8
Isa muling pagdiriwang ang pag-alaala ng buong parokya sa kapistahan nito noong June 23, 2013. Naging kakaiba ang pagdiriwang na ito dahil na rin sa presensya at pangunguna ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio G. Cardinal Tagle, D.D., ang Arsobispo ng Maynila. Ito na ang ika-34 taong pagdiriwang ng kapistahan ng parokya. Kasama ang mga kapatid na pari sa Bikaryato sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Maraming mga kaibigang pari ng parokya rin ang mga naunang nagdiwang ng misa sa mga gabi ng Nobenaryo. Naging tema ng Nobenaryo ay ang mga katangian ng Banal na Puso ni Hesus. Naki-bahagi rin at naki-isa ang mga pamunuan ng Baranggay, sa pangunguna ng ating Kapitan Rodolfo “Kuyog” Posadas, kasama ang mga mandated organizations, sa lahat ng mga misa ng Nobenaryo. Sa araw ng kapistahan ay dumalo rin sina Senator Grace Poe, kasama ang kanyang inang si Ms. Susan Roces, sina Cong. Boyet Gonzales at Ma‟am Queenie na kanyang asawa, sina Mayor Benhur Abalos at Ma‟am Menchie na kanyang asawa, at ilan pang mga lider ng komunidad. Nakasama rin ng mga parokyano ang mga magulang ni Cardinal, na mayroon din palang mga kamag-anakan dito sa Mandaluyong. Matagal na inabangan ng mga taga-Welfareville ang pagdalaw ni Cardinal Chito, kung kaya naging mataas rin ang excitement ng lahat sa paghahanda para sa fiesta. Ibinahagi ng Cardinal sa kanyang homiliya ang hamon ng Banal na Puso ni Hesus na pagsikapan nating magkaroon rin ng puso na tulad ng sa Kanya. Ang puso ni Hesus na ating tinutularan, ang magiging bukal ng kabutihan sa gitna ng ating komunidad, ito rin ang magiging lakas ng bawat isa. Bago matapos ang misa ay naghandog naman ng isang folk dance ang mga kabataan, sa pangunguna ng mga CWL Juniors. Naging isang mahalagang bahagi ang photo opportunity na ibinigay ng Cardinal para sa mga mandated organizations. Nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na makasama ang isang taong napakahalaga sa simbahang Pilipinas sa pag-pose sa mga photographers. Medyo naging magulo ang mga tao, ngunit ang Cardinal ay naging matiyaga naman at mapag-paunlak sa lahat. Isang salu-salo ang inihanda ng Parish Pastoral Council para sa lahat sa Immaculate Heart of Mary Building. Kasama ang bagong senadora at ang kanyang ina ay kumaing kasama ang mga bisitang pari ng Cardinal Chito. Tunay na isang malaking biyaya ang pagbibigay ng Cardinal ng kanyang oras para sa ating parokya. Ramdam na ramdam ang pasasalamat ng lahat, at gayundin, ang hamong iniiwan ng Cardinal Chito sa mga taga-Welfareville. Kinagabihan, sa pagtatapos ng kapistahan, ay muling ginanap ang prusisyong pagpaparangal sa Imahen ng Banal na Puso ni Hesus. Ito ay dumaan sa ilang bagong gawang daan sa paligid ng parokya. Happy Fiesta to All ! Parish Fiesta 2013 Ang Parish Pastoral Council kasama si Cardinal Tagle Si Cardinal Tagle nagbibigay ng homilya Kasama ni Cardinal sina Ms. Susan Roces at si Sen.Grace Poe

Parish Fiesta 2013 - sacredheartmandaluyong.weebly.comsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · Isa muling pagdiriwang ang pag-alaala ng buong parokya

  • Upload
    vodung

  • View
    290

  • Download
    6

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Parish Fiesta 2013 - sacredheartmandaluyong.weebly.comsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · Isa muling pagdiriwang ang pag-alaala ng buong parokya

