8
Ang Peryodiko Lafayette, magbubukas muli ngayong buwan Mula US hanggang RP: Krisis sa balikat ng bayan MULING mag- bubukas ang kontrob- ersiyal na Lafayette Philippines Inc. ngayong buwan at sinasabing naglaan ito ng $50 mi- lyon para maiwasan daw na maulit ang trahedya na sumira sa malaking bahagi ng isla ng Rapu- rapu at mga katubigan nito. Ayon kay Dato Dr. Mohammad Ajib Anuar, director ng Malaysian Smelting Corp. Berhad (MSC) na kumokontrol sa 30% ng Lafayette, ay ayaw na nilang magka- roon ng mga di magagan- dang insidente sa Lafay- ette. Idinagdag pa niya na sisiguraduhin daw nila na ang kanilang operasyon ay naaayon sa tamang istan- dard at proseso. Tinatarget ng Lafay- Taon 1 Blg 1 Oktubre 2008 P50.00 10,000 tonelada ng tan- so, 50,000 oz ng ginto, 600,000 oz ng pilak at 14,000 tonelada ng zinc. Dagdag pa ni Anuar na gusto nilang pahabain pa ang limang taong kon- trata ng minahan at balak nilang gawin itong modelo ng mga “polyme- tallic mines”. Plano ring gawin ang Lafayette na isang multi-bilyon dolyar na kumpanya at pinag-aar- alan na nila ang pagpapal- awak pa ng kani-kanilang operasyon sa Sundan sa p. 2 KAHIT ipinasa ng Kongreso ng US ang $700 Bilyong piyansa para sa nagbagsakang higanteng mga bangko at institusyong pampin- ansiya sa US, naniniwala ang mga eksperto sa ekonomiya na magtata- gal ang pandaigdigang krisis pang-ekonomiya. Isinalba, pansamantala, “haligi ng kapitalismo.” Pero pinangangambahang magdurusa – sa kagyat at pangmatagalan – ang mga mamamayan hindi lamang ng US kundi ng mundo, kabilang ng Pilipinas. Pinuri ni Pang. Ar- royo ang bailout o Emer- gency Economic Stabi- lization Act of 2008 na pinirmahan ni US Pres. George W. Bush noong Oktubre 3. Aniya’y unang hakbang ito sa “mahabang daan” patungo sa pagnor- malisa ng mga merkadong pinansiyal. Inudyok niya ang mga mamamayan na “manatili sa landas” ha- bang inaasikaso ng kan- yang administrasyon Sundan sa p. 2 233 Rizal ST. • Legazpi City 4500 In front of Magallanes Gamers Association QUALITY • ECONOMY • C.A.E C.A.E. Office 233 Rizal ST. • Legazpi City 4500 (052) 445-5667 COMPUTERS 547 Nudo ST. Daraga, Albay 4501 (052) 234-0785 DIRECTLY FROM SUPPLIERS www.cae/icienam.com Nilalaman OPINYON - Ang Dapat na Managot sa Krisis p. 3 BALITA - Bangayan sa Simbahang Katoliko : Pulitika sa pamamastol p. 5 SHOWBIZ - Cristy, hahabu- lin ni Nadia sa korte, kahit saan, kahit kailan p. 4 ISPORTS - Green o blue, saan ka? p. 8 Ang birds-eye view ng isang lugar sa Lafayette Philippines Inc. sa Rapu-rapu ni Nico P. Arboleda ni Regine Rejano

peryodiko.pdf

  • Upload
    nico

  • View
    1.155

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Ang PeryodikoLafayette, magbubukas muli ngayong buwan

Mula US hanggang RP: Krisis sa balikat ng bayan

Muling mag-bubukas ang kontrob-ersiyal na lafayette Philippines inc. ngayong buwan at sinasabing naglaan ito ng $50 mi-lyon para maiwasan daw na maulit ang trahedya na sumira sa malaking bahagi ng isla ng Rapu-rapu at mga katubigan nito. Ayon kay Dato Dr. Mohammad Ajib Anuar, director ng Malaysian Smelting Corp. Berhad (MSC) na kumokontrol sa 30% ng Lafayette, ay ayaw na nilang magka-roon ng mga di magagan-dang insidente sa Lafay-ette. Idinagdag pa niya na sisiguraduhin daw nila na ang kanilang operasyon ay naaayon sa tamang istan-dard at proseso. Tinatarget ng Lafay-

Taon 1 Blg 1 Oktubre 2008 P50.00

10,000 tonelada ng tan-so, 50,000 oz ng ginto, 600,000 oz ng pilak at 14,000 tonelada ng zinc. Dagdag pa ni Anuar na gusto nilang pahabain pa ang limang taong kon-trata ng minahan at balak nilang gawin itong

modelo ng mga “polyme-tallic mines”. Plano ring gawin ang Lafayette na isang multi-bilyon dolyar na kumpanya at pinag-aar-alan na nila ang pagpapal-awak pa ng kani-kanilang operasyon sa Sundan sa p. 2

KAHiT ipinasa ng Kongreso ng uS ang $700 Bilyong piyansa para sa nagbagsakang higanteng mga bangko at institusyong pampin-ansiya sa uS, naniniwala ang mga eksperto sa ekonomiya na magtata-gal ang pandaigdigang krisis pang-ekonomiya. Isinalba, pansamantala,

“haligi ng kapitalismo.” Pero pinangangambahang magdurusa – sa kagyat at pangmatagalan – ang mga mamamayan hindi lamang ng US kundi ng mundo, kabilang ng Pilipinas. Pinuri ni Pang. Ar-royo ang bailout o Emer-gency Economic Stabi-lization Act of 2008 na pinirmahan ni US Pres.

George W. Bush noong Oktubre 3. Aniya’y unang hakbang ito sa “mahabang daan” patungo sa pagnor-malisa ng mga merkadong pinansiyal. Inudyok niya ang mga mamamayan na “manatili sa landas” ha-bang inaasikaso ng kan-yang administrasyon

Sundan sa p. 2

233 Rizal ST. • Legazpi City 4500In front of Magallanes Gamers Association

QUALIT Y • ECONOMY • C.A.E

C.A.E. Office233 Rizal ST. • Legazpi City 4500

(052) 445-5667COMPUTERS

547 Nudo ST. Daraga, Albay 4501(052) 234-0785

DIRECTLY FROM SUPPLIERS

www.cae/icienam.com

nilalamanOPInyOn - Ang Dapat na Managot sa Krisis p. 3BALITA - Bangayan sa Simbahang Katoliko : Pulitika sa pamamastol p. 5ShOWBIz - Cristy, hahabu-lin ni nadia sa korte, kahit saan, kahit kailan p. 4ISPOrTS - Green o blue, saan ka? p. 8

Ang birds-eye view ng isang lugar sa lafayette Philippines inc. sa Rapu-rapu

ni nico P. Arboleda

ni regine rejano

2 Oktubre 2008 BAliTA Ang Peryodiko

mula p. 1

malalapit na lugar na sa-kop ng kanilang lisensya. Ibebenta ang mga ma-mimina sa Tsina, Japan, Korea at iba pa. noong Pebrero ni-tong taon ay nasuspinde ang operasyon sa rapu-rapu ng malubog sa utang sa Lafayette matapos na tumigil ng operasyon noong nobyembre 2005 dahil sa dalawang spill. Umabot sa $270 milyon ang utang nito sa ibang kumpanya, saman-talang umabot sa 65.5 milyon Australian Dol-lars ang panloob na utang

nito. noong Pebrero 2007, pinayagan na muli itong magbukas ng gobyerno matapos daw sumunod ang kumpanya sa mga batas pangkalikasan. Ang Lafayette ngayon ay binubuo ng Malaysian Smelting na may hawak ng 30%, sa-mantalang ang Philco na resulta ng joint venture ng LG International Corp. (60%) at Korea resources Corp. (40%) ang may ari ng 70% nito. Samantala, muling nagpahayag ng pagtutol ang Save rapu-rapu Alli-ance hinggil dito.

