5
Human Early Learning Partnership (HELP) University of British Columbia 440-2206 East Mall Vancouver BC Canada V6T 1Z3 www.earlylearning.ubc.ca Page 1 of 5 Version 2018- 2019 7811 Granville Avenue, Richmond, BC V6Y 3E3 Tel: (604) 668-6000 Fax: (604) 233-0150 Pag-unawa sa Kalagitnaan ng Pagkabata: Middle Years Development Instrument Liham ng Pinabatid na Pasibong Pahintulot ng Magulang/Tagapag-alaga Pangunahing Imbestigador: Kimberly A. Schonert-Reichl, Ph.D., Propesor at Direktor, Human Early Learning Partnership, Paaralan ng Populasyon at Pampublikong Kalusugan, at Faculty ng Edukasyon, UBC, [email protected], 604-822-2215 Mga Kapwa Imbestigador sa Human Early Learning Partnership ng UBC, Paaralan ng Populasyon at Pampublikong Kalusugan: Magdalena Janus, Kaanib na Kasamang Propesor Martin Guhn, Katulong na Propesor Anne Gadermann, Katulong na Propesor Eva Oberle, Katulong na Propesor Mga Kapwa Imbestigador sa Departamento ng Edukasyon at Sikolohiya ng Pagpapayo, at Espesyal na Edukasyon sa UBC: Shelley Hymel, Propesor Kaugnay sa Proyekto: Marit Gilbert, MDI Nangunguna sa Pagpapatupad, Human Early Learning Partnership, UBC, [email protected], 604-827- 5504 SA ISANG SULYAP Magaganap ang isang survey sa iyong paaralan at tatanungin ang mga mag-aaral ng mga tanong na nauukol sa kanilang sosyal at emosyonal na pag-unlad, kalusugan at kabutihan ng kalagayan. Iimbitahan ang iyong anak na magkumpleto ng survey maliban kung hayagan mong hilingin na alisin ang anak mo Iniimbita ng paaralan mo at ng Human Early Learning Partnership (HELP) sa University of British Columbia (UBC) ang anak mong sumali sa pagkumpleto ng Middle Years Development Instrument (MDI) – isang survey na dinesenyo para matuto tungkol sa kalusugan at kabutihan ng kalagayan ng mga batang nasa edad na 9 hanggang 12. Ang mga mag-aaral sa Baitang 4 at/o Baitang 7 ay kukumpleto sa MDI sa mga paaralan sa Enero/Pebrero at gagawin ito online, pamamahalaan ng kawani ng paaralan, at aabutin ng mga 45-90 minuto ng oras sa klase. Ang proyektong MDI ay inisponsoran ng paaralan mo o lupon ng paaralan, ng United Way ng Lower Mainland, at ng Pamahalaan ng BC. Ano ang layunin ng proyekto? Ang layunin ng proyektong ito ay para mas mabuting maunawaan ang mga aspeto ng kaunlaran, kalusugan at kabutihan ng kalagayan ng mga bata, na nag-aambag sa kabuuan nilang tagumpay sa paaralan at sa buhay sa pamamagitan ng mga boses ng mga bata. Binibigyan ng MDI ang mga bata ng boses sa pag-uulat ng mga pag-iisip, pakiramdam at karanasan nila sa paaralan, sa bahay at sa komunidad, kasama ang kung paano nila ginugugol ang oras nila matapos ang pagpasok sa paaralan. Lumalahok ang iyong lupon ng paaralan sa MDI dahil gusto nilang malaman ng higit pa ang tungkol sa kalusugan at kabutihan ng kalagayan ng kanilang mga mag-aaral at tukuyin ang mga paraan kung paano ang tagumpay ng mga bata at kabutihan ng kalagayan ay maitataguyod sa mga paaralan at mga komunidad. Maaari nilang gamitin ang impormasyon para mapabuti

Pag-unawa sa Kalagitnaan ng Pagkabata: Middle Years ...hamilton.sd38.bc.ca/sites/hamilton.sd38.bc.ca/files/site-pages...Liham ng Pinabatid na Pasibong Pahintulot ng Magulang/Tagapag-alaga

  • Upload
    others

  • View
    28

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Human Early Learning Partnership (HELP) University of British Columbia 440-2206 East Mall Vancouver BC Canada V6T 1Z3 www.earlylearning.ubc.ca

Page 1 of 5 Version 2018- 2019

7811 Granville Avenue, Richmond, BC V6Y 3E3 Tel: (604) 668-6000 Fax: (604) 233-0150

Pag-unawa sa Kalagitnaan ng Pagkabata: Middle Years Development Instrument

Liham ng Pinabatid na Pasibong Pahintulot ng Magulang/Tagapag-alaga

Pangunahing Imbestigador: Kimberly A. Schonert-Reichl, Ph.D., Propesor at Direktor, Human Early Learning Partnership, Paaralan ng Populasyon at Pampublikong Kalusugan, at Faculty ng Edukasyon, UBC, [email protected], 604-822-2215

