Upload
aldentulko
View
79
Download
9
Embed Size (px)
DESCRIPTION
philippine senators
Citation preview
PROYEKTO
SA
HEKASI
IPINASA NI:
Aaron Kim B. Azares 6-narra
IPINASA kay:
Gng. Myra C. Adriano
Si Teofisto de Lara Guingona III o kilala din sapangalang TG Guingona ay kinatawan ng
Ikalawang Distrito ng Bukidnon sa Ika labing-apat na Kongreso ng Pilipinas. Ipinanganak sya
noong ika-19 ng Abril 1959 sa lungsod ng Maynila. Anak siya ng dating bise presidente ng bansa
na si Teofisto Guingona Jr.
Nagtapos siya ng elementarya, sekondarya at kolehiyo sa Pamantasang Ateneo de Manila.
Kumuha siya ng kursong economics at nagtapos noong 1981. Kumuha din siya ng kursong abogasya
at nagtapos noong 1985. Kasal siya sa kapwa niyang abogado na si Maria Victoria G. Guingona at
mayroon silang isang anak na lalaki na nag ngangalang Bobby.
Noong 1978, nang siya'y nag-aaral pa, natikman na niya ang buhay pulitika nang sumali
siya sa mga rali at demonstrasyon. Nagmartsa siya kasama ng iba pang mag-aaral at kasapi
ng student government ng Ateneo patina ang mga kasaping Lakas ng Bayan (LABAN) sa
España Boulevard. Ang grupong LABAN noon ay pinangunahan ni Benigno Aquino Jr. Sa
edad na labingsiyam, inaresto siya kasama ang kanyang mga kapwa lider sa unibersidad, mga
magulang na sina Aquilino Pimentel, Jr., Joker Arroyo, Francisco Soc Rodrigo at si Lorenzo
Tañada Sr.
Si Guingona ay isang negosyante na dalubhasa sa mga murang pabahay; dating lider
ng Subdivision and Housing Developers Association; naging Chairman sa iba't ibang kumpanya
tulad ng Tierra Minerva Property Development Corp., Firm Builders Realty Development Corp.,
Flavortrade Inc., First Tropical Blooms Inc., Guimaras Realty Inc. at Redleaf Realty &
Development Corp. Bago niya inihain ang kanyang kandidatura sa senado, nagsilbi siya bilang
kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Bukidnon mula noong 2004.
NoongOktubre 2009, lumipat si Guingona sa Partido Liberal mula sa Partido ng
Nacionalista. Nagsimula si Guingona sa Kaya Natin, isang non-government organization na nuo'y
nakapagdesisyong magbuo ng kuwalisyon kasama ng partido Liberal at nagtukoy ng kandidatong
sasali sa partido. Ang samahan ang naging sanhi ng pagpili ni Guingona sa Kaya Natin sa halip
na sa Nacionalista.
Isinusulong ni Guingona na mapabago ang proseso ng pondong bansa at nangangailang anito
ng apat nakatangian: madali ng maintindihan, transparency, dedikasyon, at pakikilahok ng mga
mamamayan. Naniniwala si Guingona na dapat malaman ng taong-bayan kung saan napupunta ang
pondong bansa at paano ito ginamit ng mga pulitiko ng nanunungkulan. Nais ni Guingona na
mailagay sa internet ang pinaglalaanan ng pondo at kung saan napunta at mapupunta ang buwis
naibinayad ng mga tao.
Nais ni Guingona na matugunan ang kasalukuyang problemang bansa ukol sa edukasyon.
Sa kanyang porum noongMarso 2010 kasama ang mga kasapi ng Blogwatch.ph, sa tatlumpung
bilyung pisong natira sa pondo na hindi ipinalabas ng Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala
para sa Kagawaran ng Edukasyon noong 2007, ipinahayag niyang malaki ang nawala na napunta
sana sa paggawa ng mga silid-aralan at pagtaas sa suweldo ng mga guro. Naniniwala si Guingona
na lahat ng kabataang Pilipino ay dapat mabigyan ng pagkakataong makakuha ng magandang
edukasyon.
Si Vicente Sotto III o mas kilala sa pangalang Tito Sotto ay ipinanganak sa Maynila
noong Agosto 24, 1948. Isa siyang artista sa telebisyon at dating senador sa Republika ng
Pilipinas. Kasalukuyan siyang tumatakbong senador para sa halalan sa taong 2010 sa ilalim ng
partido Nacionalista. Siya ang pangatlong senador na nagmumula sa angkan ng mga Sotto. Si Tito
Sotto ay anak nina Marcelino Ojeda at ng asawa nitong si Herminia Castelo Sotto na isang
manggagamot at dating aktibista na sumusulong sa karapatan ng mga kababaihan. Ang kanyang
ina ang pinakaunang Medical Commissioner ng Workmen's Compensation Commission at
President Emeritus ng samahang Kababaihang Rizalista ng Pilipinas.
Nagtapos ng elementarya, sekondarya, at kolehiyo sa Colegio de San Juan de Letran noong
taong 1969. Noong taong 2000, nakumpleto niya ang Executive Program for Leaders in
Development sa John F. Kennedy School of Government sa Harvard University.
Ikinasal siya kay Helen Gamboa na mula sa Pampanga, isang napakagandang dilag na
isang mang-aawit at aktres na may napakaraming parangal. Sila ay mayroong apat na anak na sina
Romina, Diorella, Gian, at Ciara.
Si Sotto ay isa nang aktor sa pelikula at telebisyon simula pa noong taong 1970. Siya din ay
isang kompositor at musikero. Siya ang gumawa ng kantang "Magkaisa" na ginawang musika sa
rebolusyon sa EDSA noong 1986. Isa siyang host sa pinakamahabang programa sa telebisyon, ang
Eat Bulaga at Brigada Siete, isang programang nagbibigay ng serbisyo publiko. Naging bise
presidente siya para sa produksiyon ng Vicor Group of Companies; dating presidente ng Ham
Radio sa Pilipinas; bise presidente sa mga ispesyal na proyekto sa Television and Production
Exponents Inc.; at naging presidente din siya at general manager ng Tasha Recording Studio.
Kasapi si Sotto ng Philippine Bowling Team at nanalo sa National Finals nito na nilaro
sa Bogota, Columbia at sa Sydney, Australia kung saan siya ang representante ng Pilipinas sa
larong iyon. Isa din siyang manglalaro ng golf at kabilang sa Class A. Naging kasapi siya ng board
at isa sa mga tagapagkonsulta para sa isports at kultural na organisasyon sa Araullo University.
Kasapi si Sotto sa Boy Scout of the Philippines, Metro Manila Council; at miyembro ng
International Narcotic Enforcement Officers Association at International Association of Chiefs
of Police.
