9

Click here to load reader

Nena'y Nanay, Totoy -- Tatay!

Embed Size (px)

DESCRIPTION

“Nena’y Nanay, Totoy – Tatay!” Isang Pamanahong Papel na Tumatalakay sa mga Karanasan ng mga Batang Magulang Mga Mananaliksik:Bernabe, Maria Katrina R.; Cerrer, Daniele Christia R.; Matias Janice M.;Medrano, Czarissa Eden R.; Suarez, Juan Ponce G. (1BSN-9)Sa patnubay ni:Prof. Zendel Manaois-Taruc, M.Ed.

Citation preview

Page 1: Nena'y Nanay, Totoy -- Tatay!

Unibersidad ng Santo TomasKolehiyo ng Nursing

“Nena’y Nanay, Totoy – Tatay!” Isang Pamanahong Papel na Tumatalakay sa mga Karanasan ng mga Batang Magulang

Mga Mananaliksik:Bernabe, Maria Katrina R.; Cerrer, Daniele Christia R.; Matias Janice M.;

Medrano, Czarissa Eden R.; Suarez, Juan Ponce G. (1BSN-9)

Sa patnubay ni:Prof. Zendel Manaois-Taruc, M.Ed.

Paano nga ba ang maging isang young parent? Habang lumilipas ang panahon, parami na nang parami ang mga kabataang nahahantong sa maling landas. At kadalasan, sila ay hinuhusgahan ng iba. Marahil ay panahon na para maipakita rin ang iba’t ibang aspeto ng mga teenage parents upang sa gayon ay magkaroon ng panibago o kaya ay mapalawak pa ang pananaw ng tao ukol sa kanila.

Deskripsyon Tungkol sa Young ParenthoodA. Depinisyon

Ang young parenthood ay resulta ng teenage pregnancy na laganap na sa buong mundo at isang pangunahing suliranin dahil sa mga epekto na naibibigay nito sa kalusugan, sa lipunan, sa kalidad ng buhay at sa naidudulot nito sa personal na isyu ng maagang pagbubuntis [1]; pagbubuntis na nasa 13 hanggang 19 taong gulang. Ito ay karaniwang nagaganap sa mga kababaihang hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral, may kaunti o walang maaaring ibentang kakayahan, nakadepende pa sa magulang hinggil sa pananalapi, o kaya naman ay patuloy na naninirahan sa bubong ng magulang, at kadalasa’y mura pa ang isipan.[2]

B. Kalagayan ng Young Parenthooda. Internasyonal [2]

Sa mga sarbey na ginawa ng isang oranisasyon na Save the Children, pinapanukala na bawat taon ay 13 milyon na kabataan ang ipinanganganak galing sa mga kababaihan na nasa edad na mas mababa sa 20. Ayon dito, ang pinakamataas na bilang ng maagang pagbubuntis ay sa sub-Saharan Africa at sa Estados Unidos naman ang may pinakamataas na bilang ng mga pinapanganak.

Nang dumating ang taong 2006, nagkaroon ng pagbaba sa bilang ng maagang pagbubuntis. Ngunit sa pagpasok ng taong 2007, tumaas muli ang bilang ng maagang pagbubuntis na sumasalungat sa magandang progreso noong mga nakaraang taon.

b. LokalAyon sa ulat ni Marlon Ramos ng Philippine Daily Inquirer, nakasaad sa National Statistics Office na noong taong

2004 ay 1.7 milyong sanggol ang isinilang. Halos 8% sa mga ipinanganak ay galing sa mga ina na nasa edad na 15 hanggang 19 taong gulang. Ayon naman kay De Leon ng NSO noong taong 2000, ang mga batang ina ay nagsilang ng 810,000 na sanggol. Isa sa sampung isinisilang na sanggol ay mula sa inang nasa murang edad. Dalawa sa bawat limang porsyento ng maagang pagbubuntis ay hindi ninaanis ng nagtalik na kabataan at higit sa 46% naman sa mga dalagang nabuntis ay nagpapalaglag. Isa sa apat na batang magulang ay humihinto sa pag-aaral upang alagaan ang kanilang anak o maghahanap ng trabaho upang matulungan ang kanilang pamilya.

