12
OPISYAL NA PUBLIKASYON NG CENTER FOR TRADE UNION AND HUMAN RIGHTS HULYO-SETYEMBRE 2017 M ONITOR BIGONG PANGAKO KALAGAYAN NG MGA MANGGAGAWA SA UNANG TAON NG ADMINISTRASYONG DUTERTE pahina 6 BALITA Laban sa Prekaryosong Trabaho, Sinang-ayunan ng kababaihan sa Asia Pacific LATHALAIN Si Jomar at ang Pakikibaka ng magsasakang Bohol-anon p.8 EDITORYAL Diskontento atTunay na Pagbabago ALAMIN Anu-ano ang karapatan ng mga manggagawa sa ilalim ng batas? NI DIGONG pahina 7 pahina 8 pahina 3 pahina 6

OPISYAL NA PUBLIKASYON NG CENTER FOR TRADE …ctuhr.org/wp-content/uploads/2017/11/CTUHR-MONITOR.pdf · ekonomiya. Nag-aalok ng mga lupaing katutubo at sakahan sa dayuhang puhu-

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: OPISYAL NA PUBLIKASYON NG CENTER FOR TRADE …ctuhr.org/wp-content/uploads/2017/11/CTUHR-MONITOR.pdf · ekonomiya. Nag-aalok ng mga lupaing katutubo at sakahan sa dayuhang puhu-

OPISYAL NA PUBLIKASYON NG CENTER FOR TRADE UNION AND HUMAN RIGHTS HULYO-SETYEMBRE 2017

MONITOR

BIGONGPANGAKO

KALAGAYAN NG MGA MANGGAGAWA SA UNANG TAON NGADMINISTRASYONG DUTERTEpahina 6

BALITALaban sa Prekaryosong Trabaho,Sinang-ayunan ng kababaihan sa Asia Pacific

LATHALAINSi Jomar at ang Pakikibakang magsasakang Bohol-anon

basahin sa p.8

EDITORYALDiskontento at Tunay na Pagbabago

ALAMINAnu-ano ang karapatan ng mgamanggagawa sa ilalim ng batas?

NI DIGONG

pahina 7

pahina 8

pahina 3

pahina 6

Page 2: OPISYAL NA PUBLIKASYON NG CENTER FOR TRADE …ctuhr.org/wp-content/uploads/2017/11/CTUHR-MONITOR.pdf · ekonomiya. Nag-aalok ng mga lupaing katutubo at sakahan sa dayuhang puhu-

EDITORYAL

2 HULYO - SETYEMBRE 2017

Malalim ang diskon-tento ng mamama-yan sa sistemang ki-nalinga at isinulong

ng mga nakaraang rehimensa bansa. Kaya, sa pana-hon ng halalan 2016, tila sumapat ang pahayag at lalo na ang mga pag-uulit samga lumang katuruan at mga popular na hing-gil sa paggawa at panli-punang katarungan ng noo’ykandidato pa lamang na si Mayor Rodrigo Duterte. Ma-giliw na niyakap ng mang-gagawa ang kanyangmga salita na dapat mata-masa ng manggagawa ang bunga ng kanilang pag-papagal o pagtatrabaho.Pantay rin dapat ang sahod ng manggagawa sa Metro Manila at mga probinsya at ng dapat nangmagwakas ang kontrak-twalisasyon. Tanging si Mayor Duterte lang ang naging kandidato na maymalinaw na paninin-digan sa usaping ito. Naiiba si Pangulong Duterte, mukha ng mga kinamuhiang pamamaha-la sa bansa na nagpalala sa

CTUHR

HULYO - SETYEMBRE 2017

kahirapan at nag-akyat ng ya-man sa iilan. Mahigit isang taon pa lamang at nalantad angadministrasyong Duterte na hin-di lamang walang pinag-iba sa mga nakaraan. Kasabay ng mgamaaanghang na salita, ibinabandila nito ang mas mal-awak, matalas at mas marahas na programang neoliberal—programang nagbibigay ng higit na kapangyarihan, kon-trol at yaman sa `oligarikya’ atdambuhalang dayuhang kom-panya, habang unti-unti ngunit tiyak na iniiwan ang kanyangresponsibilidad sa mamamayan. Tuluyan nang tinalikuran ng administrasyon ang pos-turang maka-mamamayan at maka-manggagawa. Samga dayuhang pautang at namumuhunan rin ina-asa ng administrasyon ang pagpapaunlad saekonomiya. Nag-aalok ng mga lupaing katutubo at sakahan sa dayuhang puhu-nan para sa plantasyon ngproduktong pang-eksport at mga Special Econom-ic Zones sa halip na pan-galagaan ang agrikultura.Multinational Corporations

DISKONTENTO AT TUNAY NA PAGBABAGO

Gising na, hindi ang administrasyong Dute-rte ang aasahan, kun-di ang lakas, tiwala at pagsalig pa rin sa kapangyarihan ng ta-umbayan ang lilikha ng tunay na pagbabago.

din ang gumagawa ng mga barko, sasakyan atbp tu-lad ng Hanjin Shipyard,Toyota Motors, at Mitsubi-shi Motors ang lilikha ng planong pamalit sa dyip na nais ng pamahalaangmawala sa kalsada. Ibinukas na rin maging ang-midya at edukasyon sa dayu-han puhunan. Rumaragasapa rin ang kontraktwalisasyon at may panukalang batas pa para pahabain ang oras paggawa. Tila hindi na mapipigilan ang administrasyon para ipatupad ang balangkas ng kanyang programangkontra-mahihirap at kontra-mamamayan. Hindi na ma-halaga kung magreklamo ang mahihirap. Mahiraplang sila. May armadong pwersa ang estado at na-kahanda raw ito para ali-sin ang anumang balakid sapagpapatupad ng kan-yang mga programa. Dumating na nga ang pagbabago sa ilalim ngadministrasyong Duterte, pagbabagong di nag-aahon sa kahirapan, kundi pag-babagong nakamamatay,

at higit na nagtataboy sa manggagawa at mamama-yan sa paghihikahos, pag-sasamantala at panunupil.Gising na, hindi ang ad-ministrasyong Duterte ang aasahan, kundi ang lakas, ti-wala at pagsalig pa rin sakapangyarihan ng ta-umbayan ang lilikha ng tunay na pagbabago.

MONITOR

STAFF

Daisy AragoExecutive Director

PUBLISHED QUARTERLY BY CTUHR PHILIPPINES

[email protected]

411 0256

http://ctuhr.org

ctuhr.manila

@ctuhr

ctuhrctuhr manila

Regina LacaranRoben Casalda

Kamille DeligenteNelyn P et

Malou SantosIggie Espinosa

CONTRIBUTORSKryzl Mendez

Krizz Nicole Avena Reval Babiera

Page 3: OPISYAL NA PUBLIKASYON NG CENTER FOR TRADE …ctuhr.org/wp-content/uploads/2017/11/CTUHR-MONITOR.pdf · ekonomiya. Nag-aalok ng mga lupaing katutubo at sakahan sa dayuhang puhu-

3HULYO - SETYEMBRE 2017

KampObrero, Nilahukan ng Daan-daang Manggagawa, Mass Regularization, Inapela sa DOLE Dalawang linggo bago ang Ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangu-long Rodrigo Duterte noong Hulyo 24, 2017, lumahok sa serye ng mga pagkilos ang daan-daang manggagawa para igiit ang pagpapahinto sa kontraktwalisasyon kasa-bay ng panawagang itigil ang batas militar sa Mindanao.

Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno, KILOS NA Mang-gagawa at All Workers Uni-ty ang kampuhan ng mga manggagawa na tinawag na “KampObrero”. Itinayo ang kampuhan sa tapat ng tanggapan ng Department of Labor and Employment sa Intramuros, Maynila mula

Hulyo 10 hanggang 16.

Kabilang sa mga lumahok sa “KampObrero” ang mga manggagawang agrikultural ng Freshmax Fruit Corp. at Shin Sun Tropical Fruit Corp mula sa Compostella Valley , mga minero mula sa rehi-yon ng Caraga at mga mang-gagawa mula sa Southern Mindanao at Metro Manila.

Hulyo 17 nang itinayo nila ang kampuhan sa Mendiola kung saan sila nagsagawa ng State Workers Address para ilatag ang mga kinakaharap na isyu ng mga manggaga-wa gaya kontrakwalisasyon, mababang sahod, at iba’t ibang porma ng paglabag sa

karapatan sa loob ng trabaho.

Mass Filling forRegularization

Sa ikalawang araw ng “KampObrero” noong Hulyo 12, nagsagawa ng mass fill-ing sa DOLE ang KILOS NA Mangggawa para iapela na gawing regular ang mahigit tatlong libong kontraktwal na manggagawa. Isinu-mite nila kay Labor Secre-tary Silvestre Bello III ang listahan ng mga kumpanya na nagpapairal ng mala-wakang kontrakwalisasyon.