Isa muling pagdiriwang ang pag-alaala ng buong parokya sa kapistahan nito noong June 23, 2013. Naging kakaiba ang pagdiriwang na ito dahil na rin sa presensya at pangunguna ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio G. Cardinal Tagle, D.D., ang Arsobispo ng Maynila. Ito na ang ika-34 taong pagdiriwang ng kapistahan ng parokya. Kasama ang mga kapatid na pari sa Bikaryato sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Maraming mga kaibigang pari ng parokya rin ang mga naunang nagdiwang ng misa sa mga gabi ng Nobenaryo. Naging tema ng Nobenaryo ay ang mga katangian ng Banal na Puso ni Hesus. Naki-bahagi rin at naki-isa ang mga pamunuan ng Baranggay, sa pangunguna ng ating Kapitan Rodolfo “Kuyog” Posadas, kasama ang mga mandated organizations, sa lahat ng mga misa ng Nobenaryo. Sa araw ng kapistahan ay dumalo rin sina Senator Grace Poe, kasama ang kanyang inang si Ms. Susan Roces, sina Cong. Boyet Gonzales at Ma‟am Queenie na kanyang asawa, sina Mayor Benhur Abalos at Ma‟am Menchie na kanyang asawa, at ilan pang mga lider ng komunidad. Nakasama rin ng mga parokyano ang mga magulang ni Cardinal, na mayroon din palang mga kamag-anakan dito sa Mandaluyong. Matagal na inabangan ng mga taga-Welfareville ang pagdalaw ni Cardinal Chito, kung kaya naging mataas rin ang excitement ng lahat sa paghahanda para sa fiesta. Ibinahagi ng Cardinal sa kanyang homiliya ang hamon ng Banal na Puso ni Hesus na pagsikapan nating magkaroon rin ng puso na tulad ng sa Kanya. Ang puso ni Hesus na ating tinutularan, ang magiging bukal ng kabutihan sa gitna ng ating komunidad, ito rin ang magiging lakas ng bawat isa. Bago matapos ang misa ay naghandog naman ng isang folk dance ang mga kabataan, sa pangunguna ng mga CWL Juniors. Naging isang mahalagang bahagi ang photo opportunity na ibinigay ng Cardinal para sa mga mandated organizations. Nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na makasama ang isang taong napakahalaga sa simbahang Pilipinas sa pag-pose sa mga photographers. Medyo naging magulo ang mga tao, ngunit ang Cardinal ay naging matiyaga naman at mapag-paunlak sa lahat. Isang salu-salo ang inihanda ng Parish Pastoral Council para sa lahat sa Immaculate Heart of Mary Building. Kasama ang bagong senadora at ang kanyang ina ay kumaing kasama ang mga bisitang pari ng Cardinal Chito. Tunay na isang malaking biyaya ang pagbibigay ng Cardinal ng kanyang oras para sa ating parokya. Ramdam na ramdam ang pasasalamat ng lahat, at gayundin, ang hamong iniiwan ng Cardinal Chito sa mga taga-Welfareville. Kinagabihan, sa pagtatapos ng kapistahan, ay muling ginanap ang prusisyong pagpaparangal sa Imahen ng Banal na Puso ni Hesus. Ito ay dumaan sa ilang bagong gawang daan sa paligid ng parokya. Happy Fiesta to All !

Par ish Fiesta 2013

Ang Parish Pastoral Council kasama si Cardinal Tagle Si Cardinal Tagle nagbibigay ng homilya Kasama ni Cardinal sina Ms. Susan Roces at si Sen.Grace Poe

Page 2: Parish Fiesta 2013 - sacredheartmandaluyong.weebly.comsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · Isa muling pagdiriwang ang pag-alaala ng buong parokya

2

Masses Weekdays AM 6:00am (Everyday) PM 6:30pm (Wednesday and Friday) 5:00pm (Saturday - Anticipated Mass)

Sunday AM 6:00am 8:00am 7:00am 9:00am (Children’s Mass)

PM 4:00pm 6:00pm 5:00pm

Blessing of Religious Articles After every Mass Please put the religious items to be blessed on the table beside the sanctuary

Baptism Sunday 11:00am Pre-Sacramental Catechism 11:30am Sacramental Celebration

Confirmation For candidates - By appointment For marriage - By appointment

Confessions Tuesday, Thursday and Saturday after the 6:00am Mass

Kumpisalang Bayan Every First Friday of the Month

(during the Holy Hour / Benediction)

Counseling By appointment

Weddings By appointment

Pre-Cana Seminar (every Third Saturday of the month)

Funerals By appointment

(no Funeral Mass on Sunday)

Sick Visitation Every Wednesday afternoon

or by appointment

House Blessing By appointment

Mass Schedules and Services

LECTORS AND COMMENTATORS GROUP By Sis. Maria Leonora Cabral Ang Lectors and Commentators Group (LCG) ay isang samahan sa ating parokya na binubuo ng mga boluntaryong naglilingkod bilang tagapag-pahayag ng Salita ng Diyos sa loob ng Banal na Misa at sa iba pang pagdiriwang na kung saan ay may mahalagang bahagi ang Salita ng Diyos. Dahil dito ang lektor ay maaari ring tawaging lingkod sa hapag ng Salita ng Diyos. Mahalaga ang tungkulin ng mga lektor sa liturhiya, kaya naman mariing ipinaala ni Papa Benito XVI na ang mga naatasang magpapahayag ng Salita ng Diyos sa liturhiya ay dapat sumailalim sa paghuhubog, paghahanda at pagsasanay (Cf. Sacramentum Caritatis, 45). Dahil ang Diyos mismo ang nangungusap sa kanyang bayan sa tuwing ipapahayag ang Salita ng Diyos (Cf. Sacrosanctum Concilium, 33), kailangang paghandaan ito ng mga lektor sa pamamagitan ng pag-aaral, pagninilay at pagsasabuhay nito. Ang mga naitatalaga dito ay dapat na:

Isang mabuting Katoliko sa pananampalataya at gawa;

May mabuting pangangatawan at kalusugan;

Nasa 16 hanggang 70 taong gulang;

Parokyano at madalas na pakiki-isa sa Banal na Misa;

Handang tuparin ang mga atas na tungkulin sa Banal na Misa, sa loob o labas ng Simbahan;

Nagnanais na mapalalim o lumago ang buhay espirituwal sa pamamagitan ng samahan;

Magaling o bihasa sa parehong linguaheng Ingles at Filipino at nagtataglay ng above average public oral communication skills.