C. Mga Sanhi ng Young Parenthood* A. Ayon sa kagustuhan [3]

B. Pagiging ignorante at inosente

C. HiyaD. Pagmamahal, pagrerespeto, at pagtitiwalaE. Pagiging handa sa mga darating na suliranin

ukol sa mga isyung ekonomikalF. Peer pressure

G. Kawalan ng tamang impormasyon [4]

H. Kawalan ng trabahaoI. Mababang perspektibo sa trabahoJ. Kawalan ng suporta at pagmamahalK. Pagsunod sa pamilyaL. Upang makaramdam ng self-worth

http://www.uvm.edu/~pampadu/teenage%20pregnancy.jpg http://www.buzzfeed.com/mjs538/13-year-old-dad-bu

1. McGraw-Hill Concise Dictionary of Modern Medicine. © 2002 by The McGraw-Hill Companies, Inc.2. http://www.buzzle.com/3. http://www.teenfad.ph/beintheknow_content.php?id=544. http://www.yapa.org.au/openingdoors/parents/needs_issues.php

Page 2: Nena'y Nanay, Totoy -- Tatay!

http://www.topnews.in/usa/files/pregnant-lady.jpg

1.Luker, 19962.http://www.yapa.org.au/openingdoors/parents/needs_issues.php3.Annie E. Casey Foundation, 19984.http;//www.womenshealthcannel.com/teenage pregnancy/index.shtml5.http://www.qolsandiego.net/docs/Teen%20Parent%20Research%20Paper.htm

*Ang mga nabanggit na sanhi ay ang mga pinakamalimit na dahilan ng young parenthood ngunit maaari pang magkaroon ng iba pang dahilan at hindi ito nalilimita sa mga nasa itaas.

D. Mga Epekto ng Young Parenthood

*Ayon sa aming nakalap na mga

datos, nabanggit ang mga pinakama-

dalas na epekto ng teenage parenthood.

Subalit, hindi ang lahat ng mga nasa itaas ay mangyayari o nangyari

sa mga teenage parents. Marami pa itong ibang dulot kung saan ito ay

napaka-subjective, ibig sabihin, nasa indibidwal ang pagtatalos kung

nakakasama man o nakabubuti para sa kanya ang naging mga

kahihinatnan.

Epekto ng

Young Parenthood

Personal Sikolohikal Kalusugan Panlipunan

diskriminasyon

Kaligayahan ng pagiging isang magulang

Pagkakaroon ng bisyo

Nakararamdam ng post-natal depression[2]

Ang mga sanggol ay kadalasang mababa ang timbang at nagkakaroon ng iba’t ibang sakit[3]

Maliit ang posibilidad na makapagtapos ng pag-aaral

Nasa 7bilyong dolyar ang nawawala sa gobyerno sa loss tax revenues, public assistance, child health care, foster care at pagsasangkot sa mga hindi makatarungang gawain [3]

Makararanas ng paghihirap at kawalan ng trabaho

Maternal illnessMiscarriageStill birthNeonatal death [1]

May posibilidad na maabuso o mapabayaan ang mga anak ng teenage moms [4]

Hindi mabibigyan pansin ang pag-mature ng isang indibidwal bilang isang tao [5]

Page 3: Nena'y Nanay, Totoy -- Tatay!

1.Davis, Deborah, You Look Too Young to be a Mom: Teen Mothers Speak Out on Love, Learning and Success, Pedigree Books, 20042.Rolfe, Alson, Journal of Community & Applied Social Psychology; Jul/Aug 2008, Vol 18 Issue 4, pp299-314, 16p, 1 chart3.Booth, et. al., “Early Family Transitions and Depressive Symptom Changes From Adolescence to Early Adulthood”, Journal of Marriage & Family,

Feb 2008, Vol 7, No. 1, p10

II. Paglalahad ng Sariling Pag-aaral

A. Metodolohiya

Ang mga mananaliksik ay nangalap ng impormasyon tungkol sa mga kabataang maagang naging mga magulang sa pamamagitan ng pag-interbyu sa apat na mga sabdyek. Ang naging basehan sa pagpili ng mga sabdyek ay ayon sa kanilang personal na background. Ang mga kinapanayam ay ang mga indibidwal na nakaranas maging mga teenage parents na ngayon ay masasabing matagumpay na nalampasan ang mga hamon na kaagapay nito. Ang mga naging sukatan ay ang mga aspetong socio-economic, personal, at marami pang iba.

Pinanatiling kumpidensyal ng mga mananaliksik ang pagkakakilanlan ng mga sabdyek sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga screen names para sa kanila ayon na rin sa kanilang hiling. Nakalakip sa mga sumusunod na mga pahina ang mga larawan ng mga sabdyek na aming kinapanyam maliban kay Ana.

B. Paglalahad at Pagsusuri ng mga Datos

Dahil sa nakaka-alarmang pagtaas ng antas ng teenage pregnancy dito sa Pilipinas, naisipan ng mga mananaliksik na talakayin ang sitwasyon ng mga kabataang maagang naging magulang. Sa lipunan, sila ay kadalasang nami-misinterpret ng ibang tao bilang mga “bad girls” at “bad mothers” [1] pero may mas malalim pa silang mga dahilan kung bakit nila nagawa iyon.

