8
CTUHR SPECIAL ISSUE MGA ISYU NGAYON COVER STORY Pasaning Krisis ng Pamilyang Obrero SIYASAT Sibakan: Ang Krisis ng Paggawa at Resesyon sa Daigdig PAHINA 4 BALITA Mga Manggawa ng Compostela Valley, Umalma Laban sa Militar PAHINA 8 M NITOR C E N T E R F O R T R A D E U N I O N A N D H U M A N R I G H T S ABRIL-MAY0 2009 Pasaning Krisis ng Pamilyang Obrero M ahalaga ang pamilya para sa maraming Pilipino. Karaniwan ay magkakasama pa sa iisang bubong ang magulang at mga anak kahit na malalaki na o di kaya ay may-asawa na ang mga ito. Minsan pa nga pati ilang kamag-anak ay kasalo rin sa bahay. Ganun din sa pampinansya at pang-ekonomikong kalagayan ng pamilya. Karaniwan ay tulung-tulong din ito sa gastusin sa bahay. Kaya naman sa panahon ng krisis, bibigat din ang pasanin ng bawat kasapi ng pamilyang obrero. Hindi nakaligtas sa hagupit ng pandaigdigang krisis ang Pilipinas (basahin ang kaugnay na artikulo, Sibakan). Ngunit hindi ang mga kapitalistang may-ari ng kumpanya ang huma- harap sa pasakit, pinapasa nila ito sa mga manggagawa na dati nang pinagsasamantalahan. Kaya naman, doble pasakit ang hatid ng pandaigdigang krisis sa mga manggagawa dahil doble-doble rin ang pagpipiga sa lakas-paggawa ng mga kapi- talista sa kanila. Walang Hanggang Pagtitiis Patuloy na pinagtitiyagaan ng mga manggagawa ang mini- mum na sahod na P382/araw habang ang presyo naman ng bilihin ay pataas nang pataas. Umabot sa 12.4% ang inflation rate o pagtaas ng mga bilihin sa bansa noong Agosto 2008, SUNDAN SA PAHINA2

o Pasaning T Krisis ng ni Pamilyang Obrero m - ctuhr.orgctuhr.org/wp-content/uploads/2011/05/Monitor-AprMay-2009.pdf · doble-doble rin ang pagpipiga sa lakas-paggawa ng mga kapi-talista

  • Upload
    vuthuan

  • View
    253

  • Download
    5

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: o Pasaning T Krisis ng ni Pamilyang Obrero m - ctuhr.orgctuhr.org/wp-content/uploads/2011/05/Monitor-AprMay-2009.pdf · doble-doble rin ang pagpipiga sa lakas-paggawa ng mga kapi-talista

CT

UH

R

special issue mga isyu ngayon

cover storyPasaning Krisis ng Pamilyang Obrero

siyasatSibakan: Ang Krisis ng Paggawa at Resesyon sa Daigdig pahina 4

balitaMga Manggawa ng Compostela Valley, Umalma Laban sa Militar pahina 8

mn

iTo

Rc

en

te

r

fo

r

tr

ad

e

un

io

n

an

d

hu

ma

n

ri

gh

ts

Abril-mAy0 2009

Pasaning Krisis ng Pamilyang ObreroMahalaga ang pamilya

para sa maraming Pilipino. Karaniwan ay magkakasama pa sa iisang bubong ang magulang

at mga anak kahit na malalaki na o di kaya ay may-asawa na ang mga ito. Minsan pa nga pati ilang kamag-anak ay kasalo rin sa bahay. Ganun din sa pampinansya at pang-ekonomikong kalagayan ng pamilya. Karaniwan ay tulung-tulong din ito sa gastusin sa bahay. Kaya naman sa panahon ng krisis, bibigat din ang pasanin ng bawat kasapi ng pamilyang obrero.

Hindi nakaligtas sa hagupit ng pandaigdigang krisis ang Pilipinas (basahin ang kaugnay na artikulo, Sibakan). Ngunit hindi ang mga kapitalistang may-ari ng kumpanya ang huma-harap sa pasakit, pinapasa nila ito sa mga manggagawa na dati nang pinagsasamantalahan. Kaya naman, doble pasakit ang hatid ng pandaigdigang krisis sa mga manggagawa dahil doble-doble rin ang pagpipiga sa lakas-paggawa ng mga kapi-talista sa kanila.

Walang Hanggang PagtitiisPatuloy na pinagtitiyagaan ng mga manggagawa ang mini-

mum na sahod na P382/araw habang ang presyo naman ng bilihin ay pataas nang pataas. Umabot sa 12.4% ang inflation rate o pagtaas ng mga bilihin sa bansa noong Agosto 2008,

sundan sa pahina2

Page 2: o Pasaning T Krisis ng ni Pamilyang Obrero m - ctuhr.orgctuhr.org/wp-content/uploads/2011/05/Monitor-AprMay-2009.pdf · doble-doble rin ang pagpipiga sa lakas-paggawa ng mga kapi-talista

CTUHR moniToR

april-may 2009

ang pinakamataas sa loob ng 17 taon. Umabot ng 13.6% ang inflation rate sa pagkain at 29.2% sa bigas, ang pangunah-ing pagkain ng pamilyang Pilipino.1 Kahit ang P25 kada kilong bigas ng National Food Authority (NFA) kung minsan ay nahihirapan na ring bilhin ng mga mang-gagawa. Bukod pa dito, marami ang hindi na kinakaya pang paglaanan ng pera ang bayarin sa bahay, tubig at kuryente. Kaya naman kahit dati nang naghihigpit ng sinturon ang mga manggagawa at ang kanilang pamilya ay mas lalo pang paghi-higpit ang ginagawa ngayon.

Ngayong taong 2009, mas lalo pang lumala ang kahirapan sa bansa. Umabot sa 47% ang mamamayang nagsasabing mas lalong humirap ang kanilang buhay. Mas mataas ito ng 4% kaysa sa ginawang pananaliksik ng Social Weather Stations noong nakaraang taon.2 Marami na ring pamilya ng manggagawa ang isang beses na lamang sa isang araw kung kumain. Si Aling Nisa, isang mananahi ng damit sa Grever Apparel Phils. Inc. sa Cavite, ay kumakain lamang ng pananghalian tuwing may pasok. Dahil sa krisis, nag-ing madalas ang pagbabawas sa araw ng paggawa at ngayon, pwersahan silang nakabakasyon (forced vacation) kaya hin-di maiwasan na minsan ay buong araw silang walang makain. “Madalas ay itinu-tulog na lamang (namin) ang nararamda-mang sakit ng tiyan dahil sa gutom,” ani Aling Nisa. Hindi na rin napagtapos sa

pag-aaral ni Aling Nisa ang anak dahil

hindi niya mabayaran

ang P 3,000 na g radua -tion fee. Napasa-ma na ang

k a n y a n g anak sa

64.52% na estadist ika

ng kabata-ang na-

hihira-

pang magbayad ng bayarin sa eskwela.3 Dahil dito ay mas nahihirapan ang kan-yang anak na maghanap ng trabaho. Kaya naman tila nagiging “cycle” (walang kata-pusan) ang kahirapan para sa maraming manggagawa tulad ni Aling Nila. Walang kasiguruhang tuluy-tuloy na mapapag-aral ang mga bata. At kapag inabot na nga ng krisis at di na napag-aral ang anak, ang huli ay nang maghanap ng maayos na trabaho o di kaya’y hindi na talaga naka-kapaghanap ng mapapasukan.

