Pick Up Lines Ni God, Gets Mo Boy Pick Up

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/23/2019 Pick Up Lines Ni God, Gets Mo Boy Pick Up

    1/3

    Pick-up Lines ni God, Gets Mo Boy Pick-up?

    Ni Marvin A. Marcelino

    Ang pick-up line ay isang pambungad na pag-uusap na may layunin na imungkahi, ipahiwatig,

    ipalaam o ipadama ang saloobin sa isang tao. Ang pambukas na pangungusap ay may hangarin na

    tumatawag ng pansin at interest ng kausap, upang ito ay lumahok ng walang pagaatubili. Gamit

    ang patanong o pahayag na pangungusap na may kasamang pagpapatawa o katatawanan. Bagaman

    ito ay nakakaaliw, ito din naman ay tumatawag ng paguusisa at pagmumuni para sa malalim na

    pagintindi sa mensaheng gusting ipahiwatig.

    Ang pick-up lines ay hindi nagsimula sa kasalukuyang henerasyon, datapuwat ito ay may sinaunang

    ulat na matatagpuan sa pinakamantandang libro ng kasaysayan ang Bibliya.

    Nagsimula ang unang Pick-up Line mula sa Panginoong Diyos sa Hardin ng Eden. Kung ang Bibliyaay salita ng Diyos, maraming Pick-up Lines ang Panginoon na nasusulat sa Bibliya, eto ang ilan.

    Saan ka naroon?Gen 3:9

    Bakit?

    Kasi hindi lang sa nakakain nabubuhay ang tao.

    Kahulugan:Saan ka ngayon sa iyong espirituwal na pamumuhay?

    Saan naroon si ______ ang iyong kapatid?Gen 4:9

    Bakit?

    Kasi parang dahil sayo hindi sila maniwala na may tunay na Diyos.

    Kahulugan:Ano ang mga nagawa mo sa mga taong iyong nakilala sa iyong buhay?

    Ano ang ginagawa mo dito ____?1King 19:9

    Bakit?

    Kasi wala silang kaalam-alam na may tunay at tapat na Kristiyano sa kalagitnaan nila.

    Kahulugan: Ano ang iyong espiritwal na layunin at misyon sa kasalukuyang kinalalagyan?

  • 7/23/2019 Pick Up Lines Ni God, Gets Mo Boy Pick Up

    2/3

    Ano ang inyong buhay?James 4:14

    Bakit?

    Kasi mukhang napakabisi mo na wala ka nang panahon para sa Diyos.

    Kahulugan: Nakikita ba sa buhay mo ang buhay na ayon sa kalooban ng Diyos?

    Ano iyang nasa iyong mga kamay?Exodus 4:2

    Bakit?

    Kasi ang dami mong plano o programa na wala namang koneksyon sa Banal na Gawain, kung

    meron man bakit mahina ang dating nito.

    Kahulugan: Gumamit ka na ba ng lahat ng possibleng paraan upang gawin ang kalooban Diyos?

    Anong kanilang nakita sa iyong bahay?2 Kings 20:15

    Bakit?

    Kasi iba iba ang sinasabi ng tao tungkol sa pagkatao mo, alin ba talaga ang totoo?

    Kahulugan: Alam mo ba kung ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa iyong ispirituwal na

    pamumuhay?

    Saan nandoon ang kawan na ibinigay sa iyo?Jeremiah 13:20Bakit?

    Kasi may mga nalito, may naligaw, may napabayaan, may minahal at may hindi, bat ganun?

    Kahulugan:Mayroon ka na bang mga tagasunod na naniniwala sa pananampalataya mo?

    Ano ang akala mo tungkol kay Kristo?Matthew 22:42

    Bakit?

    Kasi di nila alam kung tapat ka ba talaga o hipokrito kay Cristo Jesus.

    Kahulugan: Sinasabi mo ba sa iba ang tungkol kay Kristo at ang iyong relasyon sa Kanya?

  • 7/23/2019 Pick Up Lines Ni God, Gets Mo Boy Pick Up

    3/3

    Bakit ka naman lumalabag sa utos ng Dios?Matthew 15:3

    Bakit?

    Kasi para kang nageeksperimento sa buhay mo.

    Kahulugan: Sinasadya mo ba na hindi pansinin ang kautusan ng Diyos o sinusubukan mong suwayin

    ang mga ito?

    Ano pa ang magagawa ko na hindi ko nagawa? Isaiah 5:4

    Bakit?

    Kasi mahirap pilitin ang nagmamarunong o mas marunong sa Diyos

    Kahulugan: Ano pa ang pagkukulang ng Diyos na kailangan pa Niyang gawin upang ikaw ay

    manampalataya ng lubos sa Kanya?

    Paano ka makakatakas?Hebrews 2:3Bakit?

    Kasi parang may balak ka na umiba ng landas maliban sa patungong langit.

    Kahulugan:Ano at saan ka kung wala ang kaligtasan ng Diyos?

    Ano ang pakinabang sa iyo, kung makamtan mo ang buong

    sanglibutan at mawawalan ka ng buhay?Matthew16:26

    Bakit?

    Kasi parang hindi importante ang buhay na walang hanggan sa iyo.

    Kahulugan:Ano ba talaga ang mahalaga para sa iyo?

    2012 All Rights Reserved Marvin A. Marcelino