Lafayettemagbubukas...

Mula US hanggang RP...ang mga hakbang para mapangala-gaan ang ekonomiya ng bansa. Pero hindi nagiging mata-pat ang administrasyong Arroyo sa mga epekto sa mga mamamayan ng tinataguriang “pinakamatinding krisis ng sistemang kapitalismo” sa loob ng 80 taon. Ang inilatag ding mga plano ng kanyang pangkat pang-ekonomiya ay hindi batayang mga repormang pang-ekonomi-ya, kundi “mala-Bush” na mga solusyong ikalulugi ng mga mama-mayan para sa ganansiya ng mga dati nang nakikinabang sa sistema.

nawala ‘na parang bula’

Positibo si Sek. Margarito Teves ng DoF (Department of Finance) na makatutulong ang bailout para maiwasan ang pandaigdigang rese-syon na pinangangambahan mag-ing ng IMF (International Mon-etary Fund). Ayon sa IMF, may 25 porsiyentong tsansa na bumaba sa tatlong porsiyento ang tantos ng paglago (growth rate) ng pandaig-digang ekonomiya sa 2008 at 2009 o katumbas ng resesyon. Gayunpaman, ayon kay Paul Quintos, ekonomista at execu-tive director ng Eiler (Ecumenical Institute for Labor Education and research), pumasok man sa pan-daigdigang resesyon o hindi, tiyak ang “pagbagal ng produksiyon, paglaki ng disempleyo, pagtumal

ng pamilihan, at pagtindi ng kahi-rapan ng mga mamamayan.” Dulot ang pagkabangkarote ng tatlo sa limang pinakamalaking bangko sa pamumuhunan – Bear Stearns, Lehman Brothers, at Mer-rill Lynch – ng pagputok ng artipi-syal na bula sa real estate.. Para lumobo ang halaga ng pag-aaring pampinansiya ng US at makapag-engganyo ng pag-konsumo, nag-alok ang mala-laking bangko ng US ng mababang interes sa mga pautang sa pabahay. Ineng-ganyong mangutang maging ang maliliit lamang ang kita batay sa pinalobong halaga ng isinanglang mga bahay nila (tinatawag na sub-prime mortgages). Pero nakapako naman ang sahod kaya’t nabigong makapagbayad ang karamihan simula noong 2006. Unti-unting nalugi ang mga bangko at institusyong pampin-ansiya di lamang sa US kundi sa buong daigdig na sumugal sa di-kontroladong ispekulasyon. noong Setyembre 30, naganap sa 30 bansa

ang pinakamatarik na pagbagsak ng stock market sa kasaysayan. Sa tantiya ng IMF, aabot sa US$ 945-B ang halaga ng pagkalugi at pagbagsak ng halaga ng mga pag-aari sa US (asset write-downs). Sa iba pang pagtantiya, ayon kay Quintos, maaaring umabot sa $30 Trilyon ang kabuuang halagang “mawawala nang parang bula” sa

buong daig-dig dahil sa yumanig na krisis.

Malawakang tanggalan

Pagyayabang noong una ni nestor Espe-nilla, deputy governor ng Bangko Sentral

ng Pilipinas, di-gaanong apektado sa krisis ang lokal na merkadong pinansiyal. Umano’y isang porsi-yento lamang ng buong sistema ng pagbabangko sa Pilipinas ang US$ 386 Milyon na exposure sa Leh-man Brothers ng pitong bangko at kaya ng mga itong tumindig sa sariling mga paa. PerosapressbriefingsaMalakanyang kamakailan, sinabi ni Sek. ralph recto ng national Economic Development Author-ity na magiging mas matumal Malakanyang kamakailan, sinabi ni Sek. ralph recto ng national Economic Development Author-ity na magiging mas matumal kaysa inaasahan ang buong takbo ng ekonomiya. Mula sa growth target sa GDP na 5.5 hanggang 6.4 porsiyento ngayong taon, naging 4.4 hanggang 4.9 porsiyento na la-mang. Ibig sabihin, mas malalim at malawak ang mga epekto sa lokal na ekonomiya ng pandaigdigang krisis pampinansiya kaysa nais aminin ng administrasyong Arroyo. noong Agosto 2007 nang unang pumutok ang krisis sa sub-prime ng US, nawala ang P2-T na halaga-sa-papel ng sapi sa Philip-pine Stock Exchange, ayon kay Quintos. Sinabi rin niyang bumaba nang 12.3 porsiyento ang lakas ng piso laban sa dolyar ngayong taon at posibleng sumadsad muli sa P50 kada dolyar. higit pa sa negatibong epekto sa stock exchange at ex-change rate ang inaasahang pagtu-mal sa pagpasok sa bansa ng dayu-hang kapital at pagliit ng merkado para sa iniluluwas na mga produkto at serbisyo sa US. Paliwanag ni Quintos, “pinakamalalang maaa-pektuhan ng krisis ang mga ban-sang atrasado [gaya ng Pilipinas] na mahigpit na nakatali sa neokolo-

[gaya ng Pilipinas] na mahigpit na nakatali sa neokolonyal na relasyong pangkalakalan sa US.” May 16 porsiyento ng kabuuang eksport ng Pilipinas ang napupunta sa US habang 70 porsi-yento ang di-direktang napupunta dito sa pamamagitan ng ibang mga bansang Asya kung saan binubuo (ina-assemble) ang mga kasangka-pan bago i-eksport din sa US, ayon sa datos ng Ibon Foundation. Dahil sa mas mahigpit na pagkokonsumo doon, inaasahang liliit ang US$ 9.4-B na direktang kinita mula sa mga eksport sa US noong 2007. Inaasahan ding tutumal ang mga dayuhang pamumuhunan mula sa US sa pagmamanupaktura, BPO (Business Process Outsourc-ing), at serbisyong pampinansiya. May 20 porsiyento ito ng kabuuang FDI (foreign direct investment). Mula sa mga merkado sa US ang halos 90 porsiyento ng kita ng BPO na nakasentro sa mga call center. Ipinagmamalaki pa naman ng administrasyong Arroyo na numero unong tagalikha ng trabaho ang mga Export Processing zones at BPO. Pero pagsasara ng maliliit na negosyo at malawakang tang-galan ang nakaamba sa mga ito at iba pang apektadong industriya. Mula hulyo 2007 (hudyat ng krisis sa subprime sa US) hanggang hulyo 2008 na lamang, 125,000 manggagawa sa pagmamanupak-tura ang tinanggal sa trabaho—inaasahang tataas ang bilang nila. Inaasahang apektado rin ang mga ahente ng call center na karamiha’y nasa national Capital region.Maging ang pagluwas ng mga OFW (Overseas Filipino Worker), inaasahang babagal. Sa buong mundo, ayon sa International Labor Organization, tinatayang limang milyong manggagawa ang mawawalan ng trabaho dahil sa pagtumal ng pandaigdigang ekonomiya. noong nakaraang buwan, 159,000 manggagawa ang natanggal sa trabaho sa US—na ngayo’y makikipag-agawan pa ng oportunidad sa mga OFW at iba pang migrante doon. “Malilimitahan ang bilang ng mga Pilipinong makakahanap ng trabaho sa ibang bansa, ” ani Quintos. Mangangahulugan umano ito ng mas kaunting remitans at mas matamlay ding konsumo sa Pilipinas dahil sa laki ng papel ng remitans sa lokal na ekonomiya.