May mga pamilya naman na hindi na bumibili ng mga hindi naman sobrang kailangan at nagkakaroon ng “budget ad-justment.” Binabawasan ang pagbili ng luho tulad ng softdrinks at pagkain sa la-bas o sa mga fast food chains. Si Ging na noong 2001 pa natanggal sa trabaho sa Cebu ay umaasa na lamang sa suporta ng magulang. “Kadalasan liliitan (na lang ang) badyet sa pagkain,” ani Ging.

Ang pamilya naman ni Jen, mananahi ng damit sa Cebu sa Mactan Apparel Inc., ay mahigpit na umaasa sa kanyang sina-sahod. “Walang tiyak na kita [ang aking mister dahil] mangingisda. [Kaya] inuuna ang talagang kailangan sa bahay gaya ng bigas, ulam, sabon at hindi na makapama-syal,” paghihimutok ni Jen.

Baon sa UtangKaramihan din sa mga manggagawa

ay kaliwa’t kanan ang utang para lamang mabuhay. Madalas na nagiging takbu-han ang mga kamag-anak para humiram ng panggastos o di kaya ay humingi ng makakain ng ibang kapamilya. Minsan ay iniaasa na rin sa kamag-anak pati ang pag-aaral ng mga anak dahil sa kakulangan sa pinansya. Ngunit kahit ang pag-asa sa kamag-anak ay swertihan din.

Si Kokoy at Mark, kapwa nagtatra-baho sa MEC Electronics Phils. Corpo-ration sa Cavite, bagamat mga binata ay aminadong kulang ang sinasahod para sa sarili. Nagiging talamak sa kanila at sa iba pang mga katrabaho ang “pagsasanla” ng ATM (Automated Teller Machine) card kung saan pumapasok ang kanilang sahod para agad na makakuha ng perang panggastos sa araw-araw. “Ginagawang collateral ang ATM card sa mga nagpa-pautang,” ayon kina Kokoy at Mark. “In-

aabot ng 10% ang tubo nito,” dagdag nila. Sa ganitong sistema, ang nagpapautang na ang may hawak ng ATM card at ito na rin ang kumukubra ng sahod ng manggagawa upang tiyak na mababayaran ito. Kaya na-man pagdating ng sahuran ay halos wala na ring sahod na nahah-awakan ang mga mang-gagawa dahil matagal na itong naipangutang.

Iba pang “Diskarte”May ilang nakaipon ng puhunan na

ginagamit sa pagtatayo ng maliit na ne-gosyo para may maipandagdag sa badyet ng pamilya. Si Aling Suzzy na katatang-gal lamang sa trabaho noong Disyembre 2008 sa Maithland-Smith sa Cebu ay may pinapag-aral pang mga anak kaya ayon sa kanya para makaipon ng pera ay “…nagtitinda ako ng tinapay tuwing uma-ga… Ang isa naming bahay pinaupahan na lang.” Ang may malalawak namang ba-kuran sa probinsya ay nagtatanim ng mga gulay para makatipid sa gastos sa pagkain. Pero ang mga wala na talagang matakbu-han o mahiraman ng pandagdag sa pinan-sya ay labis na nagtitiis.

Organisadong Pagharap sa KrisisSa harap ng krisis, naniniwala ang

mag-asawang unyonistang sina Ludy at Fred, kapwa iligal na natanggal sa DAI-HO (Phils.) Inc. sa Laguna, na malaki ang naitutulong sa pagsapi sa unyon ng mga manggagawa. Sa pagsapi sa union, nag-ing malinaw sa kanila ang mga karapatang dapat na tinatamasa ng bawat manggaga-wa. Naintindihan din nila ang kalagayan hindi lamang ng mga manggagawa kung hindi pati na rin ng bansa.

Sa pagkakaroon ng unyon sa isang pagawaan, nagiging mas posible para sa mga manggagawa ang pagkakaroon ng collective bargaining agreement (CBA) sa kumpanya para mapabuti ang kalagayan sa loob ng pagawaan at makuha nila ang tamang sahod at benepisyo. Maraming manggagawa ang nagkaroon lamang ng libreng uniporme, ilang gamit pangkalig-tasan sa pagawaan at maayos na benepi-syo nang magkaroon ng tunay na unyon sa loob ng pagawaan. Dahil sama-sama, nararamdaman ng kapitalista ang bigat ng

KrIsIs ng PamIlyang

OBrerO

2

Page 3: o Pasaning T Krisis ng ni Pamilyang Obrero m - ctuhr.orgctuhr.org/wp-content/uploads/2011/05/Monitor-AprMay-2009.pdf · doble-doble rin ang pagpipiga sa lakas-paggawa ng mga kapi-talista

april-may 2009

CTUHR moniToR

Kuha ni Kenneth guda mula sa www. pinoyweekly.org

EnDnoTES1 IBON Foundation Inc. Enero 2009 Praymer, “Pambansang Kalagayan: Kapit Tuko sa Kapangyarihan Gobyernong Salot sa Mamamayan,” IBON Foundation Inc, Quezon City, Enero 2009.

2 De Vera, Ellalyn, “Poverty Worsens- SWS Survey,” Manila Bulletin, 28 April 2009.

3 GMA News.TV, “75% of Pinoys have Trouble Buying Food, Basic Needs – IBON,” GMA News.TV, http://www.gmanews.tv/sto-ry/133041/75-of-Pinoys-have-trouble-buying-food-basic-needs---IBON, Accessed 29 April 2009

4 Wage Rationalization Act

kanilang panawagan. Para naman sa mga manggagawang

natanggal sa trabaho na sina Jay, dating manggagawa ng Golden Will Fashion Phils. sa Cavite, at Eddie, iligal na tinagg-gal sa DAIHO (Phils) Inc. sa Laguna, natutulungan sila ng unyon na pansa-mantalang may matirahan at makain at higit sa lahat ay harapin ang problema sa pagkawala ng trabaho. Sa kasalukuyan, hinaharap ni Jay ang gawa-gawang kaso ng pagnanakaw na ginawa ng kumpanya para lamang matanggal siya sa trabaho kahit na walang ebidensya. Tuloy naman ang pakikipaglaban ni Eddie at ng unyon na kanyang kinasasapian na muling ibalik sa trabaho ang mga kagaya niyang iligal na tinaggal sa pagawaan dahil sa pagtitipid ng kumpanya.