Mga Kapwa Imbestigador sa Human Early Learning Partnership ng UBC, Paaralan ng Populasyon at Pampublikong Kalusugan:

Magdalena Janus, Kaanib na Kasamang Propesor Martin Guhn, Katulong na Propesor Anne Gadermann, Katulong na Propesor Eva Oberle, Katulong na Propesor

Mga Kapwa Imbestigador sa Departamento ng Edukasyon at Sikolohiya ng Pagpapayo, at Espesyal na Edukasyon sa UBC: Shelley Hymel, Propesor

Kaugnay sa Proyekto: Marit Gilbert, MDI Nangunguna sa Pagpapatupad, Human Early Learning Partnership, UBC, [email protected], 604-827-

5504

SA ISANG SULYAP • Magaganap ang isang survey sa iyong paaralan at tatanungin ang mga mag-aaral ng mga tanong na

nauukol sa kanilang sosyal at emosyonal na pag-unlad, kalusugan at kabutihan ng kalagayan. • Iimbitahan ang iyong anak na magkumpleto ng survey maliban kung hayagan mong hilingin na

alisin ang anak mo Iniimbita ng paaralan mo at ng Human Early Learning Partnership (HELP) sa University of British Columbia (UBC) ang anak mong sumali sa pagkumpleto ng Middle Years Development Instrument (MDI) – isang survey na dinesenyo para matuto tungkol sa kalusugan at kabutihan ng kalagayan ng mga batang nasa edad na 9 hanggang 12. Ang mga mag-aaral sa Baitang 4 at/o Baitang 7 ay kukumpleto sa MDI sa mga paaralan sa Enero/Pebrero at gagawin ito online, pamamahalaan ng kawani ng paaralan, at aabutin ng mga 45-90 minuto ng oras sa klase. Ang proyektong MDI ay inisponsoran ng paaralan mo o lupon ng paaralan, ng United Way ng Lower Mainland, at ng Pamahalaan ng BC.

Ano ang layunin ng proyekto? Ang layunin ng proyektong ito ay para mas mabuting maunawaan ang mga aspeto ng kaunlaran, kalusugan at kabutihan ng kalagayan ng mga bata, na nag-aambag sa kabuuan nilang tagumpay sa paaralan at sa buhay sa pamamagitan ng mga boses ng mga bata. Binibigyan ng MDI ang mga bata ng boses sa pag-uulat ng mga pag-iisip, pakiramdam at karanasan nila sa paaralan, sa bahay at sa komunidad, kasama ang kung paano nila ginugugol ang oras nila matapos ang pagpasok sa paaralan. Lumalahok ang iyong lupon ng paaralan sa MDI dahil gusto nilang malaman ng higit pa ang tungkol sa kalusugan at kabutihan ng kalagayan ng kanilang mga mag-aaral at tukuyin ang mga paraan kung paano ang tagumpay ng mga bata at kabutihan ng kalagayan ay maitataguyod sa mga paaralan at mga komunidad. Maaari nilang gamitin ang impormasyon para mapabuti

Page 2 of 5 Version 2018-2019

ang edukasyon, suporta at mga serbisyo para sa lahat ng mga mag-aaral. Ginawa ang MDI sa UBC sa pakikipagtulungan sa mga tagapagturo, mga magulang at mga mag-aaral, at ginamit sa mga paaralan sa Canada mula noong 2009. Para matuto pa tungkol sa MDI at tingnan ang mga tanong sa survey, mangyaring bumisita sa www.earlylearning.ubc.ca/mdi.

Boluntaryo ang paglahok at pasibo ang pahintulot Ganap na boluntaryo ang MDI. Walang mga pisikal na peligro sa pagkukumpleto ng survey, at mapipili ng anak mo kung kukumpletuhin niya o hindi ang survey. Maaaring lumaktaw ang anak mo sa mga tanong o huminto sa pagsagot ng survey sa anumang oras. Maaaring umalis ang anak mo sa pamamagitan ng pag-click sa withdrawal na button sa ibaba ng bawa’t pahina ng online survey.

Ang paglahok o hindi paglahok sa survey ay hindi makakaapekto sa mga marka ng anak mo. Hindi nito maaapektuhan ang anumang mga serbisyo na natatanggap ng pamilya mo mula sa paaralan o lupon ng paaralan.