Solusyon nga ba?

Umaasa ang administrasyong Bush na sasapat ang mahigit US$ 1.3-T inilaan nito para maisalba ang ekonomiya ng US mula sa pagkabangkarote ng malalaking institusyong pampinansiya. Bukod sa US$700-B bailout, naglagak ito

mula sa p. 1

Pinuri ni Pangulong Arroyo ang bailout plan ng uS. Pero maisasalba kaya niya ang Pilipinas sa epekto sa bansa ng pandaigdi-gang krisis?

Sundan sa p. 7

3 Oktubre 2008 OPinYOn Ang Peryodiko

Astig, Pare!Ang Dapat na Managot sa Krisis

SInISIGUrO raw ni Pangulong Arroyo: hindi tayo maaapektu-han ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya. Pero kapani-paniwala pa ba ito?Kalimutan na nating ito ang presi-denteng nagsabing hindi na siya tatakbo noong 2004, na gaganda ang buhay ng mga maralita dahil sa EVAT (Expanded Value-Added Tax), na iginagalang ng militar ang karapatang pantao sa kabila ng iniuulat ng mga eksperto sa United nations. hindi pa rin tayo mapa-paniwala ni Arroyo. Sa bawat bigwas ng krisis sa ekonomiya sa panahon ni Arroyo, ordinaryong mga mamamayan ang napupuruhan. Mula sa krisis sa bi-gas hanggang sa pagsirit ng presyo ng langis, hindi ang dambuhalang mga korporasyon ang pumapasan, kundi ang ordinaryong mga ma-mamayang pumipila sa mga tin-dahan ng bigas at namamasahe sa pampublikong mga sasakyan. Lalong hindi ang gobyerno, na kabaliktaran pa ang ginagawa: sa panahong tumataas ang pinapasan ng mga mamamayan na presyo ng langis, lalong hinuhuthutan nito ang taumbayan sa pamamagitan ng pangongolekta ng VAT.Maganda ang pagsusuri ni Paul Quintos, ekonomistang maka-manggagawa mula sa Eiler, Inc. (Ecumenical Institute for Labor Education and research, Inc.), hinggil sa epekto ng pandaigdigang

krisis ngayon sa mga manggagawa. Aniya, “Ang mismong problema ngstagflationnoonghulingba-hagi ng dekada ’70 ang ginamit na dahilan ng monopolyo kapital para paigtingin ang mga atake sa uring manggagawa.” Sa panahon ng krisis, pinagdidiskitahan ng mga kapitalista ang ginagastos ng goby-erno sa mga serbisyong panlipunan sa halip na silipin ang sistemikong problema. Pinagdidiskitahan ng mga kapitalista ang sahod, pati na ang karapatan ng mga mangga-gawa.Ang layunin nito ay para protek-tahan ang interes at prebilehiyo ng mga kapitalista. Ipinagmamalaki ng gobyernong Arroyo na hindi maaapektuhan ng pandaigdigang krisis ang ating mga bangko tulad ng pagbagsak ng malalaking bangko sa US. Pero kasabay nito, hinihikayat niya ang tuluy-tuloy na paggastos ng taumbayan, laluna’t paparat-ing na ang Pasko. Kinakabahan na ata ang Pangulo. Alam niyang puro pambobola lang ang sinabi niyang hindi tayo maaapektuhan ng pandaigdigang krisis. Alam niyang kapag sumirit pang lalo ang mga presyo, siguradong titindi ang disgusto sa kanyang pamamalakad. Lalong manganganib ang kanyang mabuway na ngang liderato.Kunsabagay, tama nga ang sinabi ni Benjamin Diokno, propesor sa UP School of Economics na

kahit kontra kay Arroyo ay taga-pagtaguyod pa rin ng neoliberal economics: Wala namang ibang magagawa ang gobyerno kundi manawagang ibayong gumastos ang publiko para di ito tuluyang lumubog. Sa gobyernong tulad ng kay Arroyo, maaasahan na nating paiigtingin niya ang paghimok sa taumbayan na mangibang-bansa. (Sa Oktubre, lalong paiigtingin nga niya ito, dahil sa Pilipinas ga-ganapin ang Global Forum on Mi-gration and Development o GFMD na naglalayong gawing opisyal na landas ng “kaunlaran” ang pag-eeksport ng lakas-paggawa.)Asahan na nating gagawin ang lahat ng ito ni Arroyo, habang magmamaang-maangan sa ki-nakailangang pundamental na pagbabago sa ekonomiya, tulad ng pambansang industriyalisasyon at repormang agraryo. Asahan na rin natin na magbibingi-bingihan ito kahit sa kagyat na mga hilig ng taumbayan tulad ng pagrolbak sa presyo ng langis, pagbasura sa VAT, pagdagdag ng P125 sa sahod ng mga manggagawa at pagbasura sa deregulasyon ng langis. Asahan na nating hanggang pambobola na lang ang gobyernong Arroyo. Sa panahong ito ng krisis sa pan-daigdigang ekonomiya, huwag sana nating hayaang ipasa sa atin ang bigat ng krisis. hindi tayo ang lumikha ng krisis na iyan. hindi tayo ang dapat managot.

nico P. Arboleda

reproductive health Bill - pro ba, o anti buhay? noong Agosto 2, 2008, iminungkahi ni Albay rep. Edcel Lagman na muling buhayin ang house Bill blg. 4110, o ang repro-ductive health Bill. Ito ay naunang iminungkahi ng kanyang anak na si Krisel Lagman-Luistro at iba pang konggresista noong Agosto 2 ng taong 2002. Ito raw ay para maibsan ang problema ng ating bansa sa overpopulation, dahil ito daw ang nagdudulot ng kahirapan sa bansa. Marami ang tumaliwas dito – pinakatanyag dito ay ang simba-hang Katoliko, at ilang mga kons-erbatibong grupo. Sabi nila, papatayin ng nasabing panukala ang mga ma-giging tao sana sa pamamagitan ng pagpigil ng konsepsyon, o ang pagsama ng Sperm cell at Egg cell para makabuo ng zygote, at pagdat-ing naman sa pills, ay diretsahan na ang pagpatay sa nabuo nang zy-gote. Mas makakabuti nga naman raw na ilagay ang magiging pondo ng batas sa ibang mas makabulu-hang bagay tulad ng edukasyon, kalusugan, atbp. Ayon daw sa mga istatis-tika, ang bilang ng tao sa isang kwadradong kilometro ay mga 275-300, malaki kung ikukumpara natin sa Estados Unidos, na may density na 33/sq. km lamang, pero maliit naman kung ikukumpara sa mahigit 6,000 ng Singapore at mahigit 1,200 ng Bangladesh. Marami ng kaso ng pag-kakaroon ng side effect ang mga artipisyal na pang-birth control – tulad na lang sa condom, ang isa sa mga pinaka-popular na ginagamit sa ngayon. nagkakaroon ito min-san ng butas kahit hindi pa nagag-amit, kaya’t para ka na ring hindi gumamit ng condom. Sa pills, maaring magdulot ito ng kanser da-hil na rin sa taglay nitong kemikal. nakasaad din sa bill na magtuturo na ng sex education – mula sa ika-apat na taon sa hay-skul lamang, ay ibinaba na ito sa ikalimang baitang sa elementarya. Ito ay para maturuan na ang mga Pilipino tungkol sa sex habang bata pa, at para maiwasan ang mga mal-ing desisyon sa kanilang pagtanda. Pro buhay, o anti-buhay? para sa akin, mas malamang ang anti-buhay - oo nga’t matutulungan nito ang bansa nating overpoulatedna noon pang nilisan tayo ng mga Amerikano. Pero, dahil sakop ng batas na ito ang pills at artipisyal na contraceptives, dapat malaman ng tao na puro kemikal ang laman nun, at pwedeng makasama. Safe sex na lang po, kung maari.

