26
Noli Me Tangere Kabanata 21-25

Noli Me Tangere

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere

Noli Me Tangere

Kabanata 21-25

Page 2: Noli Me Tangere

Ang Kasaysayan ng Isang Ina Tauhan:SisaMga guwardiyaCrispin at BacilioAlperes

 

KABANATA 21

Page 3: Noli Me Tangere

Nang malaman ni Sisa na wala si Crispin, agad-agad siyang umalis at umuwi, gulo ang isip at hindi alam kung ano ang gagawin upang mailigtas ang kanyang mga anak.  Natanaw ni Sisa ang mga gwardiya sibil na galing sa kanyang bahay na hindi kasama sinuman sa kanyang dalawang anak. Samakalawa, narinig niyang tinatawag siya at na may kasama nang paghamak, na nakatutok sa kanya ang baril   BUOD:

Page 4: Noli Me Tangere

at nagtanan na siya’y nagsinungulangin na siyaý  ang ina na magnanakaw.. pero hindi yun totoo.  Walang kaalaman si Sisa sa pagnanakaw. Puwersang pinuntahan siya kasama ng sibil sa bayan at dalawang oras na si Sisa sa bilangguan nang dumating ang alperes at pinakawalan siya dahil gawa-gawa lamang daw iyan ng mga prayle at kung gusto ng gwardiya ang ninakaw na pera, hihingi sila kay San Antonio. Pagkalabas ni Sisa, agad siya tumakbo patungo sa kalye at nagpalakad-lakad na hindi alam ang tinutungo at patuloy sa pagtawag sa mga pangalan ng kanyang anak na sina Crispin at Basilio.  

Page 5: Noli Me Tangere

Umiiyak na parang bata na nawawala. Naging palaboy na si Sisa sa kalye. Umiyak, tumatawa at nikikipag-usap sa kalikasan.

SYMBOLISMO: Ang mabilis na agos ng tubig. – Kung mabilis ang agos ng tubig, kumpara sa pagkakagulo ng isip at di alam anong gawin. Hindi kalmado.MENSAHE: Dapat maging kalmado at may pagtitiwala sa Diyos upang hindi ka mawala sa iyong sarili.

Page 6: Noli Me Tangere

Ang Liwanag at Karimlan

Tauhan:Padre SalviMaria ClaraTiya IsabelIbarra BUOD:

Kabanata 22

Page 7: Noli Me Tangere

Malapit na ang pista ng San Diego. Naging usap-usapan ang pagdating ni Maria Clara at Tiya Isabel. Labis katuwaan ng mga tao sa pagdating ni Maria Clara dahil sa kanyang kagandahan. Napatahimik lang si Padre Salvi. Kapunapuna din ang kanyang pangangayat at pagiging malulungkutin. Si Padre Salvi ay  gustong dumadalaw sa bahay ni Maria Clara. Habang si Ibarra ay nasa daan, binati niya si Padre Salvi na patungo rin sa tahanan ni Clara. Inaayos na ni Ibarra ang kakailanganin para sa pagdiriwang. Hindi sang-ayon si Ibarra sa gusto ni Clara na hindi imibitahin ang kura na si Padre Salvi dahil takot si Clara sa tuwing kinakausap siya ay parang hindi niya maintindhihan. Lagi siyang itinatanong na minsan daw ba ay napapanaginipan daw niya  

Page 8: Noli Me Tangere

ang liham sa kanyang ina. Parang ang kanyang titig ay puno ng kalungkutan at parang sira ang ulo. Dumating si Padre Salvi at nakita silang dalawa nag-uusap. Nagpaalam si Clara at naiwan ang dalawa. Inimbita si Padre Salvi para sa piknik bukas ng umaga sa gubat na malapit sa balite sa bukiran. Matapos ang kanilang pag-uusap, nagpaalam si Ibarra agad para paghandaan. Habang siya’y naglalakad sa gitna ng dilim, may isang lalake na hindi niya kilala na lumapit sa kanya. Ang sabi ng lalake na halos dalawang araw siya naghihintay kay Ibarra, sa dahilan na walang tumulong sa kanya na nawawala ang kanyang dalawang anak at nababaliw ang kanyang asawa.

Page 9: Noli Me Tangere

Pinakinggan ni Ibarra ang kuwento ng lalaki habing sila’y naglalakad.

SYMBOLISMO: Aklat – Kapag ikaw ay may kaalaman at pagiging “open” sa ibang tao at handang tumulong.

MENSAHE: Dapat maging malasakit sa kapwa kahit hindi mo alam ang taong iyon na nangangailangan ng tulong.