“Dala ng aming kapusukan at curiosity, nabuntis ako.” –ana

“Ipinagkasundo kami ng aming mga magulang at pagkalipas ng isang taon ay natanggap ko na rin

ang aming sitwasyon at nagka-anak kami.” –jose

Ang ilan sa mga dahilan ng aming mga nakapanayam ay curiosity, pagiging ignorante at inosente, pagsunod sa pamilya at pagkakaroon ng pagmamahal, pagrerespeto, at pagtitiwala sa kanilang ka-relasyon. Ibig sabihin lamang nito na ang mga teenager ngayon ay napupunta sa ibang landas sa kadahilanang nasasabik silang matuto o makaalam sa bagay na nakakaakit ng pansin o interes tulad ng sex. Marapat sana na kapag nasa wastong gulang na ang mga kabataan ay gabayan sila ng kanilang mga magulang sa mga kaisipang sila lang ang makakapagpaliwanag ng tiyak upang hindi sila “maaksidente. Sa isang banda, ang dahilang pagsunod sa pamilya ay mula sa isang sabdyek na ipinagkasundo ng kanyang mga magulang dahil ito ay naganap sa mga panahong na-uso ito at sa pagdaan ng panahon ay natanggap na lang nila ang isa’t isa at naging magulang sa maagang edad. Samakatuwid, ang teenage preganacy ay kadalasang aksidente lamang at wala ito sa isip ng kabataan kung sila lamang ay magkakaroon sapat na impormasyon tungkol sa mga temang sex at ang mga responsibilidad bilang mga magulang.

http://www.inmagine.com/px036/px036004-photoAt kapag nangyari na ang hindi inaasahan dahil sa kanilang pagsisidhing maranasan o madiskubre ang isang bagay tulad ng

sex, sari-sari ang kanilang mga nagiging reaksyon. Itong mga reaksiyong ito ay subjective kung saan nakadepende ito sa mga paniniwala o pakahulugan ng isang indibidwal. Pagkagulat at pagkatakot ang una nilang naging reaksyon sa hindi inaasahang pangyayari na

“Ang naging reaksiyon ko ng malaman kong buntis ako

ay pagkatakot at pagkabigla.” –elena

pagiging mga magulang sa murang edad. Ngunit sa paglipas ng panahon ay napagtanto nila na ito ay makapagbibigay sa kanila ng isang makabuluhang karanasan. Ito ay pagpapakasakit at pabuya, pagiging responsible at pag-unlad at paggawa ng mga bagay sa isang bagong paraan [2]. Ngunit, hindi lahat ng mga teenager parents ay ganito ang pakahulugan. Mayroong ilan na mananatiling depressed [3] dahil ngayon pa lang nila ito mararanasan at hindi nila alam ang kanilang gagawin pati na rin ang magiging reaksyon ng ibang tao sa kanila. Narito ang pahayag ng ilan sa mga sabdyek:

Page 4: Nena'y Nanay, Totoy -- Tatay!

www.weeklygripe.co.uk/AImg/teenager_support.jpg

http://www.fotosearch.com/bthumb/BDX/BDX298/bxp51686.jpg

Natakot ako sa mga dahilan ito: natakot ako na baka itakwil ako ng

aking mga magulang at pamilya, sa mga sasabihin ng ibang tao, kung

pananagutan ng bf ko ‘yong anak ko, baka hindi ako makatapos ng pag-

aaral, baka hindi namin kayanin ung mga responsibilidad dahil bata pa kami,

baka mawalan ako ng mga kaibigan at baka hindi ako i-welcome sa family ng

bfko…dahil bata pa kami at baka mawalan ako ng mga kaibigan. –ana

Mabigat ang pinagdadaanan ng mga teenage parents. Bukod sa pagiging shocked sa kanilang sitwasyon ay kailangan agad nila itong lampasan at harapin ang pagpapalaki nang maayos sa kanilang anak. Sa mga sitwasyon na ito ay nangangailangan ang mga teenage parents ng gabay at tulong mula sa kanilang mga kapamilya:

“Naging mabuti ang pagpapalaki sa bata dahil taos-pusong tumulong at sumuporta ang buong pamilya pati na rin ang aking mga kaibigan.” –jojo

“Kaming dalawa ng aking asawa ang nagtrabaho at ang aming mga magulang naman ang nagbantay sa mga anak namin.” –jose

Ngunit hindi lahat ay tinatanggap ng kanilang mga magulang ang kanilang sitwasyon:

