Upload
others
View
4
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
NEGOSYONG HANDOG NG VGO
IKATLONG YUGTO
Taon 11 Blg. 3 Hulyo - Setyembre 2012
MAKINIG AT
MAKISANGKOT!
sa Radio Program ng Sangguniang
Panlalawigan na:
“SP Files” Mapapakinggan tuwing araw ng
MIYERKULES, ika-9:00-10:00 ng
umaga sa himpilang Radyo Bulacan,
95.9fm sa talapihitan ng inyong mga
radyo.
Hosted by Sec. Ma. Perpetua “Ua” R.
Santos at G. Jing Francisco
Idinaos noong Setyembre 5, 2012
sa Bulacan Provincial Gym ang ikatlong yugto ng Damayang Pilipino Programang Pang-kabuhayan ng Tanggapan ng Pangalawang Punong Lalawigan kung saan mahigit sa dalawandaan (200) nating kalalawigang walang sapat na pinagkakakitaan ang napag-kalooban ng mga kagamitan at puhunan para makapagsimula ng maliit na negosyo na magsisilbing daan upang mahango sila sa kahirapan at maging tulay tungo sa kaginhawahan at pag-asenso. May temang “Pangkabuhayan Mo, Sagot Ko, Paunlarin Mo,” pinangunahan mismo ni Vice-Governor Daniel R. Fernando, kasama ang ilang kagawad ng Sangguniang Panlalawigan, ang pamamahagi ng mga kagamitang
pangkabuhayan tulad ng mga kagamitan sa pagluluto at at mga sangkap sa pagluluto ng mga street foods tulad ng fish ball, banana cue, balut, chicharon at ng salaping puhunan.
Sa kanyang pagsasalita, tinuran ni Vice-Gov. Daniel ang layunin ng programang ito na kanyang isinulong, sa suporta at pakikiisa ng Punong Lalawigan Wilhelmino M. Sy-Alvarado, na maiangat ang kabuhayan ng ating mahihirap na kababayan na halos hindi malaman kung paano iraraos ang pang-araw-araw na pamumuhay.
Hiniling din niya sa mga tumanggap ng mga biyayang pangkabuhayang ito na sana ay mahalin at pagmalasakitan nila ito upang kanilang mapalago at mapaunlad ito at maging malaking tulong sa kanilang
mga pamilya. Tinuran din niya na sana ang mga ibinigay na kagamitang pangnegosyo ay pahalagahan nila at ang pagkakataong umasenso ay magsilbing hamon sa bawat isang nabiyayaan upang pag-ibayuhin ang pagsisikap na palaguin ito para sa kinabukasan ng kanilang pamilya.
Mayroong bagong mukha sa ating
Sangguniang Panlalawigan-- si Bokal
Enry L. Santos, na kahalili ni dating
Bokal Romeo Allan Robes na
nagbitiw sa tungkulin noong Mayo
15, 2012. Si Bokal Santos ay
nakaupo ngayon bilang kagawad ng
Sangguniang Panlalawigan mula sa
ikaapat na distrito ng Bulacan.
Opisyal siyang nanungkulan noong
Hulyo 17, 2012 sa ginanap na ika-28
na karaniwang pulong ng SP,
matapos siyang makapanumpa sa
harap ng Pangulong Benigno
“Noynoy” Aquino noong Hulyo 6,
2012 sa Palasyo ng Malacañang,
kasabay ng iba pang opisyales mula
sa nasyonal at lokal na pamahalaan.
Ipinanganak noong Agosto 4, 1965,
siya sa kasalukuyan ay naninirahan sa
Teosejo Subdivision, Bgy.
Maharlika, Lungsod ng San Jose Del
Monte, Bulacan. Siya ay nagtapos
kursong Bachelor of Bachelor of
Science in Industrial Engineering
mula sa Adamson University noong
1985. Siya ay kasal kay Florian
Nepomuceno at sila ay binayayaan ng
apat na anak, tatlong lalake at isang
babae.
Si Bokal Santos ay naging konsehal
ng Lungsod ng San Jose Del Monte
ng dalawang termino, noong 2001-
2004 at 2007-2010. Isang masipag at
magaling na mambabatas, si Bokal
Enry ay tumanggap na ng maraming
parangal at pagkilala, at pangunahin
dito ang pagkakahirang sa kanya
bilang Gawad Galing Sanggunian
Pinakanatatanging Kagawad ng
Sangguniang Panlungsod para sa
taong 2010 (GGS 2010 Most
Outstanding City Councilor).
Isang negosyante, siya ang
tagapamahala ng FGN Enterprises na
matatagpuan sa Lungsod ng San Jose
Del Monte.
Sa pagkakatalaga ni Bokal Santos
2
NEWEST KID ON THE SP BLOCK:
BM Enry L. Santos
bilang kagawad ng Sanguniang
Panlalawigan, ipaglilingkod niya ang
natitirang panahon sa termino ni Bokal
Robes, alinsunod na rin
sa itinatadhana ng Seksyon 44 ng Batas
Pambansa 7160 na lalong kilala bilang
Local Government Code of 1991.
Sang-ayon sa itinatadhana ng naturang
Seksyon 44, ang nabakanteng posisyon
ng isang lokal na opisyal ay maaaring
mapunuan sa pamamagitan ng
pagrerekomenda ng Sangguniang
Panlalawigan ng kanyang makakapalit
at/o sa paghirang ng punong lalawigan.