Page 10: Noli Me Tangere

Tauhan:Ang limang magagandangbinibini at mga kalalakihanTiya IsabelAlbinoKaptian TiagoLeonIbarraPiloto (Elias)

Kabanata 23Ang Pangingisda

Page 11: Noli Me Tangere

Nagsilakad patungong lawa ang mga masasayang pangkat ng mga kababaihan at mga magulang. Masayang nag-uusap ang mga magagandang limang babae na sina Maria Clara, Sinang, Victoria, Iday at Neneng, habang ang mga matatanda at mga utusang babae ay nasa likuran sumusunod. Pinatahimik ni Tiya Isabel ang mga binibini dahil baka makabubulahaw nila ang mga taong natutulog. May isang binata ang dumating na naglalakad sa saliw ng gitara. Ang mga kalalakihan nama’y nangag-uusap at nakangiting bumati. Nagmamalaking tugon si Albino, isang seminarista na marunong siyang lumangoy, at kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni Ibarra subalit siya’y nakiumpok ra rin sa

Page 12: Noli Me Tangere

kasiyahan ng grupo. Sila ay nakarating sa lawa. May dalawang malalaking bangka ang nakatali. Inihiwalay ng mga magulang ang mga lalaki at babae nang sila’y nigsipagluhan na sa bangka. Ngunit, malakas na sambit ni Albino sa lalaking katabi niya na itakpan na mabuti ang butas na nasa kanyang paa para hindi pumasok ang tubig dahil maraming butas ang Bangka. Maya-mayang sumigaw ang mga babae dahil sa takot na lulubog ang kanilang bangka. Nagulo ang mga manlalakbay at sa dahilan nito, ang mga lalake ay nagkaroon ng pagkakataon na makatabi nila ang kani-kanilang nililigawan gayundin si Ibarra kay Maria Clara.

Page 13: Noli Me Tangere

Nang sila’y matapo na mag-agahan, nagpapatuloy sila patungo sa dalawang baklad na pag-aari ni Kapitan Tiago. Nang sila’y dumating na sa baklad ni Kapitan. Sila’y naghahandaan at ipinapakanta si Maria Clara. Ang tinig ni Maria Clara ay napakagandang kinggan at lahat ay napatulala at napaiyak dahil sa kanyang kanta. Pagkatapos, ang lahat ay umaasam-asam na makahuhuli sila ng maraming isda. Inilubog ang salok sa tubig at wala ni isa mang isdang nahuli. Kinuha ni Leon ang salok at muli niyang inilubog ang salok at subalit nakasigaw siya dahil sa gulat na buwaya ang kanyang nakuha.

Page 14: Noli Me Tangere

Halos lahat ay nahintakutan. Dahil dito’y tumayo ang piloto at kumuha ng tali para hulihin ang buwaya, habang pinagmamasdan ang lahat kung anong nangyari sa ilalim ng tubig. Umakyat ang piloto at tinapakan niya ang likod nito at tinali ang bunganga sapagkat agad ito nagpumiglas at tumalon sa tubig. Nagsisigawan ang mga binata dahil sa takot. Biglang tumalong si Ibarra upang tulungan ang piloto. Muntik namatay si Elias at nailigtas ni Ibarra ang kanyang buhay. Napata yang buwaya at nagpasalamat si Elias kay Ibarra. Naging nagulat si Clara at namumutlang alang-ala nab aka mamatay si Ibarra sa kanyang ginawa.

Page 15: Noli Me Tangere

Pero and sabi ni Ibarra ay huwag na siya aalahanin dahil dito rin ang nakalagak ang bangkay ng kanyang ama sa lawang ito. Pagkatapos, muling naghanda si Andeng ng isang pansinigang. Pumunta sila sa isang baklad at nakahuli sila ng maraming isda at iniluluto. 

SYMBOLISMO: Leon – Pagiging matapang.

MENSAHE: Dapat Tulungan mo ang nangangailangan kahit ang buhay mo ay nasasabit sa kamatayan.

Page 16: Noli Me Tangere

Kabanata 24 Sa Gubat

Tauhan:Padre Salvi

Ibarra at Sisa Sibil ng Sarhento

Maria Clara at mga kakampi

Page 17: Noli Me Tangere

Maaga pa at nagmisa si Padre Salvi. Nawalan siya ng ganang kumain dahil sa liham na dumating. Nag-iisip siya habang hawak-hawak ang liham na kanyang tinitingnan. Subalit siya’y nag-ayou at inutos na ihanda ang karwahe upang siya ay maihatid sa gubat kung saan nagaganap ang piknik. Nang siya’y nakarating sa madilim at masukal na gubat, nakarinig siya ng isang magandang tinig na boses na palapit lapit. Nagtago si Padre sa isang malaking puno at nakikinig. Ang narinig niya ay “Pag-ingatan mo dahil ang pagseselos ay nakakapayat at ang mata mo’y lalalim pa!”.