Inihain rin ng KILOS NA Manggagawa ang ikala-wang batch ng apela para

sa regularisasyon ng mga manggagawa noong Agosto 12. Hinimok ng grupo ang DOLE na aksyunan ang mga kaso ng kontrakwalisasyon at paglabag ng mga kum-panya sa karapatan ng mga manggagawa. Sa kabuuan, walong libong manggaga-wang kontrakwal ang sakop ng isinagawang mass fill-ing para sa regularisasyon. Ang KILOS NA Manggagawa ay isang pambansang organ-isasyon ng mga manggaga-wang kontraktwal. Itinayo ito noong Marso 3 kasabay ng ika-dalawampu’t walong taon ng pagsasabatas ng Herrera Law na nag-ligalisa sa kontraktwalisasyon sa bansa.

Kryzl Mendez

Walang Happiness ang mga Manggagawa sa Coca-cola “Walang happiness!”Ito ang kalagayan ng mga manggagawa ng Coca-Co-la Bottlers Philippines Inc. (CCBPI) lalo na sa planta nito sa Meycauayan, Bula-can at Sta. Rosa, Laguna. Nagsagawa ng botohan ang mga miyembro ng Co-ca-Cola Sales Union Mey-cauayan (CSSUM) pabor sa paglulunsad ng welga noong Setyembre 4 dahil sa deadlock ng Collective Bar-gaining Agreement (CBA) sa pagitan ng CCBPI at CSSUM. Ilang araw bago ang boto-han, nagsagawa ng kilos-pro-testa ang mga manggagawa at mga taga-suporta sa tapat mismo ng planta sa Meycau-ayan noong Setyembre 2.Nagkaroon ng deadlock sa negosasyon ng CBA dahil sa hindi mapagkasunduang punto tulad ng 1. Dag-dag-sahod 2. Regularisasyon

at kilalanin bilang miyembro ng unyon ang mga kontrak-twal na empleyado 3. Rice Al-lowance 4.Bayaran ang mga manggagawa tuwing sabadong “daily rate” imbes na “buy-out” na mas mababa ng halos o higit sa kala-hati ng arawang sahod.

Samantala, nakapiket sa kasalukuyan ang mga kon-traktwal na manggagawa ng Coke sa plant ng Sta. Rosa, Laguna dahil sa pagkaka-tanggal ng 675 sa kanila. Ito ay sa kabila ng desisyon ng DOLE Region 4A noong Abril 2017 na i-regular ang mga kontraktwal na mang-gagawa sa ilalim ng CCBPI. Karamihan ng mga kontrak-twal ay nagtrabaho ng isang taon at ang pinakamatagal ay 16 taon bilang kontrak-twal sa nasabing kumpanya. Mula rin ang mga kontrak-twal sa iba’t ibang manpow-

er agency, na ayon sa mga nakapanayam na mang-gagawa ay nag palipat-li-pat sila ng agency ngunit sa loob lang din ng Sta. Rosa sila pumapasok. Dag-dag pa, inrereklamo din nila ang hindi pagbabayad ng overtime pay, hindi pag-babayad sa kanila ng sapat na sahod at hindi o kulang

sa paghuhulog sa kanilang mga mandatory benefits. Binuo ng mga manggaga-wang kontrakwal ng Coke Sta. Rosa ang kanilang sa-mahan ng Liga ng Pinalakas na Manggagawa ng Coca-Cola Femsa (LPMCC) para sa layunin na pagkaisahin ang mga manggagawa at isu-

M NITOR

sundan sa p.5

BALITA

Larawan| Picket protest ng mga manggagawa sa sa Coca-Cola Sta. Rosa Plant sa Laguna

Page 4: OPISYAL NA PUBLIKASYON NG CENTER FOR TRADE …ctuhr.org/wp-content/uploads/2017/11/CTUHR-MONITOR.pdf · ekonomiya. Nag-aalok ng mga lupaing katutubo at sakahan sa dayuhang puhu-

BALITA

HULYO - SETYEMBRE 20174

Tagumpay ng sama-samang pagkilos, 387 Manggagawa sa Harbour Centre, ginawang regular

Nagbunga ng tagumpay ang sama-samang pagki-los ng mga manggagawa sa Harbour Port Centre Ter-minal, Inc (HCPTI). Ito ay makaraang paboran ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang reklamong isinampa ng Sa-mahang Manggagawa sa Harbour Centre (SMHC) la-ban sa manpower agency na Grasials Port Services and Stevedoring Corp. at Gero-lyn Contracting and Steve-doring Corp. at kumpanyang HCPTI. Ang HCPTI ay pagma-may-ari ni Reghis Romero II

na mayroong majority stake sa Manila North Harbor.

Binuo ng mga kontrakw-al na manggagawa sa Har-bour Centre ang kanilang samahan noong 2016 para maisulong ang kanilang mga batayang karapatan at pagpapabuti sa kanil-ang kalagayan sa paggawa. Kinabibilangan ito ng mga istibador na nagdidiskarga ng mga kargamento mula sa barko tungong pantalan, mga winchman at leadman, forklift operators at iba pa. Nakakaranas ng labis na

pagsasamantala ang mga nasabing manggagawa gaya ng underpayment na sahod, overtime pay at 13th month pay. Hindi rin sila binibigyan ng pay slip at hindi nireremit ng kumpanya ang kinakaltas sa kanilang sahod para sa mandatory benefits gaya ng SSS, PhilHealth at Pag-Ibig.

Sa tuloy-tuloy na pagkilos ng SMHC at pakikipagdayalogo sa DOLE at HCPTI, naitulak ang kumpanya na magbig-ay ng payslip, magpatupad ng regular na iskedyul ng pagpapasahod, paghuhu-log sa SSS at pagbibigay ng mas mataas na suportang pinansyal sa naaaksidente.

Sa inilabas na desisyon ng DOLE noong Agosto 24, napatunayang iligal at hindi rehistrado ang manpower agency na Grasias Corp. at Gerolyn Corp. Natuklasan din na ‘labor contracting only” ang ginagawa nito sa mga manggagawa na ipi-nagbabawal ng batas. Iniu-tos ng DOLE ang agarang pagpapahinto sa opera-syon ng nasabing ahensiya.

Idineklarang regular ang 378 manggagawa ng Har-bour Centre. Nakasaad din sa desisyon ng DOLE na hindi mawawala ang kanilang se-niority rights at dapat silang tumanggap ng lahat ng be-nepisyo ng mga regular na manggagawa at maging ba-hagi ng payroll ng kumpanya. Inatasan din ang manpower agency at HCPTI na bayaran ang 378 manggagawa ng halagang P99.88 milyon bi-lang money claims sa un-derpayment of wages, illegal deduction, underpayment ng 13th month pay at un-derpayment ng holiday pay.

Maliit na bilang pa ang 378 na mangagagawa na na-regular dahil aabot sa 4,000 ang kontraktwal sa Harbour Centre. Nanawa-gan naman ang pamunuan ng SMHC sa kanilang mga kapwa manggagawa na lalo pang magkaisa para sa mas malalaki pang laban na pa-parating. Bumubukas din ang samahan sa iba pang manggagawa sa HCPTI para makamit din ng mga ito ang naabot nilang tagumpay.

Walang Happiness...

HULYO - SETYEMBRE 2017

Kryzl Mendez

CTUHR

Mula Agosto 31 hanggang Setyembre 21, ginanap ang Pambansang Lakbayan ng Pambansang Minorya 2017 sa pangunguna ng alyan-sang Sandugo. Bitbit ang temang “Lakbayan ng Bang-samoro at iba pang Pam-bansang Minorya: Ilantad at Labanan ang Pasistang Diktadurang US-Duterte,” li-bu-libong mga Moro, Lumad at iba pang pambansang minorya ang lumahok dito. Nagkampo ang mga grupo

Libu-libong Moro, Lumad at Pambansang Minorya ,Lumahok sa Lakbayan 2017sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman kung saan mainit sil-ang tinanggap ng adminis-trasyon, guro, kawani at mga mag-aaral at dinayo ng iba’t ibang sektor sa Kamaynilaan.

Isa sa mga mayor na isyung bitbit ng mga katutubo, lalo na ng mga Lumad ay ang nagpapatuloy at tumitind-ing pasismo sa kanilang mga lugar. Patuloy ang pama-maslang sa mga magsasaka at katutubo at tuluy-tuloy pa

rin ang saplitang pagpapa-layas sa mga Lumad sa kanil-ang mga lugar. Sunud-sunod din ang pag-atake sa mga paaralan ng mga kabataang Lumad. Matatandaan noong Hulyo, si Pangulong Duterte mismo ang nanawagan na bombahin ang mga paaralan ng mga Lumad dahil diuma-no’y iligal ang mga ito at pina-patakbo ng mga rebelde.