Pananagutan ng gobyernoSa kalunus-lunos na kalagayan ng mga

manggagawa at mamamayang Pilipino ay kinakailangang alamin ng pamahalaan ang tunay na kalagayan ng mga mamama-yan nito. Kailangan nito ng kongkretong solusyon na tunay na sasagot sa krisis at saluhin hindi ang mga kapitalista kung hindi ang mga manggagawa at mama-mayang Pilipino. Kagyat na kailangang pagtuunang-pansin at itigil na ang sunud-sunod na tanggalan ng manggagawa sa iba’t ibang kumpanya lalo na sa mga kum-panyang idinadahilan lamang ang krisis

para basta na lamang makapagbawas ng mga manggagawa. Ang trabaho ng bawat manggagawa ay trabahong bumubuhay sa kanilang pamilya. Ang pagkawala nito ay paglubog sa pang-ekonomikong kalagayan ng kanyang pamilya.

Kinakailangan ding tulungan ng pamahalaan ang mga manggagawang nawalan na ng trabaho. Kinakailangan nito ang suporta sa pangunahing pangan-gailangan ng pamilya tulad ng pagkain, gamot at tunay at maayos na pabahay para sa pamilya ng manggagawa na hindi na maibigay ng mismong manggagawa dahil sa kawalan ng trabaho. Pero higit na kinakailangan ng bawat manggagawa ang siguradong trabaho hindi lamang upang

Mula rin noong January 2009, nagsimu-lang pumunta ang mga elemento ng mili-tar sa bawat bahay upang alamin ang tira-han at iba pang personal na impormasyon sa mga lider at aktibong miyembro ng NAMAOS.

At noong Feb 14, 2009, naghain muli ng proposal kay Ms. Anding ang WIPER na maglunsad ng livelihood seminar sa mga manggagawa. Nang tanggihan niya ito, sa paghihinalang prente lamang ito para sa kontra-propaganda sa KMU, sinabi nila Varona at Saraom na tutulong sila upang resolbahin ang problema sa pagitan ng manggagawa at management hinggil sa us-apin ng Philhealth at SSS kapalit ng hindi pagsamana sa anumang rally laluna sa La-bor Day sa Mayo 1 at sa Bonifacio Day sa Nobyembre 30.

mga manggagaWa ng cOmPOstela mula sa pahina 8

3kumita kung hindi para ihubog at gamitin ang kanyang kakayahan.

Napakatagal na ring isinusulong ang P125 na pagtaas ng sahod across the board sa buong bansa. Ito ay nararapat lamang na ibigay sa bawat manggagawa upang mabuhay ng matiwasay ang kanilang pamilya. Sa katunayan, nakasaad sa Wage Rationalization Act o RA 6727 na dapat na sumasapat sa pangangailangan ng pam-ilya at nakaayon din sa presyo ng bilihin ang minimum wage na ibinibigay sa mga manggagawa.4

Pangmatagalang solusyonAng pagsusulong naman sa pamban-

sang industriyalisasyon at tunay na re-pormang agraryo ay kinakailangan upang magkaroon ang bansa ng industriyang hawak ng mamamayan nito. Kailangan tumayo ng ating bansa at huwag mana-tiling nakaasa at nagpapadikta sa kagus-tuhan ng ibang bansa. Ang pagtatayo ng pambansang industriya ay hindi lamang magdudulot ng pag-unlad ng produkto ng bansa kung hindi magbibigay rin ng mga trabaho para sa mamamayang Pilipino.

Pagdating ng Pebrero 18, hinagilap ng WIPER si Ms Anding upang pirmahan ang isang resolusyong nagpapatawag sa isang general assembly ng mga manggagawa hinggil sa pagresolba ng usapin ng SSS at PhilHealth. Bagamat hindi pinirmahan ni Ms. Anding ang resolusyon, natuloy pa rin ang general assembly noong Pebrero 20 ng walang karampatang awtorisasyon ng mga opisyal ng unyon.

Hanggang sa huling bisita ng CTUHR sa Bgy. Osmeña nitong Abril, patuloy ang pagligid ng mga elemento ng militar sa paggawaan, mga komunidad at paligid ng opisina ng NAMAOS. Patuloy silang nag-iinspeksyon sa mga mamamayan at kasapi ng unyong dumaraan sa mga mili-tary detatsments.

Kasabay ng kahilingan ng manggagawa, nananawagan din ang CTUHR ng aga-ran at malawakang imbestigasyon sa lan-

tarang pakikialam ng militar sa gawain at aktibidad ng unyon; kagyat na itigil ang pagbabanta, pananakot at harassment sa mga lider ng unyon at ang pakikipagsab-watan ng manedsment sa mga militar para bigyang katwiran ang hindi pagpapatupad ng mga nilalaman ng collective bargaining agreement (CBA).

Matatandaan na noong Disyembre 15, 2006, napatay si Jerson Lastimoso, opisy-ales ng unyon at malubhang nasugatan sina Vicente Barrios- pangulo ng unyon at tatlong iba pang opisyales ng kalapit na planta (Nagkahiusang Mamumuo sa Suyapa Farm – United Workers of Suyapa Farm) ng tambangan sila ng mga hinihilang military. Ang pananambang ay naganap matapos ang halos 2 taong pag-babanta sa mga lider unyon na itigil ang kanilang aktibidad at lumayo sa KMU na hindi naman sinunod ng unyon.

Page 4: o Pasaning T Krisis ng ni Pamilyang Obrero m - ctuhr.orgctuhr.org/wp-content/uploads/2011/05/Monitor-AprMay-2009.pdf · doble-doble rin ang pagpipiga sa lakas-paggawa ng mga kapi-talista

CTUHR moniToR

april-may 2009

Sibakan!ang Krisis ng paggawa at Krisis ng manggagawa sa panahon ng pandaigdigang resesyon

Sa pagbagsak ng pandaigdigang ekonomiya, umabot na sa 18-30 milyong mamamayan sa buong daigdig ang walang trabaho. Posible pa itong tumaas ng hanggang 50 milyon, ayon sa International Labor Organization. Magbubunsod

ito ng higit na paglala ng kalagayan ng manggagawa sa buong mundo at magtutulak sa mahigit kumulang 200 milyong mamamayan sa labis na kahirapan (extreme poverty).