Page 18: Noli Me Tangere

Subalit nakita ni Padre Salvi sina Maria Clara, Victoria at si Sinang na naglalakad sa ilog na hinahanap ang mahiwagang pugad ng gansa. Siya’y patuloy nagtatago at tumingin sa kanilang ginagawa at pagpapaalis. Hindi niya muling narinig ang mga tinig ng mga binibini. Gusto niya sundin, pero nagpatuloy siya sa paglakad upang hanapin ang iba pang kasama ng gurpo. Binati siya sa lahat ng magalang. Pagkatapos nilang mananghalian tinanong ni Padre Salvi ang alperes kung may alam ba siya sa taong may kagagawan ng paglapastangan kay Padre Damasco. Ang taong ito na pinaghahanap ay ang bumugbog kay Padre Damasco.

Page 19: Noli Me Tangere

Sabi pa ng kura na ito ang dahilan ng kanyang pagkakapahinga at idinugtong pa niya na ito din raw ang taong nagtapon sa alperes sa hukay sa lupa. Mayang-maya’y may isang babae na payat at namumutla ang mukha ang biglang dumating. Iniutos ni Ibarra na siya’y pakainin. Sinabi ni Don Filipo Lino na ang babaing baliw ay si Sisa. Apat na araw na itong nasisisraan ng bait dahil sa takot at mga hirap na dinanas sa buhay.

Page 20: Noli Me Tangere

Hindi nasunod ang utuos ni Ibarra na pakainin si Sisa dahil nang Makita niya ang alperes bigla siyang kumaripas ng takbo at hindi na nakita sa gubat. Dahil dito’y pinahanap ni Ibarra ang babaing baliw sa mga alila dahil naipangako niya na hahanapin niya ang mga nawawala niyang anak. Sinabi ng alperes na ayon kay Don Filipo, hindi matagpuan ang dalawang anak ni Sisa. Pinagtanongan niya si Padre Salvi kung totoo ngang nawawala ang kanyang mga sakristan. Hindi nasagot ni Padre Salvi ang tanong ng alperes. Nagalit si Padre Salvi sa sinasalita nig alperes at nagging mainit ang pagtatalo ng dalawang taong ito at pumagitna na si Ibbara sa pamamagitan ng pagbabago ng paksang pag-uusapan

Page 21: Noli Me Tangere

Sinabi niya pagamutin niya si Sisa sa isang manggagamot. Bumalik ang mga alipin at hindi nila raw mahanap ang baliw. Pagkatapos ng tanghalian, sila’y naglalaro ng mga baraha at ahedres at ang mga kadalagahan ay nahikayat sa Gulong ng Kapalaran (upang alamin ang kanilang haharapin). Nakatanggap ng liham si Ibarra na hindi niya binabasa. Habang ang mga binibini ay naglalaro, si Sinang ay nakakuha ng malas at si Maria Clara ay nakakuha ng swerte. Lumapit si Ibarra sa kanya at nagtanong sa Gulong ng Kapalaran kung magiging maganda ba ang kalalabasan ng kanyang binabalak. Ngunit, ang inalabas ay pangarap lng raw.

Page 22: Noli Me Tangere

Dahil dito, bibigyan ng regalo ang nakakuha ng pinakamagandang kasagutan at hinati niya ang sulat sa dalawang bahagi. Ang isang piraso ng papel ay magtatayo siya sa bayan ng isang bahay-paaralan para sa mga kababaihan at kalalakihan at ito ang kanyang regalo. Subalit sa isa naman ay para sa mga taong may pinakapangit na kasagutan. Lumapit si Padre Salvi sa pulutong ng mga kabataan Natigil ang kasiyahan ng kababata dahil sa kura, at kinuha ng kura ang aklat at nagsasabi na kasalanan ang maniniwala sa aklat na ito. Muling sinagot ni Albino na may kasalanan ba ang kumuha ng gamit na hindi sa kanya lalo pa’t ito’y labag sa kalooban ng may-ari. Umalis agad si Padre Salvi.

Page 23: Noli Me Tangere

Umuwi sana si Padre Salvi sa bayan ngunit may apat na sibil ng sarhento ang biglang dumating. Si Ibarra ay nagtatanong sa sibil kung anong gusto nila. Sabin g sibil na ibigay sa kanila ang pilotong pinaghahanap ng batas na nagngangalang Elias. Si Elias ay naakusahan ngayon ng pagbubuhat kamay sa isang kura, ayon sa reklamo, tinanggap si Elias sa kasiyahan, dugtong ng mga sibil. Nagalit si Ibarra at pinagsalitaan. Iniutos ng sarhento na hanapin sa lahat ng sulok ang piloto subalit hindi nila ito nakita. Natapos ang kasiyahan habang unti-unting nagdidilim, lumisan ang lahat ng manlalakbay.

Page 24: Noli Me Tangere

SYMBOLISMO: Gubat- misteryoso, hindi mo alam kung anong mangyayari sa iyo, maging mamatay ka o ma buhay sa mga dinadaanan mo.

MENSAHE: Dapat may respeto ka sa tao at huwag lang magsasalita ng kung anu-ano na maaring masaktan at magalit sila.

Page 25: Noli Me Tangere

Tauhan: Ibarra, Pilosopo Tasyo

Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo

Page 26: Noli Me Tangere