Kinundena rin ng Sandugo ang pagpapatupad ng Mar-

tial Law sa Mindanao. Nagdu-lot ito ng sapilitang paglikas ng maraming mamamayan ng Mindanao. Napakarami ring nabiktima ng mga “air-strikes” ng gobyerno. Kahit labas sa Marawi kung na-saan ang saan naroon ang Maute Group, tuluy-tuloy ang panunupil, harassment, pamamaslang at iba pa.

Ang halos isang buwan ng Lakbayan ay nagtapos sa

sundan sa p.10

BALITA

Larawan | Mula FB page ng Samahang Mangagawa sa Harbor Centre

Page 5: OPISYAL NA PUBLIKASYON NG CENTER FOR TRADE …ctuhr.org/wp-content/uploads/2017/11/CTUHR-MONITOR.pdf · ekonomiya. Nag-aalok ng mga lupaing katutubo at sakahan sa dayuhang puhu-

5

Roben Casalda

Laban sa Prekaryosong Trabaho,Sinang-ayunan ng kababaihan sa Asia Pacific Ininderso ng mahigit 300 delegado ng Asia Pacific Feminist Forum (APFF) na ginanap sa Thailand noong Setyembre 7-9, 2017 ang pa-glaban sa prekaryoso at ‘di tiyak na trabaho sa mundo, at pagkakamit ng disen-teng trabaho. Nangako rin ang kapulungan na lalahok sa Pandaigdigang Araw ng Pagkilos Laban sa Prekaryo-song Trabaho sa Oktubre 7. Pagpapakita anila ito na ang nat urang ng usaping ito ay hindi lang kaugnay ng karapatang pangmanggaga-wa, kundi pagkakamit ng karapatan ng kababaihan.

Inihain ang resolusyon matapos ang isang work-shop na inorganisa ng Cen-ter for Trade Union and Hu-man Rights (CTUHR) at ng

HULYO - SETYEMBRE 2017

Asia Pacific Forum on Wom-en Law and Development (APWLD) sa loob ng APFF hinggil sa Women Resisting Precarious Work at Trans-forming Anger into Hope and Action: Global Strike.

Tinuligsa ng mga dumalo sa dalawang workshops ang pag-iral ng tinatawag na `tri-angular employment’ (em-ployer, manpower agencies at mga manggagawa) upang takasan ng kapitalista ang kanilang responsibilidad sa pagbibigay sa mga mang-gagawa ng mga benepisyo tulad ng maternity benefits.

Inihalimbawa rito ang pag-papailalim sa pregnancy test sa mga entertainment work-ers sa Cambodia, kung saan kagyat na tinatanggal ang

M NITOR

mga nagdadalantao. Tinulig-sa rin nila ang pangangailan para sa pleksibleng pagga-wa at dagliang tubo para sa employer at kapitalista na nagpalala sa ganitong tipo ng empleyo upang makatip-id ang mga kapitalista; Ayon pa rin sa mga dumalo, mayorya ng manggaga-wang sinasaklaw ng mai-kling kontrata, short-term at part-time contracts ay mga kababaihan, sa dahilang sila rin ang gumagampan sa sa gawaing bahay at pangan-galaga sa pamilya. Anila ang mga kababaihang nasa prekaryosong trabaho ay kumikita lamang ng 40-60%

ng kabuuang kita ng mga kalalakihang may perman-enteng trabaho. Dagdag pa nila, ang mga manggaga-wang nasa prekaryosong trabaho ay tatlong beses na posibleng mamuhay sa kahirapan kumpara sa per-manenteng manggagawa. Ang APFF na iniorganisa ang APWLD ay isang mal-aking pagtitipon ng mga kinatawan ng ibat-ibang organisasyon at kilusan ng kababaihan, akademya at propesyon di lamang mula sa Asia Pasipiko kundi maging sa Europa at Amerika. Idina-raos ito tuwing ikatlong taon.

News Bureau

long ang panawagan na sila ay gawing regular ng CCBPI.Matatandaan na noong Mayo 20, 2013 naglunsad ng welga ang Unyon ng Manggagawa-ng Driver Forklift at Pickers (UMDFP) sa Sta. RosaCCBPI sa usapin ng kontrakwalisasyon

at nagawang maparalisa ang oper asyon ng nasa-bing planta. Makalipas ang tatlong araw na welga, bu-migay ang manedysment at ini-regular ang 430 na mang-gagawa na kasapi ng UMDFP.

Walang Happiness...

BALITA

Larawan: Mga Delegado sa Asia-Pacific Forum on Woman, Law and Development | Chiang Mai, Thailand | Setyembre 7-9, 2017

Page 6: OPISYAL NA PUBLIKASYON NG CENTER FOR TRADE …ctuhr.org/wp-content/uploads/2017/11/CTUHR-MONITOR.pdf · ekonomiya. Nag-aalok ng mga lupaing katutubo at sakahan sa dayuhang puhu-

HULYO - SETYEMBRE 20176

CTUHRLATHALAIN

Bago at matapos mailuklok sa pwesto, malinaw pa ang binitiwang pangako ni Pangulong Duterte sa mamama-

yang Pilipino: pagbabago. Subalit, makalipas lamang ang isang taon, mabilis na nagpalit-anyo si PDuterte kabaligtaran sa ipinaman-dila niya na siya ang unang ‘leftist’ at ‘sosy-alitang’ pangulo ng Pilipinas.

Ang totoo, walang pagbabagong nararamdaman ang mga ordinaryo at mang-gagawang Pilipino. Kaliwa’t kanan ang pa-tayan dahil sa war on drugs, na sinasabayan rin ng pag-atake sa mga karapatan ng mga manggagawa sa trabaho at nakabubuhay na sahod.

PANGAKONG END ‘ENDO’, NAPAKO Sa kabila ng pangakong wawakasan niya ang ‘endo’ o kontraktwalisasyon, walang sinseridad si PDuterte na iangat ang antas ng kabuhayan ng mga manggagawa. Sa katunayan, sa kaniyang dalawang State of the Nation Address, wala siyang binanggit hing-gil sa mga manggagawa. Ang pangako ni PDuterte, tila labas lang din sa tenga ng Department of Labor and Employment. Pinipilit ng DOLE ang anila’y “win-win”solution pero ang totoo ay pinapaboran lamang nila ang interes ng malalaking negosyante at kapitalista. Wala namang ipinag-iba kundi mas masahol pa nga kung tutuusin ang inilabas na DO 174 ng DOLE sa sinundan nitong batas na DO 18-A ng nagdaang administrasyon. Lalo lang pinaigting ng DO 174 ang kalakaran ng kontraktwal na paggawa. Inililibre nito ang prinsipal na kumpanya sa anumang pananagutan sa manggagawa at ipinapasa lang ito sa agency kahit wala na-

Civil andPolitiCal Rightsviolations (July 1, 2016 – June 30, 2017)

14 ExtrajudicialKillings

13 Frustrated/Attempted Murder

3Massacre

500 Threat, Harrasment andIntimidation

451 Red Tagging/Red Baiting

250 Violent Dispersal ofWorker’s Picketline

602Assault in the Picketline

86Arbitrary Arrest/ Detention

1RAPEFabrication of Criminal Charges due to PoliticalBelief86Illegal Searches andSeizure Assault in thePicketline18

Food Blockade250

man silang direktang kinalaman sa aktwal na operasyon at produksyon ng kumpanya. Por-mal rin na nilegalisa ng DO 174 ang mapait na kalakaran na “nareregular”ang mga mang-gagawa sa service provider o manpower agency habang inaalis ang karapatan nila sa mga benepisyo. Samantala, kaduda-duda naman ang ipinagmamalaki ng DOLE na 70,000 mang-gagawa na ang naging regular sa ilalim ng administrasyong Duterte. Maganda mang balita ito kung totoo, napakalayo pa rin nito sa tinatayang 2.4 milyong kontraktwal. Isa rin malaking tanong kung saan empresa o kumpanya sinasabing naregular ang mga manggagawa at kung sila ba ay naregular sa prinsipal o regular lang sa manpower agency dahil wala namang ibinibigay na detalye ang DOLE tungkol dito.