Sa ganitong lagay, walang ligtas ang manggagawang Pilipino. Bagkus, ang ma-lala nang kalagayan ay lalo pang dadausdos kasabay ng mga sunud-sunod na malawa-kang tanggalan sa iba’t ibang industriyang nakadepende sa dayuhang pamilihan at/o pamumuhunan. Samantala, ang mga programa ng gobyernong Arroyo upang harapin ang krisis ay malayo sa layuning tugunan ang kagyat at pangmatagalang suliranin ng sektor ng paggawa. Sa huli, ang batayang karapatang mabuhay ng disente ay palayo nang palayo sa mga or-dinaryong mamamayan habang lalo pang nalulugmok sa matagal nang busabos na pamumuhay

sumatotalMahigit 46 500 manggagawa ang

nawalan na ng trabaho ayon sa ginawang pagsubaybay ng CTUHR sa inaaasahang malawakang tanggalan dulot ng pan-daigdigang resesyon mula noong Oktubre 2008 hanggang Abril 2009.

Karamihan sa mga manggagawang tinanggal sa trabaho ay mula sa industriya ng electronics na umabot sa 29 000 sa hul-ing tala ng CTUHR. Sumunod ang gar-ments at ang automotive na nagtanggal ng

6 179 at 3 436 na manggagawa. Kapwa regular at kontraktwal na manggagawa ang tinamaan ng tanggalan. Samantala kalakhan din sa mga ito ay nagmula sa Region 4, laluna sa erya ng Cavite, La-guna Batangas, Rizal, Quezon Economic Zone (CALABARZON) at Region 7 (Cebu) Mactan Export Processing Zone (MEPZ). (Basahin ang kaugnay na arti-kulo, Triple E)

Ang datos na ito ay hindi nalalalayo sa sinasabi ng National Economic Develop-ment Authority (NEDA). Ayon sa huli, hanggang noong Marso 10, 2009, umabot na sa humigit kumulang 50 000 mang-gagawa ang nawalan ng trabaho. Aabot naman sa 6,500 OFWs ang bumalik sa Pilipinas mula nang humagupit ang pan-daigdigang resesyon.

Bagamat ang kalakhan ng mga mang-gagawang nawalan ng trabaho ay mula sa electronics industry, hindi maikakaila na ang trend ng retrenchment ay humagupit sa halos lahat ng industriya (tingnan ang Table. 1)

cost-cuttingApektado rin ang maraming mang-

gagawa sa iba’t ibang iskema ng pagtitipid

table 1 monitor ng Tanggalan (Nob 2008 - Abr 2009)center for trade union and human rights

industriya rehiyon bilang ng Kompanya

bilang ng tinanggal total

Electronics CAR 1 411

3 3 3 066

4 11 18 716

7 4 6 300

11 1 7

NCR 1 500

29 000

Garments 3 2 941

4 4 1 705

7 4 2 833

NCR 4 700

6 179

Furniture manufacturing

4 1 32

7 4 1 021

NCR 2 80

1 133

mining CAR 1 1 376

7 1 600

372

2 348

metal Works 3 1 32

11 2 976

1 008

Automotive 4 3 952

7 1 2 484

3 436

Service 3 3 1 304

7 1 30

11 3 176

NCR 1 500

2 010

Food and Drugs 3 1 332

1 332

Energy 3 1 76

76

Sumatotal 46 522

ng mga kompanya sa harap ng krisis. Sa pagpasok pa lamang ng 2009, naiulat na ng Department of Labor and Employment (DOLE) na 19,000 manggagawa ang ape-ktado ng sari-saring pamamaraan ng mga kompanya upang magbawas ng gastos (cost-cutting measures). At sa pagtindi ng krisis, higit ang pagdami ng mga kompan-yang nagpapatupad ng four day work week o pagbabawas ng araw ng pagtatrabaho.

Ayon kay Recto, aabot sa 60, 000 manggawa ang nabawasan ng hanapbuhay dahil sa “mas konting araw ng pagtatraba-ho, job rotation, at sapilitang pagpapahinga (o forced leave).”

Page 5: o Pasaning T Krisis ng ni Pamilyang Obrero m - ctuhr.orgctuhr.org/wp-content/uploads/2011/05/Monitor-AprMay-2009.pdf · doble-doble rin ang pagpipiga sa lakas-paggawa ng mga kapi-talista

april-may 2009

CTUHR moniToRAt sa isang pag-aaral na isinagawa ng

European Chambers of Commerce noong March 27, dalawampu’t limang porsyento (25%) ng mga kompanyang nasarbey (lo-kal at dayuhan) ang nagbabawas ng mga benipisyo (13%) o di kaya’y araw ng pag-gawa (12%). Kaalinsabay nito, 22 bahag-dan ang nagpatupad ng salary freeze, at 28 bahagdan ang nagpatupad ng freeze hiring.

Ang pagbabawas ng mga benepisyo ay paglabag sa mga batas na pumoprotekta sa karapatan ng manggagawa. Sa kabila nito, tila hindi mapigil ang mga kompanya sa pagbabawas ng gastusin na lalong nagpa-pahirap sa mga manggagawa.

Inaasahan din na lalong tataas ang bilang ng mga casual o kontraktwal na mga manggagawa. Sa ginawang pag-aaral ng CTUHR noong 2007, lumalabas na 3 sa bawat 5 manggagawa ang mayroong flexiwork (flexible working hours). Sa pagtindi ng pagtitipid ng mga kapitalista, inaasahang lulubha pa pagdami ng mga manggagawang casual o flexi, na pawang di-protektado, mababa ang sahod at bul-nerable sa tanggalan.

Isa namang senior na ekonomista ng International Labor Organization (ILO) ang nagbigay ng pagtingin na ang ganitong kalakaran ay nagbibigay ng higit na maka-pangyarihan at mas paborableng posisyon sa mga employer kaysa sa mga manggaga-wa at organisasyon ng mga manggagawa.

may titindi pa?(!) Ayon kay Marianito Roque, Kali-

him ng Department of Labor and Em-ployment, aabot sa 200,000 workers ang matatanggal sa trabaho sa unang hati ng taong 2009. Taliwas ito sa naunang pahay-ag ni Diokno, isang ekonomista at dating kalihim ng NEDA, na aabot diumano ang bilang ng walang trabaho sa bansa sa 11 milyon ngayong taong 2009. Sang-ayon ang huli sa projection ng EILER. Di rin bababa sa 60,000 na OFWs ang uuwing walang trabaho sa bansa sa unang bahagi pa lamang ng 2009. At sa pagtatapos ng humigit-kumulang 1.5 milyong kabataan sa kolehiyo ngayong Marso at Abril, lolobo pa ang bilang ng mga walang trabaho.

solusyon(?) ng gobyerno Nang magsimula ang resesyon,

itinanggi ng gobyernong Arroyo na ang Pilipinas ay labis na maaapektuhan. Nang malantad ang tama ng krisis sa bansa dahil sa serye ng tanggalan, sinangkalan pa ito ng gobyerno upang gawing legal ang mga kontra-manggagawang iskema ng mga kapitalista. Sa katatapos na employment summit noong Enero, binigyang katwiran ni PGMA ang pagpapatupad ng salary freeze (o paghinto sa pagbibigay ng dadag-sahod) upang umano’y “protektahan” o mapanatili ang pagkakaroon ng trabaho. At sa halip na kagyat na bigyang-solusyon ang pagpapahirap ng krisis sa mga mama-mayan, walang humpay ang gobyerno sa paglulunsad ng psywar (o propaganda) upang pigilan ang mga manggagawa at mga organisasyon ng manggagawa na maggiit sa kanilang demokratikong karapatan sa makatuwirang sahod kahit pa sa panahon ng krisis.