Mula sa taong 1988 hanggang 1992, si Sotto ay naging Bise Mayor sa Quezon City kung
saan siya ang namuno sa konseho ng lungsod. Siya ang nakapagtatag at namuno sa Vice Mayors'
League of the Philippines at naihalal na President Emeritus ng liga. Bilang Bise Mayor, siya ang
ginawang pangalawang pinuno sa National Citizen's Drugwatch Foundation.
Noong 1992, naihalal si Sotto sa senado; pangatlong naihalal sa ganitong posisyon na mula
sa angkan ng mga Sotto. Sa kanilang angkan, si Senador Filemon Sotto ang tinaguriang isa sa
pitong mapamaraang tao sa asembleya ng Pilipinas kung saan siya ay nanungkulan mula sa taong
1916 hanggang 1922; at ang lolo naman ni Tito Sotto na si Senador Vicente Yap Sotto ng Cebu
ang nag-akda sa Press Freedom Law na nanungkulan mula sa taong 1946 hanggang 1953. Mula
noong 1992 hanggang 1998, nanilbihan si Sotto bilang Assistant Majority Floor Leader at pinuno
ng Senate Committees on Youth and Sports Development; Illegal Drugs; at Rural Development.
Kasapi si Tito Sotto sa Commission on Appointments.
Nakapagpasa at nakapag-isponsor si Tito Sotto ng animnapu't isang panukala sa Senado sa
pangsiyam at pangsampung Kongreso. Kabilang sa mga panukalang naipasa ni Sotto ay ang
paggawang siyudad sa may dalawampu't limang lungsod sa Pilipinas tulad ng Makati, Marikina,
Pasig, Paranaque, Muntinlupa, at iba pang lungsod; panukalang nagtatakda ng nga lugar
pangturismo; panukalang sumusulong sa absentee voting na nagbibigay-daan sa pagpapaboto ng mga
Pilipinong nasa ibang bansa. Isa siya sa limang senador na hindi sumang-ayon sa pag-apruba ng
General Agreement on Tariffs and Trade (GATT).
Noong 1998,tumakbo ulit si Sotto sa senado at nanalong senador. Itinakda siyang pinuno ng
Senate Committee on Public Services na namahala sa mga serbisyo sa komunikasyon,
transportasyon, nabigasyon sa iba't ibang kapuluan sa Pilipinas, at ang pagbabago sa mga
lehislatibong prangkisa. Siya din ay nagsilbing pinuno ng Senate Committee on Science and
Technology at nakapagpasa ng isang daan at siyamnapung panukala.
Noong nanilbihang Chairman si Sotto sa Committee on Public Services sa senado, naipasa
nito ang panukalang Act No. 8750, ang Seat Belts Act of 1999 at nagkaroon ng tatlumpu't anim
na publikong pagdinig ukol sa mga isyu sa transportasyon at komunikasyon tulad ng trahedya sa
paglubog ng Princess of the Orient, ang kontrobersiya na kinasangkutan ng Philippine Airlines,
interkoneksiyon, ang industriya sa cable, at iba pang isyung kinakaharap ng industriya ng
telekomunikasyon. Ang kumiteng ito ay nakapag-apruba ng tatlumpo't siyam na prangkisa sa
industriyalisasyon at modernisasyon.
Sergio de la Rama Osmeña III, (born December 13, 1943) also known as Serge Osmeña,
is a Senator of the Republic of the Philippines. Osmeña was born in Manila to Sergio "Serging"
Osmeña, Jr. of Cebu and Lourdes de la Rama of Negros Occidental. He finished his elementary
studies at De La Salle College. He studied his secondary studies at the St. Clement’s College in
Iloilo, Ateneo de Manilaand Beaumont College in Berkshire, England. Although he has never
obtained a university degree, he studied in various educational institutions which include University
of San Carlos, University of the Philippines, Los Baños, Harvard University, and Georgetown
University.
As a son of Marcos' political rival, Osmeña was imprisoned in 1972. In November 1974, he
embarked on a hunger strike along with his cellmate -- ABS-CBN's Eugenio "Geny" Lopez, Jr. --
to protest the unjust detention of thousands of innocent Filipinos. This resulted in the release of
1,022 political prisoners in December 1974. Defiant to the very end, Osmeña and Lopez escaped
from their maximum security prison cell in Fort Bonifacio in 1977. This exploit was enacted in the
1995 movie, Eskapo. In 1992, Osmena ran for Congressman in Cebu's Sixth District but lost. In
1995, Osmeña was invited by President Fidel Ramos to join in the senatorial race under the Lakas-
Laban ticket. He won in the elections and served his term as senator from 1995-2001. In
2001, Osmeña was one of the senators who voted in favor of opening the second bank envelope for the
impeachment case filed against Joseph Estrada. The motion was outnumbered, and it led to
the second EDSA People Power Revolution. He ran as independent for the position of Senator
under the People Power Coalition. He won in the elections and served his second term as senator
from 2001-2007. Right after Senator Aquilino Pimentel Jr. was replaced by Senator Franklin
Drilon as Senate President, he joined Pimentel's party PDP-Laban. His mandate as senator for
the second term expired in 2007.
Running independent again in 2010, Osmeña refused to participate in the sorties of his
adoptive parties and opted instead to campaign all by himself. Osmeña placed tenth and became a
senator again for the third time.
Ralph Gonzales Recto (born January 11, 1964) is a Filipino politician. Recto served as a
member of the House of Representativesrepresenting the 4th District of Batangas from 1992 to
2001. He was then elected to the Senate, serving from 2001 to 2007. In 2007, Recto run for
reelection and lost because, as many analysts believed, he had authored the EVAT (Expaded
Variable Added Tax) law. In July 2008 he was appointed to head the National Economic and
Development Authority, but resigned from his position in August 2009 in preparation to run for
senator in the 2010 election. Recto won a seat in the Senate and was proclaimed as one of the
winning senatorial candidates of the 2010 Senate elections.
Recto comes from a political family. His grandfather, the late nationalist and
statesman Claro M. Recto was a Senator for several terms. His father Atty. Rafael Recto was an
Assemblyman during the Regular Batasang Pambansa and his late mother Carmen Gonzalez-
Recto. His older brother Ricky Recto was the former vice governor of the province of Batangas,
while his sister Plinky Recto is an actress and TV host.
He is married to Batangas Governor Vilma Santos-Recto, father to Ryan Christian and
stepfather to Luis Philippe Manzano whom he legally adopted. He is an active member of Tau
Gamma Phi. He currently resides in Ayala Alabang, Muntinlupa City and also in
Inosluban, Lipa City
Recto has two Master's Degrees – one in Public Administration from the University of
the Philippines, Diliman and another in Strategic Business Economics from the University of
Asia and the Pacific. He also took up a Leadership Scholarship Course at the John F.