BARAT NA SAHOD, BARYA-BARYANG UMENTO Minsang binanggit ni PDuterte na isusulong niya ang pagpapatupad ng “na-tional minimum wage law”. Ito ay para mag-ing pantay ang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila at mga nasa probinsya. Pero sa nakalipas na taon, hindi naman nakatikim ng dagdag-sahod ang mga manggagawa sa buong bansa. Inaprubahan kamakailan ng DOLE-National Wages and Productiv-ity Commission ang P21 sa National Capital Region sa kasagsagan ng pagtutol sa panuka-lang Compressed Work week. Pero malinaw na insulto ito sa panagawan ng mga mang-gagawa na P750/day na national minimum wage. Ni wala pa nga sa kalahati ng P1,119 family living wage ang kasalukuyang P512 na sahod ngayon sa NCR. Mas maliit pa dito

Hindi ligtas sa paglabag sa karapatang pantao ang mga manggagawa. Mula nang maupo si PDuterte sa pwesto, may naitala na ang CTUHR na 193 bilang ng kaso ng pa-glabag sa karapatang pantao ng mga manggagawa.

BIGONG pangako ni digongKALAGAYAN NG MGA MANGGAGAWA SAUNANG TAON NG ADMINISTRASYON DUTERTE

Kryzl Mendez

Page 7: OPISYAL NA PUBLIKASYON NG CENTER FOR TRADE …ctuhr.org/wp-content/uploads/2017/11/CTUHR-MONITOR.pdf · ekonomiya. Nag-aalok ng mga lupaing katutubo at sakahan sa dayuhang puhu-

7HULYO - SETYEMBRE 2017

sundan sa p.

M NITOR

violation of the Right to seCuRity of tenuRe

ang sahod sa iba pang rehiyon. Ang mas malala pa, batay sa pagsu-suri ng CTUHR, ay maraming kumpanya ang lumalabag sa pagpapatupad ng legal na mini-mum na sahod. Isang kongkretong halimba-wa rito ay ang kaso sa Valenzuela City kung saan mahigit kalahati (66.6%) ng manggaga-wang sahuran ang hindi tumatanggap ng minimum na sahod sa kabila ng pagtatrabaho ng lagpas sa itinakdang walong oras na pag-gawa. Kadalasan na tumatanggap lamang sila ng P400 – P481 sa labing dalawang (12) oras na paggawa. Higit na mas mababa pa ang sina-sahod ng mga manggagawa sa sektor ng pagmimina at agrikultura lalo na iyong mga manggagawang bukid na biktima ng labor trafficking. Noong Disyembre 2016, nasagip ng Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura ang mga sakada na nirekrut sa Mindanao para magtrabaho sa panahon ng “kabyaw” o “ milling season” sa Hacienda Luisita sa Tarlac. Nakatanggap lang sila ng P5.47 hang-gang P128.31 kada araw. Hindi na nga sila pinasahod ng tama, hindi rin maayos ang

Hindi ligtas sa paglabag sa karapatang pantao ang mga manggagawa. Mula nang maupo si PDuterte sa pwesto, may naitala na ang CTUHR na 193 bilang ng kaso ng pa-glabag sa karapatang pantao ng mga manggagawa.

kanilang tirahan at pagkain.

ATAKE SA KARAPATAN Hindi ligtas sa paglabag sa karapa-tang pantao ang mga manggagawa. Mula nang maupo si PDuterte sa pwesto, may naitala na ang CTUHR na 193 bilang ng kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga manggagawa. Hindi malayong mas malaki pa ito kung isasama ang mga isinasampang labor case sa DOLE, NCMB at NLRC. Ang nakakabahala pa ay umabot na sa 14 ang biktima ng pamamaslang sa hanay ng mga manggagawa at manggagawang bukid sa unang taon pa lang ni PDuterte. Mas mataas ito kumpara sa anim (6) na biktima sa unang taon ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Ginagamit rin ang War on Drugs o Oplan Tokhang para supilin ang mga unyoni-sta. Kagaya na lamang ng ginawa ng 66th Infantry Battalion para takutin at i-harass ang mga manggagawa ng Sumitomo Fruits at Shin Sun Tropical Fruits sa Compostela Valley. Noong Oktubre 2, 2016 naman nang arestuhin ang pitong magsasaka sa San Jose Del Monte, Bulacan at sampahan ng ga-wa-gawang kasong may kinalaman sa iligal na droga. Patuloy rin ang panunupil sa karapa-tan ng mga manggagawa na mag-unyon. Ti-natakot o pinagbabawalan ng mga employer at manpower agencies ang mga manggagawa

na mag-organisa o makipag-ugnayan sa mga unyon. Ang hakbang na ito ay para pahi-nain ang pagkakaisa ng mga manggagawa at alisan sila ng boses para igiit ang kanilang mga karapatan sa trabaho. Sa lahat ng mga pag-atakeng ito la-ban sa mga manggagawa, walang ginagawa-ng hakbang ang DOLE at mismong gobyerno para panagutin ang mga lumalabag. Sa halip, kasapakat pa mismo sila ng mga kapitalista sa pagpapahirap sa mga manggagawa.

PAGKAKAISA NG MANGGAGAWA Walang ibang tugon ang mga mang-gagawa laban sa walang puknat at tumitind-ing paglabag sa kanilang karapatang pantao kundi ang sama-samang pagkilos at mahigpit na pagkakaisa. Sa isang taon ni PDuterte, si-yam (9) na welga na ang naitala para tutulan ang kontraktwalisasyon, iligal na tanggalan sa trabaho, union-busting, sistemang pa-kyawan at iba pa. Hindi malayong lalaki pa ang bilang ng nagpoprotestang manggagawa dahil sa diskuntento sa pamumuno ni PDute-rte at kawalang puso nito sa mahihirap. Dismayado ang mga manggagawa sa mga napakong pangako ni Duterte. Ito rin ang nagtutulak para sa kanila na higit pang palakasin ang panawagan para sa pagw-awakas sa kontrakwalisasyon at para sa mak-abuluhang dagdag-sahod. Sa kagyat, malakas na panawagan ngayon ng mga manggagawa ang pagpapabasura sa DO 174,gawing kon-traktwal ang lahat ng manggagawa, at ip-atupad ang pambansang minimum sa sahod. Mariin din na tinututulan ngayon ang pa-nukalang Compressed Work Week na isang iskema para lalo pang baratin ang sahod ng mga manggagawa habang sapilitan silang pagtatrabahuin ng lagpas sa walong oras.Ngayong inilantad na ni PDuterte ang sarili na walang ipinag-iba sa mga nagdaang rehi-men, at kinatawan ng naghaharing uri, hindi na kataka-takang sarado ito sa mga karain-gan ng taumbayan. Susi ngayon ang higit na pagkakaisa ng manggagawa at buong sam-bayanan para isulong ang tunay na pagba-bagong hindi kusang ibibigay ng sinumang nasa pwesto.

Dismissals Due to Labor Dispute

Retrenchment/Closure Layoff

Labor Flexibilization

Long-term Contractualization & Labor Only Contracting

violation of the Right to fReedom of assoCiationand ColleCtive baRgaining agReement

Union-busting

Harrasment of unionist in the workplace

Interference of union affairs

Non-recognition of Union

Prohibition of Right to Strike

LATHALAIN

Uri ng Paglabag # ng Kaso # Biktima

11 237

8 2,558

51,15211

52 43,894

2 220

8 2,028

3

7173

1 800

Cba violation and issues

Non-implementation of CBA 3 1002

Bargaining in Bad Faith/Refusal to Bargain 2 320

Ang CTUHR MONITOR ay inilalathala kada tatlong buwan ng Center for Trade Union and Human Rights, isang non-gov-ernment organization na nagdodokumento ng mga paglabag sa karapatang pangmanggagawa at pantao. Para sa mga kata-nungan, suhestiyon, at reaksyon, kontakin ang CTUHR sa 411 0256 o sumulat sa [email protected]. Maaari rin bisi-tahin ang www.ctuhr.org para sa karagdagang impormasyon.

Page 8: OPISYAL NA PUBLIKASYON NG CENTER FOR TRADE …ctuhr.org/wp-content/uploads/2017/11/CTUHR-MONITOR.pdf · ekonomiya. Nag-aalok ng mga lupaing katutubo at sakahan sa dayuhang puhu-

HULYO - SETYEMBRE 20178

CTUHR

Sumama si Jomar sa Lakbayan ng Katutubo 2017 dahil sa kahirapan. Siya ay miyem-bro ng Hugpong sa Mag-uu-

mang Bohol-anon (HUMABOL). Iti-natag ang HUMABOL taong 1984 at founder ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Ang mismong pangangam-kam sa kanilang lupa ang dahilan ng pagluwas niya ng Maynila. Ayon sa kanya, inuuna ng lokal na gobyerno ang turismo sa kanilang probinsiya. May malalaking dam sa Bohol na pinagkakakitaan ng National Irriga-tion Authority (NIA), halos 50 mily-ong piso ang kikitain nito, ayon kay Jomar. Simula nang ipatayo ang dam, maraming lupang sakahan ang pinapa-tag o tinatawag nilang ‘land level’ na hindi naman naabutan ng tubig mula sa pinatayong dam. Mayaman sa any-ong tubig ang Bohol. Mayroon itong umaabot sa 59 bilang ng mga ilog. Isang halimbawa nito ay Malinao Dam sa Pilar, Bohol na itinayo noong 1988 hanggang 1996. Ang contractor ay Hanjin Engineering and Construc-tion Company sa Korea at ang consul-tant ay Nippon Koei Co. Ltd. sa Japan. Umaabot sa 4, 960 ektarya ang service area ng Malinao Dam na pinondohan ng Japan ODA o Official Develop-ment Assistance sa halagang Php1.4 bilyon na pautang ng Overseas Eco-nomic Cooperation Fund (OECF).