Isa sa mga plano ng Malakañang ang Resiliency Plan, at ang P330 B stimulus fund na magmumula sa pondo ng Government Service Insurance System (GSIS) at So-cial Security System (SSS). Layon umano nitong lumikha ng pansamantalang tra-baho tulad ng pagtatayo ng kalsada at mga infrastructure projects na magbibigay ng kaagarang trabaho sa maraming Pilipino. Kwestyonable ang plano mula sa pagmu-mulan ng badyet nito na maglalagay sa panganib sa seguridad ng mga mamama-yang nagbabayad sa GSIS at SSS hang-gang sa mismong mga quick impact projects

na paglalagakan ng pondo upang mag-gen-erate ng hanapbuhay. Sa halip na gamitin ang pondo ng GSIS at SSS upang bigyang omento ang pension ng mga senior citizen sa panahon ng krisis, gagamitin ito para sa ibang mga proyekto tulad ng pagdurug-tong sa LRT1 at LRT3 (o MRT) na kung tutuusin, ay kabilang sa mga infrastructure projects noon pang 2008.

Mabagal din ang pag-usad ng panu-kalang lifeline insurance (o unemployment insur-ance) ni NEDA Sec. Ralph Recto. Sa pro-gramang ito, bibigyan ng P10 000 kada buwan

sa loob ng anim na buwan, ang mga mang-gagawang natanggal sa trabaho nitong pa-nahon ng krisis. Subalit ayon kay Romulo Neri, presidente ng SSS, Kailangan pa munang baguhin ang batas (Social Secu-rity Act of 1997) upang maipatupad ang naturang unemployment benefit.

Pawang propaganda at kasinungal-ingan naman ang sinabing pahayag ni PGMA na tatanggap ng incetives na kas-ing-halaga ng kalahati ng kanilang sahod ang mga manggagawang natanggal ng mga electronics company. Ani PGMA, “alam ng mga kompanyang manunumbalik ang in-dustriya ng electronics. Hindi nila gustong mawalan ng manggagawa. Nais nilang panatilihin ang mga ito sa payroll hanngat maaari, kahit hindi sila nagtatrabaho.” Ga-yundin,, sinabi ni Peter Favila ng Depart-ment of Trade na patuloy na bibigyan ng “lahat ng klase ng benepisyo” at separation pay ang mga manggagawang nawalan ng trabaho.

Taliwas ang mga pahayag na ito sa aktwal na nangyayari. Sa Lear Automo-tive halimbawa, isa sa mga kompanyang sa Mactan Export Processing Zone (MEPZ) Cebu na nagsara dahil sa resesyon, kalaha-ti lamang ng kabuuang separation pay ang natanggap ng mahigit dalawang libong manggagawang natanggal sa trabaho kahit pa higit isang dekada na ang naging serbi-syo ng ilan sa mga ito sa kompanya.

mga Kagyat na PanawaganSa tuwing magkakaroon ng krisis ang

mga kapitalista, palaging sa mga mang-gagawa ang bagsak ng pasanin. Ito ay sa

table 2 mga Kompanyang Nagtanggal ng Di bababa sa isanglibong manggagawacenter for trade union and human rights

pangalan ng Kompanya industriya bilang ng tinanggal

Amkor technology Phils. electronics 5 000

integrated microelectronics electronics 4 000

Advanced micro Devices electronics 3 300

Taiyu yuden electronics 3 000

lear Automotive** automotive 3 384

international Wiring System electronics 2 900

Global mactan Apparel garments 2 000

mitsumi Philippines electronics 2 000

intel Phils.* electronics 1 800

Fujitsu information technology 1 750

Emi yazaki semi-conductors 1 500

lepanto mining Company mining 1 376

legaspi Oil manufacturing (oil) 1 242

NFA food supply 1 242

Daeyoung garments 1 000

* nagsara ang kompanya** pansamantalang nagsara

KrIsIs at resesyOn

sa DaIgDIg

sundan sa pahina6

5

Page 6: o Pasaning T Krisis ng ni Pamilyang Obrero m - ctuhr.orgctuhr.org/wp-content/uploads/2011/05/Monitor-AprMay-2009.pdf · doble-doble rin ang pagpipiga sa lakas-paggawa ng mga kapi-talista

CTUHR moniToR

april-may 2009

MGA SANGGUNIAN

<www.pinoyweekly.org><www.inquirer.net>Ecumenical Institute for Labor and Employment Relations (EILER). 2009. Massive Layoffs Signal Global Depression in <www.International Labor Organization. 2009. Global Employment Trends. Switzerland. pp.54. also in <www.ilo.org/publns>Rene Ofreneo. 2009. RP’s Deepening Job Crisis in <www.businessmirror .com.ph>

pa lamang sa mga manggagawang natang-gal dahil sa resesyon. Hindi pa kabilang dito ang 4 milyong mamamayang walang trabaho (unemployed) bago magkaroon ng resesyon. At sa lahat ng inilabas na pahayag ng gobyerno, makikitang walang malinaw na programa ang pamahalaan para dito liban sa pagpapadala ng paggawa sa ibang bansa (o labor export policy)

Sa pag-aaral ng isang labor economist, lumalabas na hindi naabot ng gobyer-nong Arroyo ang taunang target nitong 1.6 milyong trabaho taon-taon batay sa inilatag na Medium Term Philippine De-velopment Plan (MTPDP 2004-2010) ni PGMA. Mula 2005-2007, humigit-kumulang kalahati lamang ng target ang naisasakatuparan ng gobyerno. (tingnan ang Table 3)

Ang nagpapatuloy at lumalalang problema ng sektor ng paggawa ay mag-papatunay sa kabiguan ng mga polisya ng gobyerno at ng umiiral na sistemang pang-ekonomiyang labis na nakadepende sa pan-dayuhang pamilihan at pamumuhunan. Pinapatunayan ng kasalukuyang krisis na

kabila ng katotohanan na wala namang pananagutan ang mga manggagawa sa na-gaganap na pandaigdigang resesyon. Isang malaking kabalintunaan na samantalang ang mga manggagawa ang lumilikha ng yaman (o kita) ng mga empresa sila rin ang lubos na pumpasan ng hirap lalo na sa panahon ng krisis.