S
P
Q
U
I
K
S
T
A
T
J
a
n
-
S
e
p
t
2
0
1
2
I. PLENARY AFFAIRS: I. II. 1. Number of Sessions Conducted:
1st Quarter 2nd Quarter 3rd Quarter TOTAL
Regular Session 13 12 8 33
Special Session 0 1 3 4
13 13 11 37
2. Number of Resolutions & Ordinances Enacted:
1st Q 2nd Q 3rd Q TOTAL
1. Provincial Resolutions 44 41 31 116
2. Provincial Ordinances 9 6 3 18
3. Municipal/City Resolutions 5 5 2 12
4. Municipal/City Ordinances 78 33 27 138
136 85 63 284
II. COMMITTEE AFFAIRS:
1st Q 2nd Q 3rd Q TOTAL
Committee Meetings Conducted 121 93 40 254
Public Hearings Conducted 45 48 25 118
4. KAPASIYAHAN BLG. 269-T’12 KAPASIYAHANG NAGPAPATIBAY AT PINAHIHINTULUTAN ANG PUNONG LALAWIGAN KGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN, NG LOCAL GOVERNMENT OF BAGGAO, CAGAYAN NA KAKATAWANIN NI HON. LEONARDO C. PATTUNG, MD. MUNICIPAL MAYOR AT DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) NA KAKATAWANIN NI DIR. ROLANDO C. RAFAEL, Ph.D CESO III, DILG REGION 2, HINGGIL SA “GOOD PRACTICES IN LOCAL GOVERNANCE, FACILITY FOR ADAPTION AND REPLICATION, SCHOOL HYDROLOGICAL INFORMATION NETWORK (SHINe)
SA PAGTATAGUYOD NI: SP MEMBER RAMON R. POSADAS
5. KAPASIYAHAN BLG. 270-T’12 KAPASIYAHANG NAGPAPATIBAY AT PINAHIHINTULUTAN ANG KGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, PUNONG LALAWIGAN NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN AT NG DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH) NA KAKATAWANIN NG PROJECT DIRECTOR FOR PHILIPPINE-JAPAN HIGHWAY LOAN PROJECT MANAGEMENT OFFICE (PJHL-PMO), HINGGIL SA PROYEKTONG ARTERIAL ROAD BYPASS PROJECT, PHASE II (PLARIDEL BYPASS ROAD PROJECT, CONTRACT PACKAGES III AND IV)
SA PAGTATAGUYOD NINA:
SP MEMBER RAMON R. POSADAS SP MEMBER FELIX V. OPLE SP MEMBER ENRIQUE A. DELOS SANTOS, JR. SP MEMBER RINO V. CASTRO
3
1. KAPASIYAHAN BLG. 232-T’12 KAPASIYAHANG NAGBIBIGAY NG PAHINTULOT SA PUNONG LALAWIGAN, KGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO NA PUMASOK AT LUMAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN AT NG GAWAD KALINGA COMMUNITY DEVELOPMENT FOUNDATION, INC. NA KAKATAWANIN NG PATNUGOT NITO G. ANTONIO P. MELOTO PARA SA PROYEKTONG TINAGURIANG “THE PROVINCE OF BULACAN AND GAWAD KALINGA PARTNERSHIP: BULACAN HOUSE OF EXCELLENCE”
SA PAGTATAGUYOD NI: SP MEMBER RAMON R. POSADAS
2. KAPASIYAHAN BLG. 251-T’12
ISANG KAPASIYAHAN NA NAGPAPATIBAY AT NAGBIBIGAY PAHINTULOT SA PUNONG LALAWIGAN KGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN SA PAGPASOK SA ISANG MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) KASAMA ANG DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA) – REGIONAL FIELD OFFICE 03, NA KAKATAWANIN NI DIRECTOR ANDREW VILLACORTA, NA MAY KINALAMAN SA PROYEKTONG “PROMOTION OF ORGANIC AGRICULTURAL INPUTS PROCESSING THRU ESTABLISHMENTS OF ORGANIC LEARNING SITE IN THE PROVINCE OF BULACAN”. ITO AY KARAGDAGAN SA NAUNANG MEMORANDUM OF AGREEMENT NA NAGKAKAHALAGA NG P465,000.00
SA PAGTATAGUYOD NI: SP MEMBER RAMON R. POSADAS
3. KAPASIYAHAN BLG. 268-T’12 KAPASIYAHANG NAGPAPATIBAY AT PINAHIHINTULUTAN ANG KGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, PUNONG LALAWIGAN NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN AT NG DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH) NA KAKATAWANIN NI ENGR. GEORGE DC. SANTOS, OIC ASSISTANT DISTRICT ENGINEER, HINGGIL SA IMPLEMENTATION OF THE SPECIAL LOCAL ROAD FUND (SLRF) UNDER REPUBLIC ACT 8794 OR MOTOR VEHICLE USER CHARGE LAW (MVUC LAW) SA ATING LALAWIGAN
SA PAGTATAGUYOD NI: SP MEMBER RAMON R. POSADAS
SIGNIFICANT LEGISLATIONS for the 3rd Quarter (July – September 2012)
Ang Legislative Digest ay
inilalathala ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan apat na beses sa isang taon. Para sa komento, puna, suhestiyon o katanungan, makipag-ugnayan sa naturang tanggapan. Telepono Blg. – (044) 791-0019/ 791-8168 Website – http://sp.bulacan.gov.ph
SP PHOTO SHOOOOOT OSSP Family @ PGB Employees Family Day 2012
(Held on September 29, 2012 at the CEU Centrodome, City of Malolos)
Sec. Ma. Perpetua “Ua” Santos and OSSP staff took time out from their demanding works as Legislative Secretariat of the Sangguniang Panlalawigan, headed by Vice Governor Daniel R. Fernando, in providing administrative, technical and secretarial support to the Sangguniang Panlalawigan, to join Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado, the members of the Sangguniang Panlalawigan and the rest of the PGB family during the PGB Employees Family Day for a day of fun, laughter, recreations and amusements. Truly and literally, a red letter day for the OSSP Family!