Ang iba pang mga gawain ng mga miyembro ng LCG ay ang pagsuporta sa mga gawain at mga proyekto ng parokya; pakikibahagi sa mga gawang espirituwal na paglago, at patuloy na pagsasanay upang maging mas mahusay na tagapagpahayag ng Salita ng Diyos. Sa kasalukuyan ay mayroong 26 na miyembro ang samahan at binubuo ng mga kabataan. Halos lahat rin ng mga miyembro ay aktibong naglilingkod bilang mga volunteer teachers sa Sunday School Program ng parokya. Mayroon ding 4 na aktibong miyembro ang Lector Kids Group na pawang mga estudyante ng Sunday School.

Features...

Ang imahen ng Banal na Puso ni Hesus ay maging bahagi nawa ng bawat tahanan sa ating parokya. Maaari itong ma-bibili sa ating parokya. Sabi-han lamang po ang parish office para sa en-thronement.

In Memoriam

ON JUNE 6, 2013, OUR DEAR

BRO. DANNY FROILAN,

WHO WAS PART OF THE

MUSIC MINISTRY,

NEIGHBORHOOD SCOUTING

AND CWL CHOIR

PASSED AWAY AT THE AGE OF 5O.

HE IS SURVIVED BY HIS MOTHER,

BROTHERS AND SISTER.

REST IN PEACE, BROTHER DANNY.

Page 3: Parish Fiesta 2013 - sacredheartmandaluyong.weebly.comsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · Isa muling pagdiriwang ang pag-alaala ng buong parokya

Pahalagahan ang bawat saglit…

Nawa‟y huwag itong maging pananakot patungkol sa ka-iklian ng ating buhay. Sa halip, nawa‟y maging pampagana at inspirasyon itong maging masaya at hanapin ang magagandang elemento sa bawat pagkakataon. Maraming beses na rin siguro na nasabi natin na ang isang tagpo ay “Perfect!”, parang wala nang makakasira pa nito. Ngunit ang katotohanan ay marami pa ang dumarating at nangyayari na „mas perfect‟.

Ang katotohanan ay lilipas ang mga ito. Ang katotohanan ay walang kasiguruhan at pananatili ang mga bagay-bagay. Hindi sa kailangan tayong pumili kung ano talaga ang „perfect‟ na okasyon. Dapat lamang na tayo ay marunong na magbigay ng tamang pa-halaga sa ating mga ginagawa, sinasabi, ninanais, at dito na umuugat ang paggiging mahalaga nito sa ating buhay. Huwag sana tayong masanay sa mga sanay na tayong gawin. Ibig sabihin, bigyang pansin at dedikasyon lagi ang lahat ng ating ginagawa. Bilang isang ama, ina, empleyado, pari, es-tudyante, doctor, pulis, volunteer sa simbahan, mananampalataya, o ano pa man, ang ating ginagawa ay nagkakaroon ng bigat at dating kung paano natin isinasangkap ang ating katauhan dito. Huwag nating maging sukatan ang mga numbers, o bilang, o statistics; sa halip, sana ay matutunan natin kung paano at gaano nai-lahok, nai-bigay, at nai-bahagi ng tao ang kanyang sarili sa isang gawain. Ang kapistahan natin ay mahalagang araw, at gayun din naman ang bawat saglit sa ating parokya. Happy Fiesta sa ating lahat. Magpatuloy tayo sa kabanalan.

Rev. Fr. Wilmer R. Rosario

Message... From our Parish Priest

Lord, it’s too heavy…

Please cut it down a little…

3

SUNDAY’S BEST

Ano nga ba ang dapat na kasuotan kung tayo ay nagsisimba? Ang aking alam ay nakapaloob sa mga salitang Sunday’s Best, ito naman ang turo sa amin habang lumalaki. Ano bang ibig sabihin nito?

Dahil iba-iba naman ang taste sa pananamit ng bawat tao, kulang yata kung mag-lilista lamang tayo ng mga pwede at hindi pwede na ma-isuot. Isang mainam na sukatan ay ang ating values system, ibig sabihin ay ang ating mga pagpapahalaga. Kapag ang isang tao, o lugar, o bagay ay mahalaga, pinaghahandaan natin ito at laging may paggalang, di‟ba?

Kapag pupunta tayo sa isang party, reception o kasalan, hindi ba‟t nagsusuot tayo ng maganda? Nagbibihis tayo ng maayos o magara para ipakita ang ating pakikisama sa pagdiriwang ng ating kaibigan, o sa nag-anyaya. Kung marunong tayong magbigay ng pagpapahala-ga sa pagdiriwang ng isang kaibigan, hindi ba‟t higit na pagpapahalaga ang kailangan kung ang pupuntahan natin ay ang pagdiriwang ng Sambayanan ng Diyos?

