MUSIKA v 3rd Rating

Embed Size (px)

Citation preview

MUSIKA V Date: ______________ I. Mga Layunin: Napahahalagahan ang ginagampanan ng timbre sa awitin Nasasabi ang pagkakaiba ng mga tinig ng mga mang-aawit

II. Paksang-Aralin Mga Tining sa Pag-awit Mga Kagamitan: "Cassette Player" "Tapes" ng mga tinig ng nagsasalita at umaawit na lalaki, babae, bata, matanda. III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Ipaawit ang "Umindak-indak" at "Our Big Round Earth". Pag-usapan ang gamit ng panandang pag-uulit sa simula at wakas ng isang seksyon o bahagi ng awit. B. Panlinang na Gawain: 1. Sabihin: Ang tao ay nilalang na may likas na instrumento sa lalamunan na tinatawag na "vocal chord". Ito an,g kauna-unahang instrumento na ginagamit ng isang tao sapagkat ang unang gawain ng isang sanggol pagkapanganak ay ang iparinig ang kaniyang tinig sa pamamagitan ng pag-iyak. 2. Hayaang makinig ang mga bata sa radyo o "tape recorder". 3. Pag-usapan ang mga tinig ng mga taong umaawit o nagsasalita. 4. Itanong: Sino ang umaawit o nagsasalita? Paano mo nakilala? Magkakatulad ba ng tinig ang mga tao 5. Sabihin: Malimit ay makaririnig ka ng tinig n,g mga taong umaawit. Mapapansin mo na ang tinig sa pagsasalita ay iba sa tinig na ginagamit sa pag-awit. Mapapansin mo rin na iba-iba ang tinig ng mga umaawit. ang tawag sa iba't ibang uri ng tinig ay timbre o uri ng kulay ng tunog. C. Paglalahat: 1. Ganyakin ang klase na makapagbigay ng paglalagom ng kanilang natutuhan sa aralin. 2. Itanong: An.u-ano ang iba't ibang tinig sa pag-awit? Paano nagkakaiba a~tg mga tinig ng Inga umaawit? Ano ang timbre? Saan ito tumutukoy? IV. Pagtataya: Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na Umindak-indak V. Takdang Aralin: Kabisaduhing mabuti ang awit na "Umindak-indak"

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________

MUSIKA V Date: ______________ I. Mga Layunin: Nasasabi ang katangian ng tinig na ginagamit sa iba't ibang pagkakataon

II. Paksang-Aralin Mga Katangian ng Tinig Mga Kagamitan: Tsart ng awit na "Doon Po sa Amin III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Paghahanda: Magbigay ng pagsasanay sa tinig. 2. Pagbabalik-aral: 1. Pag-usapan ang iba't ibang ud ng tinig sa pag-awit. 2. Itanong: Paano mo mapapaganda ang iyong tinig sa pag-awit? B. Panlinang na Gawain: 1. Sabihin: Ang iyong tinig ay maaari mong gawing malambing upan' bumagay sa kundiman. Ang kundiman ay isang uri ng awit na puno ng dmndamin at pagmamanal. Sa pamamagitan ng magandang himig, malumanay na ritmo at malambing na tinig ay maipahahayag ng isang umaaiwit ng kundiman ang kanyang pagmamahal, pagtatampo, pag- asa, hinanakit at iba pa. 2. Ituro ang awit na "Doon Po Sa Amin" sa pamamaraang pagagad. 3. Ipaawit sa mga bata ang awit. Hayaang mag-eksperimento sila sa pag-aangkop ng iba't ibang uri ng tinig. 4. Ipaawit sa mga bata ang "Happy Together" o isang awit ng martsa. C. Paglalahat: 1. Pag-usapan ang mga uri ng tinig na maaaring gamitin sa pag-awit ng kundimanat sa pag-awit ng martsa. 2. Itanong: Paano dapat awitin ang isang kundiman? Paano dapat awitin ang awit na martsa? Ano ang dapat gawin upang maging kaaya-aya sa pandinig ang tinig habang umaawit? D. Pangwakas nga Gawain: 1. Ipaawit ang "Doon Po Sa Amin" at ang "School". Subaybayan ang bawat pagawit ng mga bata at tiyakin na pinalalabas nila nang maayos ang kanilang mga tinig sa pag-awit. IV. Pagtataya: Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na Doon Po Sa Amin

V. Takdang Aralin: Kabisaduhing mabuti ang awit na " Doon Po Sa Amin "

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________

MUSIKA V Date: ______________ I. Mga Layunin: Napahahalagahan ang ginagampanan ng timbre sa tugtugin Napapangkat ang mga instrumentong musikal ayon sa uri ng tunog