Kaya naman, sa pagharap sa kasalu-kuyang krisis kagyat na dapat ipatupad ng gobyerno ang mga panukalang magbibig-ay-gaan sa ordinaryong mamamayan. Ga-yunpaman, hindi dapat makompromiso ang seguridad ng iba pang mamamayan para maipatupad ang P330 stimulus fund o ang lifeline incentive. Marapat na maglaan ng hiwalay na pondo ang gobyerno upang maipatupad ang mga naturang programa. Labis-labis ang pondo sa Intelligence ng Malakanyang na marapat kaltasan at gamitin sa social welfare projects laluna sa panahon ng krisis.

Sa halip na gamitin sa stimulus fund, dapat gamitin ang pondo ng SSS at GSIS upang palawakin ang suporta sa mga manggagawang kasapi nito. Gayundin, panahon na upang dagdagan ang pension at benepisyo ng mga senior citizens upang makaagapay sa krisis.

Karapatan ng bawat mamamayan at manggagawa ang mabuhay ng dis-ente. Kaya mas mahirap ang buhay, mas karapat-dapat na tumanggap ang mga manggagawa ng omento sa sahod. Nara-rapat na ipagkaloob ang matagal nang panawagang itaas ng P125 sa buong bansa ang minimum na sahod. Maling idahilan kapwa ng gobyerno at ng mga kapitalista ang pandaigdigang resesyon upang ipatu-pad ang salary freeze. Gayundin, nararapat na ituon ng gobyerno ang pondo nito sa mga programang maghahatid ng mura at accessible na batayang pangangailangan ng mamamayan tulad ng bigas, langis, ulam, asukal at iba pa. Dapat ding dagdagan ang subsidyo sa mga batayang panlipunang ser-bisyo gaya ng edukasyon, pabahay, at pag-papagamot o serbisyong pangkalusugan.

ang Hamon Para sa Pagbabago Kung susuring mabuti, ang disem-

pleyo sa bansa ay matagal nang suliranin ng mamamayang Pilipino. Bago pa man lumala ang krisis, aabot sa 19 milyong Pil-ipino ang walang trabaho (unemployed) at kulang sa trabaho (underemployed). Ang mga ginagawang hakbangin ng kasalukuy-ang gobyerno kung tutuusin ay pagharap

table 3 Target Job Creation vs Actual Job Created 2004-2007*

taon target ng gobyernong dami ng trabaho

aKtwal na resulta

2005 1.6 milyon 700 000

2006 1.6 milyon 648 000

2007 1.6 milyon 599 000

* mula sa papel ni re ofreneo, <www.businessmirror.com.ph/home/perspective>

sIBaKan mula sa pahina 5

kaya’y pagliit ng separation pay at mga bene-pisyong pinangako ng mga kompanya. 8000 manggagawa tinanggal

Mahigit sa walong libong manggagawa ang tinanggal at lagpas 15 000 manggagawa na-man ang binawasan ng trabaho kasunod ng pagsasara noong Disyembre 2008 ng walong kompanya sa loob ng MEPZ. Kabilang sa mga kompanyang ito ang: Lear Automotive; PanPhil (garments); Exas, Maple, and ABC (electronics); Keppel (shipyard) at; Maitland Smith (furniture).Ibang sektor, apektado

Apektado rin ng tanggalan at mabagal na produksyon ang ibang sektor sa komunidad sa paligid ng MEPZ. Ang mga tsuper ng jeepney ay dumadaing ng papaliit na kita dulot ng pag-baba ng bilang ng biyahe mula 20 round trips kada araw tungong 12 round trips kada araw. Halos mawalan naman ng pagkakakitaan ang mga maralitang naninirahan sa komunidad na dati’y kumikita pa sa pamamagitan ng pag-papaupa ng tulugan sa mga manggagawang ngayon ay napilitang umuwi sa kani-kanilang probinsya matapos ng tanggalan. Samantala,

KOalIsyOn mula sa pahina 8

6

ang disenyo ng produksyon ng bansa para sa pandayuhang eksport ay laging naglala-gay sa panganib sa kabuhayan ng maram-ing mamamayan at pambansang eko-nomiya. Kung kaya, hindi ang pagbabago sa konstitusyon na magbibigay karapatan sa mga dayuhan sa 100 porsyento ng pag-aari ng mga assets, laluna ang mga lupain, sa bansa ang solusyon sa krisis na matagal na nating nararanasan. Tuluyan lamang nitong ipamimigay ang nalalabing pag-asa ng mamamayang paunlarin ang bansa. Pinakamahusay pa rin ang pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo kasabay ng pagpapayabong sa lokal na industriya upang sabay na itaguyod ang interes ng mamamayan at pambansang kaunlaran.

bumaba rin ang benta at kita ng mga maninin-da sa paligid ng enklabo dahil sa pagkaunti ng mga kustomer.“Pinakamataas kumita”

Ang MEPZ ang isa sa pinkamalaking economic zone sa bansa na binubuo ng 310 kompanyang (pribado at publiko) nagbibigay hanapbuhay sa humigit-kumulang 60 000 manggagawa. Tinagurian ito bilang natatang-ing eco-zone na siyang “pinakamataas kumita” noong 2007. Ito rin ang pangunahing pinag-mumulan ng electronics export ng bansa.

Walumpung bahagdan ng mga empresang bumubuo sa MEPZ ay Hapon. “Libo-libo pang manggagawa ang inaasahang mawawalan ng trabaho sa darating na mga buwan habang ang Japan ay dumaranas ng pinakamatindi ni-tong krisis mulang noong WWII,” pahayag ni Daisy Arago, executive director ng CTUHR. “Ang pagkakabuo ng Unity for Workers’ Rights, ang kauna-unahang organisasyon ng manggagawa na nabuo sa MEPZ mula noong 1990s, ay isang pagsulong. Sinasalamin nito ang pagnanais at kagustuhan ng mga mangga-gawang labanan ang krisis at humanap ng mga bagong solusyon,” dagdag ni Arago.

Page 7: o Pasaning T Krisis ng ni Pamilyang Obrero m - ctuhr.orgctuhr.org/wp-content/uploads/2011/05/Monitor-AprMay-2009.pdf · doble-doble rin ang pagpipiga sa lakas-paggawa ng mga kapi-talista

april-may 2009

CTUHR moniToR

Ayon sa NSO, ang kabuuang export ng bansa noong Enero 2009 ay nabawasan ng 39.1% ng kabuuang eksport noong En-ero ng 2008. (tingnan ang table 4). Kung dati, 20.8% ng ating eksport ay napupunta sa Estados Unidos bumaba ito patungong 19%. Bumaba naman ang eksport ng Pili-pinas patungong Japan ng 36.6% pagpasok ng Pebrero 2009.

Sa panahon ng krisis, ang mga ti-naguriang export economies ang labis na tatamaan ng krisis pampinansya. Kaya nang pumutok ang huli, tila domino ring nagbagsakan ang maraming kompanya na makikita sa mga economic zones (eco-zones), mga ”sentrong industriyal” sa bansa.