Mayroon ring tamang pananamit sa mga pagtitipon ng nagsasabing hindi naman dapat sobra-sobrang pantawag ng pansin. Sa isang kas-alan, halimbawa, hindi dapat ma-outstage, o matalbugan, ang ikinakasal, di‟ba? Maayos na pananamit, ngunit hindi naman para lamang na tayo ang pagtinginan?

Ang tamang pananamit ay may konsiderasyon ring patungkol sa pagka-mabini (modesty), lalaki man o babae. Nagbibihis ba tayo para magpakita ng balat? Sa ilan ay parang baliktad; nagdadamit para ipakita ang katawan. May mga kasuotang angkop at di-angkop sa isang lugar. Halimbawa, hindi tayo magsusuot ng bikini o swimsuit sa pamamasyal sa isang mall. Huwag nating tayo ang pagmulan ng tukso, o malikot na pag-iisip ng ating kapwa. Sa pagdiriwang ng Misa ay dapat lutang ang ating dangal bilang bahagi ng Simbahan na sumasamba sa ating kilos, salita at pananamit.

Sa pagpili ng ating isusuot sa Misa, isipin natin kung angkop ba itong isuot para sa pagtitipon ng bayan ng Diyos, kung ito ba‟y di makaka-agaw ng pansin ng ibang nagsisimba at kung ito ba ay maganda at kaaya-aya sa paningin ng tao, at higit sa paningin ng Diyos. Isuot ninyo si Kristo, lahat kayong bininyagan kay Kristo. Gal. 3-27

Views and Opinions By Sis. Maria Leonora Cabral

The Cross continue on page 5...

Page 4: Parish Fiesta 2013 - sacredheartmandaluyong.weebly.comsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · Isa muling pagdiriwang ang pag-alaala ng buong parokya

Parish Activities

4

Ang buong buwan ng Mayo, tuwing ikatlo ng hapon, ang simbahan ay napupuno ng tinig ng mga batang nagdarasal ng Santo Rosaryo at nag-aalay ng bulaklak. Mahigit 320 na bata ang nakilahok sa naganap na May Flower Offering sa ating parokya.

Kahit naging mahirap ang paghahanap ng mga volunteers sa taong ito para sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), ito ay buong puso pa ring itinaguyod ng parokya sa pamumuno ni Bro. Edgar Ramirez. Si Bp. Broderick Pabillo, Auxiiary Bishop ng Maynila, ay dumalaw rin sa mga volunteers noong araw ng Eleksyon, May 13, 2013. Salamat sa mga volunteers at sa mga nagbigay ng merienda at pagkain ng mga volunteers.

Sa taong ito, ang mga organisasyon sa simbahan ay naki-isa sa Santacruzan sa pamamagitan ng sama-samang pag-aayos ng mga Sagala. Kahit umulan ay nanatiling poised ang mga nag-gagandahang dalaga na lumakad noong May 25, 2013.

Matagumpay ang pa-bingo ng ating parokya na ginanap sa Gymnasium ng Jose Fabella Memorial School noong Hunyo 1, 2013. Marami ang dumalo at nakilahok sa paglalaro ng bingo. Ang pa-bingo na ito ang naging daan upang malikom ang pondo sa pagpapalit ng mga ilaw sa simbahan upang maging LED na lahat. Ang mga pa-premyo na umabot sa P 102,000.00 ay mula sa mga pamilyang naging mga sponsors nito. Congratulations po sa lahat.

MAY FLOWER

OFFERING

ELECTION DAY

SANTACRUZAN

PA-BINGO NG PAROKYA SA HUNYO

UNO

Page 5: Parish Fiesta 2013 - sacredheartmandaluyong.weebly.comsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · Isa muling pagdiriwang ang pag-alaala ng buong parokya

5

Parish Activities

Lord, thank you so much... Lord, please cut it down a little more…

I’ll be able to carry it better…

The Cross continue on page 7...

Ang Banal na Sakramento ay inikot sa parokya sa isang prusisyon. Kasama ang mga parokyano ay ipinagdasal ang mga kababaihan, kalalakihan, kabataan at mga namumuno sa bayan, sa

bawat istasyon. Salitang nagbuhat ng Banal na Sakramento ang mga Lay Ministers bilang katulong ni Fr. Wilmer.

CORPUS CHRISTI

Parish Fiesta

Page 6: Parish Fiesta 2013 - sacredheartmandaluyong.weebly.comsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · Isa muling pagdiriwang ang pag-alaala ng buong parokya

6

Anecdotes and Reflections By Bro. Lino dela Cruz

MAHAL KITA MAGING SINO KA MAN for the Feast of Sacred Heart of Jesus Isang ngo-ngo ang desperadong nagdasal sa loob ng Simbahan. Lagi na lang siyang niloloko ng kanyang mga kasama dahil sa kanyang kapansanan. Sa sobra niyang pagkalungkot ay buong tapang niyang tinanong ang Diyos kung talagang mahal pa siya nito. Nakita niya ang isang malaking krusipiho sa bandang sacristi at buong lakas niyang sinabi: "Mainoon, maal mo ma ao? Mait ao niloloo ng mga ao? Mait mo ako inawang ngo-ngo? Anung aalanan o?” (“Panginoon, mahal mo ba ako? Bakit ako niloloko ng mga tao? Bakit mo ako ginawang ngo-ngo? Anong kasalanan ko?) Tahimik ang paligid. Walang sumagot. Kaya't muli niyang isinigaw: "Mainoon maal mo ma ao? Umaot ka kun indi, magpapaamatay ao!" (“Panginoon, mahal mo ba ako? Sumagot ka kung hindi, magpapakamatay ako!”)