4 Oktubre 2008 SHOWBiZ Ang PeryodikoCristy, hahabulin ni Nadia sa korte, kahit saan, kahit kailan luMAlAlA ang sigalot sa pagitan nina nadia Montene-gro at Cristy Fermin mula nang isulat ni Cristy sa kanyang mga kolum na hiwalay na sina na-dia at ang esposo nitong dating mayor ng Caloocan City na si Macario “Boy” Asistio. Sinabi ni nadia na hindi pa sila hiwalay ni Boy. Oo, anya, wala sa kanyang piling si Boy at nasa malayong bundok pero sa puso at diwa ay sila pa rin ang magkasama sa hirap at ginhawa. “Kung nasa bundok man sa Bicol si Boy, kami pa rin. At sa kanya ang bundok na ‘yon,” galit na galit na pahayag ni nadia. “May araw ka rin, Cristy,” pagbabanta ni Montenegro.

***

nakausap namin ng peryo-distang pampelikula na si Melba Llanera si nadia sa tapat ng O.B. Montessori de San Juan na pag-aari ng mga Arellano-Concepcion. Sa loob ng eskuwelahan nakaburol ang ama ni Gabby Con-cepcion na si rollie Concepcion na namatay kamakailan nang dahil sa atake sa puso. Sinabi ni Martin Delgado, kaibigang matalik ni Gabby at siyang tagasagot sa mga tawag sa telepono kay Gabby (ayaw mu-nang magpainterbyu sa media ng mga sandaling ‘yon na hindi pa dumarating mula sa Amerika ang kanyang inang si Baby Arellano Concepcion kaya pribado pa ang burol kay rollie), na naninimdim pa si Gabo mula nang mamatay sa sakit sa puso ang ama nito. “nagda-drive siya sa may 9 de Pebrero sa Mandaluyong nang manikip ang kanyang dibdib at ma-hilo siya kaya dinala siya ng kan-yang kasama sa kotse sa Lourdes hospital pero dead on arrival na si Daddy rollie,” payayag ni Martin.

*** Isa lang si nadia sa mga labas-masok sa lamay kahit na bawal ang ibang mga kaibigan, katrabaho at media sa loob bago mag-Biyernes (ika-26 ng Setyem-bre, 2008). Ayon kay nadia, nasa tabi siya ni Gabby sa mga laban nito. At bagamat hindi kinakalaban ni Cristy si Gabby ay parang gayon na rin ‘yon dahil ang representa-syon ni Montenegro ay si Con-cepcion pero tahimik lang nga si Fermin sa bagay na ito. Ang isa pang kalaban ni nadia ay si Mommy rose Flamin-iano, ang prodyuser ng FLT Films at talent manager ni Gabo. nag-iiringan sina nadia at

rose. Ito ay mula nang sabihin ni Montenegro na “Gabby’s career is in wrong hands.” Siyempre’s nagreak agad si Mrs. Flaminiano, kilala rin sa tawag na Mommy rose. “Bakit? Sino ba siya? Ano naman ang makukuha ko sa kanya kung papatulan ko siya? Pulos mantika lang ang makukuha ko sa mukha niya,” panunudyo ni Flaminiano. Gayunman, walang masabi si Mommy rose kung nais siyang sulutin ni nadia sa pangangasiwa ng propesyon ni Concepcion.

***

“hindi naman kami mag-kakilala n’yang si nadia. ngayon ko lang siya nakilala at nakaharap although alam kong artista siya noon,” sabi ni Mrs. Flaminiano, ang misis ng kontrobersyal ding abugado na si Atty. Jose Flamin-iano. “Kaya lang bakit naman siya magsasalita ng ganyan?” tanong ni rose. nang sabihin nga ng lady producer na pulos mantika lang ang makukuha niya kay nadia ay sumagot naman ang aktres at sin-abing “Mataba rin naman siya, a.” hindi nakontento si Mrs. Flaminiano at sumagot din: “Kung mataba ako, at least, matangkad naman ako. E, siya, mataba na nga ay punggok pa,” sabi ni rose nang tawa nang tawa.

*** Pinagbibintangan si Mom-my rose na may kagagawan ng kamatayan ni rollie dahil tawag umano ito nang tawag kina Gabby kaugnay sa pagsasampa nito ng demanda na breach of contract na nagkakahalaga ng P22 million. “Bakit ako nadamay d’yan. Wala akong pakialam d’yan. I respect Daddy rollie. ni hindi kami nag-away n’yan. Walang katotohanan na ako ang dahilan ng kanyang kamatayan. “Mahal ko si Daddy rollie. hindi ko siya idinadamay sa kaso na isinampa ko kay Gabby. Mag-kaiba ‘yon,” pahayag ni Mommy rose. Pero sinabi naman ni Gabby ayon sa panayam sa kanya ng peryodistang pampelikula na si Marinel Cruz na ayaw niyang pa-tawagin na si Flaminiano sa kanil-ang bahay dahil baka makaapekto pa sa sakit ng matandang Concep-cion.

***

nang araw ng Biyernes ay dumating ang asawa ni rollie na si Baby at pagkatapos na makapiling nang taimtim ang asawa ay sin-imulan nang buksan sa publiko ang pakikiramay nito sa mga Concep-cion. Pati lahat ng mga kaibigan sa showbiz ni Gabby ay humugos. hindi lang nga kami na-karating sa burol dahil nasa San Fernando City sa La Union kami para sa isang malaking proyekto na may kaugnayan sa nutrisyon ng bansa. Pero nakikiramay kami sa mga Concepcion. Inilibing si Daddy rollie sa Loyola Memorial Park sa Marikina City noong Linggo, ika-28 ng Set-yembre.

*** Pagkatapos ng paghahatid sa huling hantungan ay hindi pa hahantong sa wakas ang laban ni nadia kina rose at Cristy. Kahit saan anyang korte ay lalabanan niya si Cristy at kakampi niya si Gabby sa laban kay Mrs. Flaminiano. nais nang tumiwalag ni Gabo sa limang taong kontratang kanyang pinirmahan kay Mrs. Flaminiano kaya kinuha niya ang serbisyong legal ni Atty. raymond Fortun para labanan ang mga Flaminiano at makalaya siya sa kaugnayan at kasunduan dito. Matatandaan na si rose ang unang umasikaso sa kasong biga-mya at palsipikasyon ng mga doku-mento ni Gabby ng mga nakaraang panahon at malaya ngang nakaba-lik sa bansa ang aktor at naging mataginting ang kanyang pagpasok muli sa eksena.

*** Papasok din sa eksena ang mang-aawit na si Buddy Castillo sa Lunes, ika-6 ng Oktubre, 2008 sa pangunguna niya sa pista ng Barangay Dulong Bayan sa Ba-coor, Cavite na pinamumunuan ni Chairman relito Tela. Imbitado ni Buddy ang mga sikat na sina Tia Pusit, Angelica Jones, Victor Wood, Didith reyes, Wow Girls, Tsik Boys, Queen Ag-oncillo at marami pang iba. Kakanta kaya si Buddy kahit na ito ay kanyang teritoryo. Sa totoo lang, sayang ang talento ni Castillo pag hindi niya ibinalik at pinanday nang husto.