Sa kongkreto humigit-kumulang dalawang libo ang mga empresang nasa

loob ng iba’t ibang eco-zone sa bansa na nag-eempleyo ng mahigit isang milyong manggagawa. Ang mga eco-zones ay un-ang yumabong sa panahon ni Pangulong Marcos na siyang nagpatayo ng Bataan Export Processing Zone (BEPZ, 1974), ang kauna-unahang eco-zone sa buong daigdig. Pagpasok ni Cory Aquino, itinayo ang CALABARZON (1987) na binubuo ng 43 special economic zones (SEZ). At sa administrasyong Ramos, lalong pinabi-lis ang ang pagpaparami ng mga ng mga pribadong SEZs sa mga tinaguriang RICs o regional industrializing centers.

Sa ganitong iskema ng ”industriyal-isasyon” hinihikayat ang mga dayuhang mamumuhunan patungo sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga insentibong pawang makadayuhan: 5 hanggang 10 taong tax holidays o zero-tax, karapatan sa 100% profit repatriation (o pagbalik ng buong tubo sa sariling bansa ng kapitalista), at karapatan sa off-shore banking (maglagak ng pera sa mga bangko sa ibang bansa). Higit na paborable rin para sa mga dayuhang kapitalista ang mababang sahod ng mga manggagawang Pilipino at ang mga batas na nagliligalisa sa kontraktwalisasyon ng mga manggagawa. Bagamat matagumpay noong dekada 80 ang mga manggagawa ng BEPZ sa pag-abot ng 80% unionization ng mga manggagawa ng naturang eco-zone, sa kasalukuyan, marahas na sinusupil ng mga kompanya sa loob ng mga eco-zones ang karapatang ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ”no union, no strike policy.”

Hindi rin kataka-taka na karamihan sa mga biktima ng retrenchment ay mula sa electronics. Limampu’t limang porsyento (55%) ng mga investments sa mga eco-zones ay nasa electronics at semi-conductors. Si-yamnapu hanggang isandaang porsyento naman ng produksyon sa mga electronics companies na ito ay iniluluwas natin pa-tungong US o Japan.

Sa katunayan, 53% ng lahat ng produktong pang-eksport ng Pilipinas ay galing electronics. Dahil sa krisis, bumaba ito patungong 47.6%. Ang eksport ng iba pang produktong ating iniluluwas sa ibang bansa ay nagsibabaan din. (tingnan ang table 5)

Ang pagbagsak ng ekonomiya ng US kasunod ang Japan, ay siya ring humatak pababa sa industriyang electronics at iba pang industriya sa mga eco-zones kung saan kalakhan ay mga kompanyang US at Japan. At ito rin ang siyang nagbunsod ng malawakang tanggalan sa mga nasabing industriya.

Samakatuwid, hangga’t nananatiling import depen-dent export economy ang bansa, patuloy itong magig-ing bulnerable sa mas ma-lubhang krisis gayundin ang kasiguruhan sa kabuhayan ng maraming manggagawa at mamamayang Pilipino.

SanggunianThe Official Website of Philippine Economic Authority <www.peza.org>

Exports down 39% in Feb ni Ronnel Domingo RP exports to Japan down 40% ni Abigail L. Ho mula sa www.inquirer.net

Ang Pilipinas ay isang import-dependent, export economy. Nangangahulugan ito na ang pangunahing pinagku-kunan ng kapital para tumakbo ang ekonomiya ng

bansa ay dayuhang utang at puhunan. Ang karamihan rin ng mga produktong ginagawa sa loob ng bansa (kasama na rin ang lakas-paggawa) ay iniluluwas (eksport) patungo sa ibang bansa. Bukod pa dito, nakadepende ang ekonomiya ng bansa sa pag-konsumo ng dayuhang pamilihan.

table 4 Halaga ng Shipment Paluwas sa 3 Pangunahing Trade Partners ng Pilipinas*

bansa pebrero 2008 pebrero 2009 bahagdan ng pagbaba

US $716.7 M $466.57 M 34.9

Japan $474.41 M $398.98 M 15.9

China $406.4 M $262.94 M 35.3

* mula sa datos ng National Statistics Office

table 5 Paghahambing sa Halaga ng Eksport ng Pilipinas (2008-2009)*

industriya pebrero 2008 pebrero 2009 bahagdan ng pagbaba

Electronics $2.458 B $1.352 B 45

Garments $177.35 M $146.14 M 17.6

Woodcraft $91.069 M $77.50 M 14.9

Cathodes (copper) $85.409 M $54.32 M 36.4

manufactured Goods

$76.155 M $45.16 M 40.7

Kabuuang Eksport $4.112 B $2.504 b 39.1

* mula sa datos ng National Statistics Office

Triple E export economy, economic Zones, at electronics industry sa pilipinas

7

Page 8: o Pasaning T Krisis ng ni Pamilyang Obrero m - ctuhr.orgctuhr.org/wp-content/uploads/2011/05/Monitor-AprMay-2009.pdf · doble-doble rin ang pagpipiga sa lakas-paggawa ng mga kapi-talista

CTUHR moniToR

april-may 2009

BGy. OSMEñA, COMPOSTELA VALLEy – Umalma ang mga miyembro ng Nagkahiu-sang Mamumuo sa Osmiguel Farm (NAMAOS United Workers), unyon ng Barangay Osmeña Banana Packing Plant No. 98 (PP98), laban sa nagpapatuloy na harasment ng militar sa mga manggagawa ng naturang planta at mga resi-dente ng mga kalapit na komunidad. Ang pat-uloy na presensyang ito ng elemento ng militar ayon sa mga NAMAOS ay banta sa buhay ng mga mamamayan, mga aktibidad at mismong pag-iral ng organisasyon ng mga manggagawa.

Unang dineploy sa Bgy. Osmeña ang mga militar mula sa 66th Infantry Battalion ng Phil. Army, sa pamumuno ng isang Lt. Mark Tina noong Nobyembre 3, 2008. Mula noon hang-gang Disyembre 3 ay naglunsad ang militar ng mga “talakayan” sa mga kainan (dining area) ng mga manggagawa ng PP98 at iba pang mini-packing plant units (MPU), 251, 252, 253, 255. 256 at 257 kung saan nagtatrabaho ang mga manggagawa ng NAMAOS.

Ang NAMAOS ay kasaping lokal na un-yon ng National Federation of Labor Unions (NAFLU_KMU).

Ipinakilala sa mga talakayang ito ang WIP-ER o Workers for Industrial Peace and Eco-nomic Reforms, isang organisasyong binuo ng mga militar na umano’y naglalayong tumulong sa mga suliranin ng mga manggagawa at mag-tagayod ng magandang relasyon sa pagitan ng mga kompanya at mga manggagawa. Pinamu-munuan ang WIPER nila Elmer Saraom at

MACTAN, CEBU – Sa gitna ng mala-wakang tanggalan sa Mactan Export Process-ing Zones (MEPZ I and MEPZ II) dahil pa rin sa kasalukuyang pandaigdigang krisis, ang mga manggagawang tinanggal sa trabaho ay nagsama-sama upang buuin ang Unity for Workers’ Rights (U4) sa Mactan, Cebu noong ika-20 ng Pebrero.