Kung ayaw mong kumpletuhin ng anak mo ang MDI, pakisauli ang nakalakip na form sa guro o punong-guro ng anak mo sa loob ng 4 na linggo mula sa pagkatanggap ng liham na ito. Maaari ka ring mag-email sa pangkat ng proyekto ng MDI sa [email protected] para iurong ang anak mo. Ang mga batang hindi lalahok ay magtatrabaho sa aktibidad na kaugnay ng regular nilang gawain sa paaralan. Para sa karagdagang impormasyon kung bakit namin ginagamit ang ganitong klase ng proseso ng pahintulot ng magulang/tagapag-alaga (pasibong pahintulot hal, opt-out) para sa proyektong MDI, pakitingnan ang aming website http://earlylearning.ubc.ca/mdi/parent-guardian-resources/ .

Ano ang mangyayari? Bago simulan ang survey, ipaliliwanag ng guro o kawani ng paaralan ng iyong anak sa mga mag-aaral na tatanungin sila ng mga tanong tungkol sa buhay nila sa loob at labas ng paaralan, na hindi ito isang pagsusulit at maaari silang huminto anumang oras. Dahil ang ilang tanong ay magtataning tungkol sa mga nararamdaman ng mga bata at mga relasyon, may lugar sa survey kung saan makakahingi ang anak mo ng tulong sa anumang mga problema na mayroon sila. Kung humingi ng tulong ang anak mo, padadalhan ang guro at punong-guro ng email at susunod sila sa mga pamamaraan ng paaralan sa pagtitiyak na makakuha ng tulong ang anak mo.

Paano mapoprotektahan ang pagkapribado ng aking anak? Ang mga sagot ng anak mo sa mga tanong sa survey ay pribado at kumpidensiyal (walang makakaalam sa mga sagot nito). Ang mga sagot ng anak mo ay hindi mo makukuha o ng sinumang kawani ng paaralan o lupon ng paaralan. Walang idaragdag na impormasyon sa talaan sa paaralan ng anak mo mula sa proyekto. Kung ginamit ang impormasyon ng MDI sa mga pananaliksik na publikasyon o mga pampublikong dokumento, ang anak mo at ang paaralan ng anak mo ay hindi makikilala.

Upang lumahok sa MDI, magbibigay ang lupon ng paaralan mo ng HELP sa UBC na impormasyon tungkol sa anak mo, kasama ang kanilang pangalan, Personal na Numero sa Edukasyon (PEN), petsa ng kapanganakan, kasarian at zip code. Ang pangalan ng anak mo ay gagamitin lang para makapag-log in ang anak mo sa survey. Aalisin ito mula sa mga sagot sa survey kapag nakumpleto na ang survey.

Page 3 of 5 Version 2018-2019

Paano gagamitin at ii-imbak ang data ng MDI? Responsable ang HELP sa pagpapanatiling ligtas ang lahat ng data ng MDI na proyekto. Ang personal na impormasyon tulad ng petsa ng kapanganakan ng anak mo, Personal na Numero sa Edukasyon (PEN), at zip code ay hiwalay na ii-imbak sa mga sagot ng anak mo sa survey. Ito ay para protektahan ang pagkapribado ng anak mo. Ang personal na impormasyon ng anak mo ay ilalagay sa ligtas na pananaliksik na kapaligiran sa UBC, na gagamitin lang para sa aprubadong mga proyekto sa ugnayan at pananaliksik sa ilalim ng mga batas sa pagkapribado ng Pederal, Panlalawigan/Pang-teritoryo. Ang mga tagasaliksik na makakatanggap ng pahintulot na gamitin ang data ng MDI para sa layunin ng pananaliksik o istatistiko ay bibigyan ng data na hindi maikokonekta sa sinumang indibidwal na mag-aaral.

Ang data mula sa pag-aaral ay maaaring mai-ugnay sa indibidwal na lebel sa mga ibang data para malaman ang tungkol sa mga salik na nakaka-impluwensiya sa kabutihan ng kalagayan, kalusugan at tagumpay sa paaralan ng mga bata. Maaaring kasama ng ibang data ang impormasyon sa edukasyon at kalusugan. Ang data na naka-ugnay ay maaari lang gamitin sa layunin ng pananaliksik o istatistiko ng mga tagasaliksik na aprubado ng HELP, sa ilalim ng aprubadong Kasunduan sa Pananaliksik. Para sa mga alalahaning kaugnay sa pagkapribado ng data ng pagsusuri ng anak mo, mangyaring makipag-ugnay sa Opisyal ng Pagkapribado ng HELP sa [email protected].