*** Aminado naman si Jake Cuenca na talagang nililigawan niya si Bea Alonzo. “Lumalabas po kami,”

pahayag ni Jake sa paglulunsad ng Star Magic Catalogue 2009 para sa ABS-CBn sa EDSA Shangri-La hotel sa Mandaluyong City. Ayon kay Cuenca, mahal na mahal niya si Bea at wala pang hihigit sa damdaming kanyang nararamdaman para sa aktres. “Madalas po kaming lumabas at alam niya, seryoso ako sa panliligaw sa kanya,” pahayag ni Jake na apo sa pamangkin ni Manuel Morato. Sinabi pa ni Jake na huwag magselos si John Lloyd Cruz dahil ang pag-aartista ang prayoridad ni Alonzo at hindi pag-ibig. Bukod rito ay aminado si John Lloyd na nagdi-date rin sila ni Bea. “Alam na naman ninyo ang nangyari kay Bea. Ang dami ni-yang problema lately kaya kailan-gang samahan ko siya at alagaan,” sabi ni Cruz. Pero mukhang hanggang doon lang ‘yon dahil naipahayag niya ang intensyon na makilala nang personal at husto si Marian rivera. nais din niyang makasama sa mga proyekto si Angel Locsin.

ni regine rejano

Pamburles na shorts at T-shirt “Puwede bang palitan ang costume? Shorts and T-shirt na lang?” sabi ng Golden Screen Best new Actress na si Maja Salvador nang malaman niyang “ipinapama-na” sa kanya ni Vilma Santos ang role na nag-establish sa Star for All Seasons bilang de-kalibreng aktres, ang Burlesk Queen. natuwa siyempre si Maja na choice siya ni Ate Vi halim-bawang i-remake ang pelikulang nagbigay kay Ate Vi ng nag-iisang acting award na ipinamahagi nung 1977 Metro Manila Film Festival.yun nga lang, nang malaman ni Maja na skimpy bikini ang cos-tume ni Vilma bilang mananayaw na burles, nag-alangan ang young actress. “hindi ko pa kayang mag-suot ng ganun,” sabi ng 18-year-old na si Maja. Kaya nga nakabitin din pati ang mga men’s magazines na pumipila na para sa kanyang “oo” para mai-cover siya, kagaya ng FhM. “Sa movie, payag na siya sa kissing scene, pero gagawin lang daw niya yun kung si John Lloyd Cruz ang leading man niya,” kuwento ng manager ni Maja na si Chit ramos.

ni nissa Laban

5 Oktubre 2008 BAliTA Ang Peryodiko

Editorial Board

Editor-in-Chief Rona Jane nuñezAssociate Editor Regine RejanoManaging Editor Jessel Antanoy

News Editor nissa labanSports Editor Tiffany Joy PalenzuelaLiterary Editor Airreen gayl latigay

Lay-out artist nico P. Arboleda

Bangayan sa Simbahang Katoliko : Pu-litika sa pamamastolSunuD-SunOD ang pamamas-lang sa mga aktibista at sibi-lyan noon sa iba’t ibang bayan ng Bulacan. isang araw noong nobyembre 2005, nakatanggap si Fr. Rolly de leon, kura-paroko ng St. Andrew Parish Church sa norzagaray, Bulacan, ng isang mensahe sa papel na inilaglag sa collection bag ng kanyang sim-bahan: “isang babala para sayo: ikaw na ang isusunod!” Tagapagsalita ng Almma (Alyansa ng Mamamayan para sa Pantaong Karapatan), alyansang pangkarapatang pantao sa Bulacan, si Fr. rolly. Dahil dito, nagsampa si Fr. rolly ng reklamong impeachment laban kay Pangulong Arroyo noong hulyo 2006. Bilang pari at taga-pagtanggol ng karapatang pantao, saksi siya sa sistematikong pang-aabuso ng militar sa mga sibilyan sa ngalan ng “giyera kontra-in-surhensiya.” Kailangan umanong managot si Arroyo. “hindi hiwalay sa Simba-han ang gawain sa pangangalaga ng karapatang pantao,” sabi ni Fr. rolly. Ganoon din ang karanasan ni Sr. Cecile ruiz. Matagal nang aktibong tagapagtanggol ng kara-patang pantao ng Karapatan sa Gitnang Luzon si Sr. Cecile, kung kaya di na siya nakapag-aktibo sa pagiging madre. “Tumutugon ako sa mga biktima at mga kaanak nila. Ka-raniwan, dokumentasyon. Pero meron ding QrT (Quick reaction Team), para sa mabilisang pagpun-ta sa presinto o detatsment kung may dinukot,” sabi ni Sr. Cecile. Dahil sa mga naranasan at nasaksihan nina Fr. rolly at Sr. Cecile, natural lamang na manawa-gan sila ng pagbaba sa puwesto ni Arroyo. Pero iilan lamang sila sa mga alagad ng Simbahang Kato-liko na ganito ang posisyon. noong nakaraang linggo, naglabas ng pahayag ang CBCP (Catholic Bish-ops’ Conference of the Philippines) na hindi nananawagang magbitiw si Arroyo. “Kung pag-aaralan lang (ng mga obispo) ang rekord ng karapa-tang pantao ng gobyernong ito…,” sabi ni Fr. rolly. Dahil sa pakikisangkot ng

mga taong- simbahan sa People Power 1 at 2, hindi maiwasang mapag-usapan ang Simbahang Ka-toliko sa gitna ng maiinit na usap-ing pampulitika sa kasalukuyan. noong Pebrero 26, ina-sahan ng marami na titindig ito pabor sa pagpapatalsik kay Arroyo. Kaya di nakakapagtaka kung bakit nadismaya ang mga nagkakam-panya para sa pagpapatalsik kay Arroyo, sa “malabnaw” na pahayag ng CBCP (Basahin ang kaugnay na artikulo). Kabilang ang Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) sa nadismaya sa CBCP. “Mula um-pisa, sistematikong itinatago ni Ar-royo at ng kanyang mga kasabuwat ang katotohanan sa publiko. nagta-taka kami kung paano napalampas ng CBCP ang lantarang pagtatakip sa eskandalong national Broad-band network,” ayon sa Bayan. Ayon sa ilang impormante ng Pinoy Weekly na nakadalo sa ilang pulong sa pagitan ng CBCP at mga grupong militante bago ilabas ang pahayag, may matinding hidwaan sa pagitan ng mga obispo hinggil sa panawagang magbitiw sa puwesto si Arroyo. Gayunman, napagkasunduan nilang tumin-dig sa iisang posisyon matapos magbotohan para hindi masabi sa publiko na hati ang Simbahan. Sa panayam ng Pinoy Weekly, sinabi ni Arsobispo Oscar Cruz ng Lingayen-Dagupan, na sa kasalukuyan, may pitong obispo na aktibong nananawagan ng pagbitiw ni Arroyo. Kabilang siya dito, si Obsipo Antonio Tobias ng novali-ches, Obispo Emeritus Antonio La-bayen, Obispo Deogracias Iñiquez ng Kalookan, at si Obispo Angel Lagdameo, presidente ng CBCP. Sa kabilang banda, di hamak na mas marami ang mga obispong miyembro ng CBCP na maituturing na “konserbatibo” at lumalaban sa pagtindig ng or-ganisasyon para sa pagbibitiw ni Arroyo. Sa kasagsagan ng eskanda-long nBn-zTE, 12 obispo mula sa hilagang Luzon sa pamumuno ni Arsobispo Diosdado Tamalayan ng Tugegarao ang nanindigan laban sa panawagang magbitiw. Labing-wa-long obispo naman mula sa Min-danaw, sa pamumuno ni Obispo Juan de Dios Pueblos ng Butuan,

