14
Panahong Paleolitiko (Circa 2 500 000 – 10 000 B.C.E)

Panahong paleolitiko

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Panahong paleolitiko

Panahong Paleolitiko(Circa 2 500 000 – 10 000 B.C.E)

Page 2: Panahong paleolitiko

Ang panahong Paleolitoko (Paleolithic Period) o ng Panahon ng Lumang Bato (Old Stone Age) ang pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao.

Ang terminong ito ay mula sa mga katagang Greek na paleos o “matanda” at lithos o “bato”.

Kaalinsabay nito ang napakalawak na panahong heolohikal na Pleistocene. Ito ang pinakamaagang bahagi ng Panahong Bato (Stone Age) at pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Sinasabing dito nagsimula ang pagamit ng mga kasangkapang bato ng mga hominid.

Page 3: Panahong paleolitiko

Nagsimula ang Panahong Paleolitiko, dalawa at kalahating milyong taon na ang nakakaraan at nagtapos noong 10 000 B.C.E sa iba’t-ibang lugar. Ito rin ang hudyat na pagtatapos ng Panahong Pleistocene.

Sa panahong ito, nagkaroon ng pagbabagong pisikal at anyo ang tao mula sa pagiging isang malabakulaw na nilalang hanggang sa pagiging isang Homo Sapiens.

Ang mga pagbabagong ito ay lubhang napakatagal at nagpatuloy pa sa loob ng tatlong mahahabang dibisyon: ang Lower Paleolithic, Middle Paleolithic, at Upper Paleolithic.

Page 4: Panahong paleolitiko

Lower Paleolithic PeriodPanahon ng pinakamaagang pananatili ng

tao sa daigdig simula nang maitala sa arkeolohiya ang kanyang pamumuhay.

Ang pinakamaagang hominid, na mas kilala bilang mga Australopithecine, ay hindi pa lumilikha ng mga kasangkapan.

Ang mga Homo habilis ay mas mukhang tao kung ihahambing sa mga mas nauna sa kanila.

Gumagawa sila ng mga kagamitang bato may 2.5 milyong B.P na ang nakalilipas.

Sila ay gumagamit ng mga kasangkapang

Page 5: Panahong paleolitiko

Olduvan o kagamitang bato na maliliit. Sinundan ang Homo habilis ng mga

Homo erectus noong 1.5 milyon B.P. Nagpamalas ang mga ito ng aking kakayahan sa paggawa ng kagamitang bato. Sila rin ang ipinapalagay na unang gumamit ng apoy at nangaso.

Nagtapos ang panahong paleolitiko noong 120 000 B.P sa pagdating ng Middle Paleolithic Period.

Page 6: Panahong paleolitiko

Middle Paleolithic PeriodAng panahong ito ay mula sa

kalagitnaan ng Panahong Paleolitiko na tumatagal mula 120 000 hanggang 40 000 B.P.

Panahon ito kung kailan higit pang nakontrol ng mga unang hominid ang kanilang kapaligiran.

Nasaksihan ang paglitaw ng makabagong tao noong 100 000 B.P.

Pino na rin ang kanilang pamamaraan sa paggawa ng mga kagamitan. Pangangaso ang pangunahing pinagmumulan ng kanilang pagkain. Sinusubukan na rin nila ang pagkain ng shellfish.

Page 7: Panahong paleolitiko

Pinasimulan na rin dito ang preserbasyon ng karne sa pamamagitan ng pagpapausok at pagpapatuyo nito.

Sa kauna-unahang pagkakataon, umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pamamagitan ng pagpipinta sa kanilang katawan at ilang mga pagguhit sa bato.

Nagkaroon na din ng paglilibing ng mga patay na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng mga kaparaanang relihiyoso at ritwal noon pa mang sinaunang panahon.

Kabilang din sa panahong ito ang kulturang Mousterian na inuugnay sa Taong Neanderthal.

