siyentipikong edukasyon tungo sa direksiyon ng pambansang industriyalisasyon. Magiging siyentipiko lamang ang edu-kasyong Pilipino kung ang mga nilalaman nito ay makatotohanan, walang itinatago at walang pinagtatakpan upang makapaglingkod sa isang tao o grupo.

Integral na bahagi nito ang pagsusuring batay sa kongkretong kalagayan at hindi mula sa mga haka-haka at mga kinamulatang walang matibay na siyentipikong batayan o patunay. Ang siyentipikong edukasyon ay nagsu-suri ng pundamental na suliranin ng ating lipunan at nagpapalaganap ng mga demokratikong pananaw na babaka sa diskriminasyon batay sa uri, lahi, kasarian, relihiyon at iba pang mapang-aping pananaw.

Magiging siyentipiko lamang ang isang tipo ng edukasyon kung ito ay ma-laya sa manipulasyon at dikta ng imperyalismo.

C. Ano ang isang makamasang edukasyon?

Nangangailangan ng isang makamasang edukasyon upang mawakasan ang misedukasyon ng mga Pilipino. Ani Renato Constantino, isang maka-bayang historyador:

“…the education of the Filipino must be a Filipino education. It must be based on the needs of the nation and the goals of the nation. The object is not merely to produce men and women who can read and write or who can add and subtract. The primary object is to produce a citizenry that ap-preciates and is conscious of its nationhood and has national goals for the betterment of the community…”

Ang isang makamasang edukasyon ay tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan ng ating bansa. Ito ay tumutulong sa pag-unlad ng ekonomiya. At dahil nakabatay ang ating ekonomiya sa agrikultura, nara-

Page 23: Primer on Philippine Educational Situation

rapat na magpokus ang edukasyon sa pagpapaunlad at pagpapayaman nito at iba pang mga batayang industriyang tunay na kailangan. Dahil 75% ng ating populasyon ay mga magsasaka, tunay na makamasa ang edukasyong ninanais paunlarin ang kabuhayan at kalagayan ng mga magsasaka. Kinakailangan ang isang edukasyong kaakibat ng pagsusu-long ng tunay na reporma sa lupa.

Kailangan ding tunay na kilalanin ang edukasyon bilang karapatan ng la-hat ng mamamayan. Upang umunlad ang bansa, higit na kailangan ang isang pangmasang edukasyon na abot-kaya at hindi elitista. Magandang halimbawa ang bansang Cuba na dahil sa makamasang pa-nanaw nito sa edukasyon, ngayo’y nangunguna na ito sa larangan ng medisina.

Isang katangian ng makamasang edukasyon ay ang praktika ng paglubog natin sa batayang masa upang matuto mula sa kanila at makapag-ambag sa pagpapataas ng kanilang kamulatan at kagalingan. Ang edukasyong ito ay dapat kilalanin bilang edukasyon na nagsisilbi hindi lamang para sa sarili o iilan, kundi para sa buong sambayanan.

IV. Ano ang ating mga tungkulin at magagawa?

Pinapatunayan ng kasaysayan na higit ang ating tagumpay kapag sama-sama natin ipinaglalaban ang ating mithiin. Isang indikasyon ng maka-masang edukasyon ang pinapakita ng paparaming bilang ng pagkilos ng mga kabataan at estudyante laban sa isang mapansamantalang sistema. Sa ating sama-samang pagkilos, kaya nating magpatalsik ng mga despot-ikong opisyal sa mga eskwelahan, mapigilan ang pagtaas ng matrikula, at mapagtanggol ang ating mga karapatan sa kabila ng mga pasistang atake mula sa gobyero at mga kapitalista edukador.

Batid ng mga taga-pamandila ng nabubulok na sistema na ang ating lakas ay hindi sa ating mga indibidwal na talino at kakayahan. Kaya kung nais natin ng tunay na pagbabago, ng isang makabayan, siyentipiko at maka-masang edukasyon kinakailangan nating palawakin at palakasin ang mga organisasyon progresibo at kritikal. Kumilos at magpakilos upang bi-guin ang makadayuhan at anti-mamamayang polisiya ng rehimeng US-Aquino sa edukasyon. Baguhin ang Mala-kolonyal at Mala-pyudal na lipunan! Isulong at makibaka para sa pambansang demokrasya!

Page 24: Primer on Philippine Educational Situation