Kennedy School of Government at Harvard University in Boston, Massachusetts, United States.
He acquired a Bachelor of Sciencedegree in Business Administration at the De La Salle
University-Manila.
He holds the distinction of being the youngest elected member of the House of
Representatives during the 9th Congress. He also holds an unprecedented record in the
congressional election history of Batangas for winning in all precincts, barangays, and
municipalities together with Lipa City in the 1995 and 1998 elections. He garnered 98% of the votes
cast in those two elections in the 4th District of Batangas.
During his three terms (from 1992 to 2001) as Member of the House of Representatives,
most of his legislative measures enacted into law deal with economic reforms and poverty alleviation.
Among which are the Social Reform and Poverty Alleviation Act; the Philippine Economic
Zone Law; Amendment to the Special Economic Zone Law; the Retail Trade Liberalization
Law; Regional Headquarters Law and the Comprehensive Tax Reform Law.
Recto was elected to the Senate in 2001, becoming the youngest Senator of the 12th Congress at the
age of 37. In the Senate, he chaired the Committees on Ways and Means and on Trade and
Industry.
After his failed bid for re-election to the Senate in 2007, Recto joined the board of
the Union Bank of the Philippines. He is said to be offered the position of Secretary of
Finance but it was subsequently denied by Malacañang. President Gloria Macapagal-Arroyo, on
July 23, 2008 named him as the new director-general of National Economic and Development
Authority, replacing Augusto Santos, acting NEDA chief. On August 11, 2009, he resigned as
NEDA secretary and Presidential Adviser for Economic Planning, in preparation for another
run for Senate in the 2010 election.
He was proclaimed as one of the winning senatorial candidates of the 2010 Senate elections.
In 2012 while the committee shair for the Senate Ways and Means Committee, Recto came under
fire from doctors, anti-smoking groups and the Aquino Administration for "diluting" a proposed
Sin Tax Bill in favor of tobacco firms in the Philippines, reducing proposed taxes from P60 Billion
to P15 Billion. Fellow senator, Miriam Santiago Defensor called, Recto's actions an "abject
surrender to the very rich and very powerful tobacco and alcohol lobby.” In response to the pressure,
Senator Recto soon stepped down as the chairman of the Senate Ways and Means Committee.
Pilar Juliana "Pia" Cayetano (born Pilar Juliana Schramm Cayetano on March 22,
1966), popularly known as Compañera Pia orPia, is a Filipino lawyer, politician, and was the
youngest woman elected Senator in the history of the Republic of the Philippines. She was first
elected senator in 2004 and re-elected in 2010. A known advocate of women and children's rights,
she is best known for pushing for the passage of the Responsible Parenthood and Reproductive
Health Act of 2012 (RA 10354), the Expanded Breastfeeding Promoting Act (RA 10028),
and the Expanded Senior Citizens Act (RA 9994), among others. Senator Pia is also a triathlete
and an advocate of sports and the rights of athletes.
She is the only daughter of the late Senator Renato "Compañero" Cayetano and German-
American former school teacher Sandra Schramm. She has three brothers. Alan Peter is a re-
elected senator and a popular critic of former President Gloria Macapagal-Arroyo. Rene Carl is
an ex-councilor of Muntinlupa City and the owner of the collectible figurine store "Maxicollector",
while Lino Edgardo is a popular television and movie director, former Barangay Chairman
of Barangay Fort Bonifacio in Taguig City, and current congressional representative of the second
district of Taguig. Cayetano is a mother to two daughters, Maxine and Nadine, and a foster parent
to Rene Lucas.
She took up Bachelor of Arts in Economics at University of the Philippines, and
graduated cum laude in 1985. She then took up Bachelor of Laws at the University of the
Philippines in Diliman. She graduated in 1991 with academic distinction, #7 in her class; she also
became a member of the Honor Society, Order of the Purple Feather. She is an advocate of sports
as part of a holistic youth development program, prevention of diseases, and the need for a healthy
and fit lifestyle. She is the founder of Gabriel Symphony Foundation which was established
following the death of her son Gabriel, who was diagnosed with multiple congenital anomalies. The
foundation helps children with disabilities and life threatening ailments. She is also the founder of
the Compañero Rene Cayetano Foundation in memory of her father, which helps the
underprivileged in the areas of health, education, and environment, as well as Pinay in Action
(PIA), which promotes health, fitness, and women empowerment. She is a member of Young
Entrepreneurs' Organization and a spokesperson of the Philippine Cancer Society and the
Universal Birth Registration Project.
When her father died of liver cancer on June 24, 2003, several legislators including
senators encouraged Cayetano to continue her father's unfinished work and advocacies with the help
of her education and background as a lawyer and economist. As a result, she ran for a Senate seat
in the 2004 elections. Initially she was a virtual unknown to the electorate but with the liberalization
of political advertisements, she gained popularity with her TV advertisement as a runner, cyclist,
and as a tri-athlete, and as a new host of her father's TV program Compañero y Compañera for a
short stint. She won in the elections landing in the sixth position. In 2010, Senator Cayetano ran for
reelection as a guest candidate under the Nacionalista Party. She won, also landing in sixth place.
Her second term as senator runs until 2016.
During 112th Inter-Parliamentary Union Assembly in Manila, Cayetano was elected
President of the 10th Meeting of Women Parliamentarians during the sidelines of the annual
meeting. On April 17, 2008, Pia was elected for a 2-year term, president of the Committee of
Women Parliamentarians of the Inter-Parliamentary Union (IPU) during its 118th General
Assembly in Cape Town, South Africa. As the first Filipino and Asian to head it, she ran
unopposed and took over from Uruguay's Monica Xavier. This is the highest position held by any
Filipino or Asian in the history of the IPU.
An advocate of women’s rights and welfare, she pushed for the enactment of the ‘Magna
Carta of Women’ which seeks to end all forms of gender discrimination, and the ‘Expanded
Breastfeeding Act,’ which establishes lactation stations in the workplace to encourage nursing
mothers to continue breastfeeding even at work.
Cayetano is likewise credited for the passage of the ‘Expanded Senior Citizens Act,’ which
allowed the elderly to fully enjoy the 20-percent senior citizens discount by exempting their purchases
of medicines and other vital services from the 12-percent Value Added Tax.
She was responsible for passing the ‘Food and Drugs Administration (FDA) Law’ and the
‘Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Law,’ both of which seek to strengthen
State mechanisms to ensure safe and affordable quality drugs for all. She also authored or co-
authored the Foster Care Act (RA 10165), Mandatory Infants and Children Health
Immunization Act (RA 10152), Expanded Breastfeeding Promotion Act (RA 10028),
Establishment of Persons with Disability Affairs Office Act (RA 10070), National Anti-
Rabies Act (RA 9482), and the Environmental Awareness and Education Act (RA 9512),
among others.