Page 8: Panahong paleolitiko

Upper Paleolithic PeriodIto ang ikatlo at panghuling dibisyon

ng Panahong Paleolitiko. Saklaw nito ang panahon mula 40 000 at 8 500 B.P.

Nagkaroon na rin ng mga unang pamayanan sa anyong campsite at kadalasan itong matatagpuan sa mga lambak.

Ang lugar ay maaaring pinili upang mapadali ang kanilang pangangaso at pagpapastol.

Mas pino na ang kasangkapan ng tao.Sinasabing ang pagbabago sa gawi ng

mga tao ay dulot ng pag-iiba ng klima ng daigdig.

Page 9: Panahong paleolitiko

Isang patunay na pagiging artistiko ng mga taong nabubuhay sa panahong ito ay ang nilikha nilang Venus Figurine na sumisimbolo sa kakayahang magkaanak.

Lumitaw ang komplikadong pagpapangkat ng lipunan, mas maraming uri ng pagkain, at espesyalisadong uri ng ma kagamitan.

Ang paggamit ng mga simbolo at pagkakaroon ng mga ritwal ay naging mahalaga sa makabagong pag-uugali ng tao.

Nawala ang mga Taong Neanderthal sa panahong ito at napalitan ng mga Taong Cro-Magnon. Hango ang pangalang ito sa katimugang

Page 10: Panahong paleolitiko

France kung saan natuklasan ang labi nito noong 1856.

May naiwan itong pinta ng mga hayop na matatagpuan sa yungib ng Altamira sa Spain at Lascaux sa France. Sa kabuuan, may 100 yungib at lugar na may ganitong uri ng pinta. Pinaniniwalaang, iginuhit nila ito bilang bahagi ng kanilang ritwal para sa matagumpay na pangangaso.

Yumabong din ang iba’t-ibang kultura tulad ng Aurignacian, Gravettian, Perigordian, Solutrean, at Magdalenian.

Page 11: Panahong paleolitiko

Sa kulturang Aurignacian ay gumawa ng mga kagamitang bato na tinapyas (flaked).

Kinilala ang kulturang Gravettian sa mga kagamitang bato na may maliliit at matutulis na talim.

Samantala, gumagawa ang Perigordian ng mga kutsilyong bato kung saan tanging ang isang bahagi lamang ang matalim tulad ng mga kasalukuyang kutsilyo.

Ang mangangaso mula sa Solutrean ay nagtungo sa Europe at pinalitan ang naunang nanirahan dito.

Page 12: Panahong paleolitiko

Ang kulturang Magdalenian ay isang pamayanan ng mga mangingisda at mangangaso ng mga reindeer.

Ang kanilang kasangkapan ay pino kung ihahambing sa mga mas nauna sa kanila. Ang kanilang mga pininta at iginuhit sa yungib ay lubhang kahanga-hanga tulad ng mga ginawa ng mga Taong Cro-Magnon.

Page 13: Panahong paleolitiko

Mapapansin ang ilan sa mga pangyayari sa panahong ito ay lubos na nagpabago sa gawi, asal, at pamumuhay ng tao.

1. Naging mahalaga ang pagkakaroon ng mga kasangkapan.

2. Ang paggamit ng apoy ay nakapagpabago nang malaki sa pamumuhay ng mga prehistorikong tao.

3. Ang wika ay isang mahalagang salik upang maipasa ang kaalaman sa iba pang mga tao.

Page 14: Panahong paleolitiko

Sa pagtatapos ng Panahong Paleolitiko, lumamig ang klima ng daigdig nang bumaba ang temperatura nang halos 15◦C.

Ang mga pagbabago sa temperatura ay nagdulot ng mahabang panahon ng taglamig o Ice Age na tumagal nang halos libo-libong taon.

Ang pinakamatagal na Ice Age ay naganap mga 20 000 B.P. Nang lumaon, dahil sa dami ng tubig na naging yelo, bumaba ang lebel ng mga kagatan ng halos 500 talampakan.

Ang lupain ay lumitaw at nagsilbing tulay na lupa sa pagitan ng pulo at kontinente.