May nakarinig pala sa kanya, ang sakristan na isang ngo-ngo rin na nakasimpatya sa kanyang abang kalagayan kaya't sumagot siyang patago: "Ngo-ngo... maal na maal ita. Iniiip nilay indi maalaa. Maal ita maing ino a man..." (“Ngo-ngo... Mahal na mahal kita. Iniisip nila‟y hindi mahalaga. Mahal kita maging sino ka man...”) Sagot si ngo-ngo: "Mainoon... ngo-ngo a rin?" (“Panginoon... ngo-ngo ka rin?”)

EAT ALL YOU CAN! On the Feast of Corpus Christi Masarap talagang kumain, lalo na kapag "eat all you can!", hangga’t kaya sige. Pero ang ipinagtataka ko e bakit hindi ako makuntento sa aking kinakain. Parang kulang pa... kaya kain ng kain ng kain hanggang wala akong kamalay-malay na tumataas na pala ang kolesterol ko! Ganoon ba talaga ang pagkain? Na pagkatapos mong isubo e ilalabas mo rin? Merong nangyayari na hindi natin namamalayan... nagiging kabahagi ng ating katawan ang ating kinakain. We become what we eat...!

Kaya nga ingat...! Kapag puro baboy ang kinakain mo e magmumukha ka ring baboy! Kapag kambing naman ay malamang maging amoy kambing ka! Kapag puro junk foods naman ay magiging junk din ang katawan mo... You become what you eat! Ngayon ko naintindihan kung bakit inalay ni Hesus ang Kanyang sarili sa atin upang ating maging pagkain... gusto niyang maging katulad Niya tayo! In the Eucharist... we become like Christ!... Nagiging katulad natin S'ya! Ganito ba talaga ang

nangyayari pagkatapos nating magkomunyon? Nagiging katulad ba ni Kristo ang ating pag-iisip? Ang ating pananalita? Ang ating pagkilos? Kaya naman pala kahit "eat all you can" ang ating pagtanggap ng Komunyon ay parang no effect sa

atin ay sapagkat hindi natin ipinapakitang nagiging katulad Niya tayo. Sana pagtinanggap natin Siya sa Banal na Komunyon ay maging mas maunawain tayo. Maging mas mapagpatawad, mapag-aruga, magpagpakumbaba... Become what you eat... become like Christ!

MAG-BEER MUNA TAYO! on Happy Father’s Day Isang binata ang takot na lumapit sa kanyang tatay: "Itay, pwede po ba akong sumama sa party ng mga kaibigan ko mamayang gabi?" Laking gulat niya nang sumagot ang kanyang striktong tatay: "O sige... malaki ka na. Bahala ka! Basta tandaan mo, may kasunduan tayo... pag ikaw ay masyadong nagpagabi at dumating ka ng pasado alas dose ay makikita mong patay na ang ilaw sa labas ng bahay. Nakakandado na ang pinto. Sa madaling salita... sa labas ka na matutulog!" "Opo itay!" tuwang-tuwang sagot ng anak sapagkat first time niyang pinayagan. Nalibang ng husto ang binata sa party at di niya namalayan ang paglipas ng oras. "Naku! Patay! Alas dose pasado na!" Dali-dali siyang umuwi at totoo nga, patay na ang ilaw sa labas, nakakandado na ang pinto. Ibig sabihin, sa labas na siya matutulog. Nanlulumo siyang naupo sa tabi ng pinto nang biglang bumukas ito at nakita niya ang kanyang tatay. "Itay, hindi po ba may kasunduan tayo na pag nahuli ako ay sa labas na ako matutulog? Bakit lumabas pa po kayo?" Sagot ng tatay: "Anak, may kasunduan nga tayo at paninindigan ko yon, pero wala sa ating kasunduan na hindi kita pwedeng samahan dito sa labas nang magdamag. Anak... magbeer muna tayo!" Sabay labas ng bote ng beer ang kanyang tatay.

PUSONG NAGMAMAHAL... MINAMAHAL on the Feast of Sacred Heart Of Jesus "Ah... basta! Siya pa rin ang gusto kong pakasalan!" Halos pasigaw na sagot ng dalaga sa kanyang mga magulang. "Anak, mag-isip ka nang mabuti! Tingnan mo ang mukha ng mapapangasawa mo... parang kwago ang mata, ang ilong parang patatas, ang bibig parang bukana ng kweba. Mag-isip ka anak; pag nagkatuluyan kayo papangit ang lahi natin!", sagot ng kanyang nanay. "Kahit ano pa ang sabihin n'yo, I am still in love with him. I fell in love not with his face... but with his heart!