Si Miriam Palma Defensor Santiago ay isang Pilipinang pulitiko at kasalukuyang senador
ng Pilipinas. Madalas siyang tawaging Miriam. Siya ang tagapagtatag at kasalukuyang lider
ng People's Reforms Party. Naparangalan siya noong 1985 bilang TOYM Awardee para sa
batas.
Si Miriam ay ipinanganak noong Hunyo 15, 1945 sa siyudad ng Iloilo, Iloilo. Sina
District Judge Benjamin P. Defensor at Dimpna Palma Defensor ang kanyang mga magulang.
Noong kanyang kabataan, nakuha niya ang pinakamataas na karangalan sa kanyang pagtatapos sa
mababa at mataas na paaralan.
Sa kabila ng tatlong-buwang pagkakasakit, nagtapos si Miriam bilang magna cum laude sa
kursong Bachelor of Arts in Political Science sa Unibersidad ng Pilipinas Visayas noong 1965.
Sa halip na apat na taon,natapos ni Miriam ang kanyang kurso sa loob lamang ng tatlo't kalahating
taon.
Sa limampung-taong kasaysayan ng The Philippine Collegian, ang opisyal na pahayagan ng
Unibersidad ng Pilipinas, si Miriam ang kauna-unahang babaeng naging punong patnugot (editor-
in-chief). Dalawang beses rin siyang ginawang Corps sponsor ng Reserve Officer Training Corps.
Sa mga sumunod na taon, dalawang titulong pangkagandahan (beauty titles) ang kanyang
natanggap kahit na wala sa kanyang karanasan ang sumali sa mga paligsahan ng kagandahan.
Noong estudyante siya, lumahok si Miriam sa maraming timpalak sa pananalumpati at
pampublikong pagsasalita sa mataas na paaralan, kolehiyo, at paaralan sa batas (law school).
Noong 1969, nagtapos siya ng Bachelor of Laws na may karangalang cum laude sa
Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Naging kamag-aral niya sina dating Senador Franklin
Drilon, San Juan Representative Ronaldo Zamora, at Eli Pamatong. Kumuha si Miriam ng
Bar Exam noong 1969 at nakakuha ng 78% average grade, na nagdulot sa kanya ng kalungkutan.
Ang kanyang mga kaklase na sina Zamora at Drilon ay nasa una at ikatlong puwesto.
Upang mapatunayan ang kanyang kagalingan at malampasan ang lungkot na nadama noong
nakaraang pagsusulit sa bar, naisip ni Miriam na kumuha pa ng mas mataas na pag-aaral.
Pumasok siya sa University of Michigan Law School noong 1974 hanggang 1976 at kumuha ng
titulong Master sa mga Batas at Doktor ng Juridical Science.
Noong 1995, sa edad na limampu, kinumpleto niya ang mga kinakailangan para sa isang
akademikong Master of Arts in Religious Studies sa Maryhill School of Theology nang may
average grade na 1.25. Noong 1996, pumasok siya sa isang Summer Program ng mga tagubilin
para sa mga abogado sa Harvard Law School. Noong 1997, pumasok naman siya sa Summer
Program para sa Batas sa Oxford University. Matapos ng isang taon, tinagurian na siyang isang
Harvard at Oxford alumna, kahit na hindi siya naging kabilang sa isang regular na programa at
hindi rin nakapagtapos ng anumang akademikong degree program sa pamantasan.
Noong 1986, kinikilala si Miriam bilang isa sa mga Sampung Natitirang Young
Professionals ng Philippine Junior Chamber of Commerce. Noong 1988, ginawaran siya ng
Ramon Magsaysay Award para sa Government Service, ang lokal na katumbas ng Nobel Prize.
Noong 1996 naman,pinarangalan si Miriam ng The Australian, isang pang-internasyonal na
magazine, bilang isa sa The 100 Most Powerful Women in the World.
Si Manuel Mercado Lapid na mas kilala sa pangalan na Lito Lapid ay isang artista,
politiko, at Senador ng Republika ng Pilipinas. Siya ay ipinanganak noong ika-5 ng Oktubre taong
1955 sa Porac, Pampanga, at ika-lima sa siyam na mga anak nina Jose Lapid at Eleuteria
Mercado. Natapos niya ang kanyang edukasyon sa elementarya sa Porac Central School noong
1968. Natapos niya naman ang kanyang edukasyon sa mataas na paaralan sa St. Catherine
Academy of Porac, Pampanga noong 1972. Hindi na siya pumasok upang mag-kolehiyo.
Nagsimula si Lito Lapid sa kanyang karera sa industriya ng pelikula sa pag-gawa ng mga
delikadong eksena ng bidang artista. Una siyang nabigyan ng starring role sa pelikula at gawin ang
isapelikula ang naging buhay ng kanyang pinsan na si Jess Lapid kung paano ito nag-umpisnag mag-
artista hanggang sa mapatay noong huling dekada ng 1960s. Kinaulaunan, siya ay napabilang sa
sikat na mga artista sa larangan ng pang-aksyong pelikula. Kinilala si Lapid sa industriya bilang isa
sa mga may mabentang pelikula kaya isinama siya sa mga respetadong artistang na kilala sa pag-
gawa ng matatagumpay na aksyong pelikula katulad ni Fernando Poe Jr., Joseph Estrada, at
Ramon Revilla Sr.
Sa kalagitnaan ng pagputok ng bulkang Pinatubo ng taong 1991, pumayagpag ang pangalan
ni Lito Lapid ng siya ay gawin na prontera sa pagtulong sa mga mamamayang Pilipino na
naaapektuhan ng sakuna. Noong 1992, pinasok niya ang larangan ng pulitiko nang tumakbo siya
bilang bise-gobernador ng Pampanga sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition.
Madaling natalo ni Lapid sa eleksyon ang kasalukuyang nanunungkulang na bise-gobernador ng
panahong yun. Subalit natalo ang kaalyado niyang tumakbo bilang gobernador laban sa dating
gobernador na si Ben Guiao. Noong 1995, muling tumakbo si Lapid ngunit bilang isang gobernador
sa ilalim ng parehong partido. Nakalaban niya sa panahong ito si Guiao. Sa kabila ng tulong ni
dating Pangulong Corazon Aquino para mapanatili si Guiao sa kanyang posisyon, muling naipanalo
ni Lapid ang posisyon sa tulong ng kanyang papularidad at sa patuloy na mahirap na sitwasyon ng
mga taong nasalanta ng lahar. Noong 1997, iniligtas ng Pampanga Megadike ang siyudad ng San
Fernando mula sa lahar sa pamamagitan ng paglikha ng kanal patungo sa Pampanga River delta.