Ngunit animnaput lima hanggang pi-tumput-limang porsyento lamang ng 4, 960 ektarya ng lupang agrikultural ang naabutan ng irigasyon, at halos 30 % - 35 % pa ang hindi nabibiyaan ng irigasyon, ayon na rin sa multistakeholder meeting ng NGO’s , HUMABOL, JICA (Japan International Cooperative Agency). Magpahanggang ngayon hindi pa rin makapagbigay ang NIA ng eksaktong sukat ng lupang hindi inaabot ng iri-gasyon. Lalo na kapag tag-init, dumara-mi pa ang hindi nabibiyaan ng patubig . Ayon sa HUMABOL, nasa 1, 363 ang mgamagsasakang pumirma sa land-lev-eling na pinangakuan ng kaukulang kabayaran, sustainable livelihood at pagsasanay ng TESDA at relokasyon

“Hindi rin naniniwala si Jomar na mal-aki ang inunlad ng probinsya niya simula nang makilala ang Bohol sa magagandang tanawin. Hindi silang mag-sasaka ang nakikinabang sa turismo. ”

Zamora, Talibon ay Small Reservoir Ir-rigation Project na ang service area ay 1, 500 ektarya ng agrikulturang lupain. “Nagsasabwatan ang mga ahensiya ng gobyerno imbes na kilalanin ang ang aming karapatan sa lupa at ipamahagi ang sana ay matatanggap nilang tulong mula sa mga ahensiyang ito”, ani ni Jomar. Binanggit ni Jomar ang plano ng LGU na maging rice granary ang Bohol sa Central Visayas kaya nagpapatayo ito ng maraming dam ngunit naglilikha rin ito ng korapsyon. Ang Talibon dam halimba-wa na nagkakahalaga ng Php 165 milyon ay idinedeklara ng NIA na finished con-struction ngunit ang totoo, kanal pa lang ang nagagawa at wala pang ‘structure’ o itsura ang buong dam. Taong 2000 nang madiskubre ng HUMABOL ang anoma-lya sa Talibon dam na sangkot si Engr.

Calixto Se-roje, ang provincial i r r iga t ion m a n a g e r. Natuklasan umano ng HUMABOL na ang ba-

hagi ng pondo ng Bayongan dam ay ginamit na pambili ng service vehicle ng kanilang gobernador at kongresista.

Fact-Finding MissionAng nutrients ng lupa ay nasa topsoil, sa land leveling pinapatag at itinatapon ang lupa. Mahirap itong pumailalim sa rehabilistayon ayon sa HUMABOL. Sa panawagan ng rin mag magsasaka at sa tulong ng HUMABOL, napilitan ang JICA na maglunsad ng FFM noong Mayo hanggang Augusto 2010. Kaagapay ang Friends of the Earth, na kaugnay rin ng HUMABOL, pinaayos ng JICA sa NIA

ngunit wala ni isa sa mga rekomen-dasyong ito ng JICA Fact Finding Mis-sion ang tinupad ng NIA. Kung kaya marami ang tumutol sa public hearing ng NIA na inilunsad noong Agusto 24, 2009.

Maliban sa kakulangan ng tubig ng iri-gasyon at land leveling, kinakaharap din ng magsasaka ang pagbabayad sa Irriga-tion Service Fee (ISF) sa halagang 150 kilo ng bigas kada ani bawat isang ektarya (o P1, 500 ). Sapilitan ang paniningil ng NIA ng ISF sa ibang magsasaka kahit hindi sila naabutan ng irigasyon at nasisi-ra ang ani nila dahil sa kulang sa patubig.

Ang lahat ng agrikultural na lupain na su-mailalim sa land development ng LGU’s ay kin0kontrata na babayaran sa loob ng sampung taon. Karamihan sa mga magsasaka ay napilitan lang na ipatag o ‘land level’ ang lupang kanilang si-nasaka dahil kung hindi sila papay-ag kukump-iskahin ito ng LGU ito gamit ang acquisition power. Matapos maitayo ang Malinao dam su-munod na itinayo ang Bayongan dam sa San Miguel, Bohol. Ipinatayo ang Bay-ongan dam, diumano para saluhin ang excess water ng Malinao dam, na siya naman pinabulaanan ng HUMABOL. Malabo raw magsilbing ‘siphon’ ang Bayongan dam ng Malinao dam da-hil tulad nga ng nabanggit, malaking porsyento ng ektarya ng agrikulturang lupain ang hindi pa inaabot ng irigasyon. Umaabot sa 5,300 ektarya ang service area ng agrikulturang lupain ng Bayon-gan dam. Ang Taliban dam naman sa Brgy.

Iggie Espinosa

LATHALAIN

SI JOMAR AT ANG HUGPONG SA MAG-UUMANG BOHOL-ANON

Page 9: OPISYAL NA PUBLIKASYON NG CENTER FOR TRADE …ctuhr.org/wp-content/uploads/2017/11/CTUHR-MONITOR.pdf · ekonomiya. Nag-aalok ng mga lupaing katutubo at sakahan sa dayuhang puhu-

HULYO - SETYEMBRE 2017 9

M NITORang mga sirang kanal at nagrekomen-dang gumawa ng mga bagong kanal para umabot ang tubig papunta sa lupang sakahan na hindi inaabot ng irigasyon. Itinanggi ng NIA ang kapabayaan nito sa mga dam at ikinatwiran na hindi naman perpekto o 100 % na mapag-sisilbihan ang lahat ng mga proyektong ginagawa nila. Idinadagdag pa nito ang mungkahing pagpapataas ng dalawa (2) metro pa sa dam para daw tumaas ang reservoir at dumami ang maiimbak na tubig. Tinutulan ito ng HUMABOL at iginiit na umabot man hanggang langit ang dam, hindi sapat ang tubig mula sa ilog ng Wahig at Pamacsalan.

“Prayoridad ng lokal na pamahalaan ang pagtatayo ng hotel kaysa pagi-bayuhin ang programa para sa mag-sasaka at maralita. Walang sekyuri-dad ang mga manggagawang bukid sa lupa at trabaho. Wala rin binigay na tulong pangkalusugan kung sakaling magkaroon sila ng sakit,” ani Jomar.Hindi rin naniniwala si Jomar na mal-aki ang inunlad ng probinsya niya simula nang makilala ang Bohol sa magagandang tanawin. Hindi silang magsasaka ang nakikinabang sa turismo.

Laban kontra sa pagtatayo ng oil palm plantation Binigo ng paglaban ng mga magsasa-ka at HUMABOL ang balak na pagta-tayo ng hiwa-hiwalay na oil palm plan-tations ng Philippine Agricultural Land Development and Mill, Inc na pinamu-munuan ni Richard Uy, Chairman of the Board rin ng First Consolidated Bank kasama si Mr. Chan Lok ng Agu-mil Philippine Inc. Aaabot sana ito sa 45 ektarya lupain sa saklaw ng18 muni-sipyo ng Carmen, Dagohoy, Sagbayan, Danao, Sierra Bullones, Pilar, Trinidad, Talibon, San Miguel, Bien Unido, Ubay, Alicia, Mabini, Inabanga, Getafe, Bue-navista, Jagna, at Garcia Hernandez. Umabot lamang sa pitong (7) ektarya ng lupa ang pinagtataniman ng oil palm.Ayon na rin sa HUMABOL, hindi maka-kapang-agaw ng lupain ang mga kump-

anya dahil inokupa na ng magsasaka ang lupa, ang iba naman ay nagawaran na ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) o ‘di kaya ay kasun-duan sa Department of Environmen-tal and Natural Resources (DENR). Ilan lang ito sa isinasalaysay ni Jomar na tungkol sa pakikibaka ng magsasaka, “Marami na ang nagbuwis ng bu-hay, tatlo sa lider naming ang na-matay”, pagtatapos ni Jomar.