II. Paksang-Aralin Mga Instrumentong Di-Tiyak ang Tono Mga Kagamitan: Mga instrumentong perkusyon III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain: 1. Ipaawit ang "Doon po sa Amin" at "School". 2. Pag-usapa:n ang mga tImbre ng tinig na angkop sa bawat awit. 3. Itanong: Anong timbre ng tinig ang dapat gamitin sa bawat awit? Paano ninyo mapagaganda ang timbre ng inyong tinig? B. Panlinang na Gawain: 1. Ilahad ang iba't ibang uri ng mga instrumentong perkusyon 2. Hayaang patunugin ng mga bata ang mga instrumento. 3. Magbigay ng mga pamantayan upang hindi sila maging magulo. 3. Pag-usapan kung paano tinutugtog ang mga instrumento at kung ano ang tunog ng bawat isa. 4. Uriin ang instrumento ayon sa tunog at pamamaraan ng pagtugtog. a. Tinutugtog sa pamamagitan ng pagpukpok, mga pinagtatama, pinag-uuntog, pinagkikiskis, kinakalog. b. Tunog ng mga instrumentongdi-tiyak ang tono. * mataas - triangle * mataginting - bell * mahina - castanets * matinis - triangle o bell * maigsi - sticks * mataas - triangle * makalabog - tambol * mababa - tambol C. Paglalahat: 1. Itanong: Paano malalaman kung ang isang instrumento ay may di-tiyak na tono? Paano mauuri ang mga instrumentong musikal ayon sa tono? D. Paglalapat: 1. Ipagawa ang mga sumusunod sa mga bata: Kumuha ng mga instrumentong perkusyon. Tuklasin kung paano matutugtog nang maayos ang mga instrumentong perkusyon. IV. Pagtataya: Pangkatin ang klase sa apat at pagpangkat-pangkatin ang mga instrumento ayon sa tim bre ng uri ng tunog. -

V. Takdang Aralin: Anu-no ang mga ibat bang uri ng instrumentong musical? Magbigay ng pagkakaiba ng bawat isa.

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________

MUSIKA V Date: ______________ I. Mga Layunin: Napahahalagahan ang ginagampanan ng timbre sa tugtugin Napapartgkat ang mga instrumentong musikal ayon sa uri ng tunog Nakatutugtog ng mga payak na himig sa instrumentong may tiyak na tono

II. Paksang-Aralin Mga Instrumentong May Tiyak ang Tono Mga Kagamitan: Mga instrumentong may tiyak na tono tulad ng organ, xylo phone, melodion

III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain: 1. Pagbabalik-aral: 1. Itanong: Anu-ano ang iba't ibang uri ng instrumentong musikal? Ibigay ang pagkakaiba ng bawat isa. Magbigay ng halimbawa ng lnga instrumentong di tiyak ang tono. B. Panlinang na Gawain: 1. Ilahad ang mga instrumentong may tiyak na tono tulad ng organ, xylophone, melodion, at harmonica C. Paglalahat: 1. Itanong: Paano malalaman kung ang isang instrumento ay may di-tiyak na tono? Paano mauuri ang mga instrumentong musikal ayon sa tono? 2. Hayaang patunugin ng mga bata ang mga instrumento. (Magbigay ng pamantayan upang hindi sila magulo) 3. Itanong/lpagawa: Kaya mo bang tumugtog ng instrumentong may tiyak na tono? Maaari kang tumugtog ng xylophone, melodion, marimba, organ o piano. D. Paglalapat: 1. Itanong: Anu-ano ang instrumentong may tiyak na tono? Paano tinutugtog ang mga ito?

o pinatutunog

IV. Pagtataya: Tugtugin ang awit na Twinkle, Twinkle Little Star sa isang instrumentong may tiyak na tono? V. Takdang Aralin: Maghandang tumugtog ng isang payak na himig na ginagamit ang isang instrumentong may tiyak na tono.

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________

MUSIKA V Date: ______________ I. Mga Layunin: Napahahalagahan ang mga instrumentong bumubuo ng rondalya Nakikilala ang iba't ibang instrumentong ginagamit sa rondalya Nasasabi ang katangian ng tunog na likha ng iba't ibang instrumento ng rondalya

II. Paksang-Aralin Mga Instrumentong Rondalya Mga Kagamitan: Mga larawan o tunay na instrumento ng rondalya III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain: 1. Pagbabalik-aral: 1. Itanong: Anu-ano ang dalawang uri ng instrumentong musikal? Ibigay ang pagkakaiba ng bawat isa. Magbigay ng halimbawa ng mga instrumentong may tiyak na tono. B. Panlinang na Gawain: 1. Pag-usapan ang mga pagtitipon at mga palatuntunan na mayroong mga rondalyang tum utugtog. 2. Ipaliwanag sa mga bata kung ano ang rondalya. 3. Isa-isang ilahad at ipakilala sa mga bata ang mga instrumento ng rondalya. 4. Magkuwento at magpaliwanag sa mga batao 5. Sabihin: Lima ang pangunahing instrumento ng rondalya C. Paglalahat: 1. Itanong: Anu-ano ang iba't ibang instrumentong ginagamit sa rondalya? Ipaliwanag ang katangian ng tunog ng bawat isa IV. Pagtataya: Bakit dapat pahalagahan at ipagmalaki ang rondalya? V. Takdang Aralin: 1. Anu-anong simbolo ang ginagamit sa paghina ng awit? 2. Anu-ano ang mga simbolo ang kumakatawan sa mga dynamics? Bakit mahalaga ang dynamics?

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________

______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________