Reflection:

Parang ganito rin kung ituring tayo ng Diyos. Makatarungan Siya lagi, ngunit Siya rin ay mapagpatawad! Hindi Siya nagbubulag-

bulagan sa ating mga kasalanan, ngunit hindi rin naman Siya bingi sa tuwing hihingi tayo ng tawad para sa mga ito. "Ang malaking pagmamahal na ipinamalas niya ang nagpapatunay na ipinatawad na ang marami niyang kasalanan!" Ang sukatan ng kanyang pagpapatawad ay pagmamahal. Paano ko ba

ipinapakita ang aking pagmamahal? May tunay ba akong pagsisisi at pagtitika na babaguhin ang aking sarili sa tuwing ako ay nagkakamali? Ang sarap marinig sa Kanya: "Anak, halika... sasamahan kita... magbeer muna tayo!"

Reflection: Totoo nga naman, ang pag-ibig ay makalaglag-puso! Kahit anong panganib handang suungin. Kahit anong pagsubok handang harapin. Kahit anong hirap handang tiisin... kahit pangit handang pagtiyagaan. Hindi ba't ganito ang naging trato sa atin ng Diyos? Kahit gaano tayo kapangit gawa ng ating mga kasalanan ay minahal pa rin Niya tayo! Pag-ibig na walang pinipili... Pag-ibig na nagsasakripisyo... Pag-ibig na nag-aalay ng buhay. Ang puso ng Diyos ay isang pusong nagmamahal na naghihintay ng pagmamahal. Ang Kanyang paanyaya ay manatili tayo sa Kanyang pag-ibig kung paanong "ang mga sanga ay nanatili sa puno." Nanatili tayo sa Kanyang pag-ibig kung "minamahal" natin Siya ng higit sa lahat at ang ating kapwa katulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Ang kapistahan ng Mahal na Puso ay nagpapaalala sa atin ang "puso" ng Diyos. Isang pusong nagmamahal, at lalong dapat na minamahal!

Reflection: May tama si ngo-ngo! Sobrang mahal siya ng Diyos. Sa sobrang pagmamahal na ito ay nakiramay siya sa ating abang kalagayan. Kinuha niya ang ating pagka"ngo-ngo"... ang ating kahinaan bilang tao. Kaya nga tama si San Pablo nang ipinaliwanag niya kung ano ang pag-

ibig: "Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos kundi tayo ang inibig Niya at sinugo ang Kanyang Anak..." Higit pa riyan, ang Diyos na ito ay nagmahal sa atin na walang pagtatangi, walang kundisyon, walang limitasyon. "Mahal kita, maging sino ka man..." ang sabi nga ng linya ng isang awit. Ang makasalanang babaeng dumalaw kay Hesus ay nagpakita ng higit na pagmamahal kaysa sa Pariseong nag-anyaya sa Kanya. Nagawa ito ng babae sapagkat mas higit niyang naranasan ang pagmamahal ng Diyos. Tandaan natin na sa tuwing tayo ay lumalapit sa Diyos para magsisi ay hindi ito sa ganang atin. Hindi tayo ang dahilan kung bakit tayo nagbabalik-loob sa Kanya. Ito ay sapagkat una tayong minahal ng Diyos bago pa natin hingin ang Kanyang pagpapatawad. Ano man ang ating kalagayan, gaano man kalaki ang ating pagiging

makasalanan. Ang Diyos ay laging nagsasabi sa ating "Huwag kang matakot... huwag kang mabalisa... Mahal kita maging sino ka man!"

Page 7: Parish Fiesta 2013 - sacredheartmandaluyong.weebly.comsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · Isa muling pagdiriwang ang pag-alaala ng buong parokya

7

Sharing By Heddy Christine Woo

In God’s Loving Plan

Every human being is loved by God the Father. No one needs feel forgotten, for every name is written in the Lord's loving Heart.— Pope Benedict XVI

When Marilou found out that she was pregnant, she decided at once to give up the child for adoption. Coming from a very conservative family, the idea of having a child born out of wedlock is definitely considered a disgrace by the family. With the help from her friends, her search led her to a childless couple living abroad who are willing to take the baby as theirs when born. She met with the couple to talk about the details of the adoption. She exchanged numbers with them. And since she intended on never seeing the baby, they made plans on how they will be able to take the baby out of the hospital with them.

It was the middle of May when she gave birth to a baby girl. The childless couple was informed and they readily went to the hos-pital to see the baby. Upon seeing the baby, the couple decided to just leave the hospital quietly and cut off communications with Marilou. Meanwhile, Marilou had been waiting for them to call her about the baby. How-ever, no call came from them. She decided to call them up instead; there she found out that their line had al-ready been disconnected. Puzzled that the couple backed out at the last minute, she decided to go to the nursery to see her baby. It was then that she understood the reason for the couple‟s withdrawal from the adoption. Her baby was born with a cleft lip. Sadly, the nurse informed her that her baby also has cleft palate. Upon her discharge, she promised to come back for the baby but she never showed up again. For the next few months, Baby Rica had relied on the generosity of the nurses, nursery staffs and doctors in the hospital. Some patients even contributed by giving her milk, diapers and vitamins. Her family during those