Pinasalamatan ni Lapid si Pangulong Fidel V. Ramos para sa pagsuporta sa proyekto at bilang
pagpakita ng kanyang apresasyon ay sumali siya sa partido ng administrasyong LAKAS NUCD.
Muling tumakbo si Lapid para sa parehong posisyon sa ilalim ng partido ng administrasyon. Dahil
sa desisyon ni Lapid na magpalit ng partido ay pinutol ng kapareho niya artista na si Joseph
Estrada ang kanilang relasyong pampulitiko at binigyan siya ng mababang pamamahagi ng kita
nang umupo na si Estrada sa pagkapangulo. Si Lapid kasama ang Alkalde ng siyudad ng Kaloocan
na si Reynaldo Alonzo, sa magkahiwalay na okasyon, ay sumubok na suyuin si Estrada upang
sumali sa kanyang partido na Lapian ng Masang Pilipino (LAMP) subalit tinanggihan ito ni
Estrada. Matapos ang pagtataluwalag kay Estrada noong 2000 at ng ikalawang Rebolusyon sa
Edsa, minarapat ni Lapid at ni Malonzo na manatili sa partido ng Lakas at muling tumakbo sa
dati nilang posisyon sa pamahalaan. Muling naipanalo ni Lapid ang ikatlo at huli niyang termino sa
pagkagobernador. Noong 2003, nagdesisyon si Lapid na tumakbo sa pagka-alkalde sa siyudad ng
Angeles, Pampanga at nagsimulang sanayin ang kanyang anak na si Mark para sa posisyon ng
pagkagobernador na kasalukuyang miyembro ng Hunta Probinsyal ng panahon na iyon. Subalit sa
halalan para sa senador ng taong 2004, hinimok si Lapid ng kanyang kapwa cabalen na si Gloria
Macapagal Arroyo na tumakbo sa pagkasenador sa ilalim ng partido ng administrasyong koalisyon
K4. Tinanggap ito ni Lapid at nanalo sa eleksyon matapos makamit ang ika-labing isang posisyon.
Kasal si Lapid kay Marissa Tadeo Lapid sa simbahan ng Romano Katoliko.
Meron silang dalawang anak na lalaki at dalawang anak na babae, sina: Maynard, Mar, Maan
Krista, at Mitzi Karen. Bilang anak ng isang sikat na aktor, hinangad din ni Maynard na sundan
ang yapak ng ama sa pagiging artista. Nasimulan niya ang kanyang karera sa industriya ng pelikula
noong 2006.
Sinundan naman ni Mark ang yapak ng ama sa larangan ng pulitika sa pagsisilbi bilang gobernador
ng Pampanga sa kasalukuyang panahon. Pinasok din ni Mark ang pag-aartista noong 2004 kung
kailan naibalita siyang lumalabas kasama ang isang sikat na personalidad sa telebesyon na si Kris
Aquino. Nang taong 1980, nagkaroon din ng relasyon si Lapid kay Melanie Marquez, ang
binibining Internasyonal ng 1979 at ina ng panganay niyang anak na lalaki na si Manuelito Lapid.
Si Juan Ponce Enrile ay batikang mambabatas at dating naging ministro ng Tanggulang
Pambansa sa Filipinas. Kabilang si Enrile sa mga tumalikod kay Pang. Ferdinand E. Marcos at
naglunsad ng kudeta na magiging titis sa Aklasang Bayan sa EDSA.
Si Juan Ponce Enrile ay ipinanganak noong 14 Pebrero 1924, sa bayan ng Gonzaga
sa Cagayan. Bininyagan siya sa pangalang Juanito Furagganan, dala ang apelyido ng kaniyang
ina. Upang magkaroon ng mas magandang oportunidad, umalis si Enrile sa Gonzaga, Cagayan at
nagtungo sa poblasiyon upang doon mag-aral at maghanapbuhay bilang maninilbi sa kamag-anak ng
kaniyang ina. Di naglaon ay lumipat siya sa Aparri at pumasok sa Cagayan Valley Institute.
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay umanib sa mga gerilya.
Nahuli siya, ikinulong, at pinahirapan, ngunit nakatakas siya at nang patapos na ang himagsikan ay
nagsilbi sa U.S. Quartermaster depot sa Aparri, Cagayan. Habang ang himagsikan ay laganap,
ang kaniyang mga kapatid na babae ay lumikas patungong Aparri at nalaman ang tungkol sa
kaniya. Pagkatapos ng himagsikan, nakilala ni Enrile ang kaniyang ama sa opisina nito sa
Binondo, Maynila
Dinala ni Don Alfonso si Enrile sa kaniyang tahanan sa Malabon. Binigyan ni Don
Alfonso si Juanito ng bagong pangalan, Juan Ponce Enrile. Nag- aral muli si Enrile ng hay-iskul
sa St. James Academy sa Malabon.
Noong 1947, pumasok si Enrile sa Ateneo de Manila at nagtapos bilang cum laude at may
Associate in Arts Degree. Sa Unibersidad ng Pilipinas, nagtapos siya bilang cum laude at
salutatorian sa UP Law Class 1953. Pumasa siya sa Bar Examinations at nakuha ang ika-11
puwesto na may 91.71 porsiyento at nakakuha ng perpektong puntos sa commercial law.
Inalok siya ng tulong pinansiyal ng Harvard University at doon ay nagpakadalubhasa sa
Batas at may espesiyalidad sa Taxation at corporate law. Pagbalik sa Pilipinas, sumapi siya sa
Ponce Enrile, Siguion Reyna, Montecillo, Bello Law Office at doon ay lumitaw siya bilang
pinakamagaling na abogado. Wala siyang kasong hinawakan na natalo.
Noong 1966, hinirang siyang katuwang na kalihim ng Pananalapi, at umaktong
tagapangulo ng Monetary Board.Mulang 1968 hanggang 1970 ay naging kalihim siya ng Hustisya
Siya ay naging. ministro ng Pambansang Tanggulan noong 1970, posisyong hinawakan niya nang
mahigit-kumulang sa 17 taon na nagwakas noong 1986.
Inihalal siyang kinatawan ng Cagayan noong 1978. Nanalo siya ng hanggang sa ikalawang
termino noong 1984.Dahil sa pagkakapatay kay Benigno Aquino Jr, hindi na nasikmura pa ni
Enrile ang diktatura ni Pang. Marcos at pumanig na sa bayan. Kasama si Fidel V. Ramos,
Ikalawang Hepe de Estado Mayor noong panahon na iyon, pinamunuan nila ang
makasaysayang Aklasang Bayan sa EDSA, sa tulong ng pananawagan ni Kardenal Jaime L.
Sin sa mga libo-libong mamamayan na tumugon sa panawagan.
Nagdagsaan ang mga ito sa dalawang kampo ng militar. Apat na araw pinalibutan ng mga
tao ang mga kampo na kinalulunan ni Enrile at ng kaniyang mga kasama. Ito ay upang mapigil ang
paglalaban ng puwersa ng mga rebeldeng militar at ng mga loyalista ni Marcos.
Nailuklok si Corazon Aquino bilang pangulo ng Filipinas at kaniyang hinirang si Enrile
bilang kalihim ng Pambansang Tanggulan. Nagbitiw siya sa tungkulin makalipas ang anim na
buwan, dahil sa pagkakaroon ng suliranin sa bagong administrasyon.
Noong 1987 ay tumakbo siya at nanalo bilang natatanging senador ng oposisyon. Bilang
Minority Floor Leader, kasapi siya ng lahat ng komite sa Senado. Kasapi rin siya sa Electoral
Tribunal at ng Komisyon ng Paghirang.
Maraming boto ang nakuha niya noong kumandidato siya bilang kinatawan ng
kaniyang lalawigan noong 11 Mayo 1992, at sumapi siya sa partidong liberal na partido rin dati ng
kaniyang ama.
Noong eleksiyon ng Mayo 1995, muli siyang tumakbo at nanalo bilang senador sa ilalim ng
Koalisyon ng Lakas. Muli siyang naging kasapi ng Komisyon ng Paghirang, tagapangulo ng komite
ng Ways and Means ng Senado, at ng Komite sa Government Corporations and Public
Enterprises. Bilang Senador, pinamunuan niya ang pagsasabatas ng Comprehensive Tax Reform
Program na ipinasa bilang batas sa katawagang Batas Republika Bilang: 8424.
Si Jose Pimentel Ejercito (ipinanganak noong 17 Pebrero 1963), na mas kilala sa
pangalang Jinggoy Ejercito Estrada, ay isang Pilipinong aktor at politiko at kasalukuyang senador
ng Pilipinas. Siya ay naihalal bilang senador noong 2004, at tumatakbo muli sa parehong posisyon
sa Si Estrada ay panganay na anak nina Joseph Ejercito Estrada, batikang aktor
at dating pangulo ng Pilipinas, at Luisa “Loi” Ejercito Estrada, isang manggagamot na
tinaguriang "First Lady ng Masa" (First Lady of the masses) dahil sa kanyang mga misyong
medikal noong siya ay senador pa. Ang mga kapatid ni Jinggoy Estrada ay sina Jacqueline
Ejercito-Lopez at Jude Ejercito.
Tinapos ni Estrada ang kanyang elementarya at sekondarya sa Pamantasang Ateneo de
Manila. Nagtapos siya sa kursong Bachelor of Arts in Economics sa Unibersidad ng Pilipinas.
Ikinasal siya kai Precy Vitug noong 28 Hunyo 1989 at mayroon silang apat na anak: sina Janella
"Jel" Marie, Joseph "Jolo" Luis, Julian Emilio, at Juliene Marie.
Sa edad na 29, naihalal si Estrada bilang bise-alkalde ng Lungsod San Juan at tinagurian siyang
pinakabatang naihalal na lokal na tagapamahala sa buong bansa. Sa kanyang paninilbihan bilang
bise-alkalde, apat na taon siyang nag-aral ng abogasya sa Lyceum of the Philippines. Naihalal
siyang alkalde ng San Juan at nanilbihan siya mula 1992 hanggang 2001, kung kailan nahirang
ang San Juan bilang pinakamaunlad at pinakamapayapang lungsod sa buong Pilipinas.
Tumakbo siyang senador noong 2004 gamit ang pangalang "Jinggoy Ejercito Estrada".
Noong Mayo 2004, naihalal siya bilang senador at tinaguriang "Anak ng Masa". Ito ang naging
pagkakataon niyang ipagpatuloy ang mga programa para sa mahihirap na sinimulan ng kanyang
ama. Muli siyang tumatakbo sa pagkasenador sa halalan 2010. Si Estrada ay executive vice
president ng partidong politikal na Partido ng Masang Pilipino (PMP) na itinayo ng kanyang
ama. Siya rin ang tagapangulo ng Senate Committee on Labor, Employment andHuman
Resources. Aktibo siya sa isports, at isang kalahok ng BAP-Samahang Basketbol ng Pilipinas.
Isinangkot si Estrada sa kaso ng katiwalian na isinampa laban sa kanyang ama. Inakusahan siyang
kaisa at kaakibat ng kanyang ama na kumita ng malaking halaga mula sa jueteng, sa paghati
ng tobaccoexcise tax at pagtanggap ng mga komisyon at iligal na lagay mula sa pagbili ng SSS
(Social Security System) at GSIS (Government Service Insurance System) ng mga bahagi ng
Belle Corporation at iba pang iligal na pinagkakakitaan. Ayon sa testimonya ng saksi ng
impeachment trial na si Emma Lim, si tumanggap si Estrada ng pera mula sa jueteng. Noong 15
Agosto 2007, sumang-ayon ang Korte Suprema sa Sandiganbayan na bigyan ng kalayaan ang
nakababatang Estrada.
Nagsimulang umarte si Jinggoy noong siya'y mahigit bente anyos at napasama siya sa una
niyang pelikula, ang "Paradise Inn", noong 1985. Sinundan ito ng marami pang mga pelikula na
naging katambal at katrabaho niya ang ilang tanyag na mga aktor at aktres. Nakatambal din niya
ang kanyang ama noong 1989 sa pelikulang "Sa Kuko ng Agila".
Si Franklin Magtunao Drilon (ipinanganak noong 28 Nobyembre 1945) ay naninilbihan bilang
senador sa Ikalabing-apat na Kongreso ng Pilipinas. Naging presidente siya ng senado mula sa
taong 2000 hanggang 2006. Siya rin ang pangulo ng Partido Liberal. Ipinanganak si Drilon sa
Baluarte, Molo, Lungsod Iloilo kina Cesar Drilon, Sr. at Primitiva Drilon. Nakapagtapos siya
ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Baluarte noong 1957. Tinapos niya ang kanyang
sekondarya sa Unibersidad ng Pilipinas sa Iloilo noong 1961. Nagtapos si Drilon ng
kursong Bachelor of Arts in Political Science noong 1965 sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
Naging associate editor siya ng Philippine Collegian ng UP at naging konsehal ng UP Student
Council. Nag-aral siya ng abogasya sa UP College of Law at natapos noong 1969. Naging kaklase
niya ang kanyang datingasawa na si Violeta-Calvo Drilon pati na sina senador Miriam Defensor-
Santiago, Executive Secretary Ronaldo Zamora, at ang negosyanteng si Loida Nicolas-Lewis.
Naging miyembro siya ng editorial board ng Philippine Law Journal, at ng Order of the Purple
Father, isang honor society ng abogasya sa UP. Nang kumuha siya ng bar exams (pagsusulit sa
abogasya), ikatlo siya sa may pinakamataas na marka.
Sa parehong taon, nagsilbi siyang associate lawyer ng Sycip, Salazar, Luna, Manalo at
Feliciano Law Offices (kasalukayang Sycip Salazaar Hernandez & Gatmaitan). Sumapi siya sa
Angara, Abello, Conception, Regala & Cruz Law Offices (ACCRA) nong 1974 kung saan siya
ay naging senior associate lawyer. Mula sa pagiging kasosyo noong 1975, siya ay naging managing
partner noong 1986. Naging bar examiner din siya ng Labor at Social Legislation mula 1979
hanggang 1984. Naging bise presidente at gobernador ng Employers Confederation of the
Philippines (ECOP), at bise presidente, board member at treasurer ng Personnel Management
Association ng Pilipinas (PMAP). Noong 1992, marami sa mga miyembro ng gabinete ni dating
pangulong Corazon Aquino ay tumakbo sa senado sa ilalim ng bagong partidong Lakas Tao ngunit
tinulungan ni Drilon si Gng. Aquino na matapos ang termino nito. Muli siyang tumakbong senador
sa halalan noong 1995 sa ilalim ng Lakas Laban Coalition. Sa halalang iyon, siya ang may ikaapat
na pinakamaraming boto. Noong 1998, sumanib siya sa partido ng Laban ng Demokratikong
Pilipino (LDP) at sumuporta kay Joseph Estrada sa pagkapangulo. Siya ang napiling Senate
Majority Floor Leader sa parehong taon. Noong 1999, isa siya sa sumang-ayon sa Visiting Forces
Agreement. Noong binawian ng buhay si Marcelo Fernan dahil sa sakit na kanser, silang dalawa
ni Blas Ople ang ginawang Senate President. Napagkasunduan nilang dalawa na si Blas Ople ang
tatayong Senate President mula 1999 hanggang 2000 at siya naman ang maglilingkod mula 2000
hanggang 2001.
Tumakbong independyente si Drilon sa senado ngunit dinadala pa rin ang kanyang pangalan sa
partidong People Power Coalition. Ang mga tumatakbong pulitiko ay piniling mabuti at ang unang
letra ng kanilang mga pangalan ay nagmamarka ng linyang VOT FOR D CHAMMP maliban
kay Roberto Pagdanganan. Naging sikat ang linyang ito kaya't marami sa kanila ang nahalal
kasama si Drilon. Sa pagpatuloy ng sesyon sa senado noong Hulyo 2001, pinalitan ni Drilon si
Pimentel bilang pangulo ng senado. Nilisan ni Pimentel ang kuwalisyon ng administrasyon at
sumanib sa oposisyon noong 2003. Ang administrasyon noon ay nakipagsanib-puwersa sa Partido
Liberal na dating pinamunuan ng ama ni pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na si Diosdado
Macapagal. Inanyayahan si Drilon na maging miyembro ng partido at ilang araw makalipas,
nahirang si Drilon na pinuno ng partido. Bago ang halalan ng 2004, inanyayahan ni Drilon si
senador Rodolfo Biazon na maging miyembro ng partido. Lumisan si Biazon sa kuwalisyong
Alyansa ng Pag-asa ni Raul Roco pagkatapos niyang sumali sa kumbensiyon ng partido Liberal
bilang bagong kasapi dito. Mula 2001, naging malapit si Drilon kay Macapagal-Arroyo at aktibong
sumuporta sa kanya lalo na noong unang pagsabak niya sa pagkapangulo pagkatapos ng impeachment
ni Estrada. Ang magandang relasyon nila ay nagwakas noong Hulyo 8 nang lumisan siya sa
partido kasama si Biazon at humiling na magbitiw si Arroyo sa puwesto. Sa SONA (State of the
Nation Address) ni Arroyo noong 2005, nakitang si Drilon lang ang hindi pumalakpak hanggang
sa natapos ang pahayag ng pangulo.Naging kritiko si Drilon ng North Rail, isang proyektong
sinuportahan ng pamahalaang Tsino. Ito ang magiging pinakaunang riles ng tren sa bansa na may
dalawang daanan. Sinasabi ng mga arkitekto dito na tutuloy ito hanggang sa Clark sa Pampanga
pati na sa San Fernando, La Union sa hilagang bahagi ng bansa.
Noong tumakbo siya sa senado, palaging pumupunta sa Estados Unidos si Drilon upang damayan
ang kanyang asawa na nuo'y ginagamot sa sakit na kanser sa baga. Binawian ito ng buhay noong
Setyembre 1995, dalawang buwan bago umupo sa puwesto sa senado si Drilon. Lumipas ang
dalawang taon nang nag-asawang muli si Drilon kay Mila Serrano Genuino, malapit na kaibigan
ng kanyang pamilya na isa ring biyuda. Sa kanilang kasal, sina dating Pangulong Corazon
Aquino at Fidel Ramos ang tumayong ninong at ninang nila.Kasapi si Drilon ng Rotary Club ng
Makati. Isa siyang aktibong miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) kung saan
siya ay nahirang na Presidente sa Pasay - Makati - Mandaluyong - San Juan Chapter nito. Kahit
na ipinanganak si Drilon sa Iloilo, siya ay rehistradong botante sa Greenhills sa Lungsod San
Juan.
Tumakbong muli si Revilla sa pagkasenador sa halalan 2010 ilalim ng partidong Lakas-Kampi-
CMD at tumanggap ng suporta mula sa apat na partido. Upang mailagay sa unahang bahagi ng
balota ang kanyang pangalan, nagpetisyon siyang baguhin ang kanyang apelyido mula Revilla sa
pagiging Bong Revilla. Noong 19 Oktubre 2009, inaprubahan ng Cavite Regional Trial Court ang
pagamit niya ng Bong Revilla bilang kanyang opisyal na apelyido. Ngunit, nagpalabas ng
diskuwalipikasyon ang COMELEC laban sa kanyang mosyon noong Disyembre sa parehong taon.
Bilang taga-Cavite, nakapokus ang karamihan sa mga pelikula ni Revilla sa kanyang probinsya.
Marami na siyang nagawang charity work sa kanyang lalawigan sa pakikipag-koordinasyon sa
RRD Foundation Inc. Inimbita siya ng dating direktor ng NBI na si Epimaco Velasco na
maging katambal niya si Bong Revilla bilang bise gobernador ng Cavite. Kaya't sa halalang lokal
noong 1995, nanalo sina Velasco at Revilla bilang gobernador at bise gobernador ng Cavite at tinalo
ang mga Remulla.
Noong Pebrero 1998, bumitiw si Velasco sa puwesto niya bilang Gobernador nang itinakda siyang
kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) at pumalit sa dating kandidato
pagkasenador na si Robert Barbers. Si Revilla ang naging chief executive ng Cavite nang nagbitiw
sa puwesto si Velasco. Sa halalan noong taong 1998, tinalo ni Revilla ang nuo'y bumabalik pulitika
na si Juanito Remulla sa posisyong gobernador.
Noong Enero 2001, sumali si Revilla sa mga demonstrasyon sa EDSA II na humiling na
bumitiw na si Joseph Estrada sa pagkapangulo. Ang kanyang pagsali sa demonstrasyong iyon ay
naging isang napakalaking isyu sa lokal na halalan noong 2001. Natalo si Revilla sa
pagkagobernador sa halalan noong taong iyon laban sa dating kongresista na si Erineo "Ayong"
Maliksi.
Ipinagpatuloy ni Revilla ang kanyang karera sa pag-arte at naging bida sa programa sa telebisyon
na "Idol Ko Si Kap" sa GMA-7. Noong 2002, itinakda ni pangulong Gloria Macapagal-
Arroyo si Revilla bilang pinuno ng Videogram Regulatory Board (VRB). Naging popular si
Revilla dahil sa kanyang mga gawain na tumuligsa sa pagdami ng mga pekeng pelikula sa Pilipinas.
Dahil sa kanyang husay sa serbisyo, iginawad sa kanya ang Plaque of Internation Recognition for
Efforts Against Piracy mula sa Motion Picture Association of America noong 23 Hulyo 2003;
at ang Huwarang Lingkod Bayan Award na mula sa Consumers League of the Philippines
Foundation, Inc. noong 25 Oktubre 2003.
Noong Pebrero 2004, nagbitiw siya sa pagiging pinuno ng VRB at pinalitan siya ng kanyang
inirekomendang si Eduardo "Edu" Manzano. Tumakbo si Revilla sa senado upang mapalitan ang
kanyang ama sa ilalim ng partidong K-4 Coalition at nanalo siyang senador. Sa halalang iyon, siya
ang ikaalawa sa may pinakamaraming boto sa mga kandidatong tumakbo noon.
Anak si Revilla ng aktor na si Ramon Revilla (totoong pangalan ay Jose Acuna Bautista) at
Azucema Mortel. Nakapagtapos siya ng elementarya sa paaralang Jesus Good Shepherd sa Imus,
Cavite. Noong 1982, natapos niya ang sekondarya sa Fairfax High School sa Los Angeles,
California sa Estados Unidos.
Kilala si Revilla sa kanyang mga pagganap sa maraming pelikula sa dekada otsenta at nubenta.
Gumanap siya sa mga pelikula kung saan kasama o katambal niya ang kanyang amang si Ramon
Revilla. Kasalukuyang gumaganap si Bong bilang aktor sa mga pelikulang kumedya pati na sa
telebisyon sa GMA 7.
Ikinasal si Revilla kay Lani Mercado (totoong pangalan ay Jesusa Victoria Hernandez Bautista)
noong 1987 sa isang kasalang sibil. Mayroon silang anim na anak na sina Leonard Bryan
(ipinanganak noong 22 Nobyembre 1986), Jose Lorenzo o Ramon "Jolo" Revilla III
(ipinanganak noong 15 Agosto 1988), Ma. Franzel Loudette (ipinanganak noong 15 Oktobre 1997)
at Ramon Vicente (ipinanganak noong 8 Disyembre 1998).
Gumanap si Revilla bilang Emilio Aguinaldo sa ikasandaang taong selebrasyon ng Pilipinas.
Noong nagpakasal muli si Bong at Lani sa simbahan, ang damit na isinuot nila sa pagtanghal sa
selebrasyon ay siya ring ginamit nila sa kanilang kasalan.
Si Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. (ipinanganak noong 13 Setyembre 1957) ay
isang Pilipinong kinatawan at kasalukuyang tumatakbong senador sa halalan 2010 sa ilalim
ng Partido Nacionalista.Ipinanganak si Marcos sa Maynila. Anak siya ng ikasiyam na pangulo
ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos at ng asawa nitong si Imelda Romualdez Marcos, ang
pinakaunang Gobernador ng Metro Manila at Ministro ng Human Settlements.
Nagtapos si Bongbong ng elementarya sa De la Salle College at ng sekondarya sa Worth School sa
Inglatera. Noong 1978, nagtapos siya ng kursong political science, philosophy at economics sa
Oxford University. Pagkatapos niyang mag-aral sa Oxford, nag-aral na naman siya sa
Wharton School of Business sa Estados Unidos upang makakuha ng Masters in
Business Administration (MBA). Noong 1980, habang nasa proseso siya ng pagkukumpleto ng
thesis sa MBA, naihalal siyang Bise Gobernador ng Ilocos Norte kahit na wala siya noon sa
lalawigan.Kasal si Marcos kay Louise Araneta at mayroon silang tatlong anak na lalaki.
Pagkatapos ng Rebolusyong EDSA ng 1986, lumuwas siya ng bansa kasama ang kanyang pamilya
ngunit siya ang pinakaunang Marcos na bumalik sa Pilipinas.
Noong 1992, naihalal siyang kinatawan ng ikalawang distrito ng Ilocos Norte at noong 1998,
naihalal siya sa una niyang termino bilang gobernador ng Ilocos Norte. Nanalo muli siya nang
dalawa pang beses. Noong 2007 naman, tumakbo naman siya sa Kongreso at kasalukuyang
nagsisilbing Deputy Minority Leader. Bilang kongresista, nagsumite siya ng iba't ibang mga batas
tulad ng Philippine Youth Commission Act at ang Baselines Law. Isa siya sa may
pinakamalaking naiambag sa pagkakaroon ng mga kooperatiba sa bansa.
Si Marcos ang nagpasimula sa paggamit ng Ingles bilang pangunahing wika sa pagtuturo sa mga
paaralan at sa iba pang sistema ng edukasyon sa bansa. Naniniwala siyang ang wikang Ingles ay
makatutulong sa mga Pilipino lalo na sa kumpetisyon sa sistema ng edukasyon. Isusulong ni Marcos
ang mga programa sa pagkakaroon ng modernong imprastraktura, ang pagtataguyod ng turismo sa
bansa, at ang pagkakaroon ng alternatibong pinagkukunan ng enerhiya upang matugunan ang
pangangailangan ng langis at ang pabago-bagong presyo nito sa bansa.