Marcos kroni, Cojuangco-Mitras-Villa sa pang-aagaw ng lupa Ikinuwento rin ni Jomar ang panahon ng pag-ookupa ng lupa sa ilang bah-agi ng Bohol ng Cattles Corporation na pag-aari ng pamilyang Mitras, Co-juangco at Villa. Malaking rancho ito na matatagpuan sa San Vicente Trinidad na may kabuuang laki na 1, 900 ektaryang lupain. Napag-alaman ng HUMABOL na ang Bohol Catlles Corporation ay mula sa nakaw na yaman ng Marcos kroni na sila Danding Conjuanco at Mitras, Kaya matapos mapag-alaman, magkasunod na inokupa ang rancho noong 1986 at 1987 sa pangunguna ng Talibon-Trin-idad Integrated Farmers Association (TTIFA). Nasa 38 miyembro lamang ang TTIFA nang maganap ang okupasyon. At bigo ang magsasaka na bawiin ang lupa dahil hinarap sila ng mga priba-dong sekyuridad at cowboy. Sinunog ng mga sekyu ang kanilang bunkhouses at kinasuhan sila ng arson, pagnanakaw at forcible entry. Tatlong TTIFA lider naman ang namatay taong 1993- 2007. Nagpatuloy ang pakikibaka. Taong 1995 ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang 600 ektarya ng lupa sa miyembro ng TTIFA at nagkaloob din ng tatlong (3) ektarya bawat magsasaka.

Banta ng ‘War on Terror’ “Apektado kami ng War on Terror ni Duterte, may dumating na Abu Sayyaf sa lugar namin,” wika ni Jomar habang inaalala ang ASEAN Ministerial Meet-ing on Economic and Trade na ginanap sa Panglao, Bohol nitong Abril 19-22. Dumating ang mga pump boat sa In-

abanga, Bohol na mula diumano sa Sulu. “Ayaw naming paniwalaan na pag-aari ito ng mga Abu Sayyaf, kasi maliit lang ang pump boat, hindi nito kayang su-magwan papuntang Bohol dahil sa malalakas na alon. Naglalaman ng mga baril ang pumpboat”, dagdag ni Jomar. Ika- 11 ng Abril raw nang maganap ang bakbakan ng Armed Forces of the Philp-pines (AFP) at Abu Sayyaf Group (ASG). Binomba ng elemento ng AFP ang siyam (9) na komunidad sa Sitio Ilaya, Brgy. Napo, Inabangan Bohol. Hindi lamang siyam na beses ang pangbobomba ayon na rin sa mga residente. Ito raw ang kau-na-unahang magkakasunod na pangbob-omba ng AFP ayon sa HUMABOL. Tina-taya nilang isang bomba kada isang ASG.

“May dalawang matatanda na ‘stroke’ at alam ng mga militar na sila ay nai-‘stroke’ ngunit binomba pa rin ang ba-hay nila. Ang masakit sa bahaging iyon, pinalabas ng mga sundalo na miyembro ng Abu Sayyaf ang dalawang matanda”, pagbabahagi ni Jomar habang umiiling. May mag-asawa na parehas na senior citizen rin ang napatay ng AFP. Inilan-tad ito ng HUMABOL at Gabriela Bo-hol chapter sa protestang ginanap bago ang ministerial meeting. Pero, itinanggi ng AFP na sibilyan ang namatay kundi mga miyembro raw ang dalawa ng ASG.

“Pati kaming ordinaryong magsasaka pinagbibintangan na Abu Sayyaf dahil sa pagsali namin sa organisasyon. Hin-di rin binigbigyan ng 4Ps ang benepis-yaryo kapag nalaman nila na kasama sa organisasyon,” pagtatapat ni Jomar. Aniya, pinaparatangan ng AFP ang HUMABOL na nag-aalaga ng ASG dahil sa ginawa nitong paglalantad sa pagkamatay ng dalawang sibilyan. Bago raw naganap na engkwentro sa pagitan ng AFP at ASG, ibinalita na may banta ng terorismo at binalaan ng US government ang kanilang mamamayan na iwasang dumayo sa Bohol. Naglabas din ng babala ang AFP na may tangka ng pambobomba sa mga daungan ng Bohol,.

sundan sa p.10

LATHALAIN

Page 10: OPISYAL NA PUBLIKASYON NG CENTER FOR TRADE …ctuhr.org/wp-content/uploads/2017/11/CTUHR-MONITOR.pdf · ekonomiya. Nag-aalok ng mga lupaing katutubo at sakahan sa dayuhang puhu-

10 HULYO - SETYEMBRE 2017

CTUHR

Matapos ang ang ilang araw, nalaman ng HUMABOL na ibinalik ang Balikatan Ex-ercises sa Leyte na kalapit lang ng Bohol. Maalala na noong panahon ng Bantay Laya 1 at 2 ni dating pangulong Arroyo, nasa pito (7) ang bik-tima ng pampulitikang pam-amaslang sa probinsya. Sa ilalim naman ng Oplan Kapa-yapaan, ang Countryside De-velopment Program – Purok Power Movement (CDP-PPM) dumami pa ang tala ng paglabag sa karapatan pantao kasama na ang pananakot, pagbabanta, harassment, ile-gal na pag-aresto sa mga magsasaka sa pangunguna ng 47th Infantry Batallion.

Si Ka Paeng Mariano- makamagsa-saka Pinangangambahan ni Jomar ang pagla-la ng pang-aagaw ng lupa ngayong wala na si Ka Paeng Mariano sa DAR.

Sabi niya, magbibigkis ang maralitang api laban sa pagsasamantala kung pau-lit-ulit ang pang-aabuso at pagpatay. “Malaking tulong ang pagkakaupo

ni Ka Paeng bilang DAR Sec-retary, nagpatawag siya ng

meeting sa HUMABOL at nangakong tutulungan n’ya ang pederasyon na maresolba ang mga us-apin sa lupa”, ani Jomar.

Ilan sa kahilingan ng HUM-ABOL na 1) Ibaba ang ISF

hanggang maging libre ang pa-tubig 2) Buwagin ang utang dulot ng land leveling 3) Rehabilitasyon sa land leveling na lupa 4) Bayaran ang lupang apektado ng land leveling Si Jomar, kabiyak na niya ang gunita ng hinagpis ng kanilang sinapit mula sa kalupitan ng naghaharing-uri. Natiti-yak niya na ang hamon ay laging mag-babanta hangga’t nanaig ang kasamaan

ng iilan. Kasama ang maralitang magbu-bukid mula sa Bo-hol, tinawid nila ang milya-milyang dagat upang maiparating sa kalunsuran ang kanilang hinaing at ninanais. Mula rito nais nilang maibah-agi ang masalimuot nilang karanasan sa iba pang mga kaba-bayan- karanasan ng kanilang pakikiba-ka na kahintulad sa pakikibaka ng mga ninunong nagbuwis ng dugo at pawis para sa bawat tagump-ay– upang sariwain at kapulutan ng aral ang kasaysayan.

*Nasa orihinal na lenggu-waheng Hiligaynon ang sagot ng mga kapanayam na isinalin sa Filipino.

7:00 amNagtimpla ug nescafe creamy whiteMaayo kini mo painit sa ubol ubolMi vibrate ang celphone nag text si Tessienagkanayon“Kanus-a ka mo pauli Duy Eddie?Ang mga maningilay ga balik balik na diri.”

Reply: “Tessie wa pay suweldo.”Message Not Sent Insufficient Balance

8:30 amInig human taud sa atop aningmakeshift classroom-magtaud sa bong bong-magtaud sa doorjam ug purtahan-magtaud sa kawayan nga bintanaAko nabalaka daku pa ug utangapan wala pay project balhinan.

12:30 nnKalimut sa kadaghag buluhatonUnsa ni pamahaw tingbon sa pani-hapon?Kasakit palandongon ning sitwasyonKusog, abilidad, lawas ray kapitalApan kas-ara ig kita ang sud an ug kan on.

5:00 pmLain ang panahon murag dili mi mo overtime karun.

No Overtime

Libu-libong Moro, Lumad...isang dambuhalang pagkilos ng mam-amayan noong Setyembre 21, komem-orasyon ng pagdedeklara ng Martial Law ng diktaduryang Marco. Tina-tayang 30,000 ang lumahok sa protes-ta at dumagundong ang panawa-gang “Never Again to Martial Law!”

Naging matagumpay ang Lakbayan 2017, sa pangkabuuan. Malakas itong nakapagrehistro ng mga panawagan sa rehimeng Duterte at malawak na na-kapagmulat ng mga kabataan, marali-tang lunsod, propesyunal at iba pang sektor hinggil sa tunay na kalagayan ng mga pambansang minorya at Moro.