ang nagdeklara ding lalabanan nila ang naturang panawagan. Sinabi ni Cruz na si-nusuportahan din naman niya ang pahayag ng CBCP. Gayunman, naniniwala siyang marami pang obispo ang ayaw na sa Pangulo pero tumatanggi pang magsalita. “May iba sigurong ayaw na sa Pan-gulo pero nananatiling tahimik,” dagdag ni Cruz. Waring isang halimbawa na si Arsobispo Paciano Aniceto ng San Fernando, Pampanga nang bigyang-diin nito sa misang dinalu-han ni Pangulong Arroyo noong Marso 8 ang panawagan ng CBCP sa paghahanap ng katotohanan at panlipunang konsensiya sa pam-bansang pamahalaan. Ang duda ni Cruz, may kinalaman ang Malakanyang sa patuloy na pagkakahati ng CBCP. Binatikos niya ang miting kama-kailan na ipinatawag ng Mala-kanyang kasama ang ilang obispo na hindi naman kumakatawan sa CBCP. Binatikos kamakailan ang ilang obispo na nakakatanggap ng mga donasyon mula sa ilang ahen-siya ng gobyerno tulad ng PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office),nanasailalimngTang-gapan ng Pangulo. Bago sumiklab ang krisis pampulitika noong Pe-brero, naglabas ang PCPO ng P1.6 Milyong “donasyon” sa diyosesis ng Bayombong, at P2.5 Milyong ad placement sa radio Veritas, opisyal na estasyong pangradyo ng Simbahan. Itinatanggi ng CBCP na may kinalaman ang mga “do-nasyong” ito sa pagtanggi nila na manawagang magbitiw si Arroyo. Para naman kay Obispo Deogracias Iñiquez, isa sa mga obispong aktibong nananawagan ng pagbibitiw ni Arroyo, maaari namang magamit ang pahayag ng CBCP para igiit ang katotohanan sa kasalukuyang krisis. “Sinasabi sa [pahayag] na tayong mga obispo ay mga pas-toral leader, ibig sabihin, tayo’y gagabay, mamumuno at maglil-ingkod sa sambayanan sa pa-mamagitan ng paglilinaw sa mga aspektong moral at isyu na kail-angang ilinaw,” sabi ni Iñiquez, sa panayam sa Pinoy Weekly. Sa kabila ng limitasyon ng pahayag, sang-ayon si Iñiquez sa pahayag ng CBCP hinggil sa “moral na pagkabangkarote” ng pamahalaan. Gayunman, inamin niya na malaki ang kinalaman ng kanyang pagsang-ayon sa kanyang pagiging obispo. Kung tatanungin siya bilang indibidwal, maaaring iba ang maging sagot niya.

LathalainAng Kwento ni nica

ni Airreen Gayl Latigay

ni Airreen Gayl Latigay

6 Oktubre 2008 KOMiKS, atbp. Ang PeryodikoKenkoy ni Tony Velazquez

Sudoku:

Ang isang Sudoku puzzle ay binubuo ng 9x9 grid, at itong grid ay nahahati sa 3x3 na subgrid.

Magsimula tayo sa mga numerong nakalagay na sa grid. Dapat ay ma-puno ang mga blanko, para ang kada row, column, at subgrid ay may mga numerong 1-9 lamang.

(Ang sagot ay malalaman sa susunod na isyu ng Ang Peryodiko.)

horoscope TelescopePinanganak ka ngayong araw: Magaling ang imahinasyon mo. Madali mong maloloko ang profes-sors mo gamit ang iyong napakalawak na imahinasyon – tulad na lamang ng biglang pagsakit ng iyong dila dahil sa kakakain habang kumukuha palang ng lesson plan ang prof mo. Galing ‘no?

Aries (Mar 21-Abr 19): Babalik sa buhay mo ang mga dati mong kaibigan at

ka-ibigan – humanda ka at maguutang sila ng malaki at hindi ito babayaran

ng matagal na panahon.

Taurus (Abr 20-Mayo 20): humanda sa malawakang

brownout mamayang gabi. Magsindi ng kandila at bumili ng krudo kung may generator kayo sa inyo.

gemini (Mayo 21-Hun 20): Mapapaso ang dila mo kapag humigop ka ng napakainit na

sabaw o kape. Gayon din ang mangya-yari sa katawan mo kapag pinabayaan mo yung kalan.

Cancer (Hun 21-Hul 22): Mamayang gabi ay maguu-

lam kayo ng alimasag. Mayroon ding mamamatay ng indigestion at kanser sa kuko.

leo (Hul 23-Ag 22): Pupunta sa bahay ninyo ang kolektor

ng electric at water bill upang singilin ang utang nyo ng mahigit 6 na buwan. Bayaran nyo na. Maawa kayo sa sarili nyo.

Virgo (Ago 23-Set 22): Papadal-han ka ng isang e-mail o liham

mula sa isang misteryosong lugar sa Bratislava, Slovakia. Gusto daw ni-yang magkita kayo dito sa Pilipinas.

libra (Set 23-Okt 22): Ma-nanalo ka sa “Pilipinas, Game Ka na Ba?” ng Php500,000 na

pot money ngayong sembreak. yung 1 million next year pa yata.

Scorpio (Okt 23-nob 21): Dadami ang tigyawat mo paggising mo bukas. Ito ay dahil sa kuku-lamin ka ng kaaway mo dahil

sa mas gwapo/maganda daw yung syota mo.

Sagittarius (nob 22-Dis 21): Marami ka pang kailangan

bayaran sa eskwelahan bago mapirma-han ang clearance mo. Bilisan mo at mahirap ng maubusan ng slot ngayong

enrolment.

Capricorn (Dis 22-Enero 19): Maglinis ka ng kwarto mo kung

ayaw mong mapagalitan ng mga magulang mo. Linisin mo na rin kung maaari ang kwarto nila.

Aquarius (Enero 20-Peb 18): Pupunta ka ngayon sa isang

malayong lugar upang makapagmuni-muni kung bakit ang iyong midterm grade sa Math ay 3.0 lamang

Pisces (Peb 19- Mar 20): Maiinis ka sa mga darating

na lingo dahil ang mga prediksyon ng horoscope na ito noong nakaraang linggo ay nagkatotoo, at hindi mo pinaghandaan dahil hindi ka talaga naniniwala sa horoscope.

ni nico P. Arboleda

ni Jessel Antanoy

7 Oktubre 2008 BAliTA Ang Peryodiko

MELAMINECERTAINLY

NOT!Want made in chinamilk and dairy?

Help us fight off the evils of capitalism!