months was the hospital staffs. The hospital tried to contact Marilou with the number and address she provided when she was admitted. It was found out that the information she had given them were all fake. It was then that the hospital consid-ered Baby Rica as abandoned. The hospital had to notify the Department of Social Welfare and Development (DSWD) about Baby Rica. Elsa, one of the staff in the nursery had taken care of the little baby for some time. She had wanted so much to adopt Baby Rica. She and her husband, Jay, who is also working at the same hospital, have been married for several years. But they have not been blessed with a child. When she heard that Baby Rica was for up for adoption, she readily approached the hospital administrator about her intention. With the help of the hospital administrator, they applied to be Baby Rica‟s adoptive parents. After going through the whole adoption process, DSWD finally approved their application and gave them Baby Rica for foster care. All throughout the proceedings, Baby Rica continued to stay with her hospital family. A doctor in the hospital, upon learning of Elsa and Jay‟s desire to adopt Baby Rica, contacted her doctor friends who were part of the Operation Smile Philippines, a non-profit organization of medical volunteers that provides free surgeries to repair children‟s cleft lips and cleft palates. This father and son surgeon team, upon hearing about Ba-by Rica‟s situation, readily agreed to perform the surgery. Since Elsa and Jay both work at the hospital, the sur-geons decided to perform the surgery there, bringing with them the equipment and medications needed. On the other hand, the hospital owner allowed the free use of the operating room and other facilities. Baby Rica had never been taken out of the hospital. Another doctor in the hospital, concerned about her spiritual needs, wanted the baby to be baptized before the surgery. She made arrangements with a priest for an emergency baptism at a nearby church the evening before her surgery. The first surgery was successful and her second surgi-cal procedure, which came 5 months after, was also successful. Today, Baby Rica has a place she can call home. Thanks to her adoptive parents, Elsa and Jay. She now has the love and care of both par-ents. Let us not look at the many faults and shortcomings of the many characters in this story of Baby Rica, instead, let us be inspired that despite of the plans that man made for himself, it is always the plan of God that prevails, the plan of LOVE. Disclaimer: All characters appearing in this article are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental.

Let’s use this as a bridge and cross

over...

Huh?

Ahh! It’s too short I can’t cross...

The Cross The End.

Page 8: Parish Fiesta 2013 - sacredheartmandaluyong.weebly.comsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · Isa muling pagdiriwang ang pag-alaala ng buong parokya

8

Special Feature: YEAR OF FAITH By Bro. Joel Lumigpit

PLACE YOUR ADS HERE. Kung kayo ay interesado maglagay ng inyong ads sa ating newsletter, maari po kayong makipagugnayan sa parish office at hanapin

si Sister Tina o tumawag sa parish office o ipadala sa pamamagitan ng email ang inyong ads.

Sacred Heart of Jesus Parish Welfareville Compound, Mandaluyong City Tel. Nos. 534-4331 531-8539 Email address: [email protected]

Thanks to:

Greetings from

Manansala family

4655 Arellano Ave., Palanan,

Makati City 1235 Philippines

951 Luna Mencias cor Araullo Streets,

Addition Hills, Mandaluyong City

727-9357; 723-4979

www.keysgradeschool.com

Mel Anthony Y. Cruz, MD. MHA, DPBPS

Plastic and Reconstructive Surgery

FEU-NRMF Medical Center

Mobile No.: 0920-9050892

Landline: (02) 347-7635

Thank you, Doctors, for taking very

good care of me.

Love,

Angeline Nicole

Katolisismo 3 Sumamsampalataya ako kay Jesukristo Iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.

Sino ba si Jesus para sa inyo? Ano ang personal na pagkakilala mo sa Kanya? May impluwensiya ba talaga si Jesus sa buhay mo? Ang makilala si Jesus ay magpapabago ba ng buhay mo?

Ang mga katanungang ito ay tinanong din ni Jesus sa Kanyang mga alagad… Sino nga ba si Jesus? Ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan at turo ng Simbahan ukol sa Kanya?

Ang turo ng simbahan: Si Jesus ang kaisa-isa at pinakamamahal na Anak ng Ama. Si Jesus ang ipinangako ng Ama sa isusugo Niya sa takdang panahon para sa

ikaliligtas ng sanlibutan. Si Jesus, Siya ang Kristo, ang Mesiyas. Si Jesus ang ikalawang Persona ng Banal na Santatlo. Si Jesus ay nagpakasakit, namatay sa krus, at muling nabuhay para sa ating kalig-

tasan. Ano ang batayan ng Simbahan sa katuruang ito?

Ayon sa Banal na Kasulatan: Mateo 16:15-16 Tinanong ulit sila ni Jesus, “Ngunit para sa inyo „sino ako?‟ Sum-

agot si Simon Pedro, “Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na Buhay.” Marcos 1:9-11 Nang panahong iyon, dumating si Jesus mula sa Nazaret sa Galilea,

at Siya‟y binautismuhan ni Juan sa ilog Jordan. Pagkaahung-pagkaahon ni Je-sus sa tubig, nakita NIyang bumukas ang kalangitan at bumababa sa Kanya ang Espiritu na tulad ng isang kalapati. Narinig Niya ang isang tinig na mula sa langit at nagsasabing, “Ikaw ang minamahal kong Anak, lubos kitang kinalulugdan.”