Kamz Deligente

LATHALAIN

HULYO - SETYEMBRE 2017

Reval M. Babiera

PANITIKANSI JOMAR AT ANG HUGPONG SA MAG-UUMANG BOHOL-ANON

Page 11: OPISYAL NA PUBLIKASYON NG CENTER FOR TRADE …ctuhr.org/wp-content/uploads/2017/11/CTUHR-MONITOR.pdf · ekonomiya. Nag-aalok ng mga lupaing katutubo at sakahan sa dayuhang puhu-

M NITOR

No Overtime

LATHALAIN

HULYO - SETYEMBRE 2017 11

Reval M. Babiera Ano ang Senate Bill 1571 o Flexible Work Arrangement Bill? Ang Flexible Work Arrangement Bill o Compressed Work Week Bill ay isang

iskema ng pleksibleng paggawa. Sa ilalim nito, gagawin na lamang na apat na araw ang pasok ng mga manggagawa kada linggo. Pero ang kapalit naman, kailangan nilang magbanat ng buto sa loob ng higit 8 oras o 12 oras kada araw. Mabilis na naipasa sa mababang ka-pulungan ng kongreso ang panukalang “com-pressed work week” habang niraratsada na rin ang bersyon nito sa Senado.

Ano ang layunin ng panukalang ito? Sinasabi ni Baguio Rep. Mark Go na siyang nagpanukala ng HB 5068 na makakakat-ulong ang CWW para magkaroon ng “work-life balance” ang mga manggagawa at empleyado. Ito rin aniya ay para sa “business competitiveness, work efficiency at labor productivity”. Inihain naman ni Senador Joel Villan-ueva, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Develop-ment ang SB 1571 (Flexible Work Arrangement Bill) sa layunin umano na magkaroon ng alterna-tive working arrangement ang employer at mga empleyado. Kabilang sa panukala niya ay ang compressed work week, gliding o flexi-time at flexi-holidays. Bagama’t sa unang tingin ay kaakit-akit ang naturang panukala dahil nangangako ng mahabang araw ng ‘pahinga’ sa mga manggaga-wa, lantad na dagdag lang din ito sa mahabang listahan ng porma ng pleksbilisasyon pabor sa interes ng mga kapitalista.

Bakit KONTRA-MANGGAGAWA ang CWW? Patitindihin lamang ng naturang panu-kala ang matagal nang busabos at aping kalagay-an ng mga manggagawa. Sa katunayan, wala pa mang batas ay marami nang kumpanya lalo na ang nasa manufacturing at service sector ang ilegal na nagpapatupad ng mahabang oras ng paggawa. Sa pag-aaral ng CTUHR mula Hulyo hanggang Agosto ng kasalukuyang taon, lumal-abas na sa greater manila area pa lamang ay 60.3 % na ng mga kumpanya ang nagpapatupad ng forced overtime o trabaho na lagpas sa walong oras. Hindi “alternatibo” ang hatid ng flexi-ble arrangement bill kundi ginagawa lang nitong legal ang pagsasamantala sa mga manggagawa habang binibigyan pang lalo ang mga kapitalista ng dagdag na option paano makapagkamal ng mas malaking tubo mula sa pawis ng mga mang-gagawa. Imbes na ipatupad ang pambansang minimum na sahod at P750 kada araw na mini-mum wage, lalong babaratin ang sahod ng mga manggagawa. Ngayon pa nga lang hindi na su-masapat pangtustos sa mga batayang pangan-gailangan ang arawang kita ng mga manggaga-wa, makakaltasan pang lalo ang kanilang sahod kapag naipatupad ang CWW. Aabot sa P1,227.42 ang mawawalang kita o katumbas ng 16 oras na overtime pay kada linggo o P4,909.68 kada

buwan sa mga sumasahod ng minimum. Dahil dito, matutulak ang mga manggagawa na magbenta ng lakas paggawa o humanap ng iba pang mapagkakakitaan para mapunan ang sahod na mawawala sa kanila dahil sa compressed work week.

Mapanlinlang at mapanganib ang SB 1571 Walang hihindi sa 48-72 oras na pahin-ga. Pero kung ang kapalit naman nito ay panganib sa kalusugan at kawalan ng oras sa sarili at pam-ilya, malinaw na hindi ito ang kailangan ng mga manggagawa. Hindi totoo na ang 4-day workweek ay makapagbibigay ng dagdag na oras para sa pam-ilya. Ang 12 oras na paggawa, sa katunayan, ay pagkakait pa nga sa mga manggagawa ng pana-hon para sa kanilang mga anak. Kung idadagdag pa ang 2-6 oras na nauubos sa biyahe at matind-ing trapik, lalabas na 16-20 oras ang iginugugol ng manggagawa kada araw. Ilang oras na lang kung gayon ang matitira para sa pamilya, sarili at pahin-ga? Wala pa mang ganap na batas, naging normal na kalakaran na ang pagpapatrabaho ng sobra sa walong oras. Talamak ang ganitong sit-wasyon sa maraming pabrika lalo na iyong nasa loob ng special economic zones. Sa datos ng Phil-ippine Statistics Authority noong 2015, nasa 8.105 milyong pinoy ang overworked habang 8.845 mi-lyong pinoy ang nagtatrabaho ng sobra-sobra sa oras. Samakatwid, ilelegalisa lamang ng iskemang compressed work week ang mala-aliping kalagay-an ng mga manggagawa. Mapanghati naman ang panukalang gliding o flexi-time na isa sa nilalaman ng SB 1571. Bagama’t ganito ang praktika sa mga Business Processing Outsourcing o BPO companies, hindi nito sinasalamin ang kalagayan ng mayorya ng manggagawa. Sa aktwal, hindi naman binibig-yang kalayaan ang mga manggagawa na mamili ng oras ng pasok at tapos ng trabaho. Mapanlinlang rin ang Flexi-Holidays Schedule na gustong ipatupad sa ilalim ng SB 1571. Sa iskemang ito, papayagan umano ang mga empleyado na mag-avail ng holiday sa ibang araw. Kung papayag sa ganitong iskema, nanganganib na hindi makuha ng manggagawa ang kaniyang holiday pay. Isang halimbawa dito ang kaso ng Mitsumi Cebu Corp. sa Danao, Cebu. Ginagamit din ng kumpanya ang flexi-holidays para bigyan kuno ng “day-off” ang mga manggagawa. Wala na ngang holiday pay, wala pang kikitain ang mga manggagawa dahil sa no-work, no-pay policy.

Atake sa karapatang mag-unyon at mag-or-ganisa Lahat ng mukha ng pleksibilisasyon ay

atake sa karapatan ng manggagawa na mag-un-yon. Bagamat malinaw sa 1987 Constitution na karapatan ng manggagawa ang mag-unyon, binabalahura ito ng mga kapitalista at mismong gobyerno. Ipinatupad ang iba’t ibang porma ng kontraktwal na paggawa hindi lamang para pag-kaitan ng disenteng sahod kundi para mapigilan din ang mga manggagawa na makapag-organisa sa kanilang hanay. Dahil sa matinding kontrak-twalisasyon, bumaba ng husto ang bilang ng mga unyonisadong manggagawa. Lumalaki naman ang bilang ng mga manggagawang hindi nasa-saklaw ng collective bargaining agreement (CBA). Sa pagpapatupad ng compressed work week, ingungudngod ang mga manggagawa sa labis na paggawa para makapagkamal ng hig-it pang tubo ang mga kapitalista. Gusto ito ng mga kapitalista dahil bukod sa mas malaking kita, mababawasan pa ang oras ang mga manggagawa para sa gawaing unyon at politikal.

Atake sa tagumpay ng walong oras napaggawa Makasaysayan ang walong oras na pag-gawa. Ibinunga ito ng daan taong pakikibaka ng mga manggagawa sa buong daigdig. Taun-taon ipinagdiriwang ang Pandaigdigan Araw ng mga Manggagawa tuwing Mayo Uno, bilang pagpu-pugay sa mga manggagawang minasaker sa Hay-market Square noong 1886 na lumaban para sa walong oras na paggawa. Malinaw na pagbawi sa tagumpay ng walong oras na paggawa ang CWW. Pagbawi rin ito sa karapatan ng mga manggagawa na tu-manggi sa sapilitang overtime at pagtanggap ng benepisyo. Kamatayan ang idudulot ng CWW sa mga manggagawa dahil sa mas mahabang oras ng trabaho, mas maliit na sahod, pagiging bul-nerable sa aksidente at pagkakasakit at kawalang oras para sa pahinga at pamilya.

Magkaisa’t tutulan ang compressed work week Bahagi ng neoliberal na atake ang iske-mang compressed work week. Walang ibang maki-kinabang dito kundi ang mga kapitalista habang lalong isasadlak sa masahol na kalagayan ang mga manggagawa. Hindi ito ang sagot sa mga lehitimong panawagan ng mga manggagwa para sa nakabubuhay na sahod at seguridad sa traba-ho. Kinakailangan na lalo pang pataasin ng mga manggagawa ang kanilang pagkakaisa para tutu-lan at maibasura ang mga kontra-manggagawang patakaran gaya ng CWW at iba pang porma ng pleksibleng paggawa.