“Pinalayas ako noong una at nakituloy muna ako sa tita ko na naiintindihan ako, pagkatapos ng isang lingo, sinundo nila ako.” -ana

May iba na kinailangang gawin ang lahat ng maaring gawin upang matustusan at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya:

“…nagbenta ng karne sa palengke, gumawa at naglako ng suka at marami pang iba ang aking asawa habang

nanatili naman ako sa pagsasaka.” –jose

“Iipinagpatuloy namin ng aking asawa ang aming pag-aaral.” –jojo

Sa pagpapalaki naman sa kanilang anak, inilarawan ng mga sabdyek na nahirapan sila sa kadahilanang hindi pa sila handa sa mga suliraning kinahantungan nila. Iba-iba ang mga paraan sa pagpapalaki nila sa kanilang mga anak:

Istrikto. Sa tuwing may gagawin silang mali o hindi karapatdapat ay pinapalo namin sila. Ito ay isang mabisang paraan upang hindi na ulitin ng bata ang kamaliang ginawa. –jose

“Pinalaki namin ang aming anak na may takot sa Diyos, ng mga mabubuting gawain at ang pagtuturo kung ano ang tama at mali.” –jojo

Sa gayon, mahihinuha na may mga pagkakataong maaring hindi maging epektibo ang uri ng pagpapalaki nila sa kanilang mga anak katulad na lang ng sitwasyon ni Jose. Dahil dito, maaring na-misinterpret ng kanilang mga anak ang paraan ng kanilang pagdidisiplina at malamang na sa isang banda ay naka-apekto ito sa kanilang relasyon sa kanilang mga anak.

Page 5: Nena'y Nanay, Totoy -- Tatay!

“ http://www.healthink.com/FloridaBlue/spring02/images/story9_2.gif

“ ”

http://www.pep.ph/images/guide/67b50fbdb.jpg

Sa kabuuan, ang mga karanasan nila sa pagiging mga teenage parents ay parehong may adbentahe at disadbentahe at narito ang mga pahayag ng mga sabdyek tungkol sa kanilang mga karanasang masasabing aksidenteng nangyari:

. pag-isipan ang isang bagay bago ito gawin. – jojo

“… hindi ko masyadong naenjoy ang aking pagkadalaga dahil nga sa maaga akong nabuntis. Maaga akong namulat sa realidad at naranasang magkaanak nang ako’y 17 pa

lamang. –elena

“Hindi pala gano’n kadali ang umako ng responsibilidad. Ang pagiging ina sa maagang edad ay sadyang napakahirap. Tama nga ang kasabihan na ‘ang pagpapakasal ay hindi parang kanin na kapag napaso ang dila ay maari pang iluwa’, dahil kapag nandiyan ka

na, dapat panagutan mo ang mga consequences na maaaring idulot ng pagkakamali na iyong nagawa…” –ana

Ang kanilang mga mensahe sa mga teenage parents at sa mga kabataan:

“Magpakatatag lang kayo at huwag ninyong hayaang panghinaan kayo ng loob. Gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya

upang maging mabuting magulang para sa inyong anak”. – jose

****************

“Unahin muna ang pag-aaral. Pag-isipan ang mga bagay-bagay bago gawin. Umiwas sa mga bisyo at pre-marital sex.” – jojo

Magtapos muna ng pag-aaral bago mag-asawa o mag-isip ng pamilya dahil wala namang mawawala kung maghihintay tayo. Huwag magmadali sa buhay at lubusin ang bawat oras na

ibinigay sa atin ng Panginoon at makinig sa mga payo ng magulang dahil sa natutunan ko ay tama naman lahat ng sinasabi nila. Ang kanilang mga payo ay para sa ikakabuti natin at para hindi tayo

malayo sa tamang landas.

Basta palakihin ninyo ang inyong mga anak nang may takot sa Diyos. Harapin ninyo ang mga responsibilidad ninyo bilang mga magulang at kayo ay magtulungan.