(052) 653-0021fightcapitalism.com

High Protein. Super High Risk.

z z

Danao at Lagrimas,Mr. and Ms. BUCAL ‘08 ginAnAP noong ika-28 ng Agosto ang patimpalak sa Mr. and Ms. Bicol university Coolege of Arts and letters (BuCAl) sa taong 2008 sa Albay Astrodome. Sina gaudy Danao iii (AVC ii) at Katherine lagrimas (STA iV) ang kinoronahan sa gabing iyon. Maliban sa tittulong natana-ggap, nakakuha rin si Lagrimas ng minor at espesyal awards tulad ng Darling of the Press, Ms. Photo-genic, Ms. Talent, Best in ramp, Best in Production number, Best in School Uniform, Best in Trendy Attire, Ms.. nelstar, Ms. Cotton City at Ms. Informatics. “nanalo ako dahil may mga taong sumuporta sa akin at nanalo ako dahil naniniwala ako sa aking sarili at naniniwala ako sa Diyos”, wika ni Lagmiras. Sa kabilang dako, natang-gap ni Gaudy Danao ang Mr. Pho-togenic Award, Best in ramp, Best in Trendy Attire at Mr. Cotton City.NapabilangsatopfivesinaGino Paje (AB-JOUrnALISM III), at Ma. rochelle ruth rebeta (AB EnGLISh III), Mr. and Ms. Intrams, Jerome Avanzado (AVC IV) at Jam Charmaine Belen (AB

EnGLISh III), 1st runner-up, Fer-nando Barateta (AVC II) at rona Jane neñez (AB-JOUrnALISM II), 2nd runner-up at Francis Berdin (AVC III) at Mary Grace Tupaz (AB-JOUrnALISM II), 3rd runner-up. Si rebeta ay nakakuha rin ng ibang awards tulad ng Best in Swimwear, Student’s Choice Award, Best in Production Attire, Best in Formal Attire at Ms. Villa Jesusa. Samantalang sa nuñez naman ay ang tinanghal na Ms. Congeniality. natanggap ni Paje ang Best in Production Attire Award, Man of the Press at Ms. Informatics. Ang Student’s Choice Award ay nakuha ni Avanzado, si Berdin ay itinanahal sa Best in Swimwear, Best in Production number, Best in School Uniform, Best in Formal Attire at Mr. nel-star at sa Barateta ay ang Mr. Villa Jesusa at Mr. Congeniality. Sina Danao at Lagmiras ang kumatawan sa BUCAL noong Mr. and Ms. BU 2008 kung saan si Lagrimas ay itinanghal na Ms. September Fest at si Danao naman ay 1st runner-up.

CBEM, panalo saIntercollegiate Quiz Bowl nAglABAn-lABAn ang limang (5) kolehiyo ng Bicol University sa final round ng university Quiz Bowl Competi-tion 2008 noong ika-16 ng Set-yembre sa Bu- Amphitheatre. Ang mga nagtagisan ay ang College of nursing (Cn), College of industrial Technology (CiT), College of Agriculture and For-estry (CAF), College of Business Economics and Management (CBEM) at ang Polangui Cam-pus. Ang CBEM na siyang na-

kakuha ng Panglimang pinakama-taas ni iskor sa elimination round aysiyangnangunasafinalroundatitinanghal na nagwagi sa nasabibg palighasan matapos ito makakuha ng walong(8) puntos. Sumunod sa CBEM ang BUPC, na may apat(4) na puntos, ang BUCIT walang pun-tos, BUCAF na may negative (-1) na puntos at ang BUCn na may iskornanegativefive(-5). Sina Michael Jerome Bel-lena, Dianne yanzoa at Jordan Fresco ang kumawtan sa CBEM.

Mula UShanggang RP... mula sa p. 2

ng US$ 29-B para bilhin ang Bear Stearns, US$ 200-B para isalba ang dalawang pinakamalaking nag-papautang sa pabahay na Freddie Mac at Fannie Mae, US$ 85-B para bilhin ang mayoryang kontrol ng papalubog na American Investment Group, at US$ 180-B para pasigla-hin ang merkadong pinansiyal. Umaani ng batikos ang administrasyong Bush dahil sa halip na parusahan ang “kasaki-man” (greed) ng mga ispekulador, ginamit pa ang buwis ng mga mamamamayan para sagipin ang mga ito. Gaya ng kung paano, ayon sa Bayan (Bagong Alyansang Makabayan), ginamit ni Pangulong Arroyo ang VAT (Value-Added Tax) para pagtakpan ang palpak na mga polisyang pang-ekonomiya na nagdulot ng piskal na krisis noon. ngayon, dagdag-buwis at iba pang pampasiglasaekonomiya(fiscalstimulus) pa rin ang panukala ng administrasyong Arroyo para ma-natiling nakalutang ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandaigdigang krisis pampinansiya. nanawagan si Teves sa Kongreso na ipasa ng Kongreso ang P1.4-T pambansang badyet na may nakalaang P147.5-B para sa imprastruktura. Ayon kay recto, “Ang mantra ng neda ay infra, infra, infra para mapaunlad ang growth rate ng ekonomiya.” Gayunpaman, nasa depen-siba ang gobyernong Arroyo sa paggastos ng pondo para sa im-prastruktura na kilalang napupunta lamang sa korupsiyon. Kaya nap-ilitan si house Espiker Prospero nograles kamakailan na ihayag na hindi gagamitin ang pondo ng mga pulitiko para sa 2010 halalan, kasabay ng pagtatayo ng komite na magmomonitor nito. Tiniting-nan naman ni Quintos na “pansa-mantala” ang epekto ng ganitong pampasigla sa ekonomiya. Tinutulak din ng DoF ang mga panukalang batas para sa rasyunalisasyon ng insentibo sa buwisngmgakompanya(fiscalincentives) at buwis sa sigarilyo at alkohol (sin taxes). Inaasahang kikita ng P10-B ang gobyerno sa una, at P12-B hanggang P25-B sa huli.. Para pa rin sa dagdag-kita, agresibo nang ibinebenta ng goby-erno ang Petron Corp. at Philippine national Oil Corp. sa minimithing halagang P41-B. Pero ayon kay Quintos, pabibilisin lamang nito ang priba-tisasyon ng pinakamahahalagang asset ng gobyerno na ikadurusa rin ng mga mamamayan sa anyo ng mas mataas na presyo ng langis.

Ibig sabihin din ng desididong tutok ng administrasyong Arroyo na pataasin ang kita ng gobyerno, malayong alisin nito ang VAT.

repormang kailangan

ngunit ayon sa Ibon Foundation, mas lalong nagiging makabuluhan ang panawagan at paglaban ng mga mamamayan para sa kagyat na lunas mula sa hagupit ng pandaigdigang krisis pampinan-siya. Kabilang dito ang pag-alis sa VAT at P125 dagdag-na-sahod ng mga manggagawa. Lalo pa at inaasahan um-anong lumipat ang ispekulatibong kapital sa pangangalakal ng mga komoditi (commodities futures trading) gaya ng langis, mineral, at produktong pang-agrikultura na magtutulak pataas ng presyo ng pagkain at enerhiya. ngayon pa lamang, dalawang-katlo (2/3) ng populasyon ng mundo ang dumaranasngdouble-digitinfla-tion at nasasadlak lalo sa kahira-pan. Sa Pilipinas, 2.3 milyon ang nadaragdag sa mahihirap tuwing tataas nang 10 porsiyento ang presyo ng pagkain, ayon sa Asian Development Bank. Sa halip na sa imprastruk-tura, bayad-utang, at sa militar mapunta ang kalakhan ng pamban-sang badyet sa susunod na taon, inirekomenda rin ng Ibon Founda-tion na ilagak ito sa kritikal na mga serbisyong sosyal na nakakatang-gap lamang ng maliit na porsiyento gaya ng kalusugan (2.5 porsiyen-to), edukasyon (14.5 porsiyento), at pabahay (0.4 porsiyento). Sinabi naman ni Quintos na ang pangmatagalang mga solusyon sa krisis ay ang “pagbasura sa mga patakarang neo-liberal,” “pagpa-patupad ng tunay na repormang agraryo,” at “komprehensibong pambansang industriyalisasyon” na magpoprotekta sa Pilipinas mula sa mga kombulsyon sa sistemang kapitalista na pinaghaharian ng US. hanggang mailugar ang mga ito, babalikatin ng mga Pili-pino, kasama ng iba pang mama-mayan ng mundo, ang krisis ng kapitalismo na nagpapatuloy at tumitindi..

ni rona Jane nuñez

ni rona Jane nuñez

Ang Sarap Dito.