Mga resulta ng proyekto Pagsasamahin ang mga sagot ng anak mo at ng mga ibang mag-aaral sa paaralan at komunidad ng iyong anak. Ang mga resulta ng proyekto ay iuulat sa lebel ng paaralan o lupon ng paaralan, kapitbahayan at lalawigan. Ang mga ulat ng paaralan ay ibabahagi sa mga lupon at mga paaralan at hindi pampublikong ibabahagi. Ang mga resulta ng MDI ay hindi gagamitin para i-ranggo ang mga paaralan, mga mag-aaral o mga klase sa anumang paraan. Nagbibigay ang HELP ng mga pampublikong ulat ng komunidad at mga mapa ng kapitbahayan ng mga resulta ng survey www.earlylearning.ubc.ca/maps/mdi.

Sa paggabay ng ating Aboriginal Steering Committee, nirerespeto ng HELP ang mga prinsipyo ng First Nations o Mga Unang Bansa ng OCAP® (Ownership/Pag-aari, Control/Kontrol, Access/Pag-access, at Possession/Posesyon) o ibang batay sa komunidad na kodigo ng etiko. Hindi kailanman pampublikong inuulat ng HELP ang Aboriginal MDI data o ginagamit ito bilang panghambing sa mga ibang data. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang http://earlylearning.ubc.ca/mdi/parent-guardian-resources/#aboriginal-mdi-data-ocap o kontakin ang Indigenous Community Engagement Coordinator ng HELP sa [email protected].

Paano makikinabang ang iyong paaralan at komunidad? Tinutukoy sa mga kamakailang pananaliksik na ang kabutihan ng kalagayan ng mga bata ay nakaka-impluwensiya sa paaralan at tagumpay sa buhay. Sa pagkumpleto ng survey, ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pagkakataon na ibahagi ang kanilang mga karanasan at saloobin na nag-aambag sa diwa ng kabutihan ng kalagayan nila. Ang mga ulat ng MDI ay nagbibigay sa mga tagapagturo, tagapagplano ng programa, at miyembro ng komunidad ng impormasyon tungkol sa mga buhay ng mga bata sa pamamagitan ng mga boses ng mga bata. Magagamit ng iyong paaralan at komunidad ang mga resulta para suportahan ang mga mag-aaral at mapabuti ang kabutihan ng kalagayan nila. Kung interesado kang matuto pa tungkol sa kung paano ginagamit ng mga paaralan at komunidad ang data ng MDI para suportahan ang mga bata, mangyaring bumisita sa website ng aming MDI Field Guide sa www.discovermdi.ca.

Page 4 of 5 Version 2018-2019

Saan ako makakakuha ng karagdagang impormasyon sa proyekto? Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa website ng HELP sa www.earlylearning.ubc.ca/mdi. Kung mayroon kang anumang mga tanong o alalahanin, mangyaring kontakin si Marit Gilbert, Kontak ng Proyekto, sa pamamagitan ng email sa [email protected] o sa pamamagitan ng telepono sa 604-827-5504. Kung ayaw mong ipakumpleto sa anak mo ang survey, mangyaring lagdaan ang nakalakip na withdrawal form at isauli ito sa guro o punong-guro ng anak mo, o mag-email sa amin sa [email protected] para alisin ang anak mo.

Kung mayroon kang anumang mga alalahanin o reklamo tungkol sa mga karapatan mo/ng anak mo bilang kalahok sa pananaliksik at/o mga karanasan mo habang lumalahok sa pag-aaral na ito, makipag-ugnay sa Linya ng Pagrereklamo ng Kalahok sa Pananaliksik sa Tanggapan ng Etika sa Pananaliksik ng UBC sa 604-822-8598 o kung long distance ay mag-email sa e-mail [email protected] o tumawag nang libreng-tawag sa 1-877-822-8598. Maaari ka ring makipag-ugnay sa pangunahing imbestigador sa numero o email na ibinigay sa ibaba.

Lubos na sumasainyo,

_________________________________

Richard Steward, Kontak ng MDI sa Lupon ng Paaralan Director of Instruction, Learning Services Telepono: 604-668-6093 Email: [email protected]

Propesor Kimberly A. Schonert-Reichl, Ph.D. Direktor, Human Early Learning Partnership University of British Columbia Telepono: 604-822-2215

Page 5 of 5 Version 2018-2019

"--------------------------------------------------------------"-------------------------------------------------------------"

Kung gusto mong alisin ang anak mo, mangyaring lagdaan at isauli ang bahaging ito sa guro ng iyong anak.

Pakisauli ang form na ito sa guro ng silid-aralan bago ang December 20, 2018 kung AYAW mong lumahok ang iyong anak.

c Hindi ako pumapayag na ang aking anak na si [PANGALAN] ______________________________ ay lumahok sa Middle Years Development Instrument (MDI) survey na magaganap sa Enero/Pebrero.

Pangalan ng Magulang/Tagapag-alaga: ________________________ Petsa:_______________

Paaralan: ______________________________________ Guro: ______________________