2
Ang mundo ng teatro ay isang perya. Hindi ba’t ang iba’t-ibang tao sa produksiyon ay may angkin ding sari-sariling mahika? Mahika ng talento at kakayahan, mahika ng pag-ibig para sa ginagampanan. Sa pag-usbong ng isang panibagong likha ng mahika ngayong semestre, isa lamang ang temang namutawi sa aking kamalayan: pagkakaisa. Bakit? Pagkat di ba’t ang mahika ay produkto ng pinagsama-samang kakayahan at paniniwala? Hindi ba’t ang mahika ay etereyal, ito ay kadalasang mas makapangyarihan kung nanggaling sa maramihan? Sa pagbuo ng Perya Fantastika, pagkakaisa ang mahikang nagbigay buhay sa masalimuot na landas ng THEA 115. Pagkakaisa ng iba’t- ibang mahika ng kakayahan ng mga estudyanteng iba-iba ang pinagmulang perya. Naisip ko lamang na ang Perya Fantastika ay isang salpukan ng mga peryang baon ng kamalayan ng bawat karakter nito. Ang karakter ng kabataan at kolehiyo na labis na magkaiba. Sa pagsilip ng bawat karaakter sa realidad ng magkaibang panahon, parehong natugunan ang pangangailangan ng kaalaman, at karanasan sa pagbibigay buhay sa produksiyon. Sapagkat ang Perya Fantastika, ay natural na dapat maging pambata, hindi ito nakulong doon lamang. Ang Perya Fantastika ay teatrong bumuhay sa imahinasyon ng iba’t-ibang persona. Sa aking pagiging kalihim ng pera, o pagiging miyembro ng kumiteng pinansiyal, na kadalasan ay aking nagiging tungkulin sa mga produksiyon, nakita ko muli ang mahika ng pagkakaisa ng bawat tao na nagnanais makatulong sa isang magandang bisyon: ang makatulong sa mga bata. Ang mahika ng pagkakaisa ang siyang nagbuklod sa mga karinderya, pribadong indibidwal, at mga establisyimento na maglaan ng abot sa kanilang makakaya, datapwa’t karampot, na halaga ng pera upang maisakatotohanan ang produksiyon. Sa aking karanasan rin bilang guro at gabay ng mga bata sa kanilang mga awit, nakita ko ang potensyal ng pagkakaisa upang

On experiencing theater productions

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Reflective essay of a theater student

Citation preview

Page 1: On experiencing theater productions

Ang mundo ng teatro ay isang perya. Hindi ba’t ang iba’t-ibang tao sa produksiyon ay may angkin ding sari-sariling mahika?

Mahika ng talento at kakayahan, mahika ng pag-ibig para sa ginagampanan.

Sa pag-usbong ng isang panibagong likha ng mahika ngayong semestre, isa lamang ang temang namutawi sa aking kamalayan: pagkakaisa.

Bakit? Pagkat di ba’t ang mahika ay produkto ng pinagsama-samang kakayahan at paniniwala? Hindi ba’t ang mahika ay etereyal, ito ay kadalasang mas makapangyarihan kung nanggaling sa maramihan?

Sa pagbuo ng Perya Fantastika, pagkakaisa ang mahikang nagbigay buhay sa masalimuot na landas ng THEA 115. Pagkakaisa ng iba’t- ibang mahika ng kakayahan ng mga estudyanteng iba-iba ang pinagmulang perya.

Naisip ko lamang na ang Perya Fantastika ay isang salpukan ng mga peryang baon ng kamalayan ng bawat karakter nito. Ang karakter ng kabataan at kolehiyo na labis na magkaiba. Sa pagsilip ng bawat karaakter sa realidad ng magkaibang panahon, parehong natugunan ang pangangailangan ng kaalaman, at karanasan sa pagbibigay buhay sa produksiyon. Sapagkat ang Perya Fantastika, ay natural na dapat maging pambata, hindi ito nakulong doon lamang. Ang Perya Fantastika ay teatrong bumuhay sa imahinasyon ng iba’t-ibang persona.

Sa aking pagiging kalihim ng pera, o pagiging miyembro ng kumiteng pinansiyal, na kadalasan ay aking nagiging tungkulin sa mga produksiyon, nakita ko muli ang mahika ng pagkakaisa ng bawat tao na nagnanais makatulong sa isang magandang bisyon: ang makatulong sa mga bata. Ang mahika ng pagkakaisa ang siyang nagbuklod sa mga karinderya, pribadong indibidwal, at mga establisyimento na maglaan ng abot sa kanilang makakaya, datapwa’t karampot, na halaga ng pera upang maisakatotohanan ang produksiyon.

Sa aking karanasan rin bilang guro at gabay ng mga bata sa kanilang mga awit, nakita ko ang potensyal ng pagkakaisa upang paibayuhin ang mahikang naibibigay ng isang existensiyong mahika tulad ng musika. Patunay na ang korong pag-awit ay lalong matamis sa pandinig, sapagkat ito ay binubuo ng iba’t-ibang boses.

Sa pagtatapos ng sulating ito, nais ko lamang din ipahayag ang aking pasasalamat muli, sa mga taong buong-pusong iniaalay ang kanilang sarili sa teatro. Nais ko man na gantihan at pantayan ang inyong pag-ibig, hirap, at dedikasyon, nauunawaan ko na tayong lahat ay may iba’t-ibang passion at specialization. Marahil sa karanasan nadiskubre kong ang teatro ay hindi para sa akin, ngunit sapat ng leksiyon ang aking mga natutunan dito upang sabihin na kahit sandali, naramdaman ko ang mahikang dumampi sa aking puso.

Nananalig sa mahika ng teatro,

Allison