Larawan mula sa KMU

CTUHR Position Paper on the Flexible Work Arrangementhttp://www.philstar.com/headlines/2017/08/28/1733457/house-

oks-bill-4-day-workweekHouse OKs bill on 4-day workweek

Position Paper on Compressed Workweek Institute for Occupational Health and Safety Development

(IOHSAD)

MGA DAPAT MALAMANHINGGIL SA PANUKALANGCOMPRESSED WORK WEEK

SANGGUNIAN:

Kryzl S. Mendez

Page 12: OPISYAL NA PUBLIKASYON NG CENTER FOR TRADE …ctuhr.org/wp-content/uploads/2017/11/CTUHR-MONITOR.pdf · ekonomiya. Nag-aalok ng mga lupaing katutubo at sakahan sa dayuhang puhu-

#KNOW YOUR RIGHTS

Anu-ano ang karapatanng mga manggagawa sailalim ng Batas?

1 EQUAL WORK OPPORTUNITIES FOR ALLKarapatan mong magkaroon ng pantay na oportunidad sa trabaho anu-man ang iyong kasarian, lahi, at relihiyon.

2 SECURITY OF TENUREMay karapatan ka sa security of tenure. Ibig sabihin, hindi ka basta-basta maaaring tanggalin sa trabaho ng walang sapat na dahilan at due process.

3 WORK DAYS AND WORK HOURSKarapatang mong mabayaran sa lahat ng oras na ginugol mo sa trabaho. Ikaw ay entitled sa night shift pay kung nagtrabaho ka sa pagitan ng 10 pm hanggang 6 am. Kung sobra sa walong oras ka nagtrabaho, dapat kang makatanggap ng overtime pay.

4 WEEKLY REST DAYKarapatan mong mabigyan ng pahinga na 24 oras matapos ang anim na araw ng paggawa. Kung pagtatrabahuin ka sa araw ng iyong “day off”, dapat kang makatanggap ng kaukulang bayad.

5 WAGE AND WAGE-RELATED BENEFITS

Dapat kang makatanggap ng kaukulang sahod o wage kapalit ng iyong serbisyo o trabaho.

6 PAYMENT OF WAGESDapat ibigay ng direkta sa empleyado ang kaniyang sahod. Maaaring ito ay cash, legal tender o sa pamamagitan ng banko. Dapat makuha ng manggagawa ang kaniyang sahod ng hindi lalagpas sa 16 araw.

7 WOMEN EMPLOYMENT

Mahigpit na ipinagbabawal ang sexual harassment at diskriminasyon sa mga kakabaihan. Karapatan din ng mga babae na tumanggap ng pantay na sahod sa mga lalaki kung pareho ang kanilang trabaho. Entitled ang mga bagong panganak ng 120 araw na maternity leave habang entitled naman sa 10-day paid leave ang mga babaeng empleyado na biktima ng pang-aabuso sa ilalim ng Anti-violence against Women and Children Act. Sa ngayon ay may patakaran rin na bawal ang sapilitang pagpapasuot ng high heels sa mga babaeng empleyado.

8 CHILD LABOR Pinapayagan ng batas na pagtrabahuin ang bata na nasa edad 15. Pero hindi sila maaaring pagtrabahuin ng mabigat o makakasama sa kanilang kaligtasan. Walang sinuman na 18 edad pababa ang dapat i-hire sa mga hazardous jobs o mapanganib na trabaho.

9 SAFE WORKING CONDITIONSKarapatan mong maging ligtas sa trabaho. Dapat tiyakin ng employer ang safe at healthy working conditions ng mga manggagawa. Panawa-gan ngayon ng mga manggagawa na maipasa ang Senate Bill 1317 o ang Occupational Safety and Health Standards Act para sa pangangalaga sa kaligtasan ng mga manggagawa sa oras ng trabaho.

Karapatan mong bumuo o sumali sa unyon nang hindi pinakikialam ng employer o gobyerno. Lahat ng manggagawa ay may karapatan mag-un-yon para makalahok sa collective bargaining agreement o CBA. Ang CBA ay isang paraan para maigiit ng mga manggagawa ang mga demanda gaya ng mas mataas na sahod at maayos na benepisyo. Karapatan din ng mga manggaga gawa na magsagawa ng welga o right to strike bilang protesta sa oras na hindi na maidaan sa CBA ang kanilang hinaing o de-manda.

Sanggunian: http://www.officialgazette.gov.ph/featured/rights-of-employees/https://www.salarium.com/2016/08/09/important-employee-rights/http://karapatangbabae.weebly.com/women-workers.html

10 RIGHTS TO SELF-ORGANIZATION AND COLLECTIVE BARGAINING

Kampanya sa United Nations- Nagsumite ng ulat hinggil sa estado ng karapatan ng manggagawa sa loob at labas ng trabaho, kasama na ang mga Extrajudicial Killings, kontraktwalisasyon, mababang pasa-hod at pananatili ng mala-aliping kalagayan sa paggawa sa Pilipinas sa nakaraang apat na taon (2013-2017) ang CTUHR kaugnay ng UN Human Rights Council Universal Periodic Review (UPR) nitong Mayo.

Sa UPR, binabalikan at tinatasa ng UN HRC ang pagpapatupad ng mga human rights obligations’ ng gobyerno ng Pilipinas sa kanyang mamama-yan. Sa prosesong ito, naglabas ang konseho ng mga rekomendasyon, kasama na ang pagpapatigil sa pamamaslang, pangangalaga sa mga tag-apagtaguyod sa karapatang pantao at pagpapatibay sa rekomendasyon ng UN Committee on Social, Economic and Cultural Rights (UN CESCR) noong 2016, pagpapatigil ng endo system, pagbabalik ng national mini-mum wage, at paghikayat sa Pilipinas na lagdaan ang Optional Proto-col on International Covenant on Social, Economic and Cultural Rights. Kung malalagdaan at raratipikahan ng Pilipinas ang kasunduang ito, ma-giging legal ang mga pang ekonomiya at panlipunang karapatang pantao na nakasaad sa kumbensyon, ibig sabihin, pwede ng sampahan ng reklamo ang gobyerno kung hindi naipapatupad halimbawa , ang nakakabubuhay na sahod, pabahay, malayang pag-oorganisa at pagsama-sama, atbp.

Ang CTUHR ay kasapi ng UPR Watch na siyang nagko-koordina sa kampanya para maitambol ang mga pagla-bag sa karapatang pantao ng estado ng Pilipinas sa UN.Bago ito, dumalo rin ang CTUHR bilang bahagi ng opisyal na delegasyon ng Pilipinas sa UN 61st Session ng Committee on the Status of Women (CSW) sa UN Headquarters sa New York, noong Marso 12-24, hinggil sa pagtata-guyod sa karapatan ng mga kababaihan. Kinatawan ng CTUHR ang Asia Pacific Forum on Women Law and Development (APWLD) sa delegasyon.Tagapagsalita rin ang CTUHR sa ginawang CSW side event, hinggil sa pagtalakay sa kahalagahan ng Global Strike na inorganisa ng APLWD.

• Lumahok bilang bahagi ng tagapagsanay ang CTUHR sa isang Asia-Pacific Climate Justice Feminist Participatory Research sa Dhu-likel, Nepal noong Mayo 2-9,2017. Ang epekto ng Climate Change sa mga mangagawa lalo na sa mga kababaihan at ang pagtata-guyod sa tiyak na trabaho at nakabubuhay na sahod para makaag-apay ang manggagawa ang isa sa mga kampanya ng CTUHR.

• Noong Mayo (Mayo 8-10) rin, dinaluhan at hinirang ang CTUHR bilang Philippine country representative sa Southeast Asia Sub-regional Clean Clothes Campaign (CCC), sa Bali, Indonesia. Ang CCC ay isang international network ng mga organisasyon at in-dibidwal na nagtataguyod sa pagpapahusay at pagkilala sa karapatan ng manggagawa sa industriya ng tela at kasuotan.

• Nitong Hulyo 25-29, bahagi rin ng tagapagsanay sa APWLD Trade

Union Training for Migrants ang CTUHR na ginawa sa Chiangmai, Thailand. Ang CTUHR, sa pamamagitan ng kanyang Executive Di-rector, ang isa sa focal persons para sa APWLD Labour Programme at bahagi ng kanyang Trainers Pool sa usaping pangmanggagawa.

Adbokasiya at Gawain saInternasyunal ng CTUHR

Kryz

l S. M

ende

z

M NITORCTUHR