Kayo ay magtapos muna ng pag-aaral bago mag boyfriend at mag-girlfriend. Ang pag-aasawa ay hindi minamadali, lalo na sa panahon ngayon ay mahirap ang buhay. Para naman sa mga

magulang ng mga bata ay sana’y gabayan ninyo pa rin ang inyong mga anak dahil wala na tayong magagawa kung buntis na ang inyong anak. Ang magandang gawin ay gabayan at tulungan ang

bata pati na rin ang pagpapalaki sa sanggol. Alam naman nating magiging mahirap ito pero magtulungan lamang ay mairaraos naman ang lahat. – elena

****************

“Pag-aaral niyo muna ang unahin niyo.. Sundin niyo ang mga sinasabi ng inyong mga magulang dahil sila ang mas nakakaalam ng kung ano ang tama para sa inyo…Kung istrikto sila, ito rin ay makakabuti para sainyo. Huwag kayong mag-

aasawa ng maaga tulad ko...” –ana

Page 6: Nena'y Nanay, Totoy -- Tatay!

http://images.inmagine.com/img/polkadot/itf037/itf037020.jpg

http://www.wynnummanly.com.au/newsimages/Pregnant_silhouette.jpg

A. Konklusyon

Mula sa naging karanasan nina Jose, Jojo, Elena at Ana (mga hindi tunay na pangalan) pati na rin ng kanilang asawa, ating nalaman ang kanilang naging puna sa young parenthood. Lahat sila ay hindi nagpagapi sa mga hamon ng maagang pag-aasawa. Marahil ay isa itong kamaliang hinding-hindi nila makakalimutan dahil sa hirap na kanilang dinanas ngunit ito naman ay nagsilbing inspirasyon sa kanila na magkaroon ng pag-asa para sa kanilang hinaharap at isang matinding aral na kanilang maibabahagi sa kanilang mga anak at sa kabataan.

Ukol dito, mahihinuha na hindi biro ang maging isang teenage parent. Una, ang kanilang pagtanggap sa kanilang sitwasyon. Ikalawa, ang pagpapasyang ipagpalit ang kanilang buhay teenager sa pagiging mga magulang sa sanggol na kanilang naidulot. At ikatlo, ang kanilang mga paghihirap na gampanan ang kanilang mga responsibilidad bilang mga ganap na magulang ng kanilang mga anak sa murang edad.

B. Rekomendasyon

May tamang panahon para sa lahat ng bagay sa mundo. Sabi ng mga nakaranas na nito, masarap daw ang sex. Dahil sa kapusukan at kawalan ng tamang pagpapatnubay sa mga kabataan, hindi nila namamalayan na masyado na silang nagiging interesado sa bagay na ito hanggang sa darating ang panahon na bigla na lang mabuntis si Nene o makabuntis si Totoy.

Habang lumilipas ang panahon, pabata na nga nang pabata ang mga nagiging magulang. Ang pinaka-ugat nito – teenage pregnancy. Kung magkakaroon lamang ng sex education para sa lahat ng kabataan, hindi na nila hahanaphanapin pa ang kasagutan sa kanilang mga katanungan tungkol sa mga bagay-bagay katulad ng sex, kung paano ba ito nangyayari, at marami pang iba. Dagdag pa rito, magkakaroon na rin sila ng ideya tungkol sa mga epekto ng sex at ang mga responsibilidad na kailangan nilang gampanan bilang mga magulang sa hinaharap.

At sa pamamagitan ng kabataang “nadidisgrasya” sa sex at magkakaroon na rin sila ng tamang pananaw tungkol dito at sa mga bungang pangyayari na kaaikibat nito.

Sa kabilang banda, iminumungkahi ng mga mananaliksik na magkaroon ng iba pang mga pag-aaral na may mas masusi at mas malawak na pagkalap ng datos ukol sa wastong pag-aaruga ng mga teenage parents sa kanilang mga anak upang magsilbing gabay sa mga kabataang nasadlak sa kanilang kamalian para kahit na nasa murang edad, magiging epektibo pa rin ang kanilang pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Nangangailangan din ng mas marami pang sabdyek upang higit na mailahad ang mga epekto ng pagiging isang batang magulang upang maliwanagan nang lubos ang madla sa kung anu-ano ang pinagdadaanan nila.

Bibliograpiya

Annie E. Casey Foundation, 1998Booth, et. al., “Early Family Transitions and Depressive Symptom Changes From Adolescence to Early Adulthood”, Journal of

Marriage & Family, Feb 2008, Vol 7, No. 1, p10Davis, Deborah, You Look Too Young to be a Mom: Teen Mothers Speak Out on Love, Learning and Success, Pedigree Books,

2004McGraw-Hill Concise Dictionary of Modern Medicine. © 2002 by The McGraw-Hill Companies, Inc.Rolfe, Alson, Journal of Community & Applied Social Psychology; Jul/Aug 2008, Vol 18 Issue 4, pp299-314, 16p, 1 chart

Mga URL:http://www.buzzle.com/http://www.qolsandiego.net/docs/Teen%20Parent%20Research%20Paper.htmhttp://www.teenfad.ph/beintheknow_content.php?id=54http://www.yapa.org.au/openingdoors/parents/needs_issues.phphttp://www.womenshealthcannel.com/teenage pregnancy/index.shtml