2
Handa na si Juan! Nobyembre 7,2013, Nagmistulang isang bangungot ang naganap sa Tacloban City ng dahil sa hagupit na idinulot ng Bagyong Yolanda, nais man maabot ng gobyerno ang "zero casualty" sa super bagyong yolanda pero nabigo ito dahil sa libo libong nasawi sa Visayas Region partikular na sa Tacloban City, itinalang 5016 na katao ang nasawi sa trahedya idinulot ng bagyong ito. Kaya noong Hunyo 14,2014, ayon sa Executive Director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na si Alexander P. Pama, tagapagtiyak ng proteksyon at kapakanan ng mamamayan sa panahon ng sakuna at krisis , inirerekomenda niya sa iba't ibang stasyon ng telebisyon na isama sa kanilang palabas ang epekto ng mga kalamidad na pinagdadaanan ng bansa lalo na sa mga soap opera na madalas abangan ng masa, sa ganitong paraan, magiging handa tayo sa oras ng kalamidad at maiwasan ang libo libong nasasawi tulad ng nangyari sa Tacloban City. Hindi sapat ang pagpapalabas sa telebisyon ng mga ibat ibang parang ng pagiging handa sa oras ng kalamidad, dapat pati sa komunidad, paaralan at sa sariling tahanan ay meron tayong sariling pamamaraan upang maghanda. Dapat ay madalas na magkaroon ng general cleaning sa bawat komunidad upang maiwasan ang pagbaha dulot ng pagbara ng mga basura sa mga kanal, importante din na kahit sa paaralan at sa ating mga sariling tahanan ay magkaroon tayo ng disiplina at kusang loob na simulan ang pagakson sa mga maliliit na bagay. Sa tahanan, siguraduhing laging may nakaimbak na first aid kit, mga damit at mga pagkain na madali lang maluto upang mas madali ang paglikas. Sa paaralan, dapat nating matutunan sa mga simpleng bagay tulad ng pagtapon ng basura sa tamang lugar na ito ay

Nathaniele Baloloy- Risk Reduction.docx

Embed Size (px)

Citation preview

Handa na si Juan!

Nobyembre 7,2013, Nagmistulang isang bangungot ang naganap sa Tacloban City ng dahil sa hagupit na idinulot ng Bagyong Yolanda, nais man maabot ng gobyerno ang "zero casualty" sa super bagyong yolanda pero nabigo ito dahil sa libo libong nasawi sa Visayas Region partikular na sa Tacloban City, itinalang 5016 na katao ang nasawi sa trahedya idinulot ng bagyong ito.

Kaya noong Hunyo 14,2014, ayon sa Executive Director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na si Alexander P. Pama, tagapagtiyak ng proteksyon at kapakanan ng mamamayan sa panahon ng sakuna at krisis , inirerekomenda niya sa iba't ibang stasyon ng telebisyon na isama sa kanilang palabas ang epekto ng mga kalamidad na pinagdadaanan ng bansa lalo na sa mga soap opera na madalas abangan ng masa, sa ganitong paraan, magiging handa tayo sa oras ng kalamidad at maiwasan ang libo libong nasasawi tulad ng nangyari sa Tacloban City.

Hindi sapat ang pagpapalabas sa telebisyon ng mga ibat ibang parang ng pagiging handa sa oras ng kalamidad, dapat pati sa komunidad, paaralan at sa sariling tahanan ay meron tayong sariling pamamaraan upang maghanda. Dapat ay madalas na magkaroon ng general cleaning sa bawat komunidad upang maiwasan ang pagbaha dulot ng pagbara ng mga basura sa mga kanal, importante din na kahit sa paaralan at sa ating mga sariling tahanan ay magkaroon tayo ng disiplina at kusang loob na simulan ang pagakson sa mga maliliit na bagay.

Sa tahanan, siguraduhing laging may nakaimbak na first aid kit, mga damit at mga pagkain na madali lang maluto upang mas madali ang paglikas. Sa paaralan, dapat nating matutunan sa mga simpleng bagay tulad ng pagtapon ng basura sa tamang lugar na ito ay makakatulong ng malaki sa pagpapanatili ng kalinisan at maiwasan ang pagbaha sa mga kanal. Sana ay magkaroon ng planado at organisadong evacuation plan para sa mga residenteng nakatira sa bawat barangay.Sa oras na isagawa ang paglikas, dapat ay sumunod ang lahat ng mga residente upang maiwasan ang pagkakagulo na maaaraming magdulot ng pagkasawi ng marami.