Sinabi ni Elenita Villaraza, isang mang-gagawa ng Maple Co. at tagapagsalita ng U4 na ang kagutuman, kahirapan, pagkawala ng hanapbuhay, gayundin ang pagpapabaya ng gobyerno ang siyang nagtulak sa mga mangga-gawa upang magkaisa at isulong ang kanilang mga karapatan at hinaing.

Ang U4 ay isang malawak na koalisyon ng lahat ng mga manggagawang tinanggal, il-legal na inalis sa trabaho, at flexible na mang-gagawang tinamaan ng krisis. Kabilang din sa alyansa ang mga taong-simbahan, at mga abogadong handang magbigay ng tulong at suporta sa mga manggagawang nabiktima ng tanggalan.

Layon ng U4 na protektahan ang seguridad ng mga manggawang nabiktima ng krisis. Nag-papalaganap ito ng impormasyon hinggil sa karapatan ng mga manggagawa at naglulunsad ng kampanya at nangagalap ng suporta para sa petisyon sa mga lokal na pamahalaan, sa De-partment of Labor and Employment (DOLE), sa Philippine Economic Zones Authority (PEZA) at sa international community upang ipresyur ang mga kinauukulan na kagyat na ibigay ang mga insentibo at ipatupad ang mga programang ipinangako sa mga manggagawa kapwa ng gobyerno at mga kompanya.

Samantala, napansin ng Center for Trade Union and Human Rights – Cebu (CTUHR-Cebu) na nagsimula ng isang center sa Lapu-Lapu City nitong Marso ang pagdami ng bilang ng mga manggagawang nagrereklamo patungkol sa di-pagbabayad, pagkahuli o di

Ibinsura kamakailan ng Batangas city Pro-vincial P rosecutor ang kasong arson (panu-

nog) at paninira ng ari-arian laban kina Atty Remigio Saladero Jr at 26 iba pang aktibista mula sa Southern Tagalog dahil sa kawalan ng batayan (lack of probable cause). Kaugnay ang kaso ng sinasabing pagpapasabog ng Globe Telecom tower sa Lemery, Batangas noong Agosto 2,2008.

Sa desisyong sinulat ni Third Assistant Provincial Prosecutor, Esmeralda Andaya, binigyang diin ng Korte na ang kasong isi-nampa ng Globe Telecom laban kay Saladero at iba pa ay winasak ng mismong testimonya ng mga testigo ng Globe. Dinagdag pa ng ko-rte na ang ebidensyang ihihapag ng Globe Tel-ecom sa preliminary investigation ay nagpakita ng seryoso, di maipapaliwanag na butas at di magkakaugnay na datos na mahirap pagsama-hin. Binanggit pa niya ang simpleng paghaha-nay ng mga aliases ng mga akusado, tulad ni Saladero na isang aktibong abogado ay hindi sapat para patunayan na sila ay mga NPA at siyang nagpasabog ng cellsite tower.

Ani Ms Daisy Arago, Executive Director

ng CTUHR “ang pagbasura sa kaso ay hindi lamang isang tagumpay laban sa paninira at kasinungalingan kundi maging sa pagtatang-kang pahinain ang kilusang manggagawa at karapatang pantao”. Dinagdag pa niya na ito ay pagpapakita na dapat ng itigil ng militar ang paggamit sa korte at pagsasampa ng gawa-gawang kaso para i-harass at takutin ang mga aktibista.

Matatandaang isang Arvin Leviste, nag-pakilalang DPA (Deep Penetration Agent) ng Philippine Airforce at dalawang iba pa na nagsabing nasa lugar sila ng mangyari ang pagpapasabog ang nagsilbing pangunahing testigo.

Matatandaang kinulong si Atty. Saladero sa Oriental Mindoro ng mahigit na tatlong bu-wan sa gawa-gawang kasong pagpatay sa mga pulis noong Marso 6, 2006. Noong Pebrero, ibinsura rin ng korte ang nasabing kaso at pinakawalan si Saladero at .anim na iba pang aktibista. May panibagong gawa-gawang kaso ng pagpatay ang isinampa sa kanya at 64 lider ng organisasyo at nakabinbin ngayon sa Rizal Regional Trial Court, sa Pasig..

Kasong arson laban sa abogado ng KmU, Ibinasura ng Korte

mga mangagawa sa compostela Valley, Umalma laban sa Harasment ng militar

Aaron Varona. Ngunit sa halip na maghain ng mga solus-

yon sa mga problema ng manggagawa, naging sentro ng talakayan ang propaganda laban sa KMU. Kabilang umano ang huli sa rebeldeng kilusan at sumusuporta sa Communist Party of the Philippines at New People’s Army (CPP-NPA). Ayon sa WIPER, ito ang dahilan kung kaya ang KMU at ang mga kasapi nito ay target ng mga operasyong militar. Binantaan din ng WIPER ang mga manggagawa na hindi sila mag-aalinlangang “ubusin” ang mga taong ayaw makiisa sa kanila.

Pilit namang hiningan ng impormasyon nila Saroam at Varona ang mga opisyal at mi-yembro ng unyon hinggil sa pinupuntahan ng pondo ng huli. Gayundin, tinutulak din nila ang mga manggagawa na lumayo sa KMU dahil masama di-umano ang impluwensya nito, sa halip ay sumama na lamang daw sila sa TUCP.

Ayon sa president ng NAMAOS, si Ms. Cerila Anding, alam ng management ang natu-rang forum. Hinikayat pa nga umano ni Mr. Retamas, ang itinuturong may-ari ng kom-panya, ang mga manggagawa, laluna ang mga casual, na dumalo sa talakayan. Babayaran pa rin daw sila kahit tigil ang produksyon sa pag-gawaan, dumalo lamang sa forum.

Mula noon, sunud-sunod na ang pagtang-gap ni Ms. Anding ng mga text messages mula sa WIPER na nag-aanyaya sa iba pang mga “labor education” at “livelihood” seminars

Koalisyon Para sa Karapatan ng manggagawa, Binuo sa gitna ng Krisis

sundan sa pahina3

sundan sa pahina6

8

Ang CTUHR moniToR ay regular na publikasyon ng center for trade union and human rights. Para sa inyong mga katanungan, mungkahi, o komento, sumulat sa aming opisina sa rm 702 culmat building e rodriguez ave. bgy. mariana quezon city 1102, philippines o mag-email sa [email protected]. Maari ring tumawag o mag-fax sa 411 0256 o di kaya’y bisitahin ang www.ctuhr.org