San Juan 3:16 “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan kaya‟t ibinigay NIya ang Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak.”

Galatia 2:20 “Habang ako‟y nabubuhay pa sa katawang lupa, namumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng Kanyang buhay para sa akin.”

Ano ang mga pangunahing katawagan kay Jesus? Ano ang kahulugan ng mga ito? JESUS sa salitang Hebreo ang ibig sabihin nito ay “nagliligtas ang Diyos”. Ipi-

nahayag ito sa pagbabalita ng anghel Gabriel kay Santa Maria: “Makinig ka, ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalak, at Siya‟y papangalanan mong Jesus. (Lucas 1:31)

Mababasa natin sa Ebanghelyo ni San Mateo: At sa sinabi ng anghel kay Jose, “magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas Niya ang Kanyang bayan sa kanilang mga kasa-lanan.” (1:21)

Cristo ito ay salitang Griego, na sa salitang Hebreo naman ay “Mesiyas” nangan-gahulugang “pinahiran.” Hindi ito apelyido ni Jesus, kundi tumutukoy lamang sa isang misyon o layunin. Sa lumang tipan ang mga hari, pari at propeta noon ay pinapahiran ng langis para sa isang tanging misyon.

Anak ng Diyos Siya ang kaisa-isang Anak ng Ama, “ang salita na naging tao at

nanirahan sa piling natin, puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan, ang kaisa-isang Diyos na lubos na minamahal ng Ama” (Juan 1:14,18)

Panginoon bilang paggalang sa kabanalan ng Diyos, ang bayang Israel ay di bumabanggit ng Kanyang pangalan. Sa pagbabasa ng Banal na Kasulatan, ang pangalang ipinahayag Niya ay pinapalitan ng taguring “Panginoon”

Si Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay, ang sentro ng pananampalataya nating Kristiyano. Siya ang puso at sentro ng katekesis. Siya lamang ang maka-pagpahatid sa atin sa pag-ibig ng Ama sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Nais ng Diyos Ama na pakinggan at sundin natin ang mga aral ni Jesus, “Ito ang minamahal kong Anak, pakinggan ninyo Siya.” (Markos 9:7)

Sa pagdiriwang natin ng Banal na Eukaristiya tuwing araw ng Linggo, ipinapahayag nating mga Pilipinong Katoliko ang ating pananampalataya kay Jesukristong bug-tong na Anak ng Diyos.

Katolisismo 4 Si Jesukristo ay Ipinaglihi Lalang ng Espiritu Santo, Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen

BAKIT NAGKATAWANG-TAO ANG ANAK NG DIYOS?

Nang dahil sa ating mga tao at sa ating kaligtasan. 1 Jn. 4:10. “Tayo ay inibig ng Diyos” 1 Jn. 4:14. “Tagapagligtas ng Sanlibutan” 1 Jn. 3:5. “Pawiin ang ating mga kasalanan” Upang kilalanin natin ang pag-ibig ng Diyos. 1 Jn. 4:9. “Inihayag ng Diyos ang Kanyang Pag-ibig.” Jn 3:16. “Ang pag-ibig ng Diyos” Si Maria ay nanatiling birhen bago at pagkatapos niyang maisilang si Jesus.

ANG HAMON SA MGA PINOY

Sa ating pagdiriwang sa Banal na Eukaristiya, nagkakaroon ng kaganapan ang hangarin nating sana araw-araw ay Pasko! Dahil sa bawat sandali na binibigkas ng pari ang mga kataga sa konsagrasyon na “Ito ang aking katawan… ito ang aking dugo…” sa sandaling iyon, bumababa ang Diyos mula sa kalangitan, nananahan sa atin, pumapasok sa ating puso at nananatili sa ating kaluluwa. Sikapin nating mag-simba araw-araw at tanggapin si Jesus sa Banal na Eukaristiya at maranasan natin na araw-araw ay Pasko.

Nawa sa Taong ito ng Pananampalataya … Pasalamatan ang Diyos Ama sa pagbibigay Niya sa atin ng Kanyang Bugtong na

Anak! Pasalamatan natin ang Diyos Anak, si Jesus na ating tagapagligtas! Pasalamatan natin ang Diyos Espiritu Santo sa pamamagitan Niya isinilang ni

Maria si Jesus, ang Anak ng Diyos!

Sikapin natin ngayong Taon ng Pananampalataya, na mas lalo pa nating sundan si Jesus na totoong Diyos at totoong tao upang maging ganap pa ang ating pagpapakatao.

www.brownstone-asiatech.com

No. 10-A (Old No. 310) H. Poblador Street Barangay Hagdan Bato Libis Mandaluyong City, Philippines

Telephone : (632) 532-4310; (632) 718-4391; Fax : (632) 531-6518; (632)535-0971 Email : [email protected]; [email protected]