Sunny’s Colaand other beveragesGuinobatan, Albay

8 Oktubre 2008 iSPORTS Ang Peryodiko

Green o blue, saan ka?SA gAniTOng MgA ARAW ng TAOn, hindi puwedeng maghalo ang blue at green. Ang sigurado lang ay tiyak na ma-hahati sa dalawang kulay ang Araneta Coliseum.

Dahil kung hindi ka green, blue ka. Kung hindi ka galing ng Katipu-nan, dumayo ka mula Taft. Ganun ka-simple. La Salle Green Archers, o Ateneo Blue Eagles.

Walang duda, ang DLSU-Ateneo rivalry ang isa sa pinakamainit at pinakamahaba sa Philippine sports. Karibalan na nagsimula pa sa nCAA. 1939 ang unang Ateneo-La Salle championship game, at nanaig ang DLSU, 27-23, para sa kanilang unang nCAA title.

Pansamantalang natigil nang lu-mipat ang Ateneo sa UAAP noong 1978 pero muling nasindihan nang sumunod ang La Salle makalipas ang walong taon. Sa naunang tat-long championship match-ups nila sa UAAP, iniuwi ng Ateneo ang titulo noong 1988, nakabawi ang DLSU noong 2001 pero muling bumalik ang tropeo sa Katipunan noong 2002.

Sa dami ng mga gustong makasak-si at maging bahagi ng pinakahul-ing edisyon ng karibalan, ubos na ang tiket, said, parang may krisis. Kung may mabibili man, mula sa scalpers na hanggang Ebay ay nag-bebenta na sa napakalaking halaga na tumataas pa habang papalapit ang pagtutuos.

Ang dating P350, pumalo na sa P6,000 noong Biyernes. Baka P10,000 na ngayon.

At sa Ate-neo raw, madaling-araw ng huwebes ay nag-camping na sa campus ang mga estudyante, nagsitulu-gan sa ka-nilang mga sasakyan para mauna sa bilihan kinabu-kasan. Alas-singko pa lang daw ng umaga, umabot na sa Gate 2 ang pila samantalang alas-nuwebe pa magbubukas ang gym.

“Ateneo holds all the aces,” ko-

mento ni Bjorn reyes, siyempre Atenista. “There’s no way short of a category 5 hurricane that the Blue Eagles could lose this.”

naman! Eh sa panig ng La Salle?

“Last year, nobody believed ex-cept us that we could pull that off against UE. Animo La Salle!” sagot naman ni Martin Choi ng DLSU.

Sa pamamayagpag sa double-round elims, mukhang problema talaga kung paano pipigi-lan ang Blue Eagles kahit pa sabihing pareho lang sila ng Green Archers na magsisimula sa zero.

“Anything less than a champion-ship is a big disappointment for Ateneo,” buwelta ni Bjorn. “But the sky will always be blue.”

Ang kantiyawan at karibalan ay nakarating hanggang sa Senado

nang mag-abot doon ang dalawa sa pinaka-vocal na alumni ng dala-wang eskuwelahan, sina Sen. rich-ard Gordon na produkto ng Ateneo at si dating Sen. ralph recto ng La Salle.

“Siyempre Ateneo! Sa height, sa defense, sa coach lamang na, kamadong kamado na ang team,” ani Sen. Gordon na isang die-hard Atenista. “hindi naman siguro tambak, dikitan lang. Pero siyem-pre mananalo ang Ateneo.”

Kung may pagkakataon din lang, hindi puwedeng mawala ang dalawa sa playing venue kapag may laro ang Blue Eagles at Green Archers. Kung hindi maisisingit sa schedule, magkakasya sa harap ng telebisyon.

“Sa una, makakalamang ang Ate-neo. Pero siyempre babawi ang La Salle at mananalo,” pakli naman ni ngayon ay nEDA Secretary recto. “Malalaki kasi at may imports pa ang Ateneo, pero kahit maliliit ang La Salle, mabibilis at siyempre, may pusong Pinoy.”

Kayo saan kampi, blue o green?

Sina Chris Tiu (kaliwa) ng Ateneo at JV Casio (kanan) ng la Salle, dalawa sa pinakasikat sa college basketball sa Pilipinas

San Beda, JRU patayan sa NCAA crownWAlA nang lugar para sa pag-kakamali at bukas na naghi-hintay, kaya’t kaila¬ngan nang ilabas ng defen¬ding back-to-back champions San Beda Red lions at ng Jose Rizal university Heavy Bombers ang lahat ngay-on sa sudden death game Three ng kanilang best-of-three cham-pionship series sa 84th season ng nCAA men’s basketball competi-tion sa Big Dome.

nakatakdang magharap ang da-lawang uhaw sa pag-ukit ng kasaysayan sa alas-tres ng hapon upang husgahan na kung kaninong kampanya ang mas papanigan ng kapalaran.

naunang nakamit ng red Lions ang tagumpay sa opener, 72-68, ngunit hindi naman pumayag ang heavy Bombers na ma-sweep sila nang gumanti noong Biyernes ng 62-60 pananaig na nagdala sa labanan sa do-or-die match.

“It’s gonna be war. you know champion team (SBC) ‘yan e, they got the heart of a champion.

Pero sabi ko nga our desire, our hunger, hindi lang daw starving, we’re famished na raw for this one,” sambit ni JrU coach Ariel Vanguardia, na nasa kanyang unangfinalsappea¬rance sapul nang pu-masok sa team noong 2006.

natigang na ng mahigit sa 36 na taon ang Man-daluyong-based squad sa seniors title kaya’t um-aasa si Vanguar-dia na ibibigay ng kanyang mga bataan ang lahat lalo pa’t katapat ang koponang hangad na-man ang ikalawang three-peat sa kanilang kasaysayan sa pinakama-tandang collegiate team sa bansa.

“We’re expecting their best on Monday (ngayon). It’s a champion team and they will come up with

adjustments. I have high respect for the coaching of Frankie (Lim) and he’s improved tremendously,” dagdag pa ni Vanguardia, na umaa-

sa sa magandang regalo sa kanyang kaarawan ngayon.

Muling sasandalan ng heavy Bombers ang kanilang bigman scorer na si James Sena, mga gradua¬ting veterans na sina Jay-son nocom at Maui Pradas kasama

ang mga shooters na sina John Wilson at Marc Cagoco.

hindi naman naniniwala si red Lions mentor Frankie Lim na nasa kamay ng JrU ang mataas na mo-mentum matapos na makamit ang panalo sa Game Two.

“no, you know we won Game One and the momentum was on our side and yet they won the game. So I don’t think it matters,” ani Lim, na nais iukit ang ikalawang three-peat ng Mendiola cagers sapul noong 1934-36.

“It’s gonna be a different story on Monday (ngayon). I’ll just get this guys ready and sabi nga nila todo na ito,” dagdag pa ni second year coach Lim.

Sasandigan ni Lim ang pagbawi ni two-tie MVP nigerian center Sam Ekwe mula sa pagkaka-fouled out nito sa Game Two. Ganundin ng mga may championship experience na sina Ogie Menor, Pong Escobal at Borgie hermida

San Beda Red lions, nCAA Defending Champi-ons. Maipagtanggol kaya nilang muli ang korona laban sa Jose Rizal university?

ni Tiffany Joy Palenzuela